You are on page 1of 14

ANG KULTURA NG MARANAO

FIL101 – Gng. Marilyn Villadolid

Mga Miyembro ng Grupo:

Mustapha, Samrina A.

Sarenas, Zusette A.

Sumobay, Chrystyl Jean N.

Temario, Angeline C.
Petsa: Mayo 29, 2022 Tubal, Jerrina Mae A.
INTRODUKSYON
"Assalamualaikum Warahmatullahi Wabarakatuh" o “Sumainyo nawa ang kapayapaan at
ang awa at pagpapala ng Diyos.” sa Filipino. Ito ay isang paraan ng pagbati sa kapwa nila
Muslim at may pagtugon na “Waalaikumsalam Warahmatullahi Wabarakatuh” o “"Nawa'y
sumainyo rin ang kapayapaan, awa, at mga pagpapala ng Allah" sa Filipino. Ito ay mga salitang
naririnig o sinasabi ng mga Maranao.
Ang Maranao ay isang etnikong grupo na matatagpuan at naninirahan sa Timog ng
Mindanao o sa probinsya ng Lanao del Sur at Lanao del Norte. Sila ay kabilang sa sampung
porsyento (10%) ng minoryang grupo ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Sila ay isang
konserbatibong grupong Muslim na nagpapanatili ng mga paniniwala at gawain ng Islam na
ipinakilala ng mga misyonerong Muslim noong ika-14 at ika-15 na siglo. May dalawang
paniniwala sa pinanggalingan sa salitang Maranao. Una, galing sa salitang "Ma" na
nangangahulugang Maging at "Ranao" na nangangahulugang Lawa o mga tao sa lawa.
Pangalawa, ay galing daw ito sa salitang malay na "lanao" o Lake Lanao.
Ang Maranao ay may napakaganda at may naiibang kultura, tradisyon, paniniwala at
kagawian. Ilan sa mga ito ay ang Lake Lanao at Lantsa na isang bangka. Torogan, ito ang bahay
ng mga Maranao. Darangan, ito ay ang sikat na epikong Maranao. Kirim, isa itong pre-Hispanic
na pagsulat na namana sa letra ng mga Arabe (Arabic). Singkil, ito ay sikat na sayaw ng mga
Maranao. Okir, ito ang disenyong pwede nilang ilagay sa kanilang torogan. Sarimanok, ito ay
ang sikat na makasaysayang ibon ng mga Maranao na naging simbolo ng kanilang sining, at ang
Kulintang na karaniwang instrumento sa kanilang musika. Gayun man, dahil sa patuloy na
pagikot ng buhay at sa makabagong mundo sila ay nahamon kung paano ang mga kulturang ito
ay mapapasa sa susunod na henerasyon.
Ang pamanahong papel na ito ay may layuning ipabatid kung ano ang materyal at di
materyal na kultura ng mga Maranao. Kung ano ang mga proseso na kanilang pinagdaanan, mga
limitasyong hinarap at mga tradisyong nawala at hindi na nila ginagawa sa kasalukuyang
panahon. Mga halimbawa ng mga ipinagbabawal sa kanila at mga dahilan nito. Para ipabatid
kung ano ang totoong konsepto ng Maranao at baguhin ang mga maling ideolohiya na maaring
ikaw na nagbabasa nito ay pinaniniwalaan.
Sa aming pagsusuri at pagkalap ng impormasyon, nagkaroon kami ng isa-sa-isang
panayam. Isa itong kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik.
Kami ay nagtanong sa mga Maranao na nakatira sa lugar ng Iligan City, Lanao Del Norte upang
mangolekta ng mga makabuluhang kaalaman mula sa interbyu at nagsagawa din ng lubusang
pagbasa sa mga akademikong sulat o “Review of Related Literature.”

1
DI – MATERYAL NA KULTURA

Lengguwahe

Ang Maranao ay isang wikang Austronesian na sinasalita ng mga Maranao na


naninirahan sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Pilipinas at Sabah,
Malaysia. Ito ay bahagi ng Greater Central Philippine subgroup ng mga wika. Ginagamit nila ang
alpabetong Arabe sa kanilang mga script upang mapanatili ang kanilang talaangkanan o sarsira,
relihiyosong panitikan at mga kwentong Islamiko. Ang wika ng mga Maranao ay naiiba sa wika
ng mga danao dahil iba ang tono ng pagbaba ng kanilang pagsasalita kumpara sa impit na tono.

Relihiyon at Paniniwala

Ang Marana ay isa sa pinakasikat at pinakamalaking grupo o tribong Muslim. Sinusunod


nila ang mga aral ng Islam, naniniwala at sumasamba sila kay Allah. "Sa Islam, ang mga Muslim
ay dapat mamuhay ayon sa mga alituntunin ng buhay na itinakda ng Allah at sa kapahayagan na
ibinigay ng Arabong Propeta na si Muhammad sa kanyang buhay."

Bawat relihiyon ay may kanya-kanyang pinagbabawal at hindi exception rito ang mga
Maranao. Ipinagbabawal o haram para sa mga Muslim ang pag-inom ng alak o nakakalasing na
inumin, pagsusugal, pagkain ng ilang mga pagkain gaya ng baboy, aso, pusa at hindi tamang
pinaslang na hayop gaya ng mga binigti na hayop. Ang mga lalakeng Muslim ay
pinagbabawalang magsuot ng mga gintong palamuti sa katawan at damit na seda ngunit
pinapayagan sa mga babae hanggan't hindi ginagamit upang mang-akit ng mga lalake.
Ipinagbabawal din sa mga babaeng Muslim na magsuot ng mga kasuotang hindi tamang
nagtatakip ng katawan. Ipinagbabawal rin sa mga Muslim na magpaganda at magbago ng
kanilang hitsura o katangiang pisikal gaya ng tato, pagkukulay ng buhok o balbas, pagsusuot ng
peluka at mga kasuotang pangbuhok. Ipinagbabawal rin sa mga Muslim ang paggamit ng mga
kasangkapang pangbahay na yari sa ginto at pilak at purong seda upang maiwasan ang mga
maluhong pamumuhay. Ipinagbabawal rin sa mga Muslim ang pagkakaroon ng mga estatwa o
rebulto at paggawa ng mga ito. Marami sa ipinagbabawal na ito ay hindi na nasusunod lalo nan g
mga kabataan sa mga panahong ito subalit marami parin ang handing sundin ang mga ito.

Kultura

“Ayon kay Patrick R. Moran sa kaniyang aklat na Teaching Culture: Perspectives in


Practice (2001), “ang kultura ay isang patuloy na nagbabagong paraan ng pamumuhay ng isang
grupo ng tao o pamayanan, binubuo ng pinagsasaluhang mga praktika o gawaing nakaugnay sa
pinagsasaluhang mg produkto, batay sa pinagsasaluhang mga pananaw sa mundo, at nakalugar sa
tiyak na mga panlipunang konteksto”,” Ayon rito, ang kultura raw ay patuloy nagbabago kagaya

2
na lanmang ng kultura ng mga Maranao. Makikita natin sa kasalukuyan na hindi na masyadong
nakikita at nagagampanan ng mga Maranao ang kultura nila at iilan na lamang ang nananatili. Ito
ay dahil sa pagtangkilik sa ibang kultura na hindi kaugnay ng sariling kultura.

May limang dimensuyon na nagbibigay depinisyon sa kultura, ito ay kinasasangkotan ng


mga indibidwal o gruo (tao) sa tiyak na lugar (pamayanan) na may paniniwala, pagpapahalaga, at
saloobin; nakikita man ito o nakatago (pananaw), at ipinapakita ang iba’t ibang gawain batay sa
kultura (praktika), at may sariling likha (produkto).

Tao

Ang mga taong kabilang sa tribong Maranao ang sumasabuhay sa kulturang ito. Bawat
isa sa kanila ay isiasabuhay at pinanatili ang kanilang kultura para sa susunod na henerasyon.
Buong Maranao, mapabata man o matanda ang pangunahing taong sangkot sa mga produkto,
praktika, pamayanan at maging ang kanilang mga pananaw sa buhay.

Pamayanan

Payak lamang ang pamumuhay ng mga Maranao, sila ay nakatira lamang sa isang
simpleng pamayanan. Simple lamang ang mga bahay nila, ito ay gawa lamang sa material na
kahoy, ngunit mayroon din namng mga Maranao na nakakaluwag sa buhay kayat malalaki ang
kanilang bahay. Mayroon silang napakalaking lupain na kanilang tinatamnan at ang lawa ng
Lanao ang kanilang pinagkukunan ng tubig.

Pananaw

May iba’t ibang pananaw ang bawat Maranao sa kanilang kultura patungkol sa buhay.
Marami silang paniniwala, mga pamahiin, at pagpapahalaga at mga saloobin na umiiral sa
penomenang pangkultura. Isang halimbawa rito ay ang rido. Ayon kay Wilfredo Magno Torres
ang rido ay ang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya kung saan mayroong nawawalang buhay
sa bawat pamilya. Ngunit ang rido ay pwedeng maagapan kung pag-uusapan ng mabuti ng
dalawang pamilyang sangkot rito.

Tradisyon

Ang mga Maranao ay patuloy na pinapraktis ang poligamya o ang pagpapakasal ng higit
sa isa. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga lalaking Maranao. Namana o nasunod nila ito sa
kanilang mga sinaunang leader na mayroong dugong maharlika na unang pinapraktis ang
pagkakaroon ng maraming asawa. Dahil sa impluwensya nito, nagging parte na ng kultura ng
mga Maranano ang poligamya.

3
Isa pang tradisyon na pinapraktis ng mga Maranaos ay ang “parental” marriage. Ang mga
magulang ang pipili at ipagkakasundo ang kanilang anak sa kung sino ang gusto nilang ipakasal
ditto. Magkakasundo ang dalawang pamilya sa haaga ng dowry na ibibigay ng lalaki sa pamilya
ng babae. Pagkatapos ng kasunduan, magkakaroong ng isang linggong pagdiriwang na tinatawag
na kandialaga bago ang seremonya ng kasal na tinatawag nilang kakawing. Kaya patuloy na
isinasagawa ang tradisyon na ito para ipanatili ang pride ng pamilya laso na kapag ito ay galing
sa malaking pamilya.

Edukasyon

Ang Sentro ng edukasyon ng Maranao ay sa Marawi (dating Dansalan) ang kabisera ng


Lanao Del Sur. Ang Pilipinas ay mataas na napabilang sa karunungang bumasa't sumulat para sa
isang umuunlad na bansa, at ito ay humantong sa isang malaking pagtaas ng karunungang
bumasa't sumulat sa mga Maranao. Ang mga Maranao ay hindi na sinasalot ng talamak na
kamangmangan sa nakalipas na pitumpu't limang taon. Ang mga may hawak ng digri ay marami
na ngayon at marami ang hindi nakakakuha ng trabahong angkop sa kanilang pag-aaral. Marami
sa mga Maranao na may mataas na pinag-aralan na tumungo sa tradisyonal na trabaho ng
agrikultura at pagkakayari. Ang kakulangan ng trabaho sa mga lalawigan ng Lanao ang naging
dahilan ng paglipat ng mga Maranao sa Maynila.

Pamahalaan at Mga Organisasyong Panlipunan

Ang tribong Maranao ay hindi kailanman nagtatag ng isang estado ngunit sila ay nahahati
sa maraming grupo na tinatawag na "sultanates" na patuloy na nakikipagdigma sa isa't isa.
Pangunahing grupo sila sa loob ng bansa at nakahiwalay sa mga tao sa baybayin. Kailanman ay
hindi pa sila nasakop ng mga Kastila, at ang mga Amerikano lamang ang nakasupil sa kanila.
Mahigit 1300 taon na sila sa parehong uri ng pamahalaan. Ang mga nayon ng Maranao ay
binubuo ng ilang pangunahing sambahayan: maraming pamilya ang maaaring manirahan sa
iisang bubong na tinatawag na isang relasyon sa pagbabahagi ng pagkain. Ang Sultan ngayon ay
wala nang kapangyarihan sa gobyerno ngunit pinananatili pa rin niya ang titulo.

Katutubong Sayaw

Maraming kultural na sayaw ang mga Maranao. Karamihan sa mga kultural na sayaw na
ito ay nagmula sa kanilang sinaunang epiko, ang Darangen. Isa sa mga pinakatanyag na
maharlikang sayaw ng mga Maranao ay ang kasingkil o singkil kung saan ang mga babae ay
pumapasok at lumabas sa mga gupit o nagsasalubong na mga kawayan. Ito ay hinango ng
pangyayari sa Darangen kung saan ang prinsesa ay tumatakas sa mga gumugulong na bato at
pinuputol ang mga kawayan na ginawa ng mga tonong (masasamang espiritu) para pagtawanan
siya. Ang Kasagayan ay isa pang ritwal na sayaw ng mga kalalakihan kung saan ipinapakita nito

4
ang kanilang paghahanda para sa labanan gamit ang kanilang mga espada. Ang Kapagaper ay isa
ring sikat na sayaw kung saan ang mga babaeng Maranao ay gumagamit ng mga pamaypay sa
pagsasayaw na tinatawag na “apir.” Kasama sa iba pang sayaw ng Maranao ang kakini-kini
(tradisyunal na paraan ng paglalakad ng mga kababaihan ng Maranao), kadsadoratan (isang
sayaw na nagpapakita ng matikas na paglalakad, pagtalikod at pagbabalanse na tinatakpan ang
kanilang mga mukha), kanggarotaya (isang sayaw na gumagamit ng buhol upang ipakita ang
lakas ng mga lalaki) at kapmalo-malong (isang kultural na sayaw na ginagawa ng mga lalaki at
babae na nagpapakita ng iba't ibang paraan ng paggamit ng malong).

MATERYAL NA KULTURA

Mga Likhang Sining

Ang Lanao del Sur ay isang kayamanan ng pang-akit sa sinaunang panahon. Mula sa
magarbong mga maharlikang bahay hanggang sa pinakamaliit na detalye sa kanilang mga gong,
dala ng sining ng mga Maranao at dala ang kuwento ng makulay nitong kultura. Ang Lanao del
Sur ay ang tinubuang-bayan ng mga Maranao. At isa rin itong uniberso ng katangi-tanging
katutubong sining. Kahit saan ka tumingin sa paligid ay palaging may paalala kung paano
umuunlad ang sining sa gitna ng mga yugto ng pakikibaka nito.

Bagama't maraming tao ang mabilis makilala ang mga gawang ito bilang sining ng
Muslim, marami sa mga ito ay aktwal na nauna sa Islam. Sa katunayan, nang dumating ang mga
misyonerong Muslim na ito sa Lanao noong ika-15 siglo, umiral na ang isang makulay na eksena
sa sining na karamihan ay may pinaghalong katutubong at Indic na pinagmulan. Ang sining ng
Pilipinas na alam natin ngayon ay hindi kumpleto nang walang kontribusyon ng sining ng
Maranao. Ngunit, hindi mo makikita ang lahat ng sining na iniaalok ng Lanao del Sur sa isang
biyahe lamang. Kaya saan tayo magsisimula?

Pagdating sa sining ng Maranao, Tugaya ang batayan ng lahat. Mayroong isang


manggagawa sa bawat tahanan sa komunidad na ito sa tabi ng lawa. At sa paligid ng bayan, hindi
talaga mahirap makita ang isang tao na nagtatrabaho ng isang pyesa.

5
Ang Tugaya ay sikat sa maraming mapanlinlang na bagay katulad ng mga dibdib, tambol,
gong at tapiserya. Gumagana rin ang mga ito sa iba't ibang materyales tulad ng kahoy, tanso,
kawayan, at hibla ng abaka. Karamihan sa mga ibinebenta sa mga pamilihan sa buong bansa ay
mula sa maliit na bayang ito ng mga manggagawa.

Ang "Baur" o mga “wooden chests” ay kabilang sa pinakamahusay na mga piraso na


ginawa dito. Hindi tulad ng ibang mga “chests”, ang Maranao baur ay inukit sa kamay na may
masalimuot na paksa ng okir at nilagyan ng "tipay" o pinakintab na mga shell. Gayundin, ang
mga Tugayanon ang pinakakilalang gumagawa ng mga gawang metal. Ang "gadur" o mga banga
ng tanso, tabak o mga tray na gawa sa tanso at ang "kampilan" o mga espada ay kabilang sa
kanilang mga obra maestra.

Ang mga sining ng Maranao ay mahirap kilalanin nang hindi binabanggit ang "malong",
isang mahalagang bahagi ng kanilang tradisyonal na pananamit. Ang Malong ay isang balot na
damit na isinusuot ng lahat. Mayroong isa para sa pang-araw-araw na pagsusuot. Pagkatapos ay

mayroon pa para sa mga espesyal na okasyon na tinatawag na "landap".

Ang isa pang kahanga-hanga sa "landap" ay ang mga palamuti na gawa sa kamay na
tinatawag na "langkit". Gayunpaman, hindi alam ng marami, ang pinakamahusay na “backstrap
loom weavers” ng langkit ay nasa bayan ng Pualas. Ito ay literal na industriya sa likod-bahay
kung saan hinahabi ng mga kababaihan ang mga kumplikadong tela na ito sa bahay.

6
Mga Instrumentong Pangmusika

Ang tradisyonal na musikang Maranao ay luma ngunit mayaman. Ito ay madamdamin at


naglalahad ng mahinang emosyon. Ang ritmo ay sira-sira at ang ganitong ritmo ay pumupuno sa
mga kaugaliang pagtitipon sa bawat Maranao Festivities. Apat na instrumento lamang ang
ginagamit ng mga Maranao: ang kulintang, ang agong, ang babandir at ang dabakan. Ang
instrumental na musika ng Maranao ay tinatawag na boniboniyan. Ang mga piraso ng kulintang
sa Maranao ay maaaring uriin sa inandang, binalig at bargo. Ang musikang kulintang ng
Maranao ay ginagamit bilang kinatawan upang magkaisa ang komunidad. Ito ay ginagamit
bilang isang paraan ng pag-aaral at pagsasanay ng mga prinsipyong etikal. Ginagamit din ang
musikang kulintang bilang isang pinagmulan para sa iba't ibang anyo ng pagpapahayag.
Ginagamit din ito bilang midyum ng libangan at kagandahang-loob. Nagbibigay din ito ng
pagkakataon para sa mga tao na makilala, kumilos at tumugon ayon sa etika at mithiin ng
lipunang Maranao.

Tradisyonal at Modernong Kasuotan o Damit

Ang mga Maranao ay kilala sa kanilang "malong". Ito ang nagsisilbing kanilang
tradisyonal na kasuotan na kadalasang kulay na makikita ay ginto at lila, mayroon ding kulay
berde, dilaw, pula at asul. Ang mga kulay na ito ang nangibabaw sa sining ng mga Muslim. Ang
malong ay malaki, makulay na tela na isinusuot sa pamamagitanng pagtatapis sa katawan. Isa sa
karaniwang pagsusuot nito ng mga kababaihan ay ang pagtatapis sa baywang na ang tupi nito ay
nakalaylay at isinasampay sa balikat o braso. May mga kababaihang isinusuot ang malong sa
ibabaw ng kanilang blusa na ang tawag ay “arbita. Ito ay ginagamit ding turban natinatawag na
“kombong. Ang mga kalalakihan naman, sinusuot ito na nakapaligid sa baywang tulad ng isang
palda. Ayon sa kaugalian, ang malong ay tradisyonal na hinabi ng kamay, na ang mga pattern ay
karaniwang natatangi sa isang partikular na pangkat etniko. Ito ay maaaring gawa sa seda o
koton. Para sa pang-araw-araw na pagsusuot, ang malong ay karaniwang gawa sa koton na may
simpleng plaids at guhitan. Ang mas marangya o representableng malong ay gawa sa seda na
kadalasang kulay na pula, lila at dilaw, at ito ay isinusuot para sa mga seremonyal na okasyon.
Noong araw, ang dilaw ay nakalaan para sa lokal na royalty. Ngayon, mas gusto ng mga lalaki
ang malong na may madilim na kulay ng pula at magenta, at mas gusto ng mga babae ang dilaw.
Gayunpaman, ang modernong malong ay kadalasang gawa sa makina o angkat, na may mga
pattern na tulad ang tradisyonal na mga lokal na disenyo. Ito ay sinusuot ng bata at matanda,
mayaman at mahirap. Ang malong ay simbolo ng kultura ng Maranao, na karapat-dapat na
bigyan ng lakas, pag-asa, at suporta mula sa pamahalaan at komunidad ng Maranao.

Produkto

7
Ang mga Maranao ay kilalang mga negosyante, sila ay karaniwang nagtatanim ng palay,
mais, niyog, kalabasa, marang, lansones, kamoteng kahoy, katulong (isdaa sa llawa) at katipa
(isda sa sakahan) na kanilang ibenebenta sa palengke. Sila rin ay mayroong sariling mga putahe
at panghimagas, ito ay palapa, payaparan na manok, randang, biyareng, browa, tanagtag or lokot-
lokot, lokatis, dodol, tamokonsi. Gorinda at amik. Ang iba sa mga pagkaing nabanggit ay hindi
na masyadong pamilyar dahil hindi ito niluluto ng madalas, tuwing may okasyon mo lamang ito
matitikman. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop na kanilang ibinebenta at ginagamit sa bukid para
sa pagsasaka kagaya ng kalabaw, baka, kambing, manok at pato.

Kilala ang mga Masjid bilang simbolo ng Islam. Dito isinasagawa ang limang obligadong
pagdarasal araw-araw at rituwal at wasiyat ng isang Imaam. Capitol Mosque, Masjid Buadi
Sacayo, King Faisal Mosque, Marawi Grand Mosque, Masjid Mindanao Islamic Center at
Masjid Bato ang ilan sa mga malalaking mosque mayrron ang mga Maranao. Marami din silang
Madrasah na nagtuturo ng Islam, ito ay Ma’had Marawi Al-Islamiah, Ma’had Kuwait Al-
Islamiah, Ma’had Qiraat Al-Islamiah at Ma’had Al-Waq’f Al-Islamiah.

Maraming mga instrumentong pangmusika ang Mindanao na tinutugtog na kakaiba,


natatangi at nagbibigay ng magandang tunog. Mayroon ding mga kagamitang pang-musika ang
mga Maranao. Ito ay ang mga Kulintang, Agong Bandurya at Tambol na ginagamit sa kahit
anong okasyon ng kulturang Maranao. Ang lahat nang nabanggit ay ang mga produkto ng mga
Maranao na siyang humubog rito. Ang iba ay patuloy na lumalago habang ang iba naman ay
unti-unting nawawala.

Mga Tradisyonal na Pagkain

1. Rendang - Ang Rendang ay nagmula sa salitang Indonesian na merandang o randang,


na nangangahulugang "mabagal" bilang kaugnayan sa mahabang proseso ng pagluluto. Ito ay
isang ulam na nagmula sa Indonesia at sa pamamagitan ng kalakalan at pandarayuhan, ang
pagkaing ito ay natagpuan din ang paraan sa Timog Pilipinas at naging isa sa mga espesyalidad
ng mga Maranao. Ito ay karaniwang niluluto na may karne ng baka at inilarawan bilang
caramelized beef curry. Ang gata ng niyog na ginamit sa paghahanda nito ay nabawasan sa isang
maitim at matamis na konsistori. Para sa ibang Pilipino, ang rendang ay maaaring ihambing sa
kaldereta ng baka na may pahiwatig ng latik at kari. Ito ay tradisyonal na inihahain kasama ng
kanin.

2. Palapa - Ang Palapa ay isang matamis at maanghang na pampalasa ng Filipino na


binubuo ng manipis na tinadtad na puting scallions, dinurog na luya, turmerik, labuyo chili, at
toasted grated coconut. Nagmula ito sa mga Maranao ng Lanao del Sur. Ang mga sangkap ay
pinaghalo-halong at niluto saglit o niluto hanggang medyo matuyo.

8
Narito ang ilan sa mga meryenda ng Maranao:

1. Dodol - Ang Dodol ay isa sa mga napakasarap na pagkain ng mga maranao. Kagaya ito
ng mga malalagkit na kakanin at kulay itim ito. Pwede rin itong haluan ng durian para sa mga
mahilig sa durian. Ito ay gawa sa malagkit na harina ng bigas, gata ng niyog at tradisyonal na
asukal mula sa tubo. Ang pagluluto nito ay tumatagal ng humigit-kumulang 8 oras na walang
tigil na paghalo sa kalan upang hindi ito masunog. Ito ay mabibili sa lahat ng dako sa lanao del
sur at lanao del norte.

2. Barubod - Ito ay ang ordinaryong suman o rice cake ng mga christian na binigyan ng
mga Maranao ng konting pagbabago sa sa mga sangkap at paraan ng pagluluto nito. Gaya ng
ito'y pinalalasa gamit ang durian bits.

3. Palitaw - Ang Palitaw ay karaniwang panghimagas na katutubong filipino na gawa sa


malagkit na bigas at nilagyan ng gadgad na niyog. Ngunit hindi tulad ng iba, gusto ito ng mga
maranao sa maliliit na bola na karaniwang walang shabang ng tuyong niyog at linga.
Nagtatampok ang luto ng Maranao dahil sa kanilang kakaibang timpla ng lasa at pampalasa na
nagtatangi nito sa iba pang mga lutuing Pilipino. Ang pinagmulan nito ay mula sa mga katutubo
na naninirahan sa mga lupain sa paligid ng Lawa ng Lanao sa isla ng Mindanao. Ang kanilang
kasaysayan ng kalakalan at paglipat ay nagdaragdag sa masaganang lasa ng kanilang pagluluto.
Karamihan sa mga Maranao ay Muslim kaya ang kanilang lutuin ay pinamamahalaan ng batas sa
halal na pagkain.

Mga Sangkap

Kilala ang mga Maranao dahil sa kanilang lutuin, na may kakaibang timpla ng mga
pampalasa at lasa na hindi kilala sa ibang bahagi ng bansa. Ang halal na lutuing ito ay makukuha
sa loob at paligid ng lawa, pati na rin ang maraming aktibidad sa pangangalakal at paglilipat ng
mga lokal. Marami sa mga pagkaing ito ang gumaganap ng mahalagang papel sa kultura sa
buhay ng mga Maranao. Ang pagkaing Maranao ay maanghang, ngunit hindi sa punto na ang
ibang lasa ay natatakpan. Bukod sa sili, niyog, at turmerik ay kitang-kita rin sa mga ulam. Ngunit
ang sentro ng lutuin ay ang palapa, isang pampalasa na gawa sa sakurab (bulbs ng scallion), luya,
at sili. Nagsisilbi itong pundasyon ng maraming pagkaing Maranao.

Arkitektura

Noong unang panahon, ang torogan ay isa sa sultanato ng simbolo ng kapangyarihan ng


Lanao. Ito ang ubod ng tradisyonal na kaugalian, sining at kultura ng Maranao. Ito ay isang
karunungan sa pang-inhinyero din. Ngunit sa lalong madaling panahon, maaaring mawala ang
lahat. Ang torogan ay ang tradisyonal na bahay ng mga pagkahari ng Maranao. Ang sultan,

9
kasama ang kanyang mga asawa, mga anak at mga lingkod ay nanirahan dito. Gayunpaman, ito
ay higit pa sa isang tirahan, ito rin ay isang komunal na bahay kung saan ginaganap ang mga
gawain ng komunidad. Maraming dahilan kung bakit nawala ang mga torogan sa takdang
panahon. Kabilang sa mga ito ang pag-aalis ng mga titulong maharlika na ibinigay sa sinumang
Pilipino sa Unang Konstitusyon ng Pilipinas noong 1934. Ang isa pang dahilan ay ang marami sa
mga ito ay ginawang mga kuta sa panahon ng bigong Spanish-Moro Wars at sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano. Pagkatapos, mayroong pagtaas ng mga taong nakaluluwag sa
buhay noong panahon na ang mga sultanato ay naging hindi mga entidad. Nagsimula silang
magtayo ng malalaking bahay na katunggali ng royal torogan. Sa bayan ng Bubung, ang 1975 na
bahay ni Haadji Ali Munder ay muling binubuhay ang hitsura ng torogan. Bagaman, ang lahat ay
binuo na sa kongkreto kabilang ang panolong at ang diongal. Palibhasa'y supling sa pulitika ng
bayan, ang kanilang tahanan ay gumaganap tulad ng maharlika ng torogan na humahawak sa
mga gawain ng komunidad. Ang torogan ay simbolo ng lipunan, kultura at tradisyon ng
Maranao. Maging ang mala-a-walay na tinitirhan ng mga mayayaman at mga maharlika ay mga
komunal na lugar na nagsisilbi sa mga tao nito. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, nawala rin
ang kahalagahan nito sa pagpapabaya. Ang pagpapanumbalik at pag-iingat sa mga ito ay
nangangailangan ng maraming mapagkukunan. Ngunit ito ang tanging paraan para sa
mahalagang pamana na ito. Sa ngayon, iniisip natin ang mas magandang kinabukasan para sa
mga kayamanang ito, ang mga kultural na ekspresyon ng Lanao at Pilipinas.

KONKLUSYON
Tunay na sagana ang mga Maranao sa mga materyal na kultura kagaya ng mga sangkap
sa lutuin, tradiyonal na kasuotan at pagkain, arkitektura, at sining. Pati na rin sa mga di-materyal
na kultura kagaya ng lengguwahe, relihiyon at paniniwala, iba’t-ibang kultura at tradisyon,
edukasyon, pamahalaan at mga organisasyong panlipunan, at tirahan. Ang patuloy na
pagsasagawa ng mga kultura at tradisyon na ito ay mga paalala na ang mga Maranao ay natatangi
sa sarili nitong paraan, na sila ay may sariling konsepto ng pananampalataya at kagandahan.
Hanggang ngayon, ginagawa pa rin nila ang mga ito at patuloy na pinagyayaman sa
pamamagitan ng pagtuturo sa mga nakababatang henerasyon at pagkintal ng kahalagahan ng
kulturang ito. Gayunpaman, ang pagpapanatili nito ay hindi madali. Malinaw kung paano
dumaan ang mga kultura at tradisyon ng mga Maranao sa mahabang proseso ng pag-unlad. Ang
ilan ay nawala at may mga maling pananaw tungkol sa kanilang mga kaugalian at tradisyon. Ang
pabago-bagong mundo ay isa sa mga hamon na kanilang pinagdadaanan habang hinahangad
nilang maipasa ito sa mga nakababatang henerasyon. Sa kabila nito, naipagpatuloy pa rin nila
ang mga kultura at tradisyon at naging bahagi na ng kanilang buhay. Bilang sampung porsyento
lamang ng buong populasyon ng bansa, sila ay lubos na iginagalang sa kanilang mga kaugalian
at tradisyon. Kinikilala ng bawat isa ang kanilang mga paniniwala at binibigyan sila ng
pagpapahalagang nararapat sa kanila. Sa katunayan, marami ang humahanga sa pangako at

10
dedikasyon na ibinibigay nila sa kanilang mga paniniwala. Nang gayon, ang mga Maranao ay
nagbibigay inspirasyon ng marami sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi at paniniwala.

BIBLYOGRAPYA
Taha, Yassin. “MARANAO — One of an Ethnic Groups of the Philippines.” Yassin Taha,
yassintaha512, 14 Oct. 2019, yassintaha.wordpress.com/2019/10/14/maranao-one-of-an-
ethnic-groups-of-the-philippines__trashed.
Macabanding, Abad. “Journal Writing Project A Glimpse of Maranao Culture.” Fillmore County
Journal, Abad Macabanding, 20 Nov. 2017, fillmorecountyjournal.com/journal-writing-
project-a-glimpse-of-maranao-culture.
Lanao_User. “Traditions and Festivals.” Lanao Del Sur, lanaodelsur.gov.ph/tourism/traditions-
and-festivals. Accessed 24 May 2022.
Gonzales, Arianne Krystel. “Maranaos Culture, Customs and Traditions.” Prezi.Com, 28 Sept.
2014, prezi.com/oc5j9ks9v8cf/maranaos-culture-customs-and-traditions/?
fbclid=IwAR0t712PUqGQpvWGM6cHHB-
jj0YQFSbao89iqoIDzZyjlXCEglBXDUZUyrI.
Potpot. “One Crafttacular and Art-Soaked Trip in Lanao Del Sur.” Travel Trilogy, 20 Jan. 2019,
www.traveltrilogy.com/2019/01/maranao-arts-and-crafts.html?
fbclid=IwAR11G2pWiLC9Diq6iBY6c1mkPqWULm12DIQTcdkFZ-
BJA8zClSPT54MMov8.
Abalahin, A. J. “Maranao | Encyclopedia.Com.” Encyclopedia.Com,
www.encyclopedia.com/humanities/encyclopedias-almanacs-transcripts-and-maps/
maranao-0. Accessed 25 May 2022.
Curbi, Ma. Beatrice. “Ang Mundo Ng Maranao.” Prezi.Com, 21 Aug. 2016,
prezi.com/3utzjkt9ngtp/ang-mundo-ng-maranao.
Wikipedia contributors. “Maranao Language.” Wikipedia, 21 May 2022,
en.wikipedia.org/wiki/Maranao_language#:%7E:text=Unique%20among%20other
%20Danao%20languages,the%20quality%20of%20following%20vowels.

11
APENDIKS A

Mga Tanong sa Pangkakalap ng Impormasyon:

1. Bilang isang Maranao, Ano ang gusto mong ipagmalaki sa kultura ng Maranao?

2. Ano ang mga tradisyon ng maranao na hindi na ginagawa ngayon ng mga Maranao?

3. Ano ang isa sa mga pinakaimportante sa Kultura ng Maranao na dapat ginagawa parin ng mga
Maranao sa panahon ngayon?

12
13

You might also like