You are on page 1of 2

SANAYSAY

Walang naghahangad ng isang masalumuot na buhay.


Lahat ay naghahangad ng mabuhay ng matiwasay at masaya. Ang
bawat isa ay nagsisimula sa panibagong umaga. Ngayoy
nabibigyang pag-asa sa pagsilang ng isang batang babae at tiyak
itoy malaking biyaya. Hindi matatapos sa pagsilang ng isang bata
dahil ang tao ay tumatanda. Nang panahon ng kabataay
kinakalimutan, doon problemay hindi pinaglalaanan ng panahon
oras man ay dahan-dahan. Dahil ang panahon noon ay iba. Bilang
bata iba ang dating ng problema at iba ang epekto nito hindi
katulad ngayong nagsisimula nang isipin ang problema. Kasunod
na yugto ay edukasyon ng bata. Ang edukasyon ay tanging regalo
nang magulang sa kanilang anak. Pinagsusumikapan ni Tatay ang
edukasyong inaalay sa aking mahal niyang tunay. Masasabi kong
akoy pinagpala magkaroon ng magulang tulad nilang pinipilit
magbanat ng buto para sa aking kinabukasan.
Pag-ibig. Isang bagay na sigurado akong naramdaman ko.
Pinaramdam sa akin kung paano magmahal at mahalin ng aking
mga magulang. Masasabi kong ito ang pinakamasarap na
pakiramdam sa mundong puro pakikialam pag-ibig na tuna yang
aking inaasahan itoy patuloy mong pinaparamdam. Laking
pasasalamat ko sa Maykapal dahil hindi ako manhid na tao.
Nararamdaman ko kung mahal ba ako ng mga tao sa paligid ko o
ayaw nila sa akin. Kahit yung mga taong nagpipigil ng pagmamahal
para sa relasyong nais isalba ay pag-ibig na ayaw ko na maulit.
Hindi maiiwasang mabigo ang isang tao. Ito ay sadyang
kasama na sa buhay ng tao dahil sabi nga nang nakakarami;
kadalasan sa buhay ng tao hindi ka matututo kung hindi ka muna
nabigo. Ngunit kahit ganun, kabiguan man ay dumating kahit hindi
makaahon problemay itatapon. Dahil para sa akin, ang problema
imbis na problemahin gawan agad ng solusyon upang sarili ay
hindi mahirapan at paniguradong matatapos din ito.
Ang paghihintay naman sa isang katapusan ay minsan
masaya minsan naman ay malungkot. Ngunit kung ang hinihintay
mo naman ay diploma at antas walang humpay na kasiyahan ito
hindi lang ito. Sa panahon na ito ay dumating na wala nang
angalan sa pagtatapos na ito na kahit walang parangal, ibibigay ng
buo sa aking mga magulang ng may dangal. Yaman lamang aang
edukasyon ay regalo ng magulang sa kanilang anak; ito naman
ngayon ang regalo ng anak sa magulang.
Ngunit ito ay simula pa lamang nang panibagong kabanata at
realidad ng buhay. Magkakatrabaho, makakatulong sa magulang,
makakalibot ng buong mundo, magkakakakilala ng madaming tao,
magkakatulong, magkakabahay, magkakapamilya, magkaka-anak,
magkakaapo. At may punto sa buhay ng tao ang kamatayan,
sabihin mo mang handa ka sa bagay na ito ngunit kung iisipin wala
naming tinatantsa na panahon ang kamatayan. Kaya sulitin ang
buhay at gawin ang tamang bagay. Upang makapagpaalam sa mga
taong iyong mahal na may ngiti na hangang tenga. At walang
maiwan na problema maaari nilang ikaharap.

You might also like