You are on page 1of 4

QUARTERLY EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 10

Learner’s Name

Grade Level & Section

GENERAL INSTRUCTIONS: Read the questions carefully. Choose the best answer and write it on a separate sheet of paper.

1. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang ito ang gagawa
ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
a. Outsourcing b. fair trade c. subsidy d. pagtulong sa bottom billion
2. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural maliban sa isa. Alin
dito?
a. Paggamit ng mobile phones c. E-commerce
b. Pagsunod sa Kpop culture d. Pagpapatayo ng JICA building
3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. Ekonomikal b. Teknolohikal c. Sosyo-kultural d. Sikolohikal
4. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?
Ekonomikal

Sosyo- Kultural Politikal

a. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


b. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, political at kultural
c. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
d. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
5. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang ekonomiya.
Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________.
b. edukasyon, pamumuhay at isports
c. pagpapayaman at pagtutulungang politikal
d. kalakalan at pagtutulungang politikal
e. pagkakaibigan at pananampalataya
6. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
a. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
b. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na apekto.
c. Naaapektuhan nito ang maliliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya.
d. Tuwiran nitong binago, binaabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial”
na institusyon na matagal nang naitatag

7. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at kakayahang
umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang
dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
a. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
b. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
c. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis
d. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
8. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisayon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin
Towers sa New York. Anong perspektibo o pananaw ang isinasaad nito?
a. Ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
b. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
c. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.
d. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn.
9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng
mga manggagawang Pilipino”?.
a. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
b. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino.
c. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
d. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM).
10. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
a. Kawalan ng asawa.
b. Kawalan ng sapat na puhunan.
c. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim.
d. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda.
11. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon ipinatupad nila ang mura at flexible
labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng
paglaganap nito sa bansa?
a. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
b. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
c. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis.
d. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
12. Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa noong dekada ’80, nagpatuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang
industriya sa bansa. Kasabay nito ang __________.
a. Ang patuloy na pagliit ng mga lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.
b. Ang pagkawala ng hanapbuhay ng mga magsasaka.
c. Ang paghina ng agrikultural na pamumuhay.
d. Ang pagtaas ng demand ng mga produktong Agrikultural.
13. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa?
a. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
b. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
c. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
d. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
14. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng IMF-WB
at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito?
a. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa.
b. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa
mababang halaga.
c. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan lamang
para sa ibang bansa.
d. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at
pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya.
15. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon?
a. Nakabubuo ng mga unyon sapagkat may trabaho.
b. Hindi nakatatanggap ng karampatang sahod at mga benepisyo ang mga manggagawa.
c. Maiiwasan ang pagbabayad ng separation pay ng mga kapitalista sa mga manggagawa.
d. Hindi kinikilalang contracting company ang relasyong “employee-employer”
sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensiya.
16. Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang?
a. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
b. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
c. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa
kanila ng mga taong galit sa kanila.
d. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget,
computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
17. Ano ang migrasyon?
a. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
b. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
c. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.
d. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente.
18. Sino ang pangunahing naaapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga magulang?
b. Pamilya B. Mga kapitbahay C. Mga kamag-anak. D. Mga Kaibigan.
19. Sino ang mga binansagang “economic migrants”?
c. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
d. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.
e. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
f. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan.
20. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa?
a. Diskriminasyon c. Sexual exploitation
b. Diskriminasyon at Sexual exploitation d. Human Trafficking
21. Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing
pangangailangan na nag-uudyok sa mga tao upang mandarayuhan?
a. Kahirapan b. Katiwalian c. Polusyon d. Pagtaas ng populasyon
22. Ang mga Ilocano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Hawaii – karamihan sa kanila ay pinetisyon ng mga
unang Ilocano na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon ang inilalarawan dito?
a. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad. c. Panghihikayat ng mga kamag-anak.
b. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan. D. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan.
23. Lahat ng sumusunod ay mga dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban sa isa. Alin dito
ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.
b. Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa.
c. nanirahan kasama ang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.
d. Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.
24. Mababa lamang ang tinapos ni Maria kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang domestic helper sa Singapore. Ito
ay bunsod ng kadahilanang wala siyang mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa
mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Maria?
a. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
b. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.
c. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
d. Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.
25. Daan-daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambahang pag- landfall ng Bagyong Domeng
sa loob ng 48 oras. Alin sa sumusunod ang inilalarawang dahilan ng migrasyon sa ibinigay na sitwasyon?
a. Lumayo o umiwas sa kalamidad.
b. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
c. Magandang oportunidad gaya ng kabuhayan at kita.
d. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o urban areas
26. Kamakailan ay naging laman ng pandaigdigang balita ang paglusob ng mga makakaliwang grupo sa lungsod ng
Marawi. Ano ang ugnayan ng paglusob ng mga grupong ito sa migrasyon?
a. Ang mga tao ay umiiwas sa kalamidad kaya nangyayari ang migrasyon.
b. Ang mga tao ay walang mapasukang trabaho kaya nangyayari ang migrasyon.
c. Ang mga tao ay nakakaranas ng malnutrsiyon kaya nangyayari ang migrasyon
d. Ang mga tao ay naghahanap ng payapang lugar kaya nangyayari ang migrasyon.
27. Ano ang maaaring maging epekto kapag nagdagsaan ang mga tao sa mga lungsod?
a. Paglobo ng populasyon sa mga lungsod. C. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod.
b. Pananatili ng populasyon sa mga lungsod. D. Pagdomina ng mga taga-probinsiya sa mga lungsod.
28. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting bunga ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng
Pilipinas?
a. Brain Drain b. Economic Migration c. Integration d. Multiculturalism
29. Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang ay nasa ibang bansa?
a. Ang mga anak ay maaaring mapariwara dahil sa kawalan ng oras ng mga magulang.
b. Mapahahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang para sa kanila.
c. Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil sapat ang pangangailangang pinansiyal.
d. Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga anak dahil sa pagsusumikap ng mga magulang na nasa
ibang bansa.
30. Alin sa mga sumusunod ang nagpalala sa kawalan ng trabaho na maaaring humantong sa krisis pang-ekonomiya sa
kasalukuyan?
a. Hindi pagkakaunawaan ng Tsina at Estados Unidos.
b. Pag-aagawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.
c. Paglaganap ng Corona Virus Infectious Disease (COVID-19).
d. Paglaganap ng sistemang kapitalismo sa maraming bansa sa mundo.
31. Sa Italy mayroon silang “batas sa seguridad” legge sella siwrezza. Layunin nito ang magkaroon ng maayos na
integrasyon ng mga dayuhan sa Italy at magandang relasyon ng mga Italyano at mga dayun. Ito ay epekto ng
migrasyon na tumutukoy sa?
a. Pag-unlad ng Ekonomiya c. Brain Drain
b. Pagbabago ng Populasyon d. Integration at Multiculturalism
32. Ayon sa datos na naitala ng Philippine Statistics Authorirty na dati ay NSA noong taong 2012, ang perang ipinadala ng
mga migrante papunta sa mga papaunlad na bansa (developing countries).
a. Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang-pantao.
b. Negatibong implikasyon sa pamilya at pamayanan
c. Pag-unlad ng ekonomiya.
d. Integration at Multiculturalism
33. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak
nito. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
a. makisimpatya sa kanila.
b. bigyan sila ng sulat ang isa’t isa.
c. bigyan sila ng load na pantawag.
d. magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila.

34. Bakit kinakailangan ng ibang mga magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang pamilya?
a. Gusto nilang gastusin ang pera nila dahil sobra-sobra na ito para makapamasyal.
b. Gusto nilang mag-abroad dahil sa kanilang mga anak at asawa, sa kabila nito ay para sa kanilang ikauunlad
ng pamumuhay.
c. Gusto nilang masiyahan dahil makakapamasyal sila sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa
pagtatrabaho nila sa ibang bansa.
d. Gusto nilang makapagpupundar ng mga mamahaling ari-arian at maiangat ang kanilang pamumuhay at
apihin ang dating nang-api sa kanila.
35. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan, kaya napagpasyahan
niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi naman siya nangulila, sapagkat
may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa buhay ni Jun-
jun?
a. Ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya.
b. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid.
c. ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan.
d. Ang pagtangkilik sa gawang dayuhan.
36. Si Ginang Delos Reyes ay nagdadalang tao, siya ay isang empleyado sa Kagawaran ng Edukasyon, kapag manganganak
na ba si Gg. Delos Reyes ay mayroong karampatang prebilihiyo na lumiban sa Trabaho?
a. Oo, dahil ito ay nakasaad sa Batas Republika Blg. 676
b. Oo, dahil ito ay nakasaad sa Batas Republika Blg. 772
c. Oo, dahil ito ay nakasaad sa Batas Republika Blg. 442
d. Oo, dahil ito ay nakasaad sa Batas Republika Blg. 1933
37. Si Albert ay 12 anyos pa lang ng nagtatrabaho na siya bilang isang kargador ng gulay sa palengke. May nalabag bang
batas ang employer ni Albert?
a. Oo, Basi sa batas ng Pangulo Blg. 442
b. Oo, ito ay nakasaad sa Batas Republika Blg. 1131
c. Hindi, dahil si Albert ay naghahanap buhay.
d. Hindi, dahil ito ay kagustuhan ni Albert at bukal sa kanyang kalooban.
38. Aksedenteng nasunog ang braso ni Gay habang nagluluto ng tinapay sa oras ng trabaho.
Kung ikaw ang may-ari ano ang iyong dapat gawin alin sunod sa Batas Republika Blg. 722?
a. Huwag pasahurin dahil naabala ang trabaho.
b. Pababayarin sa oras na naabala dahil sa aksidente.
c. Payagang lumiban sa trabaho para magpagamot.
d. Babayaran mo ang gastusin sa hospital at bayad din siya habang nagpapagaling.
39. Si Maria ay isang kasambahay, siya ay nakakaranas ng pagmamalupit ng kanyang amo. May Karapatan bang
magreklamo si Maria tungkol sa pagmamalupit ng kanyang amo?
a. Wala, dahil siya ay isang kasambahay lamang.
b. Wala, dahil maaaring siya ay may nagawang pagkakamali.
c. Oo, dahil bawal ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan.
d. Oo, dahil siya ay tao at nasasaktan din.
40.Noong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas sa kanilang bansa. Ano ang
mahihinuha rito?
a. mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
b. kahirapan ang namamayani sa Asya at hindi kaginhawaan ng pamumuhay
c. kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga Asyano sa kanilang bansa
d. mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ang mga Asyano bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na
mapapasukan na angkop sa kanilang natapos

You might also like