You are on page 1of 8

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 10

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa kultura at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan
sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan?
A. Ekonomiya C. Globalisasyon
B. Migrasyon D. Paggawa

3. Alin ang pinakaangkop na paglalarawan ng globalisasyon?


A. Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura at agham sa daigdig
B. Paglawak ng pag-uunawaan ng mga tao sa buong daigdig
C. Pagkalat ng iba’t ibang produkto sa buong daigdig
D. Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa

4.. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


A. Tuwiran nitong binago, binabago, at hinahamon ang pamumuhay at mga“perennial” na
institusyon na matagal ng naitatag.
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya.

5. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano
ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago
na.

6. Ang dimensyon ng globalisasyon ay tumutulong sa mga salik kung saan ang globalisasyon ay makikita at
lumalago. Ang sumusunod ay kabilang sa dimensyong ito MALIBAN sa isa:
A. Biological B. Economic C. Environmental D. Socio-Cultural

7. Ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya at kaalamang siyentipiko ay dulot ng globalisasyon. Anong anyo
o dimensyon ito ng globalisasyon?
A. Economic B. Political C. Socio-Cultural D. Technological

8. Ang cultural integration ay isa sa dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon. Paano higit na mapapahalagahan
ang sariling kultura?
A. Pagpapakita ng magandang kaugaliang Pilipino sa iba’t ibang larangan na mag-aangat sa dangal ng bansa
B. Magkaroon ng pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo ayon sa pangangailangan
C. Mag-asawa ng ibang lahi mula sa higit na industriyalisadong bansa sa daigdig
D. Iwan ang propesyon sa Pilipinas upang kumita ng dolyar

9. Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?


A. Mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
C. Mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga bantang magdudulot ng pinsala
D. Nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa

10.Sang-ayon ka ba na makibahagi ang Pilipinas sa globalisasyon?


A. Oo, sapagkat malayang nakakaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.
B. Hindi, subalit kung magiging mabilis at mura ang komunikasyon ay okey lang.
C. Hindi, ngunit kung sisigla ang industriya ng America ay ayos lang.
D. Oo, dahil magiging mahal at mabilis na ang transportasyon.

11. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon
ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

.12. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang ihanda ang mga Pilipino sa hamong dala ng
globalisasyon?
A. Pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon at skills training ng mga mag-aaral.
B. Pagsugpo ng korapsyon at pag-aalis sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
C. Pagsugpo sa problema sa droga at kriminalidad sa bansa.
D. Pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral na nagmula sa mahihirap na pamilya

13. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at
paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng
serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy namang bumababa
ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English
ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang
mga Pilipino sa mga sebisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO.

14.Ang mga sumusunod na pahayag ay hamon sa epekto ng globalisasyon. Alin ang epekto ng
globalisasyon sa pangkalahatan?
A. Pag-unlad at pagpapalipalitan ng kaalamang pang-teknolohiya sa ibang bansa.
B. Pagbabago na kung saan nagkakaroon ng integrasyon ang iba't ibang aspeto ng buhay
ang mga tao.
C. Pagkakaroon ng oportunidad sa sektor ng paggawa sa ibang bansa.
D. Ang pagkakaroon ng mga kaalaman at mga pagpapalitan ng kultura at edukasyon.
15. Dahil sa kalakalan,malayang nakakapasok ang mga imported na mga produkto sa ating bansa at
makikita itong naibebenta sa ating local na pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
negatibong epekto ng pagpasok ng mga imported na mga produktong agricultural?
A. Nakikinabang ang mga mamimili sa mababang presyo ng mga produktong agricultural.
B. Magkakaroon ng kompetisyon sa imported at local na produkto ng bansa.
C. Nawawalan ng pinagkakakitaan ang mga magsasaka sa bansa.
D. Pagliit ng pagkita ng local na sector ng agrikultura.

16. Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga
intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa
17. Ang mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa maliban
sa______?
A. Job mismatch
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. Mababang pasahod
D. Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod.

18. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglaki ng unemployment at
underemployment ay ang paglaki ng job-mismatch? Bakit ito nangyayari?
A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
B. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan.
C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya.
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na kailangan
ng kompanya.

19. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng unemployment
sa bansa?
A. Modernisasyon ng agrikultura
B. Mabagal ang pag-unlad ng bansa
C. Mahirap na proseso para makapagnegosyo
D. Kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho

20. Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa
paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D.Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas
nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.

21. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon ipinatupad nila ang mura at
flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang
dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

22. Ang mga sumusunod na kaganapan ay nagpapakita ng di-mabuting


epekto ng kontraktwalisasyon sa lipunan. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Makabuo o sumapi sa unyon
B. Pinalala ang disempleyo sa bansa
C. Pinalala ang kahirapan ng mga manggagawa
D. Nilalabag ang lahat ng karapatan at proteksyon ng mga manggagawa

23. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon ipinatupad nila ang mura at
flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang
dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

24. Mahalaga sa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy
ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
A. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon
B. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa
pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo
C. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas
mahabang panahon
D. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng
anim na buwan
25. Ano ang mabuting epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino?
A. Pagpapatupad ng iba’t ibang flexible working arrangements base sa ILO.
B. Naiiwasan ng mga kompanya ang hindi magbayad ng mga benipisyo ng SSS at iba pa.
C. Hindi na sila kasali sa Collective Bargaining Agreement dahil ang kanilang gawain ay labor-
only.
D. Hindi na pinapayagan na sumapi sa alinmang organisasyon o union sapagkat ang kanilang
trabaho ay pansamantala lang ang kanilang security of tenure.

26. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at
flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa
pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa
ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa

27. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw ng iba’t
ibang anyo ng kontraktuwalisayon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang ito?
A. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan
B. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyon pinansyal sa Pilipinas.
C. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at batas
paggawa.
D. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit.

28. Mahalagang maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang
pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa
paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kumpanya at kapitalista
B. Pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng
pagkondena sa mga ito.
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalismo o may-ari ng
kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement
(CBA).

29. Ang “ENDO” ay sistema ng paggawa na umiiral noong 2016 ayon sa DOLE, ito ay iminungkahi ng
iba’t ibang mambabatas, ahensiya sa paggawa, at grupo ng mga mangagawa na tuluyan ng ibinasura.
Anong kalagayang mangagawa ang tinutukoy nito?
A. Contraction labor only
B. Job Order
C. Kaswal
D. Kontraktwalisasyon

30. Ayon sa ________, upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat
ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang pilipino tungo sa isang disenteng paggawa (decent
work)
A. Department of Social Welfare and Development
B. Department of Health
C. Department of Labor and Employment
D. Department of Interior and Local Government

31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Department of Labor and Employment?
A. Sangay ng pamahalaan na nagpapaunlad ng mga industriya at kalakalan sa bansa.
B. Sangay ng pamahalaan na tumitingin sa paglikha ng mga trabaho para sa masa upang
masolusyunan ang problema ng kahirapan.
C. Departamento ng pamahalaan na namamahala sa mga patakaran at suliranin sa paggawa
at empleyo at pinangangalagaan nito ang kapakanan ng mga manggagawa.
D. Ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mamamayan na mapaunlad ang kanilang
kasanayan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga paaralang pambokasyonal.

32. Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa na naglalayong palakasin at siguraduhin ang
paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa
A. Social Protection Pillar C. Employment Pillar
B. Worker’s Right Pillar
D. Social Dialogue Pillar

33. Ano ang ibig sabihin ng salitang migrasyon?


A. Pag-alis ng magulang para ng trabaho.
B. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
C. Pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gusto ng puntahan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan

34. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?


A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nagTNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ng mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas
ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.

35. Ang _______ ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
A. Migrasyon B.Stocks C. Flow D. Permanent Migrants

36. Ang _____ ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
A. Migrasyon B.Stocks C.Flow D. Permanent Migrants

37.Ano ang tawag sa mga taong nagpupunta sa ibang lugar o bansa na walang dokumento, walang
permit para magtrabaho na sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A. Irregular Migrants C. Temporary Migrants
B. Permanent Migrants D. Acquired Migrants labor
38. Sila naman ang mga taong nagtatrabaho sa mga bansang kanilang pinuntahan at may kaukulang
papepeles at manirahan nang may takdang panahon.
A. Irregular Migrants C. Temporary Migrants
B. Permanent Migrants D. Acquired Migrants labor
39. Ang mga OFW na may layunin sa pagpasok sa ibang bansa na hindi lamang upang magtrabaho
kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya kalakip ditto ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
A. Irregular Migrants C.Temporary Migrants
B. Permanent Migrants D. Acquired Migrants labor

40. Alin sa sumusunod na pahayag ang negatibong epekto ng migrasyon?


A. Nakapagdaragdag ng kitang ekonomikal
B. Nababawasan ang unemployment sa bansa
C. Nagkakaroon ng tinatawag na brain drain o brawn drain
D. Nagmula sa ibang bansa o lugar ang mga taong may dalang bagong skills o kaalaman

41. Paano nakaaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang brain drain?


A. Nabibigyan ang mga manggagawang Pilipino ng pagkakataong makapagsanay at
makapagtrabaho sa ibang bansa.
B. Napapantayan ng mga manggagawang Pilipino ang mga banyaga sa kaalaman at kasanayan sa
trabaho.
C. Nawawalan ng mga magagaling na manggagawang may kasanayan ang mga industriya ng ating
bansa.
D. Kumikita nang mas malaki ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
42. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtatrabaho sa
ibang bansa?
A. Apihin ng kapwa pilipino
B. Apihin ng kamag -anak
C. Diskriminasyon at sexual exploitation
D. Wala sa mga nabanggit

43. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa
isa. Ano ito?
A. Hanapuhay C. Edukasyon
B. Turismo D. Tirahan

44. Ang pangingibang-bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya,lalo na sa
kanilang mga anak. Ano ang maaaring maging negatibong epekto nito sa mga anak?
A. Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil may sapat na panustos sa kanilang
pangangailangan
B. Mapapariwara ang kanilang mga anak dahil walang gumagabay nang maayos sa kanila
C. Mapahahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang para sa
kanila
D. Wala sa nabanggit.

45. Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga
pangunahing pangangailangan na nag-uudyok sa mga tao upang mandarayuhan?
A. Kasaganahan C. Kahirapan
B. Kasiyahan D. Karapatan
46. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga
ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos

47. Daan-daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambahang pag- landfall ng Bagyong
Domeng sa loob ng 48 oras. Alin sa sumusunod ang inilalarawang dahilan ng migrasyon sa ibinigay na
sitwasyon?
A. Lumayo o umiwas sa kalamidad.
B. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
C. Magandang oportunidad gaya ng kabuhayan at kita.
D. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o urban areas.
48. Ano ang nararapat gawin ng pamahalaan upang hindi dumagsa ang mga tao sa mga lungsod
gaya ng Kalakhang Maynila?
A.Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
B. Paglunsad ng diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa Maynila
C. Paunlarin ang mga lalawigan upang magkaroon ng oportunidad na trabaho sa mga taga-roon.
D. Pagsasabatas ng pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila

49. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa sanhi ng migrasyon sa pag-unlad ng bansa?


A. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nakatutulong sila sa ekonomiya ng
bansa dahil sa remittances na kanilang pinapadala.
B. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brain drain sa
pinagmulang bansa.
C. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brawn drain sa
pinagmulang bansa
D.Sa pamamagitan ng migrasyon ay nangyayari ang transnational crime.

50.Paano tinutugunan ng ating pamahalaan ang panganib na tuluyan nang umasa sa kamag-anak
na OFW ang mga Pilipino?
A. Nag-anyaya ng libreng pagsasanay para sa mga kaanak ng OFW.
B. Nagbigay ng mas maraming pribelehiyo para sa mga kaanak ng OFW.
C. Nag-alok ng mas maraming hanapbuhay para sa mga kaanak ng OFW.
D. Naglunsad ng mga programa upang makapagtayo ng negosyo ang mga kaanak ng OFW.

SUSI SA PAGWAWASTO
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Araling Panlipunan 10

1. A
2. C
3. A
4. A
5. C
6. A
7. D
8. A
9. D
10. A
11. C
12. A
13. A
14. B
15. D
16. C
17. D
18. B
19. D
20. D
21. D
22. A
23. D
24. A
25. A
26. C
27. A
28. D
29. D
30. C
31. C
32. B
33. D
34. C
35. B
36. C
37. A
38. C
39. B
40. C
41. C
42. C
43. B
44. B
45. C
46. D
47. A
48. C
49. A
50. D

You might also like