You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

CAMARINES NORTE STATE COLLEGE


F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

College Education

Gawain: Punan Mo Ko

Kumpletuhin ang dyagram. Isulat sa mga bilog ang pitong kontinente ng


daigdig.
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

College Education

Heograpiyang Pantao

Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao o Human


Geography o Heograpiyang Kultural o Cultural Geograph. Ito ay isang agham
panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang
kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o
naaapektuhan ng kalikasan. Saklaw ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago
ng tao ang kapaligiran, kung paano siya nakalilikha ng panibagong lugar na may
kahulugan, at kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng
tao. Ang interaksyong ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang Pantao.

Wika

Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Ito ang nagbibigay ng
pagkakakilanlan sa mga tao na kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika
sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Ang mga wikang ito ay
napaloob sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga
pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig.
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

College Education

Relihiyon

Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang


“buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Ito ay
kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang
kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na


nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Pero kung ikukumpara ito sa
kasalukuyan, hindi ito organisado at mayroong sistematikong mga doktrina. Malaki
ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi
ng isang lipunan kung ating tingnan ang kasaysayan ng daigdig. Isa itong malaking
salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay.
Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan,
nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.

Makikita sa mapa ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan


ng dami ng tagasunod ng mga ito.
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

College Education

Lahi/Pangkat-Etniko

Kung tingnan natin, parang isang malaking mosaic ang daigdig dahil sa
maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang
batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng
mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.

Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa


daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat
maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon gaya ng nangyari sa Estados
Unidos noong Mayo 25, 2020 kung saan napatay si George Floyd, isang negro, habang
nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa pagbili ng sigarilyo gamit ang pekeng $20 perang
papel. Naging viral ang video ng huling sandali ng kanyang buhay na siyang nag-
udyok ng malawakang protesta sa ibat’t ibang panig ng bansang Amerika
(https://www.nytimes.com/2020/05/31/us/george-floyd-investigation.html).

Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na


ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya
naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Mga Pangunahing Lahi ng Tao

Tingnan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi
ng tao. Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid
o Dilaw, ang Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga
tao ngayon ayon sa kulay, makakatulong sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao ang
ganitong klasipikasyon.

Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na
kayumanggi: mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
Hugis almond o singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing
Mongoloid. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang
buhok at hindi gaanong mabalahibo ang kanilang balat. Manipis ang mga labí
nila at hindi matangos ang ilong. Laganap ang lahing Mongoloid sa Asya tulad
ng mga Pilipino, Tsino, Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai, Tibetan, taga-
Myanmar, Mongol, Malaysian, Indonesian, Singaporean, taga-Hong Kong at
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

College Education

karatig-pook. Ang mga Amerikanong Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid


ay nasa kapatagang sentral ng Estados Unidos, mga Eskimo ng Hilagang
Amerikanong Arktiko at mga Indian sa Central at Timog Amerika ay nabibilang
din sa lahing ito.

Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang
kanilang buhok. Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan.
Matatagpuan ang mga purong Negroid sa kanlurang Sudan at Guinea.
Pahaba ang hugis ng kanilang ulo, malalapad ang kanilang ilong at
makakapal ang mga labí. Maitim hanggang matingkad na kulay kape ang
kanilang balat. Sa Silangang Sudan naman matatagpuan ang mga Nilote, mga
Bantu na binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu, Swahili at Swazi. Hindi gaanong
maitim ang mga nabanggit. Manipis ang kanilang mga labí at ilong. Kulay
tsokolate naman at hindi maitim ang balat ng mga Negroid at Papuan sa New
Guinea at ilang pulo ng Indonesia at Melanesia sa mga pulo ng Pacific.

Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,
Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis
ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng
mga mata. Pandak ang mga Alpine, malalaki ang katawan at malalapad ang
ulo. Ang mga Mediterranean naman ay hindi gaanong mapuputi, may
kaitiman ang kulay ng balat at mata, maitim din at mahabang kulot ang
kanilang buhok. Kasama rito ang mga lahi na naninirahan sa rehiyon ng Dagat
Mediterranean kasama na ang mga Arabo. Matatagpuan ang iba sa hilaga at
gitnang India. Mga ninuno ng Hammites subalit nalahian ng Negroid ang mga
nakatira sa Egypt, Ethiopia, Somalia at sa kanlurang Sahara. Matatagpuan din
sa Europa ang karamihan sa mga lahing Caucasoid. Naninirahan ang mga
Nordic sa Scandinavia, Ingglatera at Alemanya. Ang mga Baltic naman ay
paninirahan sa silangang Europa tulad ng mga Alpine na Kinabibilangan ng
mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid ang mga Polynesian na nasa Islang
Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at Veddah ng timog India.
Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

College Education

You might also like