You are on page 1of 2

Apple Ladia

STEM 12-HEISENBERG

Buhay Inhinyero
Masasabi nating, maganda o magulo ang ating kapalaran sa buhay.
Maganda, dahil maraming karanasan at mithiin ang napagtatagumpayan.
Magulo, dahil ang ibang layunin ay hindi naisasakatuparan. Ngunit, sa
ganitong kalagayan, kailangan nating ipagpatuloy an gating adhikain sa
buhay dahil ang buhay ay maihahalintulad rin sa isang pno na kahit ano
mang suliranin ang iyong kinasasadlakan ay yayabo rin ang iyong buhay
kung patuloy kang mangangarap at tatayo mula sa kahirapan.

Ika-10 ng Oktubre taong 2001, noong ako’y isinilang ng isang


matiyagang ina na si Nela B. Ladia kasama ang aking pinakamamahal na
ama at mapagmahal niyang asawa na si Isabelo B. Ladia. Pinangalanan
akong “Apple” sapagkat ako daw ay isang bata na kung ngumiti ay
sintamis ng isang mansanas. Ipinanganak ako sa Purok Matukling,
Barangay Amangbangan, Alaminos City, Pangasinan kung saan ako
nabibilang. Sa katunayan, ako ang bunso sa aming magkakapatid.
Nagsimula akong mag-aral ng elementarya noong ako ay anim na taong
gulang. Naaalala ko noong ako ay papasok ng kinder, malimit akong
bantayan ng aking mama kaya naman ay naiinggit ako sa aking mga
kaklase na kasama nila ang kanilang mga magulang sa pagpasok.
Naiintindihan ko naman noon ang aking mga magulang kaya’t natuto akong
maging mag-isa at hindi dumepende sa iba. Sa kabila ng lahat,
nagkaroon ako ng dalawang matalik na kaibigan sa eskwelahan. Paborito
naming lugar sa aming paaralan ay ang mga ‘benches’ sa ilalim ng puno
ng manga kung saan doon kami nagkukwentuhan, kumakain ng meryenda, at
gumagawa ng takdang-aralin. Natapos ko ang elementarya bilang
‘valedictorian’ ng aming klase.

Tumungtong naman ako sa sekondarya sa paaralan ng Alaminos City


National High School bilang isang estudyante ng STE o Science,
Technology, ang Engineering. Para sa akin, masayang mapabilang sa
seksyon na ito sapagkat doon nagsimula kung paano ko hubugin ang aking
sarili at hasain ang aking mga talento. Natuto akong magsalita sa
harap ng maraming tao, maging aktibo sa iba’t ibang gawain sa
paaralan, at makipagsapalaran upang mairepresenta ang aming klase. Sa
pagkakataong iyon, nakahanap ako ng mga kaibigan na naging karamay ko
sa lahat, maging kalokohan man yan o mga seryosong usapan. Sila ay
sina Rina, Mae, at Thricia. Ang mga kaibigan kong ito ang nagparanas
sa akin ng tunay na kahulugan ng ‘high school life’. Sa piling nila,
naranasan kong mahabol ng aso, mangisda sa palaisdaan habang naliligo
ng ulan, lumiban ng panghapong klase para lang makanood ng pelikulang
inaabangan, at higit sa lahat, sakanila ko naranasan ang ‘sleep over’
na may kasamang kulitan at masayang usapan. Taong 2017, kinailangang
umalis ang isa sa aking kaibigan upang manirahan na sa ibang bansa
kasama ang kanyang pamilya. Masakit man para sa amin ang kanyang
agarang pag-alis, ngunit amin naman itong naintindihan at nagpatuloy
na sa pakikipagsapalaran. Nakapagtapos ako ng sekondarya ng may mataas
na karangalan sa ilalim ng STEM o Science Technology Engineering.

Sa katunayan, hindi ko naman talaga ninais na maging isang


inhenyero dahil mahina ako sa mga numero. Ngunit sabi nga ng
nakararami, “Kung para sa’yo, para sa’yo talaga. Pray lang!”. Kaya’t
kahit ako ay mahina sa matematika, pinili ko ang kursong A.B.
Mathematics sa Pamantasan ng Polytechnic sa Maynila at Electrical
Engineering sa Pamantasan ng Ateneo de Manila. Hindi madali ang naging
takbo ng aking pag-aaral sa kolehiyo dahil nandito ang mga
rumaragasang proyekto na kung ipapapasa ng mga propesor ay sabay-sabay
at magkakandaugaga kang gawin ito sa limitadong oras. Masasabi kong
ito na nga ang pinakamahirap na yugto ng aking buhay na kung saan,
nakakaligtaan ko ng kumain ng tama at napapabayaan ko na ang aking
sarili sa kugustuhang maipasa ang aking kurso. Dahil sa mga
pangyayaring ito, isa lamang ang pumasok sa aking isip upang hingian
ng tulong at lakas ng loob. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng aking
ate na kapwa ko rin mananampalataya na sa lahat ng pagkakataon,
nandiyan ang Panginoon upang palakasin ang ating loob. Nagdaan ang
araw, mayroon na akong diploma, salamat sa aking pamilya sa lubos na
suporta.

Makalaunan, bilang umpisa ng aking propesyon, ako ay namasukan


bilang Electrical Engineer at nahalal bilang Pangulo ng Samahan ng mga
Inhinyero ng Philippine Electric Corporation (PHILEC). Hindi nagtagal,
ako ay nahalal bilang pamapnguluhang tagahatol sa timpalak ng
imbensyon, inobasyon at malikhaing pananaliksik na inilunsad ng
Pamabansang Pangasiwaan ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas. Dahil na
din sa paglipas ng panahon, ako ay naitalaga sa Estados Unidos ng
Amerika bilang International Manager ng Homac Manufacturing Company ng
Florida, USA. Ako din ay namasukan sa dalawang kumpanya sa Estados
Undios at itinalagang Project Manager sa Pacific Bell at kalaunan ay
hinirang na Director of Marketing ng BERG Power Engineers, Inc. sa
California, USA.

Ang buhay ng tao ay masasabing parang gulong, na kahit anong sama


o ganda ng iyong buhay ay daraan ka rin sa iba’t ibang pagsubok na
magiging gabay sa susunod na kabanata ng iyong buhay. Mula sa problema
ng aking buhay na aking nalalampasan, matuto tayong tumibay at
magkaroon ng matinding pananalig sa ating Panginoong Maykapal.

You might also like