You are on page 1of 1

BUHAY ESTUDYANTE

(Isinulat nina: Kryzelle Peñalber at Aika Alcantara)

Ang pagiging estudyante ay sadyang makabuluhan dahil dito na halos umiikot ang ating buhay at


nagsisilbing pangalawa nating tahanan. Ito ay isang pagsubok na dapat natin harapin at may mga
tungkulin din tayong dapat gampanan. Ito ay isang malaking responsibilidad para sa atin. Ang
buhay ng estudyante, minsan masaya at minsan naman ay malungkot. Iba’t ibang klase ng
estudyante, merong mabait at meron din namang matigas ang ulo. May estudyante na
pagkagaling sa paaralan sa bahay kaagad ang diretso. May estudyante namang kung saan-saan pa
pupunta. May pupunta sa mall, sa computer shop, at kung saan-saan pa. May estudyante namang
puro aral lang ang inaatupag. Masarap ang maging estudyante. Dahil dito hinuhubog pa lang tayo
para madagdagan ang ating kaalaman at upang malaman kung hanggan saan ang ating
kakayahan. bukod pa rito ay makakakilala pa tayo ng mga panibagong kaibigan na makakasama
natin sa araw-araw at mga guro na matiyagang nagtuturo sa atin na tinuturing natin pangalawang
magulang sa paaralan. Minsan may kalokohan din naman nagagawa. Hindi naman natin
maiiwasan yun dahil bahagi na yun ng ating buhay bilang isang estudyante. Kung minsan naman
ay hindi natin inaalam kung hanggan saan ang ating limitasyon. Marami na tayong nagagawa na
hindi tama, tulad ng pagcucuting class para gumimik, mag-inom at ang iba naman ay gumagamit
ng pinagbabawal na gamot. Minsan nakakasawa rin maging estudyante kasi sa isang buong araw
sa paaralanlang umiikot ang buhay mo. Pagkagising sa umaga ay kakain at maliligo lang at
pagkatapos ay aalis na at pupunta na sa paaralan. Pagdating ng hapon, pagkauwi mogagawa ka
na ng assignment at mag-aaral na naman. Minsan nga pagminalas-malas pawala ka ng oras na
manoond ng paborito mong programa sa telebisyon, magcomputer atmaglibang. Dahil sa
sandamakmak na iyong assignment na pinapagawa ng iyongguro. Kapag hindi ka nagbasa at
natawag ka niya, naku siguradong bagsak ka at mapapahiya ka pa sa harap ng iyong mga
kaklase. Ganyan ang buhay estudyante pare-pareho lang lahat ang ginagawa sa isang buong
linggo. Hindi ba pwedeng ilang taon lang na mag-aral at makakakuha ka na kaagad
ngmagandang trabaho. Pero sa panahon natin ngayon kinakailangan talagang mag-aral ng
mabuti para sa darating na panahon hindi ka maghihirap.

You might also like