You are on page 1of 14

Kabanata 1

Introduksyon
Ang mga tao sa Ifugao ay tinatawag ding taong ‘’kabundukan’’. Ang tribong
kalanguya ay maraming gumagamit ng kanilang lenggwahe ngayon lalo na sa
parte ng Benguet, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province at sa ibang parte ng
Nueva Ecija. Ang tribo ng kalanguya ay nakatira sila sa parte ng Santa Fe,
Ambaguio, Ifugao at sa ibang parte ng Munisipyo ng Buguias, Kabayan Buenguet,
Asipulo at Tinoc Ifugao. Ang mga kalanguya ethno-linguistic group, ay tinatawag
din Ikallahan or tao na galling sa gubat, minementera nila ang kanilang
magagandang kultura at salita o pananamit at naihiwalay sila sa ibang probinsiya
dahil may kaniya-kaniya silang boundary. Ang mga Ibaloy, Kankana-ey at
kalanguya ay may magkakaparehong kaugalian nila. Itong tatlong tribo na ito ay
shineshare nila ang kanilang belief na kung paano magkakaroon ng magandang
pamumuhay na ito’y isang rituals pero ang kanilang salita ay iba-iba.

Ayon kay Romeo Pangomis, isang ninuno ng mga ikallahan, ay nagbigay ng


kaniyang opinion para sa tulong ng kanilang tribo ay gusto niyang magtanim ng
mga alnos sa kanilang area. Natuklasan nito na pwedeng I restore niya ang soil
fertility pagkatapos ng pitong taon. Hanggang ngayon I nadopt ng mga
magsasakang ikallahan sa kanilang bukid kase itong puno na ito’y pwedeng
panggatong pagkatapos ng apat na taon. Itong praktis na ito ay nagsasagawa ng
isang magandang kapaligiran para maprotektahan ang mga gubat.

Hanggang ngayon binibisita parin ng mga turista ang kagandahan ng Ifugao


dahil sa mga kultura at traditions na pinamana ng mga ninuno sa mga tribong
kalanguya kagaya ng Banaue Rice Terraces. Ilang taon na ang nakalipas, ang
attention ng mga turista ay nakapokus sa Banaue Rice Terraces na tinatawag itong
payoh. Ang mga bumubisita lang ang nag appreciate at nag recognize ng role ng
muyongs para panatilihin ang kagandahan ng Ifugao.

Sa tribo ng Kalanguya ay nakatutulong sa mga bata na maagang nakakuha ng


mga kasanayan sa pagbabasa nang mas mabilis pati na rin ang mga pangalawang
wika (Filipino at Ingles). Ayon kay Crease (2004), maiuugnay ang wika sa boses at
kahulugan sa isang partikular na paraan, ito ay sa pag-unawa sa sinasabi at sa
pagbibigay ng mga senyas o pidbak na may layuning magbigay kahulugan na
nauunawaan nito.
Masasabi kong gayon na kapag taglay ng kultura at salitang kalanguya ang
wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga bata, mabilis niyang matutuhan ang mga
aralin. Ang batang madaling matuto sa wikang kalanguya na ginagamit ng guro ay
nakapagbabahagi ng kanyang kasagutan nang walang, pag-aalinlangan. Sa
ipinalabas ng mga tagapamahala ng Tribo ng kalanguya sabi dito na, "lpinapakita
ng resulta kung dapat nating ituro sa mga bata ang ating mga iba’t-ibang kultura
dahil ito’y isang kaugalian ng ating mga ninuno noon’’. Matutuhan niya nang
mabilis kung ang isang bata ay may ganang makinig at madali rin niyang
matutuhan ang iba pang kaugalian ng kalanguya.

Paul Thomas (2013) binigyan niyang pansin na ang Kultura ay tumutukoy sa


kaugalian at kung paano nito ibinibigay ay repleksiyon ng isang bata. Naniniwala
ang IPED members na ang pagpapatuloy ng mga kaugalian ng kalanguya sa
naunang panahon ay makakatulong ito para sa mga mag-aaral. Ang batang natuto
nang husto sa kultura ng kalanguya gamit ang kanyang salita ay mas madaling
matuto ng kung ano saan galling ang kultura na ito. Ang pagkatuto ng ating mga
kaugalian at ang native na salita natin ay para sa lahat na kumakatawan sa ating
tribong kalanguya.

May dalawang salita ang tribo ng kalanguya NI-NI at KIB-AL noon, Ang unang
wika na ani-ni ay makabuluhan lamang sa kanilang tribong kalanguya, dahil ito ay
wika para sa iilan lamang kasi ang mas maraming gumagamit ay ang wikang Kib-al
lalo na sa mga bata o indibidwal na ginagamit niya sa kanyang tahanan at kung
saan siya pinakabihasa at sanay kaysa sa ibang wika. Sa ibang probinsiya tulad ng
Benguet at Ambaguio, humiram sila ng wika sa pagtuturo na naging madali sa
kanilang mga katutubo kaya ito'y nagdulot ng mataas na pagkatuto sa mga bata.

Sa mga mag-aaral sa ibang bansa, ang tuntuning kinalabasan ng pagtuturo ng


sariling wika at kultura ay natuklasan ng mga guro, punong guro àt mga
tagapamahala ng ating IPED coordinator ang kabutihan ng pagtuturo ng mga
kultura at tradisyon. Sa paggamit nito ay magkakaroon ng kaalaman kung paano
nila ginagamit ang mga ito.
Layunin ng Pag-aaral ng Katutubong Kaugalian
o Tradisyon at Wika

Ayon kay Sel. Bell. Lor (2012), tulis na ang pagtuturo ng ating wika at kultura
så bawat tribo mula pagkabata ay nakaatang ang tiwala sa kaniyang tribo sa
pagganap ng tradisyon.

Idinagdag ni Sierra (2013) na ang paggamit ng katutubong wika natin ay


nakatutulong sa mga bata na magkaroon ng magandang kinabukasan,
pagpapahalaga sa kultura at ang kanilang natatanging pagkakakilanlan sa loob ng
isang multikultural na lipunan. Sa pamamagitan nito, tatangkilikin ng mga
katutubo ang pag-aaral at paglahok sa lahat ng mga kultura o tradisyon sa
kanilang tribo. Sa kabila nito, kapag hindi nila kilala ang kanilang mga kultura sa
isang tribo ay mag-aapaw na ikaw ay hindi kabilang sa kanila kaya ang mga
kabataan ay maaaring makaramdam ng pagkabigo kaya may posibilidad nà sila ay
gumanti dahil sa naiiba sa naturang kung ano ka at saan ka nagmula (Menny,
2009).

Isinaad din ni Ela (20010) na ang mga katutubong wika at kultura natin ay
kawili-wili at epektibong pagtuturö at pagkatuto. Bukod pa rito, dahil Filipino at
Ingles ngayon ang itinuturo nila sa mga bata bilang pagkatuto nila, ang mga
kasanayan sa pag-aaral na binuo gamit ang katutubong wika ng mga ninuno ay
madaling mailipat sa pagkuha ng Filipino at Ingles (Mahone,2008). Ang Historical
Background of Culture and Tradition Programs ay nagsimula noong 2005. Sa
panahong ito, Ingles at Filipino lamang ang ginagamit sa pagtuturo sa paaralan.
Pinaparusahan ang mga batang gumagamit ng kanilang unang wika. Noong 1939,
ang mga guro sa unang baitang ay pinayagan na gamitin ang unang wika bilang
katulong sa panturo. Sa taong 1940, bumaba ang bilang ng gumagamit ng Ingles
at hinikayat ang paggamit ng katutubong wika.

Noong buwan ng Hunyo, taong 1950, ay pinahintulutan ang paggamit ng


sariling wika bilang wikang panturo sa mga eksperimento sa klase. Noong 1957-
1974, pinalabas ng Departamento ng Edukasyon ang isang order para sa paggamit
ng katutubong wika bilang wikang panturo sa unang baitang at pangalawang
baitang. Sa loob ng labimpitong taon ang bilang ng mga taon sa paaralang
elementarya ay anim (6) na taon ay epektibong pinaikli at naging apat (4) para
magkaroon ng oras sa pagtuturo ng pambansang wika. Subalit walang rekord at
pagsubaybay kung gaano karami ang gumagamit ng mga katutubong wika.

Noong Hulyo 1975, inilunsad ang programang Bilinggwal Edukásyon, sa ilalim


nito, ang Agham at Matematika ay itinuturo gamit ang Ingles samantalang ang
Araling Panlipunan at iba pang mga paksa ay ginamit ang Filipino sa pagtuturo.
Wala pang opisyal na rekord kung gaano karami ang mga paaralan at lalawigan na
gumagamit ng kanilang katutubong wika.

Ang ating bansa ay isa sa mga banşang may pinakamaraming wikain. Sa


mahigit na pitong-libong pulo mayroon tayo, may higit sa isandaang ibatibang
dayalekto ang ginagamit. Bawat tribo ay may sari-sariling pinagmulang wika. Dahil
dito, mahirap ang pakikipag komunikasyon nila sa bawat tribo. Lalong-lalo na ang
mga bata kung sila’y nakikipag-usap sa ibang katutubong kamag-aral, nahihirapan
silang maintindihan kung anong wika ang ginagamit ng isang mamayan. Kaya ang
naibubunga nito ay kawalan ng ganang matuto ang isang bat ana kung paano nila
bigkasin ang isang ideya o pangungusap, nawawalan sila ng kakayahang
magpaliwanag ng kanilang kuro-kuro o opinyon, nahihirapan silang bumuo ng
isang pangungusap at iba pa. Kaya maraming lenggwahe ang hindi nating
maintindihan at ang isa pa ay ang kanilang kaugalian o tradisyon sa ibang lugar.

Sa katunayan, maraming mananaliksik ang nagpatunay na dapat nating


ipamana sa ating mga kabataan ang mga kaugalian ng ating mga ninuno dahil dito
tayo nagmula. Nagsisilbi itong isang solusyon para sa pangangalap ng iba pang
wika na ating ginagamit ngayong henerasyon. Ang wika ang nagpalakas ng mga
kaugalian at tradisyon na huhubog sa ating pagkatao at pagkamamamayan sa
loob ng isang lugar, komunidad at iba pang katutubong tribo.

Input Process Output

Iskets ng Analizatio
Analisasyon Pagtuturo ng mga
kultura ng -Ponolohiya
kultura,

Katutubong -Pananaliksik tradisyon at


Katutubong Wika
Kalanguya -Sintaks
Konsepto ng Pag-aaral
-Morpolohiya
Ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso sa
pangangalap ng mga impormasyon o datos sa pamamagitan ng surbey, interview
at research at nakakatulong ang pananaliksik dahil pwede itong magpapatunay na
kung ano at sino ang ating igagawan ng solusyon o tatalakayin.

Sa pangangalap ng impormasyon ay nakatuon rito ang mga kaugalian, wika,


tradisyon ng ating mga ninuno na ating bibigyang- pansin. Sa pangunguha ng
impormasyon ginagamit natin ang morpolohiya sa paglalarawan ng iba’t ibang
tradisyon o wika tulad ng mga Kib-al, Ni-ni, kankana-ey, Ibaloy at iba pa. Ang
batayang analisis ng wika ay nanggaling kay Dr. Constantino (1965) at ang kultura
ay nanggaling kay Jose P. (2001).

Ang Lenggwaheng Katutubong Kalanguya ay may kaniya-kaniyang sangkap


tulad ng tunog (Ponolohiya), salita (Morpolohiya), at mga pangungusap o sintaks.
Ang nakakatulong rito ay itinuturo ng ating mga elder’s ng IPED ang mga iba’t
ibang kaugalian at wika ng ating mga ninuno noon para di natin malimutan kung
saan tayo nagmula. Ito rin ay may sariling kasaysayan at panitikan hanggan sa
kasalukuyan ay nananatili paring itinuturo nila ang mga tradisyon sa susunod na
henerasyon sa pamamagitan ng pagsusulat at pagkukwento.
Paglalahad ng Suliranin
Nilalaon ng pangangalap ng impormasyon na ito na dapat malaman ng mga
mambabasa at mapag-aralan nila ang mga kahalagahan ng ating mga katutubong
tradisyon o kaugalian at sariling wika na ating tinangkilik sa ating mga ninuno,
mahalagang isa-isip at isapuso kung saan tayo nanggaling at ano ang mga
kabuhayan nila noon na ito’y magbibigay linaw sa atin ngayong henerasyon.
Andito ang maikling katanungan na ating igawan ng sagot;

1.Ano ang mga kagamitan ng katutubong kalanguya noon?


2. Ano ang kabuhayan nila noon?
3. Ano-ano ang mga kultura nila noon?
4. Ano-ano ang mga katutubong awit nila noon?
Abstrak
Layunin ng pag-aaral na ito na ilahad ang gramatikal iskets batay sa analisis
ng ponolohiya, morpolohiya, at sintaks ng lenggwaheng katutubong kalanguya.
Layunin nitong ipamalas ang mga magagandang kagamitan, tradisyon o kultura ng
mga ninuno sa ating mambabasa at gusto nilang ituro sa mga kabataan ngayong
henerasyon.

Ang pakikipanayam at pagsusurbey ang pangunahing gawin sa pagkuha ng


mga impormasyon o datos. Nagkaroon ng pormal na pagtatanong o pananaliksik
ang mga mananaliksik para sa pangangalap ng impormasyon at hinggil sa kanilang
pananaw sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa Katutubong kalanguya.

Mga Susing Salita;


Gramatikal iskets
Morpolohiya
Sintaks
Kaugalian ng mga Katutubong Kalanguya
Pasasalamat
Ang mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang
sawang tumulong,sumoporta at gumabay sa kaniya para matapos niya ang
pananaliksik na ito;

Sa kaniyang guro na si Gng. Pacita Tumayan sa walang sawang tumutulong,


winawasto ang aming kamalian, sa kaniyang paggabay at pagsuporta para sa
ikauunlad at pagtapos sap ag-aaral na ito;

Sa dekada ng Tinoc National High School, Gng. Pacita Tumayan sa kaniyang


pahintulot at pagsuporta sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito;

Sa kaniyang editor, Guiniling Wean sa bait na pagwawasto;


Sa partisipasyon ng aking mga kagrupo na sina Padilla Judyflor at si Humiwat
Cliffdan sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa pananaliksik na ito;

Sa aking mga kamag-aral, lalong-lalo na sa aking mga kaibigan na mabait na


tumulong sa amin sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa katutubong
kalanguya;

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng kaalaman at lakas, luminaw o


bumukas sa aming puso’t isipan at tatag ng loob na tapusin ang pananaliksik na
ito.

Maraming Salamat Po!

Domingo Crizol
Paghahandog

Ang aklat na ito ay taos-pusong iniaalay namin


Sa Poong Maykapal
na siyang gumagabay sa amin pananaliksik
Sa aming mga kamag-aral
Na nagging inspirasyon naming upang isagawa
itong maayos na tesis na ito.
At sa mga espesyal na tumulong sa amin
Para sa inyo ang libro na ito.

Domingo Crizol
Humiwat Cliffdan
Guiniling Wean
Padilla Judyflor
Kabanata 2
Metodolohiya
Ang numerong ito ay tumatalakay sa naunang kabuhayan ng mga katutubong
kalanguya at mga kugar ng mga tagaganap at deskriptibo ng ginamit ng mga mag-
aaral.

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang pagsusurbey at pangangalap ng impormasyon ay ang pangunahing hakbang


sa pangangalap ng impormasyon. Nagkaroon ito ng pormal na pakikipanayam ang
mga mananaliksik sa pagtunton hinggil sa pag-aaral ng katutubong kalanguya.

Upang madagdagan ang kaalaman ng mga tagasaliksik ay nagsurbey siya sa isang


magandang paksa ng pag-aaral. Para mas lalong mapabuti ng mga mag-aaral ay
nakipagtulong sila sa mga elder’s ng IPED organization sa pangangalap ng
impormasyon ginamit nila ang iba’t ibang hakbang sa pangangalap tulad ng libro,
surbey at internet.

Kaligiran ng pag-aaral

Ang bayan ng Tinek o Tinoc ay kabilang sa katutubong kalanguya at probinsiya ng


Ifugao. Ayon sa mga tagasaliksik, ang mga barangay katulad ng Ahin, Wangwang,
Tukukan, Tinek at Danggo ay dating barangay sa bayan ng Hungduan. Noong ika-
16 ng Marso, 1982 ay ihiniwalay ang Tinek mula sa pangangasiwa ng bayan ng
Hungduan sa ilalim ng batas pambansang bilang184 at itinala sa pangalang Tinoc
bagaman ang orihinal nitong pangalan ai Tinek. Ayon sa isa sa mga importanteng
ginoo na si Donato Nehyeban, ang pook ng Tinek ay nakabatay sa kwento ng isang
mag-asawa na namatay ang dalaga dahil sa pagkalunnod ng sandukin ang tubig
(kalanguya sandok tennek at ang magsandok ay Tinnek). Ang kwento ng
pagkamatay ng dalaga ay agad kumalat sa buong lugar at sa lahat ng nagmamahal
ng dalaga. Magmula noon tinawag ang lugar na iyon bilang ‘’TINEK’’. Ang salitang
tinek ay nagging kilala dahil ang palayangiyon ang nagsisilbing tagpuan at
pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga taga roon.
Mapa ng Tinoc Ifugao sa Pilipinas

Ang mapa ay nagpapakita ng teritoryong hangganan ng Tinoc. Ang mga


bundok na ito ay nagsisilbing hangganan ng Tinoc sa karatig nitong probinsiya
katulad ng Benguet sa Kanluran, Nueva Vizcaya sa Timog, Bayan ng Asipulo sa
Silangan, Mt. Kapiligan at Mt. Napulawan sa hilagang karatig bündok ng Bauko,
Mountain Province at Hungduan. Ang natural na boundary mula sa hilagang
karatig bundok ng Mt. Province ay Mt. Kapiligan, Nambatawil, Amonteytey, at
Mount Napulawan pababa sa sapa ng Himeg, at barangay ng Wangwang at pataas
sa tagaytay ng Lapting, Mugao, Awan, Uyad, at Pidel karatig ng bayan ng
Hungduan. Ang tagaytay ng Hinedhed, Balluga, Lagab, Amdaya, Tuban, Timapaya,
Nalamag at Bengbeng ay nagsisilbing mga hangganan ng Silangan. Sa Timog
bahagi naman, ang hangganan ay ang tagaytay ng Napan at Naduntog paakyat sa
Mt. Ganaba at sa Mt. Pulag sa Kanluran.
Malamig ang klima sa bayang ito kung ikukumpara sa klima ng kapatagan.
Ang tagtuyot ay mula Marso hanggang sa buwan ng Hunyo at ang tag-ulan naman
ay nagsisimula sa buwan ng Hulyo hanggang Pebrero. Ang temperatura ng klima
ay bumababa sa apat (4) na digri celeius na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng
snow bricks sà mga damo. Ang temperatura mula Marso hanggang Setyembre
naman ay bumababa mula 16 hanggang 26 degrees Celsius (Ethno-History ng
Tinoc 2012). May isa lamang na pangunahing grupo ng etnolinggwistika sa bayan
ng Tinoc at ito ay Kalanguya.

Ayon sa mga impormante, ang mga grupo ng EtpikO na to ay ang nga ltinec,
Itabuy, Inangabuhan, Ibangtinen, Ikanawalan, Ipalatang (lahin) at ang tribo ng
Ihaggud. Ang Ipulyang ay ang mga grupo ng etniko na nagmula sa Binablayan, Ang
grupong etniko ng Ihaggud ay nagmula naman sa Wangwang. Ang mga etiko na
grupong ito ay naimpluwensyahan ng mga kaugalian ng mga tuwali. Ang grupo ng
Itabuy ay nagmula sa Luhong at Danggo, ang mga ltinek ay galing naman sa
Poblacion, ang Ibangtinen ay mula sa etnikong grupo ng Eheb, ang Ikanawalan ay
ang mga grupo na galing sa Luhong, at ang nangabuhan ay ang etnikong grupo ng
Impugong at Tawangan. Ilan lamang ang galing sa ibang tribo at ang mga etnikong
grupo na ito ay tumira kalaunan sa Benguet, Ilugao at Nueva Vizcaya.

Ang Pagkakakilanlan ng mga Kalanguya ang etnolinggwistik na grupo ng mga


Kalanguya ay nagsimula bilang isang natatanging katutubong grupo sa Cordillera
na may isang natatanging wika, natatanging kognitibo na kultura, kulturang asal at
materyal. Gayunpaman, kung ikukumpara sa iba pang mga grupo ng kultura
katulad ng Ibaloy at Kankanaey, ang Kalanguya ay umiiral bilang isang natatanging
etnolinggwistik na grupo. Maipaliliwanag lamang ang kasaysayan at kalagayan ng
mga etnolinggwistikong grupo ng mga Kalanguya sa pamamagitan ng isang
malalim na pag-aaral.

Una, sa akademya at pananaliksik, inilalarawan ng mananaliksik ang


Kalanguya sa ilalim ng pangalang "Kallahan or Ikallahan" na siyang ginagamit sa
katimugang lugar katulad ng Kayapa at Imugan, Sta. Fe sa probinsya ng Nueva
Vízcaya.

Pangalawa, ayon sa pag-aaral ni Afable (2005), 'nabanggit na ang kalanguya


ay napapabilang sa pangkat-etniko na hindi pa binibigyan ng tuon ng mga
mananaliksik walang etnograpikong pag-áaral ang naisagawa hinggil sa sinaunang
kasaysayan ng Kalanguya kabilang ang linggwistikong grupo ng Ibaloy at
Kankanaey. Sa ika-20 siglo hanggang sa 1970, ang Ibaloy at Kankanaey ang naging
pangunahing etniko na naging kilala sa panitikan. Nabanggit din ni Lewis (2005) sa
kanyang aklat na may tatlong grupo áng kulturà sa Buguias. Dalawa sa mga ito ay
ang lbaloy at Kankanaey na ngayon ay nagging kilala na, ang pangatlo ay ang
Kalanguya, ito ay nanatiling etnograpikong di-nakikilala.

Pangatlo; ang Kaanguya ay nanatiling hindi kilala kahit noong panahon ng


mga Amerikano dahil sila ay kilala bilang isang etnolinggwistikong grupo na
mapagmahal sa kapayapaan, lto ay näbigyang katarungan sa pamamagitan ng
mga ulat ni J. W. Light noong 1934, minulat niya na "ang mga tao sa Kayapa ay
masisipag at mapayapa, at kahit hindi sila nagbabayad ng buwis at walang
pagnanais na mag-aral, hindi sila nagiging problema sa estado". Ang kalapit
kultura lamang ang naging pokus ng edukasyon sa pamamagitan ng iba't ibang
misyonaryo sa kadahilanang gusto nilang ipasok ang Relihiyong Kristiyanismo.

Pang-apat, kaunti lamang ang isinagawang pagsisiyasat ng linggwistik.


Kakakailan lamang, nagsagawa ng pag-aaral si Santiago (2009) at pinamagatan
itong, ‘’Phonetic Structure of the Kalanguya" lalo na sa Kayapa at Nueva Vizcaya.
Ayon sa kanya, nabibilang ang Kalanguya sa wika ng Austronesian sa Hilagáng
bahagi ng Pilipinas. Ang pinagmulan ng Kalanguya ay nakilala sa pamamagitan ng
National Cultural Indigenous People (NCIP) Office bilang isa sa mga katutubong
grupo sa Hilagang Pilipinas. Noong 2007, isinama ng opisina ng NCIP ang
Kalanguya bilang isa sa mga pangkat-etniko sa CAR, Rehiyon 1 at Rehiyon 2. Sa
CAR at Rehiyon 1, ang lokasyon na Iupang sakop ay ang Benguet at Ifugao. Sa
Rehiyon 2 o Caraballo, ang lokasyon naman ng lupang sakop ay ang Nueva
Vizcaya. Samantalang, sa census ng populàsyon ng 2010, isinama ang Kalanguya
bilang etnolingwistikong grupo at itinala bilang 1) Kalanguya o Kalanguya/
kallahan. Ang dalawang pangalan: Kalanguya at Ikallahan ay tumutukoy sa
parehong grupo na nagsasalita ng parehong wika at parehong kultura. Ang
pagkakaiba lamang ay ang mga impluwensya ng mga kalapit kultura katulad ng
Ibaloy, Kankanaey at Tuwali.

Sa kabila ng pagkakaiba dalhil sa heograpikal na lokasyon, alam ng mga


pinakaunang nagsasalita ng Kalanguyä na ang Kalanguya ay ang pangalan na
namana nila mula sa kanilang mga sinaunang ninuno. Ang mga pangalang
Tkadasan, Maka-iw at Kalangutan ay mga depinisyong ibinigay ng kanilang mga
kalapit kultura. Ang salitang Ikalahan o kadasan ay ginagamit ng mga ibaloy upang
bigyang kahulugan ang Kalanguya sa Nueva Vizcaya. Ang salitang Maka-away
ginagamit ng mga nagsasalita ng Tuwali upang ilarawan ang Kalanguya sa Tinoc.
Ang salitang Kalangutan ay ginagamit naman ng mga Kankanaey upang ilarawan
ang Kalanguya. Ang paglalarawang ito ay mga name sakes lamang ng Kalanguya.

Panghuli, masasabi na ang Kalanguya ay isang komplikadong lenggwahe at


kultura. Ito ay halo at kalipunan na hindi bababa sa tatlong kultura katulad ng
Tuwali at Kankanaey. Ayon sa Heograpiya, ang mga ito ay orihinal na
matatagpuan sa probinsya ng Ifugao sa rehiyon ng Cordillera. Ang wikang
Kalanguya ay may kaugnayan sa Ibaloy at Pangasinense. Ayon kay Himes (2004)
ang imbestigasyon ng linggwistik ay nagpapakita na ang kalanguya ay may
kaugnayan sa iba pang wika: Ibaloy, Karaw at Iwak sa pamamagitan ng
pagpapangkat ng mga wika sa Pilipinas. Ang Tbaloy, Kalanguya at Karaw ay isang
pamilya.

You might also like