You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

KWARTER 2
Pagtugon sa Isyu ng Paggawa sa Bansa

Ang Globalisasyon at ang mga Isyu ng Paggawa


Tugon:
 Bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa
pandaigdigang kompetisyon.

Kakayahan na Maka-Angkop sa Global Standard sa Paggawa


Tugon:
 Isa sa pagtugon na isinasagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga mag-aaral na
Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa (decent work) na naglalayong magkaroon ng pantay na
oportunidad ang bawat isa sa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa

Iskemang Sub-contracting
-ay tumutukoy sa kaayusan kung saan ang kumpanya (principal) ay kumukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang traabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

Dalawang Anyo ng Subcontracting


Labor-Only Contracting
-na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang
pinasok niyang manggagawa ay direktang may kinalaman sa mga Gawain ng kumpanya.

Tugon:
 Mas mainam na ang pamahalaan ay may sapat na puhunan para dito.

Job-Contracting
- naman ay ang subcontracting na may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga Gawain
ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala siyang direktang kinalaman sa mga gawain
ng kumpanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil maapektuhan nito ang seguridad
ng mga manggagawa na nag tatrabaho
Tugon:
 Hindi pinapayagan sa batas dahil naapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa.

Unemployment at Underemployment
Tugon Unemployment
 Wastong pasahod.
 Oportunidad para makapagtrababo
 Komprehensibo at pangmatagalang plano ng pamahalaan na makalikha ng trabaho.
 Sapat nang kasanayan sa trabaho
 Tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon.
 Sapat na edukasyon para sa trabaho.
 Patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.

Underemployment
 Wastong pasahod
 Komprehensibo at pangmatagalang plano ng pamahalaan na makalikha ng trabaho.
 Sapat na puhunan sa negosyo
 Patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.

Mura at Flexible Labor


- Isang matinding hamon and kinakaharap ng mga manggagagawa mula ng ipatupad ang patuloy na
paglala ng Mura at Flexible labor sa bansa (IBON,2006).
- Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pag-papasahod at pag limita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng
labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t-ibang mga bansa.
MGA BATAS NA NAIPATUPAD NA MAY KINALAMAN SA SUBCONTRACTING AT FLEXIBLE LABOR
• Rehimeng Marcos:

o Pinagtibay ang Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code; patakarang pinaghanguan ng flexible labor.
o Investment Incentive Act of 1967- malayang kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng
patakarang neo-liberal.

• Administrasyon Corazon C. Aquino:

o Buong-buo na niyakap ng Neo-liberal na globalisasyon at ginawang bukas sa mga dayuhang


namumuhunan ang kalagayan ng paggawa.
o Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991- batas na nagpapatibay sa mga
patakarang neo-liberal; mga batas na nagbibigay ng buong laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa at
nag-sisilbing malawak na impluwensya ng mga kapitalisata upang ilipatlipat ang kanilang produksyon sa
mga itinayong branch companies sa panahong may labor dispute sa itinayo nilang kumpanya.
o Labor Code (PD 442) na sinusugan noong Marso 2, 1989 at nakilalasa RA 6715 (Herrera law).
o Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas na pamumuhunan, kalakalan at batas paggawa madaling
naipataw ng mga kapitalista ang patakarang mura at flexible labor o kontraktwalisasyon.

• Administrasyong Ramos:

o Isinunod ang mga paakarang magpapalakas ng flexible labor


o Department order No.10 ng DOLE- probisyong nagsasabing maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi
kayang gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa mga absent sa trabaho, gawaing
nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya ito ang mga gawaing ginagampanan ng regular na
manggagawa

• Administrasyong Arroyo:

o Department Order 18-02 -binalasa ang probisyon ng DO 10 ng DOLE at isinasaad ang pagbabawal ng
pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing nakakaapekto sa mga regular na manggagawa at magreresulta sa
pagbabawas sa kanila ng oras/araw ng paggawa at makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas ng kasapi;
pagpapahina ng bargaining leverage
o pagkahati ng bargaining unit.

• Administrasyong Benigno Aquino:

o Nilagdaan and panukalang batas na nagaamenda sa Philippines Employment Service Office (PESO) Act of
1999 upang mapalawak ang oportunidad para sa pag eempleyo ng mga Pilipino partikular ang mga
naninirahan sa lugar na rural

• Administrasyong Duterte:
o tinapos ang kontra-illegal contracting at subcontracting sa mga manggagawa (Contractualization vs Endo).
o Department Order No. 30- layunin tanggalin ang subcontracting sa mga kumpanya. Layunin din nito ang
tukuyin ang legal at illegal na contractualization.
o Department Order 18-A -Pag modify ng Department Order No. 30.
o DOLE pushes for flexible work arrangements in this time of COVID-19 Pandemic

Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa


Tugon:
Mas pinaigting ang pagkakaisa ng hanay ng mga pag-oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang
itinatangi regular man o hindi, kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang
mga isyung magiging kapaki-kapakinabang sa uring manggagawa
➢ Dahilan ng kawalan ng trabaho:
1. Hindi angkop ang kasanayan/ kakulangan ng kasanayan.
2. Kulang ng sapat na kaalaman.
3. Mismatch sa mga kurso at sa hinahanap ng industriya.
4. Maliit na sahod.
5. Malayo ang pinapasukan.
6. Hindi sapat ang kaalaman dahil sa hindi nakatapos ng pag-aaral.
8. Kakulangan sa lakas ng loob o mababa ang tingin sa sarili.
9. Pandemic o dulot ng COVID-19 sa kasalukuyan.

➢ Epekto ng kawalan ng trabaho:


Ang pamahalaan ang isa sa mga apektado ng kawalan ng trabaho. Mangangahulugan ito ng
mas madami ang aasa sa pamahalaan para sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Nagangahulugan din ng pagtaas ng antas ng kahirapan.
1. Pagliit ng makokolektang buwis.
2. Mabagal na pagunlad ng ekonomiya o Nangangahulugan ito ng pagliit ng kakayahang bumili (Purchasing
power) ng mga mamayan. Kung kaunti ang demand sa mga produkto dahil sa kawalan ng kita maapektuhan
ang pagbuo ng mga kalakal at serbisyo ng mga kumpanya o bahay kalakal.
3. Mababang antas ng pamumuhay
4. Pagkawala ng kasanayan o Kung hindi magagamit ang pinag-aralan o kasanayan iba ang nagiging gawain,
ito ay maaaring mawala.
5. Pagtaas ng krimen at Prostisusyon. o Bumabaling sa ibang gawain upang matugunan ang pangangailangan
ng pamilya.

EPEKTO NG KONTRAKTUWALISASYON SA MGA MANGGAGAWA


Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga manggagawang kontraktuwal/kaswal.Hindi
sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular.
*Naiiwasan ang pagbabayad ng separation pay,SSS, Philhealth, PAGIBIG, atbp.
*Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement(CBA)dahil hindi sila
kasama sa bargaining unit.
*Hindi sila maaaring magbuo o sumapi sa Unyon dahil walang katiyakan ang kanilang security of tenure.
*Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa mga manggagawang nasa
empleyo ng isang ahensya.

TANDAAN:
➢ Natunghayan sa bahaging ito ang iba’t-ibang isyu sa paggawa na kung saan binago ng globalisasyon ang
market place at daloy ng paggawa sa bansa na lalong nagpalala sa kontraktuwalisasyon at job mis-
match..Bilang tugon sa mga isyu at hamon patuloy ang pangangampanya ng mga manggagawang Pilipino
tungo sa isang disente at marangal na trabaho.

➢ Iniaangkop ng pamahalaan ang kasalukuyang kurikulum para sa demand ng “globally standard”


na paggawa.
➢ Malayang naipatutupad ng mga kapitalista ang iskemang kontraktuwalisasyon para ibaba ang gastos sa
paggawa,alisin ang anumang proteksyon at tuwirang reponsibilidad sa manggagawa.
➢ Ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch sa bansa ay maituturing ng krisis.

You might also like