You are on page 1of 3

JESICA SIA YUEN R.

CHONG

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I. Layunin:

Makilala ang Iba’t Ibang angkat Etniko ng Pilipinas

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Iba’t Ibang Pangkat Etniko

Batayang Aklat:

B. Pagpapahalaga: Pagrespeto sa Iba’t Ibang Pangkat Etniko


C. Kagamitan: poster, larawan

III. Kagamitan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pagtsek ng atendans
1. Pagbibigay ng energizer
2. Balitaan:
Ano bang balita ang napanuod ninyo kagabi tungkol sa Pilipinas?

Pag-uulat ng mga bata.

3. Pagtsek ng takdang aralin:


Kunin ang inyong mga takdang at aralin at ipagpalit sa inyong kamag-aral.

Ipinagpalit ang takdang aralin at iniwasto.

4. Balik-aral:
Alam nyo ba na tayong mgaPilipino ay nabibilang sa iba’t ibang Pangkat
etniko?

Opo.

5. Pagganyak:
(Magpakita ng larawan)
Mayroon akong ipapakita sa inyo. Ano ito?
Iyan po ay mapa ng Pilipinas.

Ano ba ang nangyari sa kapuluan ng Pilipinas?


Nagkakahiwalay po ang mga kapuluan.

Alam nyo ba dahil sa pagiging magkahi-walay ang mgakapuluan ay nagbunga ito ng


pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat etniko?
Hindi po.

Kahit na tayo ay magkaiba man sa itsura at anyo, tayo ay magkakapareho sa


karapatan na ating tinatamas.
B. Bagong Aralin
1. Pagbuo ng Hinuha:
Anu-ano ang iba’t ibang pangkat etniko ng Pilipinas?

2. Pag-alis ng balakid
Bago ninyo sagutin ang katanungan, alamin muna natin ang kahulugan ng
mga sumusunod na salita.

a. Pangkat - grupo ng mga tao


b. Etniko - ang uri kung san ito nabibilang

3. Paglalahad:
Basahin ang mga poster na nakalagay sa pisara.

4. Pagtatalakay
a. Pagkatang gawin:
Bumuo ng tatlong grupo at pumili ng pitong miyembro na hahawak sa
mga pangalan ng pangkat etniko at isang lider na syang magbibigay ng
sagot at pumili sa kanyang miyembro na humawak sa mga pangalan at
i.presenta sa harap. Ang unang makatatlong puntos ang syang panalo.

5. Ano ang gagawin natin kung tayo ay nagkakaiba? Magrespeto

C. Paglalahat:

Mga tanong:
Anu-ano ang mga pangkat etniko ng Pilipinas?
Anong pangkat etniko ang nakatira sa Hilagang Luzon?
Anong pangkat ang nanggaling sa Hilagang Kanluran ng Luzon?
Anong pangkat ang nakatira sa Gitnang Luzon?
Anong pangkat ang nanggaling sa kapatagan ng Luzon?
Anong pangkat ang nanggaling sa Katimugang Luzon?
Anong pangkat ang nakatira sa pulo ng Visayas at Mindanao?
Anong pagkat ang may sariling wika at kultura?
Mga bata, alam naman natin na tayo ay napapabilang sa iba’t ibang pangkat, ano
sa tingin nyo ang dapat nating gawin upang hindi tayo magkaroon ng alitan?

D. Paglalapat:

Sagutin ng mabuti ang mga tanong. Tukuyin kung anong pangkat etniko
nabibilang ang mga kahulugan.
___________ 1. Hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon
___________2. Sentro ng Luzon
___________3. Lalawigan ng Pampanga at Tarlac
___________4. Timog-silangang Luzon
___________5. Hilagang-silangang Mindanao

Sagot:
1. Ilokano
2. Tagalog
3. Kapampangan
4. Bicolano
5. Bisaya

IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sila ay tinaguriang multilinggwal na Pilipino.
a. Bikolano
b. Kapampangan
c. Ilokano
d. Bisaya
2. Isa sa pinakamalaking pangkat etniko ng Pilipinas kasunod ng mga bisaya.
a. Tagalog
b. Pangasinense
c. Kapampangan
d. Bikolano
3. Sila ay ang ikapitong pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas.
a. Tagalog
b. Bisaya
c. Kapampangan
d. Ilokano
4. Sila ay nakatira sa rehiyon ng llocos.
a. Ilokano
b. Bisaya
c. Tagalong
d. Kapampangan
5. Sila ay matatagpuan sa tangway ng Timog-silangang Luzon.
a. Bikolano
b. Ilokano
c. Kapampangan
d. Bisaya

Sagot:
1. D. Bisaya
2. A. Tagalong
3. C. Kapampangan
4. A. Ilokano
5. A. Bikolano

V. Takdang Aralin

Maghanap ng mga Pangkat Etniko na nakatira sa inyong lugar at ilarawan ang mga
ito. Isulat ito sa isang buong papel.

You might also like