You are on page 1of 20

KATANGIANG KULTURAL NA MAKIKITA SA MGA AWITING BAYAN SA

LALAWIGAN NG BUKIDNON

Isang Pamanahong Papel na ipinasa kay

FREDIELYN PONTEMAYOR

Departamento ng Edukasyon

Pamantasang Gitnang Mindanao

Bayan Pamantasan, Musuan,

Maramag Bukidnon

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang

Filipino 59 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan)

Ni

Velasquez, Arman Jay

Nobyembre 28, 2019

1
ABSTRAK

Ang pag- aaral na ito ay nagpapatungkol sa mga awiting bayan sa lalawigan ng

Bukidnon. Layunin ng pag- aaral na ito na makalikom ng mga awiting bayan sa Probinsya ng

Bukidnon; maisalin sa wikang Filipino ang mga nalikom na awiting bayan at matukoy ang mga

pagpapahalagang kultural na nakapaloob sa mga awiting bayan ng nasabing lalawigan. Ang pag-

aaral ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Sinuri ang nalikom na mga awiting

bayan sa pamamagitan ng deskriptibong pamaraan partikular ang kontent analisis.. Isa-isang

tinumbasan sa orihinal na wika ang nairekord na awiting bayan at isinalin ito sa wikang Filipino.

Sa isinagawang pagsasalin ginamit na batayan ang “Meaning –Based Translation” ni (Larson,

1984) [9] na ang pinakamahalagang isalin ay ang diwa at hindi ang salita. Pinagtutuunan ng

pansin ang mga ugnayang sosyo-kultural , pulitikal, at ang reaksyon ng tao maging ang mga

elemento ng akda. Tinatalakay sa pananaw na ito ang mga kalagayang sosyal at pulitikal, ang

kapamuhayan, ang mga sitwasyong nag-udyok ng karahasan, kadakilaan, kagitingan at

kabayanihan ng isang tao o pangkat ng mga tao. Sa ganitong dulog , ang sistema ng

pagpapahalaga sa lipunan ang binibigyang pokus.

Sa pagpili ng mga awiting bayan na susuriin, ito ang mga naging batayan ng mga

mananaliksik: Una, dapat nagmumula sa lalawigan ng Bukidnon at Pangalawa, kakikitaan ng

mga pagpapahalagang kultural.

2
Bilang panghuli napatunayan ng mga mananaliksik na mayroong mga awiting bayan ang

lalawigan ng Bukidnon na napasapasa ng mga sinaunang tao sa kasalukuyan. Napatunayan din

na ang mga awiting bayan na ito ay nagpapaloob ng mga katangian o pagpapahalagang kultural

ng mga taga- Bukidnon.

INTRODUKSIYON

Ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o represetasyon ng

buhay, lipunan, karanasan at kasaysayan. Sa pamamagitan ng panitikan, nadadagdagan ang ideya

ng isang tao tungkol sa isang bagay. Samakatwid, ang panitikan ay ang siyang maging dahilan

upang maipamana sa susunod pa na henerasyon ang mga kultura at tradisyon ng isang lipunan.

Maaari ding maging daan ito upang mas lalong maipakilala ng isang lipunan ang kanilang mga

gawi. Ang panitikan ay salamin ng lahi sapagkat sa pamamagitan nito ating makikita kung anong

kultura ang bumubuo sa isang lahi mula noon at mapaghanggang ngayon. Sa pamamagitan ng

panitikan ating makikita at masasalamin kung anong karanasan, kaugalian, paniniwala o kaisipan

mayroon ang isang tao o lahi na maaaring maihayag naisatitik man o wala.

Ayon kay Luces, ang panitikan ay ang daan upang makilala natin ang ating sarili bilang

Pilipino at matalos natin ang ating pinagyamang isip at angking talno ng ating pianggalingang

lahi. Bukod sa paggamit ng panitikan bilang daan upang maipakilala ang isang pamayanan at ang

kultura nito, ang panitikan din ang magiging daan upang maipasa sa iba pang mga henerasyon

ang mga kaugalian, kultura at tradisyon. Sa pamamagitan ng panitikan, magkakaroon ng ideya

ang makabagong henerasyon sa pinagmulan ng kanilang kultura at ito ay maging susi upang

patuloy na maipakilala ang mga ninuno na siyang bumuo nito. Ang panitikan ay hindi

namamatay sapagkat ito ay patuloy na pinalalago. Habang may tao pang nabubuhay, patuloy pa

3
ring mabubuhay ang panitikan dahil sa karanasan ng tao nagmumula ang iba’t ibang damdamin

na sangkap sa pagbuo ng panitikan.

Bago ang pananakop mayroon ng sariling panitikan ang bansa. Isa na rito ang awiting

bayan na ginagawang libangan o pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ayon kay Salce, ang

awiting bayan ay kilala rin sa tawag na kantahing bayan. Ito ay isang tulang inaawit na

nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng

mga taong naninirahan sa isang pook. Maraming uri ng mga awitin. Samakatuwid sa

pamamagitan ng awiting bayan ating masasalamin ang kultura ng isang lahi.

Ang mga tao noong sinaunang panahon ay marunong ng masulat at magsaulo ng tula. Sa

uri ng tula ay nangingibabaw ang awit. Ang mga awiting ito ay galling sa iba’t ibang pook ng

mga taong hindi nakapag- aral, mga mangingisda at mga taga- bukid, itinuturing na hamak

datapwa’t may puso at kaluluwa.

Sa kanilang pagiging mangmang, ang nagging basehan ng kanilang aklat at mga isinusulat

ay ang liwanag ng buwan, ang ningning ng bituin, ang mainit na araw, ang malawak na dagat, ang

mga sariwang halaman at ang tubig sa batis. Inihalintulad nila ang anilang buhay sa kapaligiran

kung saan sila nakapaluob, ang kanilang awitin ay naglalaman ng iba’t ibang damdamin.

Ang mga awiting bayan ay nakasulat sa iba’t ibang wika, ito ay nakadepende sa kung

anong kultura at lipunan ito nagawa. Ayon kay Barker at Barker, ikinukunekta ng wika ang

nakaraan, ang kasalukuyan at hinaharap. Sa pamamagitan nito ang mga sumunod at sumusunod

pang mga henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na naranasan at sa gayoy

maiiwasan ang muling pagkakamali o di man kayay maitutuwid ang mga dating pagkakamali.

Masasabi kung gayon sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelekwal,

4
sikolohikal at kultural. Maaaring mawala ang matatandang henerasyon,subalit sa pamamagitan

ng wika, naipapabatid pa rin ang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging mga plano o

adhikain sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng wika, nakabubuo ang tao ng iba’t ibang masining na daan upang

maipabatid nila ang kanilang gusting ipabatid sa iba. Ayon kay Libata, wika ang kumakatawan

sa ating kultura, pagkatao at higit sa lahat, sa ating pagka-Pilipino. Kung walang wika, malabo

na magkaintindihan ang lahat ng tao at magdudulot lamang ito ng kaguluhan sa ating bansa.

Kung kaya’t maituuturing ang wika na isa sa mga elemento na bumubuo sa isang lipunan. Ito

ang siyang daanan upang maibahagi sa kasunod na mga henerasyon ang kulturang mayroon ang

isang lipunan. Kung patuloy na binabago ang wika, maaring magiging malabo sa susunod na

henerasyon ang kulturang nakagisnan natin ngayon. Nararapat lamang na alagaan natin ang ating

wika at huwag hayaang ma impluwensiyahan ito ng ibang wika na makakasira sa orihinalidad

nito.

Sa kabilang banda, ang mga kantahing bayan ay nagagawa dahil sa wikang ginagamit ng

isang lipunan. Ang mga awiting ito ay pumapaksa ng iba’t ibang pamumuhay at pag- uugali ng

mga tao, ng mga kaisipan at damdamin ng bayan, ipinahahayag din ditto ang mga katangian at

kasiglahan sa buhay ng ating mga ninuno. Ang mga awiting bayan ay nagpapahayag ng

damdamin, kaugalian, hanapbuhay at paniniwala ng mga Pilipino. Malaki ang impluwensya ng

mga awiting bayan sa kasaysayan ng daigdig. Isa na ang bansang Pilipinas na binubuo ng iba’t

ibang pangkat -etniko.

Sinasabing ang awitin o kantahing bayan ay isa sa matandang uri ng panitikang Pilipino

na lumitaw na bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito ay ngalalarawan ng kalinangan ng

ating nakaraang panahon. Karaihan sa mga ito ay nakasulat sa labindalawahing pantig. Ilan sa

5
mga ito ay kundiman, kumintang, dalit, Oyayio Hele (awit sa pagpapatulog ng bata), Diona (awit

sa kasal), Soliranin (awit ng mga manggagawa) at talindaw (awit sa pamamangka).

Maraming awiting bayan ang Pilipinas na nagiging paraan ng pagpapahayag ng mga

nararamdama’t iniisip. Masasalamin sa awiting bayan ang tunay na damdamin, kaugalian,

saloobin, Gawain at paniniwala sa buhay ng isang katutubong lahi noong unang panahon at

magpahanggang ngayon.

Layunin ng pag- aaral na ito na makalikom ng mga awiting bayan sa Probinsya ng

Bukidnon; maisalin sa wikang Filipino ang mga nalikom na awiting bayan at matukoy ang mga

pagpapahalagang kultural na nakapaloob sa mga awiting bayan ng nasabing lalawigan.

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Sinuri ang

nalikom na mga awiting bayan sa pamamagitan ng deskriptibong pamaraan partikular ang

kontent analisis. Isa-isang tinumbasan sa orihinal na wika ang nairekord na awiting bayan at

isinalin ito sa wikang Filipino. Sa isinagawang pagsasalin ginamit na batayan ang “Meaning –

Based Translation” ni (Larson, 1984) [9] na ang pinakamahalagang isalin ay ang diwa at hindi

ang salita. Para masiguradong tapat at wasto ang nakuhang datos tiniyak na pagkatapos maisalin

sa wikang Filipino ang mga awiting bayan, dumaan ito sa balidasyon sa tulong ng iba pang mga

kasapi sa pag- aaral na ito. Sa pagpili ng mga awiting bayan na susuriin, ito ang mga naging

batayan ng mga mananaliksik: Una, dapat nagmumula sa lalawigan ng Bukidnon at Pangalawa,

kakikitaan ng mga pagpapahalagang kultural.

Sa pagsuri ng mga awiting bayan ng Probinsya ng Bukidnon ginawang batayan ng mga

mananaliksik ang konsepto ni Phil Bartle na ayon sa kanya lahat ng kultura (samahang sosyal) ay

6
may iba’t ibang sukatan sa pagpapahalaga, ngunit tumutugon pa rin sa kabuuan. Iminungkahi

niya ang limang pinakamainam na sukatang pagpapahalagang pangkultural. Una, sukatang

ekonomikal na may kaugnayan sa iba’t ibang kaparaanan ng paggawa at pagtatabi/paggamit ng

kaunti ngunit mapapakinabangang produkto at serbisyo. Ito ay ang pagbibigay halaga sa salapi.

Pangalawa, ay ang politikal na sukatan patungkol sa iba’t ibang kaparaanan ng pagbibigay

kapangyarihan at pagpapasya. Nabibilang din dito ang uri ng pamahalaan at sistema ng

pamamalakad ng kinikilalang pinuno. Pangatlong sukatan ay ang institusyonal o panlipunan na

kinabibilangan ng mga gawi ng tao, kung paano sila makipag-ugnayan sa isa’t isa , kung

papaano kumilos at umasa para sa isa’t isa. Kasama rito ang pakikipagkaibigan, gampanin ng

magulang, katayuan sa buhay at iba pang pag-uugali na sinusunod ng tao.Ang pang-apat na

sukatan ay ang pagpapahalagang moral na nauugnay sa ayos ng kaisipan, minsan ay

kabaliktaran, walang ayos o kaya ay kontra sa kung anong pananaw ng tao sa mabuti at masama,

kagandahan at kapangitan sa tama at mali at ang panghuli ay ang paniniwalang ispiritwal o

panrelihiyon tungkol sa pinaniniwalaan ng tao sa kanyang Diyos, sa kalikasan ng langit, ng

mundo, sa paligid niya, sa mga bagay na pinagmulan at maaaring kinalabasan ng tao. Sa pag-

aaral at pagsusuri ng akdang pampanitikan na pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t ibang

kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan, mainam gamitin ang

pananaw na sosyolohikal. Pinagtutuunan ng pansin ang mga ugnayang sosyo-kultural , pulitikal,

ekonomikal at ang reaksyon ng tao maging ang mga elemento ng akda. Tinatalakay sa pananaw

na ito ang mga kalagayang sosyal at pulitikal, ang kapamuhayan, ang mga sitwasyong nag-udyok

ng karahasan, kadakilaan, kagitingan at kabayanihan ng isang tao o pangkat ng mga tao. Sa

ganitong dulog , ang sistema ng pagpapahalaga sa lipunan ang binibigyang pokus.

7
Manti- Ay- Ay Manduraw Manti- Ay- Ay Manduraw

Hura labi ko biro Hindi ito isang kasinungalingan

So kabukad ko hikdop ko Ang mga bulaklak na aking kinakakahumalingan

Sa liwada ka daluman At sa kalagitnaan ng gabi

Hura labi ka damalig Hindi ito isang mali

So bulak ko damgo ko Ang bulaklak sa ating panaginip

Agu- rahikon ko dagmal At ang sasakyan ay papunta sa salungat na agos

Sa iliyan nabigalan Ang matibay na tanggulan ay nakabaon

Agsulsulgan ko dayabo Upang ang mananalakay ay aataki

Sa alat na panukalan Sa kutang binakuran

Mayroon kang kapakinabangan sa kaaway


8
Hindi mo makikita ang bayani kung tahanan
Naka- uba ka sa dagmal

Ta hura no kabalayo

Sa bantugan ko ha hibang

Mu- oy ko sambunotan

Naka – uba ka sa dyabo Mayroon kang idang gilid sa akin, magnanakaw

Ta hura no kasampan Dahil hindi mo siya Nakita

Sa muoy ko sabunatan Ang aking sikat, isang matapang

Hura labi kabido Hindi ito isang kasinungalingan

Ha ulipon sa ngadan ko Ang Alipin na iyan ang magiging aking pangalan

Pagotpot ad lubid Nakagapos sa lubid palibot saakin

Sasabot ad ho pisi Ang lubid ay mahigpit saakin

Bakuson ho salapad Ang baywang koy lubid na kay lapad

Sapod-od ka magsubay Tumigil ka sa pagsasalita, walang halagang alipin

Sa maduduya ha sandir Walang magawa at katarungan na alipin

Ta iman magbaya Walng taong makakapagpigil saakin kapag

Isasaksak ko ang punyal ng kamatayan.


9
Ko ibani-ay ko imo duso

Hura labi mabiro

Ha ulipon sa ngaran ko

Taigtundagayadta Lanaw

Tagbaliwaas ad pando Kanila akung ipagpalit kay pandi

Ibalyo ad ko ampik Kanila akung papalitan para sa ampak

Ta ulipon sa ngaran ko … Dahil ang pangalan ko ay isang alipin

Ta ugdop sa tugam-a lp At ang aking bansag ay walang simbi

10
Tribu Bukidnon Tribu Bukidnon

by Natural roots
by Natural roots\
Wooh woohhx³ Bukidnon
Wooh woohhx³ Bukidnon
Ipinanganak na Pilipino
Natawong Pilipino
Lumaki na probinsyano
Nagdako na probinsyano
klasi-klasing mga tribu
Klasi-klasing mga tribu
iba't ibang diyalekto
Lain-laing diyalekto
Meroong Higaunon, Talaandig,
Adunay Higaunon, Talaandig,
Manobo, Matigsalog,
Manobo, Matigsalug,
Tigwahanon, Umayamnon
Tigwahanon, Umayamnon
Bukidnonx²
BukidnonX2 (repeat)
Ipinagmamalaki namin na kami pinanganak
Garbo namo nga Kami nahimugso
Sa buhay ng taga-bukidnon
Sa kinabuhing Taga-bukidnon (repeat)
Mga maganda Tribu ng Bukidnon

Dapat pasalamatan sa pagiging masaya 11

Bangon lang palagi hanggang sa kailanman


Mga maanyagon Tribu sa bukidnon

Magpasalamat Angay nga magmalipayon

Bangon lang gihapon hangtud sa kanunay

Nagkalain-laing Mang mga itsura

Mga tradisyon,kultura ug istorya

Magapabilin ang dako nga gugma Mananatili ang wagas na pag-ibig

Ug dakong respeto Sa mga ka-tribo at malaking respeto sa mga ka-tribu

Garbo namo nga Kami nahimugso Ipinagmamalaki namin na kami pinanganak

Sa kinabuhing Taga-bukidnon(repeat) Sa buhay ng taga-bukidnon.

Bukidnonx² Sa bukidnonx³ Bukidnonx² Sa Bukidnonx³

12
Iitsa tamoka yataki tombi Iitsa tamoka yataki tombi

By: Waway Saway


By: Waway Saway

Ang kahadlok kabalaka Ang takot at pangamba

kahingawa ug kaguol

Protektahan natin ang bukid

panalipdan ta ang bukid Laban sa mga maninira ng kagubatan

batok sa mga barbero sa lasang Ang pagalang sa kalikasan

ang paggalang sa kinaiyahan Kailangan maisakatuparan

kailangang maisatuparan

Ang gubat ay paaralan

ang gubat ay paaralan


Tinuring ding simbahan

tinuring din n simbahan


Lihim na parmasya

lihim na parmasya
Palengke ng katutubo
13
palengke ng katutubo

sandiganan sa pag barog

naga saysay sa ka tungod

ipaabot sa kadaghanan

manalipod Ipagsangalang

makigbisog ipaglaban

PAGSUSURI SA MGA AWITING BAYAN SA LALAWIGAN NG BUKIDNON

Ang awiting bayan sa Bukidnon na pinamagatang “Manti-ay-ay Manduraw”ay may

paksa tungkol sa isang matapang na mandirigma na nakatira sa pagitan ng Basak at Tikalaan at

may panganay na anak na nagngangalang Duraw. Kaugalian ng mga taga- Bukidnon na ang

pangalan ng anak ay parte ng pangalan ng ama. Ipinahiwatig sa awit na tinatapakan ng lipunan

ang Karapatan ng mga ito at hindi pinapahalagahan ang kanilang kakayahan. Makikita sa kanta

na isinaslaysay ang maging kahihinatnan nila sa hinaharap. “Kanila akong bebenta sa Lanao.

Kanila akong ipagpapalit kay pandi. Kanila akong papalitan para sa ampak.” Batay sa linyang

iyan nagpapakita lamang na nagiging alipin sila.

Sa pagpapahalagang moral naman, ipinapahayag ang pagkamatiisin ng persona mula sa

linya ng kanta na “Dahil ang pangalan ko ay isang alipin at ang aking bansag ay walang silbi.”

Mababakas sa kantang ito na nakararanas sila ng paghihirap mula sa kamay ng mapanghusgang

lipunan. Kung saan tinitingnan sila ng lipunan bilang walang silbi at walang Karapatan na sa

14
madaling salita ay tinatapakan ang kanilang karapatang pantao na sakop sana ng isang lipunan na

kanilang kinabibilangan.

Ang kantang "tribu bukidnon" ay kinanta ng isang bandang taga bukidnon na

nagngangalang Natural Roots. Ang awiting bayan na ito ay nagpapatungkol sa kultura, tradisyon,

at nagpapakita ito ng prinsipyo at ugali ng mga tao sa bukidnon.

Naipapakita ng kanta ang napakayamang kultura ng bukidnon sa mga linyang "Klasi-

klasing mga tribu Lain-laing diyalekto" dahil sa mga linyang ito ipinapahayag nito na maraming

tribu sa bukidnon at bawat tribo ay may natatanging diyalektong ginagamit. Ang bukidnon ay

binubuo ng limang tribo na ayong sa kanta ay "Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug,

Tigwahanon, Umayamnon”. Dahil sa mga tribung ito hitik na hitik sa paniniwala. Ang ang

pagiging mabuting tao o katribo sa kabila ng magkakaibang kultura at tradisyon ng mga taga

Bukidnon

Napakahalaga ng mabuting pakikisama sa mga taga bukidnon dahil ang bukidnon ay

kilala bilang isang agrikultural na lugar at ang pakikisama ay mahalaga para maging masagana

ang bawat anihan ng mga magsasaka. Sa kabuohan ang kantang ito ay nagpapakita kung ano ang

mga ugali at kultura ng mga taga bukidnon na sa kabila ng mga mga tribung nakapaloob dito ay

mayroong pagkakaisa at tibay ng loob sa isat-isa na naging haligi ng kung ano ang makikita sa

bukidnon ngayon.

Ang kantang iitsa tamoka yataki tombi ay napapatungkol sa kalikasan. Kalikasan na

dapat maprotektahan laban sa mga maninira nito. Ang kantang ito ay napapakita ng tribo ng mga

Talaandig, kung ano ang kanilang paniniwala,ugali at traadisyon. Tayong mga taga-bukidnon

ang pangunahing trabaho natin ay ang pagsasaka at iba pang trabahong bukid, maraming

15
nabubuhay dahil sa trabahong ito lalo na dito sa Bukidnon na dito kumukuha ng pangunahing

pinagkakakitaan ang mga naninirahan dito. Makikita na ang nasa persona ng kanta ay

nagpapahalaga sa kalikasan. “Ang gubat ay paaralan tinuring ding simbahan lihim na parmasya

palengke ng katutubo”. Sa linyang ito makikita kung gaano kahalaga ang kalikasan sa mga

katutubo lalo na dito sa mga taga-bukidnon. Ito ang kanilang unang pinupuntahan kung sakaling

mayroong magkasakit dahil maraming mga haalamang gamut ang makikita ditto na wala sa

ibang lugar tanging ang Bukidnon lamang ang mayroon. Ang kalikasan rin ay nagsisilbing

pasyalan at tunguhan ng mga taao kung sakaling gusto nilang magpahinga at lumanghap ng

sariwang hangin dahil sa maganda nitong tanawin.

Sa pagpapahalaga, moral naman ang ipinapahayag nito sa kalikasan kung sa persona

ibase mula sa linya ng kanta. “Protektahan ang bukid laban sa mga maninira ng kagubatan, ang

paggalang sa kalikasan kailanagan maisakatuparan.” Dapat lamang na ingatan natin ang

kalikasan dahil malaki ang tulong na nabibigay nito mula pasa ating mga ninuno hanggang sa

kasalukuyan. Kung kaya nabuo ang kantang iitsa tamoka yataki tombi ni Waway Saway

sapagkat gusto niyang ipa alam sa ating mga taga-bukidnon kung gaano kahalaga ang kalikasan

lalo nasa mga Talaandig na dito kumukuha ng pangkabuhayan.

Sa kasalukuyan ang awiting ito ay nagpapakahulugan kung gaano ka importante ang

kalikasan lalong-lalo nasa mga tribong Talaandig gayun din sa mga taga-bukidnon na dito

kumukuha ng kabuahayan. Kung kaya ganito ka importante ang awiting ito sa mga tao na dito

kumukuha ng ikinabubuhay sapang araw-araw.

RESULTA NG PAG-AARAL

16
May tatlong (3) awiting bayan ang nalikom, isinalin sa wikang Filipino at sinuri. Ang

mga pagpapahalagang kultural na nakapaloob sa sinuring mga awiting bayan ng Probinsya ng

Bukidnon ay ang mga sumusunod: pagpapahalagang panlipunan na nauugnay sa pagkakaibigan

at pakikisama; pagpapahalagang panrelihiyon na may kaugnayan sa tradisyon; pagpapahalagang

moral na may kaugnayan pagkamatiisin, pagkamatatag, pagibig, pagpaparaya, paggawa nang

mabuti sa kapwa at pagmamahal ng magulang sa anak. At pagpapahalagang pangkalikasan na

may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan.

KONKLUSYON

Napatunayan sa pag-aaral na ito na ang mga awiting bayan ng Lalawigan ng Bukidnon

ay nagtataglay ng mga pagpapahalagang kultural na may kaugnayan sa kung ano sila sa kanilang

nakaraan bilang isang lalawigan may natatanging kultura. Sumasalamin din ang mga awiting

bayan sa kanilang hinaharap sapagkat ang mga pagpapahalagang kultural na ito ay umiiral pa rin

sa lipunan ng Bukidnon sa kasalukuyan. Ang awiting bayan bilang isa sa matandang uri ng

panitikan ay nagsisilbing batayan ng mga taga Bukidnon at ng iba pang mga Probinsya sa bansa

upang lalo pa nilang maunawaan ang kanilang kultura at tradisyon. Sa larangan naman ng

edukasyon ang pag-aaral na ito ay magbubukas ng panibagong kaalaman sa mga mag-aaral at

mga guro ng wika at panitikan. Maaaring gamitin ng guro na lunsaran na magsisilbing

motibasyon sa kanyang pagtuturo ang mga nabanggit na awiting bayan sa paglinang ng mga

mabubuting pag-uugali at mga gawaing pangkultural na makatulong sa pagtaas ng antas ng

kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kultura at tradisyon ng iba’t ibang katutubong pangkat

na nakatira sa Pilipinas.

17
Nakalimita lamang sa tatlong (3) awiting bayan ng Probinsya ng Bukidnon. Ang sinuring

datos sa isinagawang pananaliksik kung kaya’t inirerekomenda ang dagdag pang paglilikom,

pangangalap at pagsasalin sa wikang Filipino ng mga awiting bayan ng Probinsya ng Bukidnon

na nakatira sa ibang lugar. Para sa mga mag-aaral, guro at mga mananaliksik ang pag-aaral na ito

ay magsisilbing simula para sa patuloy pang koleksyon ng mga awiting bayan at iba pang

“genre” ng katutubong panitikan ng Probinsya ng Bukidnon at iba pang mga Probinsya na

naninirahan sa ating bansa.

18
Sanggunian

Espina. Borja. (1999). Batayan kaalaman sa wika. Retrieved July 27, 2010, from

http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html

Batnag, A.  (Kabayan, 2001). Antas ng Wika.

https://www.academia.edu/14118076/ANTAS_NG_WIKA

Libata, N. (2016, September 22). Wika sa modernong mundo. Retrived from

https://nefelibata191.wordpress.com

Barker at Barker (2001:19).Kasaysayan ng wika. Nakuha noong Agosto 7, 2015 sa

https://prezi.com/0gndwqmyzyye/kasaysayan-ng-wika/

Apuntan, E.C.(2013: 1).Panitikan kayamanan ng bayan.

http://depedne.net/?page=news&action=details&opt=popup&REFECODE=AP13050002

Ang panitikan at kulturang Pilipino. (2014). Nakuha sa

https://www.cebookshop.com/index.php?route=product/product&product_id=182106

Kahalagahan, Kaanyuan, Estitika, at ilang teorya/konsepto. (n.d). Nakuha sa

https://www.slideshare.net/ChristianJoyTayag/1unang-bahagi

Kahulugan ng wika. Retrieved Setyembre 28, 2014 sa

https://prezi.com/zigszillbzgl/kahulugan-ng-wika

Isang Pasasalamat sa Wikang Filipino. Retrieved Marso 19, 2015 sa

19
http://mgbrdeos.blogspot.com/2015/03/wikang-filipino-ang-pambansang-wika.html

Luces, A.A (2018:3) Bakit mahalaga ang mag- aral ng panitikan?

https://www.pressreader.com/

Awiting bayan. Retrieved Abril 17, 2011 sa

https://www.affordablecebu.com/load/literature/awiting_bayan/22-1-0-956

Meaning Based Translations. (n.d) Retrieved from

http://docencia.udea.edu.co/TeoriaTraduccion/linguistico/mildred01_ingles.htm

20

You might also like