Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga
masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga. Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay- nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan? Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay. Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa. Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag- aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!
Ang Buhay Estudyante sa Kolehiyo
Isang magandang hapon po sa inyong lahat! Ano nga ba ang buhay estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? o tama lang? Ang aking itatalumpati ay tungkol sa buhay estudyante sa kolehiyo. Alam na siguro natin ang pakiramdam ng pagiging isang estudyante, pero, ang pagiging isang kolehiyo? Napakalaking kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa elementarya at sekondarya, lalo na’t tungkol sa sunod-sunod na gawain na kailangan mong tapusin. Napakahalaga ang makapag aral sa kolehiyo kaya hindi dapat tayo o ito binabalewala. Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa- practice ng sayaw sa P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga. Minsan naman ay dadagdag pa ang mga bayarin na nag papabigat sa bulsa. Tulad ngayon, malapit nanaman ang exam kaya marami nanamang kailangang gawin, pero normal lang naman yan dahil lahat yan ay talagang mararanasan sa kolehiyo. Naaalala ko noong unang semestre, kapag nahuli ka ng kahit isang minuto sa pag pasa ng proyekto ay hindi na ito tatanggapin ng instructor, wala naman tayong magagawa dahil binigyan naman nila tayo ng oras at araw para tapusin iyon. Sa kolehiyo, hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang lumiliban sa klase dahil sa tamad nang pumasok. Marami siguro silang pang bayad, kaya ganoon. Ang iba naman lumiliban dahil sa pag lalaro ng mga Online Games. Ang gumagawa lang ng mga ganoong bagay ay mga estudyanteng tamad at hindi nag seseryoso, binabalewala nila ang pag hihirap ng kanilang mga magulang para lang makapag aral sila. Mayroon din akong pinsang ganyang, hindi naman sila mayaman pero ewan ko ba’t hindi siya nag seseryoso sa kanyang pag-aaral, kaya hindi nag tagal ay pinahinto na lamang siya. Hindi rin nawawala ang mga ligawan, mayroon pang mga nag lalakad na nakaholding hands at pa sway sway pa. Mayroon ding mga nag aasawa o nabubuntis ng maaga, dahil siguro sa sobrang pagmamahal. Sa buhay kolehiyo ay hindi lang puro hirap sa pag aaral, nandyan parin ang kasiyahan. Hindi rin nawawala sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung baga konting pagliliwaliw. Masaya rin kapag pati ang instructor ay kasama mo sa lokohan, at kapag may Tour ang buong klase. Maraming bagay ang masasaya basta lahat ay nagkakasundo. Kailangan lang natin ng pagsisikap, maging masipag na estudyante, may determinasyon dahil mas masarap parin sa pakiramdam kapag natapos mo ang ilang taong pag-aaral mo sa kolehiyo, iyon bang aakyat ka sa stage at pinagmamalaki ng magulang. Para sa akin ang makapagtapos sa kolehiyo ay isang malaking pangarap, pangarap ko at pangarap ng ating mga magulang. Sila ang walang sawang sumusuporta at gumagabay na walang ibang hiniling kundi ang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan . Ang pagiging kolehiyo mahirap pero masaya.Ang Buhay Estudyante sa Kolehiyo Isang magandang hapon po sa inyong lahat! Ano nga ba ang buhay estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? o tama lang? Ang aking itatalumpati ay tungkol sa buhay estudyante sa kolehiyo. Alam na siguro natin ang pakiramdam ng pagiging isang estudyante, pero, ang pagiging isang kolehiyo? Napakalaking kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa elementarya at sekondarya, lalo na’t tungkol sa sunod-sunod na gawain na kailangan mong tapusin. Napakahalaga ang makapag aral sa kolehiyo kaya hindi dapat tayo o ito binabalewala. Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa- practice ng sayaw sa P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga. Minsan naman ay dadagdag pa ang mga bayarin na nag papabigat sa bulsa. Tulad ngayon, malapit nanaman ang exam kaya marami nanamang kailangang gawin, pero normal lang naman yan dahil lahat yan ay talagang mararanasan sa kolehiyo. Naaalala ko noong unang semestre, kapag nahuli ka ng kahit isang minuto sa pag pasa ng proyekto ay hindi na ito tatanggapin ng instructor, wala naman tayong magagawa dahil binigyan naman nila tayo ng oras at araw para tapusin iyon. Sa kolehiyo, hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang lumiliban sa klase dahil sa tamad nang pumasok. Marami siguro silang pang bayad, kaya ganoon. Ang iba naman lumiliban dahil sa pag lalaro ng mga Online Games. Ang gumagawa lang ng mga ganoong bagay ay mga estudyanteng tamad at hindi nag seseryoso, binabalewala nila ang pag hihirap ng kanilang mga magulang para lang makapag aral sila. Mayroon din akong pinsang ganyang, hindi naman sila mayaman pero ewan ko ba’t hindi siya nag seseryoso sa kanyang pag-aaral, kaya hindi nag tagal ay pinahinto na lamang siya. Hindi rin nawawala ang mga ligawan, mayroon pang mga nag lalakad na nakaholding hands at pa sway sway pa. Mayroon ding mga nag aasawa o nabubuntis ng maaga, dahil siguro sa sobrang pagmamahal. Sa buhay kolehiyo ay hindi lang puro hirap sa pag aaral, nandyan parin ang kasiyahan. Hindi rin nawawala sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung baga konting pagliliwaliw. Masaya rin kapag pati ang instructor ay kasama mo sa lokohan, at kapag may Tour ang buong klase. Maraming bagay ang masasaya basta lahat ay nagkakasundo. Kailangan lang natin ng pagsisikap, maging masipag na estudyante, may determinasyon dahil mas masarap parin sa pakiramdam kapag natapos mo ang ilang taong pag-aaral mo sa kolehiyo, iyon bang aakyat ka sa stage at pinagmamalaki ng magulang. Para sa akin ang makapagtapos sa kolehiyo ay isang malaking pangarap, pangarap ko at pangarap ng ating mga magulang. Sila ang walang sawang sumusuporta at gumagabay na walang ibang hiniling kundi ang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan . Ang pagiging kolehiyo mahirap pero masaya.