You are on page 1of 11

Bisbis

Isang multikultural na lipunan ang Pilipinas. Binubuo ng iba’t ibang pangkat -

Muslim, Kristiyano at ng mga katutubong pamayanan o Lumad. Ginamit sa

papel na ito ang salitang Lumad, salitang Bisaya bilang panumbas sa salitang katutubo

ng mga Tagalog. Unang ginamit ito sa R.A. 6734, Artikulo XIII Seksiyon 8 (2) upang

mapag-iba ang mga katutubong pamayanan mula sa Bangsa Moro (Ulindang, NCCA).

Ayon sa United Nations International Children's Emergency Fund Innocenti Research

Center (2004), humigit-kumulang 300 milyon ang Indigenous Peoples sa buong mundo,

limang bahagdan lamang ng kabuuang populasyon. Tinatayang may 5,000 pangkat sa

90 bansa, at 4,000 na mga wika.

Sa estadistika na inilabas ng United Nations Development Program (UNDP), may

labing-apat (14) hanggang labimpitong (17) milyong Lumad sa PIlipinas. Ito ay

kumakatawan sa 13 bahagdan ng kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas. Mula sa

bilang na ito, 61 bahagdan ng Lumad ay makikita sa Mindanao, 33 bahagdan sa Luzon

at 6 bahagdan lamang ang makikita sa Visayas.

Samantala, ang mga Muslim na tinatawag ngayong Bangsamoro ay dominanteng

pangkat sa ating bansa. Sa sanaysay ni Bara (2015), The History of the Muslim in the

Philippines ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining, sinipi niya ang sinabi ni

Dr. Renato Constanino na hindi magiging buo o ganap ang pag-aaral ng kasaysayan ng

Pilipinas nang hindi pinag-aaralan ang Muslim debelopment. Aniya, ang kasaysayan ng

mga Pilipinong Muslim ay malaking bahagi ng makasaysayang pag-unlad ng buong

bansa.
Ang mga Muslim ay dominante sa Mindanao. Sila ay naninirahan sa kanlurang bahagi

ng Mindanao patungo sa Sulu na pinakamarami sa Basilan, Sulu at Tawi-tawi. Mayroon

din sa mga Lalawigan ng Lanao at Maguindanao. Ang iba naman ay nakakalat sa

Zamboanga peninsula, North Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato, Davao Oriental,

Davao del Sur, at Sarangani. Ang Muslim ay may iba’t ibang etnikong pangkat. May

labintatlong grupo ito. Ito ang Maranao, Maguindanaon, Iranun, Tausug, Yakan, Sama,

Sangil, Kalagan, Kolibugan, Palawani, Badjao, Jama-Mapun, at Molbog.

Dominante rin sa Pilipinas ang mga Kristiyano. Tumutukoy ito sa mga pangkat-etniko

na niyakap ang mga turo ng kristiyanismo na impluwensiya ng mga dayuhang Kastila.

Nabibilang sila sa Relihiyong Katoliko, Protestant, Baptist at iba pang relihiyon. Iba sa

mga Muslim na nakasunod sa Relihiyong Islam at mga Lumad na may sariling

katutubong paraan ng pananampalataya. Binubuo ito ng halos mayoryang pangkat tulad

ng Tagalog, Kapampangan, Ilocano, Cebuano, Ilongo at iba pa na maaaring

matatagpuan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa aklat ni Leonardo N. Mercado na pinamagatang Working with Indigenous Peoples

na inilimbag ng Divine Word Publications, nasa 6.5 milyon pa lamang ang mga

indigenous people o katutubong Pilipino noon (6). Nahahati sa pitong malaking pangkat

ang mga etnolingguwistikong pangkat sa Pilipinas.

Ang pitong pangkat ay: 1) major lowlander na nahahati rin sa dalawa: Luzon at

Visayas; 2) Cordillera; 3) Mangyan; 4) Palawan; 5) Negrito; 6)Muslim; at 7) Mindanao

Lumad.

Ang major lowlander ay binubuo ng dalawang pangkat: Luzon at Visayas. Ang Luzon

ay kinabibilangan ng Ilocano, Pangasinense, Pampango, Tagalog, at Bicolaro.


Samantala, ang Visayas ay binubuo ng Ilongo, Waray, at Cebuano. Ang Tagalog ang

pinakamayoryang pangkat sa Pilipinas na sinundan ng Cebuano (8-9).

Ang Cordillera ay binubuo ng labintatlong pangkat. Kinabibilangan ito ng Kankanai,

Kalinga, Tinggian, Isneg/Apayao, Ibaloi, Ifugao, Bontoc, Ivatan, Ibanag, Ilongot, Isinai,

Gaddang, at Ikalanan. Sa pangkat ng Cordillera, pinakamarami ang Ibanag (10-12).

Binubuo naman ng anim na etnolingguwistikong pangkat ang Mangyan. Ito ay ang

Hanunuo, Iraya, Tao-Buhid, Alangan, Ratagnon, at Bangon. Pinakamarami ang Tao-

Buhid (13-14). Ang Palawan naman ay binubuo ng limang etnolingguwistikong pangkat.

Ito ay kinabibilangan ng Batak, Tagbanua, Kalamaines, Ken Uy Cuyonia, at Cuyanin (15).

Binubuo naman ng labing-isang etnolingguwistikong pangkat ang Negrito. Ito ay ang

Agtas, Dumagat, Mamanwa, Baluga/Ita, Pugot, Negrito, Remontado, Ati Negros, Ati

Banay, Ata Davao del Norte, at Sulod. Pinakamarami ang Ata Davao del Norte (16-17).

Ang Muslim ay binubuo ng labintatlong etnolingguwistikong pangkat. Ito ang Maranao,

Maguindanaon, Tausug, Samal, Badjao, Yakan, Sangil, Palawani, Kalibugan, Jama-

Mapun, Iranun, Kalagan, at Malbog. Pinakamarami ang Maguindanaon (18-19).

Ang pinakamarami ay ang Mindanao Lumad na binubuo ng labing-apat na

etnolingguwistikong pangkat at pinakakaunti ang Palawan na may limang

etnolingguwistikong pangkat. Ang Tagalog ang may pinakamalaking populasyon na

kabilang sa major lowlander sa Luzon na sinundan ng Cebuano na kabilang pa rin sa

major lowlander sa Visayas.

Ang mga pangkat-etniko ay batay sa sarbey na isinagawa ng Department of

Anthropology ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1985 at sa 1980 Census of Population

and Housing Philippines (Mercado 8-22).


Binubuo ng labing-apat na etnolingguwistikong pangkat ang Mindanao Lumad.

Kinabibilangan ito ng Blaan, Tiruray, Mandaya/Mansaka, Bagobo, Barwaon, Tagakaolo,

Ubo, Manguargan, Dibabawon, Bukidnon, Subanon, Manobo, Tboli, at Iganon.

Pinakamarami ang Subanon (20-22). Samantala, ang Blaan naman ang pinakamarami

sa Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat,

Sarangani, General Santos) (Peralta 86) .

Batay sa Glimpses: Peoples of the Philippines ni Peralta (63) ng National Commission

for Culture and the Arts, Tagalog pa rin ang pinakamarami. Ngunit sa kaso ng

SOCCSKSARGEN, sa major lowlander, nangunguna ang Hiligaynon kasunod ang

Cebuano, para naman sa Muslim, pinakamarami ang Maguindanaon kasunod naman

ang Maranao, at ang Blaan kasunod ang Tboli para sa mga Lumad.

Ang mga Muslim at Lumad partikular ang mga Blaan at Tboli ang orihinal na nanirahan

sa Rehiyon 12. Ngunit, dumami ang mga major lowlander sa rehiyon. Ayon kay Almario

(2015), ito ay dahil sa pamumuno ni General Paulino Santos na isang sundalo at pinuno

ng hukbong Pilipino at isa sa mga nangasiwa ng pagtatatag ng mga karagdagang

pamayanan sa Mindanao bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kaniya

ipinangalan ang isa sa mga pangunahing lungsod ng Mindanao, ang Lungsod General

Santos at higit na tinatawag na ”GenSan.” Itinalaga siya bilang hepe ng National Land

Settlement Administration noong 1939 pagkatapos ng kaniyang termino sa hukbo ng

Pilipinas. Pinangunahan niya ang ang unang pangkat ng 200 migrante mula sa Luzon at

Kabisayaan sa pagtira sa Lambak ng Koronadal. Nagtatag at nagpalago mula sa

Museong Ayala sila ng anim na pamayanan, at isa na rito ang bayan ng Dadiangas

(Sagisag Kultura).
Sa kabilang banda, sa usapin ng organisasyong panlipunan, kapansin-pansin na ang

sinusunod ng mga major lowlander kapuwa Luzon at Visayas ay ang bilateral kinship

system. Ang pamilya at pag-aasawa naman sa Cordillera, Mangyan, Palawan, Negrito,

Muslim, at Lumad. Nagkakaiba nga lang ng kaugalian sapagkat may sumusunod ng

monogamous at polygamous marriage, may nuclear at extended family, at sa iba naman

ay pinahihintulutan ang diborsyo. Kapansin-pansin din ang pagpapahintulot ng arranged

marriage sa kulturang Muslim. Samantala, sa organisasyong politikal naman,

magkaparehas ang Muslim at Lumad na may Datu system. Magkatulad din ang major

lowlander at Mangyan na sumusunod sa lokal na pamahalaan. May council of elders at

chieftain din sa Cordillera, Negrito at iilang pangkat ng Lumad. Agrikultura at pangingisda

naman ang nangungunang ikinabubuhay ng mga Pilipino. Halos Katoliko ang mga major

lowlander, Islam ang Muslim, at halo-halong paniniwala (anito, diwata) ang ibang

pangkat.

Mulusiyano sa Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN

(South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos)

Ang mga mayoryang pangkat sa Rehiyon 12 ay: Maguindanaon at Maranao sa

Muslim; Blaan at Tboli sa mga Lumad, at Cebuano at Hiligaynon naman sa Kristiyano

(Peralta 63).

Maguindanaon

The Magindanao (Magindanaw, Maguindanaw, Maguindanaon,


Magindanaoan, Mindanao) are one of the larger ethnic groups of the
country with a total population of over 1,649,882 (NM 1994), with about
469,216 of this number found in the province of Maguindanao. The
concentrations are in the municipalities of Dinaig (35,851), Datu Piang
(51,970), Maganoy (46,006), and Buluan (52,242)(NSO 1990)
(https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/glimpses-
peoples-of-the-philippines/magindanao/).

Ito ang pinakamalaking pangkat ng Muslim. Nasa 1,649,882 ang populasyon kung

saan 116, 673 rito ay nasa SOCCSKSARGEN (Peralta 72). Ang mga Maguindanaon ay

nag-aaral sa Pamantasang Notre Dame. Katunayan, sa NDMU mayroon itong Muslim

Students’ Organization na karamihan ay Maguindanaon. Mayroon ding Musallah o lugar

kung saan isinasagawa ang sambayang o ang pagsamba kay Allah. Islam ang sinusunod

na relihiyon ng mga Maguindanaon.

Isa sa napakaraming sagisag kultura ng Maguindanaon ang mga royal house.

There are three royal houses: Maguindanaon in Sultan Kudarat, Buayan


in Datu Piang, and Kabuntalan in Tumbao, all of which trace their lineage
to Sharif Kabunsuan—one of the earliest Muslim missionaries—and
Sultan Kudarat (NCCA).

Maranao

The “People of the Lake” (Maranaw, Ranao, Lanon, Hiloona) are one of
the larger groups in the country professing Islam. They are settled about
Lake Lanao — the largest deep lake in the country. The land is some
2,200 feet above sea level in the Bukidnon-Lanao plateau
(https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/glimpses-
peoples-of-the-philippines/maranao/).

Pangalawang pinakamalaking pangkat ito sa Muslim groups. Sa SOCCSKSARGEN,

pangalawa rin ito sa Maguindanaon. Dumami ang bilang ng Maranao dahil sa naganap

na Marawi siege na tumagal ng limang buwan mula Mayo 23-Oktubre 23, 2017. Marami

ang lumipat dito at dito na rin nagsipag-aral ang mga anak.


Kilala sila sa pagnenegosyo.

The Maranao are widely distributed all over the country and economically
are associated with market trade. Wet rice cultivation is the basic mode
of food production, with some corn, sweet potato, coffee, cassava, and
peanuts. Dry rice is also cultivated. Fishing in the lake is also important
although this has declined (NCCA).

Natatangi rin ang kasiningan nila. Kilala ang torogan nila sa larangan ng arkitektura.

Among the more noted of the design motifs of their okil is the sarimanok and
naga, which are abstract animate forms of a cock and the dragon or
snake, respectively. The awang, the dugout boat they use in Lake Lanao,
is probably the most unique of dugouts in the country, if not the most
ornate (NCCA).

Blaan

The Blaan (Bilaan, Balud, Baraan, Biraan, Bilanes, Blan, Buluan,


Buluanes, Koronadal, Sarangani, Taglagad, Tagalagad, Tacogon,
Tumanao, Vilanes, Bubluan, Buluanes) are principally located in the
province of Davao del Sur where they number about 94,885. The core
areas of the group are in the municipalities of San Marcelino (10,953),
Malita (7,776), J.A. Santos (7,568), and Sarangani (5,563)(NSO 1990).
They are now widespread in the South Cotabao and Sultan Kudarat
areas with an estimated total population of 450,000. Traditionally, the
Blaan inhabit the hills behind the west coast of Davao gulf abutting the
Bagobo territory to the north and the watershed of Davao and Cotabato.
In very recent times they have moved toward the coastal areas. There
are several subgroups: (1) Tagalagad, (2) Tagcogon, (3) Buluan, (4)
Biraan, (5) Vilanes, and (6) Balud (https://ncca.gov.ph/about-culture-and-
arts/culture-profile/glimpses-peoples-of-the-philippines/blaan/).
Mula naman sa Istorya sa Kalinaw page sa Facebook,

Ang salitang Blaan ay hango sa mga katagang “bla” na katumbas ng


katapat o pares at “an” na nagpapahiwatig ng pag-aari o pagmamay-ari.
Kapag ipinagsama ang Blaan ay nangangahulugang "katapat na tribu" ng
mga To Bali (mga tao sa kabilang dako) na ngayon ay kilala na bilang
Tboli. Noong unang panahon ay mapayapang namumuhay ang mga
Blaan kasama ang mga katutubong Tboli.

Ayon kay Kinoc (2015) ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining, ang mga

Blaan ay nakakalat sa malawak na lupain ng Buluan Lake patungong timog ng

Sarangani Bay. Naninirahan din sa kanlurang bahagi ng Tboli partikular sa Roxas

Mountain. Mayroon din sa apat na bayan ng Davao del Sur partikular sa Magsaysay,

Matanao, Kiblawan at Sulop; sa Sarangani kung saan pinakadominante sila na umabot

sa halos 90 bahagdan ng kabuoang populasyon maliban sa bayan ng Kiamba; sa

Lungsod ng Heneral Santos, Lalawigan ng South Cotabato maliban sa mga bayan ng

Lake Sebu, Surallah at Noralla; sa mga bayan ng Columbio at Lutayan ng Lalawigan ng

Sultan Kudarat; sa mga bayan ng Tulunan, Makilala at Mlang sa North Cotabato at

bahagi ng bayan ng Datu Paglas ng Maguindanao, at sa Allah Valley at Koronadal Valley

kung saan isinasagawa ang tradisyonal na pangangaso bago ang pagdating ng mga

migranteng Kristiyano noong 1930. Ayon kay Arcenas (1993), may dalawang

klasipikasyon ang pangkat-etniko. ito ay ang To Lagad o highlanders at To Baba o

lowlanders. Wikang Blaan ang kanila ring wika. May sariling estrukturang politikal kung

saan ang katutubong pamayanan ay pinamumunuan ng mga fulung o tribal chieftain.

May mayamang materyal at di-materyal na kultura tulad ng katutubong sayaw o

tinatawag nilang maral, katutubong kasuotan o albung nsif para sa kababaihan at tabih

para sa kalalakihan, may awit o malem, kuwento o flalok, musikal na instrumento tulad ng

faglung o lute, gong o falimak, at kagamitang pandigma at pangangaso tulad ng espada

o fais, sibat o agas, at busog at pana o bohol na fana. Maraming ritwal ang pangkat at

sila ay naniniwala sa maylikha ng lahat na si Dwata o Meleh.


Ang mga Blaan ay bumubuo ng isang lipunan sa social media tulad ng sa Facebook.

May tatlong FB Group na umiiral sa kasalukuyan: Dad Blaan Level Up, Blaan

Professionals, at Blaan Internationals. Ang Facebook ay nagiging pook ng talastasan,

ugnayan, at imbakan ng alaala. Ito ay lunsaran ng pakikipag-ugnayan,

pakikipagtalastasan, at pag-alala ng mga personal at panlipunang danas ng mga Blaan.

Ang mga administrador at kasapi ng tatlong FB Group ay nagkakaisa sa pagsasabing

hindi binabaybay na B’laan, Bilaan, o Bla’an kundi Blaan. Katunayan, nagkaroon pa ng

konsiyerto, pagbenta ng t-shirt na may tamang baybay ng salita at iba pang adbokasiya

para maisulong ang wastong baybay ng pangalan ng pangkat.

Tboli

The Tboli (Tagabili, Tboli) together with the Blaan to the east and Tiruray
to the north are in a single language group distinct from the remaining
languages of Mindanao. The group is found distributed in the province of
South Cotabato with relatively denser concentrations in the towns of
Kiamba (4899), Maitum (4805) and Surallah (3750, NSO 1980). The total
census estimate is 69547 (NM 1994) (https://ncca.gov.ph/about-culture-
and-arts/culture-profile/glimpses-peoples-of-the-philippines/tboli/).

Mula naman sa Istorya sa Kalinaw page sa Facebook,

Ang salitang Tboli ayon sa kaakibat nitong tribo - ang Blaan, ay hango sa
mga katagang “To” na nangangahulugang “tao” at “Bali” na katumbas ng
“kabila”. Kapag ipinagsama, ito’y tumutukoy sa grupo ng mga taong nasa
kabilang dako.

Ang mga Tboli ay kilala sa kanilang tnalak. Katunayan, ipinagdidiriwang ng Lalawigan

ng South Cotabato ang Tnalak Festival. Kilala rin si Lang Dulay, isang purong Tboli

bilang kauna-unahang Gawad sa Manlilikha ng Bayan mula rito. Tboli rin ang tawag sa
kanilang wika. Ang Bayan ng Tboli at Bayan ng Lake Sebu ang pinakamaraming

naninirahang Tboli. Ang Bayan ng Lake Sebu ay may Sta. Cruz Mission School (dating

Notre Dame of Lake Sebu) na may elementarya hanggang kolehiyo. Ito ay adopted

school ng Notre Dame of Marbel University.

Cebuano

This people, formerly the largest ethnic group in the country, is now next
only to the Tagalog, with a national population of 15,151,489 (NSO
1990). In the island of Cebu alone, they number about 15,008,593 (NSO
1990). Centrally located in the heart of the archipelago, they control
commerce south of Manila. They constitute the major ethnic population
and cultural influence in southern Philippines even among the peoples of
Mindanao such that Cebuano is the lingua franca in the south. The
people are found in mainstream society whether in government,
education, industry, culture, and the arts. Cebu City is a major metropolis
and has even an international airport. (https://ncca.gov.ph/about-culture-
and-arts/culture-profile/glimpses-peoples-of-the-philippines/cebuano/).

Ito ang pinamalaking etnolingguwistikong pangkat mula sa major lowlander partikular

ang Pangkat Visayas. Pangalawa naman ito sa SOCCSKSARGEN. Ito rin ang tawag sa

wika nila. Katunayan, ito ang lingua franca ng halos lahat ng lugar sa SOCCSKSARGEN

lalo na sa Lungsod ng General Santos kung saan matatagpuan ang Notre Dame of

Dadiangas University at sa Lungsod ng Kidapawan kung saan matatagpuan ang Notre

Dame of Kidapawan College na parehas na Marist School na pinamamahalaan ng Marist

Brothers of the School o FMS.

Hiligaynon

The Hiligaynon (Ilongo, Illongo, Ilonggo, Panayano) occupy the province of


Iloilo principally with a total population of some 1,608,083. The largest
concentrations are in Ajuy (37,763), Calinog (40,578), Buenavista
(40,862), and Barotac Nuevo (39,157). The national population is some
5,648,595 (NSO 1990)
(https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/glimpses-
peoples-of-the-philippines/hiligaynon/).

Ito ang pinakamalaking pangkat sa SOCCSKSARGEN. Sumusunod dito ang

Cebuano. Nasa 374, 755 ang populasyon nito sa South Cotabato, 200, 660 naman sa

Sultan Kudarat, at 283, 948 sa North Cotabato. (Peralta, 2000).

Ito rin ang tawag sa kanilang wika. Katunayan, lingua franca ito ng Lungsod ng

Koronadal na matatagpuan sa Lalawigan ng South Cotabato at kung saan matatagpuan

ang Notre Dame of Marbel University at ng Lungsod ng Tacurong sa Lalawigan ng Sultan

Kudarat kung saan matatagpuan naman ang Notre Dame of Tacurong College. Ang

dalawang pamantasang Notre Dame ay parehas na aktibong kasapi ng Notre Dame

Educational Association kung saan sa mismong Lungsod ng Tacurong matatagpuan ang

kanilang tanggapan.

You might also like