You are on page 1of 10

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Alamin guide Card

Ikaw ay nakapaglakbay na sa kalakhang Asya. Natuklasan mo ang katangiang pisikal at


mga yamang likas nito sa bawat rehiyon. Ang susunod na iyong susuriin ay ang mga taong
naninirahan dito. Ano ba ang katangian, wika at kultura ng mga asyano. Bilang Pilipino, may
pagkakatulad ba ang katangian, kultura at wika sa ibang mga asyano? Halina’t tuklasin ang mga
iba’t-ibang PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad
ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng pangkat etnolingguwistiko
 Natutukoy ang iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa Asya
 Napaghahambing ang mga iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa Asya.

Subukin
A. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
____ 1. Wikang non-tonal language A. Cham at Khmer
____ 2. Mga taong naninirahan sa Asya B. Austro-Asiatic
____ 3. Pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan. C. Lowlander
____ 4. Nabibilang ang mga Pilipino at Indonesisan D. Uplander
____ 5. Rehiyon sa Asya namamalagi ang mga Eskimo E. Hilagang-Asya
____ 6. Pangkat ng mga tao na may magkaparehong F. Etnisidad
wika, kultura at etnisidad. G. Wika
____ 7. Naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan H. Tonal
____ 8. Kategorya ng wika na kung saan ang kahulugan I. Etnolingguwistiko
ng salita ay nagbabago batay sat ono ng pagkabigkas. J. Asyano
____ 9. Mistulang kamg-anakan K. Pilipinas
____ 10. Naninirahan sa kapatagan o babay dagat.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

B. Sagutin ang tanong ng may tatlo hanggang limang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga asyano?

Balikan
1
Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya.
Ang tao sa asya o mga asyano ay may malaking ginagampanan sa pananatili ng balance. Ang
interaksyon at pag-angkop ng tao sa kaniyang kapaligiran ay nakakatulong upangg makabuo at
mapaunlad ang isang uri ng pamumuhay na naaayon sa kanyang kultura at kabihasnan.

GAWAIN 1: Magbigay ng tatlong (3) kapakinabangan ng tao mula sa kapaligiran. Ilagay ang
sagot sa sagutang papel.
1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________

ACTIVITY CARD
Tuklasin

GAWAIN 2: Unawain ang pag-uusap ng dalawa sa ibaba. Sagutin ang mga pamprosesong tanong
sa sagutang papel.
Napag-isipan mo na ba kung saan lalawigan o rehiyon sa Pilipinas nagmula ang iyong
pamilya? Ano ang dialektong iyong ginagamit? Ikaw ba ay Tagalog, Ilokano, Bicolano?
Tunghayan mo ang pag - uusap ng dalawang bata. At sagutan ang mga tanong.

Talaga? Mahilig
kayo sa mga
Alam mo ba ang
pagkaing may gata?
pamilya ko ay
Ang mga ninuno ko
nagmula sa Albay?
naman ay nagmula
Bicolano ang mga
sa Ilocos. Mahilig
ninuno ko.
kami sa gulay at
bagoong.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang paksang pinag-uusapan ng dalawang bata?


2. Ano ang mga pangkat etnolinggwistikong sa Pilipinas na nabanggit sa usapan?
3. Bukod sa nabanggit ano pa ang mga pangkat etnolinggwistiko sa bansa?

Suriin

2
Gawain 3: Suriin ang dayagram. Ipaliwanag ang gusto nitong ipahiwatig. Isulat ang sagot sa
sagutang papel

PANGKAT
Wika Kultura Etnisidad ETNOLINGGUWISTIK
O

Pagtuunan ng pansin ang babasahin sa ibaba at sagutin ang mga gawain.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA ASYA


Asyano ang mga taong naninirahan sa Asya. Nakikilala din sila batay sa bansang pinagmulan gaya ng
Pilipino nagmula sa Pilipinas, Japanese mula Japan, Vietnamese mula sa Vietnam. Maari ding kilalanin ang
mga Asyano batay sa pangkat etnolinggwistikong kinabibilangan. Ang pangkat etnolinggwistiko ay tumutukoy
sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika ,kultura at etnisidad.
Ang wika ang isa sa batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Ito ay may dalawang kategorya ang Tonal
– kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito. Gaya ng
wikang Chinese, Burmese, Vietnamese. Ang ikalawang kategorya ay ang stress o non tonal language – ang
pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita at pangungusap nito.
Ang wikang Cham at Khmer sa Cambodia ay ilan sa mga halimbawa nito.
Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan ng
wika naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin, napapaunlad niya ang kanyang sarili at kapwa sa
pamamagitan ng pakikipagtalastasan.
Sinasabing pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura ng mga etnolinggwistiko. Ito ang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Kung nais mong suriin ang kultura at kasaysayan ng isang
lahi ,kinakailangan pag-aralan mo ang wika nito.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Samantala , isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga tao ay ang etnisidad. Ang etnisidad ay
mistulang kamag-anakan . Kapag ang isang tao ay kinilala ng isang pangkat etnolinggwistiko bilang
kasapi dahil sa pagkakapareho ng kanilang pinagmulan itinuturing nila ang isa’t isa bilang malayong
kamag-anakan.
*Hango sa Kabihasnang Asyano, Vibal Publishing House Inc. pahina 61 -63

ENRICHMENT Card

Pagpapalalim

GAWAIN 4: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa pagsuri mo ng babasahin sa


itaas.
1. Ano ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng etnolinggwistiko?
2. Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat etnolinggwistiko?
3. Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya? Paghambingin at magbigay ng halimbawa.
4. Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolinggwistiko?
5. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura
3 at pagkakakilanlan ng mga Asyano?
KARAGDAGANG KALAMAN

Maaari ding kilalanin ang mga pangkat etniko batay sa kanilang panirahan.
Tinuring na uplander ang mga naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan gaya ng
Mangyan at Dumagat sa Pilipinas, Karen at Hmong sa Thailand at lowlander naman ang
naninirahan sa kapatagan at baybay dagat gaya ng ethnic Lao ng Lao PDR, Kinh o Viet sa
Vietnman. Sa Pilipinas ano mang pangkat etniko ang naninirahan sa kapatagan na alam
mo ?Kabilang ka ba sa kanila? Karaniwan ang mga pangkat etniko na asa kapatagan ang
mas marami ang bilang, sila din ang may maunlad na pamumuhay. Ang sentro ng
pamahalaan, edukasyon ,komersyo at iba ay matatagpuan dito. Samantalang ang mga
naninirahan sa kabundukan pakaunti ang bilang, sinisikap na mapanatili ang kanilang
kultura sa kabila ng kakapusan sa mga pangunahing pangangailangan at hamon ng
makabagong panahon.

Anumang batayan ang gamitin sa pagkilala sa mga Asyano ang mahalagang tandaan
sa kabila ng pagkakaiba – iba ng wika, etnisidad at kultura ang dapat manaiig sa bawat
Asyano ay PAGKAKAISA.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Pagyamanin GABAY NA GAWAIN

GAWAIN 5 A: Batay sa iyong binasa, ano ang iyong sariling pakahulugan sa salitang
Etnolingguwistiko?

GAWAIN 5 B: Sagutain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang pinagkaiba ng Tonal sa Non-tonal languages? Magbigay ng mga halimbawa.
2. Paano nakakatulong ang iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa pagbuo at pag-unlad
ng kabihasnang Asyano?
3. Sa kabila ng pagkakaibba-iba ng wika, etnisidad at kultura ng mga asyano, bakit
mahalaga ang pagkakaisa?

KARAGDAGANG IMPORMASYON

4
MALAYANG GAWAIN

GAWAIN 6: Pumili ng isang PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO sa bawat rehiyon.


Magsaliksik tungkol sa mga napiling pangkat. Kopyahin at kompletuhin ang talahayanan sa
ibaba.

PANGKAT REHIYON KATANAGIAN WIKA KULTURA


ETNOLINGGUWISTIKO SA ASYA

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

MALAYANG GAWAIN

GAWAIN 7: Suriin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

5
1. Ano ang nilalaman ng “framework agreement” ng gobyerno at Moro Islamic Liberation
Front (MILF)?
2. Paano ito nakatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao?
3. Sa kasunduang ito napangalagaan ba ang pagkakakilanlan o identity ng mga Muslim bilang
isang pangkat etnolinggwistiko? Patunayan.
4. Bakit mahalagang panatilihin ang kapayapaan sa Mindanao? Makakaapekto ba ito sa mga
pangkat etnolinggwistiko na naninirahan sa mga nabanggit na lugar? Patunayan.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

MALAYANG TAYAHIN

GAWAIN 8: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. Kopyahin sa sagutang papel ang
talahayanan.

MAHAHALAGANG SALITA KAHULUGAN

1. Wika

2. Kultura

3. Etnisidad

4. Tonal

5. Lowlander

GAWAIN 9: Ipaliwanag ang mga sumusunod na may tatlo hanggang limang pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

2. Sa kabila ng pagkakaiba – iba


1. Sinasalamin ng Wika
ng wika, etnisidad at kultura
ang Kultura ng isang
ang dapat manaiig sa bawat
bansa.
Asyano ay PAGKAKAISA.
6
Isaisip REFLECTION Card

GAWAIN 10: Think-Pair-Share. Sagutan ang talahayanan sa ibaba. Kopyahin sa sagutang


papel.

ANO ANG AKING ANO ANG ANO ANG INIISIP ANO ANG
KATANUNGAN? NAIBAHAGI KO? NA KAPAREHA NAPAGKASUNDUANG
KO? IDEYA?

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Isagawa

GAWAIN 11: Sa talahanayan, isulat mo sa unang hanay ang mga gawain na iyong isinagawa
at sinagutan. Ang iyong mga natutunan naman ang iyong ilalagay sa ikalawang hanay .Sa
pinakahuling hanay isulat mo kung paano mo magagamit sa pang- araw – araw na buhay ang
mga ito.

MGA GAWAIN MGA NATUTUHAN PAANO ITO MAGAGAMIT

ASSESSMENT Card
Pagtataya

Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano
ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko B. Etnolingguwistiko C. Katutubo D. Nomad

7
2. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura at
etnisidad.
A. Etnisidad C. Pangkat Etnolinggwistiko
B. Pangkat Etniko D. Wika
3. Ito ang ginagamit na batayan sa pagpapangkat ng tao sa Asya na may dalawang kategorya, ang tonal at
non-tonal.
A. Etnisidad B. Kultura C. Tradisyon D. Wika
4. Alin sa mga sumusunod na pangkat etnolinggwistiko ang hindi kabilang sa Silangang Asya?
A. Arab B. Hapones C. Korean D. Sino-Tibetan
5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura
ng isang lahi ”?
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Piliin ang titik sa hanay B na tinutukoy ng mga bilang sa hany A.

HANAY A HANAY B
____ 1. Mga taong naninirahan sa Asya A. Cham at Khmer
____ 2. Pangkat ng mga tao na may magkaparehong wika, kultura at B. Austro-Asiatic
etnisidad. C. Lowlander
D. Uplander
E. Hilagang-Asya
____ 3. Kategorya ng wika na kung saan ang kahulugan ng salita ay
F. Etnisidad
nagbabago batay sat ono ng pagkabigkas.
G. Wika
H. Tonal
____ 4. Pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan. I. Etnolingguwistiko
____ 5. Mistulang kamg-anakan J. Asyano
K. Pilipinas
____ 6. Rehiyon sa Asya namamalagi ang mga Eskimo

____ 7. Naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan


____ 8. Naninirahan sa kapatagan o babay dagat.
____ 9. Nabibilang ang mga Pilipino at Indonesisan
____ 10. Wikang non-tonal language

REFERENCE Card
 

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON


1. MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA ASYA
Ang mga Asyano ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko. Tumutukoy
ang pangkat etnolingguwistiko sa mga pangkat na nabuo batay sa pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura. Nakabatay sa etnisidad at wika ang pagbuo ng mga
pangkat etnolingguwistiko…
ITULOY ANG PAGBABASA SA…
https://aralingpanlipunanphilippines.blogspot.com/2016/05/mga-pangkat-etnolingguwistiko-sa-asya.html
8
2. PANOORIN SA YOUTUBE https://www.youtube.com/watch?v=3G_bKSNGjIg
3. Pangkat Etnikong Pilipino: Kapampangan mula sa
https://itsmorefuninpampanga.wordpress.com/kapampangan/
4. SANGGUNIAN
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN Gawain 1
SUBUKIN NATIN MAARI KA BANG MAGBIGAY NG
A. MATCHING TYPE TATLONG (3) KAPAKINABANGAN NG
1. A 6. I TAO MULA SA KAPALIGIRAN?
2. J 7. D
3. G 8. H - Inaasahang iba-iba ang sagot.
4. B 9. F
5. E 10. C TUKLASIN Gawain 2
1. Pinagmulan/ Pangkat/ Etniko
B. Inaasahang iba-iba ang sagot.
2. Bicolano at Ilocano
3. Inaasahang iba-iba ang sagot.
SURIIN Gawain 3
- Inaasahang iba-iba ang sagot.

PAGPAPALALIM Gawain 4
1. Wika at Etnisidad
2. Pagkakapareho ng wika, etnisidad at
kultura
GAWAIN 5 A: Inaasahang iba-iba ang 3. Tonal at Stress o Non Tonal
sagot Languages
GAWAIN 5 B: Inaasahang iba-iba ang 4. Dahil sinasalamin nito ang kultura
sagot ng isang bansa.
5. Inaasahang iba-iba ang sagot.

GAWAIN 6: Pumili ng isang PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO sa bawat rehiyon.


Magsaliksik tungkol sa mga napiling pangkat. Kopyahin at kompletuhin ang talahayanan sa ibaba.
- Inaasahang iba-iba ang sagot

GAWAIN 8-11: Inaasahang iba-iba ang sagot

9
TAYAHIN
A. MULTIPLE CHOICE B. MATCHING TYPE
1. B 1. J 6. E
2. C 2. I 7. D
3. D 3. H 8. C
4. D 4. G 9. B
5. D 5. F 10. A

10

You might also like