You are on page 1of 10

Banka sa Maalong Dagat

Malinaw pa sa aking alaala kung paano ako napadpad sa larangan ng pagtuturo.

Nasa ika-limang taon pa lamang ako ngayon sa karerang ito, ngunit hindi na ako

masaya at sa katunayan nalilito na rin ako kung ito nga ba ang magiging trabaho ko sa

habambuhay. Batid ko naman na wala talagang madaling trabaho. Lahat halos ng

naging trabaho ko ay nakaranas ako ng mga pagsubok. Sa sanaysay na ito ay

babalikan ko ang naging buhay ko bago ako naging guro at ibabahagi ang opinion at

kasalukuyang kalagayan ko bilang empleyado ng Department of Education.

Taong 2011, nasubukan kong magtrabaho bilang isang “encoder” sa Department

of Agriculture. Ang trabaho ko ay ilipat ang mga “basic information” at “farming

equipment” ng isang magsasaka sa “Farmers Information System”, isang “website” na

ginawa ng pamahalaan upang likumin ang lahat ng impormasyon ng mga magsasaka

sa bansa. Mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ay nakatutok ako

sa harapan ng “computer” at buong araw nagtatype. Hindi gaanong mabigat ang

trabaho dahil ito ay “pilot project” pa lamang. Parte ng aming trabaho ay i-monitor at i-

observe ang “website” kung ano ang kakulangan nito at kung ano pa ang dapat idagdag

upang ang pag-eencode ay mapabilis at maisaayos pa.

Ang nakita kong negatibo sa trabahong ito ay ang pagiging “passive minded”.

Ang interaksyon ay nasa pagitan lamang ng isang tao at “computer”. Dahil sa ito ay

“pilot project” pa lang, nagtagal lamang ito ng isang buwan.

1
Matapos ang isang buwang ginugol ko sa trabahong iyon, nagpasya akong

gamitin ang aking kurso na Bachelor of Arts in Journalism at pasukin ang mundo ng

pagsusulat. Naging “news writer” ako sa isang lokal na pahayagan na ipinamana sa

akin ng aking guro sa kolehiyo. Ito‟y naging kapana-panabik dahil sa unang taon ko pa

lamang ay madami na akong nagawa, naranasan at natutunan. Dito ay nasanay akong

makisalamuha sa iba‟t ibang uri ng tao. Nakilala at nakasama kong nag “cover” ng

balita ang mga lokal at nasyonal na “media personalities” dito sa bansa. Naranasan

kong gumawa ng istorya tungkol sa mga opisyales ng gobyerno mula sa pinakamababa

hanggang sa presidente ng Pilipinas. Masaya maging “news writer” ngunit ang araw-

araw ay puno ng pagsubok. Ako at ang aking mga kasamahan ay naka lantad sa

“unknown”. Napapaligiran kami ng mga taong hindi namin kilala at dahil araw-araw

kaming nasa kalye, anuman ay maaaring mangyari.

Tuwing panahon ng eleksyon, ang buhay namin ay masigla. Hindi kami halos

umuuwi sa aming mga kabahayan upang masubaybayan lamang ang lahat ng

nangyayari sa paligid. Ang pagsusulat ay madali lamang ngunit ang pag-iimprenta ng

mismong diyaryo ang napakahirap para sa mga “local publishers”. Kadalasan, ang mga

istoryang naisusulat ko ay natatambak lamang at hindi nailalabas dahil sa kawalan ng

pondo. Sa tulong ng aking mga kapatid, nagawa kong makapag “release” ng isang

beses sa dalawang buwan sa halip na isang beses kada lingo. Hirap man sa pondo,

nagawa kong maibalik sa sirkulasyon ang Tarlac Times sa loob ng tatlong taon.

Sa gitna ng nakalulunod na ligalig na naramdaman ko bilang manunulat, naisip

kong hindi ako makakapagtaguyod ng isang pamilya sa ganitong klase ng trabaho.

2
Dahil dito nag-desisyon akong mag-aral muli at mangarap maging guro upang maikalat

ko ang importansiya ng pag susulat sa mga kabataan.

Napaka laking tulong sa akin ng pagiging “writer” sa dyaryo sa pag pasok ko sa

DepEd. Wala man akong ekspiryensa sa pagtuturo, hindi ako nahirapan upang

makakahuha ng “teaching position” „di tulad ng iba na inaabot ng taon upang

makapasok.

Ibang –iba ang mundo ng pagtuturo sa mundo ng pagsusulat. Sa unang taon ko

bilang guro, hinanap-hanap ko ang paglilibot araw-araw upang makakuha ng balita. Sa

pagtuturo ay nakakulong ako sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan mula alas-siete ng

umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Ang pagiging guro ay kombinasyon ng pagiging ina, ama, kapatid , “nurse”,

doktor, pulis, karpintero, manananggol at lahat ng mga propesyon na alam mo. Sa

larangang ito ang bata ang bida. Sobrang protektado ang kapakanan ng estudyante na

nakalimutan na yata ng mga nakatataas na tao din ang mga guro at hindi halimaw. Ang

guro ay dapat laging handa na gawin ang lahat para sa kanyang estudyante kahit

nakataya pa ang sarili nitong buhay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naramdaman

kong may mali sa pamamalakad ng DepEd.

Inilabas nito ang CCP o Child Protection Policy upang proteksyunan ang mga

estudyante sa mga abusadong guro. Taliwas ang palisiyang ito sa tradisyunal na pag

didisiplina ng aming mga guro sa aming panahon. Kitang-kita na hindi maganda ang

epekto nito sa mga mag-aaral. Dahil sa CPP, lumaki ang ulo ng kabataan at mas

3
naging pasaway sila dahil kahit gumawa man sila ng kamalian, wala itong magiging

kapalit na parusa.

Mahirap man paniwalaan ngunit hindi nila kinakatakot ang pag bagsak ng grado

nila. Papasok lang sila para umupo, makikinig kunwari at uuwi ng walang nalalaman.

Karamihan sa mga “projects” pa nila ay mukhang hindi gawa ng ka-edad nila. Ang mga

guro ay mistulang diyos na walang mananampalataya. Pag dating ng bukas ay uulitin

lamang ang kahapon. Ang sitwasyon na ito ay paulit-ulit lang sa kabila ng pagsisikap ng

mga guro na ibuhos ang lahat ng kakayahan nila upang matuto ang mga bata.

Hindi ako “over acting”. Hindi ko din sinasabi na wala ng natitirang mabuting

estudyante. Mayroon pa. Kung bibilangin ko sila ay hindi mauubos ang daliri ko sa

kanang kamay. Iilan nalang sakanila ang iniintindi ang liksyon at gumagawa ng kanilang

responsibilidad bilang estudyante. Karamihan kasi sakanila ay umaasa nalang sa lider

sa tuwing may “group works”. Kapag indibidwal naman ang project, “copy paste” o

literal na pangongopya naman ang ginagawa.

Sa araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga estudyante, lantaran kong nakikita

na kinalimutan na nila ang paggamit ng po at opo. Salamat sa salitang „sir‟ at „ma‟am‟

dahil kahit papaano ay nagkakaroon pa sila ng kaunting “signal” ng paggalang. Hindi na

rin nalalayo ang edad nila sa edad naming guro dahil sa paraan nila ng pakikipag-usap

sa amin. Hindi ko na alam kung ka edad ko lang ba sila o mas matanda sila kasi kung

makipag-usap sila sa amin ay parang magkakaibigan lang kami. Parang nawala na ang

linya na nahihiwalay sa amin bilang estudyante at guro.

4
Bukod sa mga ito isa rin ang pakikisama sa mga kapwa ko guro kung bakit ako

dismayado sa aking trabaho. Nalimutan na yata nila ang salitang „pagtutulungan‟ dahil

sa bawat komite na aking hahawakan ay parang ako na nga ang lider ako pa ang nag-

iisang member. Nagiging palamuti lamang ang kanilang mga pangalan sa mga

“accomplishment reports” at madalas kung sino pa ang walang ginagawa ay sila pa ang

pumupuna ng kamalian.

Hindi ko binubuhat ang sarili kong bangko at hindi rin ako pabida, lalong hindi

ako perpektong guro. Minsan kinakain din ako ng sarili kong katamaran. Ngunit lagi

kong sinisigurado na bago ako tamarin, natapos ko na ang mga dapat gawin.

Sa likod ng kanilang uniporme, maraming mga guro na ugaling kalye. Mula sa

kanilang pananalita hanggang sa pananamit ay wala kang makikitang bakas ng

pagiging propesyonal. Hindi naman masamang pumorma ngunit wag lang sanang

sumobra.

May mga guro din na labis ang katalinuhan dahil sa dami ng “seminars” na

dinadaluhan. Karamihan sa mga ito ay hindi naman nagagamit sa pagtuturo o

naipapasa sa mga mag-aaral. Naiiwan lang sila sa luob ng silid-aralan habang

inaabangan ang mga i-popost ng guro sa “social media” . Ang mga gustong matututo

ay nawawalan na ng gana habang ang mga napipilitan lang mag-aral ay

nagpapakasasa sa oras na nasasayang. Pag-uwi nila‟y walang nag bago, walang

kaalamang nadagdag sa kanilang sentido.

Ang pamamalakad ng punong guro ay may malaking epekto din sa mga guro.

Nasubukan ko ang pamamahala ng isang “hard-hearted” at “soft-hearted” na “principal”

5
at nakita ko ang malaking kaibahan. Sa una, nagtatrabaho ako ngunit may bigat sa

aking balikat dahil sa matang nakatutok sa akin. Sa pangalawa, masaya akong

ginagampanan ang trabaho kahit walang bantay dahil ramdam ko ang tiwala sa akin.

Ang patnubay ng punong guro at mahalaga sa kinabukasan ng nasasakupan

nito. Kung ang lider ay mahina malaki ang tsansa na magiging mahina rin ang

“performance” ng buong institusyon. Kung hindi marunong mag “manage” ang lider

hindi magiging masaya ang mangagawa at hindi sila makakapagtrabaho ng maayos. Sa

kasalukuyan, maswerte pa rin ako sa aming punong guro dahil masasabi kong isa

siyang “working principal”. Hindi niya pinapabayaan ang paaralan at laging ito ang

inuuna bago ang kanyang pamilya.

Kung babasahin ang nilalaman ng mission at vision ng DepEd ay mahahalata

mong napaka aydiyal nito. Napakataas ng pangarap nito para sa mamayan lalong-lalo

na sa mga kabataan. Nais nitong gawing perpekto ang mga estudyante na magtatapos

upang madali silang makakuha ng trabaho sa Pilipinas man o maging sa ibang bansa

pa. Upang makamit ito, gumawa ang DepEd ng bagong kurikulum na makakatulong sa

mga estudyante na maging eksperto sa mga larangan na pasok sa kanilang interest at

kakayahan.

Sa K+12 ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante nasa senior high

school na mas maalam sa mga tinatawag na “skills” tulad ng welding, carpentry,

electrical installation and maintenance, caregiving at maraming pang iba upang

magkaroon ng akmang pagsasanay sa mga larangang ito at magkaroon ng mas

maliking oportunidad na makapaghanap ng trabaho pagtapos nila ng sekondarya. Ang

6
mga estudyanteng may interest sa “academics” naman ay may oportunidad ding

makapili ng larangan upang mas mahasa pa ang kaalaman sa matematika, syensya,

lingwahe, business at maraming pang iba.

Hindi ko alam kung sino mismo ang mga gumawa sa kurikulum na ito. Sa

pangkalahatan, ito‟y napakagandang tignan dahil sa wakas ay magkakaroon na ng

pagkakataon ang estudyante na pumili ng nais nitong larangan base sa kanyang

interest at kakayahan ngunit kung susuriing mabuti ang estudyanteng pumiling

pumasok sa mga “blue collar jobs” ay kailangan pang mag-aral ng napaka hirap na

“academic subjects” tulad ng English for Academic and Professional Purposes, gumawa

ng apat na pananaliksik, at maraming pang iba na nakuha na nila sa mas mababang

baitang.

Hindi ko lubos maisip kung bakit kailan pa nilang gumawa ng dalawang research

(isang qualitative at isang quantitative) at dalawang pananaliksik sa wikang Pilipino sa

loob lamang ng dalawang taon. Dinaig pa nila ang mga nasa kolehiyo, masteral, at

doctoral. Hindi kaya naisip ng mga gumawa sa kirikulum na ito na hindi naman nila ito

magagamit sa kanilang trabaho sa hinaharap.

Bilang resulta, lumabas na hindi pa handa ang mga unang “batch” na nagtapos

ng K+12 upang mamasukan bilang empleyado ayon sa pagsusuri ng DOLE at samahan

ng mga nasa “business sector”.

Ang resultang ito ay nakakaalarma. Ngunit ang DepEd ay hindi naman gumawa

ng “post assessment” ukol dito upang matukoy kung bakit kulang ang kaalaman ng mga

nagsipagtapos sa kabila ng pagkakaroon ng bago at napaka aydiyal na kurikulum.

7
Mainam sana na ang negatibong resultang iyon ay ginawang basehan upang ayusin

ang kurikulum. Ngunit hindi. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagpapatupad

nito. Dahil dito hindi ko maiwasang mapaisip kung mayroon bang ekspiryensa sa

pagtuturo ang mga namumuno sa ahensyang ito o nasubukan na kaya nilang

tumuntong sa mga “public schools” na kanilang nasasakupan upang malaman, makita

at maramdaman ang tunay na nangyayari at ng sagayon ay maibigay nila ang

nararapat na serbisyo. Ang mahirap naman kasi sa mga punong guro, kapag nasabihan

sila na may mga bibisitang “boss”, pagtatakpan nila ang kakulangan ng paaralan at

gagawin itong mukhang perpekto.

Sa nakikita ko ang DepEd mismo ang sumisira sa mga plano nito.

Isa sa mga “ultimate goals” ng DepEd ay makalikha ng maraming “globally

competitive individuals” ngunit ang nagaganap sa luob ng paaralan at silid- aralan ay

taliwas sa daan patungo sa misyong ito. Ang mga estudyante ay abala sa mga

patimpalak at iba‟t-ibang “activities” mula Hulyo hanggang Disyembre. Minsan umaabot

pa ng Pebrero. Ang masaklap dito, sa halip na nagtuturo kaming mga guro ay naaabala

kaming nag eensayo at gumagabay sa mga piling bata lamang.

Pagpasok ng Hulyo, idinadaos ang Career Week na naglalayong gabayan ang

kabataan sa tamang pagpili ng trabaho sa hinaharap gamit ang kanilang kakayahan. Ito

ay ginagawa kadalasan sa huling lingo ng buwan. Bawat araw sa lingong ito ay may

ibat-ibang idinadaos na aktibidad at bilang “culminating activity” magkakaroon ng

program na puno ng pagtatanghal na kadalasan ay tumatagal ng kalahating araw.

Upang maisagawa ito ng maayos, kulang ang limang araw na pag-eensayo.

8
90% ng aming mga estudyante ay naisasakkripisyo para lang sa isang

patimpalak na iisang bata lang ang nagbenepisyo.

Ang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon na dinadaos din sa buwan ng Hulyo ay

maaring gawin sa ilalim ng pamamahala ng health committee ng konseho ng mga

barangay. Tiyak ko na mas magiging masigla ito dahil dadaluhan ito pati ng mga

magulang at ng mga ordinaryong mamamayan. Sa ganitong paraan, mas sisigla ang

pagdaraos ng ganitong selebrasyon at hindi maantala ang pag-aaral ng mga

estudyante dahil ito ay idaraos sa araw ng Sabado at Linggo.

Tuwing Agosto naman ay pinagdiriwang ang Buwan ng Wika at Buwan ng

Kasaysayan sa pamamagitan din ng maraming aktibidades. Ang Setyembre naman ay

nakalaan para sa Boy scout and girl scout encampment at school-based intramurals. Sa

unang lingo naman ng Oktubre ay nakalaan sa pagdaraos ng World Teacher‟s Day at

sa Disyembre naman ang Education Week. Kung magbabawas ang DepEd sa mga

okasyong ito, madadagdagan ang oras ng mga guro sa pagtuturo na siyang naman

talagang trabaho namin.

May mga patimpalak na ginagawa lamang ng isang araw ngunit katakot-takot na

preparasyon naman ang kailangan. Madalas kung dalawang linggo ang preparasyon,

dalawang linggo ding hindi makakapagturo ang “trainer”. Hindi ko binabalewala ang

importansya ng “extracurricular activities” ngunit kung seryoso ang DepEd na makamit

ang misyon nito, mas mainam na i-review nito ang palesiya ukol sa bagay na ito. Dapat

9
nitong malaman kung ang mga desisyon nito ay nakakabuti pa ba sa pinakamamahal

nilang kabataang Pilipino.

Sigurado ako na maraming ng lumapit sa pamunuan ng DepEd upang idulog

ito ngunit ayaw lang nilang kumawala sa pagkakapako sa tradisyunal na pamamalakad.

Kung ang ganitong sistema ay magpapatuloy kakaunting porsyento lang ng mga

magaaral ang makakakamit sa pangarap ng DepEd.

Ang mga inilahad ko‟y hindi reklamo. Ito‟y mga puna sa paligid na nakakaepekto

sa aking trabaho. Alam kong walang pumilit sa akin upang pasukin „to. Tulad mo, ang

nais ko lang ay pagbabago.

Nalilito man ako pero di‟ ko pa naisipang mag retiro. Alam kong sa pagtuturo‟y

ako rin ay natuto. Masaya ako pag nakikita kong naisasabuhay ng mga bata ang mga

turo ko. Kung sakaling ako‟y magtagal sa propesyong „to, sana‟y mabatid ng DepEd

ang tunay nitong misyon. Maalon man ang dagat, banka ko‟y makakarating sa

destinasyon basta alam ng DepEd ang tamang direksyon.

10

You might also like