naman ay malungkot. May mga kaklase ako na yun iba mabait at yun iba matigas ang ulo. May guro na masungit at meron din mapagpasensya. Mayroon ding maraming magbigay ng aralin. At halos araw-araw ay may “bring me”.
Nakakapagod din maging estudyante kasi puro aral
ka lang sa isang buong araw. Pagkagising sa umaga ay kakain at maliligo. Pagkatapos ay aalis na at pupunta na sa paaralan. Pagdating ng hapon uwian na. Sa bahay gagawa pa ng takdang aralin at mag-aaral pa rin.
Ang buhay estudyante ay pare-pareho lang ang
ginagawa sa isang buong linggo. Kung pwede nga lang mas mahaba ang bakasyon kesa sa pasukan. Mas maraming oras sa paglalaro kesa sa pag-aaral. Mas maraming pahinga kesa sa paggawa ng aralin. Ngunit kinakailang pa rin mag-aral ng mabuti para sa aking kinabukasan.