You are on page 1of 55

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

MARRYING A STRANGER

Prologue
"LOLA! May bisita po kayo!" patiling sabi ng batang babae na bumungad kay
Melchor sa gate ng bahay ng matalik niyang kaibigan mula pa noong bata pa siya na
si Kristina.

Nginitian niya ang cute na batang babae. Baby pa lamang ito ay aliw na aliw
na siya rito. Kamukhang kamukha kasi ito ni Kristina noong mga bata pa sila. Mula
sa loob ng bahay ay lumabas ang ina ng batang babae at binati siya kasabay ng
pagbubukas ng gate.

"Nasa garden po si mama," sabi nito at iminuwestra siyang sumunod dito.

Saglit niyang inayos ang polo na suot niya at sinigurong maayos pa rin ang
bungkos ng bulaklak na binili niya para kay Kristina bago sumunod sa babae. Sa
hardin ay agad nga niyang nakita ang ipinunta niya roon. Nakaupo ito sa isang couch
na yari sa yantok at masayang nakatingin sa anak nitong lalaki na kasalukuyang
nagbabarbecue. Napangiti siya. Siya ang nagbigay rito ng upuan na iyon. Siya mismo
ang nagdisenyo at personal na gumawa niyon habang ito ang nasa isip niya.

Tumakbo palapit dito ang batang babae at itinuro siya. Lumingon sa kaniya si
Kristina at nang makita siya ay malawak na ngumiti. Gumanti siya ng ngiti. Despite
her white thinning hair, wrinkled skin and thin figure, her smile still posseses
that magical charm that it has when they were still young. Sa kabila ng
katotohanang pareho na silang nasa sisenta ang edad, para sa kaniya ay ito pa rin
ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa buong buhay niya.

"Mel, dumating ka," masayang tawag nito sa kaniya sa kabila ng bahagyang


lamya sa tinig nito. Bigla tuloy siyang nabahala ngunit hindi niya pinahalata.
Kailan lamang ay nagkaroon ito ng mild stroke at hindi pa nagtatagal mula ng
lumabas ng ospital. Mukhang hindi pa ito tuluyang nakakarecover sa nangyari.

Lumakad siya palapit dito at inabot dito ang bulaklak na bitbit niya. "Happy
birthday Tin," masuyo niyang bati rito.

"Oh you really never forget about it Mel. Maraming salamat," nakangiting
tinanggap nito ang bulaklak at bahagya pa iyong sinamyo.

Tumabi siya rito at nakitingin din sa pamilya nitong kasalukuyang nasa harap
ng barbecue grill. Ang nag-iisa nitong apong babae ay kinukulit ang mga magulang
nito. Halatang isang masayang pamilya ang mga ito. Hindi katulad ng limang anak
niya na pawang mga lalaki at may pamilya na. Hindi niya rin alam kung kailan
nangyari ngunit nagising na lamang siya isang umaga na hindi na magkakasundo ang
mga ito.

Napabuntong hininga siya. "Parang kailan lamang ano? Tayo pa ang batang iyan
na tumatakbo sa kung saan. Ngayon may mga apo na tayo," he nostalgically said.

Malamyang tumawa ito. "Oo nga eh. Natatandaan mo noong nag-pakasal ako bago
ikaw? We promised that we will become a family by pairing our soon to be son and
daughter? But it turns out na puro lalaki ang magiging mga anak natin," alaala
nito.

Tiningnan niya ito at masuyong nginitian. "Too bad right? When all we want is
to become a real family. I have always wanted to be your family," mahinang sabi
niya dahil tila may bumikig sa lalamunan niya.
Mula pa noong mga bata pa sila wala siyang ibang hiniling kung hindi ang maging
tunay na pamilya ni Kristina. To be with her for always, till eternity. Ngunit
nagpakasal ito sa anak ng kaibigan ng ama nito at hindi na siya nakaangal pa.
Besides, Kristina has always treated him as her bestfriend, only her bestfriend. Sa
huli, naisip niya na sapat na iyon sa kaniya. Makalipas ang isang taon ay
nagpakasal siya sa isang babaeng napili naman ng mga magulang niya para sa kaniya.
Hindi na siya nagreklamo dahil pag-aari naman na ng iba ang babaeng tunay niyang
minamahal.

Lumambot ang pagkakatingin nito sa kaniya. "Pamilya naman talaga tayo Mel.
But if you want to solidify this bond ayan pa naman ang mga apo natin. Tingnan mo
si Lettie, napakagandang bata hindi ba? At napakabait at maalalahanin pa," buong
pagmamahal na sabi nito.

Napangiti siya at sinulyapan ang apo nito. "Yes she is. She looked exactly
like you."

Muli ay mahina itong tumawa. "Kaya mangako ka sa akin Mel, that you will
choose your best grandson to be with her when the time comes. I may not be there
when it happens but I will be really happy kapag nangyari iyon."

Napatitig siya sa mukha nito. "Kristina, maari bang huwag kang magsalita ng
ganiyan? Tinatakot mo ako," seryosong saway niya rito.

Ngumiti ito at ginagap ang mga kamay niya. Her hands were cold, bony and
wrinkled. Yet her grasp made his heart jump, as it always did whenever she touch
his hands. "Nararamdaman ko na Mel. I will not be there when she grows up. Tanggap
ko na iyon." Magpoprotesta sana siya nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay
niya. "It's okay. I'm okay with it Mel. Masaya na ako sa naging buhay ko. I am fine
if I die now."

"But I will not be fine! I will never be fine!" mariing sabi niya.

Tinitigan siya nito. "Salamat Mel. Salamat at palagi kang nandiyan mula pa
noong mga bata pa tayo. Kung hindi ikaw ang naging kababata at matalik kong
kaibigan ay malamang hindi naging kasing kulay ng buhay ko na kasama ka ang
magiging buhay ko kung wala ka. Thank you for loving me after all these years."

Kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito at sa malambot at malungkot na


ekspresyon sa mukha nito. Bigla pakiramdam niya ay nais niyang maiyak. Nais niyang
pumalahaw kahit pa pagtinginan siya ng buong mundo. "You... knew?" mahinang tanong
niya.

Malungkot itong ngumiti. "Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo. Isa


pa ay masyado kitang kilala upang hindi iyon mapansin. And I do too Mel. You know I
do. Maybe not on the level of your love for me but I do love you."

"Kristina," tawag niya rito at napabuntong hininga. Alam naman niya iyon.
Matagal na niyang alam na hindi siya nito mahal bilang isang lalaki kung hindi
bilang isang kaibigan.

"So Mel, take care of my family for me okay? Lalo na ang apo ko. Ikaw na ang
bahala sa kaniya. Ipangako mo," anitong halos pakiusap.

Humugot siya ng hininga upang pawiin ang lungkot na bigla niyang naramdaman.
"I promise."
Chapter One

MUNTIK nang mahirinan si Lettie nang biglang ipukpok ng kaibigan at katrabaho


niyang si Aya ang mga kamay sa lamesa habang nagsasalita. Lunch break nila kaya
nasa cafeteria sila at nagkaroon sila nang pagkakataong mag kwentuhan. Nagtatrabaho
sila bilang mga office staff ng General Affairs Department ng Valencia Furnitures,
isa sa pinakamalaking kumpanyang nag iimport at nageexport ng mga furnitures sa
bansa.

"Ang kapal talaga ng mukha niya sobra! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya?
Pagkatapos kong hindi pakinggan ang pamilya ko ng sabihin nila sa akin na ayaw nila
sa kaniya ay iiwan niya lang din ako at ipagpapalit sa matronang mala pawnshop
dahil sa dami ng alahas sa katawan? Hinayupak siya! Kapag nakita ko siya
makakatikim siya ng mag-asawang sampal mula sa akin!" galit na kwento nito.   

Tahimik lamang na sumisimsim ng juice si Lettie habang nakikinig sa kaibigan at


katrabaho. Ang lalaking tinutukoy nito ay ang nobyo nitong mahigit isang taon na
nitong karelasyon. Kailan lamang ay palagi nitong ibinibida ang lalaking iyon.
Aspiring actor daw iyon at madalas nagbibida sa mga independent film. Ang sabi pa
nito sa kanila noon ay mahal na mahal daw ito ng boyfriend nito at loyal na loyal
dito kaya kahit maraming naghahabol na babae at bading sa binata ay hindi ito nag-
alala. Ang kaso, nabingwit naman ng matronang ubod daw ng yaman. Kaya ngayon ay
nagpuputok ang butse ng kaibigan niya.

"Hay naku hayaan mo na iyon. Maraming lalaki diyan! Kung gusto mo pwede kitang
ihanap ng ka blind date para mapalitan mo siya," sabi naman dito ni Jena sa pagitan
nang pagsubo nito sa kinakaing kanin at kalderetang baon nito. Kaibigan din nila si
Jena at ka-department.

Marahas na bumuntong hininga si Aya. "Sige nga. Ayoko namang tumagal na single.
Baka isipin ng lalaking iyon at ng matronang iyon di ako makaget over. Ha madali
siyang palitan no! Teka, kamusta naman pala ang date mo kahapon? Hindi ba may blind
date ka?" tanong nito kay Jena, mukhang nabawasan na ang iritasyon nito matapos
maglabas ng inis.

Si Jena naman ang nagtirik ng mga mata. "Hay naku fail. He was so boring and
irritating. Walang ginawa kung hindi ang buhatin ang sariling bangko.Ni hindi niya
ako binigyan ng chance magsalita. Para akong nanonood ng isang taong nagmomonologue
sa totoo lang. I left him in the middle of his monologue about how great he is in
business." Sabay pang pumalatak ang mga ito sa sinabing iyon ni Jena.

Napailing siya sa usapan ng mga ito. "Palaging sumasakit ang ulo niyo sa mga
lalaking iyan pero di naman kayo nadadala.    Is it that bad not to have
boyfriends? Sakit lang naman ng ulo iyang mga lalaking iyan," sa wakas ay komento
niya sa usapan ng mga ito pagkatapos ay bumuntong hininga.

Balewalang sumubo siya at tumingin sa mga ito. Awtomatiko siyang napalunok nang
makitang nakatitig ang mga ito sa kaniya na parang gusto siyang sakalin. "What?
Totoo naman ah," sabi pa niya sa mga ito. "Hindi ko alam kung bakit pinapasakit -

"Teka teka nga Letticia!" saway sa kaniya ni Aya na pinanlakihan pa siya ng mga
mata. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganiyan ka magsalita. Siguro ay
matatanggap ko pa ang mga sinasabi mong iyan kung alam kong may bitter experience
ka sa pakikipagrelasyon sa isang lalaki eh. Ang kaso wala! You never even had a
boyfriend for the past twenty eight years of your life but you are saying things as
if you had numerous failed relationships! Tatanda kang dalaga niyan Lettie!" sabi
nitong tila matandang nanenermon ng bata.

"Well she's acting like an old maid already actually. Naku Lettie hindi maganda
kung ipagpapatuloy mo iyan alam mo ba. Hindi ka makakahanap ng boyfriend kapag
ganiyan ka," komento din ni Jena na kung makatingin sa kaniya ay para bang isa
siyang worst case at wala ng pag-asa pang mabago.

"I'm not acting like an old maid okay. Besides kailangan ba na may experience ang
isang tao sa pakikipagrelasyon para malaman na sakit lang sila ng ulo? Tingnan niyo
nga kayo o lalo ka na Aya, palagi kang pinapangakuan ng ex mo ng kung anu-ano noon
pero anong ginawa niya? He betrayed you," katwiran niya.

Bumuntong hininga ito at sumimsim muna ng juice bago muling bumaling sa kaniya.
"True. But it doesn't mean na magpapakabitter ako sa kaniya habang buhay. After all
marami pa naman diyan. Ayokong sumuko na darating ang panahon na makakakita ako ng
lalaking hindi ako lolokohin. At least sinubukan ko kung siya nga ba ang lalaking
hinahanap ko hindi ba? Kung hindi umubra o di hindi. Move on na," sabi nito na para
bang hindi ito nagdadadaldal kanina lamang.   

But then again, that's the ever so strong Aya she's talking to anyway. Isa iyon sa
kinabibilib niya kay Aya. Mature itong mag-isip at palaging positive sa buhay.
Kapag ito ang nagsasalita ay parang ang dali ng lahat ng bagay.

"Ayan! Dahil diyan mag seset ako ng date for us! Idadamay na rin kita Lettie para
hindi ka tumandang dalaga," sabi naman ni Jena, ang kaisa isang babaeng nakilala
niya na hindi yata nawawalan ng kadate. Sa palagay niya nga sa lawak ng connection
nito na mga singles ay maari na itong magtayo ng matchmaking company.

Napalabi siya. "Hindi naman siguro ako tatandang dalaga. If I could find a guy
taller than me, responsible and could take care of himself at siyempre ako na rin,
iyong walang bisyo at hindi playboy, iyong matalino at magiging mabuting ama okay
na ako. I'd fall in love with him at any moment," aniyang bahagya pang napangiti.
Hindi naman siya masyadong choosy. Ganoong klase lang naman ng lalaki ang gusto
niya. Kahit hindi masyadong mayaman o hindi ubod ng guwapo basta mayroon ng mga
kuwalipikasyong iyon ay masaya na siya.

Muli ay tinitigan siya ng mga ito. Pagkuwa'y sabay pang bumuntong hininga. "Wala ka
na talagang pag-asa Lettie. Mag-alaga ka na lang ng aso para pag tanda mo may
kasama kang living thing," naiiling na sabi ni Jena.

"Bakit naman?" defensive na tanong niya.

Tinapik siya ni Aya sa balikat. "That kind of man runs out the fastest you know.   
Sa bagal mo malabong makakita ka ng ganyang lalaki na hindi pa natatalian," sabi
nitong tila nakikisimpatya.

"Huwag naman kayong ganyan. Actually okay lang sa akin kahit hindi sobrang guwapo.
A normal guy is fine. Besides, if you find a handsome guy at single pa that means
there's something wrong with him right? Kaya okay lang sa akin ang normal na
lalaki. Marami naman siguro niyon hind iba?" aniya pa sa mga ito.

"Whatever you say Lettie," magkapanabay pa na sabi ng mga ito. Hindi niya tuloy
alam kung maiinis o hindi na para bang ayaw na siyang kausap ng mga ito.

Hindi na lamang siya nagkomento at itinuon ang pansin sa pag-ubos ng pagkain niya.
Ah boyfriend huh? Ang totoo ay hindi pumasok sa isip niya na seryosong humanap ng
magiging kasintahan. Ang utak niya ay masyadong abala sa pagiisip ng ibang mga
bagay tulad ng mga gastusin sa bahay at problema sa pamilya. Idagdag pa na isang
buwan pa lang naman siya sa trabaho niya sa Valencia Furnitures kaya ang focus niya
ay sa trabaho.

Sa naisip ay muli siyang napasulyap kina Aya at Jena. Magkakasabay silang nakapasok
sa kumpanyang iyon. In fact, sa interview proper pa lamang ay nagkakilala na silang
tatlo. They all hit it off at magkasundong magkasundo sila sa kabila ng pagkakaiba
nila sa ibang bagay. Kaya naman ang laki ng tuwa niya nang malamang tatlo silang
natanggap sa trabaho. Mula noon ay naging matalik na silang magkakaibigan.    Dahil
sa mga ito kaya naeenjoy niya ng husto ang pagtatrabaho roon.

"Hey, speaking of a handsome guy, what do you think of our company president? He
was so hot right?" komento ni Jena na kumislap pa ang mga mata.

Ngumiti si Aya. "Yes he is. Kaso masyadong elite naman ang lalaking ganoon.
Mayaman, ubod ng guwapo at powerful.    He was even hailed as the hottest company
president bachelor of a magazine right? Alam ko isa ang issue na iyon sa magazine
sa dahilan kung bakit dumami ang kliyente ng kumpanya. Karamihan sa mga bagong
kliyente ay mga babaeng entrepreneur o mga babaeng anak mayaman na nais magpagawa
ng mga furnitures para mapalapit kay president. Kaya asset ang pagiging single
niya. May nakalap pa akong balita na mas gusto daw ng mga board of directors na
manatili siyang single sa kasalukuyan dahil baka daw bumaba ang income ng kumpanya
kapag bigla siyang nag-asawa dahil tiyak magpu-pull out ang ibang kliyenteng siya
ang main target."

"Ang weird naman 'non. Dahil lang mag-aasawa siya mababawasan na ang kliyente?
Walang tiwala ang mga board of directors sa kakayahan ng presidente at sa ganda ng
mga furnitures ng kumpanya?" singit niya sa usapan.

Itinirik ni Jena ang mga mata. "Well, mahirap i-grasp ang takbo ng utak ng
mayayaman. Kahit naman ako mas pipiliin kong makipagnegosasyon sa guwapo at single
kaysa sa may asawa no. After all, personal na hinahandle ng presidente ang mga VIP
clients ng kumpanya," sabi pa nito. Hindi na lang siya sumagot at ipinagpatuloy ang
pagkain.

"Kaso nga he's so out of reach. At kahit yata within reach ko ang ganoong lalaki
ay hinding hindi ako lalapit. He's a walking heartache," natatawang sabi ni Aya.

"Hay tama ka diyan. He's an every woman's dream and at the same time nightmare. In
short talagang hanggang pangarap lang siya at hindi pwedeng seryosohin. But still
we are lucky to work for a company na may ganoong presidente. Inspirasyon na rin.
Kaso bihira din naman natin makita dahil lagi siyang nasa top floor o kaya nasa
ibang bansa at out of town," sabi naman ni Jena na hindi itinago ang
panghihinayang.

Isa ang presidente ng kumpanya nila sa palaging usap-usapan ng mga empleyado.


Actually hindi lamang ng mga empleyado ng Valencia kung hindi maging ng buong bansa
at ng press. Ito lang yata ang businessman na palaging laman ng mga showbiz
reports. Paano ay ayon sa mga kaibigan niya ay palaging mga sikat na celebrity o
kaya ay socialite ang mga ka date nito. In short though he was a ruthless and
extremely intelligent businessman, he was still a certified womanizer.

"Ano ngang itsura niya?" curious na tanong na naman niya. Hindi pa kasi niya ito
nakikita ng personal. Hindi rin siya nag-aabalang manood ng telebisyon o magbasa ng
mga diyaryo para lamang hanapin ang mukha nito. Masyado siyang abala para doon. Isa
pa ay nasa ground floor ang departamento nila kaya malabong makita nila ang
presidente.

Maang na napatingin ang mga ito sa kaniya. "What? You don't know?! Nagsalita siya
noong orientation natin ah!" sabi ni Jena.

Napangiwi siya. "Natulog ako noong orientation actually," amin niya. Bukod kasi sa
pagtatrabaho sa araw ay nag papart time call center agent pa siya sa gabi noong mga
panahong iyon. Noong una ay full time siya roon. Pero sa huli ay narealize niya na
hindi talaga siya pang ganoong klase ng trabaho. Kahit maraming nagsasabing mas
malaki ang kikitain niya kung ituon na lamang niya ang atensyon sa call center
company dahil malaki ang kita ay mas ginusto niya pa ring magkaroon ng day job sa
isang kumpanya. Iyon kasi ang pangarap niya. Ang maging isang normal na empleyado
sa isang malaking kumpanya. Tuloy ay pinagsasabay niya iyon noon para makadagdag sa
kita dahil kailangang kailangan niya ng pera.

Nang araw ng orientation nila ay nag overtime siya sa part time job niya kaya wala
siyang tulog nang dumating siya sa Valencia Furnitures. Kaya kahit ayaw niya ay
nakatulog siya sa orientation. Mabuti na lamang ay hindi siya nahuli. Pagkatapos ng
meeting itinanong na lamang niya kina Jena at Aya kung ano ang sinabi sa
orientation.

"Oo nga pala natulog ka lang ng araw na iyon. I really can't believe it. You let
the chance of seeing a handsome guy like that in person slip away," manghang
komento ni Jena. Kung magsalita ito ay parang kalahati ng buhay niya ang sinayang
niya sa ginawa niya.

"I can't help it. At that time mas mahalaga na makatulog ako kahit papaano kaysa sa
lalaki. Alam niyo naman kailangang kailangan kong kumayod ng husto," pagtatanggol
niya sa sarili.

Aya sighed. "Hanggang ngayon naman eh. Ang dami mo kasing baggages Lettie sa totoo
lang. Ni wala kang panahong para sa sarili mo. And how old are we? We are already
twenty eight. Malapit na tayong mawala sa kalendaryo hindi mo pa nararanasan
makipagdate. Paano ka na lang kapag nakapag-asawa na kami ni Jena? Mapagiiwanan ka
namin," sabi naman nito at tinapik siya sa balikat.

Hindi naman siya nakaimik. May punto naman kasi ito sa mga sinabi nito. Sigurado
naman talaga siya na mauunang magsipag-asawa ang mga ito sa kaniya. Sa kanilang
tatlo rin, siya ang wala pang experience sa pakikipagrelasyon. Naturingang bente
otso na siya ay never been kissed never been touched pa siya. Noon kasi, well
hanggang ngayon naman, ay hindi naman siya masyadong mahilig tumingin sa lalaki.
Nang makilala niya lang sina Jena at Aya at ipoint out ng mga ito sa kaniya ang mga
advantages at disadvantages ng paghahanap ng lalaki sa edad nila ay saka lang siya
naalarma kahit papaano.

Pero sa dami naman kasi ng problema niya ay hindi na nga niya alam ang uunahing
isipin magdadagdag pa ba naman siya ng lalaking sakit lang din ng ulo? Ah, di bale
na lang. Sobra sobra na sa kaniya ang mahigit isang milyon at patuloy pang
nagkakainteres na utang na iniwan ng tatay niya sa kanila nang malulong ito sa
casino.

Mayaman sila dati. Ang lola niya na siyang ina ng kanyang ama ay kilalang
negosyante. Marami silang malalaking grocery stores sa iba't ibang panig ng maynila
noon. Nang mamatay ang lola niya noong sampung taong gulang siya ay ang papa niya
ang nagmana niyon. Pero di tulad ng lola niya ay mukhang walang swerte sa negosyo
ang papa niya. Idagdag pa nga na bigla itong nalulong sa bisyo.

Noong high school siya ay unti-unti silang nalugi at isa-isang nagsara ang mga
grocery stores nila. Noong tumuntong siya ng kolehiyo ay wala nang matira sa kanila
kung hindi ang bahay na pamana sa kaniya ng lola niya na sa kabutihang palad ay
hindi nasama sa mga ginawang collateral ng papa niya sa mga utang nito dahil kung
hindi ay hindi na niya alam kung saan sila pupulutin ng mama niya.
Ngunit dahil masasamang tao pala ang napagkautangan ng papa niya dahil sa
pagsusugal ay tumubo ng tumubo ang mga utang nito. Isang araw ay hindi na lamang
niya ito nagisnan sa bahay at nag-iwan lamang ng sulat. Tumakbo ito sa mga
pinagkakautangan nito. Tanda niya ay kakagraduate pa lamang niya sa kolehiyo nang
araw na mangyari iyon.

Dahil doon ay sila naman ang ginugulo ng mga pinagkakautangan nito. At kapag hindi
niya nabayaran ang utang sa lalong madaling panahon ay tiyak na kukunin ng mga ito
ang bahay nila na mahal na mahal ng lola niya habang pabaon sila ng pabaon sa
utang. Worst, baka kapag nainip ang mga ito ay saktan pa sila ng mama niya. At ayaw
niyang mangyari iyon.

Pero ilang taon na siyang kumakayod ng husto ay hindi pa rin mabawas-bawasan ang
mga utang nila. Dahil hindi naman malaki ang suweldo niya ay halos tubo lamang ng
utang nila ang nababayaran niya.

Ganoon katinding sakit ng ulo ang iniwan ng papa niya sa kanila. Kaya masisisi ba
siya ng mga ito kung ituring niyang sakit ng ulo ang mga lalaki? Ang kanyang ama
ang matibay na pruweba.

Tumikhim si Jena. "Ay naku. Pasasaan ba at magkakaroon din ng kasagutan ang lahat
ng problema mo Lettie.    For sure," pagpapalakas loob nito sa kaniya.

Ngumiti siya. "I hope so. Hay tara na nga lang at bumalik sa trabaho tapos na ang
lunch break. Ang dami pa nating gagawin pala," sabi na lamang niya.

Sumang-ayon naman ang mga ito at sabay sabay na tumayo. Bumuntong hininga siya nang
masigurong hindi na ito nakatingin sa kaniya. Tama, pasasaan ba at magiging maayos
rin ang lahat sa buhay nila. Makikita rin nila ang lalaking hinahanap nila, siya
naman ay maayos na ang gusot na iniwan ng papa niya sa kanila ng mama niya. Kung
sana lang talaga may madaling paraan para maresolba ang problema niya. Ang saya
sana.

Chapter Two
GABI na nang makaalis ng opisina si Lettie. Pinag-overtime kasi siya ni Mrs. Ramos,
ang immediate boss niya upang hanapin ang lahat ng files ng mga designs ng mga
bedroom furnitures ng kumpanya sa data stock room. Ipinapahanda raw iyon ng designs
department dahil ipepresent daw iyon sa magiging bagong head ng mga ito na
kasalukuyang nasa europa pa at darating sa bansa sa susunod ng buwan.

Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila ay napakunot noo siya nang makitang
madilim sa loob. Kahit gaano siya kagabi umuwi ay palaging iniiwang bukas ng mama
niya ang ilaw sa sala ng bahay nila. Malabo namang wala ito sa bahay nila dahil
mula nang biglang umalis ang papa niya ay hindi na ito naglalabas masyado ng bahay
nila. Imposible ring brownout dahil may ilaw ang ibang bahay sa subdivision nila.
Hindi kaya may nangyaring masama dito?

Sa naisip ay nakaramdam siya ng kaba at nagmamadaling binuksan niya ang gate.


Pagkatapos ay patakbong lumapit siya sa pinto ng bahay nila at nagmamadaling
binuksan iyon. "Ma!" pasigaw na tawag niya sa kaniyang ina nang makapasok siya.

"Lettie! Ano ka bang bata ka huwag kang sumigaw," mahinang saway ng boses ng mama
niya. Kinapa niya ang switch ng ilaw at pinindot iyon. Kumalat ang liwanag sa sala
nila.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naroon ang mama niya at ang kaniyang ama!
"Pa!" mangha ring tawag niya rito. Taon na ang nakalilipas mula ng huli niyang
makita ang papa niya at hindi niya alam kung makakaramdam siya ng saya na naroon na
ito, pagkagulat sa bigla nitong pagsulpot o inis dahil bigla itong nawala at
inatang sa kaniya ang pagbabayad ng mga utang nito. Sa huli ay tila ipinako siya sa
kinatatayuan niya habang nakatitig dito. Mas pumayat ito at tumanda kaysa noong
huli niya itong makita. Mas lumamang ang pagkaawa niya sa itsura nito kaysa sa iba
pa niyang emosyon.

Sabay pa siyang sinaway ng mga ito. "Huwag kang maingay Letticia! At isara mo ang
pintuan dali," mahinang utos ng papa niya.

Itinikom niya ang bibig at tumalima. Pagkatapos ay lumakad siya palapit sa mga ito.
"Saan ka nagpunta papa? Bakit ngayon ka lang umuwi? Pinag-alala mo kami ni mama! At
alam mo ba kung ilang beses na kaming pinuntahan ng mga pinagkakautangan mo at
tinakot na magbayad?" dere-deretsong sabi niya rito.

Bumakas ang guilt sa mukha nito. "Pasensiya ka na anak. Kung hindi ako umalis ay
mas lalo lamang kayong madadamay sa katangahang ginawa ko sa buhay ko. Alam ko na
ikaw ang umaako ng mga problemang ginawa ko anak. I'm really sorry Lettie.    Hindi
ko na talaga uulitin ang ginawa ko," hinging paumanhin nito.

Napabuga siya ng hangin at napasalampak ng upo sa one seater na katapat ng


kinauupuan ng mga ito. Ano pa bang maari niyang sabihin kung humihingi na ito ng
tawad na gaya niyon? Kahit anong gawin niya ay hindi na mababago ang katotohanang
lubog sila sa utang. Isa pa ay ito pa rin ang kaniyang ama. Bukod naman sa
pagkalulong sa bisyo nito ay naging mabuting ama naman ito sa kaniya. "Pa,
naiintindihan ko na nagsisisi ka na sa nangyari. Pero sana man lang sinabi niyo
kung nasaan kayo para hindi kami nag-aalala lalo na si mama. Para kung paano na
lang tayo makakabayad ang poproblemahin ko," napapagal na sabi niya.

Tumikhim ito. "Ah, tungkol sa bagay na iyan hija, may paraan para mabayaran ang
lahat ng utang ko at muli kong maitaguyod ang negosyong iniwan ng lola mo kahit
papaano. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon na ako ng lakas ng loob na bumalik
dito," sabi nito.

Napaderetso siya ng upo at napatitig dito. Bahagya siyang nabuhayan ng pag-asa.


"Paano ho?" tanong niya.

Nagpalitan ng tingin ang mga magulang niya. Bigla ay nawala ang pag-asang kanina ay
naramdaman niya. Base sa paraan ng pagtitinginan ng mga ito at nababahalang
ekspresyon sa mukha ng mama niya ay mukhang hindi niya magugustuhan ang sasabihin
ng papa niya. Nag-iwas ng tingin ang mama niya. "L-lettie, patawarin mo sana ang
papa mo," pahikbing sabi pa nito.

Tuluyan nang kumabog ang dibdib niya. "A-ano ba hong paraan iyang sinasabi niyo?"
tanong niya. Ibebenta ba siya ng papa niya sa sindikatong pinagkakautangan nito?
Ganoon na ba ito kadesperado?

Muling tumikhim ang papa niya. "Well you see, nang mga panahong umalis ako ay hindi
naman ako nagtatago lang. Humahanap ako ng mahihiraman ng perang pambayad sa
kanila," panimula nito. Gusto niyang sabihin dito na kapag ganoon ang ginawa nito
ay wala rin namang mababago sa sitwasyon nila. Maiiba lang ang taong pagkakautangan
nila. Pero nanatiling tikom ang bibig niya. "Noong nakaraang linggo lamang ay
aksidente kong nakita ang lolo Mel mo, natatandaan mo ba siya hija? Siya iyong
matalik na kaibigan ng lola Kristina mo."

Tumango siya. Natatandaan niya nga na mayroon siyang tinatawag na lolo Mel mula pa
noong magkaisip siya. Noong buhay pa ang lola Kristina niya ay palaging naroon si
lolo Mel kapag kaarawan nito. Hindi na niya masyadong matandaan ang mukha nito pero
ang dahilan kung bakit hindi niya nakakalimutan si lolo Mel ay dahil sa mga
bulaklak na lagi nitong dala para sa lola niya at mga maliliit na gamit para sa
doll house niya na lagi nitong binibigay sa kaniya.

"Humingi kayo ng tulong kay lolo Mel?" tanong niya. Nang tumango ang kaniyang ama
ay kahit papaano nakahinga siya ng maluwag. Kung si lolo Mel ang tutulong sa kaniya
ay siguradong hindi naman sila madedehado. Sa pagkakatanda niya ay mabait ang
matandang iyon.

Muling tumikhim ang papa niya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabi ko sa kaniya


ang sitwasyon natin. At kahit sinermunan niya ako at nagalit siya sa akin dahil sa
ginawa ko sa pinakamamahal na negosyo ni mama ay tinanggap ko iyon dahil alam kong
mali ako. Mabuti na lamang at kahit nagalit siya ay nangako siyang tutulungan niya
tayo. He offered to pay all my debts. Bukod doon ay sinabi nito na bibigyan niya
ako ng puhunan upang muling buhayin ang negosyong iniwan ni mama sa akin."

Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa kaniya. Maging ang mama niya ay


nakatingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim. "A-anong kapalit?" mahinang tanong
niya.

Nagbuga ng hangin ang papa niya bago sumagot. "Kapalit niyon... g-gusto niyang p-
pakasalan mo ang panganay niyang apo," mahina ring sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkamangha. "What?! Magpapakasal ako sa isang
lalaking hindi ko kilala? Absurd!" marahas na sagot niya.

Namutla ang papa niya. Ang mama niya ay tuluyang naluha. "Well, n-nabayaran na niya
ang mga utang ko at n-naibigay na niya ang perang puhunang kailangan natin. K-kaya
bukas ng umaga ay may darating dito upang sunduin ka at pormal na makita ni Don
Melchor."

"Ano?!" napasigaw na siya at napatayo. Bumugso ang hinanakit niya sa sinabi nito.
Parang gusto niyang maiyak sa tila bombang ibinagsak nito sa harap niya. "Pumayag
kang ipakasal ako sa kung sino kapalit ng pera?! Papa para mo akong ibinenta! In
fact ibinenta mo talaga ako! How could you do that?!" naiiyak sa frustration na
sabi niya sa malakas na boses. Hindi siya makapaniwala na matapos ang maraming taon
na hindi ito nagpakita sa kanila ay iyon ang ihahatid nitong balita sa kaniya.

"But I don't have a choice! Ayoko nang hinahabol tayo ng pinagkakautangan ko! Ayoko
ng nagtatrabaho ka ng husto para bayaran ang mga utang ko. Ayoko ng mahirapan ka
dahil sa kagagawan ko Lettie!" garalgal na ang boses na sabi ng papa niya. Wala
siyang naapuhap na sabihin dito. Frustrated na napabuga siya ng hangin at nasuklay
ng kamay ang buhok niya. Lumakas ang iyak ng mama niya. "Isa pa ay hindi naman kita
ibibigay sa pamilya ng kung sino kung hindi ako tiwalang hindi ka mapapahamak.
Mabait at mapagkumbaba ang lolo Mel mo kaya sigurado akong ganoon din ang apo niya.
Hindi ka nila pababayaan at hindi mo na kakailanganing magtrabaho ng husto. Nasa
edad ka na rin na dapat nag-aasawa na. Ikaw lang ang iniisip ko Lettie nang pumayag
ako sa kasunduang iyon. Maniwala ka sa akin anak," namamasa ang mga matang sabi pa
nito.

Napabuntong hininga siya at muling napasalampak ng upo. Gusto niyang


pumalahaw ng iyak pero kapag ginawa niya iyon ay wala rin namang mangyayari.
Nangyari na ang lahat at wala na siyang pagpipilian kung hindi ang makiayon sa
kasal na iyon. Kahit na binigla siya ng papa niya ay hindi rin niya magawang
magalit sa ginawa nito. Alam niyang tulad niya ay nais lang nitong mawala ang mga
utang nila at muling mapabuti ang buhay nilang tatlo.

"A-anong oras darating ang susundo sa akin?" tanong niya makalipas ang
mahabang katahimikan.
"Alas otso."

Huminga siya ng malalim at tumayo na. "Kung ganoon matutulog na ako dahil maaga
pala masyado. Matulog na rin po kayo papa, mama. Goodnight," kalmadong sabi niya sa
mga ito at lumakad na patungo sa silid niya.

"Lettie, ang ibig mo bang sabihin ay pumapayag ka?" pahabol na tanong ng papa niya.

Huminto siya at nilingon ito. Pilit siyang ngumiti. "We don't have a choice papa
kung nabayaran na nila ang utang natin. Kung ang kapalit ay ang pagpapakasal ko
then so be it." Muli na siyang tumalikod at tuluyan nang nagtungo sa silid niya.

Nang nasa loob na siya ng kuwarto niya ay pabagsak siyang humiga sa kama. Kahit na
tinatanggap ng isip niya na magpapakasal siya sa isang estranghero ay hindi iyon
matanggap ng puso niya. Argh, I could not believe I will get married this way!

NAG-RI-RING na telepono ang pumukaw sa atensyon ni Damon mula sa pagtitig at


pagtipa sa laptop niya. Huminto siya sa ginagawa at sinagot iyon. "Sinasabi ko na
nga ba at nasa opisina ka pa ring bata ka. Nakalimutan mo bang tumingin sa relo
Damon?" tinig iyon ng lolo niya.

Sa sinabi nito ay napatingin siya sa wristwatch niya. Alas dose na ng gabi at


nagtatrabaho pa siya. Ni hindi niya namalayan ang oras. "I will just finish this up
then I will go home. Bakit napatawag ka lolo? At ganitong oras? An old man like you
should be sleeping at this hour," aniya rito kasabay ng pagsandal niya sa backrest
ng swivel chair niya. Ngayong inilayo niya ang atensiyon sa trabaho ay bahagya
siyang nakaramdam ng pagod.

"Kanina pa kita tinatawagan sa unit mo pero hindi ka sumasagot. Kaya sigurado akong
nandiyan ka. Kailangan kong sabihin sa iyong magpunta ka rito sa bahay bukas bago
mag alas nuwebe ng umaga," sabi nito. Hindi nag-uutos ang tono nito pero mula pa
noon ay kapag may sinabi ito ay itinuturing niyang reponsibilidad na sundin iyon.
Iyon ang paraan niya ng pagbabayad ng utang na loob dito.

"Okay. But what for?" hindi interesadong tanong niya. Ipinagpatuloy niya ang
ginagawa habang nakaipit ang telepono sa pagitan ng tainga at balikat niya.

"Dahil ipapakilala ko sa iyo ang magiging asawa mo," walang gatol na sagot nito.

Natigilan siya. Tama ba ang narinig niya o nabibingi na siya sa pagod? "What?"

Tumawa ang lolo niya sa kabilang linya na tila aliw na aliw pa sa reaksiyon niya.
"Hindi ba sinabi ko na sa iyo dati? Na darating ang araw ay ipapakilala ko sa iyo
ang babaeng pakakasalan mo? Bukas na ang araw na iyon."

Napabuntong hininga siya. Matagal na nga nilang napag-usapan ng lolo niya iyon. Na
kadikit ng posisyon niya sa kumpanya at posibilidad na pagmamay-ari niyon ay ang
pagpapakasal niya sa babaeng napili nito. Pumayag siya sa kasunduang iyon dahil
wala naman sa kaniya kung sino man ang mapangasawa niya. Ang mahalaga ay magawa
niya ang lahat ng naayon sa plano niya. "But this is too sudden lolo. At alam
niyong hindi pa ako pwedeng magpakasal sa ngayon. Getting married will ruin the
business," paliwanag niya rito.

"Hijo huwag mong alalahanin iyan. Napag-isipan ko ng mabuti ang lahat at


ipapaliwanag ko ang lahat bukas. Ang kailangan mong gawin ay magpakita ka sa akin
bukas kung hindi ay si Brett ang ipapakilala ko sa kaniya. At alam mo ang ibig
sabihin niyon hindi ba?" sabi pa nito.

Napahawak siya sa sentido niya. Si Brett ay pinsan niya. Sa pamilya nila ay ito ang
sumunod sa kaniya sa edad. Ito rin ang matindi niyang kakumpetensiya sa kumpanya.
Alam niya na kapag si Brett ang ipinakilala nito sa babaeng napili nito ay
siguradong kay Brett nito ibibigay ang kumpanya. "Fine. Pupunta ako diyan bukas,"
sagot na lamang niya.

"Mabuti naman. O siya, tapusin mo na ang ginagawa mo at umuwi ka na." Iyon lang at
nawala na ito sa linya.

Napapailing pa rin siya nang ibaba niya ang awditibo. Sa totoo lang ay nacu-curious
siya kung sino ang babaeng gusto ng lolo niya na pakasalan niya. Siguradong galing
iyon sa kung anong maimpluwensiyang pamilya o may natatanging katangian kaya
matindi ang pagnanais ng lolo niya na maging bahagi ng pamilya nila ang babaeng
iyon. Dahil kung hindi ay bakit kailangang idikit ng lolo niya sa pagmamay-ari ng
kumpanya ang pagpapakasal sa babaeng iyon? I'll find out tomorrow.

HINDI pa rin mawala ang kaba ni Lettie kahit ilang beses na siyang huminga ng
malalim. Nasa sala siya ng bahay nila kasama ang mga magulang niya at hinihintay
ang pagdating ng sundo niya.    Alam niya na kahit ang mga magulang niya ay
natetensiyon.

Saglit pa ay nakarinig na sila ng tunog ng sasakyan at busina mula sa labas ng


bahay nila. Nagkatinginan silang tatlo. Tumikhim ang papa niya. "A-ako na ang
magbubukas ng pinto," sabi nito at tumayo.

Naiwan sila ng mama niya. "A-anak, kung hindi mo makakayang pakisamahan ang
lalaking iyon ay tutulungan kitang pakiusapan ang lolo Mel mo na huwag na lamang
ituloy ang napagkasunduan nila ng papa mo," sabi nitong ginagap pa ang mga kamay
niya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng mama niya. Pilit
siyang ngumiti. "Thank you mama. But I will be fine. Tama naman si papa. Mabait si
lolo Mel kaya sigurado namang mabait din ang apo niya. I will be okay."

Bumuntong hininga ang mama niya at niyakap siya. "Mag-iingat ka." Nasa ganoong akto
sila nang pumasok na ang papa niya. Kasunod nito ang isang lalaking naka itim na
amerikana. Dark sunglasses na lang ang kulang dito ay papasa na itong yakuza.

"Miss Padilla, hinihintay na ho tayo ni Sir," sabi pa nito.

Muli siyang huminga ng malalim at tumayo na. Nagpaalam siya sa mga magulang niya at
kabadong sumunod sa lalaki. Sa labas ng bahay nila ay may nakaparada ring itim na
mercedez. Napalingon siya sa papa niyang nakasunod sa kanila. "P-papa, sigurado ka
bang hindi mo ako ibebenta sa sindikato?" hindi niya napigilang itanong.

Kumunot ang noo nito. Napalingon naman siya sa lalaking sumundo sa kaniya nang
tumawa ito. "Huwag kayong mag-alala Miss Padillia, hindi sindikato ang amo ko,"
sabi pa nito. Kahit papaano ay napanatag siya. Nang buksan nito ang pinto ng
backseat ay walang magawang sumakay na lamang siya doon. Tinapunan niya ng huling
tingin ang mga magulang niya at ang bahay nila. Nang magsimulang umandar ang
sinasakyan niya ay alam niya na malaki ang magiging pagbabago sa buhay niya mula sa
araw na iyon.
Chapter Three
NAPAAWANG ang mga labi ni Lettie nang ihinto ng sumundo sa kaniya ang sasakyan sa
garahe ng isang engrandeng bahay. Di hamak na mas malaki at mas moderno iyon
kumpara sa bahay na pamana ng lola niya sa kaniya.

Nang makapasok siya sa loob ay lalo siyang namangha sa nakita. Tila isang malaking
showroom ng mga furnitures ang living room ng bahay sa ganda ng mga gamit doon. At
ang nakakamangha ay sigurado siyang lahat ng mga gamit doon ay galing sa kumpanyang
pinapasukan niya! Sigurado siya roon dahil kakatingin pa lamang niya kagabi ng mga
designs na iyon. Diyata't suki ng kumpanya nila si lolo Mel?

"Maghintay lang ho kayo sandali rito Miss Padilla. Tatawagin ko lang si Sir
Melchor," sabi sa kaniya nang nagsundo sa kaniya. Nang tumango siya ay iniwan na
siya nito at umakyat ng hagdan.

Muli siyang huminga ng malalim kahit papaano ay mapawi ang kaba niya. Iniisip niya
kung anong klaseng tao ang apo ni tito Mel. Nahiling niya na sana ay madali naman
itong pakitunguhan kahit papaano. Sana naman.

Nasa ganoong pag-iisip siya nang makarinig ng sunod-sunod na busina mula sa labas
ng bahay. Nagpalinga-linga siya upang tingan kung may taong lalabas upang buksan
ang gate. Pero wala siyang makitang taong lumalabas. Ano bang klaseng bahay ito?
Ang laki-laki wala sila kahit isang kasambahay? Nagpatuloy ang pagbusina mula sa
labas.

Hindi siya nakatiis. Pagkatapos niyang igala ang paningin para sa kasambahay sa
huling pagkakataon ay siya na ang lumabas ng bahay. Nakita niya ang isang pulang
magarang sasakyan sa tapat ng gate at patuloy na bumubusina. Binilisan niya ang
pagkilos at binuksan ang gate.   

Nasundan niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa huminto ito sa garahe. Nagsimula
na siyang kumilos pabalik sa loob ng bahay nang bumukas ang pinto ng driver's seat
ng sasakyan niyon at umibis ang isang lalaki. "What took you so long to open the
gate?" malakas na tanong nitong bakas ang iritasyon sa tinig.

Napabaling siya rito. Matangkad ang lalaki at maganda ang tindig. Sa suot nitong
three piece suit ay mukha itong maawtoridad na tao. Nang mapatingin siya sa mukha
nito ay bahagya siyang natigilan. Kahit naka-kunot kasi ang noo nito habang
nakatitig sa kaniya ay hindi niya maipagkakailang guwapo ito. Makapal ang mga kilay
nitong ipinares sa itim na itim na mga matang sa opinyon niya ay tila walang buhay.
Aristokrato ang ilong nito at manipis ang makurbang mga labi. Iyon ang unang
pagkakataong nakakita siya ng ganoong lalaki sa malapitan.

Lalong lumalim ang gatla sa noo nito. "Tititigan mo na lang ba ako? Geez, I could
not believe lolo got a new hired help like you," sabi nitong tila sarili lamang ang
kausap at nilampasan siya.
Napakurap siya at natauhan sa sinabi nito. Akala nito ay kasambahay siya?! Ang
kapal! Oo nga at hindi siya kasing ganda ng mga celebrity o kasing sopistikada ng
mga socialite pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang maging maayos ang
itsura niya nang nagpunta siya roon. Pagkatapos ay ganoon lamang ang sasabihin nito
sa kaniya? And who is he in the first place?!

Pero kahit gusto niya itong awayin ay hindi bumuka ang bibig niya at inis na
nasundan na lang ito ng tingin. Nasa tamang pag-iisip pa siya para magiskandalo sa
pamamahay ni lolo Mel. Saglit niyang kinalma ang sarili bago bumalik sa living
room. Namataan niya ang aroganteng lalaki na naglalakad na paakyat ng hagdan.

Noon naman lumabas ang lalaking sumundo sa kaniya kanina at isang matandang lalaki.
"L-lolo Mel!" malakas na naiusal niya nang makilala niya ang matanda.

Napabaling ang mga ito sa kaniya. Si lolo Mel ay malawak na ngumiti at mabilis na
bumaba at lumapit sa kaniya. "Letticia! Ikaw nga hija. Kamukhang kamukha mo ang
lola mo noong kabataan niya," masayang sabi nito sa kaniya at niyakap siya.

Napangiti na rin siya at nawala ang kaba. "Sabi rin ho iyan nila mama," aniya rito
nang pakawalan siya nito.

Hindi pa rin napapalis ang ngiti sa mga labi nito. "I will be glad to accept you as
a real granddaughter Lettie. Kapag kasal na kayo ng apo ko ay magiging tunay na apo
na kita," nasasabik na sabi pa nito. Noon nawala ang ngiti niya. Kaya nga pala siya
naroon ay dahil sa kasal na wala siyang choice kung hindi ang pasukan.

"Wait a minute, don't tell me lolo na siya ang babaeng sinasabi mo?" pukaw ng
aroganteng lalaki. Napatingala siya rito. Nakakunot na naman ang noo nito at bumaba
na rin ng hagdan. Parang alam na niya kung sino ang lalaking ito.

"Yes. She's your soon to be wife Damon. Hija, siya ang apo ko na magiging asawa
mo," nakangiti pang pakilala sa kanila ni lolo Mel.

Nagkatinginan sila ni Damon. Ito ang lalaking pakakasalan niya. Magagawa ba niyang
makasundo ang lalaking ito?

"GUSTO kong magpakasal kayo sa lalong madaling panahon," seryoso ng sabi ni lolo
Mel nang nasa loob na sila ng silid na tumatayong library sa bahay na iyon.
Magkatabi sila ni Damon na nakaupo sa mahabang sofa habang si lolo Mel naman ay
nasa tapat nilang couch.

"Pero tulad ng sinabi ko sa iyo kagabi lolo, I could not afford to get married at
this time. Makakaapekto sa mga business deals ko ang pagpapalit ko ng marital
status," seryoso ring sabi ni Damon.

Sinulyapan niya ito. Paano naman makakaapekto ang marital status ng lalaking ito sa
negosyo? May kutob siya ng palusot lang nito iyon at ayaw lang talaga nitong
magpakasal. Sabagay, walang problema sa kaniya iyon. Sa ugali ng lalaking ito at sa
malamig na mga mata nito ay may palagay siyang hindi ito madaling pakisamahan.

"Alam ko na iyan Damon. Kaya kahit na labag sa kalooban ko ay magpapakasal muna


kayo na hindi ipapaalam sa iba. Ang makakaalam lang ay kayong dalawa, ako at ang
mga magulang mo Lettie," sabi ng matanda. Napamaang siya rito. Si Damon ay hindi
umimik sa tabi niya. Marahil ay pinag-iisipan nito ang sinasabi ng matanda. "But of
course, you will be a real married couple. May nakahanda na kayong titirhang bahay
na regalo ko sa inyo. Pero Damon, magkakaroon kayo ng announced wedding six months
from now kahit ano pa ang mangyari sa business. Hindi ako papayag na maging sikreto
si Lettie," seryoso pa ring dagdag nito.
Kahit papaano ay naantig ang puso niya sa sinabi ni lolo Mel. At least, alam niya
na hindi siya ipapahamak ng matanda. Pero ang problema niya ay ang lalaki sa tabi
niya. Afterall, dito siya ikakasal at ito ang papakisamahan niya bilang asawa.

"In six months, give me what you promised and it's a deal," sa wakas ay sabi ni
Damon. Muli siyang napalingon dito. Deretso itong nakatingin sa matanda na para
bang nakikipagtransaksiyon.   

"Kapag nakita kong maganda ang pagsasama niyo bilang mag-asawa sa loob ng anim na
buwan ay ibibigay ko. Fair deal?"

Umangat ang gilid ng mga labi ni Damon pero nasiguro niya na hindi iyon ngiti.
"Deal."

Hindi niya masundan ang pinag-uusapan ng mga ito pero isa lang ang sigurado niya,
magpapakasal talaga siya sa walang pusong lalaking ito. "Lettie," tawag sa kaniya
ng matanda.

Napalingon siya rito. "P-po?"

Ngumiti ito. "Ikaw na ang bahala sa apo ko. And with this marriage ay magiging
pamilya na tayo," sabi pa nitong nagniningning ang mga mata. Hindi nakaligtas sa
kaniya ang kislap ng kalungkutan sa mga mata nito. Ngunit bago pa niya ito matanong
ay tumayo na ito. "Well, magaayos lang ako at pupunta tayo sa inyo para
mamanhikan."

"I have a business meeting at ten lolo," sabi ni Damon.

"K-kailangan ko na hong pumasok sa trabaho lolo Mel," sabi niya rin.

Kumunot ang noo nito. "Cancel it. At umabset ka na lang muna Lettie. Mas mahalaga
ito."

"Then let me ask you lolo, why her?" tanong ni Damon na tumayo pa.

Napatingala siya rito. Mukhang may reklamo ito sa kaniya. May reklamo din ako sa
iyo! You are heartless! Napatayo rin tuloy siya at tinitigan ito ng masama. Pero
hindi siya nito nilingon.

"Because she's a good woman. Kung siya ang mapapangasawa mo ay mapapanatag akong
magiging maayos ang buhay mo apo," sagot ni lolo Mel. Napalingon siya rito.
Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya bago lumabas na ng silid.

Naiwan silang dalawa na nakatayo lang doon at nakatingin sa pintong nilabasan ng


matanda.

"I could not believe this," usal ni Damon at muling napaupo sa sofa. Nagpantig ang
tainga niya sa sinabi nito at nasundan ito ng tingin. "I am so disappointed. Ang
akala ko pa naman kaya matindi ang pagnanais ni lolo na magpakasal ako sa babaeng
napili niya ay dahil may natatanging katangian ang babaeng iyon. Masyadong mataas
ang expectations ko."

Naikuyom niya ang mga palad sa sinabi nito. "Well, sorry for being normal! Hindi ka
rin naman pumasa sa expectations ko! Akala ko dahil apo ka ni lolo ay mabait ka rin
na gaya niya! Hindi pala," asik niya rin dito.

Tiningala siya nito at umismid. "Sa ating dalawa kahit saan mo tingnan ako ang lugi
at hindi ikaw," sarkastikong sabi nito.
"E di huwag mo akong pakasalan!" asar ng sabi niya rito.

Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya at sumandal. "Kung kasama iyan sa
pagpipilian ko ay kanina ko pa sana sinabi kay lolo iyan. Unfortunately, hindi ako
magba-back out. I have a lot to gain in this marriage. At sigurado akong ikaw rin."

Hindi siya nakasagot dahil tama ito. Hindi rin siya maaring umatras dahil nabayaran
na ni lolo Mel ang utang ng papa niya. Napabuga na lang siya ng hangin at pabagsak
na umupo sa kanina ay inuupuan ni lolo Mel. Namayani ang katahimikan sa pagitan
nilang dalawa. Maya-maya pa ay muling pumasok sa silid ang matanda at tinawag na
sila. Pupunta na sila sa bahay niya para raw mamanhikan.

Napahinga siya ng malalim. Wala na talagang atrasan 'to.

KATULAD ng napag-usapan nila Lettie, Damon at lolo Mel ay isang simpleng civil
wedding lamang ang naging kasal ng dalawa. Iyon ay matapos mamanhikan ni Damon at
ng lolo nito sa mga magulang niya. Mabilis lamang na nangyari ang pamamanhikan
dahil halos si lolo Mel lang naman ang nagsalita. Saglit lang din siyang ibinilin
ng mga magulang niya kay Damon na puro tango lamang ang isinagot.

Bago ang araw ng kasal ay masinsinan siyang kinausap ng mama niya kung kakayanin ba
daw niyang makisama sa isang estranghero. She assured her mother that she will be
fine. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kaniya.

Sa araw ng kasal ay lima lamang silang dumalo.    Ang seremonya ay simple lamang
din. Tahimik lamang sila ni Damon habang nasa harap ng huwes. Ni hindi nga siya
nito sinusulpayan man lang. At ng magsabi ang huwes ng "you may kiss the bride" ay
siya lang yata ang nabahala roon. Katunayan ay walang salitang iniharap siya ni
Damon dito at mabilis na ginawaran ng halik ang mga labi niya. Pagkatapos ay
balewalang muling humarap sa huwes habang siya ay tila naestatwa. Kung hindi pa
tumikhim ang huwes ay baka hindi siya nabalik sa huwisyo.

Paano naman kasi, iyon ang first kiss niya. Pero ang lalaking nakakuha ng unang
halik niya ay wala man lang kaemo-emosyon. Sa huli ay bumuntong hininga na lamang
siya. Wala naman siyang magagawa dahil hindi naman pag-ibig ang dahilan ng
pagpapakasal niya. Nang maisip iyon ay nakaramdam na naman siya ng lungkot. Hindi
iyon ang pinangarap niyang pagpapakasal. Gusto niya sana kahit simpleng tao lamang
ang mapangasawa niya ay ayos lang basta mahal nila ang isa't isa. Pero si Damon ay
hindi simpleng tao lang at hindi siya nito mahal.

"K-KAILANGAN ba talaga nating gawin ito?" kabadong tanong ni Lettie kay Damon.

Bumaling ito sa kaniya at matiim siyang tinitigan habang niluluwagan ang kurbata
nito. Nanlambot ang mga tuhod niya sa nerbiyos at nanghihinang napaupo sa gilid ng
kama. "We have no choice. Sinasabi ko na nga ba at planado ni lolo ang lahat. Kaya
pala may nakahanda na agad siyang bahay para sa atin at nag-hire na rin ng mga
kasambahay. He will not leave us alone," sabi nito at tuluyan ng inalis ang
kurbata. "Anyways, you don't have to be that nervous. Kahit sa iisang kama pa tayo
matulog ay wala akong gagawin sa iyo. You are not my type," balewalang sabi nito at
tinalikuran na siya. Nagpunta ito sa maliit na silid sa loob ng kuwartong iyon.

Nawala na ang kaba niya at napalitan ng inis. "Wala rin akong interes sa iyo!"
pasigaw na sabi niya rito.

"That's good," narinig pa niyang sagot nito mula roon.

Inis na pabagsak siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. Mula sa araw na iyon
ay ang silid na iyon na ang magiging kuwarto nila. Kanina ay doon sila inihatid ng
driver na kinuha ni lolo Mel para sa kanila. Kailangan daw niya ang driver na iyon
para hindi na siya magco-commute pag pumapasok siya sa trabaho. Noong una ay ayaw
niyang tumanggap ng driver pero ang sabi nito ay iyon man lang daw ay tanggapin
niya. Tumanggi kasi siya nang isuhestiyon nito na magresign na lang siya sa trabaho
niya tutal naman daw ay kaya siyang buhayin ni Damon. Pero ayaw niya ng ganoon
dahil may palagay siyang maiinip siya bilang isang simpleng may bahay ng sing lamig
ng lalaking iyon. Isa pa ay mahal niya ang trabaho niya.

Nang makita niya kanina na may kalakihan ang bahay na bigay ni lolo Mel ay naisip
niya na maari silang magkaroon ng tig-isang silid ni Damon. Hindi niya kasi
maimagine na magkasama sila sa iisang silid dahil kung tutuusin ay estranghero ito
sa kaniya. Ang kaso pagkadating na pagkadating pa lamang nila ay inilagay na ni
Aling Isyang, ang tumatayong caretaker daw nila ang mga gamit nila sa master's
bedroom. Gusto niya sanang magreklamo noon kung hindi lamang siya hinatak kaagad ni
Damon sa silid.

"Don't say anything recklessly woman. Hindi itinao ni lolo ang mga kasambahay dito
dahil lang gusto niya. I am sure they are his eyes and ears in this household.
Hindi niya tayo pababayaang gawin ang gusto natin dito. Kapag hiniling mo na sa
ibang silid ka matutulog ay tiyak na malalaman iyon ni lolo. Don't forget that we
have to be a "real" married couple," naalala niyang paalala ni Damon sa kaniya.

Kaya ngayon ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang matulog doon kasama si Damon.
Tiningnan niya ang kama. Sabagay, masyado namang malaki iyon para sa isang tao.
Kahit na dalawa silang matulog doon ay posible namang hindi sila magkabungguan.
Sabi rin naman nito ay wala itong balak gawan siya ng kung ano dahil hindi siya
nito type. Kahit na nainis siya sa sinabi nito ay mas okay na iyon kaysa puwersahin
siya nitong... Marahas siyang napailing nang may tumakbong malaswang bagay sa utak
niya.

Bumangon siya at bahagyang lumapit sa silid na pinasukan ni Damon. Nakita niya


itong nakaupo sa harap ng isang lamesa at abala sa ginagawa nito sa laptop nito.
Kakakasal pa lamang nila kani-kanina lang ay nagtatrabaho na ito kaagad. At may
palagay siyang magagalit ito kapag inistorbo niya ito sa ginagawa nito. Saglit
niyang tinitigan ang malapad na likod nito bago buntong hiningang lumayo na roon.

Nag-iisip siya ng gagawin nang mapatingin siya sa banyo. Makaligo na nga lang at
makatulog ng maaga. Kumuha lang siya ng pantulog na ipampapalit niya sa suot niya
at pumasok na sa banyo.

Chapter Four
NAPAHINTO sa ginagawa si Damon nang marinig niya ang paglagaslas ng tubig mula sa
banyo. Then he heard her humming a tune not familiar to him. Marahil ay bagong
kanta lamang iyon kaya hindi siya pamilyar doon. Matagal na niyang hindi nasusundan
ang trend ng mga awitin o kahit palabas man lang dahil masyadong tutok ang lahat ng
atensiyon niya sa trabaho. Pero kahit hindi niya masyadong mawawaan ang kinakanta
nito ay kataka-takang maganda iyon sa pandinig niya.

Wala sa loob na lumingon siya. Mula sa maliit na extention room na iyon na tatayong
opisina niya sa bahay na iyon ay natatanaw niya ang pinto ng banyo. Mula sa puwesto
niya ay nakikita niya ang anino ng naliligong babae na mula sa araw na iyon ay
asawa na niya. Mukhang hindi ito aware na nakikita ang anino nito mula sa labas
dahil mukhang siyang-siya pa ito habang naliligo.

Sa totoo lang hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin makuha ang dahilan
ng lolo niya kung bakit ang babaeng iyon ang napili nito. Ang sabi nito sa kaniya
ay dahil si Lettie lang daw ang nababagay para sa kaniya. Hindi siya kumbinsido sa
dahilan nitong iyon. Dahil kahit saang anggulo niya tingnan ang babae ay wala
siyang makitang kakaiba rito. Maganda man ito ay hindi pa rin ito maikukumpara sa
nagagandahang personalidad na madalas niyang maka-date dahil sa trabaho. Wala rin
itong yaman o impluwensiya na makakatulong sa negosyo. So why her?

Nakatitig pa rin siya sa pinto ng banyo nang tumigil ang lagaslas ng tubig. Mabilis
niyang inalis ang tingin doon at itinutok ang mga mata sa screen ng laptop niya.
Ngunit nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo ay hindi niya napigilang
bahagyang silipin ang babae.

Hindi niya alam kung kukunot ang noo niya o matatawa nang makita niyang naka dilaw
na pajamas ito na parang isang bata na matutulog. Kahit na mas mahina na ay hindi
pa rin ito tumigil sa paghum habang pinupunasan ang buhok nito ng tuwalya. So not
sexy. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit
patuloy pa rin niya itong sinusundan ng tingin.

Nang mawala ito sa paningin niya ay naiiling na ibinalik na lamang niya ang
atensiyon sa trabaho. Ni hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit
nagpapadistract siya sa babaeng iyon.

Ilang minuto na ang nakalilipas ay naririnig pa rin niya ang paghum nito. Narealize
din niya na hindi pa siya nakakausad sa ginagawa niya. Shit ano ba kasing ginagawa
ng babaeng iyon at gising pa rin hanggang ngayon? Sa huli ay hindi rin siya
nakatiis na hindi ito silipin. Tumayo siya at iniwan ang tinatrabaho niya at dahan-
dahang sumilip sa kuwarto nila.

Natigilan siya nang makita si Lettie na nakaharap sa nakabukas na cabinet at abala


sa paglalagay ng mga damit nito doon. Basa pa rin ang buhok nito ay may nakasukbit
pa ring tuwalya sa balikat nito habang ginagawa iyon. Napansin niya na kalahati
lamang ng cabinet ang nilalagyan nito ng gamit nito. Napasandal siya sa pader at
tahimik na pinagmasdan lamang ito. Nakatingin pa rin siya rito nang bigla itong
lumingon. Napaatras ito sa pagkagulat. Maging siya ay nagulat sa biglang paglingon
nito ngunit nagawa niyang manatiling tila hindi apektado. "Bakit gising ka pa?"
tanong niya rito.

Tumikhim ito at mukhang nakarecover na sa pagkabigla. "H-hindi pa ako inaantok kaya


inaayos ko na lang ang mga damit ko. Ah, tamang-tama. Pwede bang buksan ko na rin
ang maleta mo para mailagay ko na ang mga damit mo dito?" tanong pa nitong bahagya
pang tinapik ang parte ng cabinet na iniwan nitong walang laman. Ngumiti pa ito
habang nakatingin sa kaniya.   

Siya naman ang napatikhim. "You don't have to. Someone else could do that tomorrow.
Matulog ka na lang," aniya rito at umayos na ng tayo.

"Pero bakit pa natin iaasa sa iba kung kaya ko namang gawin ngayon?"

"Bahala ka na nga," naisagot na lang niya.

He was caught off guard when she smiled sweetly at him. Pagkatapos ay nakaupo pa
ring hinatak nito ang maleta niya palapit dito at binuksan iyon. Nang simulan
nitong ilipat ang mga damit niya sa cabinet na para bang natural na nitong ginagawa
iyon ay may kung anong sensasyon siyang naramdaman sa sikmura niya. Thinking back,
iyon ang unang beses na may ibang umasikaso ng gamit niya maliban sa kaniya at sa
housekeeper niya na nagpupunta sa unit niya minsan sa isang linggo. Ngayon nakikita
niyang may ibang gumagawa niyon ay naninibago siya.

Pero alam niya na mula sa araw na iyon ay palagi na niya itong makikitang ganoon
dahil mag-asawa na sila na sa iisang bahay nakatira at sa iisang silid matutulog.
Ang weirdo ng babaeng ito. kanina lang ay parang hihimatayin na siya sa nerbiyos ng
malaman niya na magkatabi kaming matutulog pero ngayon ay nagaayos siya ng mga
damit namin sa cabinet na parang walang anuman iyon sa kaniya.

Marami-rami na itong nailalagay na damit niya sa cabinet ay hindi pa rin niya


magawang umalis sa kinatatayuan niya. Wala sa loob na nasusundan niya ang bawat
kilos nito at kataka-takang hindi siya nakakaramdam ng pagkainip. Nakatayo pa rin
siya doon nang muli itong lumingon sa panig niya. Bumakas ang pagkagulat sa mukha
nito nang tingalain siya nito. "Tapos na ba ang ginagawa mo?" tanong nito.

Noon niya lang naalala na may ginagawa nga pala siya. "Not yet. Pagkatapos mo diyan
matulog ka na," nasabi na lamang niya at tinalikuran na ito. Muli siyang bumalik sa
swivel chair niya at kunot noong napasandal doon. Just what in hell happened to him
back there? Napailing siya. Wala siyang panahong pag-isipan ang bagay na iyon.

NAPAUNGOL si Lettie nang maalipungatan siya. Masyadong malamig. Hindi ba niya


napatay ang aircon ng kuwarto niya? Palagi niyang pinapatay iyon bago siya matulog
dahil lamigin siya. Kumilos siya upang lalong idikit sa katawan niya ang comforter.
Tumagilid siya dahilan upang makaramdam siya ng kung anong mainit sa kanan niya. It
felt like heaven. Kaya naman nakapikit pa ring nagsumiksik siya roon. Napabuntong
hininga siya nang maamoy ang mabangong samyo ng sabong pampaligo kahalo ng iba pang
amoy na masarap sa ilong.

Makakatulog na siya ulit nang maramdaman niyang gumalaw ang sinisiksikan niya.
Pagkatapos ay may brasong pumatong sa katawan niya at hinigit siya palapit. Noon
nagising ang diwa niya. Napadilat siya at napatingala. Muntik na siyang mapasigaw
nang matambad sa kaniya ang mukha ng isang lalaking mahimbing na natutulog.
Napigilan lamang niya ang sarili nang bigla niyang maalala ang lahat.

Oo nga pala. Mula kahapon ay may asawa na siya. Patunay niyon si Damon na mukhang
malalim pa ang tulog sa tabi niya at nakayakap pa sa kaniya. Weird, pero himbis na
mailang siya ay masarap pa sa pakiramdam niya na nakakulong siya sa mga bisig nito
at nakasiksik siya sa katawan nito. Hindi nga ba't kanina lamang ay muntik na
siyang makatulog na muli dahil sa init na nagmumula rito at sa amoy nito?

Hindi niya napigilang mapatitig sa natutulog na mukha nito. Kahit may bahagyang
bahid ng linya ang bandang noo at gilid ng mga mata nito, at may bakas na ng
stubbles ang pisngi at baba nito ay guwapo pa rin ito sa paningin niya. Mas mukha
itong maamo kaysa kapag gising ito.

Kagabi ay hindi na niya namalayan ang paghiga nito sa kama. Nang matapos siya sa
pag-aayos ng mga damit nila sa cabinet at sinilip ito ay nagtatrabaho pa rin ito.
Dahil gabi na at wala na siyang ibang gagawin ay nauna na siyang natulog dito.

Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa mukha nito. Dahil ilang pulgada lamang ang
layo ng mukha nito sa kaniya ay naabot pa siya ng mainit na hininga nito. Sa hindi
niya maipaliwanag na dahil ay may tila paru-parong nagsimulang magliparan sa
sikmura niya. Bigla ay parang nais niyang hawakan ang mukha nito. May bahagyang
kirot din sa dibdib niya dahil sa tila kakaibang pagsikdo ng puso niya habang
nakatitig dito. It was a weird feeling. Sa huli ay hindi rin siya nakatiis.

Maingat na iniangat niya ang kamay at dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha nito.
Nang hindi ito gumalaw ay maingat pa ring pinaraanan niya ng daliri niya ang gilid
ng mukha nito. "Mabait ka naman pala tingnan kapag tulog ka," nakangiting mahinang
naiusal niya.

Nakangiti pa rin siya nang bigla itong dumilat. Nasalubong niya ang mga mata nito.
Sa pagkagulat ay napasigaw siya at malakas itong naitulak palayo sa kaniya.
Bumagsak ito sa sahig. Narinig niya ang pag-igik nito. Napaupo siya sa kama. "S-
sorry!"

"Shit ang sakit!" marahas na sabi nito kasunod ng pagmumura pa. Bumangon ito at
napaupo sa sahig. Bakas ang iritasyong tiningala siya nito. "Why the hell did you
do that? Ikaw ang siksik na siksik sa akin at hinahawakan ako ikaw pa ang may
ganang manulak," asar na sabi pa nito.

Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Patunay niyon na kanina pa ito gising at
marahil ay narinig din nito ang sinabi niya! Nakakahiya! "B-bakit kasi hindi ka na
lang bumangon agad kung gising ka na pala!"

"How could I suddenly wake up if you're touching my face like that? Ayan nga o
tinulak mo ako," sarkastikong sabi nito at bumangon na. Muli itong napamura kasabay
ng paghawak nito sa tagiliran nito. Gusto sana niyang kumustahin kung masakit ba
talaga ang pagkakabagsak nito pero bago pa niya magawa iyon ay pumasok na ito sa
banyo.

Muli na lang siyang humiga sa kama. Nakakahiya siya. Nalaman nito na sumiksik siya
rito at pinagdiskitahan pa niyang hawakan ang mukha nito. Akala naman kasi niya
tulog pa ito. Kanina pa pala ito gising. Napahawak siya sa pisngi niyang nag-iinit
pa rin. Masyado siyang nawiling nakakulong sa bisig nito at hindi niya namalayan na
gising na pala ito. Natigilan siya sa naisip. Kung kanina pa nga ito gising, ibig
sabihin ba niyon ay conscious ito nang yakapin siya nito at higitin palapit sa
katawan nito? Napabangon siya at napatingin sa panig ng banyo. Gising nga ba ito
nang niyakap siya nito?

Marahas siyang napailing. Hindi maganda kung magiging asyumera siya. Hindi nga ba't
malinaw nitong sinabi sa kaniya kagabi na wala itong gagawin sa kaniya dahil hindi
naman siya nito type? Baka tulog pa ito ng gawin iyon at nagising na lang
pagkatapos. At dahil ayaw nitong isipin niya na gising na ito kaya hindi na nito
inabalang alisin ang braso sa katawan niya. Iyon lang ang mas matinong eksplanasyon
doon.

Napabuntong hininga na lang siya at napatingin na lang sa orasan na nasa side


table. Alas sais na pala ng umaga. Kailangan na rin niyang kumilos dahil papasok pa
siya.

Bumangon na siya at kumilos upang kumuha ng isusuot. Habang ginagawa niya iyon ay
hindi niya rin naiwasang mapatingin sa mga suit ni Damon na inihanger niya kagabi.
Muli siyang napatingin sa panig ng banyo. Biglang may nabuong desisyon sa isip
niya. Pagkatapos niyang pumili ng isusuot niya para sa araw na iyon ay pumili rin
siya ng suit na isusuot ni Damon. Inilatag niya iyon sa kama. Pagkatapos ay pumili
rin siya ng necktie na bagay sa suit na iyon. Kakatapos lang niyang ilagay ang
necktie sa gilid ng suit nang bumukas ang pinto ng banyo.

Napapitlag siya at mabilis na napalingon dito. Pero lalo lang siyang nagulat nang
makitang ibabang bahagi lang ng katawan nito ang nakatapis ng tuwalya! Alam niya na
maganda ang katawan nito. Kanina nga ay ramdam niya ang matigas na dibdib nito.
Pero ang makita iyon ng walang nakaharang na kahit anong kasuotan ay nagpatensiyon
sa kaniya. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng hubad na lalaki.

Napaatras pa siya ng isang hakbang nang bigla itong lumingon sa kaniya. Kinunutan
siya nito ng noo. "Get used to it. Mula kahapon ay mag-asawa na tayo. Wala akong
balak magbihis sa loob ng banyo," sabi nitong tila nabasa ang reaksiyon niya.
Napatikhim siya at pinilit hamigin ang sarili. "Alam ko," sabi na lang niya at
nagmamadaling lumapit sa banyo.

Isasara na niya iyon nang bigla itong magsalita. "Hey, what did you do?" tanong
nito sa kaniya. Nang sumilip siya ay nakita niyang nakatingin ito sa mga damit na
nasa kama. Pagkatapos ay bumaling ito sa kaniya.

Tumikhim siya at pilit na ngumiti. "Ahm, peace offering para sa pagtulak ko sa


iyo," aniya rito. Nang hindi ito magsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya ay
muli siyang nagsalita. "Uh, kung hindi mo type ang napili ko okay lang kung palitan
mo."

Matagal na hindi nito inalis ang tingin sa kaniya dahilan kaya nakaramdam siya ng
pagkailang. "No, it's alright," sa wakas ay sabi na nito at tumalikod sa kaniya.
Nakahinga siya ng maluwag at napangiti nang makita niyang tiningnan nito ang mga
damit na pinili niya para dito. Pagkatapos ay tuluyan na niyang isinara ang pinto
ng banyo. Noon lang niya narealize na mabilis na pumipintig ang puso niya. Kung
dahil sa takot na magalit ito sa kaniya o dahil nakita niya ito na ganoon ang
itsura ay ayaw na niyang isipin. Huminga siya ng malalim at mabilis ng naligo.

"HUY, Lettie bakit parang biyernes santo na naman ang itsura mo diyan? May problema
ka na naman? Kaya ba hindi ka pumasok kahapon at noong isang araw?" pukaw ni Aya
kay Lettie nang mapadaan ito sa cubicle niya.

Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Ibinuka niya ang bibig para sana sabihin dito ang bagong problemang kinasuungan
niya pero muli niyang naitikom ang bibig niya. Paano ba niya sasabihin sa kaibigan
niya na kasal na siya? Tiyak na hihingan siya nito nang mahabang paliwanag na hindi
pa niya kayang ibigay. Kaya mas pinili na lamang niyang ngumiti ng pilit. "Wala
naman. Nagkasakit nga lang ako kaya hindi ako nakapasok," dahilan niya.
Nakokonsiyensiya siya na nagsisinungaling siya rito pero hindi pa rin niya kasi
kayang sabihin ang lahat dito.

"Ganoon ba? Dapat yata nagpahinga ka pa kahit isang araw pa para mas bumuti ang
kalusugan mo. Teka may ibibigay lang akong report kay Mrs. Ramos tapos sabay na
tayong mag lunch ha? Nasa factory si Jena ngayon para mag ocular inspection kaya
hindi siya makakasabay sa atin," sabi nito. Tumango na lamang siya.

Nang mawala na ito ay napatingin siya sa screen ng computer niya. Kanina pa niya
tapos ang trabaho niya. Nagawa niya iyon kahit pa paulit-ulit na bumabalik sa isip
niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob lang ng wala pang tatlong araw. Lumilitaw
din sa utak niya ang mukha ni Damon kada tatlumpung minuto.

Nang makalabas siya sa banyo kaninang umaga ay wala na ito sa silid nila. Naisip
niya na baka nasa kusina na ito at umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo na
gaya ng ginagawa ng papa niya noong may negosyo pa sila. Pero nang makapag-ayos na
siya at bumaba sa kusina ay hindi niya ito naabutan. Ayon kay aling Isyang ay nauna
na raw umalis si Damon matapos lamang uminom ng isang tasa ng kape. Kahit ayaw niya
ay nadismaya siya na hindi niya ito naabutan.

Pero hindi na niya iyon masyadong pinansin dahil natuon naman ang atensyon niya sa
pakikipagtalo kay Mang Gio na inatasan ni lolo Mel na maging driver niya. Ayaw kasi
niyang magpahatid sa opisina dahil tiyak na magtataka ang mga kaopisina niya kung
sakaling may makakita sa kaniya. Sa huli ay hindi rin siya nanalo dahil
nakonsiyensiya siya ng sabihin nitong aalisin daw ito sa trabaho ni lolo Mel kapag
hindi nito ginawa ang trabaho nito. Ang ginawa na lang niya ay nagpababa siya ilang
block mula sa building nila at naglakad na lang siya. Mabuti na lang at mukhang
wala namang nakakita sa kaniyang umibis sa sasakyan.
Hindi nagtagal ay namataan na niya si Aya na palapit sa kaniya. Ngumiti ito. "Tara
na. Gutom na talaga ako," sabi pa nito.

Napangiti na rin siya at tumayo na. Dumadaldal pa ito habang naglalakad sila sa
lobby patungo sa cafeteria sa isang panig ng ground floor. Nang mapadaan sila sa
parte kung nasaan ang elevator ay tiyempo namang bumukas iyon. Iniluwa niyon ang
isang grupo ng mga lalaking naka business suit na hindi naman niya pinagtuunan ng
pansin. Napahinto sa pagsasalita si Aya at napalingon doon. Nang makita niyang
bahagyang nanlaki ang mga mata nito ay muli niyang sinulyapan ang mga lumabas doon.

Nanlaki rin ang mga mata niya nang makita ang isa sa mga lalaking iyon. Nang
mapatingin din ito sa panig nila at masalubong niya ang mga mata nito ay nakita rin
niyang bahagyang bumadya ang pagkabigla sa mga mata nito. Si Damon!

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Chapter Five

HINDI makapaniwala si Lettie. Ano ang ginagawa ng asawa niya sa building ng


Valencia Furnitures? Dahil mukhang nagulat din ito na makita siya ay hindi siya
nakaapuhap ng sasabihin. O dapat bang magsalita siya? Pero bago pa siya makahuma ay
inalis na nito ang tingin sa kaniya at bumaling sa mga kasama nito. Pagkatapos ay
lumakad na palayo sa kanila na parang walang nakita.

Kahit na alam niyang sikreto ang pagiging mag-asawa nila ay kailangan ba siya
nitong dedmahin ng ganoon? Kahit man lang simpleng tango para lang i-rekognisa siya
ay hindi nito ginawa. Hindi niya tuloy naiwasang makaramdam ng inis at munting
hinanakit. Tuloy binilisan na lang niya ang paglalakad patungo sa cafeteria.
Idadaan na lang niya sa kain ang nararamdaman niya.

"Oh my God! Ang suwerte natin Lettie nakita natin si Mister president!" mahina pero
patiling sabi ni Aya na mabilis na umagapay sa paglalakad niya. Tumango na lang
siya kahit hindi siya interesado sa sinasabi nito. Wala rin siyang pakielam sa
presidente nila dahil hindi pa rin siya makarecover sa pangdedeadmang ginawa ni
Damon sa kaniya. Marahil isa sa mga kasama nitong umibis sa elevator ang presidente
nila.

Nakaupo na sila sa isang lamesa sa cafeteria ay mukhang hindi pa rin makaget-over


si Aya sa pagkakakita nito sa presidente nila. Siya naman ay tahimik na kumain.
Nang matapos kumain ay agad na siyang nagyayang bumalik sa opisina nila. Kahit
nagrereklamo ay pumayag naman ito. Kakaupo lang niya sa cubicle niya nang sumungaw
mula sa inner office nito si Mrs. Ramos at lumapit sa kaniya. May kasunod itong
isang magandang babae. Bahagyang nakakunot ang noo ng immediate boss niya.

"Letticia, anong ginawa mo ha?" tanong nitong may bahid ng pagtataka at


pagkabahala.

Nalito siya sa tanong nito. "A-ano hong ginawa?"

"Pinapatawag ka sa president's office. Heto nga at nagpunta pa ng personal dito si


Miss Olos," sabi nitong itinuro pa ang babaeng kasama nito.

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Napansin din niya na maging ang mga
katrabaho niya lalo na si Aya ay napatingin sa kaniya. "H-hindi ko ho alam," lito
pa ring sabi niya.

Tumikhim si Miss Olos. "Well, you'll know when we get there. Follow me ma'am," sabi
nitong nagpatiuna na sa paglakad. Litong bumaling siya kay Aya na nagtatakang
nakatingin sa kaniya. Pero sumenyas naman ito sa kaniya na sumunod na siya sa
babae. Walang magawang tumalima na lang siya.

Nasa loob na sila ng elevator patungo sa pinakatuktok na floor nang hindi siya
makatiis. "Miss, bakit ba ako pinapatawag?" kabadong tanong niya. Ngunit himbis na
sumagot ay lumingon lang ito sa kaniya at binigyan siya ng matamis na ngiti at
hindi nagsalita. Pero nakikita niya sa ngiti at tingin nito na may alam itong kung
ano na ikinaaaliw nito. Hindi na lang tuloy siya nangulit pa.

At nang marating nila ang executive office ng presidente ng Valencia Furnitures ay


lalong tumindi ang kaba niya. Muntik na niya itong mapigilan nang basta-basta nito
binuksan ang pintuan. Pagkatapos ay dere-deretso itong lumapit sa isa pang pinto na
marahil ay patungo sa private office ng presidente. Kumatok pa ito roon at sumilip.
"Let her in," narinig niyang sabi ng nasa loob.

Bahagya siyang napakunot noo dahil pamilyar sa kaniya ang tinig na iyon. At nang
balingan siya ni Miss Olos at iminuwestrang pumasok ay nakakunot pa rin ang noo
niyang tumalima. Nang makapasok siya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita si
Damon doon. Bahagya itong nakahilig sa hamba ng lamesa at may binabasang folder.

Nang sumara ang pinto sa likuran niya ay saka siya nakapagsalita. "Anong ginagawa
mo dito?!" manghang tanong niya.

Lumingon ito sa kaniya at bahagyang nagsalubong ang mga kilay. "What are you
talking about? Because I'm the president of course," sabi nito na lalong ikinalaki
ng mga mata niya.

"P-president? Paanong nangyari iyon e pag-aari ito ng mga Valen – " hindi na niya
naituloy ang sasabihin niya nang maalalang Valencia nga pala ang apelyido ni Damon.
Nabasa niya iyon sa marriage contract nila na pinirmahan niya. Pero masyado siyang
lutang ng mga panahong iyon para maisip na related ito sa kumpanyang pinapasukan
niya. At ito pa pala ang infamous company president nila! Natapik niya ang noo sa
napagtanto.

"At ikaw, hindi mo sinabi sa akin na dito ka nagtatrabaho. I was caught off guard
when I saw you a while ago," sabi pa nitong tila inis pa.

At ito pa ang may ganang mainis sa kaniya? "Hindi mo naman itinanong kung saan ako
nagtatrabaho ah? Besides hindi ko alam na ito ang kumpanyang pinag-uusapan niyo
lagi ni lolo Mel. I was caught off guard too!" mariing sabi niya.

Lalong lumalim ang kunot ng noo nito. "You don't know what your company president
looks like?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Medyo napahiya naman siya. Nag-iwas siya ng tingin. "Well, isang buwan pa lang
naman ako dito. At noong orientation... n-nakatulog ako kaya hindi ko naabutan ang
speech mo," nasabi niya.

Sa pagkagulat niya ay bigla itong tumawa. Manghang napalingon siya rito. Mas
nagmukha itong bata ngayong tumatawa ito. "Nakatulog ka? You're really weird,"
natatawa pa ring sabi nito at dumeretso na ng tayo. Pagkuwa'y inilapag nito sa
lamesa ang folder na hawak nito at lumakad palapit sa kaniya. "Well, nevermind.
Kumain ka na ba?" tanong nito sa normal ng tinig.
Somehow his question took her off guard. Tumango na lang siya. Hindi niya naisip na
tatanungin nito kung kumain na ba siya matapos siya nitong dedmahin kanina. Nang
tila nabasa nito ang iniisip niya ay hinawakan nito ang kamay niya sa labis niyang
pagkagulat at hinatak siya palapit sa sofa na nasa isang panig ng opisina niya.
"Mga Board of Directors ang kasama ko kanina. Of course they don't know that we are
married," paliwanag nito kasabay ng pag-upo nito at paghatak sa kaniya. Napaupo rin
siya sa tabi nito. Sumandal ito sa sofa na tila hapong-hapo.

"Saan ba kayo galing at mukhang pagod na pagod ka?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Lunch meeting," tipid na sagot nito at pumikit. "Stay for a while bago ka bumaba
ulit. Mag-iisip pa ako ng pwede mong idahilan kung bakit kita ipinatawag. Dahil
dito ka nagtatrabaho ay mas hindi mo pwedeng sabihin ang relasyon nating dalawa.
Alam mo naman siguro na kaya tumaas ang sales ng kumpanya ay dahil sa magazine
issue kung saan ako na-feature. Most of the clients came to Valencia because they
know I am single. At hindi iyon kayabangan. It was a fact," mahabang sabi nito.

Nagbuga siya ng hangin. "Alam ko. Wala akong pagsasabihan," sabi na lang niya.

"Good. At least bear with it for a while," mas mahinang sabi nito pagkatapos ay
hindi na nagsalita at nanatiling nakapikit.

Napatitig na lang siya sa mukha nito. Marahil ay umaga na ito natulog kaya ngayon
ay inaantok ito. Saglit pa niyang pinagmasdan ang mukha nito bago nakisandal na rin
sa tabi nito. Nang ginawa niya iyon ay noon lang niya naalalang hawak pa rin pala
nito ang kamay niya. Napatingin siya roon. Their hands seem to fit perfectly well.
Masarap din sa pakiramdam ang init ng kamay nito sa kamay niya maging ang tamang
tamang higpit ng pagkakahawak nito niyon. Maya-maya ay naramdaman niya ang bigat
nito sa gilid niya at ang malalim na paghinga nito. Bahagya niya itong sinilip.
Nakasandig na ito sa kaniya at mukhang tulog na. Hindi na niya naiwasang mapangiti.
Iniwasan niyang kumilos upang hindi ito magising.

Matagal-tagal na ang lumipas ng makarinig siya ng mahinang pagkatapos sa pinto


pagkatapos ay bumukas iyon. Iniluwa niyon si Miss Olos at napatingin sa kanila.
Nakaramdam siya ng hiya nang makita niya ay kakaibang ngiti sa mukha nito habang
nakatingin sa kanila ni Damon. Napaisip tuloy siya kung alam nito ang tungkol sa
kanila ng lalaki o hindi. Magsasalita sana siya ng sumenyas itong babalik na lang
daw ito. Pero bago pa ito tuluyang makalabas ay naramdaman na niyang nagising na si
Damon.

"What is it Lanie?" tanong nito sa sekretarya nito.

"You have a meeting with a client in fifteen minutes sir," sabi naman ng sekretarya
nito pagkatapos ay muli ng lumabas.

Binitiwan na nito ang kamay niya at bahagyang umungol. "Shit ngayon lang ako
nakatulog ng ganito sa trabaho," mahinang sabi nito na tila takang-taka sa sarili.
Pagkatapos ay tumayo ito at inayos ang sarili.

Tumayo na rin siya at wala sa loob na nahawakan ang kamay niyang binitiwan nito.
Bigla pakiramdam niya ay may kulang sa kamay niyang iyon kaya kailangan niya iyong
hawakan. Tumikhim siya. "I think kailangan ko na ring bumaba. Anong sasabihin ko
kung bakit mo ako pinatawag?" tanong niya rito.

Tumingin ito sa kaniya at bahagyang napahawak sa noo na para bang hindi pa nito
naiisip ang sagot sa tanong niya.    "Just tell them na kailangan lang ng tulong ng
sekretarya ko sa paghahanap ng files at nagkataon na ang resume mo ang nahatak ni
Lanie," sabi nito at lumakad na patungo sa lamesa nito.
Kahit ako hindi makukumbinsi sa dahilang naisip mo. Pero hindi na siya umimik at
tumalikod na rito. Palabas na siya ng pinto nang may maalalang itanong dito.
Lumingon siya. "Sa bahay ka ba magdi-dinner?"

Napatingin ito sa kaniya na tila natigilan. Pagkuwa'y bahagyang umangat ang gilid
ng mga labi nito. "Why? You will cook dinner?" tanong nitong mukhang nanghahamon
lang. Akala yata nito hindi siya marunong magluto.

Nakataas ang noong ngumiti siya. "Sure. So, sa bahay ka magdidinner?"

Tila naman nag-isip ito. Pagkatapos ay nagkibit balikat. "It's fine I guess."

Lumawak na ang ngiti niya. "Okay, see you later," aniya rito at tuluyan nang
lumabas ng opisina nito. Nakasalubong pa niya si Miss Olos na malawak pa rin ang
ngiti. Bigla tuloy siyang napaisip kung alam nito ang tungkol sa kanila ni Damon.
Pero bago pa niya maitanong iyon ay narinig na niyang tinawag ito ni Damon. Nag-
excuse na ito sa kaniya at pumasok sa opisina. Hindi niya naiwasang mapatingin sa
mga ito dahil hindi naman naisara ng babae ang pinto. Kung iba ang titingin ay
mapagkakamalang may kung anong namamagitan sa mga ito. Kung magandang lalaki kasi
si Damon ay maganda naman ang sekretarya nito. Pareho ring may aura ng isang
propesyunal na tao ang dalawa kaya hindi masagwang tingnang magkasama ang mga ito.

Ipinilig niya ang ulo dahil sa itinatakbo ng isip niya at dahil sa mabigat na
pakiramdam na bigla niyang nadama sa dibdib niya habang nakatingin sa mga ito.
Marahas na inalis na niya ang tingin sa mga ito at mabilis na lumabas ng opisinang
iyon.

KANINA pa tingin ng tingin si Lettie sa wall clock na nasa kusina. Mag-a-alas


nuwebe na ng gabi pero hindi pa umuuwi si Damon. Lumamig na ang hapunang niluto
niya. Nauna pang kumain sila Aling Isyang at Mang Gio kaysa sa kanila. Kanina ay
sinubukan niyang tawagan ang opisina nito pero walang sumasagot. Gusto niya sana
itong tawagan sa cellphone pero narealize niya na hindi niya alam ang numero nito.

Noon niya lang napagtanto na mukha siyang ewan sa paghahanda ng hapunan para kay
Damon. Bigla niyang naalala na ilang araw pa lang naman sila magkakilala at hindi
ibig sabihin na legal silang mag-asawa ay talagang aakto itong asawa sa kaniya at
uuwi ng maaga. At ano bang pumasok sa kukote niya at umaakto siyang maybahay dito?
Sayang ang effort niya.

Napabuntong hininga siya at tumayo na.    Isa-isa niyang tinakpan ang mga niluto
niya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya kay Aling Isyang na matutulog na siya.

"Baka parating na rin si Sir Damon ma'am," pigil nito sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti. "Kung dumating siya pakitanong na lang kung gusto niyang
kumain. Matutulog na ho talaga ako," paalam niya rito at dumeretso na sa kuwarto
nila. Mabigat pa rin ang pakiramdam niyang nagpalit siya ng pantulog at nahiga sa
kama.

Gusto niyang pagalitan ang sarili niya dahil nakakaramdam siya ng ganoon. Ano bang
problema niya? Ngayong nakakapag-isip-isip siya ay hindi naman nangako si Damon na
uuwi ng maaga. It's fine, I guess. Iyon ang sagot nito sa kaniya nang tanungin niya
ito. Ibig sabihin hindi ito sigurado. Pero umasa siya at mukhang tangang nagluto
nga.

Mariin siyang pumikit at namaluktot sa kama. Mukhang kang ewan Lettie! Why are you
acting like a loyal wife to him? Grr... Idinaan na lang niya sa tulog ang pagkainis
niya sa sarili.
ALAS ONSE na nakauwi si Damon. May kliyente silang mahirap kausap kaya natagalan
ang pakikipag-usap nila rito. Mabuti na lang at kasama niya si Lanie na siyang
magaling makipag-usap sa mga may edad na lalaking kliyente nila. Pagpasok niya sa
kabahayan ay agad niyang napuna na tahimik na ang paligid. Hindi na siya nagtataka
dahil tiyak na tulog na si Lettie ng ganoong oras. Kahit siya ay pagod na rin at
nais nang matulog.

Paakyat na siya ng hagdan nang tawagin siya ni Aling Isyang. "Kumain na ho ba kayo
Sir?" tanong nito sa kaniya.

"Oho. Matulog na rin ho kayo," aniya rito at akmang aakyat nang muli nang mapansin
niyang tila nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Parang may nais itong sabihin sa
kaniya pero hindi magawang isatinig. Bahagya tuloy siyang napakunot noo. "Ano ho
bang gusto niyong sabihin?" tanong na niya.

Himbis na magsalita ay sumulyap ito sa panig ng kusina. Dala ng curiousity ay muli


siyang bumaba ng hagdan at naglakad patungo sa kusina. Nang makarating siya roon ay
natigilan siya nang makita ang mga nakatakip na kung anu-ano sa lamesa. Bigla kahit
hindi niya iyon buksan ay alam na niya kung ano iyon. Nakaramdam siya ng tila
mainit na haplos sa dibdib niya habang nakatitig doon.

"Nagluto ho si ma'am ng hapunan at kanina pa niya kayo hinihintay. Dahil hindi niya
ho kayo matawagan ay natulog na lang siya," pukaw sa kaniya ni Aling Isyang.

Agad siyang nakaramdam ng guilt sa sinabi nito.Kung kailan nakita niya ang mga iyon
ay saka lang niya naalala na sinabi nga pala ni Lettie sa kaniya na magluluto ito.
Masyadong natuon ang utak niya sa pakikipagnegosasyon niya sa kliyente nila kanina
at hindi nakauwi kaagad. Bigla niya ring naisip na hindi nga pala nito alam ang
numero ng cellphone niya at kahit siya ay hindi alam ang numero nito. They were
practically strangers to each other. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin katanggap
tanggap na inindyan niya ang effort nitong ipagluto siya. At the same time,
nanghihinayang siya na hindi niya iyon nakain habang nasa harap niya ito. Hindi
siya nagkaroon ng pagkakataong makita ang satisfaction sa mukha nito kapag sinabi
niyang nasarapan siya sa luto nito. At bakit ganito na ako mag-isip ngayon? Ah,
hindi niya rin maipaliwanag kung bakit.

Ibinaba niya sa isang silya ang attache case niya at umupo sa isang silya.
Pagkatapos ay inalis niya ang takip ng mga pinggang pinaglagyan ni Lettie ng luto
nito. "Pahingi naman ho ng juice Aling Isyang," aniya sa matandang nakatitig lang
sa kaniya. Tumalima naman ito at pinaghain siya. Walang salitang mabilis niyang
kinain ang mga pagkaing naroon. Masarap nga itong magluto kaya hindi na niya
kinailangang pilitin pa ang sarili niya at naubos niya iyon. Nang matapos siyang
kumain ay nahuli pa niyang nakangiting nakatingin sa kaniya ang matandang babae.

Tumayo na siya at muling kinuha ang attache case niya. "Pakiligpit na lang ho."
Nang tumango ang matanda ay dumeretso na siya sa silid nila.

Lampshade lang ang bukas sa loob ng silid nila. Pagkapasok niya ay agad na lumipad
ang tingin niya sa kama. Nakita niya nga roon si Lettie na mukhang mahimbing na
natutulog. Nakapamaluktot ito na parang bata habang balot na balot ng comforter.

So childish. Naiiling ngunit napapangiti na naisip niya habang nakatitig dito.


Saglit pa niya itong pinagmasdan bago siya kumilos upang magpalit ng damit. Nang
makapagpalit siya ay maingat siyang sumampa sa kama. Gumalaw ito at bahagyang
uminat pero hindi naman nagising. Sumukob siya sa comforter at patagilid na humiga
paharap dito. "Sorry for being late," hindi niya napigilang maiusal. Pagkuwa'y
maingat niyang inilapit ang mukha rito at ginawaran ito ng magaang na halik sa
gilid ng mga labi. Natigilan siya. What was that urge to kiss her for?

Napatitig na naman siya rito. Hindi ito dumilat at base sa malalim pa ring paghinga
nito ay tulog pa ito. Pagkatapos ay gumalaw ito at sumiksik sa kaniya. The feel of
her soft body against his made his muscles constrict. Parang bigla ring nag-galawan
ang kalamnan niya. Nahigit niya ang hininga at natakot gumalaw dahil baka kung
anong magawa niya sa walang kamalay-malay na asawa niya.

Nang bumuntong hininga ito na para bang nakakita ito ng kumportableng posisyon ay
napabuntong hininga rin siya. Pumikit na rin siya. Maybe getting married is not
really that bad. At tulad ng maalipungatan siya kaninang umaga ng maramdaman niyang
sumiksik ito sa kaniya, hindi siya nakatiis na hindi iyakap ang braso niya sa
baywang nito at higitin ito palapit sa kaniya. The feel of her body closed to him
made him feel contented. Pakiramdam niya na wala ang lahat ng pagod at stress niya
sa trabaho. Hindi pa nagtatagal ay nakatulog na siya.

Chapter Six
HINDI mapigilan ni Lettie ang mapangisi kahit na magmukha man siyang tanga sa
tingin ng mga taong makakakita sa kaniya. Maganda ang araw niya. Kaninang umaga,
kahit na hindi niya naabutan si Damon ay nag-iwan naman ito ng note sa side table
ng kuwarto nila. Nakasulat doon ang cellphone number nito at maiksing mensahe na
may meeting daw itong kailangang puntahan ng sobrang aga kaya nauna na itong
umalis. Alam niyang kababawang maituturing, pero nawala ang tampo niya na hindi ito
umuwi ng maaga ng gabi dahil lamang sa simpleng note na iyon.

Nang bumaba naman siya sa kusina ay sinabi sa kaniya ni Aling Isyang na kinain daw
ni Damon ang niluto niya nang dumating ito kagabi. Iyong balitang iyon pa lang ay
nakapagpaganda na ng gising niya. Ni hindi niya akalaing ganoon lang kadaling
magbabago ang mood niya sa simpleng aksiyon ni Damon. Samantalang ilang araw pa
lang naman niya itong kilala. Kung masasabi mang kilala niya ito. Medyo natatakot
na siya sa kaweirdohan ng nararamdaman niya pero mas gusto niyang ignorahin na lang
muna iyon.

"I can't believe it! Totoo ba ang tsismis?!" narinig niyang sabi ni Jena.
Napalingon siya sa cubicle nito. May kausap itong iba nilang ka department at
mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Hindi lang iyon tsismis. Talagang may nakakita kay Mr. President at sa sekretarya
niya sa isang high class na restaurant kagabi. Yung kakilala ko sa Marketing
Department ang nakakita sa kanila. They seemed to be so intimate with each other
while eating dinner daw," sabi ng kausap ni Jena.

Tila may mabigat ng bagay na biglang dumagan sa dibdib niya sa sinabi nito. Nawala
ang ngiti at saya niya. Sumagi sa isip niya ang eksenang nakita niya sa opisina ni
Damon kung saan bagay na bagay itong tingnan at ang sekretarya nito. Kumpara sa
kaniya ay di hamak na mas maganda at matalino ang babae. At mukhang kaya ginabi ito
ng uwi ay dahil kasama nito ang sekretarya nito. Habang naghihintay siya rito at
lumamig na ang niluto niya ay abala ito sa pakikipag-dinner sa babae.

"Alam niyo hindi naman malabong mangyari iyan," singit ni Aya na nakalapit na pala
sa kanila. Palibhasa lunch break na kaya nakakapagdaldalan na ang mga ito.
"Usually, ang mga office romance ay nangyayari sa pagitan ng boss at ng sekretarya
niya. Magandang at intelihenteng babae si Miss Lanie kaya hindi malabong hindi
magkagusto sa kaniya si Sir. Idagdag pa na halos hindi naman sila naghihiwalay na
dalawa. Hindi malabong magkadevelopan sila," sabi pa nito. Hindi iyon nakatulong sa
pagsama ng pakiramdam niya. Inalis na niya ang tingin sa mga ito at bahagyang
napayuko.

Napahawak siya sa dibdib niya nang makaramdam siya ng bahagyang kirot doon.
Nanlalaki ang mga matang natigilan siya. Anong nangyayari sa akin?

"Huy Lettie, hindi ka pa ba tatayo diyan? Tara na sa cafeteria," aya sa kaniya ni


Jena at Aya.

Tiningala niya ang mga ito at pilit na ngumiti. Pagkatapos ay tumayo na rin.
Nawalan na siya ng ganang kumain pero kapag sinabi niya iyon sa mga ito ay tiyak na
magtataka ang mga ito. "Tara," aya niya sa mga ito.

Sinundan na lang niya ang mga ito sa paglalakad. Malapit na sila sa cafeteria nang
mapatigil ang mga ito sa paglalakad. Muntik pa siyang mabunggo sa mga ito. "Bakit
kayo huminto?" tanong niya sa mga ito.

"Naku mukhang totoo nga ang tsismis! Kainis naman," mahinang maktol ni Jena.

Sa sinabi nito ay nasundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito. Parang may
bumikig sa lalamunan niya nang makita si Damon kaagapay ang sekretarya nito at
mukhang abala sa pag-uusap ng tungkol sa kung ano. Alam naman niya na baka tungkol
sa trabaho ang pinag-uusapan ng mga ito. Ang kaso ang ganda-ganda tingnan ng mga
ito ng magkasama!

Nang mapalingon ang mga ito sa panig nila at masalubong niya ang mga mata ni Damon
ay biglang tumalon ang puso niya. Kahapon pa niya ito huling nakita kahit na sa
iisang bahay lang naman sila nakatira. Nang mahagip ng tingin niya ang nakatingin
din sa kaniyang sekretarya nito ay bahagya siyang natauhan. Nasa kumpanya sila at
ang alam doon ay hindi sila magkaanu-ano. Kaya bago pa siya magtampo kapag nag-iwas
ng tingin si Damon sa kaniya ay inunahan na niya ito.

"Huy ano ba kayo tara na," aya niya kila Jena at Aya. Nang mukhang walang balak
kumilos ang mga ito ay hinatak niya ang magkabilang braso ng mga ito at inakay na
ang mga ito patungo sa cafeteria. Iniwasan niyang muling sulyapan si Damon kahit
nakita niya sa gilid ng mga mata niya na sinundan siya nito ng tingin.

"Tara pili na tayo ng pagkain," sabi pa niya kila Aya. Pero himbis na kumilos ang
mga ito ay kunot noong tinitigan siya ng mga ito. Nakaramdam siya ng pagkailang.
"Bakit ganiyan kayo makatingin?" tanong niya.

"Ang weird mo kasi," sabi ni Jena. Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito.
"Kanina pagdating mo sa office mukha kang luka-luka kung makangisi. Halatang
masayang masaya ka at ayaw mong sabihin kung bakit. Tapos ngayon naman para kang
problemado. At ang weird ng reaksiyon mo nang makita natin sila Mr. President,"
puna pa nito.

Napakagat labi siya. Malapit na ba siyang mabuko ng mga ito na may namamagitan sa
kanila ni Damon? "Don't tell me Lettie," pabiting singit ni Aya dahil upang lalo
siyang kabahan.    Nang lumapit ito sa kaniya ay bahagya siyang napaatras. "May
nakita kang kakaiba sa pagitan ni president at ni Miss Lanie noong nasa opisina ka
niya no? Kaya naiilang ka nang makita natin sila kanina. Umamin ka na anong nakita
mo?" tanong nito sa kaniya.

Napangiwi siya sa sinabi nito at lumayo na sa mga ito. "Wala akong nakita," sabi na
lang niya. At kahit anong pangungulit ng mga ito ay hindi siya nagsalita. Tuluyan
ng nasira ang mood niya. Pero ano ba ang karapatan niyang mag emote ng ganoon? Oo
nga at kasal sila sa papel ni Damon. Pero aware naman siya na hindi siya nito
mahal. Malay ba niya kung ang tunay nitong dahilan kaya ayaw nitong aminin sa lahat
na mag-asawa sila ay dahil may lihim itong relasyon sa sekretarya nito. Ah ewan!
Ayoko ng mag-isip ng kung anu-ano. Masakit sa dibdib.

"NAGPUNTA si lolo sa opisina kanina. Hinahanap ka niya pero ang sabi ni Mrs. Ramos
nasa factory ka," sabi ni Damon na ikinalingon dito ni Lettie kahit pinipigilan
niya ang sariling tingnan ito.

Nasa hapag kainan sila. Mula ng araw na ipagluto niya ito at hindi ito dumating
agad dalawang linggo na ang nakararaan ay kataka-takang palagi na itong umuuwi ng
maaga. Kapag naman gagabihin ito ay tumatawag ito sa kaniya. Dapat ay matuwa siya
sa ginagawa nito. Pero tuwing naiisip niya na ang dahilan kung bakit hindi ito
umuwi kaagad ng gabing ipagluto niya ito ay dahil may date ito sa ibang babae ay
nawawala ang saya niya.

Idagdag pang ilang beses na naman itong lumabas sa broadsheet na may kasamang mga
celebrities at socialites at itinuturing ng buong bansa na certified bachelor kahit
ang totoo ay asawa na niya ito. Pagkatapos ay wala itong ipinaliwanag sa kaniya na
kahit ano tungkol sa mga iyon. Akala yata nito ay hindi siya marunong magbasa ng
broadsheet. Hindi naman niya magawang magreklamo dahil alam naman niya ang
konsikwensiya ng kasal na iyon.

"Ano bang sabi ni lolo Mel?" tanong niya na inalis na ang tingin dito. Lately kasi
ay tila naiiyak siya kapag nakikita niya ang mukha nito. Palagi rin ay tila may
kumikirot sa dibdib niya kapag nasa malapit ito.

"May family reunion ang mga Valencia sa bahay niya next month. He invited us,"
paliwanag nito.

"Pwede ba ako doon? E di malalaman ng pamilya mo na may asawa ka na," hindi niya
napigilang sabihin. Nakagat niya ang ibabang labi niya nang maisip niya ang sinabi
niya. Lalo pa at nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya.

"I think if lolo wants us to go then there is no problem," sabi lang nito. Tumango
na lang siya at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ay nauna na siyang
tumayo at nagpaalam dito at kay Aling Isyang na kakapasok lang ng kusina.

Nang makapasok siya sa kuwarto nila ay napabuga siya ng hangin. Sa totoo lang ay
naiinis na siya sa sarili niya. Naiinis siya dahil nakakaramdam siya ng ganoon.
Nagkakaideya na siya kung bakit siya nagkakaganoon pero ayaw niyang isatinig o
kahit isipin man lang iyon.

Kahit kasi anong pigil niya sa sarili ay hindi niya mapigilang maantig sa pag-uwi
nito ng maaga at mga simpleng aksiyon nito na nagpapatunay na hindi naman pala ito
kasing sama ng iniisip niya. Hindi naman pala ito katulad ng una niyang akala na
walang puso. Katunayan ay nakikita niya kung paano nito pakisamahan ng maayos ang
mga tao sa bahay nila.

Maging sa kaniya ay considerate din ito. Kahit gaano ito kapagod pag-uwi nito ay
magtatanong ito kung kamusta ang araw niya. Gabi-gabi rin, tuwing nagkukunwari
siyang tulog na sa kama ay mararamdaman niyang tatabi ito sa kaniya at titigan
siya. Minsan ay mararamdaman niyang hinahaplos nito ang buhok niya. Pagkatapos ay
niyayakap siya nito at makakatulog na siya. Tuwing ginagawa nito iyon ay bahagyang
kumikirot ang puso niya at tila nag-iinit ang gilid ng mga mata niya dahil sa iba't
ibang damdaming pumupuno sa dibdib niya.

Kung wala lang sa eksena ang sekretarya nito at ang mga babaeng kasama nito sa
broadsheets ay baka lumulutang siya sa alapaap dahil sa mga ginagawa nito sa kaniya
tuwing akala nito ay hindi niya alam.
Naiiling na nagtungo na lamang siya sa banyo upang maligo. Tulad ng mga nakaraang
araw ay gusto niyang maunang matulog kaysa kay Damon. Ayaw niyang gising siya kapag
nasa kuwarto silang dalawa dahil lalo lang siyang nagiging aware sa nararamdaman
niya.

Ipinilig niya ang ulo at inabala na lamang ang sarili sa paliligo. Dalangin niya na
sana gumaan na ang pakiramdam niya pagkatapos niyon.

ILANG beses ng bumubuntong hininga si Lettie habang abala sa pagkalkal ng mga files
sa data stockroom nila. Kanina ay marami siyang nagawang mali sa pinapagawa sa
kaniya ni Mrs. Ramos kaya siya tuloy ang nautusan nitong mag-overtime para humanap
na naman ng mga files na kailangan ng ibang department. Hindi naman siya
makapagreklamo dahil talaga namang marami siyang mali. Lumulutang kasi ang utak
niya. Tuloy naroon pa siya kahit alas otso na ng gabi at nakauwi na ang mga tao
doon. Hanggang alas sais lang kasi nananatili ang mga empleyado roon.

Paano kasi, nakasalubong na naman nila kaninang tanghalian si Damon at ang


sekretarya nito. Ni hindi niya maintindihan kung bakit napapadalas ang pagkakita
niya rito. Samantalang bago niya ito mapangasawa ay hindi naman niya ito nakikita.
Kahit sina Jena at Aya ay napapansin na madalas na nagpapakita sa ground floor ang
presidente nila na dati naman daw ay hindi lumalabas sa opisina nito kapag lunch o
breaktime.

Biglang kumalam ang sikmura niya. Napahinto siya sa ginagawa at marahas na


napabuntong hininga. Nagugutom na siya. Dahil kasi sumama ang mood niya nang makita
niya ang mga ito kanina ay hindi siya sumamang magmerienda sa mga kaibigan niya.
Pero di naman kasi niya alam na mag-oovertime siya. Nagugutom na ako. "This is his
fault!" himutok niya sa sarili.

"Who is he?" napapitlag siya sa tinig na iyon na biglang nagsalita.

Marahas na napalingon siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Damon na
nakatayo sa bukana ng pinto ng stockroom. Nakapamaywang pa ito habang nakatingin sa
kaniya. Iniwas niya ang tingin dito nang makarecover siya at kinolekta na ang mga
folders na kailangan niya. "Bakit nandito ho kayo sa stockroom sir? Kung hinahanap
niyo ho si Mrs. Ramos ay kanina pa siya umuwi," sabi niya rito himbis na sagutin
ang tanong nito.

Lumakad siya palapit sa labasan pero bago pa siya makarating doon ay mabilis na
siya nitong nalapitan at naisandal sa pader. Napasinghap siya nang ilapat nito ang
dalawang palad nito sa magkabilang gilid niya. Bumilis ang pintig ng puso niya nang
ilapit nito ang sarili sa kaniya. "Stop using that sarcarstically formal tone on me
Lettie," kunot noong sabi nito. "At kaya ako nandito dahil tumawag ako sa bahay
pero wala ka pa raw doon. Tinatawagan din kita sa cellphone mo pero hindi ka
sumasagot. When I say that your things are still at your department I thought I
will find you here. Next time sabihin mo kung mag-o-over time ka," dugtong pa nito.

Tiningala niya ito. Gusto niyang isipin na nag-aalala ito para sa kaniya. Pero mas
nananaig ang naghihinanakit na parte ng utak niya rito. "Bakit naman hindi ako
magiging pormal sa iyo ngayon? You are our boss. Inside this company we don't know
each other right? At wala ka namang sinabi dati na kailangan kong tumawag kung
malelate ako," aniya rito. Nahiling niya na sana hindi siya nagtunog
naghihinanakit.

Nakita niyang natigilan ito at napatitig sa kaniya. Nagiwas siya ng tingin dahil
natakot siya na mabasa nito ang tunay na nararamdaman niya. "You may be right. Pero
hindi mo ba sasabihin sa akin kung bakit mo ako iniiwasan kahit sa bahay nitong mga
nakaraang linggo?" tanong nito makalipas ang ilang sandali. May bahid ng munting
desperasyon sa tinig nito dahilan upang mapatingala siya rito. Seryoso ang mukha
nitong nakatingin sa kaniya. "Hindi ka ba sasagot? Kahit ang mga kasama natin sa
bahay ay napapansin na hindi mo ako pinapansin at kinakausap maliban na lang kung
may tinatanong ako sa iyo. Ano bang problema mo Lettie?" kunot noo pang sabi nito.

Napalunok siya. Bigla ay parang nais niyang maiyak. Ayaw niya kasing sabihin dito
kung bakit niya ito iniiwasan dahil baka tawanan lang siya nito o kaya ay kainisan.
Pero mukhang wala itong balak na palampasin ang usapang iyon kaya huminga siya ng
malalim. Magsasalita na sana siya nang biglang sumara ang pinto ng stockroom. Sabay
pa silang napatingin doon.    Lumayo si Damon sa kaniya upang pihitin ang seradura
niyon pero kinabahan siya nang makitang hindi nito iyon mabuksan. "Naka-lock," sabi
nito at kumatok sa pinto. "Shit, who's making this prank? Sesesantihin ko,"
iritableng sabi nito at patuloy pa ring sinubukang buksan ang pinto.

"W-wala bang sumasagot? Makukulong tayo rito?" taranta ng sabi niya. Napatili siya
nang biglang mamatay ang ilaw. "W-what's happening?!" takot na sabi niya. Humakbang
siya paharap at hinablot si Damon. Nahawakan niya ang braso nito. "B-bakit namatay
ang ilaw? Nasa labas ang switch!" naiiyak ng sabi niya. Hindi sa takot siya sa
dilim. Pero ang makulong sa isang lugar na wala siyang makitang kahit ano ay
nakakatakot! "Ayoko ng ganito!"

Sa isang iglap ay naramdaman niyang hinatak siya nito at niyakap. Nasubsob siya sa
dibdib nito. "Shh, calm down. I'm here," mahinang sabi nito kasabay ng paghaplos
nito sa ulo niya.

The heat and strength of his body as well as his soft voice calmed her senses.
Makalipas ang ilang sandali ay kumilos ito upang lumayo sa kaniya. Tarantang
napakapit siya sa braso nito. "Kukunin ko lang ang cellphone ko," sabi nito. Saglit
pa nga ay nagkaroon ng liwanag dala ng ilaw na mula sa cellphone nito. Bahagya
niyang naaninag ang mukha nito nang tumipa ito roon at inilapat iyon sa tainga
nito. Hindi niya inalis ang pagkakakapit sa braso nito. "Shit, bakit hindi mo
sinasagot ang tawag ko Lanie," mahinang sabi nito.

Nang banggitin nito ang pangalan ng sekretarya nito ay napabitaw siya rito.
Tumingin ito sa kaniya. Umatras siya at sumandal sa pader. "Bakit ka bumitaw?
You're scared right?" tanong nito sa kaniya na humakbang naman palapit sa kaniya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Kapag nasa ganitong sitwasyon ka, siya talaga ang una
mong tatawagan ha," mahinang sabi niya.

"What? Of course. She is my secretary."

Pinigilan niyang mapaismid. "Hindi naman siya mukhang sekretarya lang sa iyo," sabi
niya.

"At ano ang ibig mong sabihin diyan?"

Saglit na mariin niyang itinikom ang bibig bago muling nagsalita. "Pinag-uusapan
kayo ng mga empleyado you know. They said that you are a couple. At noong gabing
nagluto ako pero late ka dumating... sabi nila may nakakita sa inyong nagdi-dinner
somewhere," mahinang sabi niya.

Matagal bago ito nagsalita. "So that's how it is. Kaya iniiwasan mo ako," sabi
nito. Tiningala niya ito nang may maringgan siyang amusement sa tono nito. Kahit na
munting liwanag lamang ang mayroon doon ay sigurado siyang nakangiti ito.
"Nagseselos ka kay Lanie," sabi pa nito.

Awtomatikong nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. "Of course not! Besides hindi
lang naman siya ang dahilan! Halos araw-araw nasa mga broadsheets ka kasama ang
kung sino-sinong babae at ni hindi mo man lang sinasabi sa akin ang tungkol doon!
It's so frustrating to read stuffs like that and hear the employees talk about you
as a certified womanizer when I am your wife!" dere-deretsong sabi niya. Pero
naitakip niya rin ang kamay sa bibig niya nang marealize ang mga pinagsasabi niya.
Lalo pa't nakatitig lang ito sa kaniya. Lalo tuloy uminit ang mukha niya.

Yumuko siya dahil napahiya siya. Pero nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang
mukha niya at iangat iyon. Bago pa niya malaman ang gagawin nito ay lumapat na ang
mga labi nito sa mga labi niya. Bigla ay tila huminto sa pagtibok ang puso niya.

Chapter Seven
NABLANKO ang utak ni Lettie nang maramdaman niya ang mainit na mga labi ni Damon sa
mga labi niya. Saglit lamang iyon pero naramdaman niyang iba iyon sa halik na
iginawad nito sa kaniya noong araw na ikinasal sila. Sa hindi niya maipaliwanag na
dahilan ay tila mas may init iyon kaysa noong una.

Nang ilayo nito ang mukha sa kaniya ay napatingala siya rito. Nababanaag niya ang
ngiti sa mga labi nito. "Hindi ka lang kay Lanie nagseselos. Pati sa mga babaeng
kliyente ko na kailangan kong samahan sa mga event," pinal na namang sabi nito.

"I told you hindi ako nagseselos! May karapatan ba akong magselos?" inis ng sabi
niya.

Naramdaman niyang lumapit ito sa kaniya. Muli ay nakulong siya sa mga bisig nito.
"Of course you have. You are my wife right?" sabi nito. "If those things bugged
you, sana sinabi mo sa akin," dugtong pa nito na may tipid na ngiti sa mga labi.

Nag-iwas siya ng tingin. "Paano ko sasabihin sa iyo? K-kahit naman mag-asawa tayo
hindi naman tayo ikinasal sa normal na paraan kaya paano kita tatanungin," aniya
rito.

Nagbuga ito ng hangin at tumabi sa kaniya sa pagkakasandal sa pader. Naramdaman


niyang ginagap nito ang palad niya. "Kahit hindi normal ang paraan we are still
legally married. We might not know anything about each other now but we have
forever to learn about each other. Kung may mga tanong ka sabihin mo sa akin,"
malumanay ng sabi nito.

Napabuga na rin siya ng hangin. "So... ano ba talagang mayroon sa inyo ni Miss
Olos? At... yung mga babaeng kasama mo sa broadsheets ano ba talaga sila? It's just
frustrating for me na para akong keridang itinatago mo sa lahat kahit pa pumayag
naman akong sikreto lang muna ang kasal natin," mahinang sabi niya.

Pinisil nito ang kamay niya. "She's my secretary. Alam niya rin na mag-asawa tayo."
Napatingala siya sa sinabi nito. Niyuko siya nito. "I thought you already noticed
it. Siya nga ang sumundo sa iyo hindi ba? Besides, si lolo ang naglagay sa kaniya
na sekretarya ko. So pwede mong sabihing siya ang spy ni lolo sa kumpanya para
siguruhing maayos ang pagsasama natin. And she's married," mahabang paliwanag nito.

"She's married?!" manghang sabi niya.

Bahagya itong tumawa. "Kaya hindi ka dapat magselos sa kaniya. Iyong sinasabi mong
may nakakita sa amin hindi lang kaming dalawa ang magkasama noon. May kausap kaming
kliyente. Siguro nang makita kaming dalawa ni Lanie ay noong nagexcuse para
magbanyo ang kliyente namin at pinag-uusapan namin kung paano makukumbinsi ang
kliyenteng iyon."

Umingos na lang siya sa sinabi nito dahil narinig niya ang tawa nito sa unang
pagkakataon. "And about those broadsheets, kliyente lang ng kumpanya ang mga iyon.
Mahirap silang tanggihan kaya kailangan ko silang samahan kapag ni-request nila.
It's not as if I am doing anything improper with them.Okay na bang explanation
iyon?"

Nagbuga siya ng hangin. "It's fine I guess," aniya rito.

Muli ay narinig niyang tumawa ito at pinisil ang palad niya. "At ang tungkol sa
pagiging sikreto ng kasal natin. Honestly, wala naman ng problema sa akin kung
lumabas man iyon. I realized that if I really want to take over this company, dapat
magawa ko iyon hindi dahil sa marital status ko o kung ano pa man kung hindi dahil
sa sarili kong kakayahan. Pero hindi ba mas alanganin para sa iyo kung biglang
malalaman sa kumpanya na mag-asawa tayo? Your workmates will surely ask you about
it. Hindi ka nila tatantanan," dugtong pa nito. "

May punto naman ito. Ayaw niyang usyosohin siya tungkol sa personal niyang buhay.
Kung may pagsasabihan man siya ay malamang si Jena at Aya lang dahil alam naman ng
mga ito ang naging sitwasyon ng pamilya niya. Bumuntong hininga siya. "I get it,"
sabi na lang niya. Naramdaman niyang dinampian nito ng halik ang tuktok ng ulo
niya. Natigilan siya. Ito ba talaga si Damon? Bakit parang ang bait-bait nito?

"That's good," sabi nito at muli itong pumindot pindot sa cellphone niya at may
tinawagan. Hindi pa nagtatagal ay nagsasalita na ito. "Lanie. Where are you? What?
So it's you! How long do you plan to lock us up here? Buksan mo ang pinto," pautos
na sabi nito. Hindi pa man nito naibababa ang cellphone nito ay narinig niya ang
pagclick ng pinto ng storage room. Pagkatapos ay bumukas iyon kasabay ng pagkalat
ng liwanag doon.

Nanlaki ang mga mata niya nang sumungaw roon ang sekretarya ni Damon. Nakangiti
ito. "Oh my, okay na kayong dalawa?" nanunudyong tanong nito.

"Geez, sinong nasa tamang pag-iisip ang magkukulong ng mga tao sa madilim na lugar
na ito?" sabi ni Damon na nagpatiuna na sa paglabas kaysa sa kaniya.

Tumawa si Lanie. "Tinutulungan lang kita Mr. President. Ilang linggo ka ng hindi
makapagconcentrate sa trabaho dahil pinoproblema mo kung bakit ka iniiwasan ni Mrs.
Valencia. Kahit wala ka ring lakad ay palagi kang nagpapasamang bumaba sa ground
floor tuwing lunch o breaktime. Kahit hindi mo sabihin halata namang sinisilip mo
si Mrs. Valencia. At least nagkaroon kayo ng pagkakataong mag-usap hindi ba? All is
well," sabi pa nito na matapos siyang balingan at ngitian ay nagpatiuna ng lumabas.

"You don't have to say that much!" inis na habol dito ni Damon. Tawa na lang ang
narinig niya mula sa sekretarya nito. Napatitig siya sa nakatalikod na si Damon.
Nakipkip niya ang mga folders na hawak niya sa dibdib niya dahil sa biglang
pagrigodon niyon sa mga sinabi ng sekretarya nito. Kaya ba talaga dumadalas na
nakikita nila si Damon ay dahil sa kaniya? Talagang nag-aalala ito sa kaniya?
Napahinga siya ng malalim dahil bigla siyang sumaya. Bigla ay nakumpirma niya ang
dahilan kung bakit naging ganoon ka bothered siya ng dahil sa mga babaeng iyon.

"Damon," tawag niya rito. Lumingon ito sa kaniya. "H-hindi ka ba nagsisisi na


pinakasalan mo ako?"

Tumitig ito sa kaniya pagkatapos ay tipid na ngumiti. "No. Besides, if it's you, I
think marriage is not that bad," sagot nito. Napipi yata siya sa sinabi nito.
Inilahad nito ang kamay sa kaniya. "Let's go. Ihatid mo na ang mga files na iyan sa
office niyo at umuwi na tayo."

Napabuntong hininga siya at tinanggap ang kamay nito. Ah, hindi na niya kayang
itanggi pa. Mahal na talaga niya ito.
"HINDI mo naman talaga kailangang magayos ng husto. It will not make any difference
in front of my relatives I tell you," puna ni Damon kay Lettie habang abala siya sa
pag-a-apply ng make up.

Nilingon niya ito mula sa vanity mirror. Naka itim na slacks at simpleng long
sleeves polo lang ito na itinupi hanggang siko. Siya ay piniling magsuot ng
simpleng bestida. Pero inayos niya ang buhok niya at naglalagay ng make-up. Sa araw
na iyon ang reunion ng pamilya nito sa bahay ni lolo Mel. Hindi siya mapakali dahil
iyon ang unang beses na makikita niya ang mga kamag-anak nito bilang asawa nito.

Nang tanungin niya ito kung kasama ba niyang makikilala ang mga magulang nito ay
simpleng hindi lang ang sinagot nito. Hindi na siya nagtanong pa noon dahil
nakikita niya sa mukha nito noon na ayaw nito iyong pag-usapan. Ang ginawa niya ay
naglakas na lang siya ng loob na magtanong kay Aling Isyang kung may alam ito. At
nalaman niya na matagal ng patay ang mga magulang ni Damon. Naisip niya na marahil
ay may dahilan si Damon kung bakit ayaw nitong pag-usapan iyon. Kaya nangako siya
sa sarili niya na hihintayin na lamang ang sandaling mag bubukas na ito ng tungkol
sa buhay nito sa kaniya.

"Sinasabi mo lang iyan kasi kamag-anak ka nila. Ibang tao ako kaya siyempre hindi
ko alam kung ano ang magiging impression nila sa akin," aniya rito. Hindi na ito
nagsalita. Ipinagtaka niya iyon kaya mabilis na niyang tinapos ang pagme-make up
niya at humarap dito. Mula kasi ng makulong sila sa stockroom at sabay na umuwi ay
naging maayos na ang samahan nila. Kaya mas napapansin na niya kung hindi normal o
normal ang pananahimik nito. "Bakit?" tanong niya rito.

Bumaling ito sa kaniya. "Anong bakit?" balik tanong nito.

Lumapit siya rito at pinakatitigan ang mukha nito. "Parang may iba sa iyo ngayon
eh. Ayaw mo bang umattend ng reunion ng pamilya ninyo?" tanong niya rito. Saglit na
bumakas ang pagkabigla sa mga mata nito. "Nagtataka ka kung bakit alam ko?" muli ay
tanong niya. Bahagya siyang ngumiti. "Hindi ko rin alam kung bakit. Basta alam ko
lang na may mali sa iyo," aniya rito.

Bumuntong hininga ito at bahagyang ngumiti kasabay ng pagkulong nito sa kaniya sa


mga bisig nito. "Thank you for noticing," sabi nito. Yumuko pa ito at isinubsob ang
mukha sa leeg niya. "But I'm fine," dugtong nito. Bigla siyang kinilabutan sa init
ng hininga nito sa leeg niya. Tila may humalukay sa sikmura niya nang lalo pa siya
nitong higitin palapit sa katawan nito. At nang maramdaman niya ang munting dampi
ng mga labi nito sa bandang tainga niya ay tumayo yata ang mga balahibo niya sa
batok dala ng kakaibang sensasyong dulot ng ginawa nito. Napakapit siya sa balikat
nito. "D-damon," daing niya.

Tumigil naman ito at nagbuga ng hangin. Pagkatapos ay marahan itong dumeretso ng


tayo at bahagyang niluwagan ang pagkakahawak sa kaniya. Tumingin ito sa kaniya na
may bahagyang ngiti sa mga labi. "Relax, I'm not going to do anything to you unless
you're ready," sabi nito na ikinainit ng mukha niya.

Mula kasi ng makapagpaliwanag ito tungkol sa mga pinagseselosan niya ay palaging


ganoon ang sinasabi nito sa kaniya tuwing niyayakap siya nito at hinahalikan lalo
na kapag matutulog na sila. Na para bang nararamdaman nito ang pagkataranta niya
tuwing napapansin niya ang pagiiba ng paraan ng paghalik at paghawak nito.
"Hihitayin kita sa labas," sabi nito at lumabas na ng kuwarto nila.

Napasunod na lang siya ng tingin dito. Napabuga siya ng hangin upang kalmahin ang
puso niyang ayaw kumalma. Alam naman niya kung ano ang sinasabi nitong hindi nito
ipipilit. Afterall mag-asawa sila. Hindi rin siya sigurado kung talaga bang hindi
lang siya handa sa mga ganoong bagay kaya natatawag niya ang pangalan nito tuwing
nangyayari iyon. Either way, masaya siya na hindi siya pinupuwersa ni Damon.
Patunay lang iyon na nirerespeto siya nito at pinapahalagahan. Sa naisip ay
napangiti na siya. Saglit pa niyang hinamig ang sarili bago sumunod na lumabas ng
silid.

PAGKATAPAK na pagkatapak pa lamang ni Lettie kaagapay si Damon sa living room ng


bahay ni lolo Mel kung saan may ilang mga tao ng naroroon ay naramdaman na kaagad
niya na may hindi tama. Pansin na pansin niya iyon sa nanunuring tingin ng mga
matatandang babae at lalaking napatingin sa kanila ni Damon. Hindi niya tuloy
naiwasang mapakapit sa braso nito at pasimple itong tingalain. Lalo siyang nabahala
nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha nito na hindi pa niya nakikita kahit
kailan. Iyong parang may pader sa pagitan nito at ng mga tao sa paligid nito.

"Oy, here's my cousin. Long time no see Damon," bati ng isang matangkad at guwapong
lalaking lumapit sa kanila. Base sa pagkakahawig nito at ni Damon ay hindi
maipagkakailang magkamag-anak ang mga ito. Nakangiti ito habang naglalakad palapit
sa kanila. Pero may pakiramdam siyang hindi ito umaaktong friendly. "At sino itong
kasama mo? Ngayon ka lang nagdala ng babae dito ah," puna pa nito nang tumingin sa
kaniya. Nailang siya sa pagpasada nito ng tingin sa kaniya.

"It's improper to look at someone else's wife like that Brett," pormal na sagot ni
Damon. Naramdaman niyang pumulupot ang braso nito sa baywang niya at hinigit siya
palapit pa rito. Pagkatapos ay marahan siya nitong inakay palayo sa pinsan nito na
nakita niyang bumakas ang pagkagulat sa sinabi nito. Napansin niya rin na mas
naging mapanuri ang tingin ng mga kamag-anak nito sa kanila matapos aminin ni Damon
na asawa siya nito pero mukhang walang balak magtanong.

Naputol lang ang makapigil hiningang sandali nang sumulpot na si lolo Mel mula sa
kung saan. Nang makita sila nito ay malawak na ngumiti ito. "Damon, Lettie! At last
nandito na kayong dalawa," magiliw na bati nito sa kanila.

Saglit siyang nagkumustahan bago sila dumeretso kasama ang iba pang mga kamag-anak
ni Damon sa malaking dining table. Pasimple niyang pinagmasdan ang mga kamag-anak
nito. Mayroong apat na may edad na babae roon, apat ring may edad na lalaking
mukhang mga asawa ng mga babae na lahat ay may hawig kay lolo Mel, kaya marahil ay
ang mga lalaki ang mga anak nito. Ang mga kaedad naman niya na naroon ay ang pinsan
ni Damon na tinawag nitong Brett, tatlo pang lalaki at dalawang babaeng mukhang mas
bata sa kanila ng ilang taon.

Nang makaupo na sa kabisera si lolo Mel ay nagsalita ito. "Salamat naman at nakita
ko kayong ulit lahat," nakangiting sabi nito.

"Siyempre naman papa. We always look forward to our reunion," sabi ng isa sa mga
may edad na babae na nagniningning ang alahas sa katawan. Sumunod na nagsalita ang
iba pang mga babae na halata namang binobola si lolo Mel.

"At siya nga pala. Ipapakilala ko sa inyo ang bagong miyembro ng ating pamilya.
Everyone, this is Letticia Padillia–Valencia, Damon's wife," masayang pakilala sa
kaniya ni lolo Mel. Pagkatapos ay isa-isa rin nitong pinakilala ang mga naroon.

Pilit siyang ngumiti nang mabaling na naman sa kaniya ang atensyon ng mga ito. "She
looks too normal," sabi ng babaeng pinsan ni Damon.

"Ano ka ba hija," saway ng isang tiyahin nito. "Of course she will be. Bagay na
bagay siya kay Damon hindi ba? What can you expect from someone like him," dugtong
nito na halatang pasaring.
Sumulyap siya kay Damon. Hindi ito nakatingin sa tiyahin nito pero nakikita niyang
nangangalit ang mga bagang nito. Noon pa lang ay nasiguro na niya na hindi nito
kasundo ang mga kamag-anak nito. Inabot niya ang kamay nito na nasa ilalim ng
lamesa at marahan iyong pinisil. Napalingon ito sa kaniya. Bahagya niya itong
nginitian at naipagpasalamat niya na bahagyang kumalma ang mukha nito. Hindi man
ito gumanti ng ngiti ay sapat na sa kaniya ang pagpisil nito sa kamay niya.

"Magtigil ka nga Constancia," saway ni lolo Mel sa matandang babae. "Ako ang pumili
kay Lettie bilang asawa ni Damon dahil alam kong siya ang nababagay maging may
bahay ng presidente ng kumpanyang pinaghirapan kong ipundar. Sa kanila ni Damon ko
maaring iatang ang tungkuling ituloy sa susunod pang henerasyon ang negosyo ng
pamilya," seryoso ng sabi ni lolo Mel na nagpatahimik sa mga ito.

Ngunit dahil sa sinabi nitong iyon ay mas lalong naging nakakailang ang pagkain
nila. Aware na aware siya sa kakaibang tingin ng mga ito sa kanila ni Damon.

Nang matapos kumain at magsipagpaalam na ang mga ito ay noon lang siya nakahinga ng
maluwag. Hindi na siya kinabahan kahit nang iwan siya ni Damon dahil inaya ito ni
lolo Mel sa isang panig at masinsinang kinausap.

Inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa magagandang gamit sa living room.
Akala niya noon ay avid client lang ng Valencia Furnitures si lolo Mel. Iyon pala
ay ito mismo ang nagdesenyo niyon at pag-aari ng mga ito ang kumpanya. Napangiti
siya nang makita niya sa isang panig ang maliliit na upuan at lamesa na gaya ng
bigay ni lolo Mel sa kaniya noong maliit pa siya para sa doll house niya.

"Mukhang aliw na aliw ka sa mga disenyo ko hija," mula sa likuran niya ay nagsalita
si lolo Mel.

Ngumiti siya nang makita niyang nakangiti rin ito. "Natatandahan ko po kasing lagi
niyo akong binibigyan ng mga ganito kapag dinadalaw niyo si lola," aniya rito.
"Nasaan ho si Damon?"

"Kausap ang assistant ko tungkol sa negosyo. Ang batang iyon palaging trabaho ang
inaasikaso at sa tingin ko ay kailangan niya ng bakasyon. Hindi ka ba naman niya
napapabayaan Lettie?" tanong nito sa kaniya.

Marahas siyang napailing. Kahit naman kasi may pagkaworkaholic si Damon ay hindi
naman niya naramdamang napapabayaan siya nito. "Kahit marami ho siyang trabaho ay
hindi niya nakakaligtaang umuwi bago mag-alas otso maliban na lang kung may
business dinner siyang hindi matanggihan. Kahit pa dahil tuloy doon ay inuuwi niya
sa bahay ang mga trabaho niya kaya hindi siya masyadong nakakatulog. Pero kahit
ganoon kahit kailan ay hindi ko naramdaman na napapabayaan niya ako dahil sa
trabaho," aniya rito.

Hindi nawala ang ngiti nito. "I'm glad to hear that from you hija. Natutuwa akong
malaman na maayos ang samahan ninyo ni Damon. Hindi ako napahiya sa lola mo na sa
kaniya kita ipinareha," sabi nitong kumislap pa ang mga mata nang maalala ang lola
niya.

Napangiti siya. "Lolo Mel, ano ba talagang mayroon sa inyo ni lola? Kahit noong
bata pa ako tuwing nakikita ko kayong dalawa na nag-uusap talo niyo pa si papa at
mama sa ka-sweetan," pabirong sabi niya rito. Matagal na niyang gustong itanong
rito ang tunay na kwento sa pagitan nito at ng lola Kristina niya. Sa pagkakaalam
niya ay pareho namang maagang nabiyudo at nabiyuda ang mga ito. Noong una pa nga ay
inakala niya na tunay na lolo niya si lolo Mel.

Naging malambot ang ekspresyon sa mukha nito. At habang ang mga mata nito'y tila
bumalik sa nakaraan ay walang pagdadalawang isip na ikinuwento nito sa kaniya ang
mga masasayang araw nito at ng lola niya. Nalaman niya na magkapitbahay raw ang mga
pamilya ng mga ito kaya lumaki at nagkaisip ang mga itong matalik na kaibigan ang
isa't isa. Hindi raw namalayan ni lolo Mel, na unti-unting nagiging mas malalim ang
pagtingin nito kay lola Kristina. Hanggang sa magising na lamang daw ito na inamin
na nito sa sarili nito na mahal na nito ang babae.

Kaya lamang daw ay alam nito na hindi ganoon ang nararamdaman ni lola Kristina para
dito. Hanggang sa magpakasal nga sa lolo niya ang lola niya. Nang sumunod na taon
daw ay ito naman ang nagpakasal. Dahil hindi na niya naabutan pa ang lolo niya na
namatay bago pa man siya ipanganak ay hindi niya tuloy masabi kung sino ang mas
bagay sa lola Kristina niya. Pero pansin niya na hanggang sa mga oras na iyon ay
ito pa rin ang mahal ni lolo Mel.

Nang tanungin niya ito kung paano naman ang napangasawa nito ay sinabi nito na alam
ng asawa nito ang tungkol sa damdamin nito para sa lola niya. Maging ang
napangasawa rin naman daw kasi nito ay iba ang mahal at napilitan lang din
magpakasal dito.

"Our marriage lasted for a long time because we were good companion to each other
and not because we were in love. It was safe, but not really contenting. Kaya sana
hindi maging ganoon ang pagsasama ninyo ni Damon. Nagpakasal man kayo ng hindi pa
magkakilala ay nararamdaman ko naman na bagay kayo sa isa't isa. In time, I have a
feeling that you will learn to love each other," sabi nito.

Hindi na lamang niya binanggit dito na nagkatotoo na ang sinabi nito. Dahil mahal
na niya si Damon. Naunahan lang siya ng hiya dahil hindi naman ganoon ang
nararamdaman ni Damon para sa kaniya. Pero may isang katanungan siyang matagal na
niyang nais itanong dito na hindi niya napigilang itanong. "Pero lolo Mel, bakit
ako? Dahil lang ba wala kang maisip na kapalit ng tulong mo sa pamilya namin kaya
mo ako ipinakasal sa kaniya?"

Ngumiti ito sa kaniya. "Dahil sa isang pangako."

Chapter Eight

"PANGAKO?" litong tanong ni Lettie kay lolo Mel na nakangiti pa rin habang
nakatingin sa kaniya.

"I promised your grandmother that I will hand you over to my best grandson. Nangako
ako sa kaniya na aalagaan kita at ang mga magulang mo sa abot ng makakaya ko. At
alam kong si Damon ang lalaking nababagay sa iyo hija. Kung siya, alam ko na
maalagaan ka talaga. He might be a workaholic and has a lot of shortcomings pero
alam kong mabuti siyang lalaki," paliwanag nito.

Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit kasi wala pa siyang masyadong alam sa personal
na buhay ni Damon o sa nakaraan nito ay nararamdaman niya na hindi ito masamang
tao. Hindi man din masalita si Damon ay nararamdaman niya sa mga kilos nito na
kahit papaano ay may puwang naman siya sa buhay nito. Hindi nga ba't sinabi nito sa
kaniya na hindi ito nagsisising pinakasalan siya nito? Sa ngayon ay sapat na sa
kaniya iyon.

Iyon ang tumatakbo sa isip niya nang mapalingon siya sa hagdan at makita niya si
Damon. May bahagyang kunot sa noo nito na marahil ay dahil sa kung anumang pinag-
usapan nito at ng assistant ng lolo nito. Pero ng masalubong niya ang mga mata nito
ay agad nawala ang gatla sa noo nito at tuluyan ng lumapit sa kanila. "Nainip ka
ba?" tanong nito sa kaniya.

Ngumiti siya. "Hindi. Kinuwentuhan ako ni lolo ng tungkol sa love life niya," aniya
rito. Bahagyang umangat ang kilay nito pero hindi naman nagkomento. Mukhang hindi
nito alam ang tungkol sa koneksyon ng lola niya sa lolo nito at ang tunay na
dahilan ng pagpapakasal nila.

"Naipasa mo na ba sa kaniya ang lahat?" tanong ni lolo Mel dito.

"Yes. Mauna na kami lolo," simpleng paalam lang nito sa matanda. Pagkatapos niyang
magpaalam na rin sa matanda ay inakay na siya ni Damon palabas ng kabahayan.

Nang nasa biyahe na sila ay hindi niya mapigilang sulyap-sulyapan ito upang
masiguro kung mas maayos na ang mood nito. "What?" tanong nitong bahagyang sumulyap
sa kaniya.

Tuluyan na niya itong tiningnan. "Damon, you don't get along with your
relatives do you?" maingat na tanong niya rito.

Umangat ang gilid ng mga labi nito at tumingin sa harapan nito. "Not getting along
well is an understatement. They hate me and I don't like them," sagot nito.

"Pero bakit?"    nagtatakang tanong niya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit
may kakaibang tensiyon sa pagitan ng mga kamag-anak nito at dito. Samantalang
masayahin naman at mabait si lolo Mel.

"Dahil ako ang presidente ng kumpanya. Hindi sila pabor na sa akin binibigay ni
lolo ang majority ng stocks at kapangyarihan sa kumpanya," anito.

"But you deserve it!" mariing sabi niya. Tiyempo namang huminto sila dahil sa
traffic light. Napatingin ito sa kaniya at nasalubong niya ang mga mata nito. "I
know you deserve it. Saksi ako kung gaano mo ibinubuhos ang oras at kakayahan mo
para sa kumpanya. At dahil nakita ko na ang mga kamag-anak mo, I don't think
mayroon sa kanila na kayang maging presidente kaysa sa iyo," aniya rito.

Napatitig ito sa kaniya. Bigla naman siyang nahiya sa dami ng sinabi niya.
Napasandal tuloy siya ng husto sa kinauupuan niya at napatingin sa labas ng
bintana. Hindi pa rin umaandar ang sasakyan nila.

"Lettie," tawag nito sa kaniya. Lumingon naman siya. Nanlaki ang mga mata niya nang
tumingkayad ito palapit sa kaniya at walang salitang hinalikan siya sa mga labi.
Napapikit siya dahil sa pasiil na paraan ng paghalik nito. Pagkatapos ay bahagya
itong lumayo sa kaniya. "You always know how to make me feel better do you know
that?" halos pabulong na sabi nito.

Bahagya siyang dumilat at ngumiti. "Really?" paanas na tanong niya.

Gumanti ito ng ngiti. "Yes, really." Iyon lang at muli na nitong tinawid ang
pagitan ng mga labi nila. Napaganti rin tuloy siya ng halik dahil sa sayang
naramdamam niya sa sinabi nito. Napatigil lang sila nang makarinig ng sunod-sunod
na busina. Naka-green na pala ang traffic light. Nagkatinginan sila at sabay pang
natawa bago nito pinaandar na ang sasakyan nila.

"Next time, don't say or do things that will give me an urge to kiss you. Baka sa
susunod mahuli pa tayo ng pulis," pabirong sabi nito.

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Ah, getting married is not really that bad
afterall.
NAALIPUNGATAN si Lettie mula sa pagkakatulog niya na hindi niya katabi si Damon.
Napabangon siya. Usually kasi kapag nagigising siya sa alanganing oras ay katabi na
niya ito. Napatingin siya sa orasan. Alas tres na ng madaling araw. Nang makita
niyang may ilaw pang nanggagaling sa maliit na silid na tumatayong opisina nito sa
bahay nila ay napatayo siya.

Maingat siyang lumakad patungo roon upang silipin si Damon. Nakita nga niya itong
nakaupo pa rin sa harap ng laptop nito at ilang mga papel sa lamesa. Nagtatrabaho
pa rin ito kahit na dati naman ay hanggang ala una lang ito gising. Himbis na
lapitan ito kaagad at usyusuhin ay muli siyang lumakad palayo rito ng walang ingay.
Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto nila at dumeretso sa kusina. Ititimpla na
lang niya ito ng kape dahil sa mga ganoong pagkakataon ay iyon lamang ang naiisip
niyang maitutulong niya rito.

Napapangiti na siya habang nagbu-brew ng kape sa kusina. Sa totoo lang ay nageenjoy


siya sa buhay may-asawa niya. Ni hindi niya naisip noon na nakakaenjoy naman pala
maging maybahay. Masaya siya kapag pumipili siya ng isusuot ni Damon sa umaga at
kapag isinusuot nito iyon. Natutuwa siya kapag pinagbibigyan siya nitong yakapin
ito kapag gusto lang niya. At pakiramdam niya ay may silbi siya tuwing ginagawa
niya ang mga simpleng bagay para rito na gaya ng pagtitimpla ng kape nito gaya sa
mga oras na iyon. Marahil ay dahil ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa lalaking
mahal niya.

Marrying the man you love is really the happiest feeling a woman could have. Nang
tapos na mabrew ang kape ay mabilis na niya iyong isinalin sa tasa at excited na
umakyat pabalik sa kuwarto nila.

SAGLIT na tumigil sa pagbabasa ng mga papeles si Damon at bahagyang nag-inat. Nang


mapatingin siya sa wristwatch niya ay nalaman niyang alas tres na pala ng madaling
araw. Marami-rami pa ang kailangan niyang tapusin.

Napaigtad siya nang makaamoy siya ng brewed coffee. Pagkatapos ay may isang tasa ng
umuusok na kape ang inilapag sa isang panig ng lamesa niya. Awtomatikong
napatingala siya. Magkahalong pagkagulat at mainit na pakiramdam ang nadama niya sa
dibdib niya nang masalubong niya ang nakangiting mukha ni Lettie. Halatang galing
ito sa kama dahil bahagyang magulo ang buhok nito. Napahigit siya ng hininga nang
maramdaman niyang may binuhay itong bahagi ng katawan niya dahil lamang sa itsura
nitong iyon.

"Ngayon ka lang inabot ng ganitong oras sa pagtatrabaho sa bahay ah. Coffee,"


nakangiti pa ring sabi nito na lumapit pa sa kaniya.

Napangiti na rin siya at nagbuga ng hangin. "Oo. Kailangan kong tapusin ang mga ito
as soon as possible," aniya rito. Inalis na niya ang tingin niya rito at kinuha ang
kapeng bigay nito.

"Bakit mo ba minamadali ang mga iyan?" tanong pa nito na lumapit pa. Bahagya pa
itong yumuko upang marahil ay silipin ang mga papeles. Natigilan siya nang ilang
pulgada na lamang ang layo ng dibdib nito sa mukha niya. Napamura siya sa isip
kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa tasa niya nang bigla siyang magkaroon ng
pagnanais na bitawan na lang iyon kung saan upang mahigit niya palapit sa kaniya si
Lettie.
Mula noong araw sa stockroom ay palaging ganoong ang nararamdaman niya. Tuwing
nakikita niya si Lettie ay parang wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang
ikulong ito sa mga bisig niya. Tuwing nakikita niya itong nakangiti ay natetempt
siyang halikan ito. Ngunit sa tuwina ay nagagawa niyang pigilan ang sarili niya
dahil ayaw niyang matakot ito. Iyon kasi ang napapansin niya rito tuwing
sinusubukan niyang itaas sa ibang lebel ang yakap at halik niya. And scaring her
just because of his own raging emotions is the last thing he wanted to do.

Tumikhim siya. "Ayan ang mga papeles na hindi ko maipapasa sa assistant ni lolo Mel
dahil ako ang personal na gusto ng mga kliyenteng iyan. Gusto kong tapusin agad
para makapag-leave ako kahit tatlong araw lang ng walang istorbo," aniya rito.

Tumingin ito sa kaniya at dumeretso ng tayo. Bahagya pang namimilog ang mga mata
nito. "Magle-leave ka? Bakit?" takang tanong nito.

Inilapag niya ang tasa ng kape niya at sumandal sa swivel chair niya upang maayos
niya itong mabistayan. Gusto niyang makita ang magiging ekspresyon nito kapag
sinagot niya ang tanong nito. "Because I want to take a vacation... with you. Mula
ng ikasal tayo hindi pa tayo nakakapag out of town. That's so strange right?
Married couple should go somewhere for a honeymoon. So, mag-a-out of town tayo,"
aniya rito.

Lalong namilog ang mga mata nito. Pagkatapos ay sumilay ang matamis na ngiti nitong
palaging nagpapangiti rin sa kaniya. "Talaga?! Matagal na nga akong hindi
nakakapag-out of town!" masayang sabi nito.

Hindi na siya nakatiis. Inabot niya ito at hinatak palapit sa kaniya. Napaupo ito
sa kadungan niya. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito nang higpitan niya pa
ang pagkakayakap sa baywang nito. Pagkatapos ay hindi nakatiis na hinalikan niya
ang mga labi nito. Naramdaman niya ang pagigtad nito sa ginawa niya.

Tumigil siya at tinitigan ang mukha nito. Namumula ang mga pisngi nito. Ang mga
mata nito ay may kakaibang kislap. "D-damon," tawag nito sa kaniya.

"Lettie," anas niya kasabay ng pagsubsob niya sa balikat nito. Nararamdaman niya
ang marahas na pagpintig ng pulso nito. Napahigpit ang pagkakayapos niya sa baywang
nito. "When will you accept me?" mahina pa ring tanong niya rito. Natatakot siya
dahil nararamdaman niyang malapit ng maputol ang pisi niya. Baka kapag nangyari
iyon ay mapuwersa at masaktan niya ito.

Matagal na hindi ito nagsalita. Napabuntong hininga siya at labis-labis ang


pagpipigil na iniangat niya ang mukha mula sa balikat nito. "Damon," tawag nito sa
kaniya.

Nag-angat siya ng tingin. Bago pa siya makahuma ay hinawakan na nito ang mukha niya
at kusa siyang hinalikan. Saglit siyang natigilan sa pagkagulat. Ngunit nang
maintindihan niya na iyon ang sagot nito sa tanong nito ay napuno ng kakaibang saya
ang dibdib niya. Bagay na noong wala pa ito sa buhay niya ay hindi niya nadama.
With that in mind, he returned her kiss.

HINDI mapalis ang ngiti sa mga labi ni Lettie habang nakatitig siya sa payapang
mukha ng natutulog niyang asawa. Nakatagilid siya paharap dito at ang mga kamay
niya ay nakalapat sa bandang dibdib nito habang ang braso naman nito ay nakapatong
sa baywang niya. Pareho silang walang saplot sa katawan kaya damang dama niya ang
init na nagmumula rito.

Kanina lamang ay naging ganap ang pagiging mag-asawa nila. Dati, akala niya ay
nakakatakot na karanasan iyon kaya sa tuwing nararamdaman niyang gusto iyon ni
Damon ay natatakot siya at umiiwas. Bagay na napapansin naman nito at hindi siya
nito pinipilit. Pero kanina, habang nasa kandungan siya nito at narinig niya ang
pagbulong nito na "When will you accept me" ay tila natunaw ang puso niya.
Hinihintay lang talaga siya nito. Kahit bahagyang nanginginig ang mga braso nitong
nakayakap sa kaniya na wariy pinipigilan ang sarili ay tinanong siya nito. Sigurado
rin siya na kung tumanggi siya ay papatulugin na lang siya nito habang ito ay
magpapatuloy sa trabaho na gaya ng ginagawa nito dati.

Pero sa mga oras na iyon ay wala siyang naramdamang takot at pag-aalinlangan. Bigla
ay napuno ng labis na pagmamahal ang puso niya. At dahil nahihiya siyang sumagot ay
siya na ang kusang humalik dito. Ang nangyari pagkatapos niyon ay isang masaya at
masarap na karanasang hindi niya makakalimutan. Damon made love to her slowly and
carefully she never felt any pain.

Napangiti na naman siya at hinaplos ang mukha nito. Bahagya itong gumalaw at
hinigit siya palapit dito. Pagkatapos ay sumubsob ito sa leeg niya. Base sa malalim
na paghinga nito ay tulog ito. Napabuntong hininga na lang siya at niyakap ito.
Pagkuwa'y kuntentong nakatulog na siya.

"HUY, bakit ka magle-leave na babae ka?" magkapanabay na tanong ni Jena at Aya


pagkalabas na pagkalabas niya sa opisina ni Mrs. Ramos. Kakapaalam lang niya na
magle-leave siya ng tatlong araw. Nafill-upan na rin niya ang mga dapat niyang
fill-upan para sa leave na hinihingi niya.

Nginitian na lang niya ang mga ito at nagpatiuna sa cubicle niya. Nakasunod naman
ang mga ito sa kaniya at mukhang wala siyang balak tantanan. "At bakit ganiyan ka
makangisi ha? May inililihim ka sa amin ano? Napapansin ko na na parang may iba sa
iyo Lettie. Umamin ka nga, may boyfriend ka na no? Ang aura mo lately ay kulay pink
e," sabi pa ni Aya.

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pag-iinit ng mukha niya sa sinabi nito. Mas
matalas ang pakiramdam ni Aya kaysa sa inaasahan niya. "P-paano napansin?" mahinang
sabi niya.

Sabay na napasinghap ang mga ito. "So totoo!" napalakas na sabi ni Aya. Naitakip
niya ang mga kamay sa bibig nito dahil may ilang officemates sila na hindi pa rin
umuuwi at napalingon sa kanila.

"Aya, ang ingay mo!" saway niya rito.

Inalis nito ang kamay niya sa bibig nito at bahagyang lumapit sa kaniya. "So,
hanggang kailan mo balak ilihim sa amin ang love life mo? Magkaibigan ba tayo ha?"
mahinang tanong nito.

Napangiwi siya. Paano ba niya sasabihin sa mga ito ang lahat? Saan siya
magsisimula? "H-hindi naman sa inililihim ko. Hindi lang ako makakuha ng tiyempong
sabihin," paliwanag niya.

Magtatanong pa sana ang mga ito nang lumabas sa opisina nito si Mrs. Ramos. "Ms. De
Guzman, halika sandali. Pupunta tayo sa Design Department para sa sinasabi ko sa
iyong magiging trabaho mo temporarily," tawag nito kay Jena.

Napatayo si Jena. Napansin niyang nag-iba ang ekspresyon sa mukha nito. Tila bigla
itong nailang. Tumingin ito sa kanila at hatalang pilit lang ngumiti. "Sige, maiwan
ko na kayo ha." Iyon lang at sumunod na ito sa boss nila.

"Kaninang umaga pa parang may problema iyong si Jena. Bakit kaya?" tanong ni Aya.

"Oo nga, Pero alam ko in time sasabihin niya rin kung ano ang pinoproblema niya,"
sang-ayon niya. Nang mapatingin siya sa relo ay lampas alas singko na. "Ay uwian na
pala," aniya at tumayo na. Kailangan pa niyang magempake dahil bukas sila aalis ni
Damon. "Mauna na ako sa iyo Aya," paalam niya rito.

"Hoy teka, di ka pa nagkukwento!" habol nito sa kaniya.

Ngumisi siya. "Pagbalik ko na lang. Bye!" aniya rito at umalis na.

Chapter Nine

AGAD na nailibot ni Lettie ang paningin sa paligid ng bumaba sila ni Damon sa kotse
nito. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating sila sa isang bayan sa
Quezon. Probinsyang probinsya ang itsura ng lugar na iyon pero may kakaibang charm
ang paligid. Simple lamang ang mga bahay na kaunti lamang pero matitingkad ang
kulay ng pintura ng mga iyon.

Nang sabihin ni Damon na mag-a-out of town sila ay hindi nito sinabi kung saan sila
pupunta. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi nito sinasabi kung bakit doon sila
nagpunta. "Are you disappointed?" amused na pukaw sa kaniya ni Damon.

Huminto ang tingin niya rito. "No. Pero bakit dito mo naisip magpunta?" takang
tanong niya.

Ngumiti ito at lumingon sa may kalakihang bungalow sa harapan nila. "Because this
is where I grow up," sabi nito.

Napatitig siya rito. Sa lugar na iyon lumaki si Damon? Pero hindi ba apo ito ni
lolo Mel? Kaya paanong sa malayong lugar na iyon ito lumaki? "Totoo?"

Muli ay tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Yes, since I was five. Pumasok na tayo.
Di kalayuan dito, may beach na hindi pa nagagalaw at napapasukan ng mga commercial
business. Makikita iyon sa bintana sa kabilang panig ng bahay na ito," anito sa
kaniya.

Sa sinabi nito ay napangiti na siya. Bitbit ang mga gamit nila ay nagpatiuna na
itong pumasok sa bahay. Sumunod naman siya rito. Nang makapasok sila sa bahay ay
naamoy niya kaagad ang pamilyar na amoy ng isang lumang bahay. Pero kahit ganoon ay
kapansin-pansin na malinis iyon.

"May binabayaran ako para linisin ito kada linggo," sabi nito na tila nabasa ang
iniisip niya.

Iginala niya ang paningin habang naglalakad. May dalawang silid lamang doon. May
nakita siyang malaking bintana sa bandang dulo na may nakatakip na kurtina. Agad
siyang nagpunta roon at hinawi ang kurtina. Napasinghap siya nang makita ang
malawak na dagat sa ibaba niyon. "Ang ganda," naiusal niya. Tulad ng sinabi ni
Damon ay mukhang hindi pa nagagalaw ang dalampasigan na iyon. Mula sa bintana ay
nakikita niya pa ang mga batang nagkikipaghabulan sa alon.

"It is right?" sabi ni Damon na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kaniya.
Nilingon niya ito. Nabunggo pa ang ulo niya sa baba nito nang tumingala siya rito
sa sobrang lapit nito. Kumabog ang dibdib niya nang makitang titig na titig ito sa
kaniya. "Ipapasyal kita mamaya pagkatapos nating magpahinga," sabi pa nitong may
ngiti sa mga labi.

Napangiti na rin siya dahil nababasa niya sa mga mata nito na hindi basta
pagpapahinga ang sinasabi nito. "Talaga ipapasyal mo ako? Baka magtrabaho ka
hanggang dito ha," pabirong sabi niya rito.

Hinapit siya nito palapit dito at dinampian ng halik ang leeg niya. Nagliparan ang
mga paru-paro sa sikmura niya sa ginawa nito. "Nope. Iniwan ko sa bahay ang laptop
ko," paanas na sabi nito habang gumagapang ang halik nito paakyat sa mukha niya.

Napahagikhik na siya. Nang marating ng mga labi nito ang mga labi niya ay buong
puso siyang tumugon. At naisip niya, siguradong magiging masaya ang bakasyon nila.

"BUKAS, gusto mong magswimming?" tanong ni Damon kay Lettie habang magkahawak kamay
silang naglalakad sa dalampasigan. Hapon na kaya hindi na mainit ang sikat ng
papalubog na araw. Pagkatapos nilang magpahinga ng totoo ay kumain lang sila ng
pagkaing magkatulong nilang niluto bago sila bumaba sa dalampasigan.

Tiningnan niya ito at matamis na ngumiti. "Okay. Pero sana binigyan mo man lang ako
ng hindi na magsu-swimming pala tayo sana nagdala ako ng two-piece," pabirong sabi
niya.

Tumawa ito at hinalikan ang palad niyang hawak nito. "As if magsusuot ka ng two-
piece," sabi nito na ikinatawa niya rin. Mukhang kilala na siya nito para malaman
nito na hindi niya kakayanin magsuot ng ganoon.

Muli niyang iginala ang paningin sa paligid. "Nagulat talaga ako na malamang dito
ka lumaki. Akala ko kasi buong buhay mo sa maynila ka nakatira," aniya rito.

Ilang segundo bago ito sumagot. "I told you I lived in manila since I was five
right?"

Tiningala niya ito. Seryoso ang mukha nito na war'y may inaalala. "Oo."

Inakay siya nito sa isang malaking nakatumbang katawan ng puno ng niyog at


inalalayang umupo doon. Kahit magkatabi na silang nakaupo roon ay hindi pa rin nito
binibitiwan ang kamay niya. Tumingin ito sa kaniya. "Ang mga sasabihin ko sa iyo
ngayon, huwag mong sasabihin kahit kanino, maliwanag ba?" tanong nito. Tumango
naman siya at pinakatitigan ang mukha nito. Muli ay tila naging distant ang mga
mata nito. Pagkatapos ay itinuon nito ang tingin sa dagat.

"Kahit noon ang papa ko ang katulong ni lolo sa negosyo ng pamilya nila dahil siya
ang panganay na anak. Ang sabi ni mama, noon pa mang nakilala niya si papa ay may
conflict na sa pamilya Valencia dahil sa kumpanya. Ayaw rin ng mga kapatid at asawa
ng mga ito si mama dahil galing nga siya rito sa isang maliit na bayan na
nagtrabaho sa maynila. Nagtrabaho bilang sekretarya si mama kay papa na noong mga
panahong iyon ay Vice President ng kumpanya. They fell in love with each other at
kahit sa tingin ng pamilya ay pera lang ang habol ni mama kay papa ay nagpakasal
sila.
"Nang ipanganak ako mas lalong nagkaroon ng kumosyon sa pamilya dahil lalaki ako.
May rule si lolo na ang mamamahala ng kumpanya niya palagi ay dapat ang panganay na
lalaki sa generation. Kaya hindi pa man ako nagkakaisip galit na silang lahat sa
akin dahil hindi sila magkakaroon ng pagkakataong mapamahalaan at makuha ang
majority ng shares sa Valencia Furnitures."

Napahigpit siya ng hawak sa kamay nito. Kaya naman pala ganoon ang reaksiyon ng mga
ito kay Damon. Nakakalungkot lang isipin na dahil lang sa kayamanan ay
nagkakaganoon ang pamilya ng mga ito. May pakiramdam rin siya, na kahit hindi
sabihin ni lolo Mel ay nalulungkot ito sa nangyayari sa pamilya nito.

"When I turned five, my father died of a plane crash. Natatandaan ko na noong


nakaburol si papa, iyak ng iyak si mama. Kahit si lolo natatandaan ko kung gaano
kasakit para sa kaniya ang nangyari. Pero ang mga tiyuhin at tiyahin ko, hindi pa
nalilibing si papa ang pinag-uusapan na ay kung sino ang susunod na mamamahala ng
kumpanya. Pagkatapos, kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi nila kay mama
at kahit na sa akin. Nang mailibing si papa, they literally chased me and my mother
out of the family."

Napakapit siya rito sa sinabi nitong iyon. Malamang na hindi magandang karanasan
para dito iyon. Lumingon ito sa kaniya at bahagyang ngumiti. Pagkuwa'y hinawi nito
ang ilang hibla ng buhok niyang tumatabing sa mukha niya. "Don't look at me like
that. I am okay. Katunayan mas naenjoy ko ang buhay ko rito kasama ang mama ko at
ang mga kamag-anak at kaibigan niya. Ang hindi ko lang matanggap ay ang ginawa nila
kay mama. Hindi ko matanggap na pinaratangan nila ng kung anu-ano si mama kahit na
ang totoo ay talagang mahal lang niya si papa. I could not take the fact that na
puwersahan nilang kinuha ang mga bagay na may karapatan kami ni mama."

Bahagyang napasinghap si Lettie sa nakita niyang kislap ng galit sa mga mata nito.
"Nang mamatay si mama dahil sa sakit at biglang sumulpot si lolo Mel upang kunin
ako noong kolehiyo na ako, sumama ako. Right there and then, nangako ako na gagawin
ko ang lahat makuha ko lang ang alam kong akin. Sa ganoong paraan man lang maiganti
ko si mama sa ginawa nila," sabi pa nito.

Wala siyang maapuhap na sasabihin sa sinabi nito. Kaya kumilos na lamang siya at
niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman niyang saglit itong natigilan bago gumanti rin
ng yakap. Masyadong malalim ang pinaghuhugutan nito ng mga salitang binitiwan nito
at sa tingin niya ay masyado siyang ipokrita kung magbibitaw siya ng payo o kung
ano pa mang salita. Dahil alam niya na hindi nito kailangan iyon. Matagal ng buo
ang loob nitong gawin ang gusto nito.

Matagal sila sa ganoong posisyon. Mahigpit ang yakap nito sa kaniya. Nang kumawala
ito ay may bahagyang ngiti na sa mga labi nito. "You don't have to worry. I'm
fine," sabi nito. Pagkatapos ay tumayo ito at hinila na rin siya patayo. "Bumalik
na tayo sa taas. Pagkatapos ay dadaan pa tayo sa mga kamag-anak ni mama," sabi nito
sa kaniya.

Ngumiti na rin siya at tumango. At habang magkahawak kamay silang naglakad palapit,
pakiramdam niya mas naging malapit siya rito kumpara kaninang papunta sila roon.
Dahil sa unang beses mula ng magkakilala sila, nagawa nitong magkuwento ng tungkol
sa sarili nito. For her, that was a great progress.

NAGING maayos ang pagtanggap kay Lettie ng mga kamag-anak ni Damon sa side ng mama
nito. Mababait at simpleng mga tao ang mga ito na tunay na natuwa nang puntahan
nila ni Damon.

Dahil masyadong nawili ang mga ito sa pagdating nila ay nag-aya ang mga ito na
magpicnic sa dalampasigan kasama ang mga kaibigan ng mga ito. Kaya ang dapat na
swimming na dapat ay silang dalawa lamang ay naging tila outing.
Wala naman sanang problema. Kung hindi lamang sumulpot ang isang babaeng
nagngangalang Pamela na hindi naman kamag-anak ng mga ito pero nakisali sa swimming
nila. Kababata raw ito ni Damon at taga-Maynila rin na nagkataong nagbabakasyon rin
doon.

"This must be fate," kanina ay sabi pa nito kay Damon na kung makahawak sa braso ng
asawa niya ay parang hindi nito alam na naroon siya.

Ang nakakainis pa ay mukhang aliw na aliw si Damon dito. Hayun nga at habang
nakasalampak siya sa buhanginan at sumisipsip ng buko juice ay abala ito sa
pakikipag-usap sa babae.

"Ate Lettie, bakit nakaupo ka lang diyan? Baka maagaw sa iyo ang asawa mo,"
pabulong na sabi ni Andrea, pinsan ni Damon na kaedad niya, na biglang umupo sa
tabi niya.

Napalingon siya rito. May bakas ng disgusto sa mukha nito. "Mga bata pa lang kami
lagi na niyan dinidikitan si kuya Damon. In fact, naging sila noong high school.
Nagkahiwalay lang sila kasi nga nagpunta na ng manila si kuya. Pero kilala ko ang
babaeng iyan. Wala iyang pakielam kung sino ang masasagasaan niya basta para kay
kuya," sabi pa nito.

Lalong sumama ang timpla niya sa sinabi nito. Nang sumulyap siya sa mga ito ay nag-
init ng tuluyan ang ulo niya nang makita niya ang mga pahaplos-haplos ni Pamela sa
braso ni Damon at nakikita niyang nakangiti si Damon dito! Hindi na siya nakatiis,
tumayo na siya at naniningkit ang mga matang lumakad palapit sa mga ito.

"Damon, swimming tayo," aya niya rito.

Sabay pang lumingon ang mga ito sa kaniya. Bahagyang may kumurot sa puso niya nang
makitang nagniningning ang mga mata nito sa pagkaaliw, marahil ay dahil sa
pakikipag-usap nito sa babaeng nakahawak pa rin sa braso nito. "Go on, mag-swimming
ka. I'll watch you from here," magaang na sabi nito sa kaniya. Pero tila nagpantig
ang tainga niya. Hahayaan siya nitong lumangoy sa dagat ng mag-isa habang abala ito
sa pakikipag-usap sa babaeng ito?

Naitikom niya ang bibig at hindi nakatiis na bumaba ang tingin niya sa braso nito
kung saan nakahawak pa rin ang babae. Ngali-ngaling hablutin niya ito palayo sa
babae. Ni hindi niya naisip, na darating ang panahon na makakaramdam siya ng
ganoong panibugho para sa iba. Pagkatapos ay umangat ang tingin niya kay Damon.
Bahagyang nag-iba ang pagkakatingin nito sa kaniya na wari'y binabalaan siya. Kahit
hindi ito magsalita ay alam niyang pinapagalitan siya nito. Pero para saan? Sa pag-
istorbo niya sa pag-uusap ng mga ito? It was supposed to be a vacation for the two
of them!

Bahagya niyang inangat ang noo at tinitigan ito. "Fine," mahinang sabi niya at
tinalikuran na ito. Nagkukukot ang kalooban niya. Sa kabilang banda ay naiinis rin
siya sa sarili niya dahil nagpapaka-childish siya. Pero kasi, hindi niya mapigilang
magngitngit kapag nakikita niya itong masaya sa presensiya ng ibang babae.

Bahagya siyang napasinghap nang maramdaman ang lamig ng tubig dagat. Pero dahil
masama ang loob niya ay nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa makarating siya sa
malalim. Napabuntong hininga siya nang marealize kung ano ang nararamdaman niya.
Nagseselos siya. Akala pa naman niya, nakalampas na siya sa emosyong iyon dahil
napansin niyang bihira ng lumabas sa mga broadsheets si Damon na may kasamang iba.
At kung lalabas man ito ay sinasabi nito sa kaniya kung para saan iyon.

Basically, everything is going well between them until today. Siguro nagiging
selfish lang siya. Masyado niyang mahal si Damon na gusto niya sa kaniya lang ito
maging masaya. Hindi siya makapaniwalang ganoon siya kasamang tao.

Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig siya ng malakas na pagtawag sa pangalan


niya. Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata niya nang makakita nang malakign alon.
Bago pa siya makareact ay nalamon na siya ng along iyon. Napapikit siya at
nahirapang huminga. Nataranta siya nang marealize na wala siyang maapakang
buhangin! Nagpapasag siya at nagpumilit umangat upang makakuha ng hangin pero
himbis na hangin ang makuha niya ay nakalunok pa siya ng tubig. Hanggang sa unti-
unting magdilim ang diwa niya. Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman
niyang may matigas na bisig ang biglang humawak sa kaniya.

NAPAUNGOL si Lettie sa mainit na haplos sa noo niya at sa buhok niya. Pagkatapos ay


dahan-dahan siyang dumilat. Mukha ni Damon ang agad na nakita niya. Bumakas ang
relief sa mukha nito. "I'm glad you're okay. Shit naman Lettie huwag mo akong
tatakutin ng ganoon!" angil nito sa kaniya na bakas ang pag-aalala.

Biglang nag-init ang mga mata niya nang maalala ang nangyari. Napahikbi siya. "N-
natakot ako. S-sorry I wasn't paying attention. Naiinis lang kasi ako kaya nagpunta
ako sa dagat. H-hindi ko naman alam na malayo na pala ako," umiiyak ng sabi niya.

"Shh," alo nito sa kaniya at niyakap siya. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng
mumunting halik sa mukha niya. "It's okay now. Mabuti na lang hindi ko inalis ang
tingin ko sa iyo. Nagtaka ako kung bakit palayo ka ng palayo. Tinawag kita nang
makita ko ang paparating na alon. Buti na lang nailigtas kita kaagad," sabi nitong
bahagyang nanginig ang bukas. "Naman, Lettie, bakit ba kasi nagpunta ka sa
malalim?"

Muli ay napahikbi siya. "K-kasi nainis ako. Gusto kitang ilayo sa babaeng iyon pero
sabi mo lumangoy ako mag-isa. Ayaw mong umalis sa tabi niya. Naiinis ako kasi hawak
siya ng hawak sa iyo, kasi ngumingiti ka sa kaniya. I-I am so selfish. G-gusto ko
ako lang ang pinapakitunguhan mo ng ganoon. That's what I'm thinking. Kaya hindi ko
namalayan yung alon," aniya rito.

Bahagya nitong inangat ang sarili at tumitig sa kaniya. Sinalubong niya ang mga
mata nito. "S-orry for being childish."

Inaasahan na niya na maiinis ito sa kaniya. Kaya nagulat siya ng ngumiti ito at
halikan siya sa mga labi. Ang init na nagmumula sa mga labi nito ay nagparelax sa
kaniya. "Wala kang dapat ipag-alala. Iyong iyo lang ako," nakangiti pa ring sabi
nito sa kaniya. "Besides, hindi ka dapat nagselos kay Pamela. Nag-uusap lang kami
tungkol sa mga bagay-bagay sa nakaraan. Pabalik na kasi siya sa maynila at alam
naman niya na may asawa na ako," paliwanag nito. "Ang bilis bilis mong magselos,"
pabiro pang sabi nito.

"That's because I love you!" nasabi niya bago pa niya marealize ang isinatinig
niya.

Nakita niyang natigilan ito. Pagkuwa'y marahan itong ngumiti at muli siyang siniil
ng halik sa mga labi. Sa pagkakataong iyon ay mas mainit iyon. Ang kamay nito ay
nagsimulang humaplos sa braso niya. Alam niya kung saan mapupunta ang halik at
haplos nito. At kung iyon ang sagot nito sa pagsasabi niya ng damdamin niya ay
buong puso niya iyong tutugunin.
Chapter Ten

"HINDI ko alam kung matutuwa ako o maiinis ako na mukhang ang saya-saya mo Lettie,"
matamlay na sabi ni Aya sa kaniya habang papunta sila sa cafeteria.

"I just want to take a leave too," frustrated na sabi ni Jena na dalawang linggo pa
lang mula ng nalipat ito bilang temporary secretary ng bagong head ng Designs
Department ay mukhang stressed na stressed na.

Natatawa siya sa itsura ng mga ito. Mukha kasing naubusan na ng energy ang mga ito.
Siya naman kasi ay tila palaging lumulutang sa nakaraang linggo dahil kay Damon.
Iyon lang, dahil masyadong mukhang problemado ang mga ito at hindi na ulit siya
kinulit tungkol sa love life niya ay hindi pa niya nasasabi sa mga ito na may asawa
na siya.

"Bakit Jena, terror ba ang bago mong boss?" takang tanong niya. Hindi pa kasi niya
nakikita ang bagong head ng designs pero nakakarinig na siya ng bulung-bulungan
tungkol dito.

Naitirik ni Jena ang mga mata. "Woody Sandejas is the bulliest of all the bully I
met in my life! And to think he's four years younger than us! Malapit na ko
magresign!" sabi pa nito.

Nakaramdam naman siya ng simpatya para dito. Napatingin naman siya kay Aya na
kapansin-pansin ang madalas na pagtahimik. Dati rati ito ang pinakamaingay sa
kaniya. "Aya, may problema ka ba?" tanong niya rito.

Kumurap ito at tumingin sa kaniya. "Ha? Wala no. Tara na ngang bumili ng pagkain,"
aya nito na halatang umiiwas.

Sumunod naman sila ni Jena. Nang nakaupo na sila sa lamesang nasa bandang dulo ay
agad na sumama ang timpla ng sikmura niya. Bigla rin siyang nakaramdam ng hilo sa
masangsang na amoy na iyon. Naitakip niya ang kamay sa ilong at bibig niya. "Ang
baho!" nasabi niya.

Napatingin sa kaniya si Jena at Aya na pumoporma na sa pagkain ng binili ng mga


ito. "Anong mabaho?" takang tanong ni Jena.

Tiningnan niya ang garlic rice na parehong binili ng mga ito. Lalong sumama ang
sikmura niya at tila maduduwal siya. Napatayo na siya dahil pakiramdam niya hindi
na niya mapipigilan ang pagduwal.

"Huy Lettie anong nangyayari sa iyo?" tanong naman ni Aya na napatayo rin.

Hindi na siya nakasagot dahil nagmamadaling tumakbo siya patungo sa restroom.


Mabuti na lang at walang tao sa unang cubicle. Doon siya nagsuka ng nagsuka.
Naiiyak siya sa sakit at sa pagkahilo.

Naramdaman niyang may humaplos sa likod niya. "Naku, may masama ka bang nakain ha?"
boses iyon ni Jena.

Inisip niya kung ano nga ang nakain niya at tila sinisikmura siya. Pero wala siyang
maisip kaya umiling-iling siya. Nang mahimasmasan ay inabutan naman siya ni Aya ng
tissue. Tinanggap niya iyon at pinunasan ang bibig at mukha niya. Hindi pa rin
nagsasalitang nagmumog at naghilamos siya. Hinihingal pa siya ng kahit papaano ay
umayos ang pakiramdam niya. Ang kaso ay nahihilo pa rin siya at nalalasahan niya pa
rin ang mapait ng likido sa lalamunan niya.

Nang mapasulyap siya sa salamin ay nakita niyang matamang nakatitig sa kaniya ang
mga kaibigan niya. "B-bakit?" nanghihina pa ring tanong niya sa mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito bago muling tumingin sa kaniya. "Lettie, mag-half day
tayo. Pumunta tayo ng ospital," sabi ni Aya.

"Sige, magpapaalam ako kay Woody na magha-half day din ako. Sasama ako," sabi naman
ni Jena.

Tuluyan na siyang humarap sa mga ito. "Ano ba kayo? Sinisikmura lang ako at medyo
nahihilo. Hindi ko na kailangang pumunta sa ospital," mahinang saway niya rito.

Humakbang palapit ang mga ito sa kaniya. "Ah talaga? O sige nga, ano iyong sinasabi
mo kaninang nababahuan ka?" tanong ni Jena.

"Yung garlic rice niyo."

"At kailan ka huling dinatnan?" tanong naman ni Aya.

Napatitig na siya sa mga ito. Parang alam na niya ang pinupunto ng mga ito. Ngayong
iniisip niya ay parang delayed nga siya. "Ah... you think... that I'm pregnant?"
tanong niya.

"You are pregnant!" sabay pang sabi ng mga ito. "Diyos ko, hindi ba magagalit ang
mama mo na nabuntis ka out of wedlock?! Lettie pumunta tayo ng ospital," sabi pa ni
Jena na inakay na siya palabas ng comfort room.

"Ah, you know actually –" Hindi na niya naituloy ang plano niyang pagpapaliwanag
dahil nakalabas na sila ng cafeteria. Nagtaka siya ng makitang nakatingin sa kaniya
ang mga tao roon.

"Nakita ka nilang tumakbo sa banyo na tila naduduwal. They might be thinking the
same thing. Mamaya lang bida ka na sa chismisan kaya dalian na natin," pabulong na
sabi ni Aya. Walang magawang nagpahatak na siya palabas ng cafeteria.

Ngunit sa paglabas naman nila ay nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang
makakasalubong niya – ang pinsan ni Damon na si Brett! Mukhang kahit ito ay nagulat
na makita siya roon. Pagkatapos ay nakita niyang saglit itong tumingin sa kaibigan
niya bago sa kaniya ulit. Napahinto tuloy sila sa paglalakad.

"Hey, what are you doing here Lettie?" gulat na tanong nito sa kaniya na para bang
matagal na silang magkakilala.

Bigla siyang kinabahan sa pagsulpot ng lalaking ito. "D-dito ako nagtatrabaho. E


ikaw bakit nandito ka?" kabadong tanong niya.

Bahagyang umangat ang mga kilay nito. "I am part owner of this company that's why,"
sabi pa nito na tama naman. Narinig niyang suminghap si Aya sa tabi niya pero hindi
na niya ito nagawang lingunin sa sunod na sinabi ni Brett. "Pero mas nakakagulat na
nagtatrabaho ka. How come the president's wife is acting like a simple employee?
Hindi ka gustong gastusan si Damon?" malakas na tanong nito dahilan para mapatingin
sa kanila ang mga taong nasa paligid. Si Aya at Jena ay napasinghap at napabitaw sa
kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Mabilis na nalapitan niya ito. "Shut up!"
saway niya rito.

Mukhang nagulat ito sa reaksiyon niya. Pagkuwa'y tila may naisip ito. Ngumisi ito
na tila may nadiskubre. "Ah, let me guess, hindi alam sa kumpanyang ito ang totoo
is that it?" tanong nito sa hindi nagbabagong tono. Hindi siya nakasagot. "Sabagay,
kung ako si Damon hindi ko rin sasabihin sa lahat na nag-asawa na ako. Afterall,
ayon sa imbestigasyon ko, ipinakasal ka ni lolo sa kaniya bilang kapalit ng
pagbabayad ni lolo sa milyong utang ng iyong ama. Sa totoo lang hindi ko makuha ang
gusto ni lolo pero nagpapasalamat ako sa kaniya na kay Damon ka niya ipinakasal,"
sabi nitong nakangisi pa.

Naramdaman niya ang panlalamig ng buong katawan niya sa sinabi nito. Nakikita niya
sa gilid ng mga mata niya ang mga empleyadong ngayon ay huminto na at nakatingin sa
kanila. Maging ang mga kanina ay nasa loob ng cafeteria ay lumabas upang
makiusyoso. Hindi niya gustong malaman ng mga tao ang relasyon niya kay Damon.

"And let me tell you something else," hindi pa rin papaawat na dagdag nito na
bahagya pang lumapit sa kaniya. "Do you know? The deal behind the reason why Damon
married you kahit hindi ka naman niya kilala at mahal?" tanong pa nito na
nagpakabog sa dibdib niya.

"A-anong sinasabi mo?" naiiyak ng tanong niya. Lalo siyang nanghihina sa sinasabi
nito. Nanlalabo rin ang paningin niya at lalo siyang nahihilo.

Nakita niyang bubuka na ang bibig nito para magsalita nang marinig niya ang
pagtunog ng elevator kasunod ng malakas at maawtoridad na tinig. "What's going on
here?"

Halos lahat sila ay napalingon kay Damon na umibis ng elevator kaagapay ang
sekretarya nito. Napalingon ito sa kaniya at nagtama ang mga mata nila. Ngunit
hindi niya masyadong mabasa ang nakasulat doon dahil talagang nahihilo na siya.
Pakiramdam niya ay matutumba siya anumang oras.

"Oh, the husband is here! I'm just chatting with your wife. At mukhang walang
kaalam-alam ang mga tao rito tungkol sa relasyon niyo. Kahit sa kaniya ay may hindi
ka sinasabi. That's so heartless cousin," sabi ni Brett dito.

"You came all the way here just to say that?" malamig na tanong ni Damon na
naglakad palapit sa kanila.

Pero hindi na niya nakita o narinig pa ang sunod na nangyari dahil tuluyan ng
bumigay ang mga tuhod niya at nahatak na siya ng kadiliman.

NANG sumunod na nagkamalay si Lettie ay amoy ng anticeptic ang una niyang napansin.
Sa pagdilat niya ay narealize niya na nasa isang maliit na silid siya. Bumangon
siya at iginala ang paningin sa paligid. Sa palagay niya ay wala siya sa ospital.
Marahil ay isang clinic iyon. Doon ba siya dinala nila Aya?

Nang maalala ang nangyari ay muli siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib niya dala ng
kahihiyan at pagkalito. Kahihiyan dahil tiyak na sentro na siya ng chismis ng mga
katrabaho niya. Pagkalito sa mga sinabi ni Brett sa kaniya tungkol sa inililihim ng
asawa niya.
Dahil kahit papaano ay mas maayos na ang kalagayan niya ay naglakad siya. Nakita
niya sa isang panig ang bag niya. Lumapit siya roon at kinuha iyon. Pagkatapos ay
dumeretso siya sa nag-iisang pinto sa silid na iyon. Nang makalapit siya roon ay
napansin niyang bahagya iyong nakaawang. Itutulak na niya iyon nang marinig niya
ang boses ng asawa niya.

"Are you sure she's okay?" tanong nito.

"Huwag kang mag-alala. Normal lang na mahilo siya. Kailangan niya maraming pahinga.
Sa tingin ko, kaya siya nawalan ng malay ay dahil sa shock at stress," sabi ng isa
pang boses lalaki. Isang marahas na buntong hininga ang sunod na narinig niya.
"Pare, ano ba talagang nangyari? Ni hindi mo sinabi sa aking nag-asawa ka na. In
fact, hindi ko akalaing magaasawa ka ng biglaan at walang pasabi. Why?" tanong
nito. Base sa tono nito ay naisip niya na baka kaibigan ito ni Damon.

Matagal bago sumagot si Damon. "I married her dahil iyon ang gusto ni lolo. Matagal
na naming pinag-usapan iyon. Na ibibigay niya lang sa akin ng tunay ang kumpanya at
ang shares niya sa legal na paraan kapag dumating ang panahong ikinasal na ako sa
babaeng gusto niyang mapangasawa ko. Kung tatanggi ako, kay Brett niya ipapakasal
ang babaeng iyon at kay Brett niya ibibigay ang dapat sa akin," sabi ni Damon.

Naitakip niya ang kamay sa bibig niya sa narinig at napasandal sa pader. Kung
ganoon, iyon ang sinasabi ni Brett na dahilan kung bakit siya pinakasalan ni Damon.
At kaya alam nito iyon dahil baka sinabi rin ni lolo Mel kay Brett ang tungkol
doon.

"Ah, iyan naman talaga ang gusto mo hindi ba? Ang makuha ang kumpanya at kayamanang
dahilan kung bakit pinalayas ng mga kamag-anak mo ang mama mo."

"Yes. At ilang buwan na lang tuluyan ng ibibigay sa akin ni lolo ang hinihingi ko.
So, I will make this marriage work as much as I can," matatag na sagot ni Damon.

Nag-init ang gilid ng mga mata niya. Kung ganoon, lahat ng ginagawa nito, lahat ng
kabaitan nito, ang mga halik at yakap nito ay dahil lang nais nitong makuha ang
kumpanya? Ano ba ang tingin nito sa kaniya? Isang bagay na maaring paglaruan ng
ganoon?

Bago pa siya maiyak at dumeretso na siya ng tayo. Hindi na siya papayag na makita
siya nitong umiyak. Ilang beses na siyang nagmukhang tanga sa harap nito.
Naipagkanulo pa niya ang sarili niya nang sabihin niya ritong mahal niya ito. At
ngayong naalala niya, kahit kailan ay hindi nito sinabing mahal din siya nito.
Nakalimutan niyang ang mga lalaki ay kayang makipagniig sa babae kahit wala itong
nararamdaman para sa babaeng iyon. Ang laki niyang tanga.

Humigpit ang hawak niya sa bag niya at humarap sa pinto. Pagkatapos ay matatag na
binuksan niya iyon. Sabay na napatingin ang mga ito sa kaniya. Nakita niyang
bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Damon pagkatapos ay tila nakahinga ito ng
maluwag na para bang nag-aalala talaga ito sa kaniya. Pero alam na niyang arte lang
ang lahat.

"Uuwi na ako," malamig na sabi niya at naglakad.

Natigilan ito pagkatapos ay lumapit sa kaniya. "Then, we are going home. Ako na ang
magdadala ng bag mo," sabi nitong tinangka siyang hawakan.

Mabilis na umiwas siya. "No need. Uuwi akong mag-isa at hindi sa bahay mo," matatag
na sabi niya rito. Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. Mapait siyang ngumiti.
"Huwag ka ng magkunwaring concern. Narinig ko ang mga sinabi mo. At huwag kang mag-
alala. Wala akong sasabihin kay lolo Mel para makuha mo ang gusto mo. But after six
months, maghiwalay na tayo" dere-deretsong sabi nito.

"What? Wait a minute Lettie!" saway nito sa kaniya.

"No! Ayoko na makinig sa iyo at baka maniwala ako. I don't want to stay married to
someone who doesn't love me Damon." Iyon lang at patakbo na siyang lumabas ng
narealize niya ay isa palang clinic na hindi kalayuan mula sa building ng Valencia
Furnitures. Madilim na sa labas pero hindi na niya alintana iyon. Agad siyang
pumara ng taxi. Nang makapasok siya sa loob niyon ay saka siya umiyak ng malakas.
Hindi niya akalaing ang masaya at perpektong pagsasamang inaakala niya ay puro
kasinungalingan lang.

TILA ipinako sa kinatatayuan niya si Damon habang maang na nakatitig sa pintong


nilabasan ni Lettie. Gusto niya itong habulin pero parang ayaw gumalaw ng mga paa
niya sa sinabi nito. Nais nitong hiwalayan siya pagkalipas ng anim na buwang usapan
nila ng lolo niya.

"Huy pare, hindi ngayon ang oras para matulala ka. Ayos lang ba sa iyo na hayaan
siyang umalis ng masama ang loob?" pukaw sa kaniya ng kaibigan niyang may-ari ng
first class clinic na iyon. Napalingon siya rito. "Mukhang narinig niya ang pinag-
uusapan natin. At base sa reaksiyon niya ay malamang iniisip niya na ginagamit mo
lang siya nang pakasalan mo siya. And honestly that's what I think too."

"Of course not!" mariing tanggi niya. "Oo, iyon talaga ang unang tingin ko sa
pagpapakasal ko. I don't really care kung sino pa ang babaeng piliin ni lolo sa
akin. But then, it was Lettie and I realized getting married is not bad after all,"
aniya rito.

Ngumiti ito sa kaniya at tinapik siya. "Huwag mo sa aking sabihin iyan, sa kaniya.
Hm, so it's true that a love can develop in an arranged marriage huh. Bilisan mo na
at puntahan mo na siya."

Gumanti siya ng tapik dito at mabilis na lumakad. Palabas na siya ng bigla siyang
tawagin nito ulit. "Oo nga pala. There's something you need to know," sabi nito na
ngumisi. "She's pregnant."

Kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito at literal na napatunganga siya rito. Nang
humalakhak ito ay namura niya ito. "You should have said that earlier damn!" angil
niya rito at binilisan na ang pagtakbo. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip
niya. Magkakaanak na sila ni Lettie. Pero balak nitong hiwalayan siya. Hindi siya
papayag. He would not let the only woman who made him so happy his whole life get
away.
Chapter Eleven
"LETTIE anak?! Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ng mama ni Lettie nang
mabuksan siya nito ng pinto. Natagpuan niya ang sarili niyang nagpahinto sa bahay
na pamana ng lola niya. Agad na niyakap niya ito at muling naiyak.

Inakay siya nito sa sala at pinaupo. Pagkatapos ay niyakap siya nito at inalo. Iyon
ang eksenang naabutan ng papa niya na mukhang kagagaling lamang sa pagpasyal sa mga
grocery stores nila na muli nitong binuksan sa tulong ng perang ibinigay ni lolo
Mel.

"Lettie! Bakit ka umiiyak anak?" tanong rin nitong umupo sa kabilang tabi niya.

"Bakit pa ba siya umiiyak? Natural ang asawa niya ang dahilan!" asik ng mama niya.
"Anong aasahan mo sa pagpapakasal na hindi nila mahal ang isa't isa?" dugtong pa
nito na lalo niyang ikinaiyak. Sinubukan siyang aluin ng mga ito.

Pagkatapos ay sa paputol putol na sinabi niya sa mga ito ang nalaman niya. Maging
ang katotohanang nahulog na ang loob niya sa asawa niya at ang katotohanang hindi
ganoon ang nararamdaman nito para sa kaniya ay sinabi niya rin. Isinama na niya
pati ang frustrations niya na sikreto sa kumpanya ang pagiging mag-asawa nila. Pati
mga insecurities niya dahil sa sinabi ni Brett sa kaniya. Habang nagsasalita siya
at patuloy sa pag-alo ang mama niya habang ang papa niya ay tahimik lamang at tila
na-iilang.

Nang matapos siyang magsalita ay tahimik lang ang mga ito. "Sana sinabi mo sa akin
ang lahat ng iyan."

Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang tinig ni Damon. Napatingin siya sa pintuan
ng bahay nila kung saan ito nakatayo. Base sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya ay
mukhang kanina pa ito roon. Napatayo siya. "A-anong ginagawa mo diyan?" tarantang
tanong niya.

Tumikhim ang papa niya. "Nakita ko siya sa gate natin kanina. Kasama ko siyang
dumating," sabi ng papa niya. Pagkatapos ay tumingin ito kay Damon. "Totoo ba ang
mga sinabi ni Lettie? Na hindi mo siya mahal at ginagamit mo lang siya? Alam ko na
ako ang may kasalanan kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon ang anak ko. Alam ko
na para ko siyang ibinenta sa pamilya niyo pero hindi ko mapapayagang masaktan ng
ganito ang anak ko!" galit na sabi ng papa niya.

"Tama. Hindi kami papayag na patuloy na masaktan ang anak namin ng dahil sa iyo!"
sabi rin ng mama niya.

Bumuntong hininga si Damon at lumakad palapit sa kanila. "Papa, Mama, alam ko na


marami akong dapat ipaliwanag kay Lettie. Pwede ko ho ba siyang makausap ng
sarilinan?" malumanay na tanong nito.

"No!" mariing sagot niya. Tumitig ito sa kaniya. Itinaas niya ang noo. "Kung may
sasabihin ka sabihin mo na agad. G-gusto ko ng magpahinga at ayaw kitang makita ng
matagal."

Nakita niyang tila may kumislap na sakit sa mga mata nito pero agad niyang pinalis
sa isip iyon. Malabong makaramdam ng ganoon si Damon. Muli ay nagbuga ito ng
hangin. "Fine. Inaamin ko na totoo ang lahat ng sinabi ko kanina." Para nitong
piniga ang puso niya sa sinabi nito. Napaatras siya. "Wait, let me explain Lettie.
That was my intention, originally. Noong hindi ko pa nakikilala kung sino ang
babaeng pakakasalan ko. Naisip ko noon na wala akong pakielam kahit sino pa ang
piliin ni lolo para sa akin. As long as I could get the company and avenge my
mother in my own way. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makasama kita. Hindi ba
sinabi ko na sa iyo ng ilang beses, when it's you, getting married is not that bad.
Totoo iyon.

"I enjoy your company. Gusto ko rin palagi kitang nakikita at nayayakap. Gusto ko
palagi kang nasa tabi ko. Alam ko hindi ako bokal na tao, pero sa sarili kong
paraan, kahit kaunti, hindi ko ba naiparamdam sa iyo kung gaano ka kahalaga sa
buhay ko?" sabi pa nito.

May bahagi ng puso niya ang nagsasabing naiparamdam nito sa kaniya ang sinasabi
nito. Pero sinasabi naman ng isip niya na huwag siyang maniwala. "Sinasabi mo lang
iyan dahil gusto mong manatili tayong masayang mag-asawa. Dahil kapag hindi, hindi
ibibigay ni lolo Mel sa iyo ang kumpanya. Tama na, you don't have to pretend
anymore," sa halip ay sagot niya rito.

Muli ay bumakas ang hinanakit sa mga mata nito. "Bakit ba hindi ka naniniwala sa
akin?" mahinang tanong nito.

"Paano ako maniniwala sa mga sinasabi ng isang taong ni hindi masabi sa lahat na
asawa niya ako? Kung papatawin kita, babalik na naman tayo sa dati. Mag-asawa na
naman tayo na hindi alam ng mga tao. Daig ko pa ang kabit na itinatago!"

"So, if that will get settled, maniniwala ka na ba sa akin?" tanong nito.

Iniwas niya ang tingin dito at tumalikod na. "Hindi ko alam. Dito ako matutulog,"
matatag pa ring sabi niya at nagsimula ng lumakad patungo sa hagdan.

"Then, come to the company tomorrow. Siguruhin mo na pupunta ka," malakas na sabi
nito. Hindi siya sumagot. "Be sure to come Lettie. This is also for the sake of our
child."

Napahinto siya at nanlalaki ang mga matang napalingon siya. Seryoso ang mukha nito.
"Then, aalis na ako," sabi nito at tumingin sa mga magulang niya at tipid na
nagpaalam. Nakaalis na ito ay nakatitig pa rin siya sa pinto.

"Hija, you're pregnant?" manghang tanong ng mama niya.

Napakurap siya at napahawak sa impis niya pang tiyan. Kung ganoon ay buntis nga
siya? Sa kabila ng nararamdaman niyang hinanakit ay nakaramdam siya ng kakaibang
saya. I'm going to have his baby.

PAULIT-ULIT na huminga ng malalim si Lettie habang nakatingala sa building ng


Valencia Furnitures. Kagabi ay nagdadalawang isip pa siya kung pupunta ba siya o
hindi. Pero kaninang umaga ay masinsinan siyang kinausap ng mga magulang niya. Ang
sabi ng mga ito ay pakinggan daw niya ang sasabihin ni Damon. Dahil buntis daw siya
ay mas dapat daw na maging bukas siya sa paliwanag ni Damon. Pagkatapos daw niyang
marinig ang gusto nitong sabihin ay saka siya magdesisyon. Dahil sa pagkakataong
iyon ay hindi lang daw siya magdedesisyon para sa sarili niya kung hindi pati sa
magiging anak niya.

Kaya ngayon ay nasa tapat siya ng company building nila at umaamot ng lakas para
pumasok roon. Hindi pa siya kumikilos ay nagring na ang cellphone niya. Napukaw
niyon ang atensiyon niya. Nang makita niyang si Aya ang tumatawag sa kaniya ay agad
niya iyong sinagot.

"Asan ka?" tanong agad nito.

"P-papunta na ako sa company. Bakit?"

"Bilisan mo pumunta. Nasa lobby ang lahat ng empleyado. May announcement daw na
gagawin si Mr. President. Tapos nilapitan kami ni Jena kanina ni Miss Lanie,
siguruhin ko raw na pupunta ka. Ano ba ang ibig sabihin nito Lettie? Kailan ka pa
nag-asawa? At si president!?!" tanong nito.

Kumabog ang dibdib niya at muling napatingin sa building. "S-sige pupunta na ako
diyan," iyon lang ang sinagot niya at pinatay na ang cellphone niya. Muli siyang
huminga ng malalim at tuluyan ng pumasok sa loob.

Marami ngang tao sa lobby ng makapasok siya. Sa isang panig ay may platform na may
micropone stand. Kumabog ang dibdib niya nang makita niyang lumakad patungo doon si
Damon kasunod ang sekretarya nito. Nagkaroon ng bulung-bulungan. Nang nakatayo na
si Damon sa platform at iginala nito ang paningin sa paligid. Huminto iyon sa panig
niya. Kahit na may kalayuan siya rito ay sigurado siyang nagtama ang kanilang mga
mata. Pagkuwa'y hindi inaalis ang tinging lumapit ito sa mikropono.

"I gathered everyone today because I have an announcement to make," panimula nito
dahil upang matahimik ang lahat ng mga taong naroon. Siya naman ay pigil ang
hiningang hindi rin inaalis dito. "This might be late but few months ago, I got
married." Nagkaroon muli ng bulungan. "It was supposed to be a pure business matter
on both sides. We were practically strangers to each other. In fact, due to
business reasons, napagdesisyunan naming huwag munang sabihin sa lahat na
nagpakasal na kami.

"But the day after our marriage, I accidentaly saw my wife in this lobby. Noong ko
lang nalaman na dito siya nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Noong araw na iyon, akala
ko magiging mahirap para sa akin na dito siya nagtatrabaho. Akala ko maiirita ako
na nasa iisang kumpanya kami."

Lumakas na ang bulungan sa paligid at nagpalinga-linga ang mga tao roon. Marahil
hinahanap nila kung sino ang tinitingnan ni Damon. At nang may isang nakakita sa
kaniya ay itinuro siya sa iba. Pero hindi tulad kahapon na halos lumubog siya sa
kinatatayuan ay nawalan siya ng pakielam sa mga ito. Hindi niya inaalis ang tingin
kay Damon. At nang bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito na sigurado siyang
ngiti ay tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya.

"But I was wrong. Himbis na mainis ako, I always look forward to a chance to see
her. Kaya kahit hindi naman dapat, gumagawa ako ng dahilan para magpunta ng lobby
at tingnan kung ano nang ginagawa niya. It was as if being with her at home is not
enough for me. Gusto ko palagi ko siyang nakikita. Nagising na lang ako isang
umaga, na wala nang ibang laman ang isip ko kung hindi siya. For the first time
since I became the president of this company, ipinasa ko ang maraming trabaho sa
iba para lang makapagbakasyon kami kahit tatlong araw lang."

Nakagat niya ang ibabang labi sa implikasyon ng mga sinasabi nito. Na kahit ang una
nitong intensyon ay purely business lang, in time ay naging importante rin siya sa
buhay nito.

"Sapat na bang dahilan ang lahat ng sinabi ko para maniwala ka sa akin Lettie?"
tanong nito sa kaniya.

Nang banggitin nito ang pangalan niya ay agad napunta sa kaniya ang tingin ng mga
taong kanina ay abala pa rin sa paghahanap ng tinutukoy ni Damon. Lumunok siya at
nagsimulang lumakad palapit dito. Sa hindi niya malamang dahilan ay nagkakaroon
siya ng daan sa dami ng mga tao roon. "K-kung sasabihin mo sa akin ang gusto kong
marinig, maniniwala ako sa iyo," sabi niya rito. Huminto siya sa mismong harap ng
platform. "Sinabi ko na sa iyo ang nararamdaman ko ng isang beses pero ikaw kahit
kailan wala kang sinabi."

Ngumiti ito at umalis sa mikropono at bumaba. Sa isang iglap ay magkaharap na sila.


Umangat ang kamay nito sa pisngi niya at pinakatitigan siya. "Lettie, I thought you
get it already. Of course, I love you. Hindi ako magiging ganito kasaya at
kakuntento sa piling mo kung hindi kita mahal."

"Damon, bakit ngayon mo lang sinabi? Siyempre kahit alam ko gusto ko pa rin marinig
mula sa iyo," aniya rito.

Mahina itong tumawa. "Akala ko ba kilala mo na ako? Hindi ako bokal na tao hindi
ba? Ngayon nga lang ang pinakamaraming salitang nasabi ko sa loob ng ilang minuto
para lang makuha mo kung ano ka sa buhay ko. So please,huwag na huwag mo ulit
sasabihing makikipaghiwalay ka sa akin dahil hindi ako papayag. Lalo na ngayon na
magkakaanak na tayo," sabi pa nito.

Yumakap siya rito. "Oo nga. Kaso nainsecure ako. Kumpara sa iyo normal lang ako. Ni
hindi ko nga magets dati kung bakit gusto ni lolo Mel na ako ang mapangasawa mo
kahit pa sabihing nangako siya sa lola ko. Noong una, ayoko rin magpakasal sa iyo.
Pero nang makilala na kita ng husto, naisip ko rin, na masaya naman pala mag-asawa.
Then I woke up and realized that I am already in love with you. Tapos kagabi, nang
makumpirma ko sa iyo na buntis ako, natuwa ako. At the same time narealize ko na
hindi ko kayang mawala ka. Pero nagmamatigas lang ako. Buti na lang kinumbinsi ako
nila mama kaya nagpunta ako rito. I'm glad I came," aniya rito.

Niyakap siya nito at pinakatitigan. "Kung totoo iyan, then marry me again. This
time for the whole world to see. Para malaman ng lahat na akin ka lang at ako ay sa
iyo."

Napangiti siya. "Matagal ko ng hinihintay na sabihin mo iyan," aniya rito.

Gumanti ito ng ngiti at muling hinaplos ang pisngi niya. "Sorry, kung ngayon lang,"
sabi nito at hinagkan siya sa mga labi.

Nakarinig siya ng masigabong palakpakan. At pati mga paru-paro sa sikmura niya ay


tila nagdidiwang. Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito at buong pusong gumanti
ng halik sa asawa niya.

Yes, he's no longer a stranger. Dahil ito na ang lalaking pinakamamahal niya, ang
lalaking makakasama niya habambuhay. Ah, iniisip pa lamang niya na tatanda siya,
magkakaanak at magkakaapo na ito ang kasama niya ay nagdudulot sa kaniya nang
mainit at masayang pakiramdam.

"I love you," magkapanabay pa nilang nasabi nang maghiwalay ang mga labi nila.
Pagkuwa'y sabay silang napangiti.
Epilogue
HINDI mapagkit-pagkit ang ngiti sa mga labi ni Melchor habang pinagmamasdan niya
ang mag-asawang Damon at Lettie. Nasa bakuran sila ng pamilya Padillia, sa malaking
bahay na pag-aari ng pinakamamahal niyang si Kristina para sa reception ng kasal sa
simbahan ng dalawa.

Sa kahilingan ni Lettie na agad niyang pinayagan, ay doon ginanap ang reception ng


kasal ng mga ito. Kumpleto ang pamiya nito at maging ang mag-anak niya na dati ay
palaging nag-aaway ay nagpunta pa rin sa kasal. Siya ay nakaupo sa silyang siya
mismo ang may gawa at palaging inuupuan ni Kristina kapag dinadalaw niya ito roon.
Regalo niya iyon dito nang araw na ikasal ito. Natatandaan niya na palaging sa
puwestong iyon nito pinagmamasdan ang pamilya nito.

Kristina, nagawa ko na ang pangako ko. At tama ako ng sapantahang silang dalawa ang
bagay sa isa't isa. Nangingiting kausap niya rito sa isip niya.

"Lolo Mel!" tawag sa kaniya ni Lettie na nakangiting lumapit sa kaniya. Napakaganda


nito sa traje de boda nito. "Ano hong ginagawa niyo diyan?"

Ngumiti rin siya. "Pinagmamasdan ko kayo hija. Talagang bagay na bagay kayo ni
Damon at halatang mahal ninyo ang isa't isa. Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong
pagmamatch-make sa inyong dalawa," sabi niya rito.

Napahagikhik ito at napahawak sa tiyan nito. May bahagyang umbok na roon. "Ito nga
ho at may nabuo sa matchmaking niyo," pabirong sabi nitong ikinatawa niya.

"What are you two doing in here? Hinahanap kayo ng mga bisita," sabi ng apo niyang
si Damon na nakalapit na rin sa kanila. Napangiti siya nang makitang awtomatikong
hinapit nito sa baywang ang asawa nito. "Lolo bakit ba nandito kayo sa sulok?"
tanong nito sa kaniya.

"Mas maganda ang view rito. Sige na nga at magpunta na kayo sa mga bisita ninyo.
Huwag niyo akong alalahanin dito," taboy niya sa mga ito.

"Lolo Mel, naalala niyo si lola no?" nakangiting tanong ni Lettie. "Natatandaan ko
na palaging pwesto ni lola iyang kinauupuan niyo. Kapag bumibisita kayo dati
palaging dito kayo naguusap na dalawa."

Ngumiti siya. "Kung alam niyo na ay sige na't magbalik na kayo roon. Hayaan niyo na
ako dito," taboy niya sa mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito at nagpaalam sa kaniya. Pinagmasdan niya ang mga ito
habang magkaagapay na naglalakad pabalik sa mga bisita. Pagkuwa'y napatingala siya
sa langit kasabay ng pagsandal niya. "Alam kong masaya ka kung nasaan ka man
Kristina," nakangiting bulong niya sa hangin. Pagkuwa'y nakangiti pa ring pumikit
siya. Nakikinita pa rin niya roon ang nakangiting mukha ni Kristina. Katulad ng
dati ay nakaramdam siya ng bahagyang kirot sa dibdib na nagpapatunay na sa kabila
ng nakalipas na ilang dekada, ay ito pa rin ang itinitibok ng puso niya.

I hope in our next life, ako na ang lalaking mamahalin mo ng husto Tin. Dahil
sigurado akong ikaw pa rin ang tanging babaeng mamahalin ko kahit ilang beses pa
akong mabuhay sa mundo. And soon, I will see you again.

~WAKAS~

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

You might also like