You are on page 1of 2

Pag-ibig o Pag-aaral

Pag-aaral: Aking mga abang lingkod Edukasyon ang magpapabago sa isang


tao, ang susi sa kahirapan, ito ang magdadala ng kaunlaran sa ating bayan.
Dapat nating pagtuunanang pansin mga kabataang naghihikaos para lamang
makapagtapos sapagkat ang edukasyon ang siyang yaman na hindi
mananakaw ng sino man.

Pag-ibig: Ang pag-ibig ay mahalaga, sapag-aaral may ispirasyon ka pagod


sa pag-aaral ay hindi maiinda sapagkat sa bawat hirap ika'y napapakalma. Oo
nga't edukasyon ang susi sa kahirapan, ngunit ating alalahanin ang buhay ay
maikli lamang, dahil sa pag-ibig ika'y kumikinang. Gumaganda kana,
humahaba ba iyong buhay.

Pag-aaral Mga minamahal kong kabataan aral muna bago pag-ibig,


sapagkat ang pag-aaral ang siyang magdadala ng katagumpayan,
samantalang ang pag-ibig ang siyang maging sagabal lamang. Edukasyon
ang unahin, ang pag-ibig ay nandyan lamang yan at kayang paghintayin. Sabi
nga diba ang tunay na pagmamahal, makakapaghintay.

Pag-ibig: Ang pag-ibig ay hindi sagabal sa edukasyon, sa pag-aaral ika’y


may inspirasyon. Pagod sa pag-aaral agarang may solusyon. Masayang mag-
aral lalo na't pogi ang inspirasyon. Oo nga't edukasyon ay mahalaga, ngunit
mas mahalagang i-enjoy ang pagkadalaga. Tunay nang ang pag-ibig ay
nakapaghihintay ngunit kasalan bang ito'y maagang natagpuan. Mas
masayang mag-aral habang may minamahal, tanggal lahat ng pagod kahit
isang halik lamang.
Pag-aaral: Pag-aaral ang unahin, matututo ng bagong kaalaman at maaabot
ang pangarap na inaasam. Hindi tulad ng pag-ibig na ika'y masasaktan
lamang at hindi mo masisigurado baka ika'y pinapaasa at sasaktan lang.

Pag-ibig: Tunay ngang edukasyon ang pinakamahalaga, ngunit maaaring


pagsabayin ang dalawa. Karanasan sa pag-ibig habang ikaw estudyante pa
ay mainam gamitin sa mapapangasawa. Sa pag-ibig, natural lang ang
masaktan, hindi puro saya ang mararanasan. Pag-ibig ay mahalagang
maranasan, upang sa hinaharap hindi ka maging dalagang gurang.

Pag-aaral: Pag-aaral ang unahin! Dahil ito ang pinakamahalaga!

Pag-ibig: Pag-ibig ang pinakamahalaga, sapagkat dito natatagpuan ang


tunay na saya.

You might also like