You are on page 1of 1

Buhay Estudyante

Buhay estudyante’y hindi natin masasabing madali. Maraming proseso’t pagod


ang kailangang maharap, bago makamit ang inaasam na pangarap. Asignatura,
takdang aralin, proyekto, pananaliksik, at iba pa, mga bagay na kailangang ipasa para
makausad ka, dahil kung hindi, tiyak babagsak ka. Magsunog ng kilay ang siyang
kailangan. Sakripisyo’t pagod ang siyang puhunan. Kadalasan, ang paglayo sa mga
magulang at pangungulila sa kanila’y kailangang tiisin, at Mga luhang pumapatak
anomang oras ay kailangang pigilan, makamit lamang ang hangaring para sa
kinabukasan.
Bilang estudyate’y aking napagtanto, luha, pagod, sakit, puyat, at sakripisyo’y
kulang ba, upang makuha ko ang mga ganitong grado? Lalong-lalo na kapag may mga
markang letra sa kard na dapat sana’y numero. Nakakawalang-gana, nakakawala ng
pag-asa. Ngunit, ito ang buhay estudyante. Minsa’y mapapagod ka, mawawalan ka ng
pag-asa, minsa’y iisipin mong sumuko’t tumigil na lamang ngunit wala kang
magagawa. Sa huli’y isipin mo sana, ano pa nga ba’t dahil andito ka na, nasimulan
mo na, kaya tapusin mo ang karera. At balang araw, makukuha mo ang iyong
inaasam na medalya’t diploma.

You might also like