You are on page 1of 2

TALUMPATI

Ang Buhay Estudyante sa Sekondarya Ngayon


Ni Bb. Jerina Samantha B. Mombael

Magandang araw sa ating lahat!

Ano nga ba ang buhay estudyante sa sekondarya ngayon? Mahirap ba? Madali? sakto lang? O
kapareho lang noon?

Ang aking talumpati ay tungkol sa buhay estudyante sa sekondarya ngayon. Alam na siguro natin
ang pakiramdam ng pagiging isang mag-aaral, pero, ang pagiging sekondarya? Malaki ang kaibahan ng
sekondarya noon sa sekondarya ngayon, lalo na’t tungkol sa sunod-sunod na gawain na kailangan mong
tapusin. Napakahalaga ang makapag-aral sa sekondarya dahil ito ay isang pinakaimportanteng daanan
upang matungtong ang kolehiyo na isa ring masimportanteng daanan upang makamit ang ating mga
pangarap sa buhay, kung kaya’t hindi dapat ito binabalewala.

Hindi madali ang buhay estudyante sa sekondarya ngayon, lalo na kapag sabay-sabay ang mga
gagawing proyekto, takdang-aralin, reports, mga praktis sa iba’t ibang subjects, quizzes, seat works,
research kung meron man, dagdag pa nating ang pagre-review para sa exam. Ang hirap tulo’y mag-isip
kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat at kalaban
mo pa ang antok kaya minsan late nang makapasok sa umaga at nagkakasakit pa. Minsan naman ay
dadagdag pa ang mga bayarin sa paaralan na prinoproblema ng mga estudyante lalo na kapag malapit ang
exam. At kapag malapit na naman ang exam ay parang doble-doble na ang mga gawain lalo na kapag
magcocomply ka sa mga activities o quizzes na hindi mo nagawa dahil absent ka o ano man ang dahilan
kung bakit hindi mo nagawa ang mga iyon.

Sa sekondarya ngayon hindi parin mawawala ang pangongopya. Nandyan pa rin ang lumiliban na
kaklase dahil sa tamad nang pumasok. Ang iba naman ay lumiliban dahil sa paglalaro ng mga “online
games”. Ang gumagawa lang ng mga ganoong bagay ay ang mga estudyanteng tamad at hindi
nagseseryoso sa pag-aaral. Binabalewala nila ang pag hihirap ng kanilang mga magulang para lang
makapagtapos sila. Hindi rin mawawala ang mga asaran na nauuwi sa pikunan hanggang magsusumbatan o
masmalala pa ay maghamunan ng suntukan. At maslalong hindi papahuli ang ligawan dahil usong-uso ito
sa mga kabataan, mga pasimpleng akbayan at nakaholding hands pa sa paaralan.

Ang buhay sekondarya ay hindi lang puro hirap sa pag-aaral, nandyan pa rin ang kasiyahan. Hindi
rin mawawala ang pagbabarkada at pagbubulakbol. At kapag may pupuntahan o tour ang buong klase.
Masaya rin kung pati ang mga guro ay kasundo niyo at sumasali sa mga kalokohan ninyo. Marami pang
mga bagay ang masasaya basta ang importante ay magkakasundo kayong lahat. Syempre, hindi talaga
mawawala ang hindi pagkakaintindihan dahil iba-iba ang ugali o personalidad ng bawa’t isa ngunit ang mga
ito ay normal lamang at parte na ng ating buhay upang mas maunaawaan pa ang isa’t isa. Ika nga nila “Ang
sekondarya ang pinakamasyang parte ng pag-aaral dahil kapag tumungtong ka na sa kolehiyo masyadong
magkaiba sa sekondarya, kaya ienjoy niyo na habang na sa sekondarya pa lang kayo”.
Upang makapagtapos ng sekondarya, kailangan lang natin ang pagsisikap, determinasyon, sipag at
tiyaga, at pag-uunawa dahil mas masarap parin sa pakiramdam kapag natapos mo na ang ika-labing
dalawang taon mo sa pag-aaral, iyon bang aakyat ka sa entablado at pinagmamalaki ng magulang. Para sa
akin ang pagtatapos ng sekondarya ay isang katuparan dahil ito ang kailangan mong tapusin upang
makapasok sa kolehiyo at ituloy ang pangarap na gustong maabot sa buhay.

You might also like