You are on page 1of 10

Values Suggested in …111

PAMAGAT : POLANGUI -RBI-Radyo Eskwela Para Sa Araling Panlipunan 7

Paksa : Yamang Tao at Kaunlaran ng Asya

Format : School-on-Air

Length : 30 minutes

Sumulat ng Iskrip: ROWENA N. QUIOBE/Gurong Tagapadaloy: FRANCIA P. BIŇAN

Editor : MAYDOLL ROQUINO

Layunin : Pagkatapos ng talakayang ito, ang mga mag-aaral sa Asignaturang

Araling Panlipunan ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga natatanging pangkat etnolinggwistiko sa Asya.

2. Natataya ang kabuluhan ng wika sa paghubog ng kulturang Asyano

INTRO MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

1. TAGAPAGDALOY: Magandang umaga mga mag-aaral sa Asignaturang Araling

2. Panlipunan sa ika-pitong Baitang! (HINTO) Broadcasting live from the land of Polangui

3. and Kalamay Festival at the roof deck of Polangui Municipal Hall. 107.9 Polangui Radio

4. & internet TV (HINTO) POLANGUI RADYO ESKWELA, USWAG POLANGUI:

5. KAAGAPAY N’YO SA PAGKATUTO WALANG MAHUHULI, LAHAT

6. MATUTUTO. Ang estasyon na magbibigay sa inyo ng maraming kaalaman tungkol sa

7. asignaturang Araling Panlipunan 7.(HINTO) Isang napakagandang umaga para sa lahat

8. upang matuto. Isang prebelehiyo na makasama ko kayo sa ating talakayan sa

9. pamamagitan ng radio.(HINTO) Tara na sa ating paksang pinamagatang KULTURA AT

10. WIKA NG PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO SA ASYA. Layunin sa pag-aaral na ito

11. ang mga sumusunod una natutukoy ang mga natatanging pangkat etnolinggwistiko sa

12. Asya. At natataya ang kabuluhan ng wika sa paghubog ng kulturang Asyano (HINTO).

- - - MORE - - -
Values Suggested in …222

1. Ako po si Teacher Francia Biňan, ako’y nasasabik at ikinagagalak ko na kayo’y

2. makasama ngayong umaga. Inaasahan ko ang inyong pakikilahok sa ating Gawain.

3. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

4. TAGAPAGDALOY: Handa na ba kayo? (HINTO)Hawakan na ang inyong mga modyul

5. sa Araling Panlipunan, Kwarter 1, Modyul 8, ballpen, at kwaderno. (HINTO) Mangyari

6. po na pumili ng tahimik at komportableng lugar para sa inyong pag-aaral. Ipinapaalala ko

7. na makinig kayong mabuti sa inyong guro upang makasunod at makagawa kayo ng

8. kanyang ibibigay na mga Gawain.(HINTO)Maari kayong makilahok sa pamamagitan ng

9. pagtype ng inyong mga sagot sa comment box ng ating FB Live at 107.9 Polangui Radio

10. and Internet TV (HINTO) Handa na ba ang lahat? (HINTO) Tara na! Alam kong sabik

11. na kayo sa ating tatalakayin kasama si Teacher Rowena Quiobe ng Matacon National

12. High School.

13. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

14. GURO: Maraming salamat teacher Franz. Mapagpalang umaga sa inyong lahat! Lalong

15. lalo sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang sa Araling Panlipunan! (HINTO)Kamusta

16. Kayo? Nawa’y Nakapag-almusal na kayo at handa ang inyong isip upang matuto ng

17. panibagong kaalaman sa Araling Panlipunan pito. (HINTO) Ako pong muli si Bb.

18. Rowena Quiobe, pwede ninyo akong tawaging Teacher Wheng ang inyong Guro sa

19. Radyo sa asignaturang Araling Panlipunan (HINTO) Ikinagagalak ko na kayo’y

20. makasama sa ating talakayan. Tara! Tayo na at matuto! (HINTO) Noong nakaraang

21. talakayan ating natalakay ang tungkol sa Populasyon ng Asya na kung saan nalaman natin

22. na ang Tsina at ang India ay ang may pinakamalaking bilang ng populasyon. (HINTO)

23. Ngayon naman ayon sa nabanggit ni Teacher Franz ang ating tatalakayin sa umagang ito

---MORE---
Values Suggested in …333

1. ay ang tungkol sa Kultura at Wika ng Pangkat Etnolinggwistiko sa Asya.

2. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

3. INSERT POWER POINT PRESENTATION

4. (GURO):Bago tayo magsimula sa ating panibagong talakayan magkaroon muna tayo ng

5. isang Gawain. Ang Gawain 1 na may pamagat na Kabilang kaba? (HINTO)Napag-

6. isipan mo na ba kung saang lalawigan o rehiyon sa Pilipinas nagmula ang iyong pamilya?

7. Ano ang dialektong iyong ginagamit? Ikaw ba ay TAGALOG, ILOKANO, BICOLANO?

8. I-COMMENT mo ang iyong lahing pinagmulan. Tunghayan ang pag-uusap ng dalawang

9. bata. (HINTO) Maria: Alam mo ba ang pamilya ko ay nagmula sa Albay? Bicolano

10. ang mga ninuno ko. Dito na lang kami nanirahan. (HINTO)

11. TAGAPAGDALOY: Mario : Talaga? Mahilig kayo sa pagkaing may gata? Ang mga

12. ninuno ko nman ay nagmula sa Ilocos. Mga Ilokano kami. Mahilig kami sa gulay at

13. bagoong. Ano ba ang mga tradisyon sa inyong lugar?

14. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

15. GURO: Nabitin ba kayo mga bata sa kanilang usapan? (HINTO) Ano ang paksang

16. pinag-uusapan ng dalawang bata? I-comment ang inyong mga sagot sa ating comment

17. box. (HINTO) Tama! Pinag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang pinagmulan. (HINTO)

18. Ano ang mga pangkat etnolinggwitiko na nabanggit sa usapan? (HINTO) Very good!

19. Bicolano at Ilokano.

20. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

21. GURO: Bawat isa sa atin ay may pangkat na kinabibibilangan,saang sulok ka man ng

22. mundo.Dumako tayo sa Ikatlong pahina ng inyong mga modyul, Aralin 1: Kultura at

23. Wika ng Pangkat Etnolinggwistiko ng Asya. Ngayon mas lalawak ang iyong kaalaman at

---MORE---
Values Suggested in …444

1. pag unawa tungkol sa pangkat etnolinggwistiko sa Asya at kung paano ito nakakaapekto

2. sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano. (HINTO) Asyano ang mga naninirahan

3. sa Asya. Ibinabatay ang kanilang katawagan depende sa bansang kanilang sinilangan

4. gaya ng mga Chinese, Japanese, Vietnamese, Koreans, Indonesians, Taiwanese,

5. Malaysians , Indians, Arabs at Pilipino at iba. Maaari silang kilalanin sa pangkat

6. etnolinggwistikong kanilang kinabibilangan. (HINTO). Una nating talakayin ang Wika,

7. ang wika ang isa sa batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Mayroon itong dalawang

8. kategorya ang TONAL at NON-TONAL. (HINTO).Ang ibig sabihin ng TONAL ay

9. nagbabago ang kahulugan ng salita at pangungusap batay sa tono ng pagkakabigkas at

10. ang NON-TONAL naman ay ang pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi

11. nagpapabago sa kahulugan ng salita at pangungusap. (HINTO). Kahit ikaw sa sarili mo

12. ang una mong pinapansin upang mabatid ang kaharap mong tao na hindi mo kilala ay ang

13. kanyang salita lalo na ang tono at bigkas. Tama ba? (HINTO). Sinasabing batayan ang

14. wika sa paghubog ng kultura ng mga etnolinggwistiko. Wika ang nagsisilbing

15. pagkakakilanlan. Kung nais mong suriin ang kultura at kasaysayan ng isanglahi,

16. kinakailangang pag-aralan mo ang wika nito.(HINTO) Bakit nga ba mahalaga ang wika?

17. Sige nga mga bata, i-comment ang inyong mga sagot sa ating comment box. (HINTO)

18. Magaling! Ang wika ang pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan lalo na sa

19. paghahayag ng damdamin. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ang nagbubuklod,

20. nagbibigkis upang ganap na magkaunawaan sa pagkakaisa lalo na sa pagpapahalaga sa

21. pananatili ng kanilang kultura.

22. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

23. GURO: Dumako naman tayo sa ETNISIDAD. (HINTO) Ang etnisidad ay isa pa sa

---MORE---
Values Suggested in …555

1. batayan ng pagpapangkat ay ng mga tao. Ang etnisidad ay mistulang kamag-

2. anakan.Kapag ang isang tao ay kinilala ng isang pangkat etnolinggwistiko bilang kasapi

3. dahil sa pagkakaparehas ng kanilang pinagmulan, itinuturing nila ang isa’t isa bilang

4. malayong kamag-anakan.(HINTO) Ang pagkakapareho ng wika at etnisidad ay ang

5. batayan sa pagpapangkat ng tao. Itinuturing na ibang pangkat etniko ang kaiba ang wika,

6. etnisidad at kultura sa kanila. (HINTO). Ang pagkakaiba-ibang ito ang pangunahing

7. katangian ng mga tao, subalit ang pagkakaiba-iba ding ito ang dahilan ng pagkakaroon ng

8. mayamang kultura sa rehiyon. (HINTO)

9. INSERT POWER POINT PRESENTATION

10. Matatagpuan sa bawat rehiyon sa Asya ang iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko: sa

11. Silangang Asya ay ang mga Sino-Tibetan, Indo Aryan at Hapones. (HINTO) Sa Timog

12. Asya ay Austro-Asiatic(Munda) Dravidian, Indo-Aryan, Tamil, Sinhalese, Nepalese at

13. Ngalops. (HINTO) Sa Hilagang Asya ay Ural-Altaic, Paleosiberian, at Eskimo. At sa

14. Kanluran Asya ang Turks, Kurds, Afghan, Persian, Hittite, Assyrian, Jew, Armenia,

15. Arabs, Canaanite, Lydia, Sumerian, Elamite (HINTO) at sa Timog-Silangang Asya ay

16. ang Austonesian at Austro- Asiatic.

17. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

18. GURO: May isa pang batayan ng pagpapangakat ang PANINIRAHAN. (HINTO)

19. Maaring batayan ng pagpapangkat ng tao ang panirahan. Mga katawagang gaya ng

20. uplander para sa mga naninirahan sa mga matataas na lugar o kabundukan at lowlander

21. naman ang nasa kapatagan o baybay dagat. (HINTO) Maraming bilang ng pangkat ay

22. naninirahan sa kapatagan,.Maunlad ang pamumuhay nila dito. Narito ang sentro ng

23. kanilang pamahalaan, edukasyon, komersyo at iba pa. (HINTO) Napansin ba ninyo mga

---MORE---
Values Suggested in …666

1. bata na ang mga naninirahan sa kabundukan ay pakaunti na. Sinisikap nila na mapanatili

2. ang kanilang kultura sa kabila ng kakapusan sa mga pangangailangan at hamon ng

3. makabagong panahon.

4. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

5. GURO: Hindi lang nakikilala ang mga pangkat etnolinggwistiko sa kanilang etnisidad at

6. wika, mas makabubuting malaman natin ang uri ng kanilang pamumuhay, tradisyon at

7. kultura. (HINTO) Upang mapalalim lalo ang iyong kaalaman sa mga pangkat

8. etnolinggwistiko ating Alamin at pagtuunan ang kanilang kultura at pamumuhay. Fasten

9. your seatbelt. Ating lilibutin ang pangkat etnolinggwistiko sa Asya. Sit back and relax at

10. makinig ng mabuti. (HINTO) Ang unang pangkat na ating kikilalanin ay ang mga

11. Balinese na matatagpuan sa kapuluan ng Bal, Lobok at kanlurang bahagi ng Sumbawa sa

12. kapuluan ng Indonesia. (HINTO) Ang lugar na ito ay isang tourist destination dahil sa

13. napakayaman nitong kultura. Hinduismo ang relihiyon nila. (HINTO) Halos lahat ng

14. makikita sa kanilang paligid ay may kaugnayan sa kanilang paniniwala sa diyos at diyosa

15. Alam nyo ba na Ang kanilang kultura ay may bahid espirituwalidad, relihiyon, tradisyon

16. at sining. (HINTO)Alam nyo ba na Mahihilig sila sa pagpipinta, paghahabi at paglililok

17. at pag dekorasyon sa mga pampublikong lugar gamit ang matitingkad na kulay. (HINTO)

18. Ang kanilang tradisyonal na sayaw kung saan ang galaw ng mata, kamay at maging

19. ekspresyon ng mukha ay mahalaga ay isa sa kanilang pagkakakilanlan. Bahagi din ng

20. kanilang pamumuhay ang pagsasaka at pangisdaan.

21. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

22. GURO: Kilalanin naman natin ang pangkat ng mga Ngalops na bumubuo ng malaking

23. bahagdan ng mamamayan sa Bhutan. Pinaniniwalan na nagmula sila sa Tibet kaya sila

---MORE---
Values Suggested in …777

1. ang nagdala ng kulturang Tibetan at Budismo. (HINTO) Dzongkha ang kanilang gamit

2. na wika. Nakaangkop ang kanilang kabuhayan sa lugar tulad ng pag-aalaga ng baka at

3. pagsasaka sa mga kapatagan at lambak. (HINTO) Ang kanilang tahanan ay yari sa tabla,

4. bato ,putik at luwad. Kilala sila sa pagtayo ng mga malalaking templo na tinatawag na

5. dzongs. (HINTO)Kontrolado ng mga Ngalops ang pamahalaan. Maging ang kultura at

6. tradisyon ng mga Ngalops ang siyang sinusunod ng halos lahat ng mga Bhutanese.

7. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

8. GURO: Dumako naman tayo sa MANCHU ng Tsina. Nalaman natin sa nakaraarng

9. talakayan na ang Tsina ang isa sa may pinakamalaking bilang ng populasyon. Kaya

10. napakaraming pangkat etnolinggwistiko ang matatagpuan dito. (HINTO) May kanya

11. kanyang pagkakakilanlan lalo na sa wika, kultura at tradisyon. Kilala dito ang mga

12. Manchu na tinawag din Jurchen . (HINTO) Ang mga Manchu ay nagmula sa hilaga ng

13. China at kilala sa tawag na Manchuria. Sila ay may sariling paraan ng pagsulat at may

14. wika na kabilang sa Manchu- Tungusic. Sa paglipas ng panahon ang mga Manchu ay

15. natutunang gamitin ang wikang Mandarin ng mga Chinese. Dahil matagal na nanirahan

16. ang mga Manchu sa kabundukan likas at bihasa sila mula pagkabata hanggang mag

17. dalaga at binata sa pag gamit sa kabayo. (HINTO)Natuto sila pagsakay, pagpana,

18. paggalugad habang nangangaso, pagtalon at pati sa libangan. Halos nakatuon sila sa

19. agrikultural na pamumuhay.

20. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

21. GURO: Ang panghuli nating kikilalanin ay ang mga Dravidians ng India (HINTO)

22. Tinatawag na Dravidian ang wikang ginagamit ng mga katutubo sa India. Sila ay nakatira

23. sa Timog Asya. Mapalad sila dahil nakapanatili ng orihinal at sariling kultura na hindi

---MORE---
Values Suggested in …888

1. nabahiran ng mga dayuhang Aryans. (HINTO) Ang pangkat etnolinggwistiko na Tamil,

2. Kerala, Kanarese, Maliali, Kannada ay nagsasalita ng Dravidian. Kilala sila sa mga

3. pagkaing gumagamit ng maaanghang na curry, matatagpuan din sa kanilang lugar ang

4. mga magagarbong templo at ang mga mananayaw na kababaihan at kalalakihan.

5. Umiinom sila ng tuba o alak na galing sa niyog. (HINTO) Sumisisid din sila ng perlas at

6. nangingisda. Bihasa din silang mga mangangalakal. Idinagdag din nila ang paggamit ng

7. wikang Hindi, Telugu at Urdu.(HINTO). Namangha ba kayo sa mga pangkat

8. etnolonggwistiko na ating natalakay? (HINTO) Ano ano ang mga natatanging

9. pamumuhay at kultura ng bawat pangkat etnolinggwistiko ang tumatak mula sa iyong

10. nabasa? (HINTO) Masasabi mo bang may iisang pagkakakilanlan ang mga pangkat

11. etnolinggwistiko sa Asya? Bakit? (HINTO).

12. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

13. GURO: Ayan! Nakilala na natin ang ilan sa mga Pangkat Etnolingwistiko sa Asya.

14. Salamat sa inyong pakikilahok sa ating talakayan. Bago ako magpaalam sa inyo

15. magkakaroon muna tayo ng maikling pagsubok. (HINTO)Ihanda ang inyong mga papel

16. at panulat. (HINTO) Handa na ba ang lahat? (HINTO) Unang bilang, ang pagtatayo ng

17. mga templo ay bahagi ng tradisyon at kulturang Ngalops, kung tawagin ang templo nila

18. ay Dzongs. Saang bansa ito matatagpuan? a)India b)Bhutan c) Nepal d)China. (ulitin)

19. (HINTO) Magaling! Letrang b ang tamang sagot Matatagpuan ito sa Bhutan.

20. (HINTO)Ikalawa, Ang kilos ng mata, kamay at ekspresyon ng mukha sa tradisyonal

21. nilang sayaw ay likas sa kanilang pagkakakilanlan. Halos ang kanilang kinamulatan na

22. kultura ay may bahid espirituwalidad at relihiyon. a) Balinese b) Dravidian c) Javanese d)

23. Tajik (ulitin) (HINTO). Tumpak! Letrang A. ang tamang sagot.(HINTO). Ikatlong

---MORE---
Values Suggested ….999

1. bilang. Mayaman sa kultura ang mga Asyano lalo na ang pagbuburda at pagdedesenyo sa

2. mga kabahayan, moske at mga monumento. Ang ganitong kultura ay isinasagawa ng mga

3. a) Balinise b) Tajik b) Arabs d) Manchu (ulitin) (HINTO). Tama! Letrang b ang tamang

4. sagot Arabs. Ikaapat , Napanatili nila ang kanilang orihinal na kultura dahil ito ay hindi

5. nabahiran ng mga dayuhang Aryans. a) Arabs b) Dravidians c) Ngalops d) Balinese.

6. Magaling! Letrang b ang tamang sagot.

7. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

8. Ngayon naman i-comment ang Tama kung ang tinutukoy ng pangugusap ay Totoo at

9. Mali kung ang pangungusap ay hindi totoo. (HINTO) Unang bilang. Ang etnisidad ay

10. pagkakakilanlan batay sa kamag-anakan. Very good! Tama ang sagot sa unang bilang.

11. (HINTO)Ikalawang bilang, Ngalops ang wika na gamit ng mga Bhutanese. Magaling!

12. Tama ang sagot sa ikalawa. (HINTO) Ikatlo ,Ang mga Manchu ay orihinal na

13. pinagmulan ng wikang Mandarin. Tumpak! Mali ang sagot, sapagkat natutunan na

14. lamang ng mga Manchu ang wikang Mandarin sa kaluan. (HINTO)Ikaapat na bilang,Ang

15. kultura sa paggamit ng mga kabayo mula sa pagkabata hanggang sa pagbibinata at

16. pagdadalaga ay kulturang kinalakhan ng mga Balinese. Very good! Mali ang sagot dahil

17. ang mga Manchu ang may kultura sa paggamit ng mga kabayo. (HINTO) Panghuling

18. bilang. Ang kultura ng mga Balinese ay nakaugat sa espiriwal relihiyon tradisyon at

19. sining. Magaling! Tama ang iyong sagot sa huling bilang! (HINTO)

20. RBI STINGER MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

21. Hanggang dito na lamang muna tayo mga bata! Congratualtions! Magagaling kayong

22. lahat! Salamat sa aktibong pakikilahok sa ating talakayan.Ako pong muli si Teacher

23. Wheng na nag iiwan sa inyo ng kasabihang mahalin mo ang lahing pinagmulan mo,

---MORE---
Values Suggested ….101010

1. ipagpamalaki mo na ikaw ay PILIPINO, sapagkat diyan ka inilagay ng DIYOS.

2. Huwag mag-alala kung wala kang kadate nung February 14, nariyan naman c MAMA,

3. PAPA, ATE, KUYA, AT BUNSO naghihintay lamang sila sa iyo. At laging tandaan

4. hindi lahat ng kilig ay pag-ibig. Hanggang sa muli!

5. EXTRO RBI MSC UP FOR 3 SECS THEN FADE

6. TAGAPAGDALOY: Ayan, mga mag-aral, isa na namang impormatibong talakayan

7. Ang ating natapos kasama si Teacher Wheng! (HINTO) Nalaman natin na may tatlong

8. bagay na dapat tayong tandaan sa pagpapangkat ng tao. Una ang, wika, ikalawa ang

9. kultura at ikatlo ay ang etnisidad. (HINTO). Nakilala rin natin ang iba’t ibang

10. pangkat Etnolinggwistiko Asya. Tulad ng Balinese ng Indonesia, Manchu ng Tsina,

11. Ngalops ng Bhutan at Dravidians ng India. (HINTO).Lubos akong natutuwa na naging

12. bahagi ako ng inyong talakayan. Abangan ang susunod na Aralin sa MATH sa ganap

13. na 9:00 am na tatalakayin ni Bb. Samantha Sileriong Kinale Elementary School.

14. Hanggang sa muli. (HINTO)Maraming salamat sa inyong pakikilalahok. Ito pong

15. muli ang inyong Gurong tagapagdaloy, Bb. Francia Biňan ng Matacon National High

16. School. Na nagpapaalalang maniwala kang kaya mo at lahat ng pagsubok ay

17. mapagatatagumpayan mo.

---END--

You might also like