You are on page 1of 1

Ang Buhay Estudyante sa Kolehiyo

J.V. De Castro

Isang magandang hapon po sa inyong lahat!

Ano nga ba ang buhay estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? O tama lang? Ang aking talumpati ay
tungkol sa buhay estudyante sa kolehiyo. Alam na siguro natin ang pakiramdam ng pagiging isang estudyante, pero,
ang pagiging isang kolehiyo? Napakalaking kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa elementarya at sekondarya,
lalo na’t tungkol sa sunod-sunod na gawain na kailangan mong tapusin. Napakahalaga ang makapag-aral sa kolehiyo
kaya hindi dapat tayo o ito binabalewala.

Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto,
takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa-practice ng sayaw sa P.E. Idagdag pa natin ang pag re-review para
sa exam. Ang hirap tuloy mag-isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang
problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga. Minsan naman ay
dadagdag pa ang mga bayarin na nagpapabigat sa bulsa. Tulad ngayon, malapit na naman ang exam kaya marami na
namang kailangang gawin, pero normal lang naman yan dahil lahat yan ay talagang mararanasan sa kolehiyo.
Naaalala ko noong unang semestre, kapag nahuli ka ng kahit isang minuto sa pagpasa ng proyekto ay hindi na ito
tatanggapin ng instructor, wala naman tayong magagawa dahil binigyan naman nila tayo ng oras at araw para tapusin
iyon.

Sa kolehiyo, hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang lumiliban sa klase dahil sa tamad
nang pumasok. Marami siguro silang pang bayad, kaya ganoon. Ang iba naman lumiliban dahil sa paglalaro ng mga
Online Games. Ang gumagawa lang ng mga ganoong bagay ay mga estudyanteng tamad at hindi nagseseryoso,
binabalewala nila ang paghihirap ng kanilang mga magulang para lang makapag-aral sila. Mayroon din akong
pinsang ganyan, hindi naman sila mayaman, pero ewan ko ba’t hindi siya nagseseryoso sa kanyang pag-aaral, kaya
hindi nagtagal ay pinahinto na lamang siya. Hindi rin nawawala ang mga ligawan, mayroon pang mga naglalakad na
nakaholding hands at pa sway-sway pa. Mayroon ding mga nag-aasawa o nabubuntis nang maaga, dahil siguro sa
sobrang pagmamahal.

Sa buhay kolehiyo ay hindi lang puro hirap sa pag-aaral, nandyan pa rin ang kasiyahan. Hindi rin nawawala
sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung baga konting pagliliwaliw. Masaya rin kapag pati ang
instructor ay kasama mo sa lokohan, at kapag may Tour ang buong klase. Maraming bagay ang masasaya basta lahat
ay nagkakasundo.

Kailangan lang natin ng pagsisikap, maging masipag na estudyante, may determinasyon dahil mas masarap
pa rin sa pakiramdam kapag natapos mo ang ilang taong pag-aaral mo sa kolehiyo, iyon bang aakyat ka sa stage at
pinagmamalaki ng magulang. Para sa akin ang makapagtapos sa kolehiyo ay isang malaking pangarap, pangarap ko
at pangarap ng ating mga magulang. Sila ang walang sawang sumusuporta at gumagabay na walang ibang hiniling
kundi ang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Ang pagiging kolehiyo’y mahirap pero masaya.

You might also like