You are on page 1of 112

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

LOST STARS

Author's Note
February 2017 nang unang lumabas ang libro na ito sa mga bookstore. Matagal ko na
ito gusto ipost sa wattpad pero ngayon lang ako nagkaroon ng chance. This is one of
my favorites sa lahat ng mga kuwento na nasulat ko na.

Trigger warning lang po para sa mga magbabasa na hindi tipikal ang pagkakahati ng
story na ito. Kada araw ang pagkakasulat ko kaya mayroong mga part na mahaba pero
meron ding maiksi. Minsan baka may mabasa kayong one or two sentences lang. Kaya
kung mainipin kayo, pwede niyo naman bilhin ang book version o kaya hintayin niyo
makarami ako ng post para hindi bitin. ^__^

DAY 1
               

August 8. Monday

I met a girl who likes looking up at the stars. Gabi na 'non at akala ko ako na
lang ang tao sa buong campus ng Richdale University. I was at the Alumni
Association office, trying to finish the final draft of our calendar of activities
for the new school year.

First day ng new semester. Medyo may adjustment na kailangan gawin kasi this year
August na ang start ng school year sa Richdale.

Hindi ko napansin na alas nuwebe na pala ng gabi. Kung isa pa rin akong
undergraduate student, siguradong nasaway na ako ng guard na nagpa-patrol sa campus
at kanina pa pinauwi. But everything is different now.

Sobrang tahimik nang lumabas ako ng school building. Naglalakad ako papunta sa
parking lot kung nasaan ang kotse ko nang makita ko siya sa gitna ng quadrangle.
Nakatayo at nakatingala siya sa langit. She was not moving an inch so at first I
thought I saw a ghost. Kasi sinong estudyante ang gagabihin ng ganon sa campus?
Sino ang tatayo lang doon at titingala sa langit?

Pero habang palapit ako sa kinatatayuan niya, lalo kong nasisiguro na hindi siya
multo. She's alive. I know because I saw the rise and fall of her chest as she
breathes. Lilihis na sana ako ng daan para makaiwas sa kaniya nang bigla siyang
lumingon sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Suddenly hindi ko alam kung ano ang
gagawin.

Our eyes met. And I realized she was crying.


DAY 2
               

August 9. Tuesday

               

I AM Eugine Alonso. Gin ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. And this semester is
my first year as a graduate student. Natapos ko ang undergrad course ko last year.
Dapat magsisimula na akong magtrabaho ngayong taon sa isa sa mga kompanya ni Lolo.
Shipping at Airline ang negosyo ng pamilya namin. Kaso kinausap ako ng masinsinan
ni Lolo after graduation. Ang sabi niya marami siyang plano para sa akin. But first
I have to take up a Master's Degree in International Business.

Masunurin akong apo. Ayokong ma-disappoint sa akin si Lolo. Buong buhay ko ginawa
ko ang best ko para maging perpektong apo. Gusto ko walang maipipintas sa akin ang
kahit na sino, lalo na ang mga kamag-anak ko na bata pa lang ako inaasahan nang
magiging disappointment ako.

Trying to be perfect is a hard thing to do. Hindi ako genius. In fact, average lang
ang IQ ko. Kinailangan kong triplehin ang effort ko sa lahat ng bagay para mag-exel
ako. Mula Elementary hanggang College, habang ang mga kaedad ko nag-be-break o
lumalabas at nagpapakasaya, nasa loob ako ng kuwarto ko o kaya nasa library at nag-
a-advance study ng lessons.

Kapag naman bakasyon sinasama ako ni Papa sa kung saan-saan. Sa meeting, sa out of
town business trip, o kaya kahit sa mismong opisina lang niya. Nakatayo lang ako sa
tabi niya, sinusubukang intindihin ang mga business term and jargons na noong bata
pa ako hirap akong maintindihan. Gusto ni Papa na ma-expose ako sa negosyo habang
maaga pa. He trained me hard just so my grandfather will give me the majority of
the family wealth.

Na sa tingin ko isang malaking kalokohan. Kasi patas na tao si Lolo. Dalawa lang
kami ng pinsan kong si Thorne na apo niya sa mga anak niya. I'm sure hindi siya
magiging unfair sa isa sa amin. Pero iba ang paniwala ng parents ko.

So you see, trying too hard and following my family's wishes are my habits that are
hard to break.

Kaya heto ako ngayon, balik sa pagiging estudyante. May mga advantages nga lang ako
bilang isang graduate student na wala noong undergrad ako. Una, part na ako ng
Alumni Association. Ibig sabihin nakakasama na ako sa mga meetings para sa teachers
and staff ng Richdale. Kapag may gusto akong i-suggest na project o kung ano pa
man, puwedeng puwede ko i-bring up sa meeting. At dahil ako ang regular na nasa
loob ng University campus, itinalaga ako ng Association bilang officer. Puwede rin
ako magturo ng part-time kung gugustuhin ko. In fact, ilang beses na akong inaalok
ng presidente ng school. After all, I graduated magna cum laude last year.

Pangalawa, may access ako sa mga lugar sa campus na off limits sa mga undergrads
kapag wala naman kinalaman sa klase. Like rooftops ng mga school building o kaya sa
Olympic swimming pool. Actually, hindi legal ang access ko sa mga lugar na 'yon.
Nagkataon lang na sa tagal kong estudyante, kilala ko na ang mga guwardiya sa buong
campus. Madali na akong makahiram ng susi kung gusto ko. Lunch o kaya meryenda lang
ang kapalit ng favor na 'yon.

Pangatlo at ang pinakaimportante sa akin, puwede na akong mag-stay sa loob ng


campus kahit hanggang anong oras ko gustuhin. Basta wala lang school official na
makakaalam. Again, advantage ang personal na relasyon ko sa mga guwardiya na
maluwag na sa akin kasi hindi naman na ako teenager. Twenty years old na ako
ngayong taon. Adult na.

But to be honest, I never really felt young my whole life. Pinalaki ako ng mga
magulang ko na parang isang matanda na. Nag-iisa kasi akong anak at malaki ang
pangarap nila para sa akin. Mabigat ang responsibilidad na iniatang nila sa mga
balikat ko. Never ko naranasan makipaglaro sa mga ka-edad ko. Never ko naranasan
lumabas at magpakasaya kasama ang mga kaibigan. Hindi natutuwa ang parents ko kapag
hindi ako umaaktong mature.
Minsan, hindi ko maiwasan mapaisip kung ano nga ba ang mga nakaligtaan ko sa
nakaraang mga taon sa buhay ko. Did I grow up right? Or did I miss something really
important? Isang bagay na baka pagdating ng panahon, pagsisihan ko na pinalampas ko
kasi masyado akong naging busy sa pagmamadaling tumanda?

Pero kahit ano pang tanong ang gawin ko sa isip ko, wala na rin naman akong
magagawa. Ganito na ang buhay na kinalakihan ko. Nasimulan ko na kaya itutuloy ko
na rin.

Kahit na hindi naman talaga ako masaya.


DAY 3
               

August 10. Wednesday

MAGANDA ang panahon sa araw na 'yon. Mahangin at kahit may araw hindi masyadong
masakit sa balat. Ako lang sa mga kaibigan ko ang nagtuloy sa Graduate School kaya
wala akong masasabing ka-close sa loob ng campus ngayon. Maliban sa bestfriend ko
na nahinto ng isang taon sa pag-aaral kaya fourth year College pa rin hanggang
ngayon. Kaso magkaiba kami ng schedule at wala siyang pasok kapag Miyerkules. Kaya
mag-isa lang ako ngayon. Wala namang problema sa akin kasi hindi naman talaga ako
sociable na tao.

Hindi pa masyadong hectic ang schedule ko kasi kakasimula pa lang naman ng klase.
Puro introduction pa lang sa subjects ang tina-tackle. Dalawa o kaya isa lang din
ang class ko kada araw. MWF lang din ako nasa campus. Nasa Airline company ako ng
pamilya namin kapag Martes at Huwebes. Intern instead na full time employee. At
least sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ibinigay sa akin ng parents ko ang
weekends para sa sarili ko. Hindi ko pa nga lang alam kung ano ang gagawin ko
tuwing Sabado at Linggo. Baka matulog lang ako maghapon.

Sa umagang 'yon nagkaroon ako ng urge na umakyat sa rooftop ng Graduate School


building. Gusto ko lang magpahangin at magbasa ng mga papeles na kailangan ko gawan
ng report para sa Internship ko.    Tutal, after lunch pa naman ang susunod na
class ko.

Hiniram ko sa guard ang susi at mabilis niya 'yong ibinigay sa akin. Pero pag-akyat
ko napansin kong bukas na ang pinto papasok sa rooftop. Kumunot ang noo ko.
Nakiramdam sandali. Wala naman akong naririnig na ingay. So kahit nagtataka pa rin
binuksan ko ang pinto at lumabas sa rooftop.

May nakahiga sa sahig, patingala sa langit. Babae. May hawak na DSLR camera. It's
as if she's taking a picture of the blue sky. O baka natutulog kasi hindi
kumikilos. Either way, sinong matinong tao ang hihiga sa sahig ng rooftop?

Naglakad ako palapit sa babae. Hindi ko itinago ang presensiya ko pero hindi pa rin
siya tumitinag. Saka lang ako nakakita ng reaction from her nang nakatayo na ako sa
bandang ulunan niya at niyuko ko na siya. "What are you doing here?"

Inalis niya sa mukha ang DSLR camera at patingala akong nilingon. Nakita ko sa
wakas ang mukha niya. Nagulat ako.

She was the girl I saw crying that night.

Pero hindi tulad ko mukhang hindi niya ako natatandaan. Wala kasi akong nakikitang
recognition sa mga mata niya habang nakatingala siya sa akin. Kumurap lang siya at
biglang bumangon paupo. Then pumihit siya paharap sa akin. Nanlalaki ang mga mata
niya. "Wow. May iba pa palang nakakapasok dito sa rooftop."
Umangat ang mga kilay ko. "Ako ang dapat nagsasabi niyan. Are you a freshman?
Ngayong semester lang kita nakita sa campus." Oo at malaki ang Richdale University
pero karamihan ng mga estudyante doon galing din sa iisang high school. Kaunti lang
ang galing sa ibang school. Mas kaunti ngayong taon ang mga pumasok na freshmen
dahil sa implementation ng K to 12 program.

Ngumiti ang babae. Isinukbit niya sa leeg ang camera at kumilos para tumayo. Parang
mawawala siya sa balanse kaya napahawak ako sa magkabilang braso niya para alalayan
siyang makatayo ng maayos. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kasi napatitig siya sa
akin.

"Sorry," sabi ko at marahan siyang binitawan nang makita kong maayos na siyang
nakatayo. Babae ang bestfriend ko kaya nasanay akong nakaalalay palagi sa mga
ganitong situation. Nawala sa isip ko na hindi lahat gusto na hinahawakan sila.

Umiling ang babae at mukhang nakabawi na kasi ngumiti na uli. I realized she has a
pretty smile. Nakakagaan sa pakiramdam tingnan kasi nag-re-reflect sa mga mata niya
ang ngiti.

"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry. Nagpapaka-gentleman ka lang. Thank you ha?"

Tumango ako at umatras para magkaroon ng distansiya sa pagitan namin. Nakatingin pa


rin siya sa akin at nakangiti. "Palagi ka bang nagpupunta rito?"

Friendly ang babae. Kung sa ibang pagkakataon baka hindi ako sumagot. I hate
answering questions from strangers. Base sa personal experience ko palaging may
hidden motive ang isang babae kapag sinusubukan akong kausapin.

Siguro kasi kaming dalawa lang 'don o siguro kasi malinaw pa sa isip ko ang hitsura
niya noong una ko siyang nakita kaya nasa mood akong sagutin ang tanong niya.   

"Kailan lang ako nahilig umakyat dito. How about you? Off limits sa mga estudyante
ang rooftops."

Ngumisi siya. "Ngayon lang. Pero mukhang mawiwili ako. Ang sarap kaya na nasa
mataas na lugar. Ang lapit-lapit ng langit." Itinaas pa niya ang mga kamay at
tumingala. "Parang abot kamay ko lang 'o."

"That's silly. You can't really touch the sky. It's just an expression."

Napatitig siya sa akin. "Sobrang seryoso mo naman."

Na-tense ako. I clenched my jaw. Hindi na bago sa akin ang masabihan ng ganon. Alam
ko naman na seryoso talaga ako masyado. Hindi ako madaling ma-amuse. Wala akong
sense of humor. I find smiling bothersome. Alam ko naman lahat 'yon. Kaso lang
nakakasira ng moment ang komento niya. Nag-iwas ako ng tingin, humahanap ng
mapupuwestuhan na hindi na niya ako iistorbohin.

"Well, this is just the way I am. Excuse me." Naglakad na ako palayo sa kaniya.

"Wait lang!"

Bumuntong hininga ako at nilingon ang babae. Patakbo siyang lumapit sa akin at
nakangiting inilahad ang kamay. "Ako si Kira."

Napatitig ako sa kamay niya. Then sa mukha niya. Her eyes look so hopeful and...
honest. Parang lahat ng nararamdaman niya hindi siya natatakot ipakita. Kaya
tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "I'm Eugine."
Matamis siyang ngumiti. "I am very glad to meet you, Eugine."
DAY 4

               

August 11. Thursday

"NANDITO na ang report na pinagawa niyo sa akin, Lolo."

Nag-angat ng tingin si Lolo mula sa mga papeles na pinipirmahan at tumingin sa


akin. Sumenyas siya para papasukin ako sa loob ng opisina niya. Lumapit ako at
inilapag sa harap niya ang folder na pinaglagyan ko ng mga papeles at report.

Ngumiti si Lolo, hindi hinawakan ang folder at tumitig lang sa mukha ko. "So, how's
school?"

Medyo umangat ang mga kilay ko. Hindi naman niya ako kinukumusta ng ganoon dati.
Pormal ang relasyon namin ni Lolo. Wala sa amin ang nag-effort maging close sa
isa't isa. Kaya nagtataka ako na nitong nakaraang mga buwan mas maaliwalas ang
mukha niya at affectionate ang tono kapag nakikipag-usap sa akin. Kapag tinitingnan
niya ako, minsan feeling ko may naiisip siya o pinaplano na hindi ko alam.

"School is still the same, Lolo."

"Hindi ka nahihirapan sa classes mo?"

"I can handle my classes just fine." Sanay naman akong ilang oras lang natutulog sa
isang araw para mag-aral.

"How about your friends? School event na sa tingin mo interesting salihan? Are you
having fun?"

Kumunot na talaga ang noo ko. "Lolo, ano talaga ang gusto niyong sabihin?"

Lolo shrugged. "Gusto ko lang na ma-enjoy mo ang natitirang taon mo sa school.


Kapag nagtrabaho ka na talaga, kaunti na lang ang chance na makakapag-relax ka. I
want you to enjoy your youth a little longer."

"Enjoy my youth... how? I've never done that before."

Natigilan si Lolo. Kahit ako nagulat sa nasabi ko. Nagkatitigan kami. May dumaang
emosyon sa mga mata ni Lolo na hindi ko ma-take kaya nag-iwas ako ng tingin.
Tumikhim ako. "Anyway, kung okay na sa inyo ang report, may iba pa ba kayong
ipapagawa sa akin?"

Matagal na naramdaman kong nakatitig lang siya sa akin. And then he said, "Oo. May
ipapagawa pa ako sa'yo." Huminga ng malalim si Lolo. "I want you to stop coming
here for the whole semester."

Manghang napalingon ako sa kaniya. "What?! Why?"

Kinuha ni Lolo ang folder na nilapag ko sa lamesa niya at sumeryoso ang mukha. "I
told you. Gusto kong mag relax ka. You said you don't know how to enjoy your youth.
Binibigyan kita ng chance na alamin ang hindi mo alam. Hindi mo 'yon magagawa kung
bukod sa pag-aaral papasok ka pa sa kompanya."
"Lolo!"

"Kung inaalala mo ang sasabihin ng parents mo huwag ka na mag-worry. Ako na ang


bahala sa kanila. Masyado silang mahigpit sa 'yo. I am aware na buong buhay mo
pinressure ka nila. I apologize because I didn't do anything about it before.
Nagkunwari akong hindi ko nakikita ang ginagawa sa 'yo ng parents mo. Natutuwa pa
ako na kahit bata ka pa marami ka nang nagagawa. Huli na nang marealize ko na hindi
healthy para sa 'yo ang maging mas mature kaysa sa edad mo. Gusto kong bumawi.
Eugine, I want to give you the space to breathe before it's too late."

May bumara sa lalamunan ko at bumigat ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Gusto
kong sabihin na ayos lang ako. Na hindi niya ako kailangan bigyan ng space. Na kaya
kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. That I don't need to enjoy my youth.
Pero hindi ko magawang magsalita.

When our gaze met, I saw understanding in Lolo's eyes. "Go find something you want
to do. Iyong walang kinalaman sa pag-aaral o sa trabaho. Iyong magpapasaya sa 'yo.
I'm sure you will find something. Sa susunod na magkita tayo gusto ko nakangiti ka
na."

I clenched my fists. Hindi ako nagsalita. Tango na lang ang naging sagot ko kay
Lolo. Saka ako tumalikod at lumabas ng opisina niya.
DAY 5
               

August 12. Friday

MASAMA pa rin ang mood ko today. Alam ko nakasimangot ako kasi takot lumapit ang
mga tao sa akin habang nasa campus ako. Nararamdaman ko ang tingin nila sa akin.
Nararamdaman ko ang hesitation at second thoughts nila kung babatiin ba ako o
hindi. Pero sa huli, katulad ng nangyayari mula pa noong first year College ako,
hanggang tingin lang sila.

I don't really care. Through the years natutunan kong magkunwari na walang
napapansin sa paligid ko. Kapag kasi may pinansin akong isa sa kanila, magiging
sunod-sunod na 'yon hanggang sa ako na ang mapapagod sa kababati sa mga taong hindi
ko naman personal na kilala. When it comes to socializing, mas magaling ang pinsan
kong si Thorne. As for me, I'm fine with my small circle of friends.   

Anyway, mas ilag ang mga tao sa akin ngayon kaysa normal. Hindi ako galit.
Frustrated ako. Iniisip ko pa rin ang mga napag-usapan namin ni Lolo. Kasi ngayong
hindi na ako pwedeng magpunta sa kompanya ni Lolo, hindi ko na alam ang gagawin sa
mga araw na wala akong klase.

Find something I really want to do. Parang ang dali lang nang sabihin sa akin ni
Lolo. Pero buong buhay ko sumusunod ako sa kung ano ang gusto ng parents ko. Madali
siguro para sa iba ang gawin ang kahit anong magustuhan at magpakasaya. Pero sa
akin mahirap 'yon. I'm clueless where to start.

Bumuntong hininga ako. Ano ba kasi talagang nangyayari kay Lolo at bigla siyang
naging concern kung masaya ba ako o hindi?

"Gin!"

Huminto ako sa paglalakad at lumingon agad. Nawala ang frustration ko at napangiti


ako nang makita ko si Danica. My bestfriend. Ang nag-iisang taong nakakaintindi sa
akin kasi marami kaming pagkakapareho. For example, pareho kaming malas sa parents
na meron kami.
Nakangiti siya nang makalapit sa akin. "Long time no see! Ang hirap na magkaiba
tayo ng schedule at Friday lang ang parehong araw na may class tayo."

"You're right. Kamusta si Louise? Hindi ko na nadadalaw ang inaanak ko. Sorry ha?"

Kuminang ang mga mata ni Danica at tumamis ang ngiti. Palaging ganoon ang nagiging
expression niya kapag napag-uusapan ang anak nila ng pinsan kong si Thorne. Teenage
parents sila kaya naging malaking issue 'yon sa pamilya namin at sa buong campus
last year. Pero fortunately, naging maayos na ang situation nila. Nagtatrabaho na
sa kompanya ni Lolo si Thorne at si Danica naman tinatapos ang pag-aaral. Kapag
nakikita ko sila na magkasama obvious na masaya at kuntento sila. As if all the
hardships they faced last year were all worth it.

Siguro 'yon ang wala ako. That happiness and contentment. That something na
afterwards masasabi kong worth it ang sakit at hirap na na-experience ko para sa
bagay na 'yon.

Hindi ko na naman tuloy maiwasan mainggit sa pinsan ko. Noon naiingit ako sa kaniya
kasi nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Na spoiled siya ng parents niya. Na
mahal na mahal siya ng nanay niya. Alam ko hindi maganda mainggit sa iba. But I
just can't help it. Lalo at lumaki kami na palagi kaming pinagtatapat ng parents
namin. Ngayon mas okay na ang relasyon namin. Hindi kami close pero at least hindi
na rin umiinit ang mga ulo namin kapag nagkikita. Besides, he makes my bestfriend
happy. Sino ako para magreklamo?

"Okay ka lang ba, Gin? Parang namumutla ka at mukhang galit na ewan."

Kumurap ako, bumuntong hininga at pilit na ngumiti. "I'm fine. Medyo frustrated
lang kasi sinabihan ako ni Lolo na huwag muna papasok sa trabaho ngayong semester.
Gusto niyang mag relax ako at humanap ng mapagkakaabalahan. Kaso hindi ko naman
alam kung paano 'yon gagawin."

Nagulat ako nang halatang natuwa si Danica sa sinabi ko. "Aba, it's about time na
bigyan ka nila ng freedom! That's good Gin."

Umiling ako. Medyo may pait na nakapa sa dibdib pero hindi na lang kumibo. Naglakad
na kami. Alam ko along the way maghihiwalay kami kasi nasa magkabilang direksiyon
ang building kung saan kami pupunta. But it feels good to walk with her. It gives
me an illusion na katulad pa rin kami ng dati. Na kami pa rin ang pinakamalapit na
tao sa isa't isa. Na hindi pa siya kasal sa pinsan ko.   

"Miss De Dios! Get down here! That's dangerous."

Napalingon kami ni Danica nang marinig ang tarantang pagsigaw ng isang professor
mula sa kung saan. Nakita kong nakatayo sa ilalim ng isa sa matataas na puno na
nakapalibot sa quadrangle si professor Victoria, isa sa mga pinakamasungit na prof
sa buong Richdale University. Ilang metro lang ang layo niya sa amin.

"Oh shocks, bad shot pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Hindi niya ako pwedeng
makita," bulong ni Danica, pinisil ang braso ko at mabilis na nagpaalam na aalis
na. Hindi ko siya masisi kasi isa si prof. Victoria sa mga taong hindi matanggap
ang relasyon nina Danica at Thorne.

      "I'll call you later. Let's eat together," habol ko.

Lumingon siya kahit halos tumakbo na palayo, ngumiti at kumaway. Matagal na


nakatayo lang ako roon at sinundan siya ng tingin. Lately, napapadalas na likod na
lang ni Danica ang nakikita ko. Palagi siyang tumatakbo palayo sa akin. Palaging
atat umuwi. Palaging nakatingin sa hinaharap. She's moving forward with a positive
attitude and a wide smile.

Meanwhile I'm still here, stucked and frozen in place. Humugot ako ng malalim na
paghinga.

"For God's sake, malilintikan ako kapag may nangyari sa'yo. Bumaba ka diyan!"

"Wait lang, ma'am. Kukunan ko lang 'to. Promise."

Pamilyar sa akin ang boses ng babaeng sumagot sa professor. Hindi ko ugali


mangielam sa isyu ng iba at mas lalong wala akong interes makiusyoso. Pero ewan ko
ba. I ended up walking towards the commotion. Napatingala rin ako sa puno para
tingnan kung sino ang kausap ni prof. Victoria.

May nakita akong babae na nakaupo sa pinakamababa at matabang sanga. May DSLR
camera sa mukha at parang may kinukunan ng picture sa mas mataas na sanga ng puno.
Huminto ako ilang hakbang mula sa professor at manghang napatitig sa babae.

Si Kira.

Bakit ba palagi siyang nasa taas o kaya nakatingala kapag nakikita ko siya? At in
fairness, hindi galit sa kaniya si prof. Victoria. In fact instead of angry she
looks and sounds scared and worried. Kung ibang estudyante ang nasa taas ng puno
I'm sure hindi magiging ganoon ang reaction ng pinaka-terror na professor sa
Richdale University.

"Diyos ko, kapag hindi ka pa bumaba diyan ipapatawag ko na ang parents mo!"

Natigilan si Kira, inalis sa mukha ang camera at napatingin sa professor. "That's


unfair," reklamo niya.

Namaywang ang professor. "Get down."

Bumuntong hininga si Kira, kumilos para umayos ng pagkakaupo sa sanga at parang


iniisip kung paano bababa nang mapatingin siya sa akin. Kumurap ako sa pagkagulat
kasi biglang umaliwalas ang mukha niya at matamis na ngumiti. Kumaway pa sa akin.
"Hello, Eugine!"

Napatingin sa akin si prof. Victoria. Parang nakahinga ng maluwag. "Mister Alonso.


Halika nga rito at tulungan siyang bumaba sa puno bago pa siya maaksidente."

Nakalimutan ko sabihin pero kung galit ang professor kay Thorne, paborito naman
niya ako. Mahilig kasi si prof. Victoria sa mga estudyanteng masunurin at hindi
lumalabag sa school rules.

Lumapit na ako ng tuluyan hanggang nakatayo na ako sa tabi ng professor. Tumingala


ako sa nakayukong si Kira. Ngiting ngiti pa rin siya. Bumuntong hininga ako. "Do
you even know how to go down?"

She inspected the tree. Then tumingin siya sa akin at naging guilty ang ngiti.
"Hindi ko yata alam kung paano. Pero mababa lang naman 'to. Kapag tumalon ako hindi
naman siguro ako masasaktan."

"Don't you dare!" takot na sigaw ni prof. Victoria. Tumawa si Kira. Napabuntong
hininga na naman ako. Totoo na mababa lang 'yon. Pero imposibleng hindi siya
masaktan kapag tumalon siya.

Itinaas ko ang kamay ko. "Give me your camera."


Hindi nagdalawang isip si Kira. Inalis niya sa leeg ang strap ng camera at ibinaba
'yon hanggang sa maabot ko na. Then ibinigay ko 'yon sa professor. "Can you move
aside, ma'am?" magalang na tanong ko.

Tumango ang professor at humakbang palayo sa puno pero nakatingin pa rin sa akin.
Tinalikuran ko siya para tingalain uli si Kira. Hindi na siya nakangiti. Instead
mukhang nagtataka siya habang nakatitig sa mukha ko.

"Gusto mo talaga tumalon, tama ba?"

Ngumisi si Kira at tumango. "Gusto ko subukan kahit isang beses lang."

I opened my arms towards her. Nanlaki ang mga mata niya. "Come on. Talon na.
Sasaluhin kita."

Kumislap ang mga mata ni Kira. May dumaang emosyon sa mukha niya pero hindi ko
naman alam kung ano ang itatawag 'don. Then pilya siyang ngumiti. Saka tumalon.

Hinanda ko ang sarili ko sa puwersa at bigat ng katawan niya. Kaya nagulat ako na
magaan pala siya. Kaya hindi ako nahirapan nang saluhin ko siya. When I circled my
arms around her waist I also realized that she's slim.

"Wow. Nasalo mo talaga ako. Ha-ha!"

Nahigit ko ang hininga ko. Kasi humigpit ang payakap na kapit niya sa mga balikat
ko at humampas sa tainga ko ang hininga niya nang magsalita siya. Narealize ko na
mas matagal kaysa dapat ang pagkakayakap namin sa isa't isa. So dahan-dahan ko
siyang ibinaba hanggang lumapat na sa lupa ang mga paa niya. Niluwagan ko ang mga
braso kong nakaikot sa baywang niya pero hindi ko pa siya totally binitiwan kasi
nakakapit pa siya sa mga balikat ko. Baka hindi pa niya nakukuha ang balance niya.
Baka matumba pa siya.

Mayamaya bumitaw na siya sa akin. Nang umatras siya palayo binitiwan ko na rin
siya. Then tiningala niya ang mukha ko at matamis na ngumiti. "That was fun!"

Napatitig ako sa mukha niya. "Ano bang ginagawa mo sa taas ng puno?"

"Ah. May bird nest kasi sa taas. May mga baby birds. Kinunan ko ng pictures.
Salamat sa pagtulong mo sa aking bumaba ha? Siguro fated tayong dalawa kasi nagkita
na naman tayo. We should be friends, Eugine."

Sinubukan ko maging expressionless. Kaso hindi ko rin napigilan ngumiwi. Kasi may
kutob ako na hindi magandang idea ang maging malapit kay Kira. Masyado siyang
maligalig. "Uh... no thanks."

Tumalikod na ako para maglakad palayo pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Wait lang. Grabe ka naman. Ayaw mo ba ako maging kaibigan?"

Bumuntong hininga ako at nilingon siya. "No offense meant but I don't really want
to get involve with you."

Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Ngumiwi ako uli. "Look, it's not you, okay?
Ganito ako kahit kanino. So –"

"Kahit eighty days lang," putol niya sa sasabihin ko. "Let's be friends."

Kumunot na ang noo ko. Bakit ba niya ako pinipilit? Wala ba siyang ibang pwedeng
kaibiganin sa buong campus? Someone na kaedad niya? Mukhang eighteen years old lang
siya.
"Pagbigyan mo na siya, Mr. Alonso. Wala naman mawawala sa 'yo," biglang sabi ni
professor Victoria na nakalapit na pala sa amin at inabot kay Kira ang camera.
Matamis na nginitian ng babae ang professor.

Bumuntong hininga ako. Kapag mas matanda na sa akin ang nagsasabi hirap na ako
tumanggi. "Fine. Let's be friends."

"Yes!" masayang sigaw ni Kira at malawak akong nginitian.

"Pero eighty days lang," paalala ko. Kaya ko naman siguro siya pakisamahan kahit
hanggang October lang.

Sunod-sunod siyang tumango at itinaas pa ang isang palad na parang nanunumpa.


"Promise."
DAY 6
               

August 13. Saturday

HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na 'to. Nagising ako ng maaga at
babangon sana. Kaso may narinig akong ingay mula sa labas ng kuwarto ko. Mariin
akong pumikit uli, humablot ng isang unan at itinakip sa mukha ko. Baka sakaling
hindi ko marinig ang ingay.

Ang parents ko, nag-aaway na naman. They've been like this since forever. Pero
lately lalong tumitindi ang away nila. Hindi ko alam exactly kung ano ang pinag-
aawayan nila kasi matagal na akong tumigil makinig sa sigawan nila. Basta kapag
ganitong naririnig ko na ang ingay, shina-shut down ko na ang pandinig ko.

Kaunti na lang, makakaalis na ako sa bahay namin. Kailangan ko lang magtiis ng


kaunti pa. After all, nakapagtiis nga ako ng twenty years eh. Ano pa ba ang ilang
taon pa? I just need to finish my Master's degree. After 'non makakapag-request na
ako kay Lolo na hayaan akong bumukod. Malayo sa parents ko. Malayo sa nakakasakal
na buhay na kinalakihan ko.
DAY 7
               

August 14. Sunday

I forgot to mention that Kira and I exchanged numbers last Friday. We're connected
through viber now. Nagkulong lang ako sa kuwarto ko simula kahapon at kahit papaano
na-entertain naman ako ng messages na pinapadala niya sa'kin. Hindi nga lang ako
masyadong nag-re-reply. Paano ko naman gagawin 'yon eh instead of words, pictures
ang pinapadala niya sa 'kin?

And not just pictures but photos na sabi niya siya mismo ang kumuha. Pinadala rin
niya sa 'kin ang picture ng bird nest na kinunan niya nang makita ko siyang nasa
taas ng puno.

Bago ako matulog nagpadala uli siya ng picture. It was the night sky. Dalawang gabi
na niya akong pinapadalhan 'non. Madilim at hindi naman kita ang stars sa picture.
Mga white dots lang. But I still know that the stars are there. Kasi sa dalawang
beses na pinadalhan niya ko ng picture ng langit, hinawi ko ang kurtina sa bintana
ng kuwarto ko at tumingala ako.

Maraming stars. Tonight, and the night before, I know we are looking at the same
sky.
DAY 8
               

August 15. Monday

"MAHILIG ka ba sa Astronomy?"

"Yup. Interested ako sa stars, sa planets, sa asteroids sa milky way at sa lahat ng


mga celestial objects na makikita sa labas ng Earth. See? Kahit ang word na
'celestial' ang sarap pakinggan. The Universe is so wonderful, don't you think so?"

"Kaya pala palagi kang nakatingala sa langit at palaging 'yon ang subject ng mga
picture mo."

"Sayang nga walang course na pwede kong kunin dito na talagang makakapag-focus ako
sa pag-aaral ng Astronomy. Pero mahilig din naman ako sa Photography kaya nag
Multi-Media Arts na lang ako."

"Yeah. You're good at it."

Sandaling nag-angat ng tingin si Kira sa kung anong sinusulat niya sa planner na


hawak at nginitian ako. "Nagustuhan mo ang pictures na kinunan ko?"

Natigilan ako. Tumikhim at tumingin sa malayo. Nasa rooftop uli kami ng Graduate
School building. Ako ang nauna 'don. Ni hindi ko nga sinabi sa kaniya na nandoon
ako. Pero wala pang thirty minutes dumating na siya. Mukha namang nagulat talaga
siyang naroon ako so I assume na coincidence lang talaga ang lahat.

"Hello? Eugine?"

Bumuntong hininga ako. "They made me feel better. Those pictures," amin ko.

Wala akong narinig na sagot mula kay Kira. Takang nilingon ko siya. Nagulat ako
kasi kahit nakangiti siya namamasa ang mga mata niya.

"O, bakit naiiyak ka diyan?" naiilang na tanong ko.

Kumurap-kurap siya at umayos ng pagkakaupo sa sahig. Tumikhim siya at matamis na


ngumiti. "Nakakatuwa lang marinig ang sinabi mo. Thank you."

Hindi ko alam kung bakit pero parang may bumara sa lalamunan ko. Siguro kasi
sobrang sincere ng tono niya. Siguro kasi feeling ko mas malalim ang kahulugan ng
thank you ni Kira.

But at that time, I was clueless and too insensitive to notice the real meaning
behind those two words.
DAY 9

               

August 16. Tuesday

"GIN, totoo ba na may girlfriend ka na?"

Nahirinan ako sa tanong ni Danica. God, ang sakit sa ilong ng tubig na iniinom ko.
Ang magaling kong pinsan, malutong na tumawa. Na nasundan ng pag-iyak ni Louise na
nagulat yata sa malakas na boses ni Thorne. Nakakandong kasi sa pinsan ko ang bata.
Nasa Tisay's Restaurant kami. Nakatanggap ako ng tawag kanina mula kay Thorne.
Inaya ako mag meryenda. First time na kusa akong tinawagan ng pinsan ko kaya
napapayag ako. Hindi ako nagsisisi. Kasi kasama niya si Louise at one hour after
dumating naman si Danica.

"What made you say that?" manghang tanong ko mayamaya.

"Kumakalat sa information network ng mga babae sa school. Nagsimula raw noong


Friday. May nakakita daw na may kayakap kang babae. Tapos nakita ka raw kasama ang
babaeng 'yon kahapon. Sa sobrang curious nila, may fans ka na hindi yata nakatiis
at nilapitan ako kanina after ng last class ko. Ako ang tinatanong nila kung sino
raw ang girlfriend mo."

Ah. Si Kira ang tinutukoy nila.

"Wow. Aware ka na pala sa mga kumakalat na tsismis sa campus ngayon. Dati deadma sa
'yo ang mga ganiyan ah," nakangiting puna ni Thorne sa asawa.

"Siyempre tungkol kay Gin ang tsismis kaya alerto ako 'no."

"Ganon?" kunot noong tanong ni Thorne, tiningnan ako ng masama.

"What? Getting jealous of me again?" nakataas ang mga kilay na tanong ko sa kaniya.

"Oo." Mabilis na sagot niya.

I smirked. Pero napaiwas din ako agad ng tingin nang lambingin ni Danica ang pinsan
ko. I swear, they even kissed. Nailang ako. Balak ko na sana magpaalam nang may
pumasok sa glass door ng restaurant. Dumeretso ako ng upo. Coincidence na naman ba
'to? Bakit nasa Tisay's din si Kira ngayon?

Iginagala niya ang tingin sa paligid pero hindi napapatingin sa direksiyon ng


lamesa namin. Nakangiti siya. Mukhang na-a-amaze na parang kinakabahan. May lumapit
na waiter sa kaniya at inakay siya papunta sa kung saang lamesa.

"Gin? Saan ka pupunta?"

Kumurap ako at napatingin sa mag-asawa. Narealize ko na nakatayo na pala ako. Paano


nangyari 'yon? Just what am I planning to do?

Nakatingala sa akin si Danica at Thorne, halatang nagtataka. Tumikhim ako at dahan-


dahang umupo uli.

"Okay ka lang ba? You're acting weird," sabi pa ni Danica.

Tumikhim ako. "I'm fine."

Nagtagal pa kami roon. Hanggang mukhang nainip na ang baby kasi umuungot na at
parang iiyak na. So nag-decide na kaming umalis na. Kinuha namin ang bill at nang
makapagbayad sabay-sabay nang tumayo. Uuwi na sila sa bahay nila na malapit lang sa
restaurant. Ako naman... ewan. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Masyado
pang maaga para umuwi. Ang hirap nang walang gagawin kapag walang klase. Tapos
banned talaga ako sa kompanya ng pamilya. Sinubukan ko pumasok kanina pero sa
entrance pa lang hindi na ako pinapasok. Utos daw ni Lolo.

Malapit na kami sa pinto para lumabas nang hindi ko napigilang igala ang tingin ko
sa parte ng restaurant na hindi kita sa puwesto namin kanina. Nakita ko si Kira.
Mag-isa siyang nakaupo sa pandalawahang lamesa. Maraming pagkain sa harap niya. She
was smiling happily while eating alone.
Weird. Hindi ako nakaramdam ng ganoong saya kapag kumakain ako na mag-isa. I've
been eating alone almost my whole life and I hated it.

Sumubo siya uli ng pagkain, napapikit pa na parang sarap na sarap. When she opened
her eyes our gazes met. Nagulat ako. Halatang nagulat din siya kasi nanlaki ang mga
mata niya sabay lunok. Then ngumiti siya at masayang kumaway. "Eugine!"

Napatingin yata sa akin lahat ng tao sa restaurant sa lakas ng boses ni Kira.

"Kilala mo siya, Gin?" takang tanong ni Danica.

Tumikhim ako. Mapapahiya si Kira kung hindi ko siya papansinin kaya lumapit ako sa
table niya. "Hindi mo naman kailangan isigaw ang pangalan ko."

"Sorry. Natuwa lang akong makita ka rito," nakangising sagot ni Kira.

Pinagmasdan ko siya. "Mag-isa ka lang?"

"Yup. Gusto ko ma-experience kahit isang beses lang ang kumain na mag-isa. Narinig
ko sa mga usapan ng mga estudyante sa Richdale na masarap daw ang pagkain dito..."
Lumampas ang tingin niya sa likuran ko. "May mga kasama ka?"

Gulat na lumingon ako. Sumunod pala sa akin sina Danica at Thorne. Halatang
parehong curious habang nakatingin kay Kira. Tumikhim ako. Wala na akong choice
kung hindi ipakilala sila sa isa't isa.

"This is Kira. She's..." Paano ko ba siya ipapakilala?

Bigla siyang tumayo at nakangiting inilahad ang kamay. "Kaibigan ako ni Eugine."

For eighty days... no, seventy six days na lang pala. Of course, hindi ko sinabi
'yon ng malakas.

Inabot ni Thorne ang pakikipagkamay niya. "I'm Thorne. I'm his cousin."

Sunod namang nakipag-shake hands si Danica. "I'm his bestfriend." Tapos sinulyapan
ako ni Danica. Nakangiti pero makahulugan ang tingin. "Masaya ako na may kaibigan
ka na sa Richdale ngayon maliban sa akin, Gin. Lalo at graduate at nagtatrabaho na
ang iba nating friends." Then ibinalik niya ang tingin kay Kira. "So anong year ka,
edad at course?"

"Danica," pabuntong hiningang saway ko sa kaniya.

Si baby Louise biglang umungot, nalukot ang mukha at mukhang iiyak na talaga.

"We need to go," paalala ni Thorne.

Mukhang na-disappoint ang bestfriend ko pero nakangiting nagpaalam kay Kira. Tapos
bigla siyang bumaling sa akin at tinapik ako sa balikat. "Why don't you stay with
her, Gin? Wala ka naman gagawin ngayon eh. I'll call you."

Napasunod ako ng tingin hanggang makalabas sila ng restaurant. Nang ibalik ko ang
atensiyon ko kay Kira napansin kong titig na titig siya sa mukha ko. Kumunot ang
noo ko. "Bakit?"

Umiling siya at ngumiti. "Gusto mong samahan ako kumain?"

"Akala ko ba ang point ng pagpunta mo rito ay para ma-experience kumain nang mag-
isa?"

"Ah. Oo nga pala." Tumitig siya sa lamesa. Then tumingin siya uli sa akin at
matamis na ngumiti. "Pero mas importante ang friendship natin sa listahan ko. Kaya
sige na, upo na."

Umupo na siya uli at hopeful pa ring nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako.
Saka hinatak ang silya sa tapat niya at umupo roon.

"Yey. Ay, dapat may picture tayo. Remembrance sa una nating pagkain sa labas."
Nagkalkal siya sa bag na nakalapag sa paanan niya. Kinuha ang DSLR camera.

Natigilan ako. "I don't really like taking pictures –"

"Waiter, pwede mo kami picturan?"

"Kira."

Hindi siya nakikinig sa akin. Dapat mairita ako, right? Ayoko ng mga taong pushy.
Kaya bakit wala akong maramdamang irritation nang abutin ng waiter ang camera at
nakangiti akong binalingan ni Kira para piliting magpakuha ng picture?

"Sige na. Kahit hindi ka mag-smile kasi I know that's asking too much from you.
Basta tumingin ka lang o kaya mag thumbs up, okay?"

Bumuntong hininga na lang ako uli at tumingin na sa camera. Sa gilid ng mga mata ko
nakikita kong todo ngiti at peace sign si Kira. Mukhang ewan. Pagkabilang ng waiter
ng tatlo naramdaman kong umangat ang gilid ng mga labi ko. Hindi ko napigilan. She
was amusing.

Nang tingnan ni Kira ang kinalabasan ng picture napansin kong titig na titig siya
'ron, may munting ngiti sa mga labi.

"Patingin nga."

Nag-angat siya ng tingin at itinago agad ang camera. "Huwag na baka burahin mo eh."

Kumunot ang noo ko. "Ang pangit ko sa picture 'no? Kaya ayaw mo ipakita at kaya
napapangiti ka."

Tumango si Kira. "Yup. Sobrang pangit mo sa picture."

"Then erase it."

Ngumisi siya. "Ayoko nga. Promise hindi ko ipapakita sa iba. Kaya relax ka lang."

Napabuntong hininga na lang ako uli. "Kumain ka na nga lang."

"Okay!"

Masigla siyang kumain. Noong una pinanood ko lang siya. Kaso masyado siyang magana
kumain. Nakakagutom tingnan. So I ended up eating too.

Sa huli, kahit tumatanggi siya ako na ang nagbayad ng lahat ng kinain namin. Sabi
ko na lang, ganoon talaga kapag friends. Mukhang naniwala naman siya.

Seriously, hindi pa ba siya nagkaroon ng kaibigan sa buong buhay niya?


DAY 10
               
August 17. Wednesday

PAGBALIK ko sa Richdale University campus nalaman ko na kahit sa mga teachers at


staff nakarating na ang tsismis na may relasyon kami ni Kira. It was weird to be
asked by professors about it.

Hindi na ako nagugulat na kilala nila ako kasi isa akong Alonso. Overachiever din
ako at active sa academics and extracurricular activies. Bukod sa matagal na akong
estudyante sa school. What surprised me is that they know Kira too. At katulad ni
Prof. Victoria naramdaman ko ang concern at worry nila para sa kaniya. Na para bang
malapit nilang kapamilya ang babae.

Hindi ako nakatiis at nagtanong sa mga professor na nakausap ko kung paano nila
nakilala si Kira. Sa tuwing ginagawa ko 'yon halatang iiwas sa tanong ang kausap ko
at parang biglang may gagawin o kaya pupuntahan. Tapos aalis na.

Lalo lang ako na-curious. And to be honest, kinabahan. Kasi pakiramdam ko


napapasubo talaga ako sa isang bagay na mahihirapan akong lusutan.

Sino ba kasi talaga si Kira?


DAY 11

               

August 18. Thursday

BUSY ako sa paggawa ng written report para sa isa kong class nang mag-send ng
message si Kira sa viber ko.

Hindi ako makakapasok sa school bukas. Huwag mo ako masyadong ma-miss. See you on
Monday! May smiling face pa sa dulo.

Umangat ang mga kilay ko. Sinong may sabi na mami-miss ko siya? I smirked and
ignored her message.
DAY 12
               

August 19. Friday

                    HINDI nga siya pumasok. Hindi ko siya nakita kahit saan. And
yes, I know it was weird of me to look around just to check whether she's in school
or not. Nanibago lang ako na solo ko ang rooftop.

                        Iyon lang 'yon.


DAY 13
               

August 20. Saturday

                        SHE DIDN'T send me any messages today. Or even a picture.


What's wrong with her?
DAY 14
               
August 21. Sunday

                    HINDI ko alam kung ano ang sumapi sa 'kin. I messaged her. Just
to know what she's up to.

                        Hindi siya nag-reply.

                        Ah. Whatever. I don't care anymore.


DAY 15
               

August 22. Monday

                    PAGPASOK KO sa campus, hindi ako lumingon kung saan-saan.


Deretso lang ang tingin ko sa dinaraanan ko. Katulad ng palagi kong ginagawa bago
ko siya nakilala. I attended all my classes for the day. Ibinuhos ko lahat ng
concentration ko sa lecture ng professors. Katulad ng normal kong buhay sa
nakaraang lampas apat na taon.

                        Pagkatapos ng lahat ng klase nag-decide akong tumambay sa


library. Nasa bahay si Mama na ilang araw wala kasi nakipag-party sa kaibigan sa
ibang bansa. I'm sure kapag umuwi si Papa mamaya mag-aaway na naman sila. I don't
want to be there when it happens.

                        Habang naglalakad ako, napansin ko na ang daming estudyante


ang pakalat-kalat sa campus. There is also a feel of festivity in the air. Parang
excited ang mga estudyante sa mga ginagawa nila. May naririnig rin akong tunog ng
drums at iba pang tugtog sa direksiyon ng football field at sa kung saan-saan pang
open space sa Richdale. It took me a moment to realize the date.

                        Last week ng August. Foundation week nga pala ng Richdale


University. Parang ang bilis ng dating kasi kakasimula pa lang ng klase hindi tulad
dati na nakapag-adjust na kami sa class schedule bago dumarating ang linggong 'to.
Well, never naman ako naging excited sa Foundation week na katulad ng ibang
estudyante. Lalo na ngayon na hindi naman na ako undergrad.

                        "Eugine!"

                        Napahinto ako at naging alerto nang marinig ko ang boses ni


Kira. Naglalakad na ako 'non papasok sa library building.

                        "Eugine!"

                        Ewan ko kung bakit pero nagpantig ang tainga ko na ang saya


ng tono niya. Siguro kasi sa loob ng ilang araw hindi ako natahimik sa kakaisip
kung ano na ang nangyari sa kaniya. I want to ignore her. Pero lumingon din naman
ako.

                        Nakangiti siya at masiglang tumatakbo palapit sa akin.


Napahugot ako ng malalim na paghinga at pumihit hanggang nakaharap na talaga ako sa
direksyon niya. Ang tagal niya makarating sa akin kaya napahakbang na ako
pasalubong sa kaniya. We met halfway.

                        Tiningala niya ako at matamis siyang ngumiti. "May ibibigay


ako sa 'yo."
                        Kumunot ang noo ko habang nagkakalkal siya sa malaki niyang
shoulder bag. "Ah. Ito na." Ngumisi siya at itinaas ang isang... cellphone strap.
It's a small glass ball. Kasing laki lang ng twenty five cents. Sa loob 'non parang
may clouds of dust na may ilang speck na kumikinang. Parang...

                        Naningkit ang mga mata ko at pinagmasdan 'yong mabuti. "Is


that...a star?"

                        "Yes! Ang galing mo talaga. Alam mo agad kung ano 'to.


Here, take it." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang cellphone
strap.

                        Napatitig ako sa glass ball – which is a more realistic


representation of a star since stars are not really a five sided shape but a ball
made out of dust clouds scattered throughout the space. Then napatingin ako sa
mukha ni Kira. "Saan ka galing? Bakit hindi ka pumasok last Friday at hindi
nagparamdam buong weekend?"

                        Instead na sumagot agad pinakatitigan niya ako. Nailang


ako. "Bakit?" defensive na tanong ko.

                        "Na-miss mo 'ko no? Sabi ko naman sa 'yo huwag mo ako ma-


miss," biro niya.

                        Sumimangot ako. "I didn't miss you. I was just... curious."

                        Mukhang ayaw niya maniwala kung pagbabasehan ko ang kislap


sa mga mata niya. Mabuti na lang, hindi na niya pinush ang issue at sinagot na lang
ang tanong ko. "Nasa bahay lang ako. Dumating lang ang mga kamag-anak namin galing
sa States. Isang linggo lang sila rito kaya hindi na lang ako pumasok para makasama
sila. Pasalubong nila sa akin 'yang cellphone strap kasi alam nila na mahilig ako
sa stars. Nabili raw nila sa isang Observatory doon."

                        "Wait. Kung pasalubong nila sa 'yo, bakit mo binibigay sa


akin?" Ibabalik ko na sana sa kaniya pero pinigilan niya ako. Dinukot niya ang
cellphone niya at itinaas sa harap ko. May kaparehong strap na nakakabit sa
cellphone niya. "Partner 'yan. Tig-isa tayo. Sign of friendship. Ilagay mo sa
cellphone mo ha? Sayang naman kung hindi. Mahal pa naman 'yan. Saka malulungkot
itong star na nasa akin kung wala siyang kapartner."

                        Umangat ang mga kilay ko. "Bakit naman malulungkot?"

                        "Kasi ang stars parang tao. They are destined to have a


partner. Malayo kasi sila kaya kapag titingala tayo sa langit mukhang isa lang ang
star na kumikinang pero ang totoo dalawa talagang stars ang nakikita natin. Kasi
most stars are binary star systems. Hindi lang natin nakikita mula rito sa earth
pero partners ang mga bituin.

"Ang galing 'no? Siguro naramdaman ng Creator na sa sobrang lawak ng buong


Universe, nakakalungkot naman kung mag-isa lang ang isang bagay na nagpapalutang-
lutang sa isang galaxy. Kaya ginawa niyang partner ang stars. Kaya ang mga planeta
nasa loob ng isang solar system. Kaya ang meteoroids kapag nag-ta-travel sa space
grupo-grupo. Parang tao lang, 'di ba? Akala natin minsan kaya natin mag-isa pero
hindi talaga 'yon totoo. We are all created with a destined partner."

                        Hindi ko napigilan mapangiti sa animated na pagsasalita ni


Kira. "You made the scientific facts sound romantic."
                        Ngumisi si Kira. "Pero romantic naman talaga ang Universe,
eh. Kaya nga ang sarap pag-aralan."

                        "Hindi ko naman sinabi na mali ka. Interesting ang point of


view mo, actually. But you see, hindi naman lahat ng tungkol sa Universe ay kasing
positive at romantic na gaya ng iniisip mo. Ganoon din ang tungkol sa mga tao. How
do you explain the Supernova and the Blackhole then? Kung susundin ko ang analogy
mo, hindi ba kamatayan ang katumbas 'non para sa ating mga tao?"

                        Nawala ang ngiti ni Kira. May dumaang emosyon sa mga mata


na nagpakaba sa akin. I realized I said something wrong. Hindi ko lang alam kung
ano exactly ang mali kong nasabi. Mag-so-sorry pa lang sana ako pero kumurap na
siya at ngumiti na uli.

                        "Alam mo, may napansin ako sa 'yo Eugine. Ang dami mong
alam tungkol sa Universe. Astronomy rin ba o kahit anong Science related course ang
talagang gusto mong pag-aralan dati?"

                        This time, ako naman ang hindi nakapagsalita. Parang


sinuntok ang sikmura ko. Kasi tama siya. Noong high school ako, interested ako sa
Science. Pero noon ko pa alam na hindi ko puwedeng sundin ang talagang gusto ko.
Kasi bata pa lang ako, na-train na ako ni Papa sa negosyo ng pamilya. So I have to
forget the things that I really want.

                        Kaya nga ngayon, nahihirapan akong isipin kung ano ba


talaga ang mga bagay na gusto ko. Ngayon lang uli may nagpaalala sa akin na
interesado ako sa Universe.

                        "Eugine?"

                        Kumurap ako at medyo ngumiti. "Pwede naman akong maging


interesado sa Science kahit hindi ko pormal na pag-aralan. I can do my own research
sa internet at sa library. Ikaw nga Multi-Media Arts ang course mo kahit gusto mo
ng Astronomy."

                        "Pero dahil love ko rin ang photography. Eh ikaw, love mo


ba ang business?"

                        Hindi na naman ako nakasagot. Nag-iwas na lang ako ng


tingin at bumuntong hininga. "I have to go to the library."

                        "Para saan?"

                        "Mag-aaral ng lessons."

                        "Palagi ka naman nag-aaral ng lessons. Nakaka-mental stress


ang sobrang paggamit sa utak mo. Dapat mag relax ka. Lalo na ngayon na lahat ng mga
estudyante relaxed at masaya. It's Foundation week! Maluwag ang mga professors
ngayong linggo na 'to kasi kahit sila nakikisaya sa event."

                        "Para lang 'yan sa undergrads. May klase pa rin kaming mga


Graduate student hanggang Friday."

                        "Kahit na dance party sa Friday?"

                        "Gabi pa naman 'yon. Hanggang hapon ang klase namin."

                        "Grabe naman."
                        Napatitig ako sa mukha niya. "Are you going to the party?"

                        Tumawa siya. "Hindi. Para lang 'yon sa mga may ka-date. Ma-
a-out of place lang ako kung pupunta akong mag-isa. Though gusto kong ma-experience
pumunta kahit isang beses lang." Ilang segundong nakangiti lang siyang tumingin sa
kawalan. Huminga ako ng malalim at magsasalita sana pero bigla na siyang humarap sa
akin. "Pero dapat mag-relax ka pa rin kahit may mga klase ka pa. Teka, huwag ka na
mag-aral today. Ang mabuti pa samahan mo na lang ako." Hinawakan niya ang braso ko
kaya napatingin na naman ako sa kaniya.

                        "Samahan ka, saan?"

Matamis siyang ngumiti. "Surprise!"


DAY 16
               

August 23. Tuesday

"EUGINE! Samahan mo ako. Wala ka naman gagawin ngayon 'di ba?"

                        Umungol ako at mariing pumikit. "Kira, do you know what


time it is?"

                        "Four o'clock."

                        "In the morning. Morning, Kira!" frustrated na sabi ko.

                        Tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya. Sino bang


matinong tao ang tatawag ng madaling araw? God, he just wants to sleep a little
more.

                        "Sige na. Kailan ka lumabas ng bahay ng ganito kaaga ha?


Ayaw mo ba ma-experience kahit isang beses lang? Ayaw mo ba malaman kung ano ang
hitsura ng paligid bago sumikat ng araw? Sige na, Eugine. Let's do it," pangungulit
pa rin ni Kira.

                        Inis na bumuntong hininga ako at kahit inaantok pa


napilitang bumangon paupo sa kama. Kasalanan ko rin 'to eh. Pinagbigyan ko siyang
hatakin ako sa kung saan-saan kahapon. Mostly puro sa kainan lang naman. I think I
ate one week's worth of food in just a few hours. Gabi na ako nakauwi kahapon. Na
okay lang naman sa akin kung tutuusin kasi nang dumating ako tahimik sa buong
bahay. Narinig ko sa isa sa mga helper namin na nag-away daw ang parents ko bago
padabog na umalis ng bahay si Papa. Malamang si Mama nagkulong sa master's bedroom.

                        "Eugine. Come on. Bangon na. I'll give you thirty minutes
ha? Hihintayin kita sa gate ng Richdale University. Tatandaan mo lang na mag-isa
lang akong lalabas ng bahay. Mag-isa lang akong pupunta sa campus. Kapag hindi mo
ko sinipot, hindi ko alam kung ano mangyayari sa 'kin."

                        Ah. Damn. Nagising na ako ng tuluyan. Umalis na ako sa


kama. "Don't go there alone. Sabihin mo sa akin ang address mo. Susunduin kita."

                        Ilang sandaling tahimik lang sa kabilang linya. Nakapasok


na ako sa banyo nang magsalita uli si Kira. "Sa gate na lang ng subdivision namin.
Salamat ha?" Sinabi niya ang address. Nagulat ako kasi malapit lang pala sa
Richdale ang subdivision na tinitirhan ni Kira.

                        "I'll be there in thirty minutes." Saka ko tinapos ang


tawag, mabilis na naligo, nagbihis at tahimik na lumabas ng bahay. Nang pumunta ako
sa garahe para kunin ang kotse ko napansin kong wala pa roon ang sasakyan ni Papa.

                        Hindi siya umuwi.

                        TWENTY minutes lang nakarating na ako sa gate ng


subdivision nina Kira. Naroon na siya, mag-isang nakaupo sa gilid ng kalsada bitbit
ang malaki niyang shoulder bag. Nakatingala na naman sa langit, parang malalim ang
iniisip. Pero nang matamaan siya ng liwanag mula sa head lights ng kotse ko
lumingon siya at masiglang tumayo. Malawak siyang ngumiti at kumaway-kaway sa akin.

                        Huminto ako sa tapat niya at binuksan ang passenger's seat.


Mabilis siyang sumakay. A fresh and sweet scent filled my car. Katulad din kahapon
nang ilang oras kaming nagpagala-gala sa mga restaurant at coffee shop. That same
scent that I knew belongs to Kira. Kasi 'yon ang naamoy ko noong tumalon siya mula
sa sanga ng puno at sinalo ko siya.

                        "Salamat sa pagsundo sa akin ha? Kahit na medyo na-excite


ako sa thought na pupunta ako ng school gate na mag-isa sa ganitong oras."

                        "Don't get excited. That's dangerous."

                        Tumawa siya. Umiling ako pero katulad ng dati hindi ko


mapigilan mapangiti kapag naririnig ko na ang tawa niya. "So saan ba tayo pupunta?"

                        "Sa Richdale University nga."

                        Gulat na nilingon ko siya. "Sa campus mo gusto pumunta ng


ganito kaaga?" Tumango siya. "Hindi tayo makakapasok sa loob. Sarado ang gate."

                        "Hindi lang naman gate ang pwedeng daanan."

                        Nanlaki ang mga mata ko. "Mataas ang mga pader na


nakapalibot sa buong campus, Kira!"

                        "Hindi naman sobrang taas na hindi kaya akyatin. May alam


akong side na may puno sa labas. Makakapasok tayo through that tree."

                        "At paano ang pagbaba?"

                        "Tatalon."

                        "That's ridiculous! Ihahatid na kita pabalik sa bahay niyo


– "

                        "Eugine please!" Hinawakan niya ang braso ko. Hindi tuloy


ako nakaporma ng kambiyo pabalik sa pinanggalingan namin. "Let's take a risk. Ayaw
mo bang masubukan maging reckless? Now is the time to do something like this.
Habang bata pa tayo. Next time kapag mas matanda ka na, hindi ka ba magsisisi na
buong buhay mo naging safe ka at walang ginawa kung hindi sumunod sa rules? Hindi
mo ba ma-wi-wish na sana magkaroon ka ng isa pang chance na bumata uli para magawa
ang mga bagay na hindi mo ginawa? Mga bagay na mas imposible mo nang magawa kapag
matanda ka na?"

                        I felt like someone clenched my heart. Bigla parang narinig


ko ang boses ni Lolo nang kausapin niya ako sa opisina niya. Find something I want
to do. Relax. Enjoy my youth. Hindi ko alam kung paano 'yon gawin pero mukhang alam
ni Kira kung paano.

                        Huminga ako ng malalim. "Fine. Simula ngayon gagawin ko


lahat ng gusto mong gawin natin. Hindi na ako magrereklamo."

                        Natigilan si Kira, napatitig sa mukha ko at humigpit ang


hawak sa braso ko. "Talaga?!" masayang tanong niya.

                        Sinulyapan ko siya. "Just as long as we are... friends.


Remember I promised you eighty days? Kung kasama ang ngayon, sixty nine days na
lang."

                        Ilang sandaling nakatitig lang siya sa mukha ko bago tipid


na ngumiti. "Alam ko. Hindi ka magsisisi."

                        So few minutes later nag-park ako ilang bloke ang layo mula
sa Richdale University. Four forty five ng madaling araw, kaming dalawa lang yata
ang taong gising. Ni walang dumadaang sasakyan. Para kaming mga magnanakaw na
pumupuslit sa kadiliman. Narating namin ang part ng pader na sinasabi ni Kira na
may punong kadikit. Mukhang madali lang akyatin kasi mabababa ang sanga.

                        "Sa tingin ko pa rin delikado 'to. Paano kung may live


electricity pala ang itaas ng pader? O may alarm na mag-o-on kapag may nagtangkang
pumasok through the walls? Mamahaling school ang Richdale. Imposibleng hahayaan
nilang basta may makapasok sa loob," katwiran ko.

                        "Wala 'no. Nagtanong-tanong na ako. Walang mga ganiyang


security ang pader. Ang mga school building meron. Lalo na 'yong building kung
nasaan ang mga opisina ng mga matataas ang posisyon sa school. Don't worry, hindi
ko tatangkain pasukin ang mga 'yon. May limit naman ang pagiging reckless ko kahit
papaano."

                        Nakahinga ako ng maluwag. At least kung totoo 'yon safe


kaming umakyat ng pader. But God, kapag may nakahuli sa amin o may makaalam na
school official, malilintikan talaga kami.

                        "Let's go," bulong sa akin ni Kira na nalingat lang ako


umaakyat na sa puno. Ang bilis. Parang sanay na sanay siya. Kasi wala pang isang
minuto nakasampa na siya sa pader at tumingin sa akin. Hinihintay akong umakyat na
rin.

                        Bumuntong hininga ako. Saka sumampa sa puno. Mas natagalan


at nahirapan ako kesa kay Kira. Hindi tulad niya, wala akong experience sa pag-
akyat sa puno. Nang sa wakas makasampa na rin ako sa pader at nasilip ko ang loob
na side, gusto ko na naman mapaungol. Mataas talaga ang babagsakan namin. Kahit na
lupa at may damo siguradong masakit pa rin kapag tumalon ako.

                        "Sabay na tayo?" tanong ni Kira.

                        "No. Ako na ang mauuna." Huminga ako ng malalim saka lakas


loob na tumalon.

                        "Ugh." Unang bumagsak ang mga paa ko sa lupa pero shit ang
sakit talaga! Nanginig ang buong katawan ko. Napaluhod ako at mariing napapikit. It
took me a while before I finally regained my strength. Tumayo ako, paulit-ulit na
huminga ng malalim saka humarap kay Kira na mukhang worried habang nakayuko sa
akin. Itinaas ko ang mga braso ko. "Come on. Talon."

                        "Sure ka?"

                        "Oo nga. Magaan ka lang naman eh."


                        Sandali lang siya nagkaroon ng doubts. Kasi nagbilang siya
agad hanggang tatlo saka tumalon. Nasalo ko siya. Hindi nga lang katulad noong
nakaraan, napaatras ako sa puwersa ng pagbagsak niya sa katawan ko. Mabuti na lang
hindi kami natumba.

                        "So, ano na ang balak mo ngayong nandito na tayo sa loob?"

                        Tumingin si Kira sa relo niya habang naglalakad kami sa


quadrangle. "Malapit na maubos ang oras natin. Let's go!" Sabay takbo.

                        "Hey!" Frustrated na tumakbo rin ako pahabol sa kaniya.

                        Sa pinakalumang building kami pumunta. Sa likod kung saan


may fire exit.

                        "Akala ko ba may security measures ang mga building?"


manghang tanong ko.

                        "Not this one. Ito ang oldest building sa buong University


at puro classrooms lang ang nandito."

                        "Paano mo nalaman 'yan?"

                        Nilingon ako ni Kira, pilyang ngumiti at iwinagayway ang


keychain na may mga susi. "Reliable source. Basta sumunod ka na lang." Binuksan
niya ang pinto ng fire exit. Tapos may kinuha siya sa shoulder bag. I realized when
she turned it on that it's a flashlight. Prepared na prepared talaga.

                        Madilim sa loob ng building pero mukhang hindi takot si


Kira. Ako pa nga ang mas kinakabahan sa ginagawa namin. Umakyat kami ng umakyat ng
umakyat ng hagdan hanggang sa marealize ko na rooftop ang balak niya puntahan.
Binuksan niya ang pinto 'non gamit ang isa pang susi saka ako hinatak palabas.

                        Mahangin at mas malamig doon kaysa sa ibaba. Siguro kasi


mas mataas 'yon ng anim na palapag. Hindi na kasing dilim kasi papaliwanag na ang
langit.

                        "Eugine, dito tayo," sabi ni Kira, hinawakan ako sa braso


at hinatak sa east side ng rooftop.

                        Napahugot ako ng malalim na paghinga at napahawak sa


railings na nakaharang sa pinakagilid ng rooftop. Kasi kahit nasa gitna ng city ang
Richdale University, ngayon ko lang nalaman na kita pala sa part na ito ang horizon
na may view ng kabundukan. Though sobrang liit lang 'non at parang ilusyon lang
kung tutuusin. "Ano ang mga bundok na 'yon?"

                        "Rizal. Ang galing 'no? Oo nga sobrang liit tingnan dito


pero to think na nakikita natin ang malayong lugar na 'yon kahit nasa gitna tayo ng
city, amazing. May nagsabi sa akin na sa Antipolo nga raw, may mga overlooking
restaurants na makikita mo naman ang city lights sa gabi."

                        "Ito ba ang gusto mong makita natin?"

                        "Hindi pa 'yan ang gusto kong makita," natatawang sabi ni


Kira. Tumingin na naman sa wristwatch, lumapit sa akin hanggang mapatingin na ako
sa mukha niya. Then matamis siyang ngumiti. "Malapit na."

                        Bigla narealize ko kung ano talaga ang ipinunta namin sa


rooftop. Kasi habang nakatitig ako sa kaniya, unti-unting naliwanagan ng
magkahalong orange at pink ang nakangiti niyang mukha.

                        She wants to see the sunrise.

                        Mukhang napansin na rin niya ang pagbabago ng kulay ng


langit kasi lumingon na siya sa horizon. Namilog ang mga mata niya at bumakas ang
sobrang tuwa sa mukha. "Wow. So beautiful."

                        Nagulat ako sa realization na oo nga.

She's very beautiful.

                        "Eugine, tingnan mo, parang nakikita ko na ang araw sa


banda 'don oh."

                        Kumurap ako. I was mortified with my own thoughts. Mabilis


kong inalis ang tingin sa mukha niya at tumitig na rin sa horizon. Parang lilitaw
na nga ang edge ng araw mula sa bundok. "Matagal-tagal pa 'yan aangat."

                        "Amazing, Eugine. We're currently watching the in-between


of night and day."

                        I felt the corner of my lips curl. "Mas nakaka-amaze na


ganiyan ang pagtingin mo sa sunrise."

                        Nilingon niya ako. "Pero totoo naman 'di ba? Ang iksi lang
ng moment kung kailan magpapalit ang gabi at araw. This short moment na hindi night
time pero hindi rin day time, the actual transformation process, nakakatuwa. Parang
tayo lang ngayon. Hindi na teenager pero hindi pa rin matatawag na adult. We are
the in-between. We are the sunrise." Bumuntong hininga siya. Parang tuwang-tuwa sa
sinabi. "Ang sarap pakinggan 'no?"

                        Sure. Masarap nga pakinggan. At kapag si Kira ang nagsasabi


parang logical ang mga bagay na hindi naman talaga maiisip ng normal na tao. Pero
hindi lang 'yon ang nag-register sa utak ko. Napatitig ako sa mukha niya at
napanganga. "Wait. We? Sinasabi mo ba na twenty years old ka rin katulad ko?"

                        Natigilan siya. Mukhang nagulat rin. Pero nakabawi din agad


at iwinasiwas ang kamay na parang balewala lang sa kaniya ang nalaman ko. "Ah.
Hindi ko nga pala nasabi sa 'yo no? Yup. I'm twenty."

                        Hindi ako makapaniwala. Magtatanong pa sana ako pero


napunta na uli sa sunrise ang tingin niya at tinapik ang braso ko. "Look, Eugine.
The sun is already rising."

                        So napatingin na lang rin ako sa sunrise. At hindi ko na


naalis ang tingin doon. This is the first time na gumising ako ng sobrang aga para
lang talaga panoorin sumikat ang araw.

                        It's really amazing.


DAY 17
               

August 24. Wednesday

                        MAY PAKIRAMDAM ako na sinadya ni Kira ibahin ang usapan


kahapon nang malaman ko na magkaedad lang kami. Lalo ko na naman narealize na ang
dami ko pang hindi alam tungkol sa kaniya. And sure, marami rin siyang hindi alam
tungkol sa akin. Pero hindi ko na kaya tiisin ang curiosity ko.
                        So today, I messaged her to meet me for lunch. May class pa
ako ng hapon kaya sinabi ko na sa Strawberry Kiss na lang kami magkita, isang
restaurant sa loob ng campus. Ang tagal niya nag-reply kaya maiinis na sana ako.
But in the end she said, okay.

                        Ako ang naunang dumating sa resto. Aware ako na napatingin


sa akin ang mga undergrad students na nasa loob. Some of them even said hello to
me. Tango ang sagot ko kahit hindi ko sila personal na kilala. Pupunta na sana ako
sa usual table ko, 'yong tago para hindi masyadong maistorbo ng iba. Kaso baka
hindi naman ako makita agad ni Kira. Kaya kahit hindi ko habit, pumuwesto ako sa
lamesa na kadikit ng glass wall. Para rin makita ko kung parating na siya.

                        Hindi naman ako naghintay ng matagal. Nakita ko na agad


siya na palapit sa Strawberry Kiss. Pero ako mukhang hindi niya nakita agad.
Umangat ang mga kilay ko kasi parang nagdadalawang isip pa siya pumasok sa resto.
Paulit-ulit pang huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Iginala niya ang tingin
at nang makita ako malawak na ngumiti at kumaway.

                        "Sorry, medyo late ako." Umupo siya sa katapat kong silya.

                        "Why are you nervous?"

                        Kumurap siya. Humawak sa dibdib. "Ako? Nervous? Hindi 'no."

                        "Liar. Nakita kita bago ka pumasok sa loob ng resto."

                        Natigilan siya. Saka bumuntong hininga. "Oo na. Kinabahan


ako. Ikaw naman kasi bigla kang nag-message sa 'kin ng 'We need to talk'.
Nakakakaba kaya ang ganoong sentence. Ano bang pag-uusapan natin?"

                        "Umorder muna tayo. I'm hungry." Tumawag ako ng waiter.


"Anong paborito mong pagkain dito sa Strawberry Kiss?"

                        "Ngayon pa lang ako kakain dito."

                        Natigilan ako at napatitig kay Kira na nakatingin sa menu.


"Ang sabi mo magka-edad tayo. Pero sabi mo rin Multi-media Arts student ka which
means undergrad ka rito. You're too old to be a freshman. So transferee ka ba?"

                        Tiningnan niya ako. I met her gaze. Kasi gusto kong ipakita
sa kaniya na this time hindi ko siya hahayaang iwasan ang mga tanong ko.   
Sinulyapan niya ang waiter na naghihintay sa order namin. Ngumiti at nagsabi ng
order. Nilingon ko na lang rin ang waiter na napansin kong curious ang expression
habang pinaglilipat ang tingin sa amin ni Kira. "I'll have my usual order."

                        Nang umalis ang waiter humarap uli ako kay Kira. "So?
Puwede mo na bang sagutin ang mga tanong ko?"

                        Ngumiti siya at umayos ng upo. "Hindi ako transferee. Dito


na ako sa Richdale nag-aaral mula pa noong first year college ako. Hindi ako naka-
graduate last year na kasabay ang mga ka-batch ko talaga kasi nahinto ako ng isang
taon. It was... a family issue. Anyway, fourth year na ako ngayong taon. At para
doon sa isa mo pang tanong, yes, first time ko sa Strawberry Kiss kahit matagal ko
na gusto subukan kumain dito. Nakaka-intimidate kasi dito. Tambayan ng mga pinaka-
popular na students sa campus eh."

                        Kumunot ang noo ko. I ignored her comment about the


restaurant. Wala akong argument about sa issue na 'yon kasi aware ako na totoo
'yon. "Sinasabi mo ba na ilang taon tayong nasa iisang University all this time?
Pero sigurado ako na ngayong semester lang kita nakita."

                        Naging kakaiba ang ngiti ni Kira. Naging makahulugan na


parang may halong... lungkot. I don't like that smile. Para kasing may sumuntok sa
sikmura ko nang makita ko 'yon.

                        "Kasi hindi mo naman talaga ako nakikita."

                        "What?"

                        "Ang ibig kong sabihin, ikaw ang tipo ng tao na nakatingin


lang sa maliit mong social circle. Binabati mo lang ang mga kilala mo. Minsan
tatanguan ang hindi mo kilala basta binati ka, just to be polite. But you don't pay
attention to people who do not matter to you. Kaya siyempre hindi mo ako makikita
kahit na magkasalubong tayo. Kasi I don't matter to you, Eugine."

                        Hindi ako nakapagsalita. May bumara sa lalamunan ko sa


sinabi niya. She just looked at me with that knowing yet sad smile on her lips.
Pasimple akong huminga ng malalim at pilit nag-isip ng pwedeng sabihin para maputol
ang katahimikan sa pagitan namin.

                        "Nakikita na kita ngayon." Mahina ang naging labas ng boses


ko.

                        Medyo lumawak ang ngiti niya at naging mapanukso ang kislap


ng mga mata. "Napilitan ka lang kasi nag-insist akong maging kaibigan mo. At sa
harap pa ng isang professor. Hindi mo siya natanggihan kasi ganoon kang klase ng
tao, Eugine. You can't say no to people with authority when they tell you what to
do."

                        Gusto kong sabihin sa kaniya na mali siya. Pero hindi ko


magawa. Kasi totoo naman 'yon. I didn't want to get involve with her. Totoo na kung
wala si professor Victoria sa sandaling sinabi niyang maging friends kami malamang
wala kami ngayon sa Strawberry Kiss at magkaharap.

                        So I kept quiet. Hanggang dumating na ang mga order namin


at siya ang kusang nag-iba ng usapan. Pero may isa pa akong gustong itanong. Isa na
lang talaga.

                        "Then, alam mo na umpisa pa lang kung sino ako? Noong


nagkita tayo sa rooftop, kilala mo na ako?"

                        Huminto siya sa pagsubo sana ng pagkain, tumingin sa akin


at ngumiti. "Yes. You're Eugine Alonso, after all." Saka siya tuluyang nag-focus sa
kinakain.

                        I knew then na kahit magtanong pa ako uli hindi na siya


sasagot. Kaya hinayaan ko na lang mag-iba ang mood sa pagitan namin. Like we're
just normal friends eating lunch together.

                        Kasi sa dami ng mga ginawa namin na magkasama – at may


palagay akong marami pang naiisip gawin si Kira at hahatakin niya ako for sure –
kung hindi kami magkaibigan, then what are we?
Part 18
               

August 25. Thursday


I WOKE UP with a feeling that there is something wrong. Ilang segundo bago ko
narealize na wala akong pupuntahan sa araw na 'yon. Na hindi ko kailangan pilitin
bumangon sa kama. Na pwede akong matulog maghapon kung gugustuhin ko.

                        Pero parang may mali pa rin. Parang may kulang.

                        Ah. I know what is missing.

                        Hindi kami magkikita ni Kira ngayon.

                        Kailan pa siya naging part ng normal everyday life ko at


affected ako ngayong hindi ko siya makikita?

There must be something wrong with me.

Naalala ko na dance party na pala bukas. Never ako naging interesado 'don pero
yearly ako nagpupunta kasi kailangan para sa Honors Society – isang school
organization kung saan ako officer.

Na-enjoy ko lang 'yon noong first year ako. Si Danica ang date ko sa party. It was
actually the moment that we really became close. Kasi sa buong gabi na magkasama
kami nakapag-open up kami sa isa't isa. At noong second year kami, kahit hindi na
kami classmate sa kahit anong subject, kami pa rin ang magkasamang umattend ng
dance party. Nahinto lang 'yon noong third year na kami. She was already with my
cousin that time.

So kahit papaano naman na-experience ko ang dance party na isa sa mga bagay na
palaging naalala ng mga graduates ng Richdale University. Kahit papaano na-enjoy ko
'yon ng dalawang beses.

Si Kira, hindi pa raw nakakapunta. That's too bad.

Mahabang sandaling napatitig lang ako sa kisame ng kuwarto ko. Then I made a
decision. Mabilis akong bumangon at inabot ang cellphone ko. I-me-message ko sana
si Kira pero nagbago ang isip ko.

I called her instead.

Matagal na nag-ring lang ang cellphone niya. Halos isang minuto pa yata bago siya
sumagot.

"Hello?" Alanganin pa ang boses niya. Parang nagdadalawang isip kung ako ba talaga
ang tumatawag. Weird.

"Nasaan ka? I have something to tell you."

Ilang segundong katahimikan.

"Nasa school pa ako. Ano bang sasabihin mo? Pwede naman sa phone. Nakikinig ako."

Huminga ako ng malalim. I actually want to see her face right now. Kaso baka
makaabala ako sa kaniya kung nasa school pala siya.

"Let's go to the dance party tomorrow night."

Narinig ko ang paghigit niya ng hangin sa kabilang linya. Mukhang nagulat ko siya
ng husto. "H-ha?"

"Ang sabi mo hindi ka pa nakaka-attend ng dance party, right? Then let's go."
"P-pero –"

"Hey, nasaan na ang babaeng ginising ako ng madaling araw para lang pumuslit sa
loob ng campus at manood ng sunrise? Isipin mo na lang para ring ganoon ang pag-
attend ng dance party."

Matagal na katahimikan. Alam ko na pinag-iisipan niya ng husto ang sinabi ko. Then
narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Napangiti na ako hindi pa man siya
nagsasalita.

"Fine. Let's go to the dance party."

"Susunduin kita pagkatapos ng klase ko."

"Hindi na. Magkita na lang tayo sa labas ng venue."

"At least magkita tayo kahit sa labas ng subdivision niyo kung ayaw mong sunduin
kita sa bahay."

Bumuntong hininga siya uli. "Sige na nga."

Ngumiti ako. "Good."


DAY 19
               

August 26. Friday

SURPRISINGLY, I wasn't able to focus on my classes today. Gusto kong paniwalaan na


na-di-distract ako ng ingay at kasiyahan sa buong campus. May parade pa kasi at
kung anu-anong pakulo ang student government bago tatahimik ang buong school
mamayang hapon kasi pupunta naman ang halos lahat ng estudyante sa hotel kung saan
ang venue ng dance party.                     

                        I'm sure hindi ako distracted sa kakaisip kay Kira. Na


hindi ako distracted sa fact na kami ang magka-date sa party. I'm sure it's not
because I'm looking forward to seeing her again.

                        After ng last class ko umalis na rin ako ng campus para


umuwi sandali. Kailangan ko rin kasi magpalit ng damit. Then bago ako magmaneho
papunta sa subdivision niya tinext ko muna siya kung ready na siya. This time
mabilis siya nagreply. Napangiti ako.

                        Paghinto ko sa harap ng subdivision niya, siya namang


paglabas niya sa gate. Lumabas ako ng kotse at pinagmasdan siya habang naglalakad
palapit sa akin. She was wearing a simple white dress. Nakalugay ang buhok niya na
kinulot ang ilalim. May manipis siyang makeup at light pink na lipgloss. She's
pretty. Though matagal ko naman nang alam 'yon.

                        Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Naku, kinakabahan


ako."

                        Umangat ang gilid ng mga labi ko. "Pero ang pagpasok sa


campus na walang paalam hindi ka kinabahan."

                        She laughed nervously. "Iba 'yon. Sisiw lang sa 'kin 'yon.


Mas mahirap sa akin ang magpunta sa isang party na maraming tao. Hindi ako magaling
makipag-socialize."
                        "Ako rin naman."

                          "Oo nga. Pero magkaiba ang pagiging anti-social natin.


Ikaw, kahit hindi ka namamansin gusto pa rin ng mga tao na pansinin mo sila. They
find your aloofness cool. Ang pagiging anti-social ko, iba. Ka-weirdohan sa tingin
ng iba."

                        "But I like your weirdness." Huli na nang marealize ko kung


ano ang nasabi ko.

                        Naging masuyo ang ngiti niya. "Thank you."

                        Nailang ako. Tumikhim at lumapit sa pinto ng passenger's


seat. Binuksan ko 'yon para sa kaniya. "Tara na?"

                        Tumango si Kira at pumasok sa loob ng kotse. Isinara ko ang


pinto. Then pumasok na rin ako sa kotse at pumuwesto sa driver's seat. Saglit pa
nasa biyahe na kami papunta sa dance party.

                        MARAMI nang tao nang makarating kami sa venue. Masigla ang


tugtog at puno ng excitement ang halo-halong boses ng mga estudyante. Mayroon na
ring magkakaparehang sumasayaw sa dance floor. Natigilan ako nang kumapit si Kira
sa braso ko. Mahigpit. Nilingon ko siya. She really looks nervous. Pero ang mga
mata niya kumikislap sa anticipation at excitement.

                        "Ano ang una mong gustong gawin?"

                        Tiningala niya ako at umiling. "Wala akong ideya."

                        "Then are you hungry?"

                        "Hindi pa. There are butterflies in my stomach, Eugine.


Hindi ko kakayanin kumain."

                        Medyo natawa ako. Namilog ang mga mata ni Kira. Umawang ang
bibig niya. "You're laughing," manghang manghang komento niya.

                        I controlled my facial expression. Sumeryoso ako. "Anong


nakakagulat? I'm human. Of course I can laugh when I want to."

                        "But you don't want to do it often. Kaya nagulat ako."

                        Well, may point naman siya. Tumikhim ako. Then may tumugtog
na mabagal na kanta. Natigilan si Kira at mukhang nakinig sa kanta. "I like this
song."

                        Napangiti ako. "Let me guess, kasi ang title nito may


salitang 'Stars'?"

                        Ngumisi si Kira. "Alam mo rin 'tong Lost Stars? Napanood mo


ang movie?"

                        "Yeah. Pinanood namin ni Danica sa sinehan noong second


year kami."

                        Parang may nakita siya sa kung saan kasi nag-iwas siya ng


tingin. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Sa dance floor at sa mga nagsasayaw pala
doon napunta ang atensiyon niya. May longing sa mga mata niya. Mukhang gusto niya
sumayaw.
                        So humakbang ako hanggang nakatayo na ako sa harap niya at
nawalan na siya ng choice kung hindi ang tingalain ako. Inilahad ko ang kamay at
ngumiti. "If you like the song then we should dance."

                        Nanlaki ang mga mata ni Kira at napatitig sa akin. Itinaas


ko ang mga kilay ko at nanatiling nakangiti para i-encourage siya na pumayag. Nang
hindi pa rin siya kumilos kasi parang gulat pa rin kusa ko nang inabot ang isa
niyang kamay. Then marahan ko siyang hinila papunta sa dance floor.

                        Saka lang kumurap si Kira. "T-teka lang, hindi ako


prepared. Hindi ko alam kung paano sasayaw."

                        "Hindi naman mahirap isayaw ang kanta. Just put your hands
around my neck. Like this." Ipinatong ko ang kamay niyang hawak ko sa leeg ko.
Alanganing itinaas din niya ang kabilang kamay papulupot sa leeg ko. Ngumiti ako.
"Then I'll just have to put my hands here." Magaan kong inilagay sa magkabilang
gilid ng baywang niya ang mga kamay ko. She gasped. Halatang nagulat at napatitig
sa mukha ko. "Then we just have to move with the rhythm of the music."

Marahan akong gumalaw, sinusundan ang beat ng kanta. Gumaya si Kira. Alanganin pa
noong una. Pero kalaunan nakuha rin niya kung paano sasayaw at nag-relax. Hanggang
sa sumasabay na siyang kumanta sa tugtog.

"You're enjoying this huh?" amused na tanong ko.

Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko at matamis na ngumiti. "Ikaw ba?"

Hindi ko na kailangan mag-isip ng matagal. Kasi kanina ko pa narealize na nag-e-


enjoy ako sa company ni Kira. Na after two years ngayon lang uli ako natuwang
umattend ng dance party.

"What do you think?" ngiting ngiti na tanong ko.

Tumitig siya sa mukha ko. Saka ngumisi na naging tawa. Humigpit ang kapit niya sa
batok ko. "Thank you, Eugine."

"Gin. Call me, Gin."

Kumislap sa katuwaan ang mga mata niya. Naging masuyo ang ngiti at tumango. "Gin."

May bumara sa lalamunan ko. Parang lumobo ang dibdib ko. Lumunok ako at gumanti ng
ngiti.

Kasi hindi ako makapagsalita. Kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin
ngayon. Kaya hindi ko na lang masyadong pinag-isipan ang nararamdaman ko. Maybe
later I will. Pero sa ngayon, gusto ko muna mag-focus sa gabing 'to. Kasi ngayon
lang uli ako naging ganito ka-relax at kasaya. Gusto kong sulitin. Kasi baka tulad
ng dati, temporary na naman 'to. Baka pagmulat ko na naman isang umaga, nakuha na
ng iba ang kaligayahan ko.
DAY 20
               

August 27. Saturday

                        MADALING ARAW NA natapos ang dance party. Dati pagdating ng


twelve midnight umaalis na ako ng venue. Pero this time masyado kaming nag-enjoy ni
Kira na inabot kami ng alas dos. Then, habang nasa biyahe kami kasi ihahatid ko na
siya sa subdivision nila bigla niyang sinabi na parang gusto raw niyang magpunta ng
Manila Bay at panoorin ang sunrise.

                        "Hindi ba mag wo-worry ang parents mo kung hindi ka pa


uuwi?"

                        "Nagpaalam naman ako. Itetext ko lang sila para lang alam


nila. Saka ikinukuwento kita sa kanila. Alam din nila ang pangalan mo. Actually..."
Apologetic siyang ngumiti sa akin. "Sorry ha? Pero iniwan ko sa kanila ang number
mo. That way lang kasi sila ma-a-assure na mabuting tao ang kasama ko."

                        Tumango ako. "It's fine. Tama lang ang ginawa mo." Huminga
ako ng malalim. Tapos kumambiyo ako. Sa direksiyon ng Roxas Boulevard.

                        For the second time in my whole life, I watched the


sunrise. At si Kira pa rin ang kasama ko.
DAY 21
               

August 28. Sunday

                  THIS day felt so long. I want to see her.


DAY 22
               

August 29. Monday

NAGLALAKAD ako galing sa last class ko nang biglang may bumunggo sa tagiliran ko.
Nang lumingon ako, nanunuksong mukha ni Danica ang nakita ko. "Girlfriend mo talaga
si Kira 'no?"

                        Nanlaki ang mga mata ko. "What?"

                        Sumabay siya sa paglalakad ko. "Kalat kaya sa buong campus.


Don't tell me hindi mo naririnig ang bulungan ng mga estudyante? Kanina nga
pagpasok ko pa lang sa school gate kayo na ang topic eh. Magka-date daw kayo sa
dance party. Kainis naman hindi mo sinabi na a-attend ka. Sana pala nagpunta kami
ni Thorne. Nakita man lang kita na finally may ka-date na. I know ayaw mo pinag-
uusapan pero kasalanan mo 'yan kasi pumayag ka mag-Master's degree. Hindi ka pa
tuloy nakatakas sa Richdale University."

                        Bumuntong hininga ako. "Si Lolo ang may gusto na pumasok


ako sa Graduate school."

                        "Kasalanan mo pa rin kasi hindi ka makatanggi sa gusto


niya. You can say no, you know. Hindi naman ibig sabihin 'non disobedient ka na.
Ibig lang sabihin 'non, you're old enough to know what you really want and that you
can make a decision for yourself. I'm sure hindi mamasamain ni Lolo kung sabihin mo
sa kaniya ang talagang gusto mong mangyari sa buhay mo."

                        Hindi ako nakakibo. Napahugot lang ng malalim na paghinga.


Ang dali kasi sabihin pero para sa akin hindi madaling gawin. Kasi may reputasyon
akong sinusubukang linisin sa sarili kong paraan. Mahirap maging vocal sa
nararamdaman ko kasi minamaliit ng lahat ang kapanganakan ko. Kasi ang tingin ng
lahat, isang gold digger at social climber ang nanay ko.

                        Kasi nagdududa sila kung isa ba talaga akong Alonso.

                        Mariin kong tinikom ang bibig ko para kontrolin ang emosyon


ko. I tried to lighten the atmosphere by changing the subject. "Anyway, hindi ko
girlfriend si Kira. We're just friends." At least, for another sixty six days.

                        "Pero hindi naman kayo nag-uusap dati ah. Naging Graduate


student ka lang naging friends na kayo?"

                        Napahinto ako sa paglalakad at manghang napatingin sa


bestfriend ko. "Danica, kilala mo si Kira dati?"

                        Tiningnan niya ako na parang na-we-weirdohan sa akin. "Oo.


Naging kaklase ko siya sa iba kong minor subjects dati. Actually every semester may
subject ako na kaklase ko siya. Hindi kasi nagkakalayo ang curriculum ng mga course
namin. Maliban lang noong panahon na hindi ako nakapasok kasi alam mo na, buntis
ako. Then last year hindi ko rin siya nakita sa campus. Nagulat nga ako na pareho
kaming fourth year ngayon."

                        Kumunot ang noo ko. "Really?"

                        Danica looks amazed. Then irritated. "Hindi mo napansin?


Gin, naging classmate pa nga natin siya dati. Remember sa minor subject na naging
classmate tayo at naging magkaibigan? Noong first year tayo. She was also part of
our class."

                        Gulat na gulat ako at sigurado akong nakikita 'yon ni


Danica. Kasi kumunot ang noo niya. "God, what is wrong with you? Alam ko na hindi
ka mahilig mamansin ng mga taong hindi ka interesado. Pero at least, remember your
classmates."

                        Sinabi rin ni Kira sa akin dati na bago kami nagkakilala


ngayong semester, hindi ko naman daw talaga siya nakikita. Kasi raw hindi daw siya
importante sa akin sa nakaraang mga taon na araw-araw kaming nasa iisang campus.

                        God, what a jerk I had been.

                        Bumuntong hininga si Danica. "Pero hindi rin naman kita


masisi kung hindi mo siya matandaan. Kasi madalas siyang absent sa klase natin
noong first year tayo eh. Akala ko nga hindi siya makakapasa pero naipasa naman ng
professor. Narinig ko rin sa mga kaibigan natin noon na naging classmates niya
through out the next semesters na ganoon din daw siya sa lahat ng klase niya. Mas
madalas absent kesa present." Tinapik niya ako sa braso. "At least ngayon friends
na kayo."

                        Alam ko sinusubukan niyang pagaangin ang loob ko. Pero


walang epekto sa 'kin. I still feel bad about it. Mas lalo na nang matapos na lahat
ng klase ko, nakatambay na ako sa library at dumilim na pero hindi ko pa rin nakita
si Kira sa araw na 'yon.
DAY 23
               

August 30. Tuesday

HINDI pa rin mawala ang guilt ko na hindi ko matandaan si Kira. At the same time,
na-ku-curious ako kung ano siya noon. Kung ano ang hitsura niya, kung ano ang
ginagawa niya sa mga taon na hindi kami magkaibigan. So I decided to do some
research.

                        I typed her name in google. Para makita ko ang mga social


media accounts niya. Kaso wala siyang facebook. Walang twitter. Walang blog. Ang
meron lang siya, instagram.
                        The pictures on her feed are amazing. At updated. Naroon
ang picture ng sunrise na kinunan niya noong nagpunta kami sa rooftop. Picture ng
mga pathway at iba't ibang part ng Richdale na hindi ko inakalang maganda palang
subject sa isang photo. Naroon ang pictures na pinapadala niya sa akin through
viber.

And then there were pictures of before we knew each other. Landscape pictures
usually. Karamihan langit. Mapa-araw man at mapagabi. Hallway ng kung anong
building. Glass window with raindrops. Flowers. Kung ano-ano pa. Pero walang selfie
kahit isa.

Hindi ko nakita kung ano ang hitsura ni Kira sa nakaraang mga taon. Pero through
her pictures nakita ko ang mundong nakita niya sa nakaraang mga taon.

I don't know why, but the world she saw looks beautiful yet terribly sad.
DAY 24
               

August 31. Wednesday

NAKITA ko agad si Kira pagdating ko sa campus. Ang weird nga kasi sobrang dami ng
estudyante na naglalakad-lakad sa quadrangle sa mga oras na 'yon. Pero nakita ko pa
rin siya kaagad. Likod pa lang ng ulo niya nakilala ko na agad. Bukod sa siya lang
naman ang kilala kong hihinto sa gitna ng quadrangle at walang pakielam sa mga
taong dumadaan na titingala sa langit.

Ano na naman kaya ang nakikita niya ngayon?

Naglakad ako palapit sa kaniya. Medyo nahirapan nga lang akong bilisan kasi nga ang
daming tao. Buti na lang mukhang engrossed siya sa kung anong tinititigan niya sa
langit. Kahit kasi nang makatayo na ako sa tabi niya hindi pa rin siya tuminag.
Tumingala rin ako. The sky is blue with few clouds scattered apart from each other.
Maganda ang panahon sa araw na 'yon.

"Ano bang tinitingnan mo?" tanong ko.

Gulat na napatingin sa akin si Kira. Mukhang ngayon lang narealize na katabi na


niya ako. Inangat ko ang mga kilay ko at medyo ngumiti. "So?"

Mukhang nakabawi na siya sa pagkagulat kasi ngumiti na siya. "Good morning, Gin!"

Lumawak ang ngiti ko. Gusto ko ang tunog ng palayaw ko kapag siya ang nagsasabi.
"Good morning. So, ano ang dahilan at nakatingala ka na naman sa langit?"

"Ah." Tumingala siya uli. "Tinitingnan ko kung uulan ba o hindi. Hinahanap ko ang
sign."

Umangat ang kilay ko. "Sign?"

Nanlaki ang mga mata ni Kira at masayang natawa. "Yes! Hindi uulan!"

Napatingala ako. Ang nakita ko lang naiba sa langit ay ang isang dumaang eroplano
na nag-iwan ng buntot na puti sa kalangitan pero agad ding nawala. "Ang pagdaan ba
ng eroplano ang hinihintay mong sign?"

Nakangiti niya akong tiningnan. "Yep. Kapag matagal mawala ang white and cloud like
trail ng isang airplane ibig sabihin uulan kasi mataas ang humidity sa itaas. Pero
kapag katulad ngayon na nawala agad, ibig sabihin mababa ang humidity at magiging
maganda ang panahon maghapon." Huminga siya ng malalim, mukhang masayang masaya.
"Mabuti naman. Nag-worry ako na baka umulan."

Napatitig ako sa mukha niya. "You don't like the rain?"

Natigilan siya bago marahang umiling at ngumiti. "Dati gusto ko ang ulan. Pero
lately, hindi ko na gusto kapag makulimlim o kaya uulan. In fact, rain makes me
feel... sad. Kaya ayoko ng ulan kasi ayokong malungkot."

Naalala ko na naman ang mga kinunan niyang larawan na naka-post sa instagram


account niya. Her beautiful yet sad world. Paano ko ba itatanong sa kaniya bakit
ganoon ang tingin niya sa mundo noon? Ano ang pwede kong gawin para mabago ang
pagtingin niya sa mundo kung kahit ako wala naman makitang positibo sa buhay ko?

Tumunog ang bell. Patunay na magsisimula na next class period. It's also a warning
para sa may mga klase sa period na 'yon na magpunta na sa classroom.

"May klase ako," sabi ni Kira. Ngumiti at nagpaalam. May pakiramdam ako na kapag
naghiwalay kami ngayon baka hindi ko na siya makita pa buong maghapon. Wala pa
naman akong klase bukas. Kung sakali sa Friday pa kami uli magkikita.

That's so long.

Tumalikod na si Kira at maglalakad na palayo sa akin kaya napahawak ako sa braso


niya. Gulat na huminto siya at lumingon sa akin. "Bakit?"

Lumunok ako. Medyo humigpit ang hawak sa braso niya. "May klase ka ba bukas?"

Kumurap siya. "Wala. Bakit?"

"Go out with me."

Napanganga siya. Saka nag-register sa akin kung ano ang dating ng sinabi ko. Uminit
ang mukha ko. Tumikhim ako. "I mean, hang out with me tomorrow."

"Saan?"

Na-blangko ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. "I'll message you tonight."

Tinitigan ako ni Kira. Kinabahan ako kasi parang tatanggi siya eh. Kaya nakahinga
ako ng maluwag nang ngumiti siya. "Okay."

Lumuwag ang hawak ko sa braso niya at kumilos na uli siya para lumayo sa akin.
Kumaway si Kira for the last time saka tumalikod at mabilis na naglakad palayo.
Huminga ako ng malalim at naglakad na rin papunta sa sarili kong klase.
DAY 25
               

September 1. Thursday

KAGABI hindi ko pa rin alam kung saan kami pwede pumunta ni Kira. Biglaan kasi ang
desisyon kong ayain siya lumabas ngayong araw. So last night I asked her where she
wants to go. Matagal siyang nag-isip bago sumagot.

"Enchanted Kingdom. Never pa kasi ako nakapunta sa Amusement Park. Tamang tama
weekday bukas kaya siguro naman hindi masyadong marami ang tao doon 'no?"

Iyon ang sabi ni Kira. Kaya today babiyahe kami pa-Laguna. Sinundo ko siya as usual
sa labas ng subdivision nila. Na-amuse ako nang makita ang outfit niya. Shorts at
puting blouse na pinaresan ng rubber shoes at backpack. Nakapusod na parang bun sa
tuktok ng ulo niya ang mahabang buhok. Mukha siyang mag-fi-field trip.

Cute.

"Good morning!" masiglang bati niya nang makasakay sa passenger's seat ng kotse ko.

Ngumiti ako. Gumanti ng bati. Saka pinaandar uli ang kotse. "Nag-breakfast ka na
ba?"

"Hindi pa nga eh. Ikaw?"

"Hindi pa rin. Kumain na lang muna tayo sa unang kainan na madadaanan natin para
makapag-breakfast."

"Okay." Ngiting ngiti si Kira. Halatang excited na excited. Napapangiti tuloy ako
sa tuwing sinusulyapan ko siya. Nakakahawa ang good mood niya.

Huminto kami sa isang fastfood chain para kumain. Pagbalik namin sa kotse ko at
babiyahe na sana nang tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako at mabilis 'yong
inabot. Because it's a special ringtone assigned to Danica's number. "I need to
take this call."

"Sige lang," sagot ni Kira.

Iyon nga ang ginawa ko. "Danica?"

Napansin ko na natigilan si Kira at pumihit patalikod sa akin at paharap sa labas


ng bintana. I can see her reflection through the window. May munti pa ring ngiti sa
mga labi niya pero para siyang... nalungkot. Bakit?

"Gin, help me."

Kumurap ako at napunta lahat ng atensiyon kay Danica na obvious ang takot at
pagkataranta sa boses. "What's wrong?"

"Si Louise kasi tinakbo namin ni Manang sa ospital. Forty degrees kasi ang lagnat
at iyak ng iyak. W-wala si Thorne umalis siya kahapon may out of the country
business trip sila ni Lolo. Hindi ko ma-kontact ang parents niya. Gin, hindi ko
kaya mag-isa dito." Umiiyak na si Danica. "When it comes to my daughter I feel so
weak."

"Saang ospital? Pupuntahan kita."

Sinabi niya ang pangalan ng ospital. I gave her assurances that everything is going
to be okay. Saka ko tinapos ang tawag. Papaandarin ko na ang kotse nang mapatingin
ako kay Kira. Frustrated akong napabuntong hininga. "Kira...I'm sorry I – "
Tumikhim ako. Mabilis na pinaliwanag ang sitwasyon.

Bumakas ang concern sa mukha ni Kira. "Ano pang hinihintay mo? Bilisan mo na.
Pumunta na tayo sa ospital!"

Tumango ako. "Thank you." Saka pinaharurot ang kotse.

Naabutan namin si Danica na namumutla at nanginginig sa takot. It was obvious she


was relieved to see me. Kasi pagdating na pagdating namin tumakbo agad siya palapit
at mahigpit akong niyakap. I wrapped my arms around her. "It's okay. Everything is
going to be okay," masuyong bulong ko sa tainga niya.

Matagal bago kumalma ang bestfriend ko. Nang kumalas siya sa akin huminga siya ng
malalim at nagawang ngumiti kahit halatang pilit naman. "Sorry. Ninerbiyos lang
ako. Hinihintay pa ang result ng tests na ginawa ng doktor. For now nilagyan siya
ng dextrose at binigyan ng pampababa ng lagnat."

"Nasaan ang room niya? I want to see her."

"Dito –" Natigil sa dapat paglalakad si Danica at lumampas sa akin ang tingin.
Natigilan din ako at tahimik na namura ang sarili kasi nang lumingon ako saka ko
lang naalala na kasama ko si Kira. Yeah, it's just me being jerk again.

"May lakad kayo dapat?" tanong ni Danica. Halata ang guilt sa boses nang lumapit
kay Kira. "I'm sorry. Hindi ko alam..."

Ngumiti si Kira at marahang umiling. Then inabot niya ang magkabilang kamay ni
Danica at pinisil ang mga 'yon. "It's okay. Mas mahalaga ang anak mo. Sige na
puntahan niyo na si baby."

"Go with us," mabilis na sabi ko. Napatingin siya sa akin. May dumaang emosyon sa
mga mata niya kahit pa hindi nawala ang ngiti niya. Parang may lumamutak sa sikmura
ko nang umiling siya. Lumunok ako. Huminga ng malalim. "Then wait for me. Ihahatid
kita pauwi."

Tumango si Kira. Mukhang nag-da-dalawang isip si Danica na iwan siya pero sa huli
bumitaw rin ang bestfriend ko. Sabay na namin pinuntahan ang kuwarto kung nasaan si
baby Louise.

Naroon na rin ang doktor nang dumating kami. Wala naman pala kaming kailangan
ipagalala kasi bacterial infection daw ang reason kaya mataas ang lagnat ng baby.
Magagamot ng anti-biotic. Kailangan lang ma-confine ang bata para matutukan ang
kalusugan niya. Nakalma si Danica. After thirty minutes at sa tingin ko maiiwan ko
na siya kay Manang Yolly kahit sandali lang, nagpaalam muna ako para maihatid ko
naman pauwi si Kira.

Paglabas ko ng hospital room, tahimik na hallway ang nabungaran ko. I looked


around. Pero wala si Kira. Kinabahan ako. Nataranta. Nasaan siya? Sana naman hindi
siya umalis na hindi ako hinihintay. Huminga ako ng malalim at mabilis na naglakad
kasabay ng paghugot ko sa cellphone ko para tawagan siya. Nag-ri-ring pero hindi
niya sinasagot. Lalo lang ako kinabahan at nanlamig.

Hinihingal na ako at bababa pa lang ng hagdan papunta sa ground floor ng ospital


nang mapahinto ako. There she is. Nakatayo patalikod sa akin at paharap sa
direksiyon ng East Wing. Kahit sa kinatatayuan ko naririnig ko ang ringtone ng
cellphone na hawak niya pero hindi inaabalang tingnan. Kumunot ang noo ko. Tinapos
ang tawag at naglakad palapit sa kaniya.

"Kira? Anong ginagawa mo rito?"

Gulat na napalingon siya sa akin. Nanlaki ang mga mata at mabilis na tumalikod sa
direksiyong tinitingnan niya kanina. Obvious na pilit ang ngiti niya. Humawak siya
sa braso ko at hinila ako palayo sa East Wing. Nagtaka ako pero hinayaan ko na
siya.

"Naglakad-lakad lang ako. Kamusta na ang baby ni Danica?"

Napunta kay Kira ang tingin ko. "She's fine. Kailangan lang nila mag-stay dito para
maobserbahan pero madadaan daw sa antibiotic."

Halatang na-relieved si Kira. "Mabuti naman kung ganoon. Mahirap kapag bata ang
nagkakasakit. Tusok pa lang ng karayom nakakaiyak na."
Tumango ako. Bumuntong hininga. "I'm sorry, Kira."

Huminto siya sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa akin. "Para saan?"

Lumunok ako at sinalubong ng tingin ang mga mata niya. "Hindi natuloy ang lakad
natin ngayon. Kahit na ako ang nag-aya, ako ang dahilan kaya hindi tayo nakaalis.
And I know how excited you are to go to EK. I'm sorry." Sobrang guilty talaga ako.
At sobrang nanghihinayang. Kasi gusto ko rin na magpunta 'don kasama siya. I want
to see her smile as we take the rides. I want to hear her laugh.

Kumurap ako nang magaan na tapikin ni Kira ang pisngi ko. Nakangiti siya pero ewan
ko ba kung bakit parang nilamutak ang puso ko habang nakatingin ako sa ngiting
'yon. Kasi parang may halong lungkot ang ngiti niya. At ang boses niya nang
magsalita uli, malumanay at puno ng understanding pero parang ang lungkot din. "It
can't be helped, Eugine. Kailangan ni Danica ng tulong. Mas importante ang
kalusugan ni baby kaysa sa pagpunta natin sa amusement park. And it's Danica who
needs help kaya alam ko na hindi mo matitiis hindi sumugod kahit nasaan pa siya. I
totally understand. Don't worry."

Natigilan ako. I know she means well pero bakit parang may mas malalim na kahulugan
ang mga sinabi niya?

"Ihahatid mo na ba ako pauwi? Medyo kailangan ko na rin kasi bumalik since nakapag-
text na ako sa parents ko na hindi tayo natuloy."

Huminga ako ng malalim. Tumikhim at tumango. "Let's go."

Ngumiti siya. Then bumitaw siya sa braso ko at nauna nang naglakad. Sumunod ako sa
kaniya. Nasa ground floor lobby na kami ng ospital nang biglang may tumawag sa
pangalan ni Kira.

Sabay kaming napahinto sa paglalakad.

"Kira, it's really you!"

Lumingon si Kira, natigilan at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa lalaking
naglalakad palapit sa amin. Nakasuot siya ng puting coat so I assume he's a doctor.
Mukhang nasa late twenties lang yata ang edad.

"Doc pogi! Hello!" masayang sabi ni Kira, tumakbo at lumundag payakap sa lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko. Doc pogi?! What?

Ngumiti ang doktor at gumanti ng mahigpit na yakap. "I'm glad to see you again."
Tapos marahang lumayo sa isa't isa ang dalawa at parang worried na tiningnan ng
doktor ang mukha ni Kira. "Pero bakit nandito ka sa ospital? Masama ba ang
pakiramdam mo? I heard about it and –"

Tumawa si Kira. "Okay lang ako doc. May binisita kaming pasyente. That's all."

At last napansin din ako ng doktor. Mukhang nagulat pa siya na makita ako at
pinaglipat-lipat ang tingin sa amin. "Kira, may boyfriend ka na? How can you do
this to me? Sabi mo hintayin kita? I'm still waiting for you tapos ikaw naka-move
on na pala sa feelings mo sa'kin. I'm hurt."

Napasimangot ako. Sure pabiro ang tono niya pero ewan ko ba, nainis pa rin ako sa
narinig ko. Lalo na nang tumawa na naman si Kira at matamis na nginitian ang
doktor. "Ikaw talaga doc pogi. Hindi mo pa rin nakakalimutan ang confession ko
sa'yo noon?"

Gumanti ng ngiti ang doktor. "I still keep your love letters, you know?"

Humagikhik si Kira.

"Doc! May patient ka!" tawag ng isang nurse.

"Ah. I have to go. Say hi to your parents for me, okay? Next time, I hope sa labas
ng ospital na tayo magkikita."

Tumango si Kira. Pinisil ng lalaki ang balikat niya. "Take care of yourself."
Nagkatitigan ang dalawa. Parang nag-uusap gamit ang mga mata. Again, I don't like
it. Nagpaalam ang doktor at umalis.

Saka lang ako hinarap ni Kira. "Tara na."

Kumunot ang noo ko. "Sino 'yon?" tanong ko nang makalabas na kami ng ospital at
pasakay na sa kotse.

                        "Just someone I know noong bata pa ako."

                        Halatang ayaw na niya i-elaborate ang paliwanag niya. So


hindi na rin ako nagtanong. At least, not yet.
DAY 26
               

September 2. Friday

SINUBUKAN kong huwag isipin masyado pero bumabalik sa isip ko ang mga nangyari
kahapon. Hindi ko na kailangan mag-worry kay baby Louise kasi kagabi lang dumating
si Thorne sa ospital. The moment na nalaman ng pinsan ko na may sakit ang anak
niya, sumakay daw agad siya ng eroplano pabalik. Iniwan si Lolo na for sure hindi
galit. Baka nga natuwa pa 'yon na ganoon ang naging reaction ni Thorne. My cousin
used to be a happy-go-lucky and irresponsible person. Nagbago na siya ngayon.

Ang mas ikina-wo-worry ko ay si Kira. Nag-e-echo sa isip ko ang mga sinabi niya sa
akin kahapon. Nag-re-replay ang eksena na kausap niya ang doktor na kakilala raw
niya noong bata pa siya. Most of all, hindi ko makalimutan ang lungkot na kahalo ng
mga ngiti niya kahapon. What was that for?

"Gin! Good morning!"

Lumingon ako agad. Katulad ng dati, kahit nasa gitna ako ng quadrangle at maraming
estudyante sa paligid, nakita ko agad si Kira. Ngiting ngiti siya at kumakaway pa
habang palapit sa akin.

Pinakatitigan ko ang mukha niya nang nakatayo na siya sa harap ko. I'm tring to see
if the sadness I saw yesterday is still in her face. Pero wala na akong makita.
Either hindi na talaga siya malungkot o... magaling siya magtago ng emosyon na ayaw
niya ipakita.

"Kamusta si baby?"

"She's getting better."

"Pero bakit nandito ka na? Sinong kasama ni Danica sa ospital?" takang tanong ni
Kira.
                        "Dumating kagabi ang pinsan ko. Looks like kakalapag pa
lang ng eroplanong sinakyan niya bumalik din siya agad nang mabasa ang message ni
Danica. Umalis na ako since hindi na ako kailangan doon."

                        "Hmm." Nag-iba ang tingin niya sa akin. Naging makahulugan


ang kislap sa mga mata niya. Medyo nawala ang ngiti niya.

                        Kumunot ang noo ko. "Bakit ganiyan mo 'ko tingnan?"

                        Huminga siya ng malalim at tinapik ang braso ko. "Huwag


mong sabihin na hindi ka kailangan doon. Ikaw ang tinawagan niya agad. Ibig sabihin
espesyal ka rin kay Danica kahit pa hindi ka niya mahal sa paraang gusto mo."

                        Gulat na napaatras ako. Para niya akong sinuntok. Nanlamig


ako nang magregister sa utak ko ang sinabi niya. "W-what? Ano bang sinasabi mo
Kira?"

                        Bumuntong hininga siya. Naging malungkot ang ngiti. "Gin,


hanggang kailan mo ide-deny ang totoo mong nararamdaman? Pati ba feelings,
kailangan mo ipagkait sa sarili mo? Kapag hindi mo hinarap ang feelings mo, hindi
ka makaka-move on. You are in love with Danica. You have always been in love with
her."

                        Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang ako kay Kira. Then


suddenly I could not breathe. Napaatras ako palayo sa kaniya. Hanggang tumalikod
ako at mabilis na naglakad palayo. Baka sakaling makatakas din ako sa mga sinabi
niya.

                        But still, her words still echoes inside my head. Words


that I tried to ignore for the past five years.
DAY 26
               

September 2. Friday

SINUBUKAN kong huwag isipin masyado pero bumabalik sa isip ko ang mga nangyari
kahapon. Hindi ko na kailangan mag-worry kay baby Louise kasi kagabi lang dumating
si Thorne sa ospital. The moment na nalaman ng pinsan ko na may sakit ang anak
niya, sumakay daw agad siya ng eroplano pabalik. Iniwan si Lolo na for sure hindi
galit. Baka nga natuwa pa 'yon na ganoon ang naging reaction ni Thorne. My cousin
used to be a happy-go-lucky and irresponsible person. Nagbago na siya ngayon.

Ang mas ikina-wo-worry ko ay si Kira. Nag-e-echo sa isip ko ang mga sinabi niya sa
akin kahapon. Nag-re-replay ang eksena na kausap niya ang doktor na kakilala raw
niya noong bata pa siya. Most of all, hindi ko makalimutan ang lungkot na kahalo ng
mga ngiti niya kahapon. What was that for?

"Gin! Good morning!"

Lumingon ako agad. Katulad ng dati, kahit nasa gitna ako ng quadrangle at maraming
estudyante sa paligid, nakita ko agad si Kira. Ngiting ngiti siya at kumakaway pa
habang palapit sa akin.

Pinakatitigan ko ang mukha niya nang nakatayo na siya sa harap ko. I'm tring to see
if the sadness I saw yesterday is still in her face. Pero wala na akong makita.
Either hindi na talaga siya malungkot o... magaling siya magtago ng emosyon na ayaw
niya ipakita.

"Kamusta si baby?"
"She's getting better."

"Pero bakit nandito ka na? Sinong kasama ni Danica sa ospital?" takang tanong ni
Kira.

                        "Dumating kagabi ang pinsan ko. Looks like kakalapag pa


lang ng eroplanong sinakyan niya bumalik din siya agad nang mabasa ang message ni
Danica. Umalis na ako since hindi na ako kailangan doon."

                        "Hmm." Nag-iba ang tingin niya sa akin. Naging makahulugan


ang kislap sa mga mata niya. Medyo nawala ang ngiti niya.

                        Kumunot ang noo ko. "Bakit ganiyan mo 'ko tingnan?"

                        Huminga siya ng malalim at tinapik ang braso ko. "Huwag


mong sabihin na hindi ka kailangan doon. Ikaw ang tinawagan niya agad. Ibig sabihin
espesyal ka rin kay Danica kahit pa hindi ka niya mahal sa paraang gusto mo."

                        Gulat na napaatras ako. Para niya akong sinuntok. Nanlamig


ako nang magregister sa utak ko ang sinabi niya. "W-what? Ano bang sinasabi mo
Kira?"

                        Bumuntong hininga siya. Naging malungkot ang ngiti. "Gin,


hanggang kailan mo ide-deny ang totoo mong nararamdaman? Pati ba feelings,
kailangan mo ipagkait sa sarili mo? Kapag hindi mo hinarap ang feelings mo, hindi
ka makaka-move on. You are in love with Danica. You have always been in love with
her."

                        Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang ako kay Kira. Then


suddenly I could not breathe. Napaatras ako palayo sa kaniya. Hanggang tumalikod
ako at mabilis na naglakad palayo. Baka sakaling makatakas din ako sa mga sinabi
niya.

                        But still, her words still echoes inside my head. Words


that I tried to ignore for the past five years.
DAY 27
               

September 3. Saturday

WALA akong plano na maging close sa kahit na sino pagpasok ko ng college. Umpisa pa
lang, hindi ko na ine-expect na mag-e-enjoy ako. Because being in college means I
still have four years before I can finally work for Lolo's company. Inip na inip na
ang mga magulang ko. Mas lalo na ako. Kasi gusto ko na bumukod ng bahay.

But then that semester of my first year, I met Danica. Magkatabi ang seat namin sa
isang subject. Isang buwan na ni hindi kami tumitingin sa isa't isa. Pareho kaming
hindi interesado sa mga tao sa paligid namin. Hanggang maging partner kami sa isang
project. The moment our eyes met, I felt as if I saw myself. Ang mga mata kasi niya
kapareho ng mga mata ko kapag nakatingin ako sa salamin. I knew then that we are
kindred souls.

Pero hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit lumalim ang feelings ko sa kaniya. It
just... happened. Siguro kasi palagi kami ang magkasama. Siguro kasi siya lang ang
unang babae na naging open talaga ako sa lahat ng tungkol sa buhay ko. Siguro kasi
na-trigger niya ang protective instinct ko. Marami ang pwedeng naging dahilan kung
paanong nauwi sa ganito ang nararamdaman ko para kay Danica. I never dared to
analyze my feelings. Ngayon lang na may nag-point out sa akin ng tungkol dito.
Besides, gusto kong maniwala na nang sandaling nakita kong masaya siya sa piling ni
Thorne makaka-move on na ako. Hindi ba 'yon kasing dali at simple na gaya ng
iniisip ko?
DAY 28
               

September 4. Sunday

I GOT a call from my cousin this morning. Nakalabas na raw ng ospital ang anak nila
ni Danica. Wala na raw lagnat. Malikot at masigla na uli. Iniimbitahan nila ako mag
dinner sa kanila bukas. After daw ng mga klase ko. As a thank you raw nila sa
mabilis kong pagsugod sa ospital nang tumawag si Danica. Tumanggi ako pero
nagpumilit sila.

"Akala ko nagiging okay na tayo. Bakit tumatanggi ka sa invitation ko?" tanong ni


Thorne.

Hindi na ako nakatanggi. Kasi sa buong buhay namin ng pinsan ko, lately nga lang
kami nag-e-effort na maging malapit. Para kay Danica at sa inaanak ko.

Bumuntong hininga ako. "Oh. Fine."

"Saka ayain mo si Kira ha? Gusto ko rin magpasalamat sa kaniya," biglang sabi ni
Danica. Naka-speaker phone kasi ang mag-asawa.

Hindi ako nakasagot. Naalala ko ang huling beses na pagkikita at pag-uusap namin ni
Kira. May bumara sa lalamunan ko at nanlamig ako. Hindi ko alam kung paano ko siya
haharapin uli. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero parang may asido sa sikmura ko
kapag naiisip ko na siya pa ang nag-point out sa akin ng feelings ko. For some
reason the situation felt so... wrong.

"Gin? Nandiyan ka pa ba?"

Tumikhim ako. "I don't know kung sasama siya sa akin. Baka may iba siyang plano
bukas."

"Pilitin mo siya. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kaniya. Besides, gusto kong


makilala ng husto ang girlfriend mo," sabi ni Thorne.

Nanlaki ang mga mata ko. "Kira is not my –"

"Gin. Basta bukas ha? See you!" putol ni Danica sa sasabihin ko. Then they ended
the call.

Bumuntong hininga ako. Sandaling napatitig sa cellphone. Saka ko tinawagan si Kira.


Ilang ring bago siya sumagot.

"Gin?"

May bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang boses niya. Sandaling na-blangko ang
isip ko.

"Hello?"

Tumikhim ako. "Kira, may gagawin ka ba bukas pagkatapos ng klase mo?"

Ilang segundong katahimikan bago siya sumagot. "Wala naman. Bakit?"


Huminga ako ng malalim at kahit parang may humahalukay sa sikmura ko sinabi ko sa
kaniya ang invitation nina Danica. "It's okay kung hindi ka sasama. Sasabihin ko na
lang sa kanila."

"Ayaw mo ba ako sumama?" malumanay na tanong ni Kira.

Para akong sinuntok sa dibdib. "That's not what I mean. Naisip ko lang na kung
hindi ka komportable na –"

"Bakit naman ako hindi magiging komportable?"

                        Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam." Ano ba kasing


sinasabi ko? God, I don't understand myself. "Sorry."

                        "Gin, ikaw ba, magiging uncomfortable ka ba kung sasama


ako? Kasi kung oo, tatanggi ako. Because I don't want to make you uncomfortable.
Hindi 'yon ang intention ko nang sabihin ko sa 'yo ang feelings mo. It was... a
selfish act on my part."

                        Natigilan ako. "Seflish act? In what way?"

                        Mahinang tumawa si Kira sa kabilang linya. "Nothing. Ano,


gusto mo ba akong sumama o hindi?"

                        Bakit ba binabalik niya sa akin ang tanong? Huminga ako ng


malalim. "Come with me." Pagkasabi ko 'non saka ko lang nasiguro na 'yon talaga ang
gusto ko. Naramdaman ko.

                        "Okay."

Kahit hindi ko siya nakikita, may palagay ako na nakangiti si Kira. Kahit papaano,
gumaan ang pakiramdam ko sa isiping 'yon.
DAY 29
               

September 5. Monday

HAPON na kami nagkita ni Kira sa parking lot ng Richdale University. Our eyes met
and she smiled. Pero hindi siya nagsalita. Hindi ko rin alam kung ano ang
sasabihin. Ang awkward. Tumikhim ako at binuksan ang pinto ng passenger's seat.
"Get in."

Again, ngiti ang sagot ni Kira bago lumapit at sumakay sa kotse ko. Pagkasara ko ng
pinto huminga ako ng malalim bago umikot naman sa driver's seat.

                        Tahimik ang naging biyahe namin. Pagpasok sa subdivision


nila Danica saka lang nagsalita si Kira. "Gin, galit ka ba sa akin?"

                        Kumurap ako at manghang nilingon siya. "What? No."

                        Bumuntong hininga siya at relieved na ngumiti. "Then that's


good. Ayoko na maging ganito tayo ka-awkward sa isa't isa. Balik na tayo sa dati
ha?"

                        Medyo na-guilty ako na siya ang nag-e-effort para mawala


ang ilangan namin. Ngumiti ako at apologetic siyang tiningnan. "Sorry. Ako ang
unang nailang. Huwag ka na mag-worry. We're good, okay?"

                        Tumango siya at lumawak ang ngiti.


                        MASAYA kaming binati ni Danica pagdating namin sa bahay
nila. Niyakap niya ako. Ganoon din ang ginawa niya kay Kira na halatang nagulat.
Namula rin ang mukha niya at parang hindi alam ang gagawin. Lalo na nang si Thorne
naman ang nakangiting yumakap sa kaniya. It was a friendly hug. Pero ewan ko ba
kung bakit na-tense ako at muntik na hatakin palayo si Kira mula sa pinsan ko.

                        Masarap ang dinner. Si Manang Yolly ang nagluto. Si baby


Louise naman masigla na nga kasi takbo na ng takbo at hagikhik ng hagikhik. For
some reason mabilis na naging malapit ang bata kay Kira. On the other hand, mukhang
ang bata rin ang dahilan kaya naging at ease si Kira. Naging tunay na kasi ang
ngiti at kasiglahan niya na alam kong pilit lang kaninang nasa kotse kami.

                        Alas nuwebe ng gabi na kami nakapagpaalam na uuwi na.


Naging attached na si Louise kay Kira at umiyak ang bata nang palabas na kami ng
bahay. Napatagal kami ng ten minutes kasi kinarga pa niya ang baby hanggang sumama
na uli si Louise kay Danica. Bago kami umalis nagpalitan ng matamis na ngiti ang
dalawang babae.

                        "Did you have fun?" tanong ko kay Kira habang nasa biyahe
kami papunta na sa subdivision nila.

                        Matamis siyang ngumiti at sunod-sunod na tumango. "They


make a good and happy family. I'm sure magiging maganda ang paglaki ni baby Louise
kasi mahal na mahal siya ng parents niya. Nakaka-shock rin ang pagbabago ng pinsan
mo. Ibang iba sa infamous chickboy na naririnig kong pinag-uusapan ng mga
estudyante dati. At si Danica..." Nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata niya
habang nakatitig sa akin. "She's an amazing woman. No wonder you fell in love with
her. You have good taste, Gin."

                        May bumara sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim.


Narealize ko na hindi ko naman kailangan mag deny. Tama si Kira. Kahit ba sarili
kong feelings kailangan ko ipagkait sa sarili ko?

                        Nakarating na kami sa gate ng subdivision nila. Ipinarada


ko sa gilid ng kalsada ang kotse ko. Pinatay ko ang makina at humarap kay Kira na
mukhang nagulat sa ginawa ko. Nakahawak na kasi siya sa seatbelt niya at ready na
bumaba. Pero siguro may nakita siya sa mukha ko kaya kahit inalis niya ang seatbelt
hindi naman siya umalis. Pumihit pa nga siya paharap sa akin. Hinintay ako
magsalita.

                        "I know that she's a wonderful person. That's why I don't


regret that Danica is...." Tumikhim ako. Huminga ng malalim at mahinang nagpatuloy
magsalita. "She's my first love."

                        There. I finally said it.

                        May kumislap na emosyon sa mga mata ni Kira at naging


masuyo ang ngiti. "Wala ka bang balak sabihin sa kaniya?"

                        I laughed humorlessly. "Para saan pa?"

                        "To tie lose ends. Kasi hangga't hindi mo sinasabi sa


kaniya ang feelings mo patuloy kang magkakaroon ng lingering feelings for her. Ah,
pero kung ayaw mo talaga maka-move on sa kaniya at gusto mo lang talaga siya
mahalin ng lihim, ibang kaso 'yon."

                        Umiling ako. "Hindi sa ayokong maka-move on. May tao bang


ganon? Willing magmahal ng isang tao na alam niyang hindi naman siya mamahalin? May
tao bang kuntentong magmahal ng lihim?"

                        "Oo naman," sagot ni Kira. Naging misteryosa ang ngiti.


"There is a kind of love that is too precious that you don't want to let it go.
Kahit na walang pag-asa masuklian."

                        Umangat ang gilid ng mga labi ko. "Hindi ako ang tipo ng
tao na magpapakalunod sa sakit ng unrequited love. Besides, magiging burden din ang
love na 'yon sa taong hindi kayang suklian ang feelings mo." May kumislap na sakit
sa mga mata ni Kira. Hindi ko alam kung para saan. Bumuntong hininga ako. "I want
to move on from my first love. It's the only option for me right now."

                        "Kaya nga kailangan mo sabihin sa kaniya. Hindi lang naman


sa magkarelasyon may closure eh. Kahit ang may unrequited love kailangan din ng
closure."

                        Tumitig ako sa labas ng kotse. "I think that's selfishness,


Kira. Magkakaroon ako ng closure kapag sinabi ko. But it will surely bother her.   
Masaya na siya sa pamilyang nabuo niya. I don't want to make her uncomfortable.
Ayokong dalhin niya ang bigat na kasama ng pagsasabi ko ng feelings ko."

                        "What's wrong with being selfish once in a while? Kailan ka


naging selfish sa buong buhay mo?"

                        Never.

                        Bumuntong hininga ako. "Kira, bakit ba gusto mong sabihin


ko sa kaniya?"

                        "Kasi gusto kong mag move on ka."

                        "Bakit gusto mong mag move on ako?"

                        "Para magawa mo nang tumingin sa iba."

                        Mahina akong natawa. "Kanino naman ako titingin?"

Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya. Bumara sa lalamunan ko ang tawa at
napatitig sa mukha ni Kira. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita.

                        "This is how to be selfish, Gin." Nagulat ako nang bigla


siyang lumiyad palapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang
mga mata ko. Nang ilayo niya ang mukha sa akin matamis siyang ngumiti. "Good
night."

                        Then bago pa ako makapag-react binuksan na niya ang pinto


sa side niya at bumaba sa kotse ko. Halos patakbo siyang lumapit sa gate ng
subdivision, lumingon sandali sa kaniya, kumaway, at saka tuluyang nawala sa
paningin ko.

                        Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang hindi


naaksidente. Lutang kasi ang utak ko. The feel of her kiss is still lingering in my
cheek.
DAY 30
               

September 6. Tuesday

WHY did she kiss me? Does that mean she likes me?
                        Napatingin ako sa labas ng bintana ng kuwarto ko habang
binabalikan sa isip ko ang nangyari kagabi. Nagulat ako nang makita ko ang
repleksiyon ko.

I realized that I am smiling.


DAY 31
               

September 7. Wednesday

                        INIIWASAN yata ako ni Kira. Dati palagi kaming nagkikita sa


campus kahit na napakalaki ng Richdale University. Pero ngayon, hindi ko siya
makita kahit saan. Hindi rin siya nag-re-reply sa mga message ko. Kahit ang tawag
ko hindi niya sinasagot.

                        Alam ko na hindi siya absent. Kasi nakasalubong ko si


professor Victoria at natanong ko kung nakita niya si Kira. Oo raw. Kagagaling nga
lang daw sa faculty area. Lalo ko lang na-confirm na iniiwasan niya ako.

                        Pero kung akala niya hindi ko siya makikita sa campus, then


minamaliit niya siguro ako. By lunch time, nang hindi ko pa rin siya makita
nagpunta ako sa rooftop kung saan niya ako dinala para panoorin ang sunrise.

                        Nandoon nga si Kira. Nakaupo sa isang sulok. Busy na naman


sa planner na palagi niyang dala. Na-curious ako kung ano ba talaga ang isinusulat
niya sa planner na 'yon. Pero mas curious ako kung bakit niya ako iniiwasan. Though
may idea na ako sa rason.

                        Naglakad ako palapit sa kaniya. Ilang hakbang na lang ang


layo ko sa kaniya nang mapansin niya ang presensiya ko. Huminto siya sa pagsusulat
at tumingala. Nanlaki ang mga mata niya, halatang na-tense at namula ang mukha.

                        Napangiti ako. Obvious na nahihiya siya. "If you did


something selfish you should not be ashamed of it afterwards," pabirong sabi ko.   

                        Lalong tumindi ang pamumula ng mukha niya. Lumapit na ako


ng tuluyan at umupo sa tabi niya. I heard her gasp. Parang gusto rin niya tumayo at
lumayo sa akin pero mukhang nakapagpigil siya. "Huwag mo 'kong iwasan."

                        Napatitig siya sa mukha ko. Huminga siya ng malalim at


halatang pinipilit mag-relax. "Hindi kita iniiwasan. Busy lang ako ngayon."

                        Umangat ang mga kilay ko at sinulyapan ang planner niya.


"Busy saan?"

                        Niyakap niya ang planner at itinaas ang noo. "Sa pagsusulat


ng mga gusto kong gawin sa natitirang araw natin biglang friends."

                        Natigilan ako. Napatitig sa mukha niya. Oo nga pala. Eighty


days lang ang 'friendship' namin. Dati araw-araw akong nagbibilang kung ilang araw
na lang ang natitira. Pero ngayon hindi ko na matandaan kung gaano katagal na nga
ba mula nang mapagkasunduan naming maging magkaibigan. Tumikhim ako. "Ilang araw na
lang ba?"

                        "Fifty four days."

                        Medyo sumama ang loob ko na ang bilis niya sumagot. "Bilang


na bilang mo talaga?"
                        Ngumiti si Kira. "Oo."

                        "Hmmm. So ano ang mga nakasulat diyan na gusto mong gawin


natin?"

                        "Hindi ko pa pwedeng sabihin sa 'yo." Tumayo na siya.

Napatayo rin ako.    "Bakit?"

Nilingon niya ako. Namumula na naman ang mukha niya pero kumislap ang determinasyon
sa mga mata. Then she smiled. "Kasi gusto ko na-su-surprise ka."

Napatitig ako sa mukha niya. My heart suddenly began to beat so fast that it was
hard to breathe. Bigla akong parang sinuntok ng realization. Parang bigla lahat ng
mga nararamdaman ko, lahat ng mga naging action ko, lahat ng mga salitang nasabi ko
sa nakaraang isang buwan, lahat nagkaroon ng sense. Like everything is leading me
to just one thing. A huge thing.

Huminga ako ng malalim. "Ang pagdating mo sa buhay ko sobrang sorpresa na para sa


akin, Kira."

Kumurap siya. God, bakit parang ang init ng pakiramdam ko? Parang humapdi ang mga
mata ko na hindi ko maintindihan? Lalo na nang maging masuyo ang ngiti niya at
kumislap sa kakaibang emosyon ang mga mata niya. Hindi siya nagsalita. But at that
moment, hindi kinailangan ng mga salita. It's as if we understood each other even
in silence.

                        That's amazing, isn't it?


DAY 32
               

September 8. Thursday

ALAM ko na kung ano ang dapat kong gawin. To tie lose ends. To finally get my
closure.

Tinawagan ko si Danica para sabihin na magkita kami sa library ng Richdale


University pagkatapos ng klase niya. Wala pang isang oras akong naghihintay,
nagmamadali na siyang dumating at nakalapit sa akin.

"Gin. Wala ka namang klase ngayong araw, 'di ba?" takang tanong niya.

Ngumiti ako. "Wala nga."

Umupo si Danica sa katapat kong upuan. Halatang nagtataka pa rin siya habang
nakatingin sa akin. Iginala ko ang tingin sa loob ng library. Huminga ako ng
malalim saka ibinalik ang atensiyon sa kaniya. "Madalas tayo dito noong first year
tayo, remember?"

Si Danica naman ang tumingin sa paligid. Ngumiti siya, halatang bumabalik sa isip
ang mga alaala. "Oo nga. Noong una palagi tayo dito kasi gumagawa tayo ng project.
Pero after 'non naging tambayan na lang talaga natin ang library. Hindi naman tayo
palagi nag-aaral eh. Madalas nagku-kuwentuhan lang tayo."

Our eyes met. Sa totoo lang, wala na ang Danica na una kong nakilala. Wala na ang
lungkot at pait sa mga mata niya ngayon. Hindi na rin tulad ng dati na ako lang ang
nakakakita ng magagandang katangian niya. Now, everyone can see what an amazing
woman she's growing up to be. Ngayon, palagi na siyang masaya. Kahit na hindi ako
ang dahilan ng kasiyahan niya.

"This is where I fell in love with you, Danica."

Natigilan siya. Napatitig sa akin. "Gin... nagbibiro ka ba?" nakangiting tanong


niya.

Gumanti ako ng ngiti. "No. Seryoso ako. I've been in love with you since we were
first year in college."

Nawala ang ngiti ni Danica. Umawang ang mga labi. Mukhang hindi alam kung ano ang
sasabihin. "G-gin..."

"Ikaw ang unang tao na hinayaan kong makalapit sa akin. You are the first girl who
made me feel like I want to protect something. You are the first person who made me
feel so happy and inspired. You... made going to school tolerable for me, Danica."

Namasa ang mga mata ni Danica. I know she's starting to feel uncomfortable. Alam ko
hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa confession ko. Medyo na-gi-guilty ako
pero nag-decide na ako na sabihin sa kaniya ang totoo. Ayoko na umatras pa.

"Kaya nang malaman ko na nagkakamabutihan kayo ni Thorne during our third year,
nasaktan ako. Nagalit ako sa kaniya hindi lang dahil pinaglaruan ka niya. Nagalit
ako kasi sobra kitang kilala Danica. I know you too well to know that you are
really in love with him. At nang sabihin mo sa akin na buntis ka, na siya ang
ama... it broke my heart into pieces. But I still decided to do my part as your
bestfriend. Ang suportahan ka at siguruhin na palagi kang may masasabihan ng lahat
ng worries mo. Ang protektahan ka para hindi ka masaktan ng kahit na sino, lalo na
ng pinsan ko. Ang pasikreto kang mahalin."

"B-bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa akin? Bakit hindi noon?" mahinang tanong ni
Danica.

Huminga ako ng malalim. "Nawalan ako ng chance na magsabi sa 'yo. Dapat magtatapat
ako ng feelings ko noong third year tayo. I was supposed to invite you again as my
date for the dance party. Pero tumanggi ka. Sabi mo hindi ka interesado umattend
that year. Kaya nagulat ako nang makita kitang dumating sa party na kasama si
Thorne. I'm your bestfriend. I'm supposed to be the closest person to you. Pero
kahit isang beses hindi mo nabanggit na nagkikita pala kayo ng pinsan ko. The next
thing I know, in love ka na sa kaniya. What else can I do?"

Namasa ang mga mata ni Danica. "Then why now? Bakit kailangan mo sabihin sa akin
ngayon?"

Umangat ang gilid ng mga labi ko. Tinitigan ko siya. "I know it's selfish to tell
you my feelings now. Pero may nagsabi sa akin na walang masama maging makasarili
once in a while. Na kailangan ko raw magtapat sa unrequited love ko kahit alam kong
walang pag-asa. Kasi hangga't hindi ko inaamin ang nararamdaman ko, hindi ako
tuluyang makaka-move on. That I will continue to have lingering feelings if I don't
get a proper closure." Sinalubong ko ng tingin ang mga mata ni Danica. Ngumiti ako.
"I was in love with you, Danica. You are my first love. I want you to know that."

Tumitig siya sa akin. Lumunok. Then hindi ko inaasahan ang naging reaction niya.
Ngumiti siya. "Thank you."

Gumanti ako ng ngiti. Huminga siya ng malalim. "I feel so lucky that you loved me.
I'm sorry kasi hindi ko napansin ang nararamdaman mo kahit na sobrang close tayo."

"Hindi mo napansin kasi hindi tayo pareho ng nararamdaman. Naiintindihan ko,


Danica. I am truly happy for you that you found someone you love. Someone that
really loves you too."

Ngumiti siya, inabot ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa at mahigpit na


pinisil ang mga 'yon. "Kaya ang wish ko sa araw-araw, makakita ka rin ng taong
mamahalin mo at mamahalin ka. A kind of love greater than the love you felt for me.
Iyong love na ipaglalaban mo. Iyong love na hindi ka makukuntentong ilihim kasi
gusto mong ipagsigawan sa buong mundo. Iyong love na hindi ka titigil hangga't
hindi napapasayo. Iyong love na hindi ka papayag na maagaw ng iba. I wish for you
to find a love that will make you do crazy and reckless things. A love that will
make you really, really happy."

Gumanti ako ng pisil sa mga kamay niya. "Thank you."

Matagal na tahimik lang kami. Mayamaya ngumiti si Danica. "Nakuha mo ba ang closure
na gusto mo? Sa tingin ko kasi, matagal ka nang naka-move on sa feelings mo para sa
akin, Gin. At alam kong alam mo rin kung paano at kung sino ang dahilan kaya ka
naka-move on."

Gumanti ako ng ngiti. Nagkatitigan kami. Nagkaintindihan. We are bestfriends after


all. Isa 'yon sa mga bagay na hindi mababago kahit kailan. Kaya naging tapat ako sa
kaniya.

"Yes. I know."
DAY 33
               

September 9. Friday

NASA rooftop na naman si Kira. Nakahiga sa sahig at nakatitig sa langit. Hawak niya
ang DSLR camera niya pero hindi naman kumukuha ng picture. Nakatulala lang.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Sinulyapan niya ako. Gumanti ako ng sulyap pero
hindi nagsalita. Sumalampak na lang ako ng upo sa tabi niya. Hindi pa rin siya
tuminag sa pagkakahiga. Ibinalik pa nga ang tingin sa langit.

Umangat ang mga kilay ko. Then I did something na akala ko hindi ko gagawin kahit
kailan. Humiga ako sa sahig katabi niya, paharap sa kalangitan. Naningkit ang mga
mata ko kasi nasilaw ako sa biglang liwanag sa harapan ko. "Paano ka nakakatitig ng
matagal sa langit?"

"Sanayan lang 'yan," sagot ni Kira. Nang sulyapan ko siya nakita kong nakangiti
siya. Napangiti rin ako. Ganoon ang epekto ng ngiti niya sa akin.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

Ibinalik ko ang tingin sa langit. Unti-unti nang nasasanay ang mga mata ko. "Alam
ko lang. I came to report something to you."

"Report? Sa akin? Ano?" Ni hindi niya ako sinulyapan.

Huminga ako ng malalim. "Nag-usap kami ni Danica kahapon. I told her about my
feelings."

Napalingon siya sa akin. Naramdaman ko na na-tense siya. Nilingon ko rin siya. Our
eyes met. Tipid akong ngumiti. "Tama ka. Dapat nga lang na sinabi ko sa kaniya.
Kasi nang maging tapat ako sa sarili ko at sa kaniya, nawala ang bigat sa dibdib
ko. Nawala ang feeling ko na deep inside niloloko ko siya kasi umaakto akong
bestfriend niya kahit may iba naman talaga akong nararamdaman para sa kaniya. Now
that everything is out in the open at wala na akong tinatago, feeling ko mas
nagkaintindihan kami." Mahina akong tumawa. "I was rejected, as expected."

Bumakas ang simpatya sa mukha ni Kira. Then naramdaman kong inabot niya ang isa
kong kamay at pinisil 'yon. "Okay ka lang ba?" mahinang tanong niya.

Akala siguro niya brokenhearted na naman ako. Ngumiti ako at gumanti ng pisil sa
kamay niya. Tumitig uli ako sa langit. Habang tumatagal lalong gumaganda sa
paningin ko ang nakikita ko. Naiintindihan ko na yata kung bakit palaging
nakatingala si Kira. Kung bakit gustong gusto niya kinukunan 'yon ng picture.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko, binuksan ang camera application at
itinaas ang kamay ko para kumuha ng picture.

Click. Click.

"Ginagamit mo ang star," sabi ni Kira na kahit hindi ko nakita alam kong nakangiti.
Narinig ko sa tono niya.

Tumama ang liwanag sa glass ball na cellphone strap ko. Kuminang ang laman 'non sa
loob. "Ibinigay mo sa akin kaya ginamit ko." Besides, it always reminds me of her.
Sa tuwing tinitingnan ko 'yon gumagaan ang pakiramdam ko. Lalo na sa gabi, kapag
naririnig kong nag-aaway ang parents ko at na-te-tempt akong lumabas ng kuwarto ko
para makisabay sa init ng ulo nila. Kahit na alam kong wala rin mangyayari kahit na
sumagot ako. The last time I did, my father punched me in the face.

Kumilos si Kira. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Dinukot din pala niya ang
sariling cellphone at itinaas 'yon hanggang magkadikit ang mga cellphone strap
namin. Kuminang din ang kaniya. "Ayan, binary stars na sila. Nagkatabi rin sila.
I'm sure na-mi-miss na nila ang isa't isa."

Ngumiti ako. Ilang sandaling tumitig lang kami sa mga 'star' namin. Naramdaman kong
nilingon niya ako. Tiningnan ko rin siya. Nakangiti siya at titig na titig sa mukha
ko. "Kung isa kang star, isa kang red dwarf. The coolest star in the Universe."

Umangat ang mga kilay ko. "Bakit naman?"

Pumihit siya hanggang nakatagilid na siya paharap sa akin. Natigilan ako nang
umangat ang isa niyang kamay at magaan na haplusin ng daliri niya ang gilid ng mga
mata ko. "Dahil dito sa singkit at maganda mong mga mata na madalas malamig
tumingin." Then bumaba ang daliri niya sa ilong ko. "Dahil dito sa matangos mong
ilong. Lalo kang mukhang suplado tingnan." Nahigit ko ang hininga ko nang bumaba sa
bibig ko ang haplos niya. "Dahil dito sa mga labi mo na palaging nakatikom at
bihira ngumiti."

Bumalik sa mga mata ko ang tingin niya. "You have always been cold and aloof. But
that only made the girls go crazy for you. Alam mo kung ano ang tawag nila sa'yo?"
pabirong sabi niya.

Umangat ang gilid ng mga labi ko. "Ano?"

"Cold City Boy."

Natawa ako. "Ang corny."

Ngumisi siya. "But they call you that with a twinkle in their eyes, you know. Kilig
na kilig kaya sila. Siguro kasi fantasy ng maraming babae ang makapagpaamo ng
lalaking suplado at hindi palangiti 'no?"

"Well, maybe I'm really a cold city boy." Ngumiti ako. "And you tamed me."
Namula ang mukha niya. Sandaling nagbaba ng tingin na parang nahiya. Lumawak ang
ngiti ko. Tumikhim siya at nag-angat uli ng tingin. "Sa tingin ko sa panlabas lang.
Kasi lahat ng star hindi naman entirely cold talaga." Itinuro niya ang dibdib ko.
Nawala ang tawa ko. Naging masuyo ang ngiti niya. "You are warm here."

May bumara sa lalamunan ko at parang lumobo ang puso ko sa sinabi ni Kira.


Hinawakan ko ang kamay niyang nakaturo sa dibdib ko. Mukhang nagulat siya pero
hindi binawi ang kamay. Pinaglingkis ko ang mga daliri namin at tinitigan ang mga
mata niya. "You are warmer. The warmest person I've ever met. So if you are a
star... then you are a blue dwarf."    Matamis siyang ngumiti. "See? That smile is
really as warm as a blue star."

Humagikhik si Kira. Kumislap ang mga mata niya. Mas bagay siyang ikompara sa isang
bituin kaysa sa akin.

                        Matagal na tahimik lang kaming nakatingin sa isa't isa. Ako


ang tumapos sa katahimikan. "Gusto mo bang pumunta sa Enchanted Kingdom bukas?
Ituloy natin ang dapat lakad natin noong nakaraan."

Natawa si Kira. "Bakit? Kailangan mo nang pang-aliw para mawala ang pagiging
brokenhearted mo?" pabirong tanong niya.

Umangat ang mga kilay ko. "Hindi ako brokenhearted. Yes, I finally got the closure
I need. Pero isa pa sa mga narealize ko nang mag-usap kami ni Danica is that dahan-
dahan na palang nawala ang feelings ko para sa kaniya. Ang natira na lang katulad
nga ng sinabi mo sa akin dati, lingering feelings na tuluyang nawala pagkatapos
namin mag-usap."

Kumurap si Kira. Ngumiti ako. "So? Let's go tomorrow?"

Gumanti siya ng ngiti. Kumislap na ang excitement sa mga mata niya. "Let's go!"
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz
DAY 34
               

September 10. Saturday

SOMEDAY, years from now, the thing I will remember the most about this day is her
laughter. Kahit na maraming ingay sa loob ng amusement park, kahit na halos ang
hirap na magkarinigan, malinaw pa rin sa pandinig ko ang masaya at malutong na tawa
ni Kira. Parang sa mga pelikula. Nag-fe-fade out ang ibang ingay at ang na-a-
amplify at na-fo-focus lang sa bawat eksena ay ang tawa niya.

Obvious na first time niya sa ganitong lugar. Halata kasi ang excitement niya
everytime na pumipila kami para sa isang ride. Hindi siya naiinip kahit ang haba ng
pila. In fact, parang tuwang tuwa pa nga siya na maraming tao sa paligid. Weekend
kasi.

Wala siyang pinalampas na rides. Mula sa mga pambata katulad ng carousel hanggang
sa pinaka-extreme katulad ng roller coaster, sinubukan namin lahat. Nahilo-hilo na
nga ako at ilang ulit na parang bumaligtad ang sikmura ko. Pero ayos lang. Kaya ko
naman tiisin. Kung ngiti at tawa niya ang kapalit, okay lang.

Pagdating ng gabi, ferris wheel na lang ang hindi namin nasasakyan. Gusto niyang
mag-stay hanggang sa fireworks display kaya kahit mahaba ang linya nakipila pa rin
kami para makasakay doon.

"Puro couples ang mga nakapila," bulong ni Kira sa akin.


Kumurap ako at tiningnan ang linya sa harapan namin. Then sa likuran namin. Puro
couples nga. Tumingin ako kay Kira na ngiting ngiti. Umangat ang mga kilay ko.
"Bakit?"

Tiningala niya ako. "Dati kasi, pangarap ko lang ma-experience makipag-date. I want
to experience how it feels like to be part of a 'couple'. Akala ko dati, imposible
para sa akin na mangyari 'to. Pero ngayon nandito na ako." Ngumisi siya. "Kahit na
friends lang tayo, sa tingin ng mga taong nakakakita sa atin, couple din tayo.
Malapit na rin sa pangarap ko kahit papaano."

Napatitig ako sa mukha niya. May bumara sa lalamunan ko kasi parang may lungkot
akong narinig sa boses niya kahit na nakangiti naman siya at nagniningning sa tuwa
ang mga mata niya. No, it's not exactly sadness but more on... longing.

Bigla gusto kong hawakan ang kamay niya. Aabutin ko na nga sana ang kamay niya kaso
bigla nang gumalaw ang pila sa harapan namin. Huminto na ang ferris wheel at turn
na naming mga nakapila para sumakay. Napunta na sa harapan ang atensiyon ni Kira na
excited na naman at kumapit pa sa braso ko. "Makakasakay na rin tayo sa wakas.
Yes!"

Napangiti ako. Then naglakad na kami hanggang makasakay na kami sa ferris wheel.
Huminga ng malalim si Kira nang magsimula na 'yong gumalaw pataas. Tumingin siya sa
labas pero ako sa mukha niya nakatingin. Mas masarap kasi panoorin ang mga emosyon
sa mukha niya kaysa sa view na makikita sa labas.

Napakurap ako nang bigla siyang lumingon sa akin, ngiting ngiti. "Salamat kasi
pinagbigyan mo ako na magpunta dito ha? Hindi ko alam kung kailan uli ako
makakapunta sa amusement park. Kaya hinding hindi ko makakalimutan ang araw na
'to."

"Nabawasan na ba ang nakalista sa planner mo?" pabirong tanong ko.

Ngumisi siya. "Oo. Marami-rami na nga akong nababawas eh."

"Anu-ano na ba ang mga nagawa mo?"

Mukhang nag-isip siya. Itinaas ang mga kamay at parang nagbilang sa mga daliri.
"Mag amusement park, umattend ng party, panoorin ang sunrise, pumuslit sa campus ng
gabi –"

"Wait."    Huminto nga siya at napatitig sa akin. Pinakatitigan ko rin siya. "Ang
sinasabi mong pumuslit sa campus ng gabi... first day of the semester mo ba
ginawa?"

Natigilan siya. Namula ang mukha at tumango. Naningkit ang mga mata ko. "You
remember. Nagkita tayo nang gabing 'yon. Nakita kita sa gitna ng quadrangle,
nakatingala sa langit. You were crying."

Ngumiwi si Kira. Tumikhim pero hindi nagsalita.

"Bakit noong nagkita tayo sa rooftop, umakto ka na parang hindi mo natatandaang


nagkita tayo nang gabing 'yon? Kasi ako natandaan kita kaagad."

Huminga ng malalim si Kira at tumingin sa akin. "Kasi nahiya ako. You saw me...
crying. 'Tapos imbes na lampasan mo ako na parang walang nakita – which I
preferred, to be honest – lumapit ka pa sa akin at inabutan mo ako ng panyo para
pamunas ng luha ko. 'Tapos, hindi ka umalis sa tabi ko hanggang tumigil ako umiyak
at nag-insist pa na ihatid ako palabas ng campus."
"Kasi hindi kita pwedeng iwan 'don na mag-isa. Gabi na 'non at wala nang ibang tao
sa campus. Paano kung may mangyaring masama sa 'yo? Walang makakarinig kahit
sumigaw ka. I did the right thing," katwiran ko.

"Alam ko naman 'yon. Napahiya lang ako kasi nakita mo ako na ganoon ang hitsura ko.
'Tapos hindi ko naman ine-expect na magkikita tayo sa rooftop. Bago pa ako makapag-
isip, nagkunwari na akong hindi ko natatandaan ang nangyari nang gabing 'yon."
Apologetic na ngumiti si Kira. "Sorry na."

Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Wala namang kaso sa akin. Gusto ko lang linawin
ang tungkol doon once and for all."

                        By that time nasa tuktok na ang ferris wheel. Ilang saglit


pa bababa na 'yon at muling iikot paakyat. Tumingin ako sa labas. Tanaw na ang
liwanag mula sa mga building at bahay sa di kalayuan. I looked up further until I
can see the night sky. Maraming stars. Mas marami kaysa sa nakikita ko mula sa
labas ng bintana ng kuwarto ko.

                        "Bakit ka umiiyak habang nakatingala sa langit?" mahinang


tanong ko.

                        Hindi sumagot si Kira pero naramdaman kong napatitig siya


sa akin. So I looked back at her. Naging seryoso ang atmosphere sa pagitan namin.
Hanggang sa huminga siya ng malalim at marahang ngumiti. "May narealize lang kasi
ako nang gabing 'yon habang nakatingala ako sa langit at nakita ko ang mga bituin."
Tumingin siya sa kalangitan sa labas ng ferris wheel. "Ah... The sky is so wide.
Pero kapiranggot na bahagi lang 'yon ng Universe. Kasi nabasa ko sa isang libro na
sa sobrang lawak ng Universe, kakailanganin ng sixty four billion years bago natin
marating ang dulo."

                        Hindi ko napigilan sumagot. "But the Universe is expanding.


Kaya after sixty four billion years, ang dulo na hinahabol ng mga tao, hindi na
'yon ang dulo ng Universe. It would have grown so much bigger that you could never
ever get to the edge."

                        Bumalik ang tingin sa akin ni Kira at humahangang ngumiti.


"Pero hindi 'yon ang naging realization ko nang gabing 'yon. Naiyak ako kasi
narealize ko na napaka-swerte ko na buhay ako at nag-e-exist kahit pa parang isang
butil lang ako ng alikabok sa sobrang lawak ng Universe. I'm alive and I'm
breathing. Sobrang nakaka-amaze na nakaka-overwhelm. The next thing I knew umiiyak
na ako."

                        May bumara sa lalamunan ko. Tumagos sa puso ko ang mga


sinabi niya. Napatingin ako sa labas. I've never looked at the fact that my life is
just a speck of dust in this wide Universe in a positive way. In fact, kapag
naiisip ko 'yon minsan, nade-depress ako. Pero si Kira, iba ang pananaw.

Tiningnan ko siya uli. "Nakakabilib ka talaga. Do you know that?"

Matamis na ngiti ang naging sagot ni Kira.

Later, pagkababa namin sa ferris wheel, tahimik namin pinanood ang fireworks
display. Tuwang tuwa na naman si Kira. Napapangiti ako habang nakatitig sa mukha
niya. Then, just because I cannot help myself, I reached for her hand. Gulat na
nilingon niya ako. I smiled even more widely and linked our fingers together.
Iniwas niya ang tingin sa akin, tumingala uli sa fireworks display. Pero hindi niya
binawi ang kamay niya. Then she smiled.
DAY 35
               
September 11. Sunday

                        GABI na ako nakauwi kagabi kaya balak ko sana matulog lang


buong umaga. Kaso bandang alas otso nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
Tumatawag si Lolo. Ayoko sana sagutin kasi masama pa rin ang loob ko na pinatigil
niya akong pumasok sa kompanya. But I know I should not ignore his call. Kaya
sinagot ko ang tawag niya.

                        "Meet me at my office before lunch today."

                        "Why?"

                        "I want to talk to you. Don't be late." Then tinapos na ni


Lolo ang tawag.

                        Frustrated na napaungol ako at pabagsak na inilapag sa tabi


ko ang cellphone. Napatitig ako sa star na binigay sa akin ni Kira. Medyo nawala
ang frustration ko. Huminga ako ng malalim. Saka tumayo at nagpunta sa banyo para
maligo at magbihis.

Nakababa na ako sa first floor ng bahay namin at palabas na sana nang lapitan ako
ng isa sa kasambahay namin. "Hinihintay ka ng mga magulang mo sa dining room. Nag-
a-almusal sila."

Na-tense ako. "Bakit nandito sila ngayong umaga at sabay pang nag-a-almusal?"
sarcastic na tanong ko.

Hindi sumagot ang kasambahay pero nakikisimpatya niya akong tinapik sa braso. "Sige
na. Puntahan mo saglit bago pa uminit ang mga ulo nila," bulong pa niya.

Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa dining room. Nakaupo nga sa mahabang
lamesa ang parents ko. Nasa magkabilang dulo, may tig-limang upuan na nakapagitan
sa kanila. Mas mukha silang estranghero sa isa't isa kesa mag-asawa. Why did they
marry each other if they will live like this, anyway?

"Mabuti naman at gising ka na, Eugine. Sit down and have breakfast," sabi ni Papa.

Hindi ako tuminag mula sa pagkakatayo ko sa bukana ng dining room. "Lolo wants to
see me. Paalis na ako."

"What for?" nakataas ang kilay na tanong ni Mama.

"Kahit sabihin niya sa'yo hindi mo rin naman maiintindihan. It's about business for
sure. Puro pagwawaldas lang naman ng pera ang alam mo."

Mariing tumikom ang bibig ni Mama sa pasaring ni Papa. "I am your wife. Dapat lang
na gastusan mo ako."

"Ha! Iyan lang naman ang dahilan kaya pinakasalan mo ako. I am so ashamed that I
fell into your trap. Tama sila. You are nothing but a gold digger."

Malakas na hinampas ni Mama ang mga kamay sa lamesa at tumayo. "At ikaw, akala mo
hindi ko alam kung ilan ang naging babae mo sa loob ng twenty years? Huwag ka
magmalinis! Kahit ngayon alam ko na may kabit ka!"

"Shut up!" sigaw ni Papa na hinampas rin ang lamesa at tumayo. Nagsimula nang
manumbat at magmura ang parents ko. Any minute now magbabatuhan na sila ng kahit
anong mahahablot nila sa lamesa. Marami na namang mababasag na pinggan. Marami na
namang kailangang linisin ang mga kasambahay.       

I clenched my fists. Parang lumolobo ang ulo ko. Parang puputok ang dibdib ko sa
sobrang galit, frustration at pagrerebelde. This is my life for twenty freaking
years. Nakakasawa na.

Hindi ko alam kung sino ang unang nagbato ng pinggan. Basta nakaiwas ang binato at
tumama 'yon sa pader. Nag-echo ang ingay ng pagkakapira-piraso 'non. Tumalikod ako
at mabilis na lumabas ng dining room at palabas pa ng bahay. I never looked back.

KUMUNOT ang noo ni Lolo pagpasok ko sa opisina niya. "What's wrong with you?"

"Nothing."

"Liar. Sit down."

Humugot ako ng malalim na paghinga at umupo sa tapat ng lamesa ni Lolo. "Ano po ang
gusto niyong sabihin sa akin at pinapunta niyo ako rito?"

Tinitigan niya ako. Nailang ako pero hindi ko iniwas ang tingin ko. "I want to see
kung totoo ang binalita sa akin nina Thorne at Danica. But looks like something
happened today. Hindi ko kasi makita ang gusto kong makita ngayon sa mukha mo."

"I don't know what you mean by that, Lolo."

Bumuntong hininga siya. "Nag-aaway na naman ba ang parents mo? Ganiyan palagi ang
hitsura mo kapag may gulo sa bahay niyo."

Mariin kong itinikom ang bibig ko at naningkit ang mga mata ko. "You knew." Alam ko
pasumbat ang naging dating ng tono ko pero wala akong pakielam. "Alam niyo na
lumaki akong halos magpatayan araw-araw ang mga magulang ko kapag nagkikita sila.
You knew I've been living in hell but you didn't do anything."

Bumuntong hininga uli si Lolo. "It's not that I didn't do anything, Eugine. Ilang
beses ko na sinabihan ang mga magulang mo na maghiwalay na lang kung talagang hindi
na nila kayang pakisamahan ang isa't isa. Pero ayaw nila. Ilang beses kong sinabi
sa kanila na kukunin na lang kita pero tumanggi sila. They are afraid..."

"Afraid what?"

Bumakas ang galit sa mukha ni Lolo. "They are afraid that I will not give them
anymore money kapag nasa poder na kita. Alam ng parents mo na kaya ko kinukunsinti
ang pagiging gastador nila ay dahil hindi ko kayang tiisin na alisan sila ng
allowance dahil sa 'yo. Because until you are at the right age that is acceptable
for our family, I cannot give you the full control of your assets."

"You know I don't need those assets, Lolo. What I need is freedom. Ang gusto ko
lang naman makapagtrabaho at kumita ng pera na pinaghirapan ko. Ang gusto ko
makaalis na ako sa bahay na 'yon. Ang gusto ko lang mabuhay ng tahimik at malayo sa
intriga na palaging dala ng parents ko kahit saan sila magpunta. I just want to be
free!" Napahinga ako ng malalim nang marealize ko na sumisigaw ako. Inis na nagulo
ko ang buhok ko. "Pero ano ang ginawa niyo Lolo? Dapat nagtatrabaho na ako ngayon
pero pinabalik niyo ako sa school. Then inalis niyo pa ako bilang intern. So what
am I supposed to do now?"

Tinitigan niya ako. "Marami kang pwedeng gawin imbes na magkulong sa bahay, Eugine.
Ano pa ang silbi ng pagbibigay ko sa iyo ng maraming libreng oras kung hindi ka
lalabas ng bahay? You want freedom? I'm giving you freedom. Pero hindi mo naman
yata ginagamit ang kalayaan na binigay ko sa 'yo. Pinabalik kita sa school dahil
gusto ko na kahit dalawang taon lang, ma-enjoy mo ang buhay mo bago ka sumabak sa
trabaho. You never got the chance to enjoy your youth. Not the way your cousin did.
You were too strict and too hard on yourself. Naiintindihan ko naman kung bakit.
Alam ko na ayaw mong magkamali. Na ayaw mong may masabing masama ang mga kamag-anak
natin tungkol sa'yo. Na gusto mong patunayan na ang worth mo ay hindi kasing baba
ng tingin nila sa Mama mo. I understand, Eugine. At patawad na kahit anong gawin ko
hindi ko mabago ang ugali ng mga kamag-anak natin. I'm sorry that I wasn't able to
protect your from their malicious opinions about you."

May bumara sa lalamunan ko. Sumikip at sumakit ang dibdib ko. Huminga ako ng
malalim pero hindi pa rin nawala ang hapdi sa puso ko. Tinitigan ako ni Lolo.
Lumambot ang expression niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Alam ko na maiksi ang two years as a Graduate student pero gusto ko pa rin ibigay
sa'yo ang chance na mabuhay na walang iniisip na responsibilidad, Eugine. I want
you to go easy on yourself. Being young is something na pagdadaanan mo lang ng
isang beses sa buhay mo. Someday you will look back on your life and you will long
for those days when you were young. Pero hindi ka makakabalik sa nakaraan kahit pa
gustuhin mo. So you might as well create as many memories as you can while you
still can. Para pagtanda mo, marami kang baon."

Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumitaw sa isip ko ang mukha ni Kira. Naalala
ko ang nakangiti niyang mukha at ang excitement niya everytime na may nagagawa
kaming nakalista sa planner niya.

Ganoon din ba ang ginagawa niya? Gumagawa ng memories na babaunin niya sa pagtanda?
Katulad ko ba hindi siya nagkaroon ng chance na i-enjoy ang youth niya kaya ngayon
humahabol siya habang nasa 'in-between' kami ng buhay namin? Habang nasa transition
phase kami ng buhay namin?

Suddenly, I remembered the feel of her hands against mine. I remembered the
emotions I felt last night. Noong kaming dalawa lang sa ferris wheel at noong
nanonood kami ng fireworks display. Unti-unti naramdaman kong kumalma ako. Ang
bigat ng dibdib ko dahan-dahang gumagaan. Ang mga muscle ko, na-relax. Huminga ako
ng malalim.

"Who is she?"

Kumurap ako at na-focus ang tingin ko sa mukha ni Lolo. Nakangiti na siya habang
nakatitig sa mukha ko.

"Who what?"

"Ang babaeng isipin mo pa lang kumakalma ka na. You thought of her just now,
right?"

Hindi ako nakapagsalita. I look away because I got flustered. Hindi ako komportable
na ganito ang topic ng usapan namin ni Lolo.

"Ang sabi sa akin nina Thorne at Danica may girlfriend ka na raw. Let's have lunch
together one of these days."

Na-tense na naman ako. "Kung kasama ang parents ko, huwag na lang." Wala akong
balak iharap sa kanila si Kira. Lalo at alam kong may masasabi silang makakasakit
sa kaniya. I won't allow them to hurt her in any way.   

Ngumiti si Lolo. "Then tayo na lang ng girlfriend mo ang mag-lunch."

Bumuntong hininga ako. "Fine." Lumawak ang ngiti niya. Napangiti na rin tuloy ako.
"Ah. I like that expression on your face. And I like that smile. She must be an
amazing girl."

Ngumisi ako. "She really is."

Hindi ko pa nga lang siya girlfriend. Hindi bale, magagawan ko naman 'yon ng
paraan. Soon.   
DAY 36
               

September 12. Monday

"HINDI ka ba na-ku-curious kung ano ang feeling na lumangoy sa school swimming pool
sa gabi? 'Yung tipong dahil wala namang ibang tao pwede ka pa lumangoy na walang
kahit na anong suot? Gusto ko ma-experience!"

Nahirinan ako. Napatingin sa amin ang ibang estudyante na kumakain sa Strawberry


Kiss. Nanlaki ang mga mata ni Kira, napatayo palapit sa akin at marahang tinapik-
tapik ang likod ko. "Okay ka lang, Gin?" worried na tanong niya.

Ilang beses pa ako naubo bago ko nagawang uminom ng tubig at makahinga ng maayos.
Saka ko tiningala si Kira. "You surprised me."

Kumunot ang noo niya. Then natawa at bumalik uli sa upuan niya. "Sorry naman. Pero
seryoso ako. " Lumiyad siya palapit sa akin hanggang halos magkadikit na ang mga
mukha namin. Bumulong siya. "I want to sneak inside the campus at night. Gusto ko
mag skinny dipping. Parang ang exciting, 'di ba?"

Mukha ngang excited siya. Tumikhim ako. "Kira. You can sneak inside the campus but
I will accompany you. Hindi ako papayag na pumunta ka nang mag-isa."

"Of course! Isasama naman talaga kita," nakangising sagot niya. Nakahinga ako ng
maluwag. "Kailangan natin makuha ang susi para sa Olympic pool." Natigilan ako.
Napatitig ako sa mukha ni Kira. Mukhang nag-iisip na siya ng kung anu-anong paraan
para makuha ang susi.   

Baka kung saan pa mapunta ang imagination niya kaya bumuntong hininga ako. "Ako na
ang bahala sa susi."

Kumurap siya at tumitig sa akin. Namilog ang mga mata niya at malawak na ngumiti.
"Talaga?"

"Oo nga."

Impit siyang tumili sa sobrang saya. Napangiti tuloy ako. "Hindi lang swimming ang
pwede nating gawin. We can bring something. Basta lang dadalhin din natin paalis
para walang maiiwang sign na nagpunta tayo doon."

Lumawak ang ngiti ni Kira, napakagat labi at kumislap ang mga mata. Narealize ko na
nagustuhan niya ang idea ko. "Pwede tayo magdala ng snack saka..." Lalo pa niyang
inilapit ang mukha sa akin. So close that I can feel her breath against my face.
Kumabog ang dibdib ko. Hindi ako nakakilos at napatitig lang sa mga mata niya. I
bet she doesn't know the effect of her nearness. "Magdala tayo ng beer."

Kumurap ako. Napahinga ng malalim. "What?"

Lumayo na siya sa akin at umayos ng upo. "I'm already twenty pero hindi pa ako
nakakatikim 'non kahit kailan eh. Gusto ko subukan kahit isang beses lang."
Kumunot ang noo ko. "Isang bote lang."

Ngumiti si Kira at sunod-sunod na tumango. Itinaas pa ang isang kamay na parang


namamanata. "Promise."

Tumango ako. "Fine. Ako na ang bahala."

"Gin...." Halatang touched na touched siya nang sabihin ang pangalan ko. "Thank
you."

I smiled softly. Bago ko pa narealize kung ano ang ginagawa ko umangat na ang kamay
ko at magaan na hinaplos ang pisngi niya. Natigilan siya at napakurap. Napahinto
rin ako. Nanlaki ang mga mata ko. I am so surprised with myself. Binawi ko ang
kamay ko at tumikhim. "There's something in your cheek." Kumuha ako ng tissue at
nagkunwaring nagpunas ng kamay.

Kumurap si Kira at napahaplos sa pisngi niya. "Ah... okay." Tumikhim siya. Tumikhim
din ako. We stared at each other. Akala ko magiging awkward na naman. Pero iba ang
nangyari.

Nagkangitian kami.       
DAY 37

               

September 13. Tuesday

                  SA pangalawang pagkakataon, pumuslit kami sa loob ng Richdale


University ng gabi. Siguro kasi nagawa na namin dati kaya naging madali na para sa
amin ang umakyat sa pader ng campus. Hindi kami nagmamadali habang naglalakad
papunta sa Olympic swimming pool. Nag-ha-hum pa si Kira at patinga-tingala sa
kalangitan. Napapatingala rin tuloy ako. There are a lot of stars and the full moon
is brightly shining.

                        "Thank you ha," sabi ni Kira.

                        Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako. "Hindi pa nga tayo


nakakapagsimula, nagpapasalamat ka na?"

                        Ngumisi siya at sinulyapan ang plastic bag na dala ko.


Dalawang bottled beer at ilang junk foods. "The fact na pumayag kang sumama sa akin
at sinasakyan mo palagi ang mga trip kong gawin, sapat na para mag-thank you ako
sa'yo kahit ilang ulit pa."

                        Natawa ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Masyado kaming


malapit sa isa't isa na may mga pagkakataong halos magdikit na ang mga braso at
kamay namin. Madalas napapasulyap ako sa kamay niya. Madalas nate-tempt akong
abutin 'yon. Napipigilan ko lang ang sarili ko. I don't think it's the right time
to suddenly hold her hand.

                        Nakarating kami sa open gym kung nasaan ang swimming pool.


Ginamit ko ang susi na nahiram ko sa guard para buksan ang maliit na pinto na
usually dinadaanan ng cleaning personnel. Pumasok kami at naglakad hanggang
makarating kami sa gilid ng pool.

                        Walang nakabukas na ilaw at wala kaming balak magbukas kasi


mahahalata kami. Kaya nga nagdala kami ng maliit na battery operated lamp. Pero
mukhang hindi naman kailangan. Kasi maliwanag ang paligid dahil sa liwanag na
galing sa buwan. In fact, the round shape of the moon is reflected in the surface
of the water.

                        "Ang ganda," manghang usal ni Kira.

                        Napangiti ako. Alam ko kasi na 'yon ang magiging reaction


niya. Tumalikod ako kay Kira para ilapag sa sahig ang portable lamp na dala namin.
Ganoon din ang plastic bag ng beer at junkfoods. "Hanggang ten o'clock lang tayo
ha. Napapadalas ang pag-uwi mo nang madaling araw. Kung ako ang parents mo
magagalit ako sa kasama mo. Babae ka pa naman at lalaki ako – " Napahinto ako sa
pagsasalita at para akong sinuntok sa sikmura kasi pagpihit ko paharap kay Kira
itinataas na ang laylayan ng blouse na suot niya! "Hey! Stop!"

                        Huminto siya at gulat na lumingon sa akin. "Bakit? Gusto ko


na mag-swimming eh."

                        Lumunok ako. "A-are you really gonna swim... naked?"

                        Ginala niya ang tingin sa paligid. "Wala namang ibang tao


eh."

                        Frustrated na tinapik ko ang dibdib ko. "I'm here."

                        "Obviously." Kumilos na naman siya para itaas uli ang


blouse.

Inis na ginulo ko ang buhok ko. "Lalaki rin ako, Kira! Be cautious of me, for God's
sake."

                        Hinubad pa rin niya ang blouse. Natigilan ako nang makitang


may suot naman pala siyang tank top na panligo. Nanlambot ang mga tuhod ko sa
sobrang relief. Malutong na tumawa si Kira. She was obviously teasing me. Hinubad
din niya ang jeans. May swimming shorts siya sa loob. Nag-inat siya, tumingala sa
langit at ngumiti. "Tonight is a good night." Pumikit siya at huminga ng malalim.

                        Hindi ko maalis ang tingin sa mukha niya. She's so


beautiful. Pero... "Kung talagang maganda ang gabing ito sa tingin mo, bakit may
lungkot ang ngiti mo?"

                        Dumilat siya at lumingon sa akin. Hindi nawala ang ngiti


niya. "Beautiful things make me sad, Gin. Especially beautiful moments like this.
Kasi alam ko na sandali lang 'to at kahit gustuhin kong bumalik sa sandaling 'to
alam ko na hindi pwede. Kasi... I will always miss moments such as this kapag..."
Huminga siya ng malalim at tumingala uli sa langit.

                        "Kapag ano?"

                        Hindi siya sumagot.

                        "Kira?"

                        Humarap na siya sa akin at ngumiti. "Kapag hindi na uli ako


pwedeng magpaka-reckless na gaya ngayon." Naglakad siya palapit sa akin. "Bakit
hindi ka pa naghuhubad? Swimming na tayo. Hanggang ten lang tayo 'di ba?"

                        Kumurap ako. Bumuntong hininga. "Fine." Hinubad ko ang t-


shirt ko. Ngumisi si Kira at naglakad papunta gilid na bahagi ng pool. Naalis ko na
rin ang pantalon ko at iniwan ang swimming trunks ko nang makita kong umupo siya at
isinawsaw ang mga binti sa tubig. Umangat ang mga kilay ko. "Akala ko ba gusto mo
mag swimming? Bakit nakaupo ka lang diyan?"

                        Nilingon niya ako at ngumiwi. "Honestly... hindi ako


marunong lumangoy. Hindi ako nagkaroon ng chance na matuto. Kaya nga gusto ko
pumuslit dito sa swimming pool eh."

                        Tinitigan ko ang mukha niya. Then I smiled. "Tuturuan kita.


Though hindi ko alam kung matuto ka sa loob lang ng ilang oras. But I can teach you
the basics."

                        Halatang natuwa siya. "Game!"

                        Lumusong ako sa tubig. Mabuti na lang mababaw palalim ang


swimming pool at nasa five feet kami kaya hindi naman siya malulunod kung sakali.
Kabado nga lang siya lumusong sa tubig. Kaya nakangiti kong ibinuka ang mga braso
ko para sa kaniya. "Come on. Jump."

                        Ngumisi si Kira at walang pagdadalawang isip na tumalon sa


mga bisig ko. "Ang lamig!" tili niya at humigpit ang kapit sa batok ko. Natawa ako
at sandaling humigpit din ang mga braso ko sa katawan niya bago siya dahan-dahang
binaba hanggang lumapat na ang mga paa niya sa floor ng swimming pool. Hanggang
leeg niya ang tubig.

Tiningala niya ako, hindi lumuluwag ang kapit sa akin. Ngumiti ako. "Relax. Hindi
kita pababayaan."

"Alam ko."

Nagkatitigan kami. Kumabog ang dibdib ko. Nawala ang ngiti ni Kira. May dumaang
emosyon sa mga mata niya na alam kong nakikita niya rin sa mga mata ko.

Uh oh. This situation is very very dangerous. I might kiss her and –

Tumikhim si Kira at lumuwag na ang kapit sa akin. "So... ano ang una kong dapat
malaman kung gusto ko matutong lumangoy?"

Natauhan ako. Tumikhim at umatras para magkaroon kami ng distansiya. "Okay. Listen
carefully."

For the next hour, tinuruan ko siya ng basic sa paglangoy. I even held her hands
while she tries to swim. Nakakamangha kasi fast learner si Kira. By nine thirty,
nakakapag-floating na siya habang nakaalalay ako sa likod niya.

"Wow. This is another good way to look at the stars," ngiting ngiti na sabi ni
Kira.

Natawa ako. "Yup. Next time dapat marunong ka na mag floating na hindi kita hawak
para pati ako makapag-floating at makatingala sa langit. Though huwag na tayo
pumuslit sa pool na 'to ha? Pwede naman kita turuang lumangoy sa legal na paraan.
We can go to a pool kahit once a week hanggang gumaling ka na lumangoy."

Sinulyapan ako ni Kira. "Gaano tatagal 'yon?"

Nag-isip ako. "Kung gusto mo talaga matuto lumangoy... three months siguro ang
pinakamaiksi."

May dumaang lungkot sa mukha niya at ibinalik ang tingin sa langit. "That's too
long. I only have forty eight days left."

Natigilan ako. Napatitig sa mukha niya. "Why? Hindi ba pwedeng mag-extend?"

Tiningnan niya ako. Ngumiti. Then humawak siya sa mga balikat ko at kumilos
hanggang nakalapat na uli sa floor ang mga paa niya. "Inumin na natin ang beer.
Malapit na mag ten o'clock." Bumitaw siya sa akin at nauna nang umahon mula sa
tubig. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kaniya.

Sumalampak siya ng upo sa tabi ng portable lamp. Ilang sandaling tumitig lang ako
sa kaniya. "Ang dami mong itinatago sa akin."

Tiningnan niya rin ako. "Hindi ko naman alam na interesado ka pala malaman ang
tungkol sa akin. Naging friends lang tayo kasi wala kang choice, remember? You are
just tolerating me until our promise ends."

I clenched my fists. Nasaktan ako sa sinabi niya. Nainis. Na-frustrate. "Wala akong
pasensiya sa mga taong hindi ako interesado. You know that, right? Kung hindi ako
interesado sa'yo ni hindi ako papayag sa kasunduan natin kahit pa pilitin ako ni
prof. Victoria. If I don't like you I will not spend time with you. So don't
underestimate me. Don't insult me either."

Mukhang na-guilty si Kira at nagbaba ng tingin. "Sorry."

Huminga ako ng malalim. I need to calm down. Naglakad ako palapit at umupo sa tabi
niya. "Sorry din. I might look uninterested and indifferent to you. Ganito lang
talaga ang hitsura ko. Hindi ko mababago agad." Tiningnan ko siya at tumitig sa mga
mata niya. "Pero Kira, gusto kong malaman mo at gusto kong maniwala ka na espesyal
ka sa akin. Really."

Bumuka ang bibig niya pero mukhang walang maisip na sabihin. Napatitig lang din
siya sa akin. Then she smiled softly, almost... lovingly. My stomach fluttered.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Kira." Hinawakan ko ang kamay niya at inangat 'yon. Hindi ko napigilan ang sarili
ko. I kissed the back of her hand. Narinig ko ang paghigit niya ng hangin pero
hindi niya inaalis ang titig sa mukha ko. I met her gaze. "I like you. Really, I
do. Alam ko na nag-promise ako ng eighty days pero gusto kong makasama ka ng higit
pa sa eighty days. I want to get to know you more. I want to spend more time with
you. I want you to like me too."

Namasa ang mga mata ni Kira. "But I like you already Gin."

Napahinga ako ng malalim at napangisi. I can't help it. Sobrang saya ko kasi.
"Then, would you be my girlfriend?"

Ngumiti siya. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Ready na akong yakapin siya.
Ready na akong halikan siya. Ready na akong huwag pakawalan ang kamay niya. Pero
nag-re-resist ako kasi gusto ko muna marinig ang sagot niya.

"Gin..."

"Yes?"

Tumulo ang luha ni Kira. "I'm sorry. I can't be your girlfriend. Ayoko."

Nawala ang ngiti ko. "Why?"

Umiling siya, binawi ang kamay at tumayo. "Let's go home."


Napatayo ako. "Kira! Tell me why! Hindi kita maintindihan."

Kinuha niya ang mga hinubad na damit at nagmamadaling isinuot ang mga 'yon.
Nanginginig ang mga kamay niya. "Basta."

"I cannot accept that answer." I clenched my fists. "Hindi ako aalis dito hangga't
hindi ka nagpapaliwanag sa akin."

Tapos na siya magbihis. Nilingon niya ako. Umiiyak pa rin siya. "I'm sorry, Gin.
I'm sorry." Then bigla siyang tumakbo palayo sa akin, palabas ng open gym. Manghang
napasunod ako ng tingin sa kaniya. Tapos nagmamadali akong nagbihis. Binitbit ko
ang mga dinala namin doon at tumakbo rin palabas. Natanaw ko siyang tumatakbo pa
rin. Malayo na sa akin. "Kira!" Hindi siya lumingon. Napamura ako at ini-lock ang
pinto.    Saka ako tumakbo pasunod sa kaniya.
DAY 38

               

September 14. Wednesday

I DON'T understand her. Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi ang
mga sinabi niya. At kung bakit ni-reject niya ako kahit sinabi niyang gusto rin
niya ako.

Sinubukan kong hingin ang paliwanag niya kagabi pero umiling lang siya at nakiusap
na huwag na ako magtanong. Na hindi pa siya ready sabihin sa akin. How can I insist
when I saw that she's having a hard time controlling her tears? Kaya nanahimik na
lang ako hanggang maihatid ko siya pauwi.

Hindi ako nakatulog magdamag sa kaka-analyze sa nangyari. It just made me more


frustrated. Lalo sumama ang mood ko nang pagdating ko sa Richdale University hindi
ko nakita kahit saan si Kira. Wala siya sa kahit saang rooftop. Yeah, I checked all
the school buildings before, in between and after my classes. Hindi ko talaga siya
nakita. Hindi rin siya nagre-reply sa messages ko at hindi sumasagot sa mga tawag
ko. Ayokong matapos ang araw na 'to nang hindi ko man lang siya nakakausap. Hindi
ako matatahimik at malamang hindi na naman makakatulog ng matino mamayang gabi.

So as a last try, tumambay ako sa Strawberry Kiss. Nag-message ako sa kaniya na


hihintayin ko siya roon. Hindi siya nag-reply pero decided na akong mag-stay
hanggang dumating siya. O hanggang magsara ang restaurant.

Alas sais ng gabi nakatanggap ako ng message mula kay Kira.

Don't wait for me. I'm not coming.

Mariin kong tinikom ang bibig ko. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Inis
na nagulo ko ang buhok ko. Ano ba talagang problema niya?
DAY 39

               

September 15. Thursday

"KUNG talagang bothered ka, bakit hindi mo siya puntahan? Kung ayaw ka niya
kausapin sa phone eh 'di kausapin mo siya ng personal."

"Hindi ko alam kung saan eksakto ang bahay nila, Danica. Hanggang sa labas lang ng
subdivision nila siya nagpapahatid sa akin."

"Eh 'di itanong mo sa guard."

Frustrated na bumuntong hininga ako. "Sa tingin mo ba hindi ko pa 'yan ginawa?


Nagtanong ako kagabi at kanina rin bago tayo magkita. Ayaw nila sabihin sa akin.
Labag daw sa strict policy ng subdivision ang i-reveal ang address ng mga residente
kung wala raw confirmation mula sa may-ari ng bahay."

Tiningnan ako ni Danica. Obvious ang simpatya sa mga mata niya. Bumuntong hininga
ako at iginala na lang ang tingin sa loob ng Tisay's Restaurant. Mayamaya may
pumasok na grupo ng mga lalaki. Obvious na mga estudyante ng Richdale University.
Besides, kilala ko ang nangunguna sa grupo. Walang estudyante, professors at staff
ng University ang hindi nakakakilala kay Hans Rafael Vidanez. Siya lang naman ang
tagapagmana ng mga Vidanez na siyang may-ari ng Richdale.

Malapit ang mga Alonso sa pamilya niya pero sa totoo lang hindi kami naging malapit
ni Hans kahit kailan. Kahit pa palagi kami nagkikita sa maraming okasyon. Maybe
because of our age gap. Kapag bata ka pa malaki na ang kaibahan ng dalawang taong
age difference.

Babawiin ko na dapat ang tingin ko para mag-focus uli kay Danica nang biglang
lumingon si Hans sa direksiyon ko. Our eyes met. Umangat ang mga kilay ko nang
pumihit siya at maglakad palapit sa lamesa namin. Halatang nagulat si Danica nang
huminto sa tabi namin si Hans. Imposibleng hindi rin siya kilala ng bestfriend ko.

"On a date?" tanong ni Hans sa malamig na tono.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman sa'yo kung ano ang ginagawa ko sa libreng oras ko?"
inis na tanong ko.

"Gin," saway sa akin ni Danica. Then tiningala niya si Hans. "We're just having a
friendly conversation. I'm married."

"Hindi mo kailangan sabihin sa kaniya 'yan. It's none of his business."

Nagmukhang galit si Hans. Sa akin pa rin nakatingin. "It is my business. Kung ayaw
mong pakielaman kita huwag mo na uli lalapitan ang pinsan ko. Ilang araw na siyang
may sakit at ikaw lang ang kasama niya bago mangyari 'yon."

Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang kay Hans habang nagre-register sa utak ko
ang mga sinabi niya. Danica gasped. "Si Kira ba ang tinutukoy mo?" manghang tanong
ng bestfriend ko.

Noon lang siya nilingon ni Hans. "Yes. She's my cousin. She's Kira Marie Vidanez-De
Dios." Then humarap siya sa akin, naniningkit ang mga mata at halatang inis sa
akin. "And she's lying in her bed and sick. Because of you."

Para niya akong sinuntok sa sikmura. Napatayo ako. "Tell me her address." Umangat
ang mga kilay niya. Si Danica mukhang nagulat. Nagulat din ako kasi nanginig ang
boses ko. I can't help it. Walang ibang nagregister sa utak ko sa mga sinabi ni
Hans kung hindi ang fact na may sakit si Kira. "Tell me now," gigil na ulit ko.

Tinitigan ako ni Hans. Then kumuha siya ng ballpen sa bulsa niya, humablot ng
tissue sa lamesa namin at nagsulat doon. "Don't go today. Hindi ka rin nila
papapasukin dahil wala sila sa bahay ngayon. Nagpa-checkup. Go tomorrow." Inabot
niya sa akin ang tissue kung saan niya sinulat ang address ni Kira. Tinitigan niya
uli ako. May dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.
"Be good to her," sabi niya bago tumalikod at naglakad na palayo sa amin.
DAY 40
               

September 16. Friday

NGAYON kahit papaano nagkaroon ng sagot ang mga tanong ko dati tungkol sa pagkatao
ni Kira. Kaya naman pala kilala siya ng mga professors at staff kasi isa siyang
Vidanez sa mother's side niya. Kaya naman pala alam niya kung saang rooftop the
best ang view ng sunrise. Kaya naman pala parang alam na alam niya ang mga pasikot-
sikot sa Richdale University at nakakuha pa ng susi. Kasi parte siya ng pamilya na
may-ari ng school.

But all of that doesn't matter to me now. Mas importante sa akin ang makita si Kira
at masiguro na ayos lang siya. Pumunta ako kahapon sa bahay nila kahit sinabi ni
Hans na huwag ako pumunta. Wala ngang tao. Nag-message at tumawag uli ako kay Kira
pero katulad nang nakaraang mga araw hindi niya ako sinasagot.

Today bumalik ako sa bahay nila. Hindi ko na pinasukan ang afternoon classes ko.
Huminga ako ng malalim at lakas loob na nag-doorbell. May sumagot na kasambahay sa
intercom at magalang akong nagpakilala na kaibigan ako ni Kira. Tumahimik. Then
ibang boses na ang sumunod na nagsalita.

"Kaibigan ka ng anak ko? May I know your name?"

Napaderetso ako ng tayo kahit na hindi naman ako nakikita ng babae na sigurado
akong mother ni Kira. "Eugine Alonso, ma'am. Nakuha ko ho kay Hans ang address
ninyo."

"Oh. Wait lang ha?" Tumahimik sa kabilang dulo ng intercom. Huminga ako ng malalim
at namulsa habang naghihintay.

Ilang minuto lang may lumabas na mula sa front door. Isang may-edad na babae na
habang palapit sa akin narealize ko na nanay siya ni Kira. Magkamukha kasi sila.
Medyo kinabahan ako kasi siya pa ang personal na lumabas para harapin ako.

Binuksan niya ang maliit na gate at nginitian ako. "I know about you, Eugine
Alonso. Come in."

Nakahinga ako ng maluwag. Natawa siya. Obvious na nakita niya ang reaction ko.
Medyo napahiya ako at tumikhim. "Ahm... gusto ko ho kasing kamustahin si Kira. I
heard she got sick."

Nawala ang tawa ng may-edad na babae, bumuntong hininga at naging tipid ang ngiti.
"Nilalagnat siya pero nagpa-inject na siya ng fever medicine kahapon sa ospital."
Tumalikod siya at naglakad papasok sa bahay. Sumunod ako sa kaniya.

Malaki ang bahay ng mga De Dios though mas malaki ang bahay namin. Pero mas gusto
ko ang bahay na 'to. Homey kasi. Iyong tipo ng bahay na alam mong tinitirhan at
tinatambayan ng pamilyang nakatira roon. Ang display sa mga pader, pictures ng mga
miyembro ng pamilya. I particularly like Kira's photos when she was young. Wala
siyang masyadong solo picture. Karamihan kasama niya ang parents niya. Hindi rin
outdoors ang pictures. Halos lahat nasa loob lang ng bahay nila. But at least they
have pictures. They have memories together as a family.

Sa bahay namin walang makikita kahit isang picture frame. Ang disenyo katulad ng
mga bahay na makikitang fine-feature sa magazines. Mukhang display lang lahat ng
mga furniture kasi hindi naman talaga namin ginagamit. May family room kami pero
wala ni isa sa amin ang pumapasok doon para tumambay. There is no sign of a family
living inside our mansion. Maliban na lang kapag nag-aaway ang parents ko. Saka
lang mahahalata na may nakatira pala roon.

"Nasa second floor ang kuwarto ni Kira. Sumunod ka sa akin."

Ibinalik ko ang tingin sa may-edad na babae na paakyat na ng hagdan. Tumikhim ako.


"Ma'am, hindi ho ba dapat ipaalam niyo muna sa kaniya na nandito ako?"

Nilingon niya ako at nakangiting umiling. "Tatanggi siyang makita ka kaya hindi ko
sasabihin sa kaniya." Nasaktan ako sa sinabi niya. Naging sympathetic ang ngiti
niya. "Don't worry. We'll just surprise her." Naglakad na siya uli. Napangiwi ako
pero sumunod naman sa kaniya.

Nakarating kami sa tapat ng kwarto ni Kira. Sandaling kumatok ang mother niya bago
binuksan ang pinto. "Honey, kamusta ang pakiramdam mo?"

"I'm better, Mom." Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Kira. Medyo paos
siya. She must be really really sick the past days. Dahil ba nagtagal kami sa
swimming pool at nalamigan siya ng husto? Na-guilty ako.

"Someone is here to see you," sabi ng Mommy niya.

Huminga ako ng malalim at saka humakbang papasok sa kuwarto. Nakita ko agad si Kira
na paupong nakasandal sa headboard ng kama. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga
nang makita ako. Then bigla siyang nagtalukbong ng kumot. "Mom!" reklamo niya.

"What? Ngayon ka lang may kaibigan na dumalaw sa'yo dito sa bahay. Harapin mo
siya." Tumingin sa akin ang Mommy niya at ngumiti. "Teka maghahanda ako ng pagkain
para sa inyo ha?" Saka mabilis na pumuslit palabas ng kwarto ang may-edad na babae.
Isinara pa ang pinto.

Huminga ako ng malalim at nilingon uli si Kira na nakatalukbong pa rin ng kumot.


"Are you really getting better now?" malumanay na tanong ko.

Nakita kong para siyang na-tense. Then dahan-dahan siyang dumeretso ng upo, inalis
ang kumot sa mukha at tumingin sa akin. Tumango siya. Naglakad ako palapit sa
kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at itinaas ang kamay na parang pinipigilan ako.
"M-magulo ang buhok ko. Hindi pa ako naliligo mula nang huli tayong magkita. Bad
breath ako at –"

"I don't care," putol ko sa mga sinasabi niya. Hindi ako tumigil sa paglalakad
hanggang makaupo na ako sa gilid ng kama niya. Sumandal siya ng todo sa headboard
para siguro magkaroon kami ng distance sa isa't isa. Hinayaan ko na lang siya.

"Bakit ka ba nandito? P-paano mo nalaman kung saan ang bahay namin?"

Tinitigan ko ang mukha niya. Namamaga ang mga mata niya at maputla kahit ang mga
labi. Parang nilamutak ang sikmura ko. "I'm so worried about you. Hindi ka
sumasagot sa mga message at tawag ko. Then nalaman ko na may sakit ka. It must be
because we swam for a long time that night. Nalamigan ka. This is my fault. I'm so
sorry, Kira."

Siya naman ang tumitig sa akin. Unti-unting umusod siya palapit sa akin. Tinapik
niya ang braso ko. "Huwag ka mag-sorry. Hindi mo kasalanan kaya nagkasakit ako.
Mahina lang talaga ang resistensiya ko. Mabilis ako lagnatin lalo na kapag masyado
akong napapagod o kaya nagiging emotional."
Nagtama ang mga paningin namin. Suddenly I remembered the conversation we had that
night. Nang mag-confess ako sa kaniya at i-reject niya ako. May kumislap na guilt
sa mga mata ni Kira at nagbaba ng tingin. Parang nilamutak ang sikmura ko at
sumikip ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim at tumikhim. Awkward.

May kumatok sa pinto ng kwarto at sabay kaming napatingin doon nang bumukas 'yon.
Nakangiting pumasok ang Mommy niya, may dalang tray ng meryenda.    "Kain ka muna
Eugine. Ikaw rin, honey bunch, kain ka na rin." Inilapag ng may-edad na babae sa
bedside table ang tray. Saka nagpaalam na may gagawin daw kaya lumabas uli ng
kwarto.

"I can't believe she's leaving her only daughter alone with a man," reklamo ni
Kira.

Nilingon ko siya. Napangiti ako. Na napansin niya kasi kumunot ang noo niya. "Bakit
ka nakangiti?"

Lumawak ang ngiti ko. "I'm just happy that you're seeing me as a man. That means I
have a chance to change your mind. Ibig sabihin may chance na mapapayag din kita na
maging girlfriend ko."

Namula siya. "G-gin –

"I know you said you can't be my girlfriend. Pero mahal kita. At dahil mahal kita
kaya gusto kong maging mas malalim ang relasyon natin."

Namasa ang mga mata niya. Huminga ako ng malalim. Nasasaktan kasi ako sa reaction
niya pero kailangan ko tatagan ang loob ko. "Hindi kita pinepressure. Hindi naman
ako impatient na tao. Hindi ako lumaking spoiled na lahat ng gusto ko nakukuha ko.
Sanay ako na kung ano lang ang ibinibigay sa akin 'yon lang ang tinatanggap ko. Na
kung ano ang gusto ng iba para sa akin 'yon na rin ang ginagawa ko. I don't argue
with anyone. In fact I avoid doing things that are against what my family wants.
Kaya madalas kahit gustong gusto ko ang isang bagay nakakaya ko i-give up kung
hindi 'yon ang gusto nila para sa akin. Nasanay akong balewalain kung ano ang gusto
ko at kung ano ang binubulong ng puso ko."

"Gin... "

Tipid akong ngumiti. "I'm boring aren't I?" Umiling si Kira. Huminga ako ng
malalim. "But you know, ayoko nang maging boring. Ayoko na maging indifferent.
Ayoko na sumabay lang sa agos. Ikaw ang nagturo sa akin na maging reckless at
maging selfish paminsan-minsan, remember? So you see, I decided that from now on I
will follow my heart. And my heart wants you, Kira."

Hindi siya nakapagsalita. Tumitig lang sa akin. Alam ko kailangan ko pagaangin ang
sitwasyon. Tumayo ako at bumaling sa pagkain na nasa bedside table. "Why don't we
eat? Hindi pa ako nag-la-lunch actually."

"Ay bakit hindi mo sinabi agad? Magpahanda tayo ng heavy meal," sabi ni Kira.

"Huwag na. Okay na ako dito." Nilingon ko si Kira. "Eat with me?"

Sandali siyang tumitig sa akin bago ngumiti at tumango. Napangiti na rin ako. At
least, hindi na kami nagkakailangan.
DAY 41
               

September 17. Saturday


MAY picture si Kira na kahapon ko pa napansin na naka-display sa living room.
Ngayong dumalaw uli ako sa bahay nila at pinaderetso ng Mommy niya sa kwarto niya,
napansin kong may naka-frame din na same picture doon.

Kuha 'yon sa labas ng gate ng Richdale University. May ribbon na naka-pin sa


bandang dibdib niya. Ibig sabihin kinunan ang picture noong freshmen orientation
namin five years ago. Maiksing maiksi ang buhok niya at nakasuot siya ng eyeglasses
na black ang frame. Hindi ko masyado makita ang mga mata niya sa picture kasi
nagreflect ang liwanag sa lens ng salamin niya.

Suddenly, I remembered Kira from when we were freshmen. Kaya naman pala hindi ko
siya matandaan noong nagkita kami uli this semester kasi ibang iba ang ayos niya
noon sa hitsura niya ngayon.

"Kung nagpakita ka sa akin na ganito ang hitsura mo, I'm sure na nakilala kita
agad bilang classmate ko noong first year tayo," sabi ko kay Kira habang nakatingin
sa picture niya. Ngumiti ako. "You were one of the smartest students in our class.
Favorite ka ng professor natin noon. I find you interesting then pero hindi tayo
nagkaroon ng chance makapag-usap noon –"

"At napunta na kay Danica ang buong atensiyon mo kaya nawalan ka na ng interes sa
iba, hindi ba?" dugtong ni Kira.

Natigilan ako. Na-guilty. Kasi tama siya.

Natawa si Kira. "It's okay. Gets ko naman ang charming points ni Danica. Kahit ako,
kung lalaki ako magiging interesado ako sa kaniya. At okay lang din sa akin kahit
hindi mo ako nakilala agad nang magkita tayo uli. Kasi ayoko na uli maging katulad
noong freshman ako na gloomy, mahiyain at nerdy."

Bumaling ako sa kaniya. Nasa kama pa rin siya pero mukhang mas maganda na ang
pakiramdam niya ngayong araw. In fact wala na siyang lagnat. Nagpapalakas na lang.
"Nakakabilib ka talaga. Once na nakapagdecide ka ginagawa mo talaga. You decided to
change and you really did."

Ngumiti si Kira. "Kasi isang beses lang tayo mabubuhay sa mundo. We might as well
do what we want right? Hindi dapat puro nasa isip mo lang ang mga gusto mong gawin.
Kapag may gusto kang baguhin sa buhay mo, hindi mo lang dapat kimkimin 'yon sa loob
mo. Hindi ka dapat mabuhay sa could-have-beens and what-ifs. Hindi ka dapat maging
duwag. You should act on it while you still can."

Tumagos sa dibdib ko ang mga sinabi niya. Tinitigan ko ang mukha niya. I am
suddenly overwhelmed by my feelings for her. Naglakad ako palapit sa kaniya. Nawala
ang ngiti ni Kira. Para bang nababasa niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko
ngayon. Yumuko ako hanggang magkalapit ang mga mukha namin. Nahigit niya ang
hininga at nanlaki ang mga mata pero hindi naman kumilos para lumayo sa akin. "A-
anong ginagawa mo?" bulong niya.

Ngumiti ako. "Ikaw na rin ang nagsabi. If I want something, I should act on it. I
want you, Kira. And I know you like me too. So bakit ka nagiging duwag ngayon?"

Namula ang mukha niya. "H-hindi ako nagiging duwag, okay?"

Umangat ang mga kilay ko. "You are being a coward. Kasi pinipigilan mo ang feelings
mo. Why are you trying to push my feelings away, Kira?"

Namasa ang mga mata niya. Nanginig ang mga labi niya. "S-sabi mo hindi mo 'ko ipe-
pressure?"
Bumuntong hininga ako. Inilayo ko ang mukha sa kaniya at dumeretso ako ng tayo.
Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok ko. "Yeah. Sorry."

Mahabang katahimikan. Tumikhim ako at sinulyapan si Kira. "Babalik ako bukas."

Kumurap siya. "Ah. Pero pupunta ako sa ospital bukas. Check-up para lang
masiguradong okay na talaga ako bago ako pumasok sa Monday."

"Sasamahan kita."

"Gin –"

"Don't argue with me about this, Kira. Sasamahan kita. Susunduin kita bukas. Anong
oras ba ang check-up mo?"

Bumuntong hininga siya. Pero sinabi rin sa akin ang oras. Ngumiti ako at masuyong
hinaplos ang ulo niya. "Then, I'll see you tomorrow."
DAY 42
               

September 18. Sunday

PUMAYAG ang Mommy ni Kira na ako na lang ang sasama sa kaniya sa ospital. Darating
daw kasi ang Daddy niya ngayong araw galing sa isang out of town trip kaya kung
pwede lang gusto ng Mommy niyang maiwan para may maabutang tao sa bahay ang Daddy
niya.

At first nagreklamo si Kira. Nagkatinginan silang mag-ina at parang nag-uusap ang


mga palitan ng tingin. Pero mukhang sa huli nanalo sa silent argument nila ang
Mommy niya. Bumaling na kasi sa akin si Kira at inaya na akong umalis.

Sa ospital kung saan na-confine si baby Louise kami nagpunta. Sabi ni Kira doon daw
kasi nag-du-duty ang family doctor nila. Naningkit ang mga mata ko habang
naglalakad kami papasok sa ospital. "Si doc pogi mo ba ang pupuntahan natin dito?"

Napalingon siya sa akin. Umangat ang mga kilay at nanunuksong ngumiti. "Bakit bigla
mo naman nabanggit si doc pogi?"

Iniwas ko ang tingin ko at namulsa. "Ang close niyo masyado eh." Nakapasok na kami
sa loob ng ospital at umakyat ng hagdan.

"Sinabi ko na sa'yo. Kakilala ko siya noong bata pa ako. I was ten years old then.
Siya naman unang taon as intern sa ospital na 'to."

Natigilan ako at napatitig sa mukha ni Kira. Tiningala niya ako at ngumiti.


"Sakitin kasi ako noong bata pa ako. Palagi ako nako-confine sa ospital na 'to.
That time, si doc pogi ang palaging tumitingin kung okay lang ako. Siyempre bata pa
ako 'non at siya ang pinaka-pogi at mabait na lalaking nakilala ko. Kaya crush na
crush ko siya dati at araw-araw binibigyan ng love letter."

Sumimangot ako.

Natawa siya at umiling. "Pero hindi siya ang doktor ko. Tara na."

Isang matandang lalaki na may mabait at palangiting mga mata ang doktor na
pinuntahan namin. Obvious na matagal nang magkakilala ang dalawa kasi niyakap pa ng
doktor si Kira at affectionate na ginulo ang buhok niya. Then pinakilala niya ako
bilang schoolmate at kaibigan niya. Napunta sa akin ang buong atensiyon ng doktor.
Malawak siyang ngumiti at nakipag-shake hands sa akin.
                        "I'm glad to meet you, Eugine. Ngayon lang ako may
nakilalang kaibigan ni Kira. You must be really special to her."

                        "Doc naman," reklamo ni Kira. Ngumiti ako. Tumawa ang


doktor at hinaplos ang buhok niya.

Tapos tumingin sa akin ang matandang lalaki. "Be good to this girl. Ang tagal ko na
sinasabi sa kaniya na walang masama makipagkaibigan. Ngayon lang yata sinunod ang
payo ko."

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero bigla
akong kinabahan. Narealize ko na maraming hindi sinasabi sa akin si Kira.
Nararamdaman ko na lahat ng mga taong related sa kaniya na nakikilala ko, may hindi
rin sinasabi dahil ayaw nilang malaman ko. Just what is she hiding from me?

Bago magsimula ang check-up ni Kira kinailangan ko lumabas. Sa lobby na lang daw
ako maghintay. So 'yon ang ginawa ko. Thirty minutes lang naman ako naghintay.
Lumabas na rin agad si Kira. Hindi siya agad lumingon sa kinatatayuan ko. Nakita
kong natulala muna siya ng ilang sandali bago huminga ng malalim at iginala ang
tingin para siguro hanapin ako. She smiled happily when she saw me. Tapos lumapit
na siya sa akin at ipinakita ang medical certificate. "Magaling na ako! Pwede na
akong pumasok sa Monday. Nanghingi ako ng certificate para ipakita sa parents ko."

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Then, ihahatid na ba kita pauwi?"

Tumaas ang kilay ni Kira. "Hindi mo man lang ako aayain magkape?"

Natawa ako. "I'm just kidding. May nadaanan tayong coffee shop kanina eh. Doon na
lang tayo."

Habang naglalakad kami papunta sa entrada ng ospital nagulat kami kasi pumasok
naman sa loo bang doktor na tinatawag ni Kira na 'doc pogi'. Napatingin siya sa
amin at mukhang nagulat din bago malawak na ngumiti. "Hey there, Kira."

"Doc, we must hurry," sabi ng nurse na kasama ng lalaki.

"May emergency patient ka, doc?" worried na tanong ni Kira.

Apologetic na ngumiti ang doktor. "Yeah. A twelve year old girl. She had a seizure.
Let's talk next time, okay?" Tinapik ng lalaki sa balikat si Kira na mukhang
worried na worried na talaga bago mabilis na naglakad palayo, paakyat sa hagdan
hanggang mawala sa paningin namin. Pero bago makalayo, sa maiksing sandali nabasa
ko ang nametag na naka-pin sa breast pocket ng white coat ng lalaki. Drew Lorenzo
ang pangalan niya.

Tiningnan ko si Kira na nakatitig pa rin sa pinuntahan ng doktor. "He's an


Oncology specialist?"

Kumurap si Kira at mabilis na lumingon sa akin. "Ha? Paano mo nalaman?"

"His nametag."

"Ah. Oo. Sa Oncology Department siya. Ang sabi niya noon kaya siya naging doktor
kasi gusto niyang maging specialist sa paggamot ng mga cancer patients. Hanggang
ngayon patuloy siyang nag-aaral at nagsisikap para makatulong mabigyan ng mas
mabisang lunas ang cancer." Naging affectionate ang expression ni Kira at may
dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya. "He's really amazing. Palagi kong wish
na matupad niya lahat ng pangarap niya. Kasi sigurado akong marami siyang
matutulungan kapag naging successful siya."

Napatitig ako sa kaniya. Bigla akong kinabahan. Though hindi ko alam kung bakit.
Huminga siya ng malalim at nakangiting tumingala sa akin. "Tara na at mag kape."
Hinawakan pa niya ako sa braso at hinila na ako palabas ng ospital.
DAY 43
               

September 19. Monday

KIRA REALLY came to school today. Parang hindi galing sa sakit. Masigla na at
maganda ang ngiti. Gumanda ang mood ko kasi pagka-park ko ng kotse sa loob ng
campus nakita ko agad siyang nakatayo sa parking lot. Pagkalabas ko ng sasakyan
lumapit agad siya sa akin.

"Good morning!"

Ngumiti ako. "Good morning."

"May gagawin ka ba after ng klase mo?"

"Wala."

Natawa siya. "Ang bilis mo sumagot ah. Ni hindi ka kumurap."

"I will grab any opportunity to spend time with you, Kira."

Namula siya. Saka tumikhim. "Birthday kasi ni Daddy sa Wednesday. Gusto ko siya
bilhan ng regalo. Hindi ko 'yon magagawa bukas kasi lalabas kaming pamilya.
Mahahalata niya kapag may binili ako kaya ngayong araw lang ang chance ko bumili."

"Okay. Sasamahan kita bumili mamaya."

Matamis na ngumiti si Kira. "Thank you! Magkita tayo mamaya ha? Bye." Saka siya
tumakbo palayo sa akin.

"Don't run! Kagagaling mo lang sa sakit," pahabol na saway ko sa kaniya. Lumingon


siya at tumatawang kumaway. Napabuntong hininga ako nang binagalan niya ang
pagtakbo. Then napangiti ako.

It's going to be a good day.

NAGPUNTA kami sa Eastwood Mall para doon tumingin ng regalo. Isa palang executive
sa isang malaking IT company ang Daddy ni Kira. Na kompara raw sa pamilya ng
kanyang Mommy, middle class daw ang pamilyang pinanggalingan ng Daddy niya pero
masipag daw ito at magaling sa trabaho kaya nakakapag-provide ng masaganang buhay
para sa pamilya. So ang kailangan daw namin hanaping regalo ay 'yong bagay sa
pagiging simple ng Daddy niya.

Honestly, hindi ko alam kung ano ang magandang iregalo. Never akong nagbigay ng
kahit ano sa parents ko since kapag may gusto sila binibili nila para sa sarili
nila. Kapag naman birthday ni Lolo, hindi niya kami nire-require na bumili ng
regalo basta umattend lang kami sa party.

Tumawa si Kira at magaan akong siniko sa tagiliran. "Huwag kang mag-isip masyado.
Hindi naman kita tatanungin kung ano ang ireregalo ko. Ako ang pipili. Kailangan ko
lang ng kasama."

Nakahinga ako ng maluwag. Natawa na naman siya at kumislap sa amusement ang mga
mata. Hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa iba't ibang store. Matagal
bago siya may napiling iregalo para sa Daddy niya. Isang dark blue necktie na sa
unang tingin mukhang polka dots pero maliliit na stars pala ang design.

Napangiti ako. "Halatang ikaw na ikaw ang magbibigay."

Nakangising tumingin sa akin si Kira. "Talaga? Then I chose the best gift for him.
Kasi gusto ko maaalala niya ako tuwing nakikita at sinusuot niya ang regalo ko.
Parang 'yung cellphone strap na binigay ko sa'yo. Kapag nakikita mo 'yon, naaalala
mo ako, 'di ba?"

Ngumiti ako. "Yeah."

Mukhang natuwa siya sa sagot ko kasi matamis ang naging ngiti niya. It made my
stomach flutter.

After niya magbayad at magpabalot ng regalo inaya ko siya kumain ng early dinner.
Na meryenda lang kung tutuusin kasi kakain din daw siya sa bahay nila pag-uwi.
Habit na raw kasi sa bahay nila ang sabay-sabay kumakain. Good for them. We never
did that at home.

Sa open area ng isang kainan kami pumuwesto kaya nakikita namin ang mga taong
dumadaan sa labas. Nakikita rin namin kahit ang mga kalapit na restaurant. Patapos
na kami kumain nang mapatingin ako sa glass door ng isang fine dining resto na
katapat ng pwesto namin ni Kira.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang makita ko ang lumabas sa pinto na
'yon.

Si Papa. May kasama siyang babae na mukhang higit na mas bata sa kaniya. Sexy ang
damit at kumikislap ang mga alahas na suot. His arm is around the woman's waist.
Humilig ang babae sa balikat ni Papa, tumingala at hinalikan siya sa lips.

God damnit. She must be his new mistress. I clenched my fists. Matagal ko nang alam
na nambababae si Papa pero ngayon ang first time na nahuli ko siya sa akto. Dati
buo ang paniwala ko na manhid na ako sa lahat ng mga kalokohan ni Papa. I thought
that he can no longer sway my emotions. Kung katulad din ako ng dati, iiwas lang
ako ng tingin at pilit aalisin sa utak ko ang eksenang 'yon. Ano pang silbi na mag-
react kung wala rin naman mapupuntahan 'yon? Mas madali maging indifferent. Mas
madali kimkimin lahat sa loob ko. Mas madaling umakto na hindi ako apektado.

Pero nangako na ako sa sarili ko na susundin ko na ang talagang gusto ko. That I
will act according to what my heart wants. Na hindi ko na sasarilinin lahat. Na
hindi na ako magiging indifferent sa sarili kong nararamdaman.

Kaya marahas akong tumayo.

"Gin? What's wrong?" gulat na tanong ni Kira.

Hindi ko inaalis ang tingin kay Papa at sa babae niya na naghahalikan at


naghahaplusan in public. I clenched my fists even tighter. "Wait here." Saka ako
mabilis na naglakad palapit sa dalawa.

"Kailangan mo ba talaga ibandera sa maraming tao ang pambababae mo?" gigil na


tanong ko kay Papa nang makalapit ako.

Halatang nagulat sila nang lumingon sa akin. Lalo na si Papa. I swear namutla siya
nang mapatingin sa mukha ko. Inalis pa nga niya ang braso sa baywang ng kabit niya.
Pero sandaling sandali lang 'yon. Naging pormal na ang mukha ni Papa. "Don't make a
scene, Eugine."

Sarcastic akong natawa. "Don't make a scene? Hindi ba ikaw ang gumagawa 'non?
Kissing another woman when you are already married! When you already have a son!
How can you do this to my mother?"

Nagalit si Papa. "Don't take her side," babala niya. "You will regret it." Saka
siya bumaling sa babaeng kasama niya, hinawakan na naman sa baywang at inakay
palayo. Huminto lang siya sandali para lumingon sa akin. "Don't you dare tell your
grandfather about this. Alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo."

Mapait akong ngumiti. "Sasaktan mo uli ako? Baka lang nakakalimutan mo, Papa. I'm
no longer a teenager." Dumeretso ako ng tayo, humakbang palapit sa kaniya hanggang
magkaharap kami. Magkasing tangkad na kami ngayon. Malapit na rin maging
magkasinglaki ang pangangatawan. Galit na tinitigan ko ang mga mata niya. "I will
not allow you to hurt me again. Not without a fight." Saka ako tumalikod at gigil
pa ring naglakad palayo sa kaniya at pabalik sana sa lamesa namin.

Pero nakita kong nakatayo na si Kira ilang metro lang ang layo sa akin. Sumunod
pala siya. Base sa facial expression niya narinig niya lahat ng napag-usapan namin
ni Papa. Intense shame washed over me. Nagbaba ako ng tingin. Lumapit ako kay Kira.
"Let's go. Ihahatid na kita pauwi."

We walked side by side. Thankful ako na hindi siya nagtatanong. Ni hindi


nagsasalita. Pero ramdam ko naman ang mga sulyap niya sa akin. Ramdam ko ang
concern at worry niya. Ramdam ko na hinihintay niya akong tumingin sa kaniya. Pero
hindi ko magawa.

Hindi kami nag-usap hanggang ihinto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nila.
Nagpaalam siya sa akin at tango lang ang naging sagot ko. Bumaba siya at alanganing
lumapit sa tabi ng gate nila. Then pinaharurot ko palayo ang sasakyan ko.
DAY 44
               

September 20. Tuesday

HINDI UMUWI si Papa kagabi. Galit na galit ako. Ngayon alam ko na kung bakit
madalas nagbabasag ng gamit si Mama kapag nag-aaway sila. Kasi kapag sobrang
frustrated at galit ka pero wala kang magawa, nangangati ang mga kamay mong may
gawin para kahit papaano kumalma ang mga emosyong nagwawala sa dibdib mo. Kasi
kapag hindi ka nakakuha ng way para mailabas ang nararamdaman mo parang sasabog ang
puso mo.

My mother has been experiencing these emotions for the past twenty years. No wonder
palaging nagpupunta sa kung saan-saang party at sa kung saan-saang bansa si Mama.
It's her escape. Though pareho silang may kasalanan kung bakit ganito ang sitwasyon
ng pamilya namin. Ayaw kasi nilang maghiwalay kasi mawawalan sila ng sustento mula
kay Lolo. Between money and peace of mind they chose money.

Lumabas ako ng kuwarto ko para bumaba sa dining room at kumain. Napadaan ako sa
master's bedroom. Bigla ko lang naisip ayain si Mama na sabay na kami mag
breakfast. It has been forever since we last had a meal together. Kakatok sana ako
pero hindi nakasara ng maayos ang pinto. Kaya dahan-dahan ko na lang itinulak para
lakihan ang bukas.

Nakatalikod sa pinto si Mama. Mukhang hindi napansin ang pagdating ko kasi hindi
lumilingon. Parang busy siya sa kung anong nakapatong sa lamesa na nakadikit sa
floor to ceiling window. Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa kaniya.
Tatawagin ko pa lang sana siya nang marinig kong humikbi siya. Ilang hakbang pa
nakita ko na ang mukha ni Mama.

Umiiyak siya habang nakatitig sa nakabukas na lumang photo album sa lamesa. Wala
ang tapang at kasungitan na nakalakihan kong nakikita sa mukha niya. Right now she
looks vulnerable and awfully sad. Parang nilalamutak ang puso ko habang nakatingin
sa kaniya.

Sinulyapan ko ang laman ng photo album. Mga picture ni Mama at Papa noong bata-bata
pa sila. Maybe noong panahon na hindi pa sila kasal at wala pa ako sa mundo. Mukha
kasing nasa twenties lang sila sa mga picture. Pero ang mas nagregister sa akin
habang nakatingin sa pictures ay ang mga ngiti sa mukha nila. Mukhang ang saya-saya
nila. Mukhang in love na in love sa isa't isa.

Saan na napunta ang pagmamahal na nararamdaman nila dati?

"Bakit hinahayaan mong nasasaktan ka ng ganito Mama?"

Dumeretso ang upo niya, marahas na pinunasan ng mga kamay ang luha sa mukha at
nilingon ako. Nagmukha na naman siyang masungit. "Bakit ka nandito?"

Tinitigan ko siya. "Aayain kita mag breakfast."

Inalis niya ang tingin sa akin at isinara ang photo album. "Mauna ka na kumain.
Hindi pa ako nagugutom."

Dati sumasama rin ang loob ko kay Mama kasi malamig at halos pagalit ang pakitungo
niya sa akin. Pero ngayon hindi na ako maloloko ng panlabas na attitude niya. Now I
know she's been suffering alone.

Ginala ko ang tingin sa loob ng master's bedroom. May nakita akong isa pang upuan
sa harap ng vanity table ni Mama. Kinuha ko 'yon at inilapit sa tabi niya. Umupo
ako.

Gulat na napatingin siya sa akin. I met her gaze. "Kung nahihirapan ka na, bakit
ayaw mo pa siya hiwalayan? Gusto mo bang habambuhay na masaktan?"

Nanginig ang mga labi niya. Huminga ako ng malalim. "Mama, hindi na ako bata na
walang muwang sa mundo. I am old enough to know that your relationship with him is
no longer working. Na nasasaktan niyo lang ang isa't isa tuwing nagkikita kayo.
Na..." May bumara sa lalamunan ko. Hindi ako komportable maging honest sa sarili ko
pero alam ko na kung gusto ko maging honest sa akin si Mama, dapat ganoon din ang
gawin ko. "Na nasasaktan niyo rin akong anak niyo."

Nanlaki ang mga mata niya. Malungkot akong ngumiti. "Ano sa tingin niyo ang
nararamdaman ko na lumaki ako na ang parents ko hindi magawang tingnan sa mga mata
ang isa't isa? Na bawat araw kayong nag-aaway? Na napabayaan niyo ako kasi masyado
kayong naka-focus sa resentment niyo para sa isa't isa? Are you even aware that you
have a son? That I'm already a grown up?"

Nagbaba ng tingin si Mama. Bumakas ang guilt sa mukha niya. "I'm sorry," bulong
niya sa nanginginig na boses. "H-hindi ako mabuting ina sa'yo. It's just that...
staying here is so hard for me. Nasasakal ako. And you... you look so much like
him. Sa tuwing tinitingnan kita lalo na habang lumalaki ka, naaalala ko ang
lalaking minahal ko noong bata pa ako. At sa tuwing naiisip ko na iba na ang
lalaking asawa ko na ngayon, na habang tumatagal hindi ko na makita ang lalaking
minahal at pinakasalan ko noon, sumasakit ang puso ko."

Tumulo ang mga luha niya at mapait na ngumiti. "Hindi rin ako mabuting asawa. Kasi
kung oo hindi sana siya humahanap ng iba."
Bigla kong naalala ang nakita ko kahapon. I clenched my fists. Nagagalit na naman
ako kay Papa. Sinulyapan ko ang photo album. "He looks like he was so in love with
you in those pictures."   

Nawala ang ngiti ni Mama. "Dapat nga hindi na lang ako nagpakasal sa Papa mo.
Nililigawan pa lang niya ako alam na niyang hindi ako galing sa mayamang pamilya.
Crew ako sa isang fastfood chain at hindi ako naka-graduate ng college. Pero sinabi
pa rin niya sa akin na gusto niya ako at wala siyang pakielam kahit ano pa ang
family background ko. Syempre na in love ako sa kaniya kaya nang ayain niya akong
magpakasal pumayag ako. Sa mismong araw ng kasal namin... saka ko nakilala ang mga
kamag-anak niya."

Tiningnan ako ni Mama. "Masama ang ugali ng mga Alonso. Mga matapobre. Ang tingin
nila agad sa akin, gold digger at social climber. Sa mga unang taon ko sa bahay na
'to, kapag wala ang Lolo at ang Papa mo, may mga pumupunta rito para lang i-harass
ako at iparamdam sa akin na hindi nila ako gusto. Kapag nagsusumbong ang Papa mo,
nagagalit siya pero walang ginagawa para itama ang mga kamag-anak niya. Hanggang
isang araw naisip ko... ah, ayoko nang maltratuhin ng mga taong 'to. Kailangan ko
maging matatag. Kailangan ko lumaban." Itinaas niya ang noo. "Kaya nagdecide akong
magbago. Gold digger na ang tingin nila sa akin, then I will use their money to
improve myself. Social climber daw ako? Then humanap ako ng mga influencial friends
na magiging kakampi ko kapag nagigipit ako. Kaya ngayon, kahit na nagsasalita pa
rin ang mga Alonso ng masama tungkol sa akin, at least hindi na nila ako pisikal na
nasasaktan at hindi na nila ako kayang hiyain."

Tinitigan ko si Mama. Lalong sumama ang loob ko sa mga kamag-anak ni Papa. She has
been through a lot. Pero sa tingin ko hindi maganda ang solusyon na naisip niya at
alam kong narealize na rin niya 'yon ngayon. Kasi hindi siya mukhang masaya sa mga
nagawa niya ngayong nagku-kwento siya.

"Pero bakit kayo naging ganito ni Papa ngayon?" mahinang tanong ko.

Kumislap ang lungkot at sakit sa mga mata ni Mama. Nagbaba siya ng tingin. "Kasi
naniwala siya sa sinasabi ng mga kamag-anak niya. Nawala ang tiwala niya sa akin.
Dahil wala siyang tiwala sa akin at dahil masama na rin ang tingin niya sa akin,
natural na nagkalamat ang relasyon namin. Nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niya na
dapat nakinig siya sa pamilya niya na hindi niya ako dapat pinakasalan. Kesa umiyak
at magmukmok dito, umaalis ako kasama ang mga kaibigan ko. Madalas inaabot kami ng
isang buwan sa kung saan-saan. Hanggang malaman ko na lang na nambababae na siya.
Sa simula tinatago niya sa akin at nalalaman ko lang sa mga kailala ko. Pero sa
nakaraang mga taon, nagsimula siyang maging obvious sa ginagawa niya. Wala na
siyang pakielam kung nasasaktan niya ako."

"Kaya nga hiwalayan mo na lang siya," frustrated na sabi ko.

Itinaas niya ang noo. "No. Kahit na hindi na niya ako mahal, hindi ko pa rin
ibibigay sa ibang babae ang posisyon ko bilang asawa niya. Hindi ko iiwan ang buhay
na 'to. Hindi ko iiwan ang social status na mayroon ako ngayon. I will not give him
and his family the satisfaction of throwing me out of their lives."

Umiling ako. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya. "Mama.
Don't worry about the money. Kahit na maghiwalay kayo ni Papa, kaya ko i-provide
sa'yo ang lahat ng gusto mo. Just... stop being miserable already. Let's just all
live in peace."

Iniwas niya ang tingin sa akin. "No. Kapag naghiwalay kami, mamaliitin ka ng mga
Alonso at hindi sila papayag na bigyan ka ng mataas na posisyon sa kompanya ng Lolo
mo. Hindi ako papayag. Hindi ko sila hahayaang kunin sa'yo ang mga bagay na para
sa'yo. Para masiguro na hindi ka maaagrabyado, kaya kong maging miserable sa piling
ng tatay mo."

Matatag ang boses ni Mama. Determinado. Hindi tatanggap ng opinyon ng iba. Huminga
ako ng malalim. Fine. I'll try to convince her again sometime. Tumayo na ako.
Napatingala siya sa akin. Inilahad ko ang kamay. "Let's go down and eat breakfast.
I want to eat with my mother."

Napatitig siya sa akin, lumambot ang ekspresyon na ngayon ko lang nakita sa buong
buhay ko. Then tinanggap niya ang kamay ko at tumayo. Ngumiti siya. Again, first
time kong makita ang affectionate na ngiti na 'yon. Hinaplos niya ng malaya niyang
kamay ang pisngi ko. "You grew up so well."

May bumara sa lalamunan ko. Hindi ako nagsisisi na nag-reach out ako kay Mama. Kung
mas naging sensitive lang ako sa feelings niya, sana noon pa ako nagkusang lapitan
at kausapin siya. Mas close sana kami ngayon. Pero ayos lang. Hindi pa naman huli
ang lahat.

Wala akong maisip sabihin. Kaya gumanti na lang ako ng ngiti. Then sabay na kami
lumabas ng master's bedroom at sa unang pagkakataon, kumain kami na magkatabi sa
lamesa at nag-uusap.   
DAY 45
               

September 21. Wednesday

MAY KAKAIBA sa mga estudyante ng Richdale University sa araw na 'to. Pagkababa ko


pa lang ng kotse ko napansin ko nang kakaiba ang tingin sa akin ng mga
nakakasalubong ko. Kinabahan ako. Something must be going on. Isang bagay na may
kinalaman sa akin na hindi ko pa alam. Kasi kung hindi bakit kakaiba ang tingin
nila sa akin?

Sobrang awkward ng first class ko kasi parang may gustong sabihin ang mga kaklase
ko pero hindi makakuha ng tiyempo. Ang professor ko naman may simpatya ang tingin
sa akin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari. Hanggang tumawag sa akin si
Thorne. Nagulat ako at lalong kinabahan kasi hindi naman basta-basta tatawag sa
akin ang pinsan ko.

"Is there something wrong?" tanong ko agad.

"Paano mo nalaman na may ibabalita ako sa'yo?"

"Kaninang umaga pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa campus. Hindi ko alam
kung bakit."

"Nasa Eastwood ka ba noong isang araw?"

Natigilan ako. Nagkakaroon na ako ng kutob kung tungkol saan ang problema. "Yes.
Aksidente kaming nagkita ni Papa."

Narinig kong bumuntong hininga si Thorne sa kabilang linya. "May kumuha ng video sa
naging argument niyo ng tatay mo kasama ang...mistress niya. I-pinost sa Youtube.
Someone from Richdale must have seen it at i-shinare sa mga kakilalang estudyante
kaya kumalat sa campus. May natanggap din kasing link si Danica kaya napanood
namin."

Mariin akong pumikit at mahinang napamura. Kaya naman pala. Huminga ako ng malalim
para kalmahin ang emosyon ko. "Don't tell Lolo."
"Sorry. Alam na niya."

Napadilat ako. "What?"

"Napanood din ng secretary niya at pinanood sa kaniya. Actually kaya ako napatawag
kasi kalat na sa buong kompanya ang video. Kahit nga ang parents ko napanood na.
Galit na galit sila sa tatay mo. Especially my mother. She's worried about your
mom."

Sarcastic akong natawa. "Ang nanay mo? Worried sa Mama ko? Are you kidding me?"

Hindi nakasagot si Thorne. Dapat lang kasi kasama ang parents niya sa mga taong
tumatapak at nagmamaliit kay Mama noon pa man. Alam nila noon pa ang kalokohan ni
Papa pero ang tingin nila deserve ni Mama ang panloloko ng asawa niya. Tapos ngayon
worried sila? Ha! Baka mas worried sila sa reputasyon ng pamilya kasi noon pa man
'yon lang naman ang concern nila. After all, old rich ang mga Alonso at
konserbatibo.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi pero nagbago na ang parents ko mula nang
magkaroon sila ng apo, Eugine. In fact si Mama ang nagsabi sa akin na tawagan ka.
She wants you to look after your mother. Kasi ang mga ganitong isyu hindi raw
pinapalampas ng mga tao sa social circle natin."

Huminga ako ng malalim. "I will. Tell your mother that I said thanks."

"And you... don't keep it all to yourself," seryosong sabi ni Thorne.

May bumara sa lalamunan ko. "Thanks."

                        Napatitig ako sa cellphone ko pagkatapos ng tawag ni


Thorne. Narealize ko na for the first time sa buong buhay ko ngayon ko lang
naramdaman na may kamag-anak akong malalapitan ko kapag hindi ko na kaya sarilinin
ang problema.

                        Pinilit kong tapusin ang lahat ng klase ko sa araw na 'yon


kahit na distracted ako. Mabuti na lang sanay akong balewalain ang mga tao sa
paligid ko kaya walang nakalapit sa akin para makiusyoso. Besides, alam nilang
hindi rin naman ako magsasalita.

                        Pasakay na ako sa kotse ko para umuwi nang biglang may


humawak sa braso ko. Gulat na napalingon ako. Nakangiting mukha ni Kira ang
bumungad sa akin. "Sumama ka sa akin."

Kumurap ako. "Saan?"

"Sa bahay. Sasakay na ako ha?" Bumitaw siya sa braso ko at mabilis na sumakay sa
passenger's seat ng kotse ko.

Kunot noong umupo ako sa likod ng manibela. Nakabit na ni Kira ang seatbelt niya.
Maaliwalas ang mukha niya at nang sulyapan ako matamis pang ngumiti. Medyo gumaan
ang pakiramdam ko. Unti-unting nawawala sa isip ko ang video na napanood na yata ng
lahat ng taong nakakakilala sa akin. Maliban yata kay Kira.

"Paandarin mo na. Baka ma-late tayo."

Bumuntong hininga ako at napangiti. At kahit hindi ko pa alam kung bakit bigla
siyang nagpasama sa bahay nila, pinaandar ko pa rin ang sasakyan palabas ng
Richdale University.
BIRTHDAY DINNER pala ng Daddy ni Kira. Sinabi niya sa akin nakapasok na kami sa
loob ng bahay nila. Hindi na tuloy ako makaatras kahit na-caught off guard ako at
hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Hindi ako nakapagdala ng regalo," bulong ko kay Kira.

Ngumiti siya. "Nakabili na tayo nung Monday, remember? Huwag ka ma-pressure ha?
Pero gusto ka lang kasi makilala ni Daddy. Alam kasi niya na ikaw ang kasa-kasama
ko sa school. Walang ibang meaning 'to, promise."

Napatitig ako sa mukha niya. "I wish there is a deeper meaning though."

Natigilan siya, namula ang mukha at tumikhim. Napangiti ako. Nagiging sensitive na
talaga siya sa feelings ko. Mabuti naman.

Pormal niya akong pinakilala sa Daddy niya. Her father is a fleshy man with a kind
and happy expression. Imbes na makipag-shake hands sa akin niyakap niya ako at
tinapik sa balikat. "I'm happy to finally meet you in person, Eugine. Thank you for
befriending my daughter," sabi pa niya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Medyo na-o-overwhelm ako sa sincerity ng pasasalamat niya. Hindi ko tuloy alam kung
paano mag-re-react. Tumikhim ako. "Ako ho dapat ang nagpapasalamat, sir. Ako ang
mas thankful na nakilala ko siya. She has been a great influence to me." Nilingon
ko si Kira na manghang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya. "She's changing the
way I see things. She's changing my life."

May dumaang emosyon sa mga mata ni Kira at tipid na ngumiti. Ibinalik ko ang tingin
sa Daddy niya na nakangiti at may affection ang tingin sa akin. Never pa ako
tiningnan ng Papa ko ng ganoon.   

Mayamaya tinawag na kami ng Mommy ni Kira para kumain. Pang limang tao lang ang
lamesa nila kaya magkakalapit kami habang kumakain. Maraming niluto ang Mommy niya
at nag-bake pa ng cake. Kumanta muna kami ng happy birthday song para sa Daddy niya
na masayang tumatawa hanggang hipan ang kandilang nakatusok sa cake.

Madaldal ang pamilya De Dios. Ang dami nilang kwento sa isa't isa habang kumakain.
They all talk and look at each other with love and affection. Narealize ko habang
napapagitnaan nila ako na ito ang pakiramdam ng isang pamilya. Masaya ako na kasama
nila ako. Pero may isang part ko rin ang parang gustong tumayo at umalis. Kasi
naiinggit ako at nalulungkot. Kasi hindi ganitong family life ang kinalakihan ko.

After ng dinner magalang na akong nagpaalam. Niyakap na naman ako ng Daddy at Mommy
ni Kira at binilinan na mag-ingat sa pagmamaneho. Binaunan pa ako ng pagkain para
raw kung magutom ako paguwi ko may makakain pa ako. At nagpasalamat na naman sila
sa akin kasi mabait at tolerant daw ako sa anak nila. At na pwede raw akong
magpunta doon kahit kailan ko gusto. Welcome na welcome raw ako. Ngiti lang ang
naging sagot ko. Hindi kasi ako makapagsalita kasi parang may nakabara sa lalamunan
ko at parang ang hapdi ng mga mata ko.

Hinatid ako ni Kira hanggang sa kotse ko. Hindi kami nagsasalita pero aware ako na
pasulyap-sulyap siya sa akin. Nasa tabi na ako ng pinto ng driver's seat nang
harapin ko siya. Ngumiti ako. "Thank you for inviting me. Nakakatuwa ang parents
mo."

Tinitigan niya ako. "Nag-enjoy ka ba?"

Tumango ako.

"Naging masaya ka ba?"


Lumawak ang ngiti ko. "Yes."

Matamis at satisfied na ngumiti si Kira. "That's great! Good night, Gin." Saka siya
tumalikod at naglakad pabalik sa bahay nila.

It took me a moment to realize something. Alam niya ang tungkol sa video. And that
she must have invited me tonight to make me feel better.

Napatakbo ako pasunod sa kaniya. Bago siya makarating sa pinto ng bahay nila
nahawakan ko na siya sa braso at napihit paharap sa akin. Niyakap ko siya. I heard
her gasp in surprise. Sandaling isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. I inhaled
her deeply, trying to get some of her positivity and energy to get me through our
family crisis.

"Gin?" mahinang tawag niya sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya at bumulong sa tainga niya. "Thank you, Kira." Saka
ko siya pinakawalan. Mukhang disoriented siya nang tumingin sa akin. Nginitian ko
siya, pinisil ang baba niya at saka ako tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko.
Then I went home.
DAY 46
               

September 22. Thursday

AWARE ako na napanood rin ni Mama ang video ng argumento namin ni Papa. Pero
mukhang sinusubukan niya umakto na parang walang anuman kaya hinayaan ko na lang
siya. Lalo at siya pa ang kusang kumatok sa kuwarto ko para ayain ako mag breakfast
na siya raw ang personal na nagluto. Ayokong sirain ang umaga niya kaya ngumiti na
lang din ako at sumama sa kaniya pababa sa dining room.

Kumakain na kami ng breakfast nang marinig namin ang malakas na lagabog ng front
door. Then narinig ko ang mabigat at mabilis na mga yabag. Nagkatinginan kami ni
Mama. Parehong na-tense. Kasi alam namin pareho kung sino ang bagong dating.

"Hindi siya umuwi kagabi?" gigil na tanong ko.

Mariing tumikom ang bibig ni Mama at tumango. I clenched my fists in anger just
when my father entered the dining room. Galit na galit siya at matalim na tumingin
sa akin. Itinaas ko ang noo ko.

Mukhang lalo siya nagalit. Malalaki ang hakbang na lumapit sa tabi ko. Then nagulat
ako nang bigla niyang hawakan ang kuwelyo ng suot kong polo shirt at hinila ako
patayo. "You ungrateful bastard! I regret having a son like you! Ipinahiya mo ako!"

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Malakas akong sinuntok sa mukha ni Papa.
Naalog ang utak ko at nanghina ako sa sobrang sakit. May bumagsak na mga upuan.

Sumigaw si Mama. "What are you doing?!" Lumapit siya sa akin at parang haharang pa
sa harap ko pero kahit hilo pa ako kumilos ako para mapunta siya sa likuran ko.
Matalim kong tiningnan si Papa.

"Ikaw ang nagpahiya sa sarili mo at hindi ako. What, nagkaroon ka na ngayon ng hiya
na nambababae ka kahit may pamilya ka na? Dapat pala noon ka pa nakunan ng video
kung ganoon."

Minura niya ako at uundayan na naman yata ako ng suntok pero mas alerto na ako
ngayon. Dumeretso ako ng tayo at bago pa mapunta ang kamao niya sa mukha ko natulak
ko na siya sa dibdib. Mukhang nagulat siya kasi natumba siya.

Tumili na naman si Mama. "Eugine, he's still your father! Don't –"

"Relax Mama. Hindi ko siya susuntukin na gaya ng palagi niyang ginagawa sa akin."
Hindi ko inalis ang tingin kay Papa. Mariing nakakuyom ang mga kamao ko. I feel my
blood pumping hard on my head and on my chest. Ang hirap magpakakalmado habang
nakatingin kay Papa. "I used to admire you. Kahit noong bata pa ako na wala kang
ginawa kung hindi ang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat
gawin. Nirespeto at minahal kita kahit na tau-tauhan at hindi anak ang turing mo sa
akin. But not anymore. Matagal nang nawala ang admiration at respeto ko para sa'yo
Papa. And don't make this anger I am feeling right now to turn into hate. Kasi
kahit na sinasaktan mo ang damdamin namin ni Mama for the past twenty years,
ayokong magalit sa sarili kong ama. So let's just stop this! Let's stop being a
family. Tutal matagal naman na talagang sira ang pamilya na 'to. Kung inaalala niyo
ang pera, kakausapin ko si Lolo. Let's just stop this."

Alam ko nanginginig ang boses ko. Alam ko rin na naririnig kami ng mga kasambahay
namin kasi hindi ko mapigilan hindi sumigaw. Ang sakit ng dibdib ko at namamasa ang
mga mata ko pero pinilit kong salubungin ng tingin ang mga mata ni Papa. "Hindi ba
kayo napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na ako sa buhay na 'to." Nilingon ko si
Mama na umiiyak na. "Let's stop this Mama. End this misery. NOW. Bago pa tayo
magpatayan lahat sa bahay na 'to."

Saka ako naglakad palayo sa dining room. Hindi ako nagpunta sa kwarto ko. Lumabas
ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong pakielam. Gusto
ko lang makalayo. I just want to go somewhere I can scream my heart out.

Kung isa nga akong star na katulad ng sinasabi ni Kira, then my family life is my
core and it just had an explosion and collapsed in on itself.

In short, I just became a Supernova. And damn, it hurts.


DAY 47

               

September 23. Friday

HINDI ako nag-be-break ng rules noon. Pero ngayon, kahit na pumasok ako sa campus
ng Richdale University, hindi ako umattend sa morning classes ko. Nag-stay ako sa
rooftop kung saan kami nanood ni Kira ng sunrise. Humiga ako sa sahig at tumitig
lang sa kalangitan.

Pwede pala magpalipas ng oras sa ganoong paraan. I just stared at the sky and tried
my best to clear my mind. Tumayo lang ako nang mataas na ang sikat ng araw at
masakit na talaga sa balat.

Pagpihit ko sa direksiyon ng pinto nagulat ako kasi nakatayo roon si Kira. "Kanina
ka pa nandito, no?"

Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa kaniya. "Yeah."

"May balak ka bang pumasok sa afternoon classes mo?"

Huminto ako sa harap niya at umiling. Tumango si Kira. Hinawakan niya ako sa braso
at hinila papasok sa building. Pero hindi kami bumaba ng hagdan. Umupo lang siya
doon at hinatak ako para umupo rin. Matagal na tahimik lang kami roon.
"Gin, tanda mo ba na tinanong mo ako kung ano na ang mga nakalista sa planner ko na
nagawa ko na? May mga hindi ako sinabi sa'yo."

Nilingon ko si Kira. Tumingin din siya sa akin. Ngumiti siya. "Go back to school.
Kahit isang semester lang. And then get close to you. Isa sa bagay na first year pa
lang ako gusto ko na talaga gawin pero hindi ako nakakuha ng lakas ng loob."

Kumurap ako. Hindi makapaniwala. Huminga siya ng malalim. "So you see? Ako ang
unang nagkagusto sa'yo. Hindi mo lang alam pero noon pa ako sensitive sa mood mo.
Alam ko kapag may tinatago kang problema. Alam ko kapag umaakto kang indifferent
kasi may kinikimkim kang emosyon na ayaw mong malaman ng iba. Alam ko ang moment na
na-in love ka kay Danica. At ngayon... alam ko na miserable ka, Gin. Pero mula noon
hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para gumaan ang pakiramdam
mo.

"Pero alam mo, narealize ko na minsan hindi naman kailangan na may gawin ang isang
tao para makatulong sa iba. Minsan okay na ang handa kang makinig. So here I am.
Handa akong makinig sa lahat ng gusto mong sabihin, Gin."

Parang may init na humaplos sa dibdib ko sa mga sinabi niya. Pumihit ako paharap sa
kaniya at hinayaan ang sarili kong gawin ang kanina ko pa gustong gawin. Niyakap ko
siya ng mahigpit. Naramdaman ko na nagulat siya pero sandali lang. Then umangat ang
mga braso niya payakap rin sa akin. Tinapik-tapik niya ang likod ko. Isinubsob ko
ang mukha sa leeg niya at mariin akong pumikit.

Matagal bago ko nagawang luwagan ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nang makaupo ako ng
maayos huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niya. I linked our fingers
together. Hinayaan niya ako. Tumitig ako sa mga kamay namin. "I never had a happy
family. Hindi katulad ng family mo, hindi ako lumaking close sa parents ko." Dahan-
dahan, kahit parang nilalamutak ang dibdib ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig
ko, sinabi ko kay Kira ang tungkol sa parents ko at ang tungkol sa naging kabataan
ko.

Tahimik siya habang nagsasalita ako. Pero ang mga mata niya, intense habang
nakatitig sa mukha ko. Minsan din humihigpit ang hawak niya sa kamay ko sa ilang
part ng kwento ko. Sinabi ko rin sa kaniya ang naging conversation namin ni Mama.

"Dati naman, noong hindi pa daw ako ipinapanganak, mahal na mahal naman nila ang
isa't isa. Pero pinalamig ng paglipas ng panahon ang init ng pagmamahalan nila.
Pinarupok ng misunderstandings at doubts ang relasyon nila. Hanggang palagi na lang
sila nag-aaway kapag nagkikita. So this time I told them to just end our misery.
Kasi hindi ko na kaya. Kesa lahat kami nasasakal ng sitwasyon, mas maganda kung
maghiwalay na lang talaga sila."

Matagal kaming natahimik. Huminga ako ng malalim. Si Kira tumitig sa kawalan bago
marahang nagsalita, "I'm sure they don't regret loving each other in the past. Pero
madalas kailangan natin tanggapin na hindi lahat ng bagay may forever. Na meron
talagang mga bagay na natatapos. May feelings na nag-fe-fade hanggang tuluyang
mawala. And that most of the time things end because it's for the best."

"For the best?" Mapait akong ngumiti. "I hope so." Then I told her about my
Supernova analogy.

Nakakaintindi na tinapik ni Kira ang braso ko. "Gin, you are still alive at 'yon
ang importante. Alam mo ba na after ng Supernova may natitirang neutron star? Right
now, you are a neutron star, Gin. Kahit na nag-collapse ang pamilya mo,
magpapatuloy pa rin ang buhay mo. Someday, magiging mas madali na sa inyong
tanggapin ang nangyari. Someday, mag-a-accumulate ka uli ng new experiences,
makakailala ng mga bagong tao na magbibigay kulay at saya sa buhay mo. And then
finally, you will become a red dwarf star again. Baka nga maging blue dwarf ka. Mas
maliwanag at mas mainit kaysa dati. Someday, hindi ka na isang lost star."

Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. "Lost star? Ako?"

Tumikhim si Kira at parang nahihiyang ngumiti. "Remember the song with the same
title na favorite ko?"

"Yes. Isinayaw natin noong dance party. Hindi ko 'yon makakalimutan."

Naging masuyo ang ngiti niya at humigpit ang hawak sa kamay ko. "Ako rin. Anyway,
kaya ko 'yon naging favorite kasi nakarelate ako sa lyrics ng kanta. Feeling ko,
tungkol sa buhay ko 'yon eh." Tinitigan niya ako sa mga mata. "At tungkol din
sa'yo. Aminin mo, you used to feel so lost, right? You're trying to find your place
in your Universe, trying to light up the dark as the song went, but it was hard for
you, right?"

May bumara sa lalamunan ko. Parang may asido sa sikmura ko at humapdi ang gilid ng
mga mata ko. Huminga ako ng malalim. "Yes. I tried so hard." Saka ako tipid na
ngumiti. "Pero nakilala kita at narealize ko na imbes na ibase sa opinyon ng iba
ang kapalaran ko, mas gusto ko na sundin ang puso ko. I want to find my place in
this Universe on my own. I want to find something I will really love. Ayoko na
maging lost star."

Matamis na ngumiti si Kira at satisfied na ngumiti. "Tama 'yan."

Sandaling nagkatitigan lang kami. Then may naalala ako sa mga sinabi niya. "Wait.
Bakit mo naman nasabi na lost star ka? You have parents who really love you."

Naging malungkot ang ngiti ni Kira at bumaba ang tingin sa magkahawak naming mga
kamay. "'Di ba sinabi ko na sa 'yo dati na sakitin ako?"

"Yeah."

Huminga siya ng malalim. Bigla kong naramdaman na parang nanginginig siya. Ang
kamay niyang hawak ko, parang nanlamig din. Hindi siya makatingin sa akin.

"Baby pa lang daw ako mabilis na ako dapuan ng sakit. Sipon, ubo, lagnat,
bronchitis, mga ganoon. Mahina raw kasi ang immune system ko at kahit anong vitamis
at masustansiyang pagkain pa ang ipakain sa akin, kaunting lamig lang o kaunting
pagod, nagkakasakit na ako. Kaya ingat na ingat ang parents ko sa akin. Hindi nila
ako hinahayaan lumabas ng bahay para maglaro. Restricted ang bawat galaw ko kasi
baka mapagod ako. So you see? Hindi ako nagkaroon ng chance makipagkaibigan. Hindi
ako nagkaroon ng chance gawin ang mga gusto ko na ginagawa ng mga ka-edad ko. In a
way, I'm also feeling lost and miserable kahit na alam kong wala akong karapatan
makaramdam ng ganon kasi mahal na mahal naman ako ng parents ko at hindi nila ako
pinapabayaan. But you know, when I'm alone, I always feel frustrated about my
situation. Palagi kong iniimagine na babaguhin ko ang kalagayan ko. Minsan
naiimagine ko na tumatakas ako at ginagawa ang mga gusto kong gawin kahit alam ko
na bawal at makakasama sa akin. Pero noon, never ako nagkaroon ng lakas ng loob na
gawin talaga 'yon." Mahina siyang natawa. "Puro imagination lang ako."

Parang nilamutak ang dibdib ko sa nakikita kong emosyon sa mukha niya. Huminga ako
ng malalim at niyakap siya. "Nagagawa mo na ngayon ang mga gusto mong gawin. You
are better now, right?" masuyong bulong ko sa ulo niya.

Hindi siya sumagot pero gumanti ng yakap. Bumuntong hininga ako. Having her in my
arms made me feel a whole lot better.   
DAY 48
               

September 24. Saturday

MY parents filed an annulment today. Sa harap ni Lolo at kasama ang kani-kanilang


abogado, nag-usap ang Papa at Mama ko tungkol sa mga paghahatiang ari-arian, court
appearances at kung anu-ano pang legalities ng paghihiwalay nila. Tahimik lang ako
sa isang tabi. Mukhang galit pa rin si Papa. Pero si Mama, kalmado at determinado.

Noong una balak ni Mama na siya ang aalis sa bahay pero malamig na sinabi ni Papa
na siya ang aalis. Tutal, isa raw ang bahay na 'yon sa mga ari-arian na makukuha ni
Mama kapag legally annulled na sila.

Nasa tamang edad na raw ako para magdesisyon kung gusto ko ba sumama sa isa sa mga
magulang ko. Pero sabi ni Lolo, hahayaan niya akong magsolo kung gusto ko. Siguro
baka pumayag ako kung noon ito nangyari.

"No. I will stay with Mama for the time being."

Tumango si Lolo. Mukhang bumilib at natuwa sa desisyon ko. Si Mama naging masuyo
ang facial expression nang tumingin sa akin. Para bang tahimik siyang
nagpapasalamat. Nginitian ko siya.

Matapos mabasa lahat ng provision sa annulment papers, tahimik nilang pinirmahan


ang mga papeles na tuluyang tatapos sa pagiging buong pamilya naming tatlo.

Pero sabi nga ni Kira, there are things that end for the best. Iyon ang
panghahawakan ko.
DAY 49
               

September 25. Sunday

MAY dumating na staff si Papa para kunin ang mga gamit niya. Kahapon pa siya umalis
kasabay ng abogado niya at hindi na bumalik. Hindi ko alam kung saan siya tumuloy
at kung saan siya titira from now on. Baka sa mistress niya o baka sa hotel. Sabi
ni Lolo, huwag ko raw intindihin si Papa. He said that my father does not deserve
sympathy. Kasi si Papa raw ang mali. Mag focus na lang daw ako kay Mama na mukhang
matapang sa labas pero siguradong umiiyak kapag hindi kami nakatingin. Alam ko 'yon
kasi namamaga ang mga mata niya paglabas ng master's bedroom.

Ayokong magmukmok si Mama sa bahay. Ayokong magsisi siya sa desisyon niyang


makipaghiwalay na talaga kay Papa. Kaya inaya ko siyang lumabas. Noong una
tumatanggi siya pero nadaan ko sa pilitan at napasakay ko rin ng kotse.

"Wala ako sa mood magpakita sa mga kakilala ko. Kapag nag-mall tayo, imposibleng
wala akong makasalubong na kakilala ko."

"Then hindi tayo papasok ng mall. We'll just go for a ride around the metro. Iiwas
ako sa traffic, promise. I just want you to get out."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sa akin si Mama. "Thank you,


Eugine. You're really a grown man now."

Sinulyapan ko siya. Ngumiti ako. "I know."

Nag drive lang talaga ako na walang specific destination. Nang makaramdam kami ng
gutom huminto ako sa tapat ng unang restaurant na nakita ko. Natuwa ako kasi
nakakangiti na si Mama habang kumakain kami. By the time na makapag-bill out kami
at naglalakad na palabas ng restaurant nagagawa na niyang tumawa habang nakakapit
sa braso ko.

Masaya rin akong napangiti. Kasi sa loob ng twenty years, ngayon lang kami lumabas
at nag-bonding ni Mama.

Maraming taon ang nasayang para maging malapit kami sa isa't isa. Maraming taon na
puro resentment at pain lang ang naramdaman namin. Kung masakit sa akin ang
pagkasira ng pamilya namin, I'm sure triple ng sakit na nararamdaman ko ang
nararamdaman ngayon ni Mama. She loved my father so much after all. Hindi madali
ang pakawalan ang isang taong minahal niya ng todo kahit pa hindi na katulad ng
dati ang relasyon nila.

I'm sure na katulad ko, kung isa ring star si Mama, isa na lang rin siyang maliit
na neutron star na natira nang maging Supernova siya. Someday, tuluyan din
maghihilom ang sugat na nakuha niya from her failed relationship with my father.
Someday, we will begin to build our layers by accumulating particles and celestial
dusts throughout the coming years. Until we become bright and huge stars again.

"Mula ngayon dapat dalasan na natin lumabas at mag-bonding ng ganito," nakangiting


sabi niya sa akin nang makasakay na kami sa kotse ko.

Ngumiti rin ako. "We will, Mama. We will."


DAY 50
               

September 26. Monday

MAINGAY na naman sa campus ng Richdale University. Ilang segundo bago ko naalala na


University wide Sports Fest nga pala kapag last week ng September. Excited na naman
ang mga estudyante kasi hindi mahigpit sa lessons ang mga professor kapag may event
sa campus. Pero ang kapalit 'non kailangan lahat mag-participate.

Tennis ang sports na sinasalihan ko sa loob ng apat na taon as an undergrad


student. Pero ngayong graduate student na ako, wala akong balak sumali sa kahit na
anong sports. Hindi naman kasi kami required makisali sa mga undergrad students.
Normal rin ang schedule ng mga klase namin.

"Ginnnnnn!"

Napahinto ako sa paglalakad sa quadrangle. Napangiti ako sa pakanta at masiglang


boses na 'yon. Saka ako lumingon. Tumatakbo si Kira hanggang huminto sa harapan ko.
Ngiting ngiti. "Good morning."

"Good morning. Wait, magpaparticipate ka sa Sports Fest?"

Ngumisi siya at itinaas ang lagayan ng badminton racket na dala niya. "Yes. Excited
na nga ako kasi first time ko sasali sa Sports Fest. May laban ako mamaya.
Elimination round sa College namin. Kung libre ka mamaya, panoorin mo ako, ha?"

"Of course I will watch your match," nakangiting sagot ko.

Mukhang natuwa siya. Then nagpaalam na siya sa akin kasi magpa-practice pa raw
siya. Nakangiti pa rin ako habang nakasunod ng tingin kay Kira na patakbo ring
lumayo sa akin. Well, wala sana akong balak maki-join sa kasiyahan ng Sports Fest
pero nagbago na ang isip ko.

                        ALAS DOS ng hapon ang match ni Kira. Alas dos din natapos
ang klase ko kaya halos thirty minutes akong late na nakarating sa badminton court
na itinayo sa tapat ng College building nila. On going na ang badminton match at
maraming mga estudyante ang nanonood. At first hindi ko makita ang mga naglalaro
kasi wala akong mapwestuhan. Hanggang mapansin ako ng isang grupo ng mga babaeng
estudyante na nanonood. Lumingon-lingon sa akin, nanlaki ang mga mata at
nagngisian.

                        "Eugine Alonso, dito oh, pwede ka dito manood para makita


mo," sabi ng isa na mukhang ang naudyukan ng mga kasama na magsalita. Medyo kabado
pa sila habang nakatingin sa akin. I can't blame them. Hindi kasi ako namamansin ng
ibang tao. Madalas din dati kapag may mga makukulit na tawag ng tawag sa pangalan
ko para lang lingunin ko sila, napipikon ako at nakakapagsungit.

                        I realized I was such a snob before. Bumuntong hininga ako,


tipid na ngumiti at naglakad palapit sa mga babaeng estudyante. "Thank you."

                        Natulala sila pero umusod naman hanggang makapwesto na ako


sa hilera nila. At last, nakita ko na ang game. Nakita ko na si Kira na pawis na
pawis at hinihingal. Sinulyapan ko ang score board. Malaki ang lamang ng kalaban
niya pero nang ibalik ko ang tingin sa kaniya nakita kong nakangiti siya. She's
enjoying the game. Sobra rin ang concentration niya at parang walang nakikitang iba
maliban sa kalaro niya. Ni hindi nga niya ako napapansin kahit kung tutuusin
malapit lang sa kaniya ang kinatatayuan ko.

Napangiti ako. I crossed my arms against my chest and silently watched her play
badminton.

Kahit gaano pa siya ka-enthusiastic at focused sa laro, halatang amateur si Kira.


Mabilis na natapos ang match at nanalo ang kalaban niya. Still, for some reason she
looks satisfied and happy. Masaya pa nga siyang nakipag-shake hands sa nanalo.

By this time aware ako na marami na ang nakakapansin sa presensiya ko sa lugar na


'yon. May mga itinuturo ako. May mga nagbubulungan. Nagtataka siguro kung bakit ako
naroon. May iba na parang gusto akong lapitan. Medyo naiilang na ako, actually.
Kasi hindi ako katulad ni Thorne na komportable maging center of attention. Lalo at
hindi pa umaabot ng isang linggo mula nang kumalat ang video namin ni Papa at ng
mistress niya.

Pero nawala ang discomfort ko nang mapalingon sa akin si Kira. Umaliwalas ang mukha
niya at matamis na ngumiti. Kumaway siya at patakbong lumapit sa akin. "Gin! Nanood
ka nga," masayang sabi niya nang makalapit sa akin.

Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa ko at nakangiting pinahid ang pawis sa noo
niya. "Yes. I saw you were having fun." Then kumunot ang noo ko nang matitigang
maigi ang mukha niya. "Pero namumutla ka. Are you okay? Nasobrahan ka yata ng
pagod." Ang iba kasing tao kapag pagod namumula ang mukha, hindi ba? Si Kira,
maputla. Kahit ang mga labi niya na normally mapula, ngayon dry at walang kulay.

Napatitig siya sa mukha ko. Pinupunasan ko na ang pisngi niya nang mapansin ko na
nakatingin sa amin ang mga estudyante sa paligid. Narealize ko na masyadong
intimate ang ginagawa kong pagpunas sa pawis ni Kira. Kaya pala nakatitig lang siya
sa mukha ko. Tumikhim ako at binawi ang kamay kong may hawak ng panyo.

"May iba ka pa bang match?"

Ngumiti si Kira. "Wala na. Natalo ako so out na ako."

"Spend the rest of your day with me."


Lumawak ang ngiti niya. "Okay. Magbibihis lang ako at kukunin ko lang ang gamit ko
ha? Hintayin mo na lang ako rito. Manood ka muna ng susunod na match." Saka siya
tumalikod at patakbong lumayo sa akin. Pero hindi pa siya nakakalayo ng husto
bumagal na ang pagtakbo niya. Kumabog ang dibdib ko nang gumewang si Kira, humawak
sa ulo niya na parang nahihilo at bumagsak.

Nagtilian ang mga tao sa paligid. Nanlamig ako, parang nahulog din sa sahig ang
puso ko at mabilis na napatakbo palapit sa kaniya. "Kira!"

Lumuhod ako sa tabi niya. My whole body is shaking but I still tried my best to
carefully gather her in my arms. Wala siyang malay. "Kira, wake up. Kira," bulong
ko sa kaniya sa nanginginig na boses. Nang hindi pa rin siya umuungol man lang
huminga ako ng malalim at binuhat siya hanggang makatayo na ako. God, she's so
light.

By this time nakalapit na sa akin ang ilang professor na naroon. Napagkasunduan na


dalhin si Kira sa University infirmary na fortunately ay katabing building lang ng
College niya. Halos tumakbo na ako papunta roon. Ang mga professor nakasunod sa
akin. Ang isa may tinawagan sa cellphone.    Ang isa, sinabing pupunta sa opisina
ng University President na tiyuhin ni Kira.

Hindi ko sila nilingon. Deretso ang tingin ko. Minsan sumusulyap ako sa walang
malay na mukha ni Kira. "Hang in there. Malapit na tayo. God, Kira, wake up,"
paulit-ulit na bulong ko sa kaniya hanggang makarating kami sa infirmary kung saan
may nurse na agad sumalubong sa amin. Hiniga ko siya sa kama. Naitulak ako palayo
ng University doctor hanggang mapasandal ako sa pader na katabi ng pinto.

Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko habang tinitingnan ang ginagawa nila kay
Kira. My heart hurts so much. Takot na takot ako.

Later nilingon ako ng doktor. Siguro napansin na halos hindi ako humihinga sa
pwesto ko. May kung ano siyang sinabi sa nurse na hindi ko maintindihan. Then
lumapit sa akin ang nurse, mabait na ngumiti at tinapik ako sa balikat kaya
napakurap ako at napabuga ng hangin. "Bumaba ang blood pressure niya due to anemia.
She's unconscious pero makakatulong na ang kinabit naming dextrose para umayos ang
lagay niya. Natawagan na ang parents niya at papunta na sila rito. Salamat sa
pagdadala mo sa kaniya. Pwede ka na umalis kung may iba kang lakad."

"No. I will stay with her. Hanggang sa dumating ang parents niya."

Lumingon ang nurse sa doktor. Nagkatinginan sila. Parang may pinag-uusapan sa


pamamagitan ng simpleng tinginan. Kinabahan ako. Talaga bang okay lang si Kira?
Bakit malakas ang kutob ko na may hindi sila sinasabi sa akin?

In the end pumayag ang doktor na manatili ako sa tabi ni Kira hangga't hindi pa
dumarating ang parents niya. Umupo ako sa silya na katabi ng kama niya. Marahan
kong hinaplos ang mukha niya. "You're gonna be okay, right?" bulong ko sa kaniya.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya. Then tahimik ko siyang
binantayan hanggang dumating ang parents niya. Dumating din ang pinsan niyang si
Hans.

Sobra silang nagpasalamat sa akin kasi raw naroon ako nang himatayin si Kira.
Nalaman ko rin na hindi pala nila alam na sasali siya sa Sports Fest at kung
nalaman daw nila hindi raw sila papayag kasi bawal daw mapagod ng husto si Kira.
Dumating ang professors niya na humingi ng sorry sa parents niya dahil sa nangyari.
Ang sabi raw kasi ni Kira nagpaalam daw siya at pinayagan ng mga magulang niya para
sumali sa Sports Fest.

I have a feeling na nakalista sa planner ni Kira ang sumali sa Sports Fest.


Napabuntong hininga ako. Kung alam ko lang, pinigilan ko rin sana siya. Pero siguro
alam niyang 'yon ang gagawin ko kaya hindi niya sinabi.

Hindi pa rin nagkakamalay si Kira nang igiit ng parents niya na umuwi na ako. Na
nakakahiya na raw kung mag-stay pa ako roon. I insisted on staying pero ayaw talaga
nila. Mukhang napansin ni Hans na magmamatigas ako kaya tinapik niya ako sa
balikat. "Let's go. Kaya na nila tita dito." Then nagpaalam na rin siya at sabay
kaming lumabas ng infirmary.

"Get a clue. They want to be alone as a family," sabi sa akin ni Hans.

I clenched my fists. "Gusto ko lang makitang gising siya bago ako umalis."

Tinitigan ako ni Hans. "Do you love Kira?"

"I do," seryosong sagot ko.

"How much?"

"So much."

"Are you sure?"

Nainis na ako. "Yes, I am sure."

Tinitigan na naman niya ako. Then tinapik niya ang balikat ko. "Sana nga. Kasi kung
hindi mo naman talaga siya sobrang mahal, mas mabuti pang lumayo ka na sa kaniya
ngayon pa lang. At hindi ko lang 'to sinasabi kasi overprotective ako sa kaniya. I
am also telling you this for your sake." Saka siya naglakad palayo.

Naiwan akong mag-isa sa hallway, nalilito sa mga sinabi niya. Tumitig ako sa
nakasarang pinto ng infirmary. Huminga ako ng malalim. At kahit napipilitan,
naglakad na rin ako palayo.
DAY 51
               

September 27. Tuesday

I GOT a call from Kira. Sobrang na-relieved ako na marinig ang boses niya. She
still sounds tired and weak pero at least gising na siya.

                        "Sabi sa akin nina Daddy, sobrang worried ka raw sa akin.


Sorry ha? Nagulat ka siguro na bigla akong hinimatay. Sorry rin kasi hindi ko
sinabi na bawal akong mapagod at sumali sa Sports Fest. Napagalitan ako ng mga
matatanda sa pamilya ko dahil sa ginawa ko. Kahit si Hans, nagalit sa akin."

                        Huminga ako ng malalim. "As long as you are okay."

                        Sandaling natahimik siya sa kabilang linya bago siya


tumikhim at nagsalita sa mas mahinang boses. "May iba pang sinabi sa akin si Hans.
May pinag-usapan daw kayo kahapon."

                        Bumilis ang tibok ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa


cellphone ko. "I just told him the truth."

                        "Truth?"

                        Huminga ako ng malalim. "Nasaan ka? I want to see you.


Gusto kong sabihin sa 'yo ng harapan. Nasa bahay ka ba? Pupunta na ako ngayon din."
Hinablot ko ang susi at wallet sa bedside table ko at mabilis na lumabas sa kwarto
ko.

                        "Wala ako sa bahay," mahinang sagot ni Kira.

Nakababa na ako sa first floor ng bahay namin. "Nasaan ka nga?" Hindi agad sumagot
si Kira. Nakalabas na ako at nabuksan na ang pinto ng kotse ko.

"Sa ospital."

Napahinto ako. Para akong sinuntok. Nagsalita uli si Kira, sinabi ang pangalan ng
ospital kung saan kami pumunta noong nagpa-check up siya. Humigpit ang hawak ko sa
cellphone ko. Sumikip ang dibdib ko pero alam kong kailangan ko kumalma. Saka ko
lang nagawang magsalita.

"Papunta na ako."

HINDI sinabi sa akin ni Kira kung ano ang room number kung saan siya naka-confine.
Nahirapan tuloy ako kumbinsihin ang naka-tao sa reception area na sabihin sa akin
ang impormasyon na kailangan ko. Hindi raw kasi ako kamag-anak ng pasyete.

Na-frustrate ako. Tatawagan ko na sana uli si Kira nang may lumapit na doktor sa
reception area. "Ako na ang bahala sa bisita ni Miss De Dios." Saka siya humarap sa
akin.

Nagulat ako. Ang batang doktor pala na kakilala ni Kira ang nagsalita. Sinulyapan
ko ang name pin sa breast pocket ng white coat niya. Drew Lorenzo ang pangalan
niya.

"Follow me," sabi niya na naglakad na palayo sa reception area. Tahimik akong
sumunod sa kaniya. Umakyat kami ng hagdan hanggang sa floor kung nasaan ang
pediatric ward. Alam ko kasi doon na-confine si baby Louise last time. Lumiko ang
doktor hanggang makarating kami sa East Wing. Natatandaan ko na doon ko nakitang
nakatayo at nakatitig sa kawalan si Kira dati. Ngayon lang ako nakalapit ng husto
roon. Close enough para makita ko kung anong ward ang nasa Wing na 'yon.

Napahinto ako at kumabog ang dibdib ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Huminto rin sa paglalakad ang batang doktor at takang nilingon ako. Napasulyap rin
sa nameplate ng ward saka seryosong tiningnan ako. "Are you going to see her or
not?"

Nahihirapan ako huminga. Parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Huminga ako ng malalim.
Then I willed myself to move. Hanggang nagawa ko na humakbang pasunod sa doktor.

Kumatok siya sa isang private room. May nameplate ng apelyido ni Kira sa labas at
pangalan ng doktor niya.

"Pasok." Narinig kong sabi ni Kira mula sa loob.

Binuksan ni Dr. Drew Lorenzo ang pinto pero imbes na pumasok nilingon niya ako.
"Get in."

Lumunok ako. Huminga ng malalim at saka pumasok sa hospital room. Nakita ko si Kira
na mukhang nagulat at natigilan nang makita ako. Siya lang mag-isa sa silid.
Nakasuot siya ng hospital gown at paupong nakasandal sa headboard ng hospital bed.
May nakatusok na dextrose sa isang braso niya. Parang nilamutak ang sikmura ko at
may bumara sa lalamunan ko.

Mukhang nakikita ni Kira sa mukha ko ang nararamdaman ko right at this moment. Kasi
malungkot at halos apologetic ang ngiting sumilay sa mga labi niya. "I don't really
want you to see me like this. Kasi ayokong makitang ganiyan ang expression mo."

Lumunok ako at naglakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama niya at
maingat na hinawakan ang kamay niyang walang nakatusok na karayom. Hindi ko
magawang magsalita kaya itinaas ko na lang ang kamay niya at magaan 'yong
hinalikan. Then inilapat ko 'yon sa pisngi ko at pumikit.

She's okay. She's okay.

"Gin, hindi ba sabi mo may gusto kang sabihin sa akin ng harapan? Tungkol sa
pinag-usapan niyo ni Hans kahapon. Tell me," malumanay na sabi ni Kira.

Dumilat ako, ibinaba ang magkahawak naming mga kamay at lakas loob kong sinalubong
ng tingin ang mga mata niya. "Tinanong niya ako kung mahal kita." Humigpit ang
hawak niya sa kamay ko. "Ang sabi ko oo. Tinanong niya ako kung gaano kita kamahal.
I said I love you so much, Kira. Binago mo ang pananaw ko sa maraming bagay. Binago
mo ang buhay ko at binigyan mo ng kulay at saya. Dati hinahayaan ko lang dumaan ang
mga araw. Sumasabay ako sa agos pero hindi ako emotionally involved. Palagi akong
nakatingin sa future at hindi pinapahalagahan ang bawat sandali ng kasalukuyan.

"But you taught me to take it slow. To enjoy every moment. You told me that we are
twenty. Hindi na teenager pero hindi pa rin adult. We are in the stage of
transformation. Like the sunrise between night and day. That we are the in-between.
At ikaw ang nagturo sa akin na dahil maiksi lang ang sandaling 'to ng buhay natin,
dapat gawin nating memorable. Kira, you made my life as a twenty-year-old
memorable. Ikaw na palagi na lang may paliwanag tungkol sa maraming bagay. Ikaw na
palaging naididikit sa stars at Universe ang everyday life. Ikaw na palaging
nakikita in a different and amazing way ang mga bagay-bagay. Ikaw na may ngiting
nakakahawa at may magandang mga mata. Ikaw na nagpakilala sa akin sa ibang parte ng
pagkatao ko na hindi ko alam dati. Ikaw ang babaeng mahal na mahal ko. Sobra. To
the point na kung may magtatanong uli sa akin kung gaano kita kamahal wala akong
maiisip na salita para i-describe ang feelings ko."

Namasa ang mga mata ni Kira. "Gin..."

Shit. Humahapdi rin ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim. "Lalo kong nakumpirma
ang feelings ko kahapon. Nang makita kitang hinimatay at hindi magising kahit anong
tawag ko sa'yo, parang may humiwa sa dibdib ko at pwersahang hinablot ang puso ko.
It hurt me so much to see you like that."

Nanginig ang mga labi ni Kira. "If it hurts you to love me, then stop now, Gin.
Ayokong saktan ka," garalgal na sabi niya.

"Bakit mo sinasabi 'yan?" bulong ko. Natatakot ako. Sobra. Pero alam ko na
kailangan ko marinig ang sasabihin niya.

Pilit siyang ngumiti. "Gin, 'di ba sabi mo sa akin dati, kung isa akong star then
isa akong blue dwarf kasi you find me warm?" Tumango ako. "Actually, hindi naman
talaga ako blue dwarf. Kung isa akong bituin, isa akong Red Giant."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I know tinakasan ng kulay ang mukha ko
right at this moment. Because of course I know the meaning of a Red Giant star. At
alam niyang alam ko 'yon.

Naging malungkot ang ngiti ni Kira. Dahan-dahan niyang binawi ang kamay niyang
hawak ko. "Gin... I am a dying star."
DAY 52
               
September 28. Wednesday

LUTANG ang utak ko. Ni hindi ko alam paano ko napasukan ang mga klase ko. In
between classes, habang ang buong University nagkakasiyahan kasi kalagitnaan pa rin
ng Sports Fest, para akong ewan na nagpapalakad-lakad lang sa campus. Paulit-ulit
na bumabalik sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Kira kahapon. Paulit-ulit ko
ring sinasabi sa isip ko na surely, panaginip lang ang lahat. O kaya binibiro lang
niya ako. But then, paano magiging panaginip o biro ang nameplate ng East Wing sa
ospital na 'yon? Malinaw na Oncology Ward ang part na 'yon ng ospital. Doon siya
naka-confine.

Sinabi sa akin ni Kira ang lahat. Nang sabihin niya dati na sakitin siya noong bata
pa siya, mas malala pala kaysa iniisip ko ang sakit niya. She said she was
diagnosed with cancer when she was just ten years old. Lymphoma. Kaya pala mahina
ang katawan niya noon kasi immune system niya ang inaatake ng cancer cells.
Thankfully, mabilis nalaman ang sakit niya at mas mataas na rin ang survival rate
ng mga batang may ganoong klase ng cancer. She was under chemotherapy and radiation
treatment for almost two years. Then three years na may follow-up care siya bago
nag-declare ang doctor na cancer free na siya.

Through out high school nasa ilalim ng special education program si Kira. Home
schooled siya kaya never na-experience ang normal student life. Kaya nang makakuha
siya ng go signal from her doctor, nag-insist siya na pumasok sa Richdale
University bilang isang normal na college student. Kaya pala maiksing maiksi ang
buhok niya sa picture na kinunan noong freshmen orientation. Sabi kasi niya, sa
loob ng halos limang taon nakalbo siya from the treatment. Kaya naging mahiyain
siya at takot makisalamuha sa ibang estudyante. Takot siyang maungkat ang tungkol
sa buhay niya.

Hindi rin siya naging entirely normal student since kailangan pa rin niyang
regular na bumisita sa ospital. Ang mga cancer patients daw kasi ay tumatagal ng
ten years na under observation bago makasigurong wala na talagang mangyayaring
Recurrence. Iyon ang tawag kapag bumabalik ang cancer ng isang pasyenteng gumaling
na.

Bukod doon affected na ang katawan niya habambuhay dahil sa side effects ng
treatment niya. Mahina ang katawan niya at sensitive sa mga sakit. Kaya throughout
college madalas siya lagnatin at manghina kaya naging pala-absent sa klase.   

Last year is her ninth year since she was diagnosed with cancer. Ilang taon na lang
ang hinihintay ng pamilya niya para masigurong cancer free na talaga siya.

But then last year, she suddenly had a Recurrence...


DAY 53
               

September 29. Thursday

NGUMITI si Kira nang makita ako. Tumikhim ako at sandaling nanatiling nakatayo sa
tabi ng pinto bago ako naglakad palapit sa kama. Mas maganda na ang kulay ng mukha
niya ngayon. Though may nakakabit pa ring dextrose sa kamay at braso niya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko.

Lumawak ang ngiti niya. "Better. Baka nga bukas makalabas na ako ng ospital at
makapasok na sa school."

Kumunot ang noo ko. Umupo ako sa gilid ng kama niya at tinitigang maigi ang mukha
niya. "Pero hindi ba..."

"Hindi ba may sakit ako?" tapos niya sa tanong ko.

Sumakit ang dibdib ko at lumunok ako. Hindi nawala ang ngiti ni Kira at sumandal sa
headboard. "Gin, I've been fighting cancer all my life. Lumalaban ako kasi gusto
kong mabuhay. Naging takot akong gawin ang maraming bagay kasi baka makasama sa
akin at maospital na naman ako. Kahit ang pakikipagkaibigan, natakot akong gawin
kasi alam ko na kapag nalaman nila ang sakit na kakambal ko na yata, maiilang sila
at hindi rin magiging komportable na makasama ako. Cancer ruled my life. And I
realized that though I am breathing, I'm not really living at all. And I'm so tired
of it.

"Last year, nang sabihin sa akin ng mga doktor na kailangan ko na naman mag undergo
ng treatment, iniisip ko pa lang ang mga gagawin sa akin napapagod at nanghihina na
ako. Naisip ko, buong buhay ko ba talagang gagawin 'to? Lumalaban mabuhay pero
nakakulong lang sa loob ng ospital at hindi rin naman nagagawa ang mga bagay na
nagagawa ng mga normal na tao? Ayoko na nang ganoon, Gin. I want to live. As in
really live."

"Kira..." paos na tawag ko sa kaniya. Bakit ba pangalan lang niya ang kaya kong
sabihin? Wala ba akong pwedeng masabi na magpapagaan sa loob niya at makakatulong
sa kaniya kahit papaano? How can I be so helpless?

    Ngumiti siya. Para bang naiintindihan ang feeling of helplessness ko na inabot


niya ang kamay ko at pinisil 'yon. "Ang tagal bago ko nakumbinsi sila Daddy at
Mommy na ayoko na muna magpagamot. I know na habang pinapatagal ko lalong kumakalat
ang sakit sa katawan ko. Pero sinong makakapagsabi na gagaling na ako after ng
susunod kong treatment? What if this time, matalo ako ng cancer? Ni hindi ko
naexperience mabuhay talaga bago ako mawala sa mundong 'to."

"Don't say that," garalgal na sabi ko. "Gagaling ka. Marami na ang gumagaling sa
Lymphoma ngayon. Just go and get your treatment. Then you will be okay and you can
do whatever you want after."

Umiling siya, pinisil ang kamay ko. "You don't understand Gin. Habambuhay nang iba
ang lifestyle ng mga katulad kong dinapuan ng sakit na 'to. We might try to be
normal but we all know we're not. At ayokong umasa sa future na walang kasiguruhan.
Kaya nakiusap ako kila Daddy na pagbigyan akong gawin ang mga gusto ko kahit isang
semester lang. Hindi ako tumigil magmakaawa hanggang pumayag sila." Ngumiti si
Kira. "Bago ako magpagamot uli, I decided to live my twentieth year the way I want
to. I want to do the things I want to do. I want to love someone so much to the
point of being clingy. I... want to love you."

May bumara sa lalamunan ko. Humahapdi na naman ang mga mata ko. "If you want to
love me, bakit ayaw mo magkaroon tayo ng relasyon?"   

Nawala ang ngiti ni Kira. Nagbaba siya ng tingin at lumungkot ang mga mata.
"Prepared na ako na unrequited love ang mararanasan ko kapag pinilit kong maging
malapit sa'yo, Gin. I don't expect you to like me back. No. I don't want you to
like me back."

"Bakit nga?" frustrated na tanong ko.

Tiningala niya ako. "Kasi ayokong maging emotionally involved ka sa akin na gaya
ngayon. Ayokong masaktan ka. Wala kang idea kung gaanong hirap ang pinagdadaanan ng
mga nagmamahal sa mga katulad ko. The fear of losing us any time. The pain of
seeing us while undergoing treatment. The stress and depression they experience
habang tinatanong sa isip nila kung kailan ba matatapos ang lahat. The guilt when
sometimes they half wish we get better while the other half wish we should just
die. Para lang magkaroon ng end lahat ng struggle. Akala ng mga taong nasa tabi
namin, hindi namin alam ang mga tumatakbo sa isip nila o ang mga emosyong
nararamdaman nila. Pero alam namin. At mas masakit sa amin 'yon kesa sa chemo at
radiation theraphy. Masakit sa amin na nahihirapan at nagdurusa ang mga taong mahal
namin dahil sa sakit namin."

"Kira..."

"Gin, right now I know how you feel. May takot ka. May doubts. May part mo ang
gustong manatili sa tabi ko pero may part din ang gustong tumakbo." Sincere siyang
ngumiti. "It's okay. You can turn your back on me. I won't judge you. I won't even
hate you. In fact, I will continue to love you in silence. Eighty days lang naman
ang hiningi ko sa'yo eh. Okay lang kahit hindi na natin tapusin ang natitirang mga
araw na naipangako mo sa akin. Masaya naman na ako sa naging pagsasama natin. Nag-
enjoy ako at naging memorable ang nakaraang mga linggo para sa akin kasi kasama
kita. Gusto ko na maalala mo ako bilang isang masayang memory at hindi malungkot.
Gusto ko na magkaroon ka ng masaya at normal na buhay. I want you to become a
bright and warm star. Iyong tipong kahit million light years away ka sa akin
makikita ko pa rin ang liwanag mo. And that your light will surely make me feel
better wherever I may be."

Na-frustrate ako. Nasaktan na tinataboy niya ako. "I don't want to leave you,"
matatag na sagot ko. "I want to stay with you, Kira. Mahal kita at hindi nagbago
'yon dahil lang nalaman ko ang kalagayan mo. Don't underestimate me. Don't push my
feelings away."

Namasa ang mga mata ni Kira hanggang may tumulong luha sa kaliwang pisngi niya.
Marahan kong pinunasan 'yon ng hinlalaki ko at inilapit ko ang mukha sa kaniya
hanggang maglapat ang mga noo namin. "Nakapasok ka na sa puso ko at binago mo ang
buhay at pagkatao ko. Please, papasukin mo rin ako sa puso mo. Let me love you."

May tumulo na naman siyang luha. "Masasaktan ka."

"I don't care."

"You will care. Soon you will."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Then let me handle it when that time
comes. Pero ngayon hayaan mo akong mahalin ka. Please, Kira."

Sandali siyang pumikit. Nang dumilat siya uli bumulong siya, "Okay."

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. At dahil sobrang saya ko at hindi ko napigilan ang
nararamdaman ko, tinawid ko ang pagitan ng mga mukha namin at magaan siyang
hinalikan sa lips. Nagulat siya pero sandali lang. Bumuntong hininga siya. Then she
kissed me back.
DAY 54
               

September 30. Friday

AWARE ako na hindi pabor ang parents ni Kira na lumabas siya ng ospital. Today,
kahit na nakabihis na siya at inaayos na ang gamit niya para umuwi, kinukumbinsi pa
rin siya ng parents niya na magpagamot na. Kesa raw lumala pa ang kalagayan niya at
lumiit ang chance na gumaling siya. Kaso matigas ang loob ni Kira. May natitira pa
raw siyang mga araw sa napagkasunduan nila. Gusto niyang sulitin 'yon.

                        Maaga akong dumating sa ospital para kausapin ang parents


ni Kira. Pormal kong pinaalam ang feelings ko para sa anak nila. And that Kira and
I decided to be in a relationship. Naramdaman ko na may alinlangan ang parents niya
sa desisyon namin. Mostly, mukhang ako ang inaalala nila. But I assured them that I
will be okay. Na naniniwala ako na gagaling si Kira at tuluyan nang lulubayan ng
sakit niya kapag nag-undergo na siya ng treatment. Nagkatinginan ang mag-asawa at
nang ibalik ang tingin sa akin ngumiti sila at niyakap ako.

                        Kahit gusto ko pang makasama si Kira sa araw na 'to alam ko


na dapat ko silang bigyan ng alone time bilang pamilya. So ihahatid ko lang sila
hanggang sa sasakyan nila at ako naman uuwi na after. Bitbit ng Daddy niya ang mga
gamit niya at naunang lumabas ng hospital room kasama ang Mommy niya.

                        Inilahad ko ang kamay ko at nakangiting tinanggap 'yon ni


Kira. We walked out with our hands entwined with each other.   
DAY 55
               

October 1. Saturday

"ANO pa ba ang nasa planner mo na hindi mo pa nagagawa?"

Sinubukan ko silipin ang planner ni Kira pero mabilis niyang isinara 'yon at
kinipkip sa dibdib niya. Tumawa siya. "Huwag mo tingnan!"

Umangat ang kilay ko. "May itinatago ka pa ba sa'kin?"

Tumawa siya uli at umiling. "Basta."

"Then paano ko malalaman kung ano pa ang gagawin natin sa mga susunod na araw?"

Inilapag niya ang planner sa center table. Then tumayo siya mula sa couch kung saan
siya nakaupo at lumipat sa tabi ko sa mahabang sofa. Kumapit siya sa braso ko at
nakangiting humilig sa balikat ko. Then she looked up at me. "Wala akong ibang
plano sa mga susunod na araw kung hindi ganito lang, tumambay at maglambing sa'yo."

Napangiti ako. Inabot ko ang isa niyang kamay at pinaglingkis ang mga daliri namin.
I softly kissed the back of her hand. Then humilig din ako sa ulo niya at bumuntong
hininga. "Ah. I like this."

Lalo pa siyang sumiksik sa akin. "Me too."


DAY 56
               

October 2. Sunday

NAG-DECIDE kami ni Mama na magde-date kami tuwing Sunday. So hindi ako nagpunta kay
Kira today. Lumabas kami ni Mama. Nanood ng sine at kumain sa restaurant na hindi
pa namin napupuntahan pareho.

Something awkward happened though. Bago kami matapos kumain, pumasok sa restaurant
si Papa. May kasamang grupo ng mga negosyante. Nakita namin siya agad. At nakita
rin niya kami.

Na-tense si Mama. Obvious na na-tense rin si Papa. Nagkatitigan pa nga silang


dalawa bago sabay na nag-iwas ng tingin. Naglakad papunta sa lamesa na malayo sa
amin ang grupo ni Papa. Pero nagkakakitaan pa rin kami. Akala ko mag-aaya na si
Mama na umalis pero nag-stay siya sa pagkakaupo. Hindi rin siya nagmadaling kumain
at nakangiting nagkuwento na naman sa akin na parang hindi affected sa presence ni
Papa.
Napangiti ako. My mother is a very strong woman. And I'm proud of her.
DAY 57

               

October 3. Monday

PUMASOK na uli sa Richdale University si Kira. In fact, sinundo ko siya sa bahay


nila at sabay na kami nagpunta sa school. At least this way, nababantayan ko siya
at nasisiguro ko na okay siya.

May isang bagay lang akong nakaligtaan isaalang-alang. Students of Richdale tends
to be alert when it comes to me. Pagkalabas pa lang namin ni Kira mula sa kotse ko
nakakuha na agad kami ng atensiyon mula sa mga estudyante sa paligid namin.
Besides, we've been the topic of rumors since last month. Lalo na noong araw na
hinimatay si Kira. Siguro stressed sa pag-aaral ang mga estudyante kaya kaunting
mapag-uusapan pinapalaki nila para may mapagkaabalahan.

"Saan ang klase mo? Ihahatid na kita."

Nanlaki ang mga mata ni Kira. "Ha? Huwag na."

"I insist." Hinawakan ko ang kamay niya. Napanganga siya at iginala ang tingin sa
paligid bago ibinalik ang tingin sa mukha ko. Ngumisi ako. "What? I just want to
hold my girlfriend's hand. Wala namang masama 'don 'di ba?"

"Girlfriend?!" Halos sabay-sabay na sabi ng mga estudyante sa paligid namin. I


didn't bother to look around me. Kasi sa mukha lang ni Kira ako nakatingin. Kaya
nakita ko nang mamula ang mukha niya. Kaya nakita ko ang pagguhit ng matamis na
ngiti sa mga labi niya. Kaya nakita ko ang kislap ng pagmamahal sa mga mata niya
habang nakatitig sa akin.

God, I love this girl. I want to be with her for a very very long time.
DAY 58
               

October 4. Tuesday

GUSTO kong pasayahin si Kira. Narealize ko na instead na hintayin kong sabihin niya
sa akin kung ano ang mga sinulat niya sa planner niya, ako na lang ang mag-iisip ng
pwede naming gawin na ma-e-enjoy niya at magiging memorable sa kaniya.

Maghapon akong walang inatupag kung hindi ang gumawa ng listahan.


DAY 59

               

October 5. Wednesday

THINGS TO DO TO MAKE KIRA HAPPY

Introduce her to Mama and Lolo. And Thorne and          Danica. Maybe a dinner with
them or something.Dalhin siya sa isang lugar na never pa niya          napuntahan.
Beach is a good idea, yeah? Tell her I love her everyday.Mag stargazing kasama
siya. note: reseach online          for best places to go stargazing near
Manila.Think of more things to do to make her happy. We          can even continue
writing this list together.
DAY 60

               

October 6. Thursday

PLANO ko na ayain si Kira na mag-dinner. Natawagan ko na kahapon sina Thorne at


Danica para sa plano ko at pumayag sila agad. They even congratulated me. Kalat na
kasi sa buong Richdale University ang relasyon namin ni Kira. Napangisi lang ako at
nagpasalamat sa kanila.

Kaninang umaga rin sinabi ko na kay Mama ang tungkol sa girlfriend ko. Hindi siya
nagulat. In fact ang sabi niya sa akin alam daw niya na in love ako. Halata raw sa
mukha ko lately. Curious daw siya kung anong klase ng babae ang nagpapangiti sa
akin kaya pumayag siya na pumunta sa dinner.

Then bago mag lunch time pumunta ako sa kompanya ni Lolo para personal siyang
kausapin. Kumatok ako sa pinto ng opisina niya at nakangiting pumasok sa loob.
Mukhang nagulat siya at napatayo pa. "Wow. To whom do I owe this wide smile on your
face, Eugine?"

Natawa ako at lumapit kay Lolo. "Makikilala mo siya kung ike-clear mo ang schedule
mo bukas for dinner. Inimbitahan ko rin sina Thorne. Mama also said she's coming."

Tumawa si Lolo at tinapik ako sa balikat. "Aba, hindi ko palalampasin ang dinner na
'yan. I want to meet her."

Ngumisi ako. I can't help it. Sobrang saya ko lang talaga.

Bandang hapon pumasyal ako sa bahay nila Kira. I told her about the dinner
tomorrow. Ngumiti siya pero umiling. "Nakakahiya naman sa pamilya mo."

Kumunot ang noo ko. "Anong nakakahiya? Ipapakilala ko lang sa kanila ang babaeng
mahal ko."

Parang nagdadalawang isip pa rin siya.

"Sina Thorne at Danica lang naman 'yon. Nakilala mo naman na sila, 'di ba? Then si
Mama lang at si Lolo."

Bumuntong hininga siya. Then tipid na ngumiti. "Okay. Sige, sasama ako. Gusto ko
rin naman makilala ang pamilya mo, Gin. Pero pwedeng humingi ng favor?"

"Of course."

Naging malungkot ang ngiti niya. "Huwag mo sabihin sa kanila ang tungkol sa
kalagayan ko, pwede? Ayokong mailang sila o maawa sa akin. First time ko sila ime-
meet at gusto ko normal na babae ako sa tingin nila. Please?"

Napatitig ako sa mukha niya. May bumara sa lalamunan ko kasi nakikita ko ang
insecurity sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita. Inabot ko ang kamay niya at
marahan 'yong pinisil. Then I softly smiled. "Okay. Just go to the dinner with me.
Please?"
Huminga siya ng malalim at gumanti ng masuyong ngiti. "Okay."
DAY 61

               

October 7. Friday

AFTER ng lahat ng classes namin ni Kira dumeretso kami sa restaurant kung saan ako
nagpareserve para sa dinner date namin with my family. Kompara kahapon, normal at
cheerful si Kira ngayon. Wala akong nakikitang lungkot o insecurity o kung ano pa
sa mga mata niya. She looks like the girl I knew all these weeks. Masigla,
kumikinang sa kapilyahan ang mga mata at ginagamitan na naman ako ng analogy na
siya lang yata ang makakaisip.

"You know, feeling ko isa akong asteroid at ikaw ang araw at papalapit na ako sa
loob ng solar system mo. Makikilala ko na ang mga planeta na umiikot sa'yo."

Natawa ako. "I'm not that self-centered. Hindi ako naniniwala na umiikot sa akin
ang buong solar system. In fact, kung isang solar system ang pamilya Alonso, si
Lolo ang araw."

"O 'di sige. Ikaw na lang ang Moon," nakangising sabi ni Kira.

Naihinto ko na ang kotse ko sa tapat ng restaurant. Pagkababa namin bigla kong


naisip itanong, "Bakit pala isa kang asteroid?"

Tiningala niya ako at tipid na ngumiti. "Because I'm just passing by." Saka siya
naglakad papunta sa entrance ng restaurant.

Hindi ako nakakilos. Para akong sinuntok sa sikmura. Hindi ko gusto ang implication
ng sinabi niya. Naglakad ako pasunod sa kaniya na nakapasok na sa restaurant.
Kakausapin ko na sana siya tungkol sa sinabi niya nang may tumawag na sa pangalan
ko. Paglingon ko nakita ko na si Thorne at Danica na nakapuwesto sa lamesang
pinareserve ko.

"Ay, kasama nila si baby!" masayang sabi ni Kira at nauna pang lumapit sa lamesa
kaysa sa akin. Nilaro niya agad si Louise. Napabuntong hininga na lang ako. It's
not the time to ask her about that asteroid thing. Lumapit na ako sa lamesa at
nakangiting binati ang mag-asawa.

Mayamaya sabay na dumating si Mama at Lolo. Noong una napansin ko na naiilang si


Mama pero nagpakumbaba si Lolo at pinaghila pa ng upuan si Mama. Kahit si Thorne na
ilag at indifferent dati sa parents ko ay magalang at nakangiting binati ang nanay
ko. Then pormal kong pinakilala si Kira sa kanila.

                        She easily charmed them. Well, ineexpect ko naman na 'yon.


Walang taong hindi lalambot ang puso at matutuwa kay Kira. Lalo at kaibigan ni Lolo
ang Lolo sa mother's side niya. Marami silang napag-uusapan.

                        Si Mama rin nagbubukan ng topic para hindi mahinto ang


usapan sa lamesa namin. Mukhang interested talaga siya kay Kira kasi kapag
sinusulyapan ako ni Mama may kislap ng approval ang mga mata niya. Napapangisi
tuloy ako. Proud na proud ako syempre.

                        "So, Multi-media Arts ang course mo, right? What do you


want to do in the future then?" nakangiting tanong ni Lolo kay Kira habang kumakain
na kami ng dessert.
                        Napatingin ako sa girlfriend ko kasi hindi ko pa rin
natatanong sa kaniya ang tungkol 'don. Natigilan rin siya at napatingin sa aming
lahat na nakatingin sa kaniya. "Ahm... never ko pa po naisip ang tungkol sa future
pero kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko po maging nature photographer."

                        "Nature photographer?" tanong ni Mama.

                        Tumango si Kira at ngumisi. "Or an astronomer."

                        Natawa si Mama. "Pareho kayo ni Eugine. Noong bata pa siya


palagi niyang sinasabi na magiging astronomer siya. Well, that was before he began
to train in the company."

                        Natigilan si Lolo, napatingin sa akin. "Do you still want


to become an astronomer?"

                        Alam ko seryoso siya sa tanong na 'yon. Nakatingin na sila


lahat sa akin. Hindi ako agad sumagot kasi pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kinapa
ko sa puso ko para sa tunay na sagot. Ngumiti ako at marahang umiling. "Mas
interesado na ako sa negosyo ngayon. I admit, napipilitan lang ako noong bata ako
na mag-training para sa kompanya. Pero nang magsimula akong mag internship mula sa
pinakamababang posisyon at pataas ng pataas, narealize ko na nag-eenjoy ako sa
kalakaran ng Shipping at Airline business. I have a lot of ideas to make our
services better and I am excited to put my ideas into realistic plans. I am still
fascinated by Astronomy at hindi pa rin ako magsasawa magresearch at magbasa
tungkol sa new discoveries about the Universe. But when it comes to my interests,
pangalawa na ang negosyo at pangatlo ang Astronomy."

                        "Huh? Ano ang number one?" takang tanong ni Danica.

                        Ngumiti ako at tumingin kay Kira na katabi ko sa lamesa.


Napahinto siya sa pagnguya sa cake na kakasubo lang niya. Napatingin din siya sa
akin. May icing sa gilid ng mga labi niya. Marahan kong pinunasan 'yon ng hinlalaki
ko. I smiled at her tenderly. "This girl is my number one."

                        Sumipol si Thorne. Humagikhik si Danica. Napangiti si Lolo


at Mama. Si Kira naman natulala at namula. Ngumisi ako.

                        It was a good night. The best dinner I ever had.


DAY 62
               

October 8. Saturday

MAY hangover pa ako sa nangyari kagabi. Hindi kami magkikita ni Kira ngayon kasi
may date naman daw siya kasama ang parents niya. So nag-usap na lang kami sa
cellphone.

"Ang weird nga ni Daddy nang umuwi siya kagabi. Parang may malalim na iniisip na
ewan. Then bigla siyang nag-aya na lumabas kaming pamilya today. May gusto raw siya
sabihin sa amin. Wait, aalis na raw kami. I'll call you later ha? Bye!"

Naputol ang tawag. Bumuntong hininga ako pero napangiti rin. Then kinuha ko mula sa
cabinet ng bedside table ko ang listahan na ginawa ko. Nalagyan ko na ng check ang
dinner date. Gusto ko naman siya dalhin sa beach.

Sana pumayag siya. Sana matuwa siya. Because there is nothing I want more than to
see her smile and hear her laugh.
DAY 63
               

October 9. Sunday

SABI ni Kira kahapon tatawagan niya ako. Pero hindi niya ginawa. Ako ang tumawag sa
kaniya kagabi bago ako matulog pero nag-ri-ring lang ang cellphone niya. Hindi siya
sumasagot.

Kanina pagkagising ko si Kira agad ang tinawagan ko. Hindi pa rin sumasagot. By
lunch time hindi na ako makatiis. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto ko. Balak ko
pumunta sa bahay nila. Pero naharang ako ni Mama pagbaba ko.

"Saan ka pupunta?"

                        "Kila Kira. Hindi siya sumasagot sa tawag ko."

                        Umangat ang kilay ni Mama pero nanunudyo naman ang mga mata
at nakangiti. "Hindi ko inakala na clingy ka pala. Don't be like that, Eugine.
Magsasawa siya agad sa'yo o baka mainis at iwanan ka kasi kaunting kibot nakasugod
ka agad sa bahay nila. Give her some space."

                        Hindi ako nakaimik. May point naman kasi si Mama. Napahugot


na lang tuloy ako ng malalim na paghinga. Then lumapit ako sa kaniya at inakbayan
siya. "Fine. Ikaw na lang ang lalambingin ko today."

                        Natawa si Mama at kumapit sa baywang ko. "I like that."   


DAY 64
               

October 10. Monday

SA WAKAS nakatanggap din ako ng message mula kay Kira. Magkita raw kami sa rooftop
na palagi naming tinatambayan bago magsimula ang mga klase namin. Excited ako at
halos takbuhin na ang hagdan paakyat sa rooftop. Nakahanap na kasi ako kagabi ng
magandang beach na pwede namin puntahan. Malapit lang rin sa Manila kaya hindi
namin kailangan mag overnight. Alam ko kasi na hindi siya papayagan ng parents niya
na mag-stay over sa isang resort na kaming dalawa lang. Balak kong sabihin sa
kaniya ang plano ko ngayon para mapagdesisyunan na namin kung kailan kami pupunta.

Naabutan ko siyang nakatayo patalikod sa pinto. Malayo ang tingin. Bumuntong


hininga ako saka nakangiting naglakad palapit sa kaniya. "Hey. Good morning."

Bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Good morning. Pasensiya ka na hindi ko


nasagot ang mga tawag mo noong weekend ha? Busy kasi sa bahay." Huminga siya ng
malalim. "Gin, may sasabihin ako sa 'yo."

"Really? May sasabihin din ako sa 'yo eh."

Kumurap siya. "Anong sasabihin mo?"

Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. "Let's go to the beach. Day trip lang. You
can take some pictures and we can spend more time together."

Namilog ang mga mata niya at excited na ngumiti. "Gin! Paano mo nalaman na isa sa
mga isinulat ko sa planner ko ay magpunta sa beach?"

Natawa ako. "Hindi ko alam. I just made my own list."


"List ng ano?"

Affectionate akong ngumiti at hinawi ang hibla ng buhok niyang tumabing sa mukha
niya. "List of things that I want to do to make you happy."

Napanganga siya at napatitig sa akin. Then ginulat niya ako nang bigla niya akong
yakapin ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko at naramdaman kong
nakangiti siya. "Thank you Gin! Sige. Let's go to the beach. Kahit bukas na bukas
rin! Excited na ko."

Napangiti ako at gumanti ng mahigpit na yakap. Parang may init na humaplos sa puso
ko. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at bumulong sa tainga niya, "I love you."

She gasped. Tiningala niya ako. When our eyes met I said it again. "I love you."

Namasa ang mga mata niya. Ngumiti siya. "I love you too." Then she stood on tiptoe
and lightly pressed a kiss on my lips.
DAY 65
               

October 11. Tuesday

BUMIYAHE kami papunta sa isang beach cove sa Batangas. Alas kuwatro pa lang ng
madaling araw sinundo ko na si Kira sa bahay nila. Hinarap ako ng parents niya na
ilang beses ibinilin na huwag kong hayaan mapagod ang anak nila. I assured them
that I will make sure she will be okay.

Si Kira tawa ng tawa. "Hindi naman po ako mapapagod. Maglalakad-lakad lang kami
'ron, kukuha ng picture, tititig sa dagat, lalanghap ng sariwang hangin."

Mukhang worried pa rin ang parents niya pero hinayaan na kami umalis. Mabilis ang
biyahe kasi sobrang aga pa. Bandang alas otso nakarating na kami sa Calatagan.
Medyo worried lang ako kasi makapal ang mga ulap sa kalangitan at parang uulan. Na
huwag sana mangyari. Okay na ang makulimlim. At least hindi kami masusunog ng araw.

Alam kong malapit na kami sa beach nang makalampas na kami sa aspaltadong daan at
nakahilera na ang mga malalaking fire tree sa magkabilang gilid ng lupang kalsada.

"Wow. This road is beautiful," manghang sabi ni Kira. Ibinaba pa niya ang bintana
at sumilip sa labas. Matamis siyang nakangiti habang tinitingnan ang mga punong
nadadaanan namin. Napangiti rin tuloy ako. Pero hindi ako sa mga puno nakatingin
kung hindi sa mukha niya. The road might be beautiful but I prefer staring at her.

Ilang minuto lang hininto ko na ang kotse ko kahilera ng iilang sasakyan na naka-
park. Weekday kaya hindi na ako nagtataka na kaunti lang ang bumisita roon. Naunang
bumaba si Kira, halatang excited na magpunta sa dalampasigan. Natatanaw na kasi
mula sa pwesto namin ang dagat.

"Gin, bilisan natin!" sabi pa niya, naka-ready na sa kamay ang DSLR camera.

Natawa ako. Imbes na lumapit sa kaniya binuksan ko ang pinto sa backseat ng kotse
ko. Kinuha ko roon ang isang malaking basket na naglalaman ng pagkain at maiinom na
pinahanda ko sa kasambahay namin. Then kinuha ko ang nakatuping picnic mantel.

Nakita agad ni Kira ang mga bitbit ko nang lumapit ako sa kaniya. Natawa siya.
"Wow. Prepared ka talaga."

"Syempre naman," nakangiting sagot ko. Then sabay na kami naglakad palapit sa
dalampasigan.
Low tide sa oras na 'yon kaya malawak ang sand dunes na kulay cream. Hindi maalon.
Walang nakatayo na cottage o kahit ano pa man sa paligid. Ang panlilim lang talaga
ilang mga puno. The beach is serene. Maliban sa mahihinang ingay na galing sa ilang
mga taong kasabay naming nagpunta roon, huni lang ng hangin at dagat ang maririnig.

"This place is perfect," pabuntong hiningang sabi ni Kira habang nakatitig sa


dagat. Itinaas niya pa ang mukha niya, pumikit at huminga ng malalim. There is a
soft smile in her lips.

And I fell for her all over again.

Kumuha ng maraming pictures si Kira. Then naglaro kami sa tubig. Hanggang tuhod
lang namin ang nilublob namin sa dagat. Hindi kasi siya pwede maligo so hindi ko
rin ginawa kahit na may baon naman akong damit. Okay na rin kasi naririnig ko ang
malutong na halakhak niya at nakikita kong talagang nag-e-enjoy siya.

Bandang tanghali imbes na umaraw parang lalong dumidilim ang langit. Binalewala
namin ang weather at kinain ang dala kong pagkain habang nag-uusap at paminsan-
minsan tumitingin sa dagat. Then naisipan akong kunan ng kunan ni Kira ng picture.
Naiilang kong pinipigilan ang mga kamay niya. "Hindi ako komportableng kinukunan ng
picture."

"Hayaan mo na ako." Click. Click. "Remembrance 'to."

"Kung remembrance dapat dalawa tayong nasa picture."

Binaba niya ang camera at ngumiti. "Sige." Umusod siya hanggang magkatabi na kaming
nakaupo sa picnic mantel. Hinarap niya ang lens sa aming dalawa at itinaas.
"Smile."

Click. Click.

Ngumiti ako at inakbayan siya. We started taking selfies. May wacky shot pa siyang
nalalaman na hindi ko naman alam kung paano gagawin since hindi nga ako mahilig
magpicture. Natatawa na lang tuloy ako.

Mayamaya nagligpit na kami ng kinainan at natupi na namin ang picnic mantel. By


this time, malamig na ang simoy ng hangin at parang babagsak na ano mang sandali
ang ulan. Ang mga kasabay naming nagpunta sa beach nagsisimula nang maglakad palayo
sa dalampasigan at papunta sa kani-kanilang sasakyan.

"I think we should go na rin. Matutuloy ang ulan na 'yan," sabi ko kay Kira.

Tumingala siya sa langit pero hindi nagsalita.

"Let's go, Kira." Inabot ko ang kamay niya habang hawak naman ng kabila ang basket
at mantel. Inakay ko siya pabalik sa kotse ko.

Nalagay ko na ang mga gamit namin sa backseat kasama na ang camera niya nang
magsimulang pumatak ang ulan. Nataranta ako. Nilingon ko si Kira na nakatayo sa
tabi ng pinto ng passenger's seat. "Umuulan na. Get in."

Kumunot ang noo ko kasi hindi kumilos si Kira. Ngumiti siya. "Mukhang dalawa sa
listahan ko ang magagawa ko ngayong araw."

Kumurap ako. "Huh?"

Humakbang siya palayo sa kotse ko. Papalakas na ang ulan. "Gusto ko ma-experience
maligo sa ulan kahit isang beses lang. Kahit five minutes lang."

"Akala ko ba ayaw mo ng ulan kasi ayaw mong malungkot?"

"Pero hindi ako malungkot ngayon, Gin. In fact I'm very very happy. So much that I
want to dance in the rain!"

Suddenly, parang pinapakinggan siya ng mga ulap na bigla nang bumuhos ang malakas
na ulan. Nagulat ako at mahinang napamura kasi nabasa rin ako. Malutong na tumawa
si Kira, ibinuka ang mga braso at nakapikit na tumingala sa langit.

Napabuntong hininga ako at napangiti. Ano pa bang mairereklamo ko kung ganito siya
kasaya?

"Fine. Five minutes lang!"

Dumilat siya at tumingin sa akin. Ngising ngisi. Then inilahad niya ang kamay na
parang gusto niyang abutin ko 'yon. "Why don't we try dancing in the rain too?"

Natawa ako. Inabot ko ang kamay niya. At siguro sa tingin ng makakakita sa amin
nababaliw na kami. Pero nawalan ako ng pakielam sa ibang bagay. Na-focus na lang
kay Kira.

                        As if we are hearing the same music inside our heads, we


danced in the rain. Even if it's only five minutes, isa na naman 'yong sandali na
hinding hindi ko makakalimutan buong buhay ko. Kasi katulad ni Kira, never ko pa
naranasan maligo sa ulan.

                        Pero kahit nag-enjoy ako ayoko pa rin magtagal na basa si


Kira. Tinantiya ko ang five minutes na promise niya at pinilit ko na rin siya
pumasok sa loob ng kotse. Pinatay ko ang aircon at inabutan ko siya ng tuwalya para
makapagpatuyo siya. Bumiyahe kami hanggang may makita akong gasoline station.
Dalawang pares ng t-shirt at shorts ang dala ko. Nakigamit kami ng banyo para
magpalit ng tuyong damit bago kami bumiyahe uli pabalik ng Manila.

                        Bago mag gabi naihatid ko na siya sa bahay nila. Hindi na


rin umuulan. Pero hindi na niya ako pinababa ng sasakyan kahit na gusto ko. Kaya
magaan ko na lang siyang hinalikan bago siya hinayaang lumabas ng kotse. Then
siniguro ko munang nakapasok talaga siya sa bahay nila bago ako umalis.
DAY 66
               

October 12. Wednesday

HINDI pumasok sa Richdale University si Kira. Pero hindi tulad dati na wala siyang
pasabi at ni hindi sumasagot sa messages at calls ko, siya pa ang kusang tumawag sa
akin kagabi. May kailangan daw silang puntahan na pamilya kaya hindi makakapasok
ngayon.

Nang sabihin ko sa kaniya na nakakagulat namang nagpaalam siya ang sagot niya ay,
"Ayoko kasing mag-worry ka na naman."

Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. "Feel mo na ba finally na boyfriend mo ako?"

Tumikhim siya sa kabilang linya pero mayamaya lang sumagot siya ng "Oo naman. Feel
na feel ko. Basta huwag ka mag-worry kapag hindi ako pumasok. See you soon."

Kaya hindi na ako nagtaka na wala siya sa campus. Besides, kahit matagal nagrereply
na siya sa messages ko ngayon. Malaking improvement na 'yon.
Ah. I can't wait to see her again.   
DAY 67
               

October 13. Thursday

GUSTO ko na talagang makita si Kira. Siguro nga tama si Mama. Nagiging clingy
boyfriend ako. Kahit ako nagugulat na ganito ako pagdating kay Kira. Medyo naiinis
na rin ako sa sarili ko. I know I should give her space to breathe. Kaya para
madistract ako at mabawasan ang pagka-miss ko sa kaniya nag-review na lang ako ng
lessons. Nang matapos binasa ko lahat ng articles sa business corner ng broadsheet
na regular dinedeliver sa bahay.

Lahat na ng pwedeng distraction ginawa ko. Huwag lang ako ma-tempt na puntahan si
Kira.
DAY 68

               

October 14. Friday

WEIRD. Hindi pa rin pumasok sa school si Kira. Alam ko kasi nagpunta ako sa faculty
room at nasalubong ko si professor Victoria na may kasamang ibang professors.
Tinatanong nila sa akin kung kamusta si Kira. Hindi nga raw kasi pumasok. Naka-
enroll pala siya this semester sa subject ni prof. Victoria.

Kaya tinawagan ko siya. Pero as usual hindi sumasagot. Ang weird lang kahit sa
messages ko ngayon ni hindi lumalabas ang 'seen'. Imposible namang may lakad na
naman silang pamilya ngayon, right?

Kaya after class, pumunta ako sa bahay nila. Matagal akong pumindot sa doorbell
bago bumukas ang pinto. Kasambahay nila ang lumapit at humarap sa akin.

"Si Kira?"

Namumutla at halatang takot ang kasambahay. Naluluha. "Naku sir Eugine. Itinakbo po
sa ospital si ma'am Kira kaninang madaling araw."

Para akong sinabugan ng bomba sa mukha. Napaatras ako at manghang napatitig sa


kasambahay. "W-what?" paos na nasabi ko.

"Kahapon pa masama ang pakiramdam niya. May lagnat. 'Tapos kagabi sobrang taas ho
ng lagnat ni ma'am Kira. Bandang madaling araw nagkombulsiyon na siya kaya tinakbo
na nila sir at madam sa ospital."

Mabilis akong tumalikod at patakbong bumalik sa kotse ko. Ang bilis ng kabog ng
dibdib ko. Parang sasabog ang ulo ko. Nanginginig ang buong katawan ko at
nanlalamig ang mga kamay ko. Pero pinaharurot ko pa rin ang sasakyan ko papunta sa
ospital.

God, bakit hindi ko agad naramdaman na nagsisinungaling siya sa akin na may lakad
silang pamilya? Bakit hindi ko agad nahulaan na masama ang pakiramdam niya?

"Ayoko kasing mag-worry ka na naman."

Shit. So mas malalim ang ibig sabihin ng sinabing 'yon ni Kira kaysa akala ko.
Mabilis akong nakarating sa ospital. Marami-rami rin akong nilabag na traffic rules
para magawa 'yon. Hindi na ako nagtanong sa reception area kasi alam ko naman kung
nasaan si Kira. Hingal at pawis na ako nang makarating sa Oncology Ward. Doon ko
inisa-isang tingnan ang mga nameplate sa labas ng pinto hanggang makita ko ang
apelyido ni Kira.   

May bumara sa lalamunan ko at parang gustong lumabas sa dibdib ko ng puso ko sa


lakas ng kabog 'non. Inangat ko ang kamay ko para kumatok at narealize ko na
sobrang nanginginig pa rin 'yon hanggang ngayon. Huminga ako ng malalim pero hindi
nababawasan ang takot na nararamdaman ko.

Bago pa ako makakatok bumukas na ang pinto ng hospital room. Nagkagulatan kami ni
Dr. Drew Lorenzo. Nagkatitigan kami.

"Eugine?!" boses 'yon ng Mommy ni Kira. Lumampas ang tingin ko sa batang doktor
hanggang makita ko ang mag-asawa na manghang nakatingin sa akin. Nagulat siguro na
alam ko ang nangyari. Gumilid si Dr. Lorenzo kaya nakapasok ako sa loob ng hospital
room.

And that was when I saw Kira. Nakahiga sa kama, may oxygen mask ang mukha,
nakatusok na namang karayom sa likod ng kamay niya para sa dextrose. Ni hindi pa
nga nawawala ang pangingitim ng nakaraang tusok ng karayom doon noong huli kong
nakita ang kamay niya. Wala siyang malay at maputlang maputla.

Parang dinudurog ang puso ko. Humapdi ang mga mata ko. Dahan-dahan akong lumapit sa
kama hanggang makatayo na ako sa tabi ni Kira. Nanginginig ang kamay ko nang
haplusin ko ang pisngi niya. Napakainit niya.

"Ayaw niyang ipaalam sa 'yo na masama ang pakiramdam niya," sabi ng Daddy niya.

Lumunok ako at lumingon sa parents ni Kira. "A-ano hong sabi ng doctor?"

"She has pneumonia," sagot ni Dr. Drew Lorenzo na nakatayo pa rin sa tabi ng pinto.

Nanlamig ako. Sigurado ako tinakasan ng kulay ang mukha ko. Para akong sinasaksak
sa dibdib sa guilt na biglang bumuhos sa akin.

Nabasa ng ulan si Kira.

Nangako ako sa parents niya na ako ang bahala sa kaniya. Pero hinayaan ko siya
maligo sa ulan kahit alam kong mahina ang resistensiya niya.

Nagkaroon siya ng pneumonia dahil sa akin.

Oh. God.

"Eugine? Are you okay? Parang hihimatayin ka," worried na sabi ng Mommy ni Kira.
Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Lalong nilamutak ang sikmura ko sa sobrang pagsisisi. Nanlabo ang mga mata ko. "I'm
sorry," garalgal na usal ko.

"Sorry? Bakit?" takang tanong ng Mommy ni Kira.

"I promised you I will take care of her. Pero ito ang nangyari sa kaniya."

"Eugine, it's not your fault," sabi naman ng Daddy niya. Lumapit na rin sa akin at
tinapik ako sa balikat.
Umiling ako. I clenched my fists tightly. "It's my fault. I was careless. Alam ko
ang kalagayan niya pero hindi ako naging maingat. Makulimlim nang araw na nagpunta
kami sa dagat. Bago kami makauwi umulan. Ang sabi niya gusto niya ma-experience
maligo sa ulan. Kahit five minutes lang. H-hinayaan ko siya. It must be the reason
why she got sick."

Hindi nakapagsalita ang mag-asawa. Halatang nagulat. Ibig sabihin hindi sinabi ni
Kira na nabasa kami ng ulan. Ibig sabihin, pinagtakpan niya ang naging kapabayaan
ko. God, my heart hurts so much. Humarap ako uli kay Kira. Inabot ko ang kamay niya
at marahan 'yong pinisil.

I'm sorry Kira.

Wake up.

I'll be more careful next time.

Wake up.

Mas magiging sensitive na ako sa iniisip at nararamdaman mo.

Wake up.

I will protect you.

Wake up, love.

Pero inabot na ako ng gabi sa ospital, hindi pa rin siya nagkamalay.


DAY 69

               

October 15. Saturday

MAAGA akong bumalik ng ospital para dalawin si Kira. Kung pwede nga lang na ako ang
magbantay sa kaniya magdamag. Kaso ayaw pumayag ng parents niya. Umuwi raw ako at
magpahinga. Lalo lang ako na-guilty kasi mabait sila sa akin. Ni hindi nila ako
sinisi o pinagalitan man lang kasi hinayaan kong mabasa ng ulan si Kira.

Sinabi ko 'yon sa kanila bago ako umuwi kagabi. Tinitigan nila ako. Then ang Mommy
ni Kira ang nagsalita, "Paano namin pagagalitan at sisisihin ang taong sinisisi na
ng husto ang sarili niya? Alam namin na katulad namin nasasaktan ka rin dahil sa
kalagayan ni Kira." Then naiyak pa ang Mommy niya. "Sobrang thankful na nga kami
sa'yo kasi minamahal mo ang anak namin at pinapasaya mo siya. Imbes na magalit sa
'yo, kami ang nakokonsiyensiya na nasasaktan ka ngayon."

                        Umiling ako 'non at iginiit na wala silang dapat ika-


guilty. Na hindi ako nagsisisi na mahal ko si Kira. Iyon lang, napilit din nila
akong umuwi.

                        Inagahan ko na lang ang balik ko ngayon. Sobrang tahimik


nga sa hagdan at sa hallway habang naglalakad ako. Parang ako lang ang tao. Pagliko
ko sa Oncology ward napahinto ako. May narealize kasi ako habang nakatitig sa
hallway na nasa harapan ko.

                        Ito ang nasa picture na naka-post sa instagram account ni


Kira. Now I know why her pictures were beautiful yet so sad. Kasi halos buong
kabataan niya nasa ospital siya. Ang sakit sa dibdib kapag naiisip ko 'yon. Huminga
ako ng malalim. Naglakad na ako papunta sa kuwarto ni Kira. Hindi na ako kumatok
kasi baka tulog sila sa loob at maabala ko pa. Maingat at tahimik ko na lang
binuksan ang pinto.

                        Nagulat ako nang makitang wala ang parents ni Kira sa loob.


At ang taong nakatayo sa tabi ng kama niya ay si Dr. Lorenzo. Nakatitig siya sa
mukha ng natutulog na si Kira. He has a soft and pained expression.

                        Hindi ako nakakilos. Bakit ganoon niya tingnan ang


girlfriend ko? Na para bang... in love siya kay Kira or something. I don't like
that.

                        Niluwagan ko ang bukas sa pinto para malaman ng doktor na


naroon ako. Inalis niya ang kamay sa pisngi ni Kira at tumingala. Our eyes met.
Itinaas ko ang noo ko. Gusto kong malaman niya na hindi ko gusto ang sobrang
nearness niya kay Kira.

Bumakas ang galit sa mukha ng batang doktor. Then malalaki ang hakbang na lumapit
siya sa akin. Nagulat ako nang itulak niya ako palabas ng kwarto ni Kira. Lumabas
din siya at isinara ang pinto.

"Anong problema mo?" manghang tanong ko.

                        "Ikaw ang problema ko. Do you really love, Kira? How can
you be so careless? At ngayon, dahil pinatawad ka ng parents niya bigla ka na naman
sumulpot dito na parang wala kang ginawang malaking kasalanan? Agaw buhay na siya
nang itakbo siya rito sa ospital! Pneumonia ang isa sa mga komplikasyong pwedeng
ikamatay ng isang pasyenteng may lymphoma! Lalo na si Kira na mabilis na kumakalat
ang cancer cells sa dugo pero ayaw pa rin magpagamot. The doctors want her to
undergo treatment NOW. Hindi sa unang linggo ng susunod na buwan na katulad ng
gusto niya. Kailangan na niya magpagamot kapag naging normal na ang lahat ng vital
signs niya at nagkamalay na siya. She needs to get treated ASAP or she will really
die."

                        Fear twisted my stomach. Hindi ako nakapagsalita kasi may


bumara sa lalamunan ko. Nanghina ang mga tuhod ko kaya napasandig ako sa nakasarang
pinto.

Seryoso niya akong tinitigan. "Do you really know what it feels like to lose
someone you love more than your life?" May bumakas na pait at sakit sa mukha ni Dr.
Lorenzo. "I'm sure you don't. No one will ever know until mangyari sa 'yo.
Something I don't want to wish for anyone to experience."

Lumunok ako. "Kira will not die." Sa wakas nakapagsalita rin ako. Huminga ako ng
malalim. "She's a fighter. Hindi siya magpapatalo sa sakit. She will live."

The doctor smiled humorlessly. "If you love something, be prepared to lose it. Kung
hindi ka ready, iwanan mo na siya ngayon pa lang. Hindi 'yong kapag emotionally
invested na talaga siya sa'yo, kung kailan naniniwala na siyang hindi mo talaga
siya iiwan kahit anong mangyari, saka mo siya iiwan sa ere dahil hindi mo na kaya.
Don't be cruel. Don't make her cry."

Naglakad si Dr. Lorenzo palayo sa akin. Hindi ako natinag sa pagkakasandig ko sa


pinto kahit nang mawala na sa pandinig ko ang yabag ng mga paa niya.

After a while nagawa ko ring dumeretso ng tayo. Pumasok ako sa kwarto at lumapit
kay Kira. Tinitigan ko ang mukha niya. Humapdi ang mga mata ko. Sumikip ang dibdib
ko.

Yumuko ako at magaan na hinalikan ang noo niya. Then I kissed the tip of her nose.
Then both her cheeks. 'Tapos inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at paulit-ulit
na bumulong, "I love you."
DAY 70
               

October 16. Sunday

SIGURO tama si Dr. Lorenzo. Maybe I don't understand the reality of Kira's
sickness. Pero mali siya kung iniisip niya na hindi pa nag-si-sink in sa akin ang
posibilidad na mawala sa akin ang babaeng mahal ko. Nang makita ko siyang walang
malay sa ospital noong isang araw, para akong mababaliw. Hangang ngayon, everytime
na naiisip kong nakahiga si Kira sa hospital bed at muntik na mamatay, parang may
pumipiga sa puso ko.

Hindi ako makatulog kakaisip kung ano ang pwede kong gawin para kay Kira. Kung ano
ang magagawa ko para maging healthy siya. Kaya kahit natatakot ako naglakas loob
akong mag research tungkol sa sakit niya. Para lang makahanap ako ng clue kung ano
ang pwede kong maitulong.

Lalo lang ako nadepress pagkatapos kong mabasa halos lahat ng medical articles
tungkol sa lymphoma. Lalo akong nakaramdam na ang helpless ko. Lalo akong natakot.
Lalo kong narealize kung gaano ka-fragile ang buhay ng isang tao. Lalo na ang buhay
ng taong dinadapuan ng sakit na 'yon.

Katulad ni Kira.
DAY 71
               

October 17. Monday

NAGULAT ako nang may tumawag sa akin at makita ko sa screen ng cellphone ko ang
pangalan ni Kira. Ilang segundo bago ko nagawang kumalma at maging lohikal na baka
parents niya ang tumatawag sa akin at ginamit lang ang cellphone niya. Huminga ako
ng malalim at sinagot ang tawag.

"Gin."

Nahigit ko ang hininga ko. Tumalon ang puso ko. "Kira..." Bumuntong hininga ako.
Humapdi ang mga mata ko. "God, Kira... you're awake." Nanginginig ang boses ko.
"You're awake."

"Yes," she softly answered. Feeling ko pa nga tipid siyang nakangiti ngayon.
Nakahiga pa rin ba siya sa kama? Nakaupo pasandal sa headboard? "Una akong nagising
kaninang madaling araw. Madilim na at tulog na sila Daddy at Mommy kaya hindi ko
sila inistorbo. Besides, pagdilat ko, ikaw agad ang una kong naisip. Ikaw agad ang
gusto kong makita. Where are you?"

Nanikip ang dibdib ko sa longing na narinig ko sa boses niya. Huminga ako ng


malalim. "Wait for me. Papunta na ako."

                        WALA PANG kalahating oras tumatakbo na ako sa hallway ng


ospital papunta sa kuwarto ni Kira. Pagkabukas ko ng pinto sa kama agad ako
tumingin.

                        Nakaupo siya pasandal sa headboard. Wala na ang oxygen


mask. Mukhang kanina pa siya nakatitig sa pinto na parang naghihintay ng papasok
doon. Our eyes met and she smiled.

                        "Sorry. Nagpaka-selfish ako. Alam ko na may pasok ka ngayon


pero pinapunta kita."

                        Umiling ako. Hindi ako makapagsalita. So mabilis na lang


akong lumapit sa kama at niyakap si Kira. Humikbi siya at yumakap din agad sa akin.
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko. "Sorry for making you worry."

                        Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Stop saying sorry. Hayaan


mo ako mag worry. Kasi mahal kita, Kira at ang magalala lang para sa 'yo ang kaya
kong gawin. Kasi bukod 'don ang helpless at useless ko na."

                        Umiling siya habang nakasubsob pa rin sa dibdib ko. "Mali


ka, Gin. You've given me so much more than that."

                        Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinila ako para


makaupo ako sa tabi niya. Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko. May
nakatusok pa ring karayom sa likod ng isang kamay niya. It pained me to see it and
I know she noticed my reaction. Tipid siyang ngumiti. "Binigyan mo ako ng lakas.
Binigyan mo ako ng gana na mabuhay. Pinakita mo sa akin kung gaano kasarap ma-
experience ang mga bagay na dati iniimagine ko lang na ginagawa ko. Isa ka sa
dahilan kaya nagdesisyon akong magbago at sumubok ng mga bagong karanasan kasi
ayoko magsisi sa huli."

                        Kumurap ako. "Isa ako sa dahilan?"

                        Lumawak ang ngiti niya at magaan na pinisil ang mga pisngi


ko. "Kasi in love na ako sa'yo since freshmen year, Gin. Nang malaman ko na may
cancer na naman ako, ang una kong naisip, paano kung matalo ako sa laban sa susunod
na treatment ko? Ni hindi ko naexperience mahalin ng taong mahal ko. So 'don
nagsimula ang paggawa ko ng listahan sa planner ko. Ikaw ang nasa number one list
ko." Naging ngiwi ang ngiti niya. "Ang selfish ko 'no? Alam ko masasaktan ka along
the way kung magiging posible na magkagusto ka rin sa akin, pero lumapit pa rin ako
sa'yo kasi mahal kita. Alam ko na maiiwan din kita balang araw pero hinahayaan
kitang mahalin ako."

                        Humapdi na naman ang mga mata ko. Hinawakan ko ang mga


kamay niyang nakahawap sa mukha ko. Then I kissed each of her palms. "Kaya
magpagamot ka na. Huwag mo na patagalin, Kira. Magpagamot ka at magpagaling. After
'non, saka na natin ituloy lahat ng mga bagay na gusto mong gawin."

                        May kumislap na lungkot sa mga mata niya. "After? Are you


willing to wait for me?"

                        "Kahit gaano pa katagal," walang pagdadalawang isip na


sagot ko.

                        Namasa ang mga mata niya pero ngumiti naman. "Thank you."
Huminga siya ng malalim at tumango. "Nagdesisyon na rin naman ako na magpapagamot
na ako, Gin. I will fight hanggang tuluyan ko na matalo ang sakit ko. Narealize ko
na ayokong maiksing panahon lang ang magiging pagsasama natin. You see, you made me
want to go on living, Eugine Alonso."

                        Ngumiti ako. "Ginawa mo rin sa akin 'yan, alam mo ba? You


made me want to live. As in really live. I'm so glad I fell in love with you,
Kira."

                        Nakangiting tinitigan niya ako. "Then, pwede mo bang


pakinggan ang pahabol kong selfishness bago ako magpagamot?"

                        "Tell me."

                        "Sabi mo gumawa ka rin ng listahan mo na pwede natin gawin


'di ba? Alin 'don ang hindi pa natin nagagawa?"

                        "Star gazing."

                        Ngumiti siya. "Let's do it."   


DAY 72
               

October 18. Tuesday

"MARUNONG ka ba mag-set up niyan?"

"Yes. Nahiram ko na 'to dati sa may-ari. This telescope is for beginner kaya madali
gamitin." Sinulyapan ko siya at ngumiti. "Relax ka lang. Mayamaya lang pwede na
natin silipin ang stars and planets. Good thing new moon ngayong gabi. Hindi
matatakpan ng liwanag ng buwan ang mga bituin. Maliit nga lang 'tong reflector
telescope na nahiram ko kaya hindi tayo makakasilip ng galaxies."

"Sayang naman," sabi niya na lumapit na sa akin para makiusyoso sa telescope.

"Balak sana kitang dalhin sa isang hotel observatory sa Antipolo para sa star
gazing natin. Kaso ayaw mo gawin natin sa weekend eh. Gusto mo ngayon agad."

Nasa rooftop kami ng ospital. Doon lang kasi pwede si Kira. Kahapon gusto niyang
tumakas na lang kami at ituloy ang original plan ko para sa star gazing trip namin
pero hindi na ako pumayag. Mas mahalaga na sa akin ang kalusugan niya. Kaya
nanghiram na lang ako ng telescope at humingi ng permiso sa doktor at parents niya
na mag-ii-stay kami sa rooftop ngayong gabi. Pumayag sila pero balot na balot si
Kira para hindi siya malamigan.

"Hindi na kasi pwede sa weekend."

Sinulyapan ko siya. "Bakit nga? Ayaw mo sabihin sa akin ang rason."

Ngumiti lang siya. Then binaling niya ang tingin sa telescope. "Afford mo bumili ng
ganito 'di ba? Bakit nanghihiram ka lang?"

Bumuntong hininga ako at inadjust ang finderscope. "Bumili ako noong high school pa
ako. Inipon ko from my allowance. Nagalit ang tatay ko. Imbes daw magaksaya ako ng
oras sa kakatingin sa langit basahin ko na lang daw ang mga business reports na
pinapabasa niya sa akin. He confiscated my telescope and destroyed it in front of
me. Mula noon hindi ko na tinangkang bumili."

Naramdaman kong napatitig siya sa akin. "That's horrible. Kahit pa tatay mo siya,
hindi niya dapat ginawa 'yon."

Dumeretso ako ng tayo at nakangiting bumaling sa kaniya. "It's okay.    Naghiwalay


na sila ni Mama at tama ka, it was for the best." Hinawakan ko ang kamay niya at
hinila siya papunta sa harap ng eyepiece. "Here. You can start looking at the
stars."

Ngumisi siya. Halatang na-excite. Sumilip siya sa eyepiece. "Wow. Ang ganda ganda
talaga."
Napangiti ako at tumitig sa mukha niya. "What constellation do you see?"

"I can see Ursa Major. Ang ganda talaga ng Big Dipper, 'no? Tama si Mommy, it looks
like a rosary."

Natawa ako. "May pagmamanahan ka pala sa mga analogy mo."

Nag-angat siya ng mukha. "Totoo naman eh. Halika, tingnan mong maigi."

Pinagbigyan ko siya. Tumabi ako sa kaniya at sumilip sa eyepiece. I can see the Big
Dipper, shinier and brighter than what I usually see in the sky without the aid of
a telescope. Ngayong sinabi ni Kira, narealize ko na oo nga. Mukhang rosary ang Big
Dipper.

Sa sumunod na mga oras marami pa kaming tiningnan na constellations. Nang mapagod


sa kakasilip sa eyepiece ng telescope magkatabi kaming umupo sa sahit at tumingala
sa langit. Huminga ng malalim si Kira at hindi inaalis ang tingin sa kalangitan na
nagsalita.

"Life is like the Universe. It's full of so much wonder, so many unknowns, and so
many possibilities. It makes it so worth it to live and exist in this world. Even
if it's only once."

Napatitig ako sa mukha niya. My chest ached. Naalala ko ang naging buhay ko sa
nakaraang dalawampung taon. Bago ko nakilala si kira at bago nakapagdesisyong
maghiwalay ang parents ko. "Kahit na ang buhay mo hindi kasing ganda ng buhay ng
iba?" tanong ko.

Sinulyapan niya ako. "Kahit na."

"Kahit na puno ng hardships, frustrations, disappointments at sadness ang buhay


mo?"

"Kahit na."

"Kahit na..." may bumara sa lalamunan ko. Mukhang naintindihan ni Kira kung ano ang
gusto kong sabihin kasi ngumiti siya, inabot ang kamay ko at pinisil 'yon.

"Yes, Gin. Kahit na maiksi lang ang buhay na ibinigay sa akin, tatanggapin ko pa
rin. In fact, kung alam mo na maiksi lang ang buhay mo, hindi ba mas dapat kang
mabuhay sa paraan na gusto mo? Hindi ba mas dapat pakinggan mo ang puso mo sa bawat
desisyong gagawin mo imbes na maging cautious at boring?"

Tinitigan ko siya. "Are you afraid?" pabulong na tanong ko.

"Of dying?"

Sumakit ang dibdib ko at may bumara sa lalamunan ko. Kasi ang dali para kay Kira na
sabihin ang salitang 'yon. Na para bang tanggap na niya ang mangyayari sa kaniya
kapag hindi nagtagumpay ang treatment niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
Namasa ang mga mata ni Kira. Kumilos siya at nagulat ako nang yakapin niya ako ng
mahigpit. Napahawak ako sa baywang niya at napapikit nang bumulong siya sa tainga
ko.

"Gin, huwag ka matakot. Ako hindi na ako takot. Now I'm more afraid of living but
not really living. I'm okay. I'm not afraid. Kaya huwag ka na rin matakot at mag-
worry."

Humapdi ang mga mata ko at mahigpit din siyang niyakap. "But I want to be with you
for a very very long time, Kira." Narealize ko na nanginginig ang boses ko.

"Ako rin." Huminga siya ng malalim, kumalas sa pagkakayakap pero hindi lumayo sa
akin. Magkalapit ang mga mukha namin nang titigan niya ako sa mga mata at masuyong
ngumiti. "May napanood akong isang Asian television series at the start of this
year. Noong hindi pa ako pumapasok at nasa bahay lang. May character 'don ang
nagsabi na paano raw kung tapos na talaga ang buhay natin based on a completed
scenario? What if we're just looking back on our lives that have ended already? At
na ang moment na 'to na pinaniniwalaan nating present is just the memories of our
souls. Sa tuwing naiisip ko ang mga sinabing 'yon ng character sa series, gumagaan
ang pakiramdam ko at nawawala ang takot ko. Naiisip ko, ah, we're all going to die
in the end anyway. Completed scenario na ang buhay natin. So walang dahilan para
mag worry at matakot ako."

                        Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ang pisngi niya.


"So brave and optimistic."

                        Matamis siyang ngumiti. "Alam mo ang isa pang nakakatuwang


isipin?"

                        "Ano?"

"Kung totoo ang theory na ang present ay alaala na lang ng kaluluwa natin, then
ibig sabihin hanggang sa huling hininga ko, ikaw at ang mga sandaling magkasama
tayo ang naaalala ko. I must be very contented and happy somewhere in the future
while I'm waiting for my final breath if it is you I'm thinking about."

My chest ached so much as I look at her smiling face. Nilunok ko ang bara sa
lalamunan ko. "Then, kung totoo ang theory na 'yan, sa huling sandali rin ng buhay
ko, ikaw at ang mga sandaling magkasama tayo ang naaalala ko."

Tumango si Kira.

Humapdi ang mga mata ko. Ikinulong ko sa mga kamay ko ang mukha niya. "But I don't
want our memories together to just end here, Kira."

Namasa ang mga mata niya. "Ako rin naman. Kaya nga magpapagamot na ako, 'di ba?
Just wait for me okay?"

Tumango ako. Namamasa na rin ang mga mata. Nagkatitigan kami at sabay na inilapit
ang mukha sa isa't isa. We kissed. Softly at first. Then with a hunger and longing
of the years that had gone by without each other. We kissed and whispered I love
you's. The only witnesses are the million stars above.

Hindi pa ako aware at that moment, pero sa future, sa tuwing babalikan ko sa isip
ko ang gabing 'yon, isa lang ang palaging sasagi sa isip ko.

There were a lot of stars when we saw each other for the last time.
DAY 73

               

October 19. Wednesday

HINDI natapos ang pangako naming eighty days na friendship. Bakit ba ako tinanghali
ng gising sa araw na 'to? Bakit kailangan alas dose na ako makarating sa ospital
samantalang sa mga nakaraang araw hindi pa nga tumatanggap ng bisita naroon na ako?
Pagdating ko sa Oncology Ward at sa pinto ng kwarto ni Kira, wala na ang nameplate
niya sa labas 'non. Nang pumasok ako sa loob malinis na. She was gone.

Nanlamig ako at parang nahulog sa sahig ang puso ko. Nagpanic ako. Lumabas ako agad
at tumakbo papunta sa nurse's station. Tinanong ko agad kung nasaan ang pasyente sa
room number ni Kira. Nalaglag ang mga balikat ko sa relief nang sabihin na nagpa-
discharge na pala siya kaninang umaga. Bakit hindi niya sinabi sa akin para
nasamahan ko siya? Nagpasalamat ako sa nurse at naglakad palayo. Habang bumababa
ako ng hagdan tinatawagan ko na ang cellphone niya.

The number you have dialed is out of coverage area.

Napahinto ako sa gitna ng hagdan at napatitig sa cellphone ko. Never nagpatay ng


phone si Kira kahit noong hindi siya sumasagot sa messages at mga tawag ko. Na-
lowbat ba siya at nagpapahinga sa bahay nila? Then pupuntahan ko na lang siya sa
kanila.

Nakababa na ako ng hagdan nang masalubong ko si Dr. Lorenzo. Nagkagulatan pa kami


pero mukhang siya ang unang nakabawi. "Wala na si Kira dito."

"Alam ko. Sinabi na sa akin ng nurse. I'll go to their house instead." Naglakad na
ako palampas sa kaniya.

"Wala rin siya 'ron."

Napahinto ako at lumingon sa doktor. Nakapamulsa siya at nakatitig sa mukha ko.


"Wala na ang buong pamiya niya sa bahay na 'yon."

Kumabog ang dibdib ko. "What do you mean?"

Sa unang pagkakataon mula nang makilala ko si Dr. Lorenzo, bumakas ang simpatya sa
mukha niya. Para sa akin. "So she really didn't tell you. Sinabi ko sa kaniya na
ipaalam sa'yo pero hindi na naman siya nakinig sa akin."

"Ano nga?!" takot na sigaw ko.

"Her father was offered a promotion by his company. Pinadala siya sa headquarters
ng kompanya nila sa Amerika. Pumayag ang tatay niya kasi gusto rin niyang ipa-admit
sa isang mas magandang institution doon si Kira. Mas makabago at magagaling ang mga
Oncologist nila roon. So they decided to migrate there as a family. Alas diyes ng
umaga ang flight nila."

At alas dose y'media na. Kahit magkaroon ng delay sa flight malamang nakaalis na
sila. Nalaglag ang mga balikat ko. Nanghina ako at gumewang ako. Hindi niya sinabi
sa akin kagabi na aalis sila ngayong umaga.

Kaya ba nag-insist siyang kagabi na kami mag stargazing? Kaya ba sinabi niyang
hindi na pwede sa weekend? Why the hell did she not tell me?!

But then bigla kong naalala noong nag-usap kami sa cellphone. Nabanggit niya na may
sasabihin daw ang tatay niya sa kanila ng Mommy niya. Then after 'non noong nag-
uusap kami para pumunta sa beach. May sasabihin din siya sa akin 'non eh. Pero
hindi niya nagawang ituloy. Tungkol ba 'yon sa pag-alis nila? Then bakit hindi niya
sinabi kagabi?

Mukhang nababasa ng doktor ang mga tanong sa mukha ko. "At least she decided to
undergo treatment, Eugine. Magkikita pa kayo uli."
"When?" paos na tanong ko. Hindi nakasagot ang doktor. Nagalit ako kahit hindi ko
alam kung para kanino o para saan. "When will I see her again?! What am I supposed
to do now that she's gone?"

Ah, shit. Nakuyom ko ang kamay ko sa dibdib ko. Ang sakit. Parang sasabog ang puso
ko. Namamasa ang mga mata ko.

"You will see her," malumanay na sabi ng doktor. "At least she's alive somewhere."

"Don't say that! At least? Do you think that phrase will make me feel better?"
maanghang na tanong ko.

May dumaang lungkot sa mukha ni Dr. Lorenzo. "It should make you feel better. The
woman I love died of cancer too, many years ago. Kahit ano pang gawin kong
pagkakadalubhasa bilang Oncologist, hindi ko na siya makikita pa uli. Hindi ko na
maibabalik ang buhay niya. Pero ikaw, marami pang posibilidad para sa inyo ni Kira.
As long as both of you are still alive."

Nawala ang galit ko. Sino ako para maglabas ng galit at frustration sa isang taong
mas matindi pa ang naranasang lost kaysa sa akin? Ang naiwan na lang sa puso ko
matinding longing at kalungkutan. I clenched my fists and tried hard not to let my
tears fall. Walang salitang tumalikod ako at mabilis na naglakad palabas ng
ospital.

Kahit sinabi na niyang wala ang pamilya ni Kira nagpunta pa rin ako sa bahay nila.
Sure enough, may nakalagay na karatula ng for rent ang bahay. Halatang walang tao
sa loob.

I went home. My heart, utterly broken.


DAY 74
               

October 20. Thursday

NAGKULONG ako sa kwarto ko. I felt so devastated. Alam ko na napansin 'yon ni Mama
kasi katok siya ng katok sa pinto ko para itanong kung okay lang ako. Nasasaktan at
nagi-guilty ako na nag-wo-worry siya sa akin. Pero right now, hindi ko pa kaya
magsabi sa kaniya.

Pagdating ng tanghali si Lolo na ang naririnig kong kumakatok sa pinto ko. Do I


really look so miserable that my mother called him? Pero hindi ko rin siya makayang
harapin. Bukod sa wala akong lakas bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama at
pagkakatitig sa kisame.

Hapon nang imbes na katok pag-click ng lock na binuksan ang narinig ko. They must
have used the spare key to my room. Wala akong energy mainis sa pagbubukas nila sa
pinto ko nang walang permiso.

"Gin."

Kumurap ako at lumingon. Si Danica at Thorne. Sila ang pumasok sa kuwarto ko.
Mabilis silang lumapit sa kama ko at umupo sa gilid 'non. Bakas ang worry sa mukha
nila.

"What's wrong with you?" tanong ni Thorne.

"Gin? What happened?" tanong naman ni Danica. Inabot niya ang kamay ko at pinisil
'yon. "Tell us."
Humapdi ang mga mata ko. Hanggang mamasa 'yon. Napabangon ako paupo. Then parang
dam na nabuksan ang mga emosyon ko. Bumuka ang bibig ko. "She's gone," paos na sabi
ko. Tumulo ang luha ko. "Kira is gone."

And so I told them everything. Shit, nakakahiya man pero umiyak talaga ako. Kahit
pa sinabi ni Dr. Lorenzo sa akin noon na if you love something be prepared to lose
it, ang hirap pa rin. Akala ko prepared ako. Pero hindi pala.

Niyakap ako ni Danica. Inalo ako ni Thorne. Umiyak rin para sa akin ang bestfriend
ko. Thorne assured me that everything will be okay in the end. That Kira is not
truly gone. Someday, we'll meet again.

Kung totoo 'yon, sa susunod na magkita kami, hinding hindi ko na siya hahayaang
umalis na hindi ako kasama. Kung kailangan ko iposas ang mga kamay namin para lang
masigurong hindi kami magkakahiwalay, gagawin ko.

Someday.
DAY 75
               

October 21. Friday

KAHIT papaano gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ko makipag-usap kina Danica at


Thorne kahapon. Namamaga ang mga mata ko at wala pa rin ako ganang kumilos pero
pinilit ko pumasok sa school.

Pagkababa ko sa kotse ko nagulat ako nang may biglang lumapit sa akin. Si Hans
Vidanez. May bitbit siyang parang scrap book. Inabot niya 'yon sa akin. Kumunot ang
noo ko nang mahawakan ko 'yon. "What's this?"

"You'll know." Saka siya tumalikod at naglakad palayo.

Takang napatitig ako sa scrap book. Sumandal ako sa gilid ng kotse ko at binuklat
'yon. Kumabog ang dibdib ko. Picture ng sunrise ang una kong nakita. Then a photo
of me as I stare at the horizon.

Kira.

Si Kira ang nagpabigay nito sa akin. Nanlambot ako at may magkahalong kirot at init
akong naramdaman sa puso ko. Dahan-dahan kong inilipat ang mga pahina na puno ng
mga larawang kinunan niya. Karamihan pictures ko. Ni hindi ko matandaan kung kailan
niya ako nakunan.

May isang picture naming dalawa na natandaan ko kung saan kinunan. Sa Tisay's
Restaurant noong nakita ko siyang balak kumain mag-isa. Waiter ang kumuha 'non. She
was smiling widely. Habang ako nakaangat ang gilid ng mga labi. Napangiti nga pala
ako 'non kasi naaaliw ako sa kaniya.

Ang sabi niya sa akin 'non ang pangit ko sa picture kaya ayaw niya ipakita sa akin.
I remembered her soft smile as she stared at that picture back then.

Uminit ang puso ko at napahugot ako ng malalim na paghinga.

Then sa bandang dulo, pictures namin noong nagpunta kami sa beach. Pareho kaming
ngiting ngiti sa mga picture. Parehong maningning ang mga mata. We looked so happy
in the pictures that I found myself smiling too.

Ngayon lang uli ako napangiti mula nang huli kaming magkita.
Sa huling pahina walang nakalagay na picture. Instead may maiksing handwritten note
doon.

Don't look back to the times we shared with sadness and tears. Instead, look back
with a smile. Think of it this way; We were twenty. We were reckless. We were free.
We were alive. We were in love. That is something to be really happy about. I'll
remember you this way, too. Until we meet again.   

Huminga ako ng malalim. Hinaplos ko ng daliri ko ang sulat kamay ni Kira. Then
tumingala ako sa langit. May dumaang eroplano. It didn't leave a trail of white
clouds. Napangiti ako. Kung nakita 'yon ni Kira sigurado akong ngingiti rin siya at
matutuwa.

Because it's going to be a good day. Sana kung nasaan man siya ngayon, maganda rin
ang panahon. Then that way we have something in common. After all, even though we
are currently far apart, we are still under the same wide sky. We are still living
inside the same Universe.
YEAR 2018
               

I graduated yesterday. Now I am a Master's Degree Holder. Magsisimula na rin ako ng


trabaho sa Airline company ni Lolo. Hindi nga lang sa Pilipinas.

                        Ngayong araw may dumating na sobre para sa akin. Walang


sulat. Only a picture of Aurora Borealis. It was a beautiful photo. Parang
professional ang kumuha. Pero pamilyar sa akin ang istilo ng photographer 'non.

                        Kumabog ang dibdib ko. I felt my stomach flutter. As it


always do for the past two years everytime I think of her and that short time we
spend together when we were twenty.

                        Binaligtad ko ang picture. May handwritten note pala roon.

                        A scientist once said that all living things are composed


of the atoms from collapsed stars. That stars are inside us. Isn't it amazing? Gin,
we are made of stardust.

                        Sa ibaba noon may nakasulat na address at cellphone number.


Nagulat ako. Then napangiti hanggang matawa. Kaya pala nakunan niya ang Aurora
Borealis.

                        May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Paglingon ko pumasok sa


loob si Mama. "Tapos ka na ba mag empake?"

                        "Yes, 'Ma." Nakalagay na sa dalawang malaking maleta ang


mga gamit ko. Iyon at isang hand carry bag lang ang dadalhin ko.

                        "Ang Lolo mo naman, nakakainis. Saang bansa ka ba niya


balak ipadala para sa negosyo ng pamilya?"

                        Bumalik ang tingin ko sa note ni Kira. Hinaplos ko ang


nakasulat na pangalan ng bansa kung nasaan siya ngayon. Napangiti ako. My heart is
swelling with happiness and excitement. Itinaas ko ang picture at pinakatitigan ang
Aurora Borealis. Next time, makikita ko na 'yon ng personal. Kasama si Kira.

                        "Eugine? Saan ka nga magtatrabaho?"

                        Hindi ko inalis ang tingin sa picture at nakangiting


sumagot, "Canada."   
~WAKAS~

A/N: opo, tapos na po ang LOST STARS. at hindi tulad ng ibang stories ko na ipinost
dito, wala akong tinanggal na eksena sa story na ito. Opo, open ended po ito. It
has been my dream to write something with an ending like this. I blame Rainbow
Rowell's Eleanor and Park for my desire to end a story this way. Anyway, salamat po
sa mga nagbasa. At gusto ko lang po sabihin na may companion novel ito na ang title
ay STARS WITHIN US. point of view po iyon ni kira at may maiksing continuation ng
story nila sa dulo. pero hindi ko na po iyon ipopost dito sa wattpad sa
kadahilanang kelangan ko rin po bumenta ng libro para mabuhay hehe. out na po ang
dalawang libro na ito sa mga bookstore. meron din sa online store ng preciouspages
at sa pagkakaalam ko meron ding ebook. paki-visit na lang po ang mga link na nasa
profile ko. maraming marami pong salamat. :)

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

You might also like