You are on page 1of 2

ALMACEN-TORREVILLAS NATIONAL HIGH SCHOOL

Lamintak Sur, Medellin, Cebu


JUNIOR HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN 10

Name: _____________________________________________________Grade & Cluster: _________________Date: __________

Pasulit I - MARAMING PAGPIPILIAN. PANUTO: Piliin ang titik ng pinakaakmang sagot at bilugan ito.
1. Kung ihahambing noon, ang Pilipinas ay may maikling Basic Education kaya tinuturing na second class professionals ang
karamihan sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng reporma sa Sistema ng edukasyon noong 2010 na tinatawag na _______.
A. K-to-12 Curriculum B. Bologna Accord C. Washington Accord D. Monroe Doctrine
2. Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang nakapagpabago ng lubusan sa buhay ng mga tao?
A. Globalisasyon B. Edukasyon C. Ekonomiya D. Kultura
3. Naglalayong palakasin at siguruduhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga
karapatan ng mga manggagawa.
A. Haligi ng Empleyo C. Haligi ng Kasunduang Panlipunan
B. Haligi ng Karapatan ng Manggagawa D. Haligi ng Panlipunang Kaligtasan
4. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
A. Industriya B. Paglilingkod C. Agrikultura D. Impormal na sector
5. Ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan.
A. Fair Trade B. Bottom Billion C. Subsidies D. Guarded Globalization
6. Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.
A. Haligi ng Empleyo C. Haligi ng Panlipunang Kaligtasan
B. Haligi ng Karapatan ng Manggagawa D. Haligi ng Kasunduang Panlipunan
7. Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga local na namumuhunan at pangalagaan
ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang mamumuhunan.
A. Fair Trade B. Bottom Billion C. Subsidies D. Guarded Globalization
8. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggawa ay walang makita o mapasukang trabaho.
A. Employment B. Unemployment C. Labor Organization D. Underemployment
9. Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng
paglikha ng mga collective bargaining unit.
A. Haligi ng Empleyo C. Haligi ng Panlipunang Kaligtasan
B. Haligi ng Karapatan ng Manggagawa D. Haligi ng Kasunduang Panlipunan
10. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal
na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
A. Subcontracting scheme B. Labor-only Contracting C. Job-contracting D. Mababang pasahod
11. Anong sektor ang may pinakamalaking bilang na naempleyo sa taong 2019?
A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Lahat ng nabanggit
12. Alin sa sumusunod na rehiyon ng bansa ang may pinakamataas na bahagdan ng unemployment?
A. BARMM B. Northern Mindanao C. Bicol Region D. Ilocos Region
13. Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan para gawin ang trabaho o serbisyo kaya ang pinipiling manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
A. Subcontracting scheme B. Labor-only Contracting C. Job-contracting D. Mababang pasahod
14. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na bahay-
pagawaan para sa mga manggagawa.
A. Haligi ng Empleyo C. Haligi ng Panlipunang Kaligtasan
B. Haligi ng Karapatan ng Manggagawa D. Haligi ng Kasunduang Panlipunan
15. Alin sa sumusunod ang bumaba ng bilang na naempleyo sa taong 2019?
A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Lahat ng nabanggit
16. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
A. Job-Mismatch C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon o Endo D. Pandemyang COVID-19
17. Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang
mga manggawa.
A. Job-Mismatch C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon o Endo D. Pandemyang COVID-19
18. Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa
kakayahan o pinag-aralan nito.
A. Job-Mismatch C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon o Endo D. Pandemyang COVID-19
19. Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa
halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa
mga kinakailangan ng trabaho.
A. Employment B. Unemployment C. Labor Organization D. Underemployment
20. Ang subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok
ng subcontractor.
A. Subcontracting scheme B. Labor-only Contracting C. Job-contracting D. Mababang pasahod
PASULIT II - LOOBO LABAS?
PANUTO: Uriin ng sumusunod na sitwasyon kung ito ay panloob na migrasyon o panlabas na migrasyon. Isulat sa patlang bago
ang bawat bilang ang salitang LOOB kung panloob na migrasyon at LABAS naman kung ito ay panlabas na migrasyon.
____________21. Piniling magkolehiyo ni Alex sa Lungsod ng Baguio dahil sa malamig na klima doon.
____________22. Nabigyan ng scholarship grant si Marvin para sa isang short course sa isang kilalang culinary school sa
California.
____________23. Pumunta sa Thailand ang magkakaibigang Simon, Anton at Marlon upang pag-aralan ang kalakalan ng plastic
surgery doon.
____________24. Wala ng nagawa pa c Mary Ann nang kunin siya ng kanyang mga magulang sa California mula sa Vigan.
____________25. Hindi na pinalampas pa ni Christian ang pagkakataong makapag-aral sa isang sikat na Pamantasan sa Maynila
nang makuha siya bilang varsity player sa nasabing unibersidad.
____________26. Umuwi na lamang sa Cotabato c Jayson buhat sa Tondo nang masunog ang tinitirhang bahay doon.
____________27. Nag-cross country si Lena buhat sa Malaysia patungong London.
____________28. Isinakatuparan ni Aaron ang kanyang pangarap na magtrabaho sa Canada buhat nang siya ay maging isang
ganap na inhinyero
____________29. Namasukan bilang kasambahay si Aling Maring sa mansion ng mga Ortega sa Cavite.
____________30. Namamalagi si Eron sa bahay ng kanyang tita sa Laoag magmula nang lumipat siya galing Maynila.
PASULIT III – PAGKAKAKILANLAN. Panuto: Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. (2 pts. each)
___________________31. Sino ang may akda ng aklat na pinamagatang “The World is Flat”?
___________________32. Kailan unang ginamit ang telepono nang lumapag ang “Transatlantic Passenger Jet” mula New York
hanggang London.
___________________33. Ano ang terminolohiyang ginamit ni Winston Churchill upang ilarawan ang haring na naghahati sa
Europa sa dalawang magkahiwalay na lugar.
___________________34. Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa.
___________________35. Tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang
bayad.
___________________36. Tintawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo na isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
___________________37. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
___________________38. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bans ana naniningiil ng mas mababang bayad.
___________________39. Kailan lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite?
___________________40. Ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa
ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang local ng
pamilihan.

“Being entirely honest with oneself is a good exercise.” – Sigmund Freud


GOD BLESS!!!

Inihanda ni:
MAILENE L. YAP
Guro

You might also like