You are on page 1of 5

"Mura at Flexible Labor

Isang matinding namon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula nang ipatupad arig patuloy na
paglala ng "mura at flexible labor sa bansa (IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o
mamumuhunan uparig, palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa, isang paraan
ito upang sila ay makalwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na
nararanasan ng iba't ibang mga bansa.

Sa panahon ng rehimeng Marcos, pinagtibay ang Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code bilang
patakarang pinachanguan ng fiexible labor. Nauna nito na isinabatas ang Investment Incentive Act of
1967 para ilunsad ang malayang kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo-liberal
(Balikan ang naging talakayan sa patakarang to sa unang aralin). Isinunod dito ang pagsasabatas ng
RA 5400-para itayo ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ), at iba pang Economic Processing Zone
(EPZ) bilang show case ng malayang kalakalan.

Subalit nahirapan ang dating Pangulong Marcos na maipatupad ang flexible labor dahil sinalubong at
binigo ito ng mga demonstrasyon at kilusang anti-diktadura hanggang sa pagsiklat ng pag-aalsa sa
EDSA noong 1986.

Sa pagpasok ng administrasyong Corazon Aquino, buang-bua nitong niyakap ang neo-liberal nin
globalisasyon at kasunod nito, ginawang bukas para sa mga dayahang mamumuhunan ang kalagayan

ng paggawa.

Isinabatas ang Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991 na batas na
nagpapatibay sa mga patakarang neo-liberal. Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong laya sa
daloy ng puhunan at kajakal sa bansa ay nagsilbing malawak na impluwensiya ng mga kapitalista
upang ilipat lipat ang kanilang produksyon sa mga itinayong branch companies sa panahong may
labor dispute sa kanilang itinayong kompaлуа

Sinusugan noong Marso 2, 1989 ang Labor Code (PD 442) ni dating Pangulong Marcos na kilala
ngayong RA 6715 (Herrera Law) na isinulong ni dating Senator Ernesto Herrera

Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan at kalalakalan at batas paggawa,


madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang mura at flexible labor o kontraktwalisasyon.

Sa simula, ginamit ng mga kapitalista ang probisyon ng batas paggawa hinggil sa kaswal, kontraktwal,
temporary, seasonal, on the job training at ang probisyon ng Article 106-109 hinggil sa
pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing hindi bahagi ng produksyon gaya ng security guard,
serbisyong janitorial, at messengerial Isinunod ang ibat bang bahagi ng operasyon ng kompanya gaya
ng pagbuburde, paggawa ng patches, etiketa, at emboss sa garments

Sa mga kompanya naman ng sapatos, inihiwalay ang taga-gawa ng swelas at para sa iba pang bahagi
ng sapatos. Ihiniwalay in ang pag- assembliya, sa mga kompanya ng pagkain gaya ng San Miguel
ihiniwalay ang bawat brand ng produkto gaya ng beer, soft drinks, meat processing, hauling
hanggang warehousing af marami pang iba. Sa PLDT, MERALCO at MWSS, inihiwalay ang lise man at
repair man, ang meter reader at billing section, ang sales division at marami pang iba

Isusunod na ng gobyerno ang mga patakarang magpapalakas ng flexible labor gaya ng Department
Oster No. 10 ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa panahon ng Adminitrasyong Ramos
at Department Order 18-02 ng DOLE panahon naman ng Administrasyong Arroyo
Nilalaman ng Department Order 10 ng DOLE ang probisyong maaaring pakostrata ang mga traianong
hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa panalit sa mga absent sa trabaho, mga
gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya-ang mga ito ay gawaing
ginagampanan ng mga manggagawang regular

Naging malaking usapin ito kaya't binalasa ang probisyon ng Department Order 10 ng DOLE sa ilalim
ng Department Order 18- 02, isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at
gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at
ng kanilang oras o araw ng paggawa, o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon gaya ng
pagbabawas ng kasapi pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati ng bargaining unit

Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa

Noong taong 1992, wala pa ang Department Onder No. 10 at 18- 02 ng DOLE, may 73% nang
pagawaan sa bansa ang nagpapatupad gumagawa ng iba't ibang flexible working arrangements, ayon
sa International Labor Organization o ILO (1992). Samantala sa pagitan ng 1992 at 1997, sa sektor ng
industriya pa lamang sa bawat isang manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang
kontraktuwal/kaswel Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag compleya ng mga
temporaryong manggagawa/karwal dahil nagbabago-bago ang mga job orders o purchase orders ng
kanilang kalakal, at bumababa ang halaga ng kanilang produkto sa pandaigdigang paminitten. May 13
ng mga kompanya ang nag-empleyo ng mga katai at kontra duwal upang maiwasan ang pagkakaroon
ng unyon sa mga manggagawa noon, Ayon sa ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang
ganitong sistema ng kontraktuwalisasyon sa paggawa Bunsod nito ayammumungkahi ng iba't bang
mambabatas, ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng manggagawa na tuluyan ng ibasura ang
sistemang kontraktuwallsaayon o kilala rin ngayon na endo

Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga manggagawang kontraktowal/kaswal. Hindi
sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular Naliwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayading separation pay, SSS,
PhilHealth at iba pa. Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining
Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi
sa unyon dahil walang katiyakan o pansamantala lang ang kanilang security of tenure. Maliban pa
rito, hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa mga
manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya. Iginigit ito ng mga kapitalista kant ang mga ito ay
itinuturing na labor only contracting na ipinagbabawal ng batas.

Sa tuwing natatalakay ang usapin ng pagpapakontrata, napipilitan ang mga mahina na magsama-
sama at maglunsad ng iisang pagkilos. Ang pana-panahong pagkilos na ito ang lumilikha ng atensiyon
at nakatatawag-pansin sa pandaigdigang komunidad. Nagbibigay ito ng impresiyang hindi sumusunod
sa pandaigdigang mga pamantayan sa paggawa ang batas paggawa sa Pilipinas

Ang Department Order 18-A ng DOLE trong 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa
pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin
ng karapatan ng mga manggagawang kontrakluwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-
regular) at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
Makikita sa kasunod na Talahanayan ang mga probisyon ng ilang kautusan mula sa Department of
Labor and Employment (DOLE) laban sa pagpapakontrata sa paggawa.

Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa

Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring pagkakaisa at determinasyon upang isulong
ang kanilang mga karapatan (tunghayan ang Pigura 22). Kung ang mga kapitalista ay mulat sa
kalakaran na maging dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na Kailangan maging mulat bilang
uri at maging alerto ang mga manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor

Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang marangal na trabaho para sa
lahat. Pag-oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang itinatangi regular man o hindi,
kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang mga Isyung magiging
kapaki-pakinabang sa uring manggagawa

Mas paigtingin ang pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga manggagawa sa bago at mahirap na


kalagayan. Pagsulong sa ilang probisyon ng DO 18-A, na angkop para maisagawa ang bagong
kaayusan sa paggawa

Sa kabilang banda, hindi maitaas ang suweldo, hindi maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at
madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa sapagkat mahihirapan ang mga
namumuunat negosyante at may ari ng Trananabonal Corporations (TNC) na pagkaloob ang mga ito
dahil sa petakarang uma sa tang sana na kakompetensiya ng sariling bansa sa produksiyon katulad ng
China na may mataas na demand ng pangangalungen ng mga pamumuhunan dahil sa mababa, mura
at Rexible labor
Migrasyon: Konsepto at Konteksto

Tuwiran ang ugnayan sa isyu ng paggawa sa panipunang kalagayan ng marami sa mga Pilipino. Sa
katunayan, ang pag-alis ng mga manggagawang Pilipino ay lumikha ng mga oportunidad at hamon os
pamahalaan at lipunang Pilipino Lubusang unawain ang konsepto at kontexato ng migrasyon ng mga
Psipno

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o tentoryong
politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Ang dahilan ng pag-alis o
paglipat ay kalimitang mauugat sa sumusunod:

qhanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na Inaasahang maghahatid ng masaganang


1.amumuhay:

2.paghahanap ng ligtas na tirahan

3.panghihikayat ng mga kapamilys o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa,

4.pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang


termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at
stockfigures

Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow entries
or Immigration Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o Jumalabas ng bansa na madalas
tukuyin bilang emigration, departures or outflows Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng
pumasok nakukuha ang tinatawag is net migration

Samantala ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatin sa bansang nilipatan.
Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobilly ng mga tao habang ang stock
naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon

Pag-aralan ang mga datos at impormasyon na nailahad tungkol sa naging pandarayühan ng mga
manggagawa sa buong mundo.

1.Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng
populasyon sa buong mundo

2.Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay

You might also like