You are on page 1of 1

Pag-aaral at Pakikipagrelasyon, Pwede Bang Pagsabayin?

“Ang lahat ay makakapaghintay,” isang nakakasawang kataga ngunit paulit-ulit rin nating
nakakalimutan kung pag-ibig na ang pag-uusapan. Bilang isang estudyante normal lang
satin ang umibig, ika nga, ito daw ang nagsisilbing inspirasyon upang makapagtapos sa
pag-aaral. Ngunit, ang pag-aaral ay hindi basta-basta; kailangan ito ng oras,
konsentrasyon at pagpupursige. Ika nga nila, ito ay isang espesyal na oportunidad na
hindi basta-bastang nariyan. Kaya, hindi talaga pwedeng makikipagrelasyon sa iba
habang nag-aaral dahil mahahati ang iyong atensyon at oras na maaaring maging sanhi sa
pagkawala mo sa pokus. Hindi natin maitatanggi na maganda sa pakiramdam ang
magkaroon ng karelasyon pero mas masaya ang makapagtapos ng pag-aaral at
magkaroon ng magandang buhay. At saka, huwag muna nating unahin ang mga bagay na
hindi makatutulong sa ating pagtagumpay. Matuto tayong maghintay dahil lahat ng bagay
na gusto natin ay dadating rin sa kalaunan.

You might also like