You are on page 1of 46

zzzzzzzzzzzzzzzzzz==================zzzzzzzzzzzzzzz

CRAZY IN PINK (THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY spin-off)

Part 1

NAG-INAT si Winnie hanggang mapahiga na siya sa sahig kung saan siya nakasalampak
ng upo. Sa harap niya ay ang laptop niya na nakapatong sa center table. Nagkalat sa
magkabilang gilid ng laptop ni Winnie ang mga papel na sinulatan niya ng maraming
impormasyong nakolekta niya para sa mga artikulong isinulat niya magdamag.
Sandaling ipinikit niya ang mga mata upang ipahinga ang mga iyon.

                        "Hay, sa wakas tapos na. Akala ko hindi ako aabot sa


deadline," pabuntong hiningang bulalas ni Winnie.

                        Writer si Winnie para sa isang news website na nakabase sa


Amerika at isang showbiz website naman sa pilipinas. Entertainment news ang
sinusulat ni Winnie sa parehong website. Subalit hindi tulad ng ibang manunulat na
kailangan talagang magpunta sa location o kaya ay humabol ng mga personalidad,
nagagawa ni Winnie ang trabaho niya kahit nasa loob lang siya ng kaniyang
apartment. Ang column kasi niya na Online Gossips ay tungkol sa mga balita na viral
sa internet world. Kinukuha ni Winnie ang mga impormasyon niya sa mga video na
kumakalat sa internet, sa mga pinag-uusapan sa kung anu-anong fandom forums ng mga
personalidad, mga haters at kung anu-ano pa.

Maraming taon nang iyon ang trabaho ni Winnie at kada artikulo ang bayad sa
kaniya.    Kumportable siya sa ganoong trabaho dahil mas gusto talaga niya iyon
kaysa mag opisina at makisama sa mga tao. At least, sa trabaho niya through emails
at chats lang siya nakikipag-usap. Hindi sa ilag siya sa iba. Katunayan
kabaligtaran ang tunay na nangyayari. Noon pa man may tendency ang ibang tao na
maging ilag kay Winnie. If not uncomfortable, then they were making fun of her.
Hindi niya alam kung bakit.

Oh well, wala naman siya masyadong pakielam sa iba. Kaunti lang ang taong talagang
may interes siya at ang mga taong iyon ang mahalaga para sa kaniya.

                        Biglang dumilat si Winnie. "Kailangan ko ng makakapagpawala


ng pagod ko." Ngumiti siya at bumangon. Gumapang siya patungo sa LCD television
niya at binuksan iyon. Pagkatapos pinindot niya ang play button ng DVD player niya.
Lately kasi isang DVD lang naman ang laman ng player na iyon. Nang lumitaw sa
malaking screen ang isang tennis match agad na umatras si Winnie at itinutok ang
tingin sa screen. Subalit hindi sa naglalaro sa court napunta ang atensiyon ni
Winnie kung hindi sa hilera ng mga nakaupong manonood na pinakamalapit sa court.
Matamis na napangiti siya nang makita ang lalaking nakaupo roon at tutok na tutok
ang atensiyon sa panonood ng tennis game.

                        "Hay, Jeremy, kahit sa video ang guwapo guwapo mo,"


pabuntong hiningang bulalas ni Winnie. Kinilig siya nang maging close up ang kuha
ng camera kay Jeremy. Ang mga matang iyon na kahit hindi nakangiti ay tila kay amo,
those perfectly shaped nose, ang mga labi na iyon na bahagyang naka-pout na para
bang inaalok ang kahit na sinong halikan ito at ang seryosong anyo. Muli siyang
napabuntong hininga. Perfect.

Kahit sa kasalukuyan ay naka-mute ang video alam ni Winnie na may sinasabi ang
commentator tungkol kay Jeremy. After all, ilang beses na niya napanood ang video
clip na iyon.

                        Si Jeremy ay manager ni Riki Montemayor, isang tennis


player na purong pinoy. Pride ng pilipinas si Riki Montemayor. Dalawang taon lang
ang nakararaan ay nagkaroon ng pagkakataon si Winnie na makilala ng personal si
Riki Montemayor. Naging bodyguard kasi ng lalaki ang matalik na kaibigan ni Winnie
na si Ailyn. Matapos ang maraming pangyayari ngayon ay asawa na ni Riki ang babae.
Dahil din kay Ailyn kaya nakilala ni Winnie si Jeremy.

                        She has been in love with him ever since. Sa simula hindi
alam ni Winnie kung bakit hindi niya maialis ang tingin kay Jeremy nang una silang
magkita. Kahit pa ubod ng guwapo ang binata hindi naman ito ngumingiti. Ni hindi
nga pinapansin masyado ni Jeremy si Winnie. Yet, she could not deny the fluttering
of her heart whenever she thinks of him. Hanggang napagtanto ni Winnie na in-love
siya kay Jeremy. Hanggang ngayon, matapos ang dalawang taon ay hindi pa rin
nawawala ang damdamin niya para sa binata.

Mula pa noon, palaging naiisip ni Winnie kung ano kaya ang hitsura ni Jeremy kapag
ngumiti at tumawa na ito. Sa ilang beses kasi na pagkikita nila hindi pa niya
nakitang ngumiti ang binata. Kaya nabuo ang desisyon ni Winnie na gawing misyon ang
mapangiti si Jeremy.

                        Nagbago ang eksena sa screen. Ibang game na iyon at muli


nahagip ng camera si Jeremy. Muli napabuntong hininga si Winnie. Ang totoo,
collection of clips ang DVD na nakasalang sa player niya. Mga video na kasama si
Jeremy. Si Winnie mismo ang nag-edit at nag burn niyon sa DVD. It is her precious
treasure. Sa ngayon kasi sa ganoon lang niya nakikita si Jeremy. Ilang buwan na
kasing nasa Amerika ang binata kasama si Riki dahil sa tennis matches ng huli.
Nakaabot kasi sa finals si Riki kaya napatagal sa amerika ang dalawa.

                        "Pero malapit na tayong magkita. Last game na bukas. Uuwi


ka na ng pilipinas at makikita na kita," kausap ni Winnie sa screen.

                        Biglang tumunog ang cellphone niya. Napakurap siya at


iginala ang tingin sa sala ng apartment niya. Nasaan na ba ang cellphone niya?
Nakalkal ni Winnie ang gadget na bihira niya gamitin sa ilalim ng unan na nasa
sofa. Napangiti siya nang makita kung sino ang tumatawag.

                        "Hello!" masiglang bati ni Winnie.

                        "Sabi ko na nga ba gising ka pa," natatawang sagot ni Ailyn


sa kabilang linya.

                        "Gising pa, talaga. Hindi gising na?" nakangising tanong ni


Winnie.

                        "Oo. Masyado kitang kilala. Alam ko rin na bukas ang LCD TV


mo at pinapanood mo na naman ang mga video clips ni Jeremy."

                        Natawa si Winnie at muling napatitig sa telebisyon.


Gumapang siya uli upang abutin ang remote control. Pinindot niya ang paused button
sa eksena na naka-close-up ang mukha ni Jeremy. "Bakit napatawag ka ng ganito
kaaga?"

                        "Gusto mong mag-almusal sa labas kasama ako? Bigla kong na-


miss ang mga panahong tumatawid ako sa apartment mo ng ganitong oras para mag kape.
Saka may sasabihin ako sa iyo," sagot ni Ailyn.

                        Sa katabing apartment kasi ni Winnie dati nakatira si


Ailyn, noong hindi pa nag-aasawa ang kaibigan niya. Ngayon nakatira na si Ailyn sa
condo ni Riki. Sa pagkakaalam ni Winnie nagpapagawa na ng bahay ang lalaki na
lilipatan nito at ni Ailyn.
"Sige, saan?" tanong niya. Nami-miss na rin kasi ni Winnie si Ailyn. Sa apartment
building na iyon kasi, ang babae lang ang kasundo niya.

                        Sinabi ni Ailyn ang pangalan ng coffee shop na ilang minuto


lang ang layo mula sa apartment ni Winnie. Kayang kaya niya iyong lakarin. Saglit
lang nagpaalam na sila sa isa't isa. Mabilis na pinatay ni Winnie ang laptop niya.
Kasunod ang telebisyon at DVD player. Tumayo siya at nag-inat at sandaling napaisip
kung magpapalit ba siya ng damit o hindi. Naka maluwag na t-shirt at maong shorts
lang kasi siya. Pero tinamad siya magbihis kaya inayos na lang niya ang
pagkakapusod ng buhok niya, kinuha ang wallet niya, saka lumabas ng apartment.

                        May mga tao na sa labas ng apartment building. Sa isang


panig pa nga ay mga nanay na abala sa pag-tsi-tsismisan. Napahinto sa pagsasalita
ang mga babae at napatingin kay Winnie nang dumaan siya. Gusto sana niyang batiin
ang grupo kung hindi lang sa makahulugang tingin ng mga ito. Nilampasan na lang
niya ang grupo dahil alam niya na pag-uusapan na naman siya ng mga babaeng iyon.

                        Ano ang trabaho niya? Bakit siya nagkukulong lang sa


apartment niya? Wala ba siyang ibang pamilya? Paano siya nabubuhay? Kabit ba siya
ng kung sino? May criminal record ba siya kaya nagtatago doon?

                        Ganoon ang mga tanong na ilang taon nang patungkol kay


Winnie. Tinatawanan lang nila iyon ni Ailyn. Naisip ni Winnie, bakit niya itatama
ang mga sapantaha ng mga tao sa lugar nila? Kapag ginawa niya iyon mawawalan ng
pagkakaabalahan ang mga babae doon. Kawawa naman.
Part 2
                        NAPANGITI kaagad si Winnie nang makitang nasa coffee shop
na si Ailyn. Ngumiti ang kaibigan niya nang makita siya at kumaway. Kahit
napangasawa ni Ailyn ang isa sa pinakamayamang lalaki sa pilipinas ang ayos ng
babae ay katulad pa rin noon. Pantalong maong at simpleng blouse. At habang ang
ilang customer doon ay tinapunan ng kakaibang tingin si Winnie – sa suot niya
sigurado siya – si Ailyn hindi ganoon ang reaksyon nang makita siya.

                        Agad na nagyakap silang magkaibigan nang makalapit si


Winnie.

"Base sa hitsura mo kakatapos mo lang magsulat ano?" nakangiting tanong ni Ailyn


nang makaupo na sila pareho at maka-order na ng kape at pagkain.

                        "Oo. Libre na uli ako ng ilang linggo. At ikaw, kamusta ang


security agency?" tanong ni Winnie. Dati kasing bodyguard si Ailyn sa security
agency na pagmamay-ari ng tiyuhin nito. Ngayon na hindi na nagtatrabahong bodyguard
si Ailyn, ang babae na ang namamahala ng security agency.

                        "Maganda ang negosyo ngayon. Nagdagdag ako ng agents. At


dahil Montemayor na ang apelyido ko ngayon, mas marami na kaming kliyente," sagot
ni Ailyn. "Anyway, huwag natin pag-usapan iyan. May mas importante akong sasabihin
sa iyo. Kailangan ko ang tulong mo para dito."

                        Biglang nasundot ang kuryosidad ni Winnie dahil halata ang


pagkasabik sa tinig ni Ailyn. "Ano?"

                        "Gusto kong mag-organize ng welcome home party para kay


Riki. Iba sa party na siguradong i-oorganisa ng mga sponsors niya rito sa maynila.
Manalo o matalo man siya siguradong magaganap ang party na iyon dahil pasok siya sa
finals. Gusto ko ng isa pang party na malalapit na kaibigan lang ang kasama. Parang
get-together na rin. Tulungan mo ako mag organize, tutal sabi mo naman libre ka
nang ilang linggo," sabi ni Ailyn.
                        Napaderetso ng upo si Winnie at napangiti. "Siyempre kasama
si Jeremy sa mga magiging bisita tama?"

                        Natawa si Ailyn at tumango. "Oo naman. Hindi puwedeng hindi


kasama si Jeremy. Alam ko na namimiss mo na siya," kindat pa ng kaibigan niya.

                        Ngumisi si Winnie. "Kung ganoon tutulungan kita. Basta


tutulungan mo akong masolo si Jeremy as much as possible. Hindi pa ako sinasagot ng
lalaking iyon eh." Katunayan, hindi pa nakakapagtapat ng pag-ibig si Winnie sa
binata. Hindi kasi siya makahanap ng tiyempo. Pero ngayon sisiguruhin niyang
magkaka-moment silang dalawa.

                        Gumanti ng ngisi si Ailyn. "Huwag ka mag-alala. Tutulungan


kita. Suportado kita sa love life mo kasi sinuportahan mo rin ako dati eh."

                        "Salamat."

                        "Besides, talagang malaki ang posibilidad na masolo mo si


Jeremy. Kasi ang plano ko, sa isla nina Raiven gawin ang party. Nakausap ko na sila
ng asawa niya at pumayag sila," imporma ni Ailyn.

                        Si Raiven Montemayor ay panganay na kapatid ng asawa ni


Ailyn na si Riki. Noong ikinasal si Raiven, niregaluhan nito ng isla ang
napangasawa nitong si Lauradia.

                        Bigla may naisip na ideya si Winnie. May sumilay na pilyang


ngiti sa kaniyang mga labi. "Tutulungan kita. Pero kapag ako naman ang humingi ng
tulong sa plano ko, tutulungan mo rin ako ha? Tapos tutulungan mo ako na
kumbinsihin ang iba na tulungan ako. Ayos ba?"

                        Umangat ang mga kilay ni Ailyn. "Anong plano?"

                        "Sa susunod ko na sasabihin. Hindi pa pulido eh," ngisi ni


Winnie.

                        Ngumiwi si Ailyn. "Winnie, you're thinking of something


crazy again? Nakikita ko sa ngiti mo."

                        Hindi nagsalita si Winnie subalit makahulugang ngumiti.

                        MAY kilabot na gumapang sa likod ni Jeremy, deretso sa


batok niya. Napakunot noo siya at napahinto sa paglalakad sa lobby ng hotel kung
saan sila nanunuluyan ni Riki habang nasa Amerika sila. What was that for?
Nagpalinga-linga si Jeremy subalit wala namang ibang tao roon maliban sa kaniya.
Bakit kaya bigla siyang kinilabutan?

Ipinilig ni Jeremy ang ulo, umiling at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa silid ni


Riki. May keycard siya ng silid ni Riki kaya hindi na siya kumatok at dumeretso na
sa pagpasok doon. Agad na narinig ni Jeremy ang boses ni Riki na parang may kausap.

"I know, I miss you too."

Napailing si Jeremy sa malambing na tinig na iyon ni Riki. Hindi pa man alam na


niya na ang kausap ng matalik niyang kaibigan ay ang asawa nito na nasa pilipinas.
Nang makita ni Jeremy si Riki muntik na siyang matawa sa ekspresyon sa mukha nito.
Mukhang maamong tupa si Riki, malayo sa palaging magaspang na anyo nito bago
nakilala si Ailyn.
Napansin ni Riki ang presensiya ni Jeremy at sumenyas sa kaniya bago nagpaalam kay
Ailyn. Nang ibaba ni Riki ang telepono ngising ngisi pa rin ito.

"Para sa lalaban ng finals bukas, masyado ka yatang relax," puna ni Jeremy.

Umiling si Riki at sumalampak ng upo sa sofa. "Na-relax lang ako nang tawagan ko si
Ailyn. Kanina hindi ako mapakali. Kung hindi ko siya nakausap baka hindi ako
makatulog magdamag at makaapekto sa performance ko bukas."

Umupo si Jeremy sa katapat na sofa ni Riki at marahang tumango. "Then,


magpapasalamat ako kay Ailyn pagbalik natin sa pilipinas."

Ngumisi si Riki. "Ako rin. Oo nga pala, may nangungumusta sa iyo." Naging mapanukso
ang ngiti ni Riki.

Napangiwi si Jeremy at biglang nailang. Parang kilala na kasi niya kung sino ang
tinutukoy ng kaibigan niya. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit bigla siyang
kinilabutan? "I don't want to know."

Tumawa si Riki. "Sasabihin ko pa rin sa iyo. Kinukumusta ka daw ni Winnie. Excited


na raw siyang makita ka uli. Magkasama sila ni Ailyn ngayon. Nag-aalmusal." Umaga
kasi sa pilipinas habang gabi naman sa kanila.

Napailing si Jeremy at lalo lang napangiwi. Si Winnie ay matalik na kaibigan ni


Ailyn. Noong una pa lang nakita ni Jeremy si Winnie nailang na kaagad siya. Iba
kasi tumingin ang dalaga, matiim, na para bang kapag nakipaglaban ka ng titigan ay
siguradong matatalo ka. She also wears her emotions on her sleeve and she doesn't
seem to mind. Para bang walang pakielam ang dalaga kung malaman ng buong mundo ang
nararamdaman nito. Kabaligtaran niya na sinisigurong walang nakakabasa sa nasa loob
niya. Hindi maganda sa trabaho niya kung magpapakita siya ng emosyon.

Alam kaagad ni Jeremy una pa lang na nag ka-crush sa kaniya si Winnie. Hindi naman
kasi itinatago iyon ng dalaga. Halata palagi sa titig ni Winnie sa kaniya ang
nararamdaman nito. Noong una naisip ni Jeremy na mawawala rin iyon. After all,
hindi naman si Winnie ang unang babae na nagpakita ng interes sa kaniya. Naisip
niya na kapag hindi niya pinansin ang dalaga mawawala na ang pagkakagusto nito sa
kaniya. Ang kaso nagkamali si Jeremy. Sa ilang beses na pagkikita nila ni Winnie
kumikislap pa rin ang mga mata ng dalaga kapag nakatingin sa kaniya.

"Sa totoo lang, takot ako sa babaeng iyon," sabi ni Jeremy.

Umangat ang kilay ni Riki. "Ikaw may kinatatakutan? At si Winnie? Bakit?"

Napabuga siya ng hangin. "Do you even have to ask? Iba siya tumingin Riki. She's
almost... crazy," sagot ni Jeremy. Kahit ang totoo may pakiramdam siya na higit pa
roon ang ikinatatakot niya kay Winnie. Hindi lang niya maipaliwanag.

Pumalatak si Riki. "Ilang beses ko na nakausap si Winnie. Matino siya. In fact,


matalas ang isip niya. Sa iyo lang naman nag-iiba iyon. Give her some credit. She's
cool, really."

Kumunot ang noo ni Jeremy at nagdududang tinitigan si Riki. "Bakit parang gusto mo
akong ireto sa kaniya?"

Riki smiled sheepishly. "Actually, sabi ni Ailyn i-build up ko raw sa iyo ang
kaibigan niya."

Napailing si Jeremy. "Sinasabi ko na nga ba. Ikaw, dahil lang sinabi ng asawa mo
irereto mo na ako kung kani-kanino? Paano ang pinagsamahan natin ng matagal na
panahon?"

Natawa si Riki. "Come on, Jeremy. Kung magsalita ka naman parang katapusan na ng
mundo kapag na-involve ka kay Winnie. You don't like her that much?"

"She's not my type."

"Iyan din ang sinabi ko noon tungkol kay Ailyn. Tingnan mo kung ano kami ngayon."

Tumayo na si Jeremy dahil talagang hindi na siya kumportable sa usapan nila.


"Babalik na ako sa hotel room ko. Tiningnan ko lang ang kalagayan mo. Pupuntahan
kita bukas ng umaga," paalam niya.

Tinaasan siya ng mga kilay ni Riki. "Running away?" buska ng kaibigan niya.

Nagkibit balikat si Jeremy. "Say anything you want, I don't care. See you
tomorrow." Iyon lang at lumabas na siya ng silid ni Riki. Pilit binura ni Jeremy sa
isip ang napag-usapan nila ng kaibigan niya.

Getting involve with Winnie? Geez, no way.


Part 3

"YES!" masayang bulalas ni Winnie at napatalon pa sa tuwa nang matapos ang tennis
match. "Uuwi na sila. Yes!" muli ay sabi niya.

"Winnie. Masyado kang masaya. Natalo si Riki, no?" saway ni Ailyn sa kaniya.

Natigilan si Winnie at napangiwi. "Ah. Oo nga pala." Nilingon niya ang kaibigan
niya na tila maiiyak na. Umupo siya sa tabi ni Ailyn at niyakap. "It was a good
game," alo niya.

Nasa loob sila ng condo ni Riki. Doon sila nanood dahil gusto ni Ailyn na may
kasama. "Kung puwede ko lang iwan ngayon ang security agency sumama sana ako sa
kaniya. Sa susunod talaga sasama na ako para suportahan siya. He must be devastated
now," sabi ni Ailyn.

Napabuntong hininga na sumulyap si Winnie sa tv screen. Pinapakita pa rin si Riki.


Lumapit na si Jeremy sa lalaki at paakbay na tinapik si Riki na nakayuko. Parehong
mukhang walang emosyon ang mukha ng dalawa subalit may pakiramdam si Winnie na
maraming emosyon ang naglalaro sa loob nina Jeremy at Riki. Lalo na si Jeremy.
Dahil kahit noon at least si Riki nagpapakita ng emosyon kapag galit at inis. Lalo
na ngayong nag-asawa na ang lalaki. Pero si Jeremy, palaging seryoso. Gustong
gustong alisin ni Winnie ang maskara na iyon ni Jeremy.

Gagawin kong misyon kapag nasa pilipinas na sila, desididong naisip ni Winnie.

Nag-ring ang telepono at sabay silang napaigtad ni Ailyn. "Siguradong isa sa


pamilya ni Riki ang tumatawag," usal ni Ailyn na tumayo. Sinundan na lang ni Winnie
nang tingin ang kaibigan niya hanggang sagutin nito ang tawag.

"Jeremy." Napaderetso ng upo si Winnie pagkabanggit ni Ailyn sa pangalan na iyon.


"Uuwi na kayo agad? Okay. Kamusta si Riki?" tanong ng kaibigan niya. Sandaling
nakinig si Ailyn bago tila nakahinga ng maluwag at bahagya nang napangiti. "I'm
glad he's fine. Sabihin mo sa kaniya na hihintayin ko siya sa airport. Alam ko
maraming tao ang mag-aabang doon pero gusto ko pa rin siya sunduin."

Tumayo na si Winnie at lumapit kay Ailyn. Gusto rin niya makausap si Jeremy kahit
sandali lang. Gusto niya marinig ang boses ng binata. Sumenyas si Winnie kay Ailyn
at tumingin naman agad sa kaniya ang kaibigan niya. Pagkatapos ngumiti ito at
walang pagdadalawang isip na inabot kay Winnie ang telepono.

Kumabog ang dibdib niya at medyo nanginig pa ang kamay ni Winnie nang abutin niya
ang awditibo. Huminga muna siya ng malalim bago inilapit sa tainga niya ang
telepono.

"We'll take the latest flight we can later. Babalik na kami ni Riki sa hotel
pagkatapos ng award ceremony," sabi ni Jeremy.

Muntik na mapapikit si Winnie nang sa wakas marinig niya ang boses ni Jeremy. Dahil
galing sa telepono parang ang lapit lapit ng tinig ng binata sa tainga ni Winnie.
Sa totoo lang hindi pa niya nagagawang maging ganoon kalapit kay Jeremy sa puntong
naririnig niya sa tainga niya ang tinig ng binata. Palagi kasing parang sinisilihan
si Jeremy at umaalis kapag akala ni Winnie magkakasolo na sila.

"Jeremy," usal ni Winnie.

Biglang napahinto sa pagsasalita ang binata sa kabilang linya. Sumulyap si Winnie


kay Ailyn na nakangiti na habang nakamasid sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas
nang sa wakas muling magsalita si Jeremy.

"Hey."

Lumunok si Winnie at ngumiti kahit hindi siya nakikita ng binata. "Hi. Are you
okay?"

"Oo naman. Why?" tila gulat pa na tanong ni Jeremy.

"Talaga? Hindi ka mukhang okay sa TV," sabi ni Winnie.

Natahimik si Jeremy sa kabilang linya. Nang muling magsalita ang binata tila
nagmamadali na ito. "Well, I'm okay. Uh... I have to go."

Nadismaya si Winnie pero wala rin naman siyang magagawa. Abala ang mga sandaling
iyon para kina Riki at Jeremy. "Sige. See you soon," nakangiti nang paalam niya.

"Uh... yeah. Sure. Can I talk to Ailyn?"

Bantulot na inabot ni Winnie sa kaibigan niya ang telepono. Nagpatuloy sa pag-uusap


ang dalawa para sa arrangements ng pagsundo kina Riki at Jeremy sa airport. Si
Winnie bumalik na sa sofa at sumalampak ng upo doon. Gustong gusto na niyang makita
si Jeremy.

Muli lang lumingon si Winnie nang magpaalam na si Ailyn kay Jeremy at ibaba ang
telepono. Bahagyang ngumiti si Ailyn nang magtama ang mga mata nila. "So, susundo
ako bukas. Pagkatapos 'non deretso sa hotel, magbibihis sandali para sa welcome
home party na organized ng sponsors ni Riki," imporma ng kaibigan niya.

"Puwede akong sumama?" tanong ni Winnie.

"Siyempre. Besides, makikipagkita tayo kina Lorie at Lauradia para sa private


welcome home party natin kina Riki no?" Ang tinutukoy ni Ailyn ay ang mga asawa ng
mga kapatid ni Riki. "Ah, pero bago iyon magpapaganda muna tayo. Para kapag nakita
ka ni Jeremy ma-in love siya sa iyo," kindat ni Ailyn. Mukhang naka-recover na sa
lungkot ng pagkatalo ni Riki ang kaibigan niya. Tila mas namayani ang pagkasabik ni
Ailyn na makita ang asawa matapos ang ilang buwan. Alam niya kung ano ang
pakiramdam na iyon dahil sabik na sabik na rin siyang makita si Jeremy.
Napangiti na si Winnie. "Salamat, Ai."

"No problem," ngising sagot ng kaibigan niya.


Part 4

"AT last, we're home!" nag-iinat pa na bulalas ni Riki pagkababa nila sa eroplano.
Sa totoo lang namamangha pa rin si Jeremy sa naging pagbabago ng kaibigan niya.
Noon, kapag natatalo si Riki mainit na ang ulo nito at magpa-party magdamag kung
saang club. Kanina, malungkot man si Riki ay mas kalmado na ang lalaki kahit
natalo. Marahil, talagang malaki ang naging epekto ng pag-aasawa sa kaibigan niya.

The Finals was a good game. Dikit ang laban at kahit si Jeremy na nanonood lang
ramdam ang tensiyon ng laro. It even made him want to play. Wala sa loob na
napahawak si Jeremy sa kanang hita niya. Kung hindi na-injure ang kanang tuhod niya
noong kolehiyo, siguradong sinubukan din niya ang professional tennis. Katunayan,
gaya ni Riki, may mga sponsors na sinusundan ang Collegiate career ni Jeremy noon.
Lalo na at ang bonding nila ni Riki noon ay magpunta sa mga international junior
tennis games at lumahok sa mga iyon. Naipanalo pa nga ni Jeremy ang ilan sa mga
iyon.

But the moment he got an injury that will never heal completely, his dreams
shattered like broken glass. Walang kumpanya ang handang makipagsapalaran para sa
isang tennis player na hindi one hundred percent game ready. Masyadong mahigpit ang
kompetisyon sa world tennis para sa isang injured player na gaya niya.

"Jeremy," untag ni Riki. Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang tingin ng


kaibigan niya. "Kapag natapos na lahat ng responsibilidad natin sa sponsors, let's
play."

Umangat ang kilay ni Jeremy. "Tennis? Akala ko ba gusto mo muna mag break sandali?"

"But you want to play right?" Natigilan si Jeremy. Itinuro ni Riki ang ibabang
bahagi ng katawan niya. "Kanina mo pa tinatapik ang hita mo. Ginagawa mo iyan sa
tuwing gusto mo maglaro."

Agad na ikinuyom ni Jeremy ang kamay at humalukipkip. Ngumiti si Riki. "Kailangan


ko rin ng kahit isang game-set match lang. Kung hindi ilang linggong hindi maalis
sa utak ko ang laban kanina." Tumalikod na si Riki at nagpatiunang naglakad patungo
sa direksiyon ng arrival area.

Sumunod si Jeremy. Kilalang kilala talaga siya ni Riki. Noong panahon na bago pa
lang ang injury niya at gusto na niyang talikuran ang tennis, si Riki ang palaging
nasa tabi ni Jeremy. Bago pa lamang sa pro-tennis si Riki noon at inimbitahan
siyang maging manager nito.

"Are you okay?" Biglang sumagi sa isip ni Jeremy ang tanong na iyon ni Winnie nang
tumawag siya kay Ailyn. Hindi agad siya nakahuma ng mga sandaling iyon dahil para
siyang sinuntok sa sikmura ng tanong na iyon. Sa tagal ni Jeremy bilang manager ni
Riki, wala pa kahit isa ang nagtanong sa kaniya kung okay lang siya pagkatapos
matalo ni Riki. After all, hindi naman siya ang naglaro at natalo.

Subalit si Riki lang ang nakakaalam, na tuwing natatalo ito, mas matindi ang epekto
niyon kay Jeremy na para bang siya mismo ang naglalaro sa court. The realization
that there's another person out there who knows it makes Jeremy uncomfortable.

"Hindi mo puwedeng iwan ang tennis Jeremy. Hindi mo kaya. Dahil pareho lang tayo.
Tennis is our life," iyon ang sinabi ni Riki nang alukin siya nitong maging
manager.

Sa totoo lang tama si Riki. Hindi nagsisisi si Jeremy na naging manager siya ni
Riki. Bukod sa involve pa rin siya sa sports na mahal na mahal niya, being a
manager of a great player like Riki pays very well. Nakakapaglaro pa rin naman si
Jeremy ng tennis. Hindi na nga lang sa competitive level.

Huminga ng malalim si Jeremy at hinamig ang sarili nang malapit na sila sa parte ng
airport na maraming tao. Saglit pa naging alerto na siya dahil nakita na niya ang
press people na nag-aabang sa pagdating ni Riki. Nang sandaling makita sila ng mga
reporter nagsimulang magtakbuhan ang mga iyon sa kanila. Nag kislapan ang mga flash
ng camera. Mabuti na lang naabisuhan na ni Jeremy sa amerika pa lamang ang mga
guwardiya sa airport. Naprotektahan agad si Riki.

"We are going to hold a press conference tomorrow. Sa ngayon hindi muna siya
makakasagot ng tanong dahil pagod siya. Please, understand," paulit-ulit na
sinasabi ni Jeremy habang naglalakad sila ni Riki.

"Riki!" bulalas ng pamilyar na tinig ng isang babae. Sabay pang napaangat ang
tingin ni Jeremy at Riki. Nakatayo sa hindi kalayuan si Ailyn kasama ang mga
kapatid ni Riki. Subalit sa mga iyon napatutok kaagad ang tingin ni Jeremy sa isang
babae na katabi ni Ailyn. Si Winnie. Paano hindi mapupunta kay Winnie ang tingin
niya, ang suot ng babae ay neon pink na blouse. Kung sasabihin nito na glowing in
the dark ang damit na iyon maniniwala si Jeremy.

"Ai!" masayang bulalas ni Riki at biglang tumakbo palapit sa asawa, tila nawalan ng
pakielam sa lahat ng press na naroon. Napailing na lang si Jeremy. Malamang ang
eksena ni Riki at Ailyn ang larawan sa mga pahayagan bukas. Naglakad na lang din
siya palapit sa grupo. Nakipagbatian si Jeremy sa mga kapatid ni Riki na sina
Raiven at Choi habang abala sa public display of affection sina Riki at Ailyn.

Nang mapasulyap si Jeremy kay Winnie titig na titig na naman ito sa kaniya. Halos
hindi kumukurap. Gusto niya mapangiwi subalit pinanatili niyang walang ekspresyon
ang mukha niya. Bakit ba kasi ganito makatitig si Winnie?

Mag-iiwas na sana ng tingin si Jeremy subalit sa hindi niya maipaliwang na dahilan


natagpuan niya ang sariling nag-angat ng tingin sa mukha ni Winnie hanggang magtama
ang kanilang mga paningin. Para bang may magnet ang mga mata ng babae na kahit
gustuhin ni Jeremy hindi niya mgawang iwasan.

Pagkatapos ay matamis na ngumiti si Winnie at pilyang kumislap ang mga mata. "Hindi
mo maalis ang tingin mo sa akin kanina pa. Na-miss mo rin ako 'no?" tudyo ng babae
na humakbang palapit sa kaniya.

Napasimangot si Jeremy. "Of course not."

Naging ngisi ang ngiti ni Winnie at lalo pang lumapit sa kaniya. Pasimpleng umatras
si Jeremy upang magkaroon ng espasyo sa pagitan nilang dalawa. "Kunwari ka pa
diyan. Nakita kaya kita, ang layo niyo pa lang ni Riki nakatingin ka na sa akin.
Huwag ka na mahiya. Na-miss din naman kita eh," patuloy ng babae.

Kumunot ang noo ni Jeremy. "Paano ako hindi mapapatingin sa iyo, tingnan mo nga
iyang suot mo. Para kang neon lights." Turo niya sa neon pink blouse na suot ng
babae.

Saglit lang na sinulyapan ni Winnie ang suot bago ngiting ngiti na tumingala uli
kay Jeremy. "Gumana pala. Sinadya ko ito isuot para sa akin ka lang titingin
pagdating na pagdating mo. Ayos ba?"
Napabuntong hininga si Jeremy. Kailan ba siya matututo na hinding hindi siya ang
magkakaroon ng huling salita kapag kausap niya si Winnie? Palaging may nakahandang
sagot ang babae sa lahat ng komento ni Jeremy. At madalas ang mga sinasabi ng
dalaga ay iyong hindi mo aasahang sasabihin ng isang normal na tao. Dahil may
normal na tao ba na walang bahid ni katiting na hiya at pag-aalinlangan sa katawan?
Si Winnie lang ang taong kilala ni Jeremy na ganoon.

"Winnie, napapagod akong makipag-usap sa iyo," nasabi na lang ni Jeremy dahil iyon
ang totoo. Sandali lang siya nakipag-usap sa babae parang naubos na ang enerhiya
niya.

Natigilan si Winnie. "Oo nga pala. Pagod ka. Sorry. Sige last na talaga."

Napahawak si Jeremy sa sentido niya at muling napabuntong hininga. "Ano iyon?"

Sa pagkagulat niya biglang tumingkayad si Winnie at niyakap siya ng mahigpit.


Nanlaki ang mga mata ni Jeremy at hindi nakahuma nang lumapat ang katawan ni Winnie
sa katawan niya at humigpit pang lalo ang mga braso nito sa pagkakayakap sa kaniya.
Humampas ang buhok ng dalaga sa gilid ng mukha ni Jeremy at nanuot sa ilong niya
ang amoy ng shampoo na ginamit nito. Pati ang cologne na gamit ni Winnie nalanghap
niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang amoy niyon dahil sa tingin niya hindi pa niya
naamoy iyon kahit kailan. At sa tagal nilang pagkakakilala ngayon lang napagtanto
ni Jeremy ang isang bagay.

Winnie smells like a flower field; fresh with a touch of something sweet.

"Welcome home," usal ni Winnie sa tainga ni Jeremy bago lumuwag ang mga braso na
nakayakap sa kaniya. Tuluyan nang kumalas si Winnie at humakbang palayo kay Jeremy
ay hindi pa rin siya nakakahuma. Matamis na nginitian siya ni Winnie. "What? Have
you fallen in love with me?"

Noon natauhan si Jeremy. Napaderetso siya ng tayo at nag-iwas ng tingin. "Stop


dreaming." Lumampas ang tingin niya kay Winnie at natigilan nang mapagtantong
nakatingin sa kanilang dalawa sina Riki, Ailyn, Raiven at Choi.   

Tumikhim si Jeremy. "Let's go.    May event pa tayong pupuntahan, Riki." Biglang
nag ngisian ang apat, patunay na kanina pa nasa kanila ni Winnie ang atensiyon ng
grupo. May kumalat na init sa mukha ni Jeremy at tumalikod. Nagpatiuna na siyang
maglakad palabas ng airport, palayo kay Winnie. Mahirap na, baka kung ano na naman
ang maisipang gawin ng babae.
Part 5

HINDI mapalis-palis ang matamis na ngiti sa mga labi ni Winnie habang nasa sasakyan
sila patungo sa hotel kung saan gaganapin ang welcome party ni Riki at kung saan
sila nag-check-in nina Ailyn bago sila nagtungo sa airport. Katabi kasi niya sa
back seat si Jeremy. Si Ailyn kasi ang nagmamaneho kaya sa harap nakaupo si Riki.
Sina Raiven at Choi naman ay may kani-kaniyang sasakyan. Kaya silang dalawa lamang
ni Jeremy sa backseat.

Sinulyapan ni Winnie ang binata na nakatutok ang tingin sa labas ng bintana. Mula
pa nang pumasok sila sa sasakyan nakatutok na ang tingin ni Jeremy sa labas.
Nakasiksik din ito sa pinto kahit na maluwag naman sa backseat.

Iniiwasan ako, naisip ni Winnie. Sumobra yata para kay Jeremy ang ginawa niyang
pagyakap dito kanina. Kasi naman, hindi niya napigilan. Iba pa rin pala talaga
kapag personal mong nakikita ang taong mahal mo. Iba sa araw-araw na panonood ng
video ni Jeremy. Mas guwapo ang binata sa personal. Kapag nakikita ni Winnie ang
seryosong mukha ni Jeremy sa personal gustong gusto niyang hawakan ang gilid ng mga
labi ng binata at iangat ang mga iyon para ngumiti ito. At kanina, hindi siya
nakatiis na niyakap si Jeremy ng mahigpit. Kaya yata hindi siya tinitingnan ngayon
ng binata. May pagkamahiyain kasi, hagikhik ni Winnie sa isip.

Nang hindi na nakatiis si Winnie ay umusod siya ng upo palapit kay Jeremy.
Naramdaman niya nang mapaigtad ang binata nang isang pulgada na lang ang pagitan
nilang dalawa. Sumilip din si Winnie sa labas ng bintana na tinitingnan ni Jeremy
kaya dumikit ang katawan niya sa tagiliran ni Jeremy. Natensiyon ang buong katawan
ng binata. "Ano bang tinitingnan mo sa labas?" tanong niya.

Sa gulat ni Winnie at mukhang maging ni Jeremy, biglang tumawa ng malakas si Riki


at Ailyn. Sabay pa silang napatingin sa mag-asawa.

"Huwag mo masyadong kulitin si Jeremy, Winnie. Kailangan niyang maging alerto sa


party mamaya. Look, he looks tired already. After the party, you can do whatever
you want with him," pabirong sabi ni Riki.

Parang pumalakpak ang mga tainga ni Winnie sa sinabi ng lalaki. Napangiti siya.   
Mukhang kakampi rin niya si Riki. Nagtama ang mga mata nina Winnie at Ailyn sa
rearview mirror. Ngumisi ang kaibigan niya kaya napangisi na rin si Winnie.

"Riki," matalim na sabi ni Jeremy. Nang tingnan ni Winnie ang mukha nito nagbabanta
ang tinging ipinupukol ni Jeremy kay Riki.

"Sige na nga," sabi na lang ni Winnie. Hindi bale, sa private welcome party na
pinlano nila ni Ailyn ay magkakaroon siya ng mas maraming oras kasama si Jeremy.
Pilya nang nakangiti si Winnie nang bumaba ang tingin sa kaniya ni Jeremy.

"Bakit ganiyan ka makangiti?" tila kabadong tanong ni Jeremy.

Napangisi si Winnie. "Secret." Iyon lang at lumayo na siya sa binata para makapag-
relax na ito. Ang kaso lalong nagmukhang hindi komportable si Jeremy at kunot ang
noong nanatiling nakatingin sa kaniya. Nagkunwari na lang si Winnie na hindi
napapansin iyon. Kapag kasi sinalubong niya ang tingin ni Jeremy madadaldal na
naman niya ito.

TAWA ng tawa sina Lauradia at Lorie nang walang pakundangang ilahad ni Ailyn sa
dalawa ang mga nangyari sa pagitan nina Winnie at Jeremy mula sa airport hanggang
pabalik ng hotel.

"Sana pala sumama ako para nakita ko ang hitsura ni Jeremy. Minsan kasi hindi rin
ako mapakali na palaging seryoso ang mukha ng lalaking iyon," amused na komento ni
Lauradia.

Tumango-tango si Winnie. "Naiintindihan ko ang sinasabi mo. Madalas gusto kong


hawakan ang mukha niya para ako na lang mismo ang magbabago ng facial expression
niya. Kahit anong gawin ko hindi ko pa siya napapangiti," hinaing niya.

"At least, naapektuhan mo siya. Hindi nga lang sa paraang gusto mo. Sa ngayon,"
nakangiting sabi ni Ailyn.

"Kung ganoon dapat magpaganda ka ng todo ngayong gabi para sa party Winnie.
Surprise attack lang ang katapat niyang si Jeremy," pilyang ngiti ni Lorie.

Napangisi si Winnie. "Masuwerte akong kayong tatlo ang naging kakampi ko."

Gumanti ng ngiti ang tatlong babae. "Ang mga masasayang babae, dapat lang na
ipinapakalat ang kasiyahan nila. Iyan ang kapangyarihan ng pag-ibig," biro ni
Lorie.

Si Ailyn naman ay hinatak patayo si Winnie. "Magbihis na tayo. Parating na ang


hairdresser at make-up artist. Magpapaganda tayo ng husto. Lalo ka na, Winnie.
Maraming babae sa party. Dapat maipakita mo sa kanila na taken na si Jeremy."

Natigilan si Winnie. Oo nga pala. Imposibleng siya lang ang may gusto kay Jeremy.
Tama si Ailyn. She must stake her claim. Mas naging determinado si Winnie. "Okay.
Let's do this!"

Isang oras ang nakalilipas, dumating sina Raiven at Choi upang sunduin ang apat na
babae. Matapos purihin ang kani-kaniyang asawa napunta kay Winnie ang atensiyon ng
magkapatid. Halata sa mukha ng dalawa ang pagkagulat.

"Whoa, is that you, Winnie?" manghang tanong ni Choi.

Tumawa sina Lorie at Ailyn. "Ayos ba?" tanong ni Ailyn.

Nag thumbs up si Choi. Si Raiven naman ay nakangiting tumango. "Well, this is not
really a surprise. Pero sigurado akong may magugulat na makita kang ganiyan ang
ayos, Winnie."

Napangiti na rin si Winnie. "Kung ganoon, sulit naman pala kahit pakiramdam ko
nangangapal ang mukha ko sa make-up at pakiramdam ko kaunting kilos ko lang
mahuhubaran na ako sa dress na suot ko," sabi niya. Tube kasi ang pink dress na
pinasuot sa kaniya nina Lauradia. At wala siyang bra sa loob dahil babakat daw sa
tela ng bestida. Mahaba naman ang laylayan niyon, hanggang sakong. Ang kaso ang
taas naman ng slit sa isang hita niya.

"Maganda ka. Promise. Tara na," susog ni Ailyn.

Siyempre kapag sinabi ng kaibigan niya maniniwala talaga si Winnie. Kompiyansa na


siya sa sarili nang magtungo sila sa pavilion ng hotel kung saan ginaganap ang
welcome party ni Riki.

Marami nang tao roon. Subalit kahit ganoon, tila may natural na Global Positioning
System na nakakonekta kay Jeremy na napunta agad sa binata ang tingin ni Winnie.
Nakatalikod si Jeremy at abala sa pakikipag-usap sa ilang lalaki at babae sa isang
panig ng pavilion subalit nakilala kaagad ni Winnie ang binata. Ilang pulgada mula
kay Jeremy, nakatayo si Riki at nakikipag-usap sa mga matatandang lalaki.

"Nasaan sila?" tanong ni Choi na iginagala ang tingin sa paligid.

"Nandoon," turo ni Winnie. Sinundan kaagad ng mga ito ang itinuro ni Winnie.

"Wow. That was fast," bilib na komento ni Raiven.

Matamis na ngumiti si Winnie sa lalaki. "Kayang kaya kong makita si Jeremy kahit
nasaan pa siya basta nasa iisang lugar kami."

Natawa ang mga ito bago naglakad palapit kina Riki at Jeremy. Si Winnie sa huli
nakatutok ang atensiyon habang naglalakad palapit. May pakiramdam siyang naramdaman
ni Jeremy ang paglapit niya dahil napaderetso ng tayo ang binata ilang metro pa
lamang ang layo nila rito. Pagkatapos marahang lumingon sa direksiyon nila ang
binata. Dahil titig na titig si Winnie kay Jeremy nagtama ang mga mata nila nang
mapunta sa kaniya ang tingin nito. Napangiti siya nang makita ang pagkamangha sa
mukha ng binata nang tila matingnan siyang mabuti.
Huminto si Winnie sa harap ni Jeremy. Tuluyan na itong tumalikod sa mga kausap
nito. Tumamis ang ngiti niya. "Hindi na neon pink ang suot ko ngayon ha? Wala ka
nang palusot kung bakit titig na titig ka sa akin ngayon," biro niya.

Napakurap si Jeremy at tumikhim. Lalong lumapit si Winnie sa binata. "How do I


look?" nakangiti pa ring tanong niya at hinuli ang tingin nito.

Muli tumikhim lang si Jeremy at nag-iwas ng tingin. "You look okay," sabi lang
nito.
Part 6

Napanguso si Winnie. "Kailan ka ba magiging honest? Hindi magandang palaging


sinosolo ang naiisip at nararamdaman. Maaga ka magkaka-wrinkles," bulong niya na
mukhang narinig naman ni Jeremy dahil naningkit ang mga mata ng binata at muling
tumingin kay Winnie. Muli lang siyang ngumiti. Si Jeremy naman mukhang nagbago ang
isip na sumagot at bumuntong hininga na lang.

"Who's that lady, Jeremy? Hindi mo ba siya ipapakilala sa amin?" sabi ng isa sa mga
lalaking kausap kanina ng binata. Noon lang naging aware si Winnie sa paligid niya.
Noon lang niya napansin na kausap na nina Ailyn si Riki sa isang panig at noon lang
din niya tiningnan ng malapitan ang mga kausap ni Jeremy.

Tumikhim si Jeremy at humarap uli sa grupo. "This is Winnie..." Sumulyap sa kaniya


ang binata at napagtanto niya na hindi nito alam ang apelyido niya. Medyo nalungkot
siya ng kaunti dahil hindi iyon alam ni Jeremy kahit taon na silang magkakilala.
Hindi bale na nga.

"Winnie Hizon," nakangiting salo niya sa pagpapakilala ni Jeremy.

"Bestfriend siya ng asawa ni Riki," sabi naman ni Jeremy.

Ngumiti ang mga lalaki sa grupo habang hindi naman nakaligtas kay Winnie ang
panunuri sa tingin ng mga babae. Ha, mukhang target din ng mga babaeng ito si
Jeremy. Sorry girls, akin lang siya.

"Bestfriend ka ng asawa ni Riki pero mukhang close din kayo ni Jeremy, ah.
Magkakasama kami sa tennis club noong College," sabi ng isang lalaki.

Natutok ang atensiyon ni Winnie sa lalaki sa sinabi nito. "Talaga? Kamusta si


Jeremy noong college? Hindi rin ba siya marunong ngumiti noon o nang tumanda lang
siya nawalan ng sense of humor?" sabik na tanong niya.

Nagtawanan ang mga lalaki. Si Jeremy naman muling napabuntong hininga. "Yes, kahit
noon ganiyan na talaga si Jeremy," nakangising sagot ng isa.

"Hindi siya ngumingiti at kahit anong lapit ng mga babae sa kaniya hindi niya
pinapansin," sabi pa ng isa.

Tumamis tuloy ang ngiti ni Winnie. Ibubuka na niya ang mga labi upang magtanong pa
nang tungkol sa nakaraan ni Jeremy nang biglang pumailanlang ang musika sa paligid.
Bumikig sa lalamunan ni Winnie ang mga sasabihin niya nang maramdaman niyang
hinawakan ni Jeremy ang isang siko niya. "Let's dance," sabi pa ng binata dahilan
kaya gulat na napatingala siya rito. Hindi nakatingin kay Winnie si Jeremy subalit
matapos nitong magpaalam sa mga kausap nila ay hinigit na siya ng binata palayo sa
grupo at patungo sa gitna ng dance floor.

"Hindi ako nagkamali ng dinig, inaya mo talaga ako sumayaw," manghang usal ni
Winnie nang nakahalo na sila sa mga pares na sumasayaw sa saliw ng musika.

Himbis na sumagot agad hinawakan ni Jeremy ang isang kamay niya habang inilapat
naman nito ang isa pang kamay sa lower back niya. Bumilis ang tibok ng puso ni
Winnie at tila hinalukay ang sikmura niya nang bahagya siyang higitin palapit ni
Jeremy. "Kailangan kitang ilayo sa kanila bago pa kung anu-ano ang itanong mo sa
kanila," pabuntong hiningang sabi ng binata.

Subalit sa mga sandaling iyon hindi na masyadong pinagtuunan ni Winnie ng pansin


ang sinabi ni Jeremy. Nakatuon na ang buong kamalayan niya sa pagkakalapit ng mga
katawan nila ng binata. Ipinatong ni Winnie ang malayang kamay sa balikat ni Jeremy
nang magsimula siya nitong akaying gumalaw sa saliw ng musika. Pakiramdam niya
lumulutang siya sa ulap. Nagsasayaw sila ni Jeremy. Si Jeremy na palaging tila
gustong tumakbo palayo kapag magkasama sila; Si Jeremy na halos ayaw siyang tingnan
kanina habang nasa loob sila ng sasakyan. At ang binata mismo ang nagkusang isayaw
siya.

"Stop grinning like a lunatic, Winnie," mahinang saway ni Jeremy sa kaniya.

Himbis na sundin ang binata napahagikhik pa si Winnie at sumandig sa katawan ni


Jeremy habang sumasayaw sila. "Sorry, hindi ko mapigilan. Masaya lang talaga ako,"
sagot niya.

Napatitig si Jeremy sa mukha niya at lalong tumamis ang ngiti ni Winnie. "Ano, in
love ka na ba sa akin ngayon?" biro niya.

Nalukot ang mukha ng binata at nag-iwas ng tingin. "Stop kidding around," usal ni
Jeremy.

Napalabi si Winnie. "Pero alam mo na ang damdamin ko sa iyo, hindi biro, Jeremy." 

Hayun na naman ang binata, nagmukha na namang parang sinisilihan. "Winnie, can you
just stop it? Puwede tayong maging magkaibigan kung titigil ka lang sa pagsasalita
ng ganiyan," ilang na sagot ni Jeremy.

"Hindi ako titigil kasi ayokong maging kaibigan mo lang," giit ni Winnie.

Sa kamalas-malasan ay noon natapos ang musika. Huminto sa pagsayaw si Jeremy at


bumitaw kay Winnie. "Come on, ihahatid kita sa lamesa na nakalaan para sa atin.
Nandoon na sina Ailyn," paiwas na sagot ni Jeremy.

Hindi kumilos si Winnie kaya napabuga ng hangin ang binata at hinawakan muli ang
siko niya. Pabuntong hiningang nagpaakay na lang siya sa binata. Fine. Sa susunod
na nga lang uli. May next round pa, promise. At least we danced together. Progress
na rin. Sa naisip ay napangiti na rin si Winnie.

Pagkalapit nila sa malaking lamesa na nakalaan sa pamilya ni Riki nakita ni Winnie


na ngiting ngiti sina Ailyn, Lorie at Lauradia habang nakatingin sa kanila ni
Jeremy. Mas lalo tuloy gumaan ang pakiramdam ni Winnie. Malamang nakita ng tatlong
babae ang pagsasayaw nila ni Jeremy.

"Well then, excuse me. May kailangan akong kausaping mga tao," paalam ng binata na
mabilis nang nakatalikod at nakalayo. Sandaling napasunod na lang si Winnie nang
tingin kay Jeremy hanggang magsimulang makipag-usap ang binata sa grupo ng
matatandang lalaki.

"Nakita namin iyon. Hinatak ka niya papunta sa dance floor," tudyo ni Ailyn.
Naalis ang tingin ni Winnie kay Jeremy at bumaling sa tatlong babaeng ngiting
ngiti. Umupo siya sa bakanteng lamesa at ngumisi. "Effective yata ang pagpapaganda
ko. Uulitin ko nga."

Nagtawanan silang apat. "Oo nga pala, samantalahin natin na tayo lang ang nasa
lamesa ngayon. Pag-usapan natin ang private party. Ang sabi ni Lauradia nasabihan
na niya ang staff nila ni Raiven doon," imporma ni Ailyn.

"Pagdating natin doon okay na ang lahat," sabi ni Lauradia.

"So, oras na siguro para sabihin mo sa amin kung ano ang plano na sinasabi mong
kailangan mo ng tulong," sabi naman ni Lorie.

Napangisi si Winnie at sabik na inilapit ang sarili sa tatlo para sila-sila lang
ang makarinig. "It's my 'Making Jeremy Fall In Love With Me Plan'!"

Saglit pa sinasabi na ni Winnie ang naisip niyang plano. Nanlaki ang mga mata ng
tatlong babae.

"Winnie, baliw ka talaga?! Sigurado ka ba diyan?" manghang tanong ni Ailyn.

Sunod-sunod na tumango si Winnie. Nagtinginan ang tatlo bago sabay-sabay na


napabuntong hininga.

"Sige na nga. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya," nakangiting sabi ni


Lauradia.

Matamis na napangiti si Winnie. "Salamat." Muli niyang hinanap ng tingin si Jeremy.


Katulad ng dati agad na nakita niya ang binata. Buong gabi na siyang nakuntentong
tingnan si Jeremy, ang lalaking mahal niya.
Part 7
DALAWA ang paraan para makapunta sa isla nina Raiven at Laurdia; sa pamamagitan ng
private chopper at sa pamamagitan ng yate. Dahil ang punong abala ay ang mga babae
kaya sa chopper sumakay sina Winnie. Darating ang mga lalaki at ang mga piling
bisita sakay ng yate.

Manghang mangha si Winnie nang palapag ang chopper na sinasakyan nila. Mas malaki
kasi kaysa inaasahan niya ang isla. Iyong tipo na kapag nasa isang bahagi ka,
aabutin ka ng lampas isang araw para makaikot sa kabila kung wala kang sasakyan.
Isang bahagi lang ng isla ang dinevelop nina Raiven kaya ang kabila ay halos gubat
sa kapal ang mga puno.

Napangiti si Winnie. Perpekto sa plano ko.

"Ayan na naman ang nakakatakot mong ngiti, Winnie," puna ni Ailyn.

Nginisian lang niya ang kaibigan niya. "Excited na kasi ako. Matagal na rin akong
hindi nakakapagbakasyon at makakasama ko pa si Jeremy."

Pagkababa nila sa chopper sinalubong sila ng dalawang batang nagtatakbuhan at


sumisigaw ng "Mommy". Yumakap ang batang babae kay Lorie habang ang batang lalaki
naman kay Lauradia.

Napangiti si Winnie habang pinagmamasdan ang mag-iina. "Nakakainggit," nausal niya.


Natigilan si Winnie dahil kahit si Ailyn iyon din ang sinabi. Nagkatinginan silang
magkaibigan at sabay napangiti. "At least ikaw kasal ka. Mas malaki ang tiyansa mo
magkaanak. Ako, kailangan ko pa paibigin ang gusto kong maging tatay ng mga anak
ko," sabi ni Winnie.
Lumawak ang ngiti ni Ailyn at pinaglingkis ang mga braso nila. "Don't worry.
Susuportahan ka namin para mapa-ibig mo si Jeremy. Sa tingin ko naman malaki ang
pag-asa mo sa kaniya eh."

"Talaga?" tanong ni Winnie na lumakas ang pag-asa.

"Oo. Kasi sa iyo lang nawawala ang composure ni Jeremy. Good sign iyon," sagot ni
Ailyn.

Napangiti na si Winnie. "Sa tingin ko rin," hagikhik niya.

Dumeretso sila sa malaking bahay nina Raiven at Lauradia sa isla upang maglapag ng
mga gamit sa nakalaang silid para sa kanila. Nagpalit si Winnie ng damit, two piece
swimsuit na pinatungan niya ng sarong. Beach party kasi ang mangyayari sa araw na
iyon. Mabuti na lang hindi tabain si Winnie, kahit nakakulong lang siya sa
apartment niya araw-araw wala siyang bilbil. Iyon lang, hindi rin niya masasabing
sexy siya. Flat chested kasi siya. Hindi bale. Idadaan na lang niya sa enthusiasm
para mapansin siya ni Jeremy.

Pinapasadahan ni Winnie ng tingin ang repleksiyon niya sa salamin nang may kumatok
sa silid na gamit niya. "Winnie, parating na raw ang yate na sinasakyan nina Riki,"
sabi ni Ailyn mula sa labas.

Nasabik si Winnie dahil ang mukhang unang sumagi sa isip niya ay si Jeremy. Mabilis
na hinablot niya ang beach bag at lumabas ng silid.

"JEREMY!" masayang sigaw ni Winnie at kumaway pa nang makita niyang naglalakad na


sa dalampasigan si Jeremy at ang iba pang mga bisita. Napatingin kaagad sa kaniya
ang binata at matamis siyang ngumiti nang magtama ang mga mata nila. Hindi na lang
pinansin ni Winnie ang ngiwi na nakita niya sa mukha ni Jeremy na agad din namang
nawala nang makalapit na sila nina Ailyn sa grupo.

"Super energetic as ever, Winnie," nakangiting bati ni Riki na umakbay kay Ailyn.

Gumanti ng ngiti si Winnie sa lalaki subalit agad ding ibinalik ang tingin kay
Jeremy. "Kamusta ang biyahe?"

"It's okay," tipid na sagot ni Jeremy na nagpatiuna sa paglalakad patungo sa


direksiyon ng dalampasigan kung saan naroon ang malaking open hut cottage na
pinaghandaan ng tanghalian. Agad na umagapay si Winnie sa paglalakad ng binata.
Ngiting ngiting tumitig lang siya sa mukha ni Jeremy. Ang huling beses na nagkita
sila ay noong welcome party pero pakiramdam niya ang tagal na 'non.

Hindi tulad dati na palaging pormal o kaya ay semi-formal ang suot ni Jeremy,
kaswal ang hitsura nito ngayon. Nakasuot lang ng cargo shorts ang binata at puting
plain t-shirt. Dahil mahangin, humahakab sa katawan ni Jeremy ang t-shirt na suot
nito. Nakikita ni Winnie na flat ang tiyan ng binata at malapad ang dibdib. Maganda
ang pangangatawan nito na palagi lang natatakpan ng suit na lagi nitong suot.
Katawan ng isang atleta, kahit kung tutuusin matagal nang hindi aktibo ang binata
sa competitive tennis. Bumilis ang tibok ng puso niya habang nakamasid sa binata.
Ang suwerte niya na nabigyan siya ng pagkakataong makita ang ibang bahagi na ito ni
Jeremy.   

Nakatingala pa rin si Winnie kay Jeremy nang sumulyap ito sa kaniya kaya nagtama
ang mga mata nila. "Winnie, stop staring at me like that," malumanay na saway ni
Jeremy.

Matamis lang na ngumiti si Winnie. Lumobo ang puso niya at tila ba may mainit na
kamay na humaplos doon dahil kahit ang tinig ni Jeremy ay iba sa dati. Mas mabait.
"Bakit ba? Hayaan mo na ako gusto kitang titigan eh."

Bumuntong hininga si Jeremy pero hindi tulad dati hindi ito nagmukhang parang
gustong tumakbo palayo. Katunayan sa tingin ni Winnie hindi na rin masyadong
naiilang si Jeremy sa kaniya. Patunay niyon na nakarating sila sa open hut kung
nasaan ang buffet ng tanghalian na magkaagapay pa rin sila sa paglalakad. Hindi
napigilan ni Winnie ang sarili. Sa labis na tuwa kumapit siya sa braso ni Jeremy.

Napaigtad ang binata at niyuko siya.    "Anong ginagawa mo?"

Humigpit ang pagkakayakap ni Winnie sa braso ni Jeremy. "Showing my affection,"


tapat na sagot niya.

Hindi nakasagot si Jeremy at napatitig lang sa mukha niya. Na para bang pilit
siyang inaalisa ng binata na hindi mawari ni Winnie. His eyes are full of wonder.
Napagtanto ni Winnie na ginagamitan siya ni Jeremy ng lohika. At naguguluhan ang
binata dahil hindi siya nito mabigyan ng tamang label. Marahan tuloy napailing si
Winnie. "Jeremy," tawag niya sa binata.

Kumurap si Jeremy. "What?"

"Minsan, may mga bagay na hindi mo dapat pinag-iisipan ng husto, dinadama mo lang.
Minsan may mga bagay na hindi dapat inaanalisa."

Bahagyang umangat ang mga kilay ni Jeremy. "Are you saying you are one of those?"
tanong nito.

Matamis na ngumiti si Winnie. "Oo. Maging ang nararamdaman ko sa iyo. Maging ang
sarili mo at ang nararamdaman mo para sa akin na pinipigilan mo dahil hindi mo
mahanapan ng lohika," sagot niya.

Umawang ang mga labi ni Jeremy at bumakas ang pagkamangha sa mukha. "You think I
have feelings for you?"

Ang totoo, hindi pa sigurado si Winnie. Pero natutuwa siya kapag nawawala ang
poker-face ni Jeremy kaya hindi niya pinalis ang ngiti at tumango. "Sa tingin ko
na-de-develop ka na sa akin. It's okay, no need to panic. I like you too."

Lalong napanganga si Jeremy sa pagkamangha. Natawa na tuloy si Winnie ng malakas.


Binitiwan niya ang braso ni Jeremy at napayakap sa sariling tiyan sa kakatawa.
"Jeremy, nakakatawa ang hitsura mo," bulalas ni Winnie habang tumatawa pa rin.

Nararamdaman niya na sa kanila na nakatingin ang lahat ng tao roon. Walang pakielam
si Winnie pero mukhang iba ang kaso kay Jeremy. Namula ang buong mukha ng binata at
sumimangot. "Stop laughing!" inis na sikmat nito.

Huminto naman si Winnie. "Sorry."

Marahas na napabuga ng hangin si Jeremy at tiningnan siya. "Winnie, will you stop
making fun of me?" malumanay na tanong nito.

"Okay," mabilis na sagot ni Winnie. Ayaw niyang tuluyang mapikon sa kaniya si


Jeremy. Mas lalong ayaw niyang itrato ng binata na biro lang ang nararamdaman niya
para dito.

Tumango si Jeremy. "Good." Iyon lang at tumalikod na ito at naglakad palayo sa


kaniya. Sumama na si Jeremy sa grupo ng mga lalaki na mukhang mga barkada nito at
ni Riki. Sinundan na lang niya ng tingin ang binata.
"Parang mas mabait siya sa iyo ngayon," bulong ni Ailyn na hindi namalayan ni
Winnie na nakalapit na pala sa kaniya.

Bumaling si Winnie sa kaibigan niya at ngumiti. "Sa tingin ko rin."

Gumanti ng ngiti si Ailyn. "Good for you. Tara na at kumain. Pagkatapos puwede na
tayo maglunoy sa tubig. Gusto mo ipakita sa kaniya ng swimsuit mo hindi ba?" biro
ng babae.

Ngumisi si Winnie. "Oo. Pero ang totoo gusto ko rin siyang makita na swimming
trunks lang ang suot," bulong niya.

Ang lakas ng tawa ni Ailyn kaya napatingin na naman sa kanila ang mga tao roon,
maging ang grupo kung saan kabilang si Jeremy. Naningkit ang mga mata ng binata
nang mapatingin si Winnie at magtama ang mga mata nila. Tila ba alam ni Jeremy na
pinag-uusapan nila ito. Nginitian na lang niya ang binata at siya na ang naunang
nag-iwas ng tingin.

"Tara na ngang kumain," aya ni Winnie kay Ailyn. Mamaya na lang niya uli kukulitin
si Jeremy. Kasi ang pinakadahilan naman kung bakit naroon sila sa isla ay para
makapagpahinga ito at si Riki. Hahayaan niya muna makapag-relax si Jeremy.
Part 8

"JUST who is that adorable thing?" tanong ni Gio na kaibigan ni Jeremy at Riki mula
pa noong kolehiyo. Sinundan ang tanong na iyon ng matinis na tawanan mula sa
dalawang bata at isang babae. Napatingin si Jeremy kay Gio na nakatingin sa
dalampasigan. Tiningnan niya ang tinitingnan ng kaibigan niya.

Natigilan si Jeremy nang mapagtanto na kay Winnie nakatingin si Gio. Nasa


dalampasigan si Winnie kasama ang mga batang sina Lance at Maja at tila gumagawa ng
sand castle. Subalit hindi iyon ang mas nakapukaw sa pansin ni Jeremy. Dahil abala
siya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya at sa pag-iwas na mapatingin kay Winnie
hindi niya napansin na wala na pala ang sarong na suot ng dalaga. Two-piece
swimsuit na ang suot nito. At dahil nakaluhod si Winnie sa buhanginan patalikod sa
direksiyon nila Jeremy at tila walang pakielam na tumutuwad para magpatong ng
buhangin sa sand castle ay kitang-kita ng lahat ang pang-upo ng dalaga.

Napaderetso sa pagkakaupo si Jeremy at nalukot ang mukha. Anong ginagawa ng babaeng


iyon at nag-di-display ng ganoon? Alam ni Winnie na puro lalaki ang mga bisita doon
pero katulad ng dati tila walang pakielam ang dalaga sa paligid nito. Muling tumawa
si Winnie na sinundan ng dalawang bata na kalaro nito.

"I suddenly want to swim too," biglang sabi ni Gio na tumayo.

"You know what, ako rin," sabi naman ni Elmer.

"Yeah, that looks fun," sabi rin ni Marlon.

Marahas na napalingon si Jeremy sa mga lalaki. "Ano? Akala ko ba nagpapatunaw lang


tayo ng kinain at maglalaro tayo sa tennis court sa likod ng mansiyon ni Raiven?"
manghang tanong ni Jeremy. May isang bahagi kasi ng isla, sa likod na bahagi ng
mansiyon, na tinayuan ni Raiven ng sports amenities gaya ng tennis court,
basketball court at Olympic size swimming pool.

"Puwede natin gawin iyan bukas. Ngayon, mukhang masarap maglaro sa beach," sabi ni
Gio na nagsimula nang hubarin ang t-shirt.
"Besides, kanina pa namin hinihintay na ipakilala niyo kami ni Riki sa babaeng iyon
pero hindi niyo ginagawa. So we will take the initiative," sabi naman ni Elmer.

"What?" bulalas ni Jeremy na napatayo na. Hindi nga lang niya alam kung bakit
parang gusto niyang pigilan ang mga kaibigan niya. Sabagay, hindi rin naman
nagpapigil ang tatlo dahil saglit pa nakalayo na ang mga ito at nakalapit kina
Winnie. Napasunod na lang ng tingin si Jeremy.

"Bakit nagagalit ka?" amused na tanong ni Riki na siyang naiwan na lang doon kasama
siya.

Kunot noong bumaling si Jeremy sa kaibigan niya na ngising ngisi. "Hindi ako
nagagalit."

Umangat ang mga kilay ni Riki. "You look angry to me. Dahil ba nagpapakita sila ng
interes kay Winnie? Kung nag-aalala ka, why don't you join them?" Itinuro pa ni
Riki ang direksiyong tinahak ng mga kaibigan nila.

"Hindi ako nag-aalala," mariing sagot ni Jeremy.

Tumayo na rin si Riki at nag-alis ng t-shirt. "If you say so. Lalangoy rin ako.
Pero hahanapin ko muna si Ailyn sandali." Tinapik siya ni Riki sa balikat bago
lumayo. Naiwang mag-isa doon si Jeremy. Nang hindi na naman siya makatiis sumulyap
siya sa direksiyon nina Winnie. Nakatayo na ang babae at nakikipagtawanan kina Gio.

Sa totoo lang, napansin ni Jeremy na may naiba kay Winnie mula pa noong gabi ng
welcome party. Para bang ang make-over nito ng gabing iyon ay hindi nawala kahit
natapos na ang party na iyon at hindi na naka-make-up at nakaayos si Winnie. Ang
ngiti ng dalaga na ikinaiilang ni Jeremy noon parang nag-iba rin. O mas tamang
sabihing, nag-iba ang epekto niyon sa kaniya. Hindi na siya naiilang. Katunayan,
kapag naiinis na siya sa kakulitan ni Winnie, kapag ngumiti na ang dalaga parang
bulang nawawala ang inis niya. Paano nangyari iyon? Kailan may nabago kay Winnie?

Muling tumawa ng malakas si Winnie kaya bumalik sa kasalukuyan ang atensiyon ni


Jeremy. Nakikipag-usap pa rin si Gio sa dalaga at mukhang aliw na aliw ang dalawa
sa isa't isa. Tila pabiro pang hinampas ni Winnie ang braso ng kaibigan niya.

May nakapang pagrerebelde si Jeremy sa dibdib niya na ikinainis niya. Dahil bakit
siya nakakaramdam ng gaanoon in the first place? Wala naman sa kaniya kahit sino pa
ang magpakita ng interes kay Winnie. Mas maganda nga iyon hindi na siya guguluhin
ng dalaga kapag napunta sa iba ang interes nito.

Noon lumampas ang tingin ni Winnie kay Gio at napunta sa direksiyon ni Jeremy.
Natigilan siya dahil alam niyang nakita na siya ng dalaga. Kumislap ang mga mata ni
Winnie at nakangiting kumaway sa kaniya.

"Jeremy! Let's go swimming!" masiglang aya ng dalaga. Lumingon din si Gio sa


direksiyon ni Jeremy at tila binabasa ang reaksiyon niya. Katunayan may kakaiba sa
tingin ni Gio. Na para bang may alam ito na hindi niya mawari.

May sinabi siguro si Winnie sa kaniya, frustrated na naisip niya.

"Jeremy!" patuloy na tawag ni Winnie.

Kung tatanggi si Jeremy, mapapahiya ang dalaga sa harap ng mga kaibigan niya. He
will turn out as rude. Kaya sa huli, napabuga na lang siya ng hangin, hinubad ang
suot na puting t-shirt at nagsimulang maglakad palapit sa dagat. Napipilitan lang
si Jeremy. Subalit nang mapatingin siya sa mukha ni Winnie at mahuli niyang
pinapasadahan ng tingin ng dalaga ang hubad niyang katawan para siyang sinuntok sa
sikmura. Lalo na nang umangat muli sa mukha niya ang tingin ni Winnie at makita ni
Jeremy ang kislap ng admirasyon sa mga mata ng dalaga. Uminit ang pakiramdam niya.

Shit, mariing mura ni Jeremy sa magkahalong pagkamangha at inis sa sarili. Mabilis


na iniwas niya ang tingin kay Winnie at napabilis ng lakad patungo sa dagat. Halos
talunin na niya ang tubig para lang malubog ang katawan niya roon. Dahil kung hindi
iyon ginawa ni Jeremy baka may makita ang lahat sa katawan niya na hindi nila dapat
makita. And the fact that his body's reaction is because of Winnie really surprised
him.

Ano ba talaga ang ginagawa ng babaeng iyon sa kaniya? Damn.


zzzzzzzzzzzzzzzzzz==================zzzzzzzzzzzzzzz
Part 9

MAAGA nagising kinabukasan si Winnie. Iyon ay kahit hindi siya nakatulog masyado
nang nagdaang gabi. Pakiramdam kasi niya maghapon siyang iniwasan ni Jeremy
kahapon. Bagay na hindi maintindihan ni Winnie. Maganda naman ang mood ng binata
noong bagong dating. Pero nang nasa beach na sila at nag swimsuit pa naman siya
upang ipakita kay Jeremy umiwas na naman ito sa kaniya. Hanggang hapunan hindi
nakita ni Winnie na tumingin sa kaniya ang binata kahit isang beses lang.
Pagkatapos ng hapunan hindi rin naman niya nalapitan si Jeremy dahil nag-inuman ito
at ang mga kaibigan nito kasama sina Riki, Raiven at Choi.

Napahinga ng malalim si Winnie at nagdesisyong lumabas ng mansiyon suot ang


kaniyang sneakers, shorts at t-shirt. Balak niyang maglakad-lakad muna sa likod na
bahagi ng mansiyon habang nag-iisip ng susunod na hakbang para magkalapit sila ni
Jeremy. Ang sabi kasi ni Lauradia, sa likod daw ang daan kung gusto niyang mag-
trekking sa magubat na bahagi ng isla.

Walang nakasalubong na ibang tao si Winnie hanggang makalabas siya sa backdoor sa


unang palapag ng mansiyon. "Wow, sosyal," nabulalas niya nang paglabas niya ay
nakita niya kung gaano kalawak ang na-develop na espasyo sa likod ng mansiyon.
Ilang metro sa kanan ni Winnie ay naroon ang malaking swimming pool. Sa harap niya
ay open basketball court at sa bandang kaliwa na pinakamalayo sa kaniya ay ang
sumasakop ng pinakamalaking espasyo doon bukod sa swimming pool – ang tennis court.

Tennis reminds her of Jeremy. Kaya walang pagdadalawang isip na nagsimulang


maglakad si Winnie patungo sa direksiyon ng tennis court. Hindi siya marunong
maglaro niyon pero mula nang makilala niya si Jeremy ginusto na niya matuto. Hindi
pa nga lang siya nakakahanap ng oras at ng magtuturo sa kaniya.

Malapit na siya roon nang marinig ni Winnie ang tunog ng tumatalbog na bola.
Sumikdo ang puso niya dahil napagtanto niya na may tao sa tennis court. Napabilis
ang lakad ni Winnie palapit sa pinanggagalingan ng tunog na iyon dahil gumagana ang
radar niya na para lamang sa isang tao. Nakumpirma niya ang hinala nang makita niya
sa isang panig si Jeremy na paulit-ulit na nagpapatalbog ng bola sa pader na
halatang itinayo roon para sa gustong maglaro ng tennis ng mag-isa.

Huminto sa paglalakad si Winnie at pinagmasdan ang nakatalikod na si Jeremy habang


naglalaro ito. Nakatennis outfit at tennis shoes pa ang binata. Basang basa na rin
ito ng pawis patunay na kanina pa naglalaro doon si Jeremy.

He really loves tennis. May kumurot na sakit sa puso ni Winnie nang maalala ang na-
research niya tungkol sa injury ni Jeremy na dahilan kaya hindi na sumali sa mga
kompetisyon ang binata. Pumasok sa screened gate si Winnie para mas makalapit kay
Jeremy. Mukhang naramdaman agad ng binata na may ibang presensiya sa tennis court
dahil tumigil ito sa paghabol sa bola na tumalbog mula sa pader at lumingon sa
direksyon niya.

"Winnie?" manghang bulalas ni Jeremy at biglang tumingin sa wristwatch na suot


nito. "Mag-a-alas sais pa lang ng umaga. Anong ginagawa mo rito?"

"Normal sa akin na gising ako ng ganitong oras. Sa araw ako tulog. Ikaw bakit ang
aga mong nandito? Mag-isa ka pa," sagot ni Winnie na naglakad pa palapit sa binata.
Medyo nakaramdam siya ng tuwa na hindi tulad kahapon tinitingnan na siya ni Jeremy.

Tuluyang humarap sa kaniya si Jeremy at lalong napagtanto ni Winnie kung gaano


katindi ang pawis nito. "Gaano katagal ka na naglalaro mag-isa dito? Sobrang tindi
ng pawis mo," sabi niya.

                        "Ah. An hour ago," sagot ni Jeremy. Inangat ni Jeremy ang


laylayan ng t-shirt na suot nito at pinunasan ang pawis sa mukha. Umangat tuloy
iyon at na-exposed ang flat na tiyan ng binata na hindi nakita ni Winnie kahapon
dahil ayaw ni Jeremy makisali sa paliligo nila sa dagat. Sumikdo ang puso niya at
tila may nagliparang paru-paro sa sikmura niya sa kaniyang nakikita. May six-pack
abs si Jeremy!

Kinailangang ikuyom ni Winnie ang mga kamay upang pigilan ang bugso ng damdamin
niyang lapitan ang binata at hawakan ito. Sa ibang pagkakataon ay hindi magpipigil
si Winnie. After all, mas gusto niyang ipinapakita ang nararamdaman niya kaysa
kimkimin iyon. Kaya lang, baka mailang na naman si Jeremy at hindi na naman siya
pansinin maghapon kapag ginawa niya iyon. Kaya nagdesisyon si Winnie na medyo
magpigil. Ngayon lang naman.

"Winnie," may pananaway na tawag ni Jeremy sa kaniya.

Napakurap si Winnie at noon lang napagtanto na titig na titig siya sa katawan ng


binata. Nang mag-angat siya ng tingin nagtama ang mga mata nila ni Jeremy. Tumikhim
si Winnie at ngumiti. "Nag-e-enjoy ka ba na mag-isa ka naglalaro dito?"

Nagkibit balikat si Jeremy at binitawan ang laylayan ng t-shirt. Pagkatapos nag-


iwas na ng tingin sa kaniya ang binata at naglabas ng isa pang tennis ball sa bulsa
ng shorts nito at humarap na sa pader. "Hindi mahalaga kung may kalaro ako o wala.
I just want to hit some balls," sagot ni Jeremy.

Nagsimula na naman itong magpatalbog ng bola sa pader ng paulit-ulit. Lampas isang


minuto na hindi nagsalita si Winnie at pinanood lamang ang binata. His playing form
is beautiful. Hindi niya maiwasang humanga. Iyon lang, wala si Jeremy ng intensidad
at puwersa na mayroon si Riki at ang iba pang professional tennis player. Bumaba
ang tingin ni Winnie sa kanang tuhod ng binata at muling nakaramdam ng kirot sa
puso niya.

"Kung hindi ka nagkaroon ng injury sigurado ako na nakakalaban mo si Riki sa US


Open, Wimbledon at kung saan-saan pang tennis matches. Baka ikaw pa ang nasa final
match noong nakaraan," sabi ni Winnie.

Hindi naabot ng raketa ni Jeremy ang bola at gulat na napalingon sa kaniya ang
binata. "Paano mo nalaman – no, wait. Of course you will know. Imposibleng hindi mo
malaman ang tungkol sa nakaraan ko. Isa ka pa ring news writer," pabuntong
hiningang sabi ni Jeremy.

Humakbang si Winnie palapit sa binata. "Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol
sa iyo kasi gusto kita."

Napailing si Jeremy at pagak na natawa. "You must find me pathetic. Nagpipilit


maglaro dito dahil hindi na ako puwede sa world scene."
Kumunot ang noo ni Winnie. "Of course not. Anong masama na gawin ang gusto mong
gawin? You love tennis right? Patunay niyon ang pagiging manager mo sa isang tennis
player para mapalapit ka pa rin sa sports na gusto mo. At noong finals, kahit
seryoso ang ekspresyon sa mukha mo at sandali lang kita nakita sa telebisyon, alam
ko na mas masakit para sa iyo ang pagkatalo ni Riki. I also know that it made you
want to play. Kaya ka nandito ngayon hindi ba?"

Natigilan si Jeremy at matiim na napatitig kay Winnie. May kumislap na kung anong
emosyon sa mga mata ng binata na nagpabilis sa tibok ng puso niya. Binuhay niyon
ang pag-asa sa loob niya na baka kahit papaano lumalambot na rin ang puso ni Jeremy
para sa kaniya. Subalit sandali lamang ay nag-iwas na ng tingin ang binata. May
nakapang pagkadismaya si Winnie. Ngunit sandali lamang iyon dahil bigla nang
nagsalitang muli si Jeremy.

"Palagi kong pagsisisihan na hindi na ako makakapaglaro sa mga competition. I love


my job right now, but I will always regret not playing." Dinig nga ni Winnie ang
pagsisisi sa tinig ni Jeremy. Pagkatapos ay umiling ang binata at huminga ng
malalim. "Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito sa iyo," tila mas sarili ang
kausap na dugtong nito.

Muli humakbang palapit si Winnie sa binata. Isang metro na lamang ang layo nila sa
isa't isa. "Of course you have regrets. Kung wala ka ni isang pingsisisihan at
pinanghihinayangan sa sarili mo, hinid ka tao. Every human being has a weakness
deep inside them," sabi ni Winnie.
Part 10
Napatitig na naman sa kaniya si Jeremy. Subalit unti-unti nang lumalambot ang
ekspresyon sa mukha ng binata. "Mahirap maniwala kapag sa iyo nanggaling," komento
nito.

Umangat ang kilay ni Winnie. "Bakit naman?"

"Dahil minsan, sa tingin ko hindi ka normal na tao," sagot ni Jeremy na bahagyang


nakaangat ang gilid ng mga labi.

Napangisi si Winnie. "I'll take that as a compliment. Boring maging normal na tao."

Sa pagkamangha ni Winnie ay gumanti ng ngiti si Jeremy. Iyong malawak at natutuwang


ngiti. "I know you are capable of saying something like that," nakangiti pa ring
sabi nito. Noon nalaman ni Winnie na kapag pala nakangiti si Jeremy maging ang mga
mata ng binata tila nakangiti rin. Para siyang pinana na naman ni Kupido sa puso
dahil sa ngiting iyon.

"Jeremy, huwag na huwag kang ngingiti ng ganiyan sa iba ha? Sa akin mo lang iyan
ipakita," tila wala sa sariling usal ni Winnie na nakatitig pa rin sa mukha ng
binata.

Mukhang nagulat si Jeremy sa sinabi niya at bahagyang nawala ang ngiti. Pagkatapos
ay nag-iwas ito ng tingin at tumikhim. Na para bang noon lang napansin ni Jeremy na
nakangiti ito. Napangiti na naman tuloy si Winnie. Ibig sabihin kasi, he lowered
his guard without knowing it. Binubuksan na niya ang sarili niya sa akin unti-unti.

"Alam mo, matagal ko na gusto matuto maglaro ng tennis, hindi lang ako makahanap ng
tiyempo," sabi ni Winnie. Muling napatingin sa kaniya si Jeremy. Nakangiting
naglakad siya palapit sa binata. "Turuan mo naman ako. Para may kalaro ka habang
tulog pa silang lahat." Nagdesisyon si Winnie na ipagpabukas na lang ang plano
niyang paglalakad sa gubat na bahagi ng isla. Hindi niya papalampasin ang
pagkakataong magkaroon ng oras na kasama si Jeremy. Sana lang pumayag ang binata na
turuan siyang mag tennis.
Ilang segundong tila nag-isip si Jeremy bago walang salitang naglakad palapit sa
malaking tennis bag nito sa bench na nasa isang panig ng court. May kinuhang isa
pang raketa si Jeremy sa bag at humarap kay Winnie. "Ito ang gamitin mo. Wala kang
raketa hindi ba?" tanong ng binata.

Napangiti na si Winnie at halos takbuhin na ang distansya sa pagitan nila ni Jeremy


para makalapit. Inabot niya ang raketa at sinalubong ang tingin ng binata.
"Tuturuan mo ako?" masayang tanong niya.

Tumikhim si Jeremy at kumuha ng ilang pirasong tennis balls sa bag. "Tayo pa lang
naman yata ang gising kaya tuturuan muna kita. Doon tayo sa full court," sagot ng
binata.

Napuno ng labis na kasiyahan ang puso ni Winnie. Hindi na naman tuloy niya
napigilan ang sarili. Niyakap niya si Jeremy. "Thank you!"

Nagitla ang binata at tila ipinako sa kinatatayuan. "Winnie, basang basa ako ng
pawis," saway ni Jeremy sa kaniya.

Ngumiti si Winnie at bahagyang pinakawalan ang binata. "Okay lang. Mabango ka pa


rin," biro niya.

Muntik na matawa si Winnie nang tumingkad ang kulay ng mukha ni Jeremy. Nag-iwas
ito ng tingin. "Doon na tayo sa court," sabi pa ng binata na nagpatiuna na sa
paglalakad patungo sa full court. Ngising ngisi na sumunod si Winnie.

Sandali pa matiyaga nang itinuturo ni Jeremy sa kaniya ang basics ng tennis.


Mabilis namang nagagawa ni Winnie ang itinuturo ng binata. Kasi sa tuwing tama ang
ginagawa niya malawak na ngumingiti si Jeremy na tila ba proud na proud ito sa
kaniya. Lalo tuloy pinagbubutihan ni Winnie dahil na-adik na yata siya sa ngiti ng
binata, gusto niyang palagi iyong nakikita. Masaya rin si Winnie dahil ngayon
nagkakaroon na sila ng interaksiyon ni Jeremy. Dapat pala noon pa niya ipinaalam
ang interes niya sa tennis.

Hanggang hindi na namalayan ni Winnie ang oras. Masyado siyang nag-e-enjoy sa


pagtuturo ni Jeremy sa kaniya at sa bawat ngiti at "Good job" na nagmumula rito
kapag nagagawa niya ng tama ang tinuturo nito. Hindi tuloy namalayan ni Winnie na
may iba nang taong gising maliban sa kanilang dalawa ni Jeremy kung hindi lamang
may biglang nagsalita mula sa labas ng tennis court.

"Kanina pa ba kayo diyan dalawa?"

Parehong napaigtad sina Winnie at Jeremy sa tinig na iyon. Lumingon sila sa


nagsalita. Napaderetso ng tayo si Winnie nang makita ang kaibigan nina Jeremy na si
Gio. Nakapamulsa si Gio habang nakamasid sa kanila. Ngumiti ang lalaki nang
tumingin sa kaniya at magtama ang kanilang mga mata. "Good morning, Winnie!" bati
ni Gio.

Gumanti ng ngiti si Winnie. "Magandang umaga." Gusto niya si Gio. Mabait at may
sense of humor. Kahapon lang sila nagkausap ng lalaki pero nagkasundo na sila agad.
"Maaga kasi ako nagising. Pero pagdating ko rito nandito na si Jeremy." Sumulyap si
Winnie kay Jeremy at noon lang niya napansin na naging seryoso na naman ang
ekspresyon sa mukha ng binata. Wala na ang kani-kanina lang ay mas relax na hitsura
ni Jeremy. Hindi na rin maaninag ni Winnie kahit anino lang ng mga ngiti nito
kanina.

Nakatingin ang binata kay Gio. "Gising ka na pala," sabi ni Jeremy na tila walang
anumang lumayo kay Winnie. "Gising na rin ba sila Riki?"
"Oo. Inihahanda lang ang almusal kaya naglakad-lakad ako. I think we should all go
back in the house already. Darating daw ang iba pa nating mga kaibigan maya-maya
sakay ng yate," sabi ni Gio.

"Okay," sagot ni Jeremy. Lumingon kay Winnie ang binata. "Hanggang doon na lang
muna ang ituturo ko sa iyo. Bumalik na tayo."

May nakapang pagkadismaya si Winnie na matatapos na ang oras na magkasama sila ni


Jeremy. "Tuturuan mo uli ako bukas?" tanong niya. Isang linggo kasi sila sa islang
iyon.

Nagkibit balikat si Jeremy at kinuha mula sa kamay niya ang raketa. "Tingnan
natin," tanging sagot ng binata bago lumayo sa kaniya.

Napalabi si Winnie. "Naka-sungit mode na naman," bulong niya.

Napalingon siya nang tumawa si Gio. "Kung gusto mong mag tennis bukas at hindi
puwede si Jeremy, puwede kitang turuan," alok ng lalaki na may palakaibigang ngiti
sa mga labi.

Gumanti ng ngiti si Winnie pero umiling. "Salamat na lang. Mas gusto kong si Jeremy
ang magturo sa akin." Muli niyang nginitian si Gio bago mabilis na sumunod kay
Jeremy na nakasukbit na sa balikat ang bag. Nang makalapit siya sa binata ay niyuko
siya nito. Matamis na nginitian ni Winnie si Jeremy. "Salamat sa pagtuturo sa
akin."

Ilang sandali na pakiramdam ni Winnie gaganti ng ngiti ang binata. Sa halip marahan
lang tumango si Jeremy at tuluyan nang lumabas ng tennis court at lumapit kay Gio.
Tila may sinabi ang huli sa binata pero hindi masyadong marinig ni Winnie. Ang alam
lang niya base sa reaksiyon ni Jeremy ay hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Gio.
Katunayan tila iritableng inakbayan pa ni Jeremy ang kaibigan at hinatak patungo sa
direksiyon ng mansiyon.

Napahinga na lamang ng malalim si Winnie at sakanagsimulang maglakad pasunod sa


dalawa.
Part 11

"SINO iyon?" marahas na bulong ni Winnie kay Ailyn habang naniningkit ang mga
matang nakatingin sa mga bagong dating na kaibigan daw nina Riki at Jeremy. Lima
lamang iyon; tatlong lalaki at dalawang babae. Subalit ang dahilan kaya naniningkit
ang mga mata ni Winnie ay ang pinakamatangkad at payat sa dalawang babae dahil
kasalukuyang kaagapay niyon sa paglalakad si Jeremy.

Hindi lang basta naglalakad ang dalawa, tila masaya pang nag-uusap. Tumatawa ang
babae habang si Jeremy ay may munting ngiti sa mga labi. Oo nga at mas malawak ang
ngiti ng binata kanina noong silang dalawa lamang. Subalit hindi pa rin gusto ni
Winnie na may ibang babae na nakakapagpangiti ng ganoon kay Jeremy.

"Ah. Ang alam ko Megan ang pangalan niyan. Member sa Country Club kung saan
miyembro din sina Riki, Jeremy at iyong mga kaibigan nila. Nakakalaro nila ng
tennis. Executive din siya ng isa sa mga kumpanyang sponsor ni Riki kaya palaging
ka-meeting ni Jeremy. Mukha silang close ha," ganting bulong ni Ailyn.

Napalabi si Winnie at sinulyapan ang kaibigan. "Bakit mo siya inimbitahan?"

"Hindi ko siya inimbita! Ang alam ko sila Gio lang ang pupunta. Baka si Jeremy ang
tumawag sa kaniya," sagot ni Ailyn.

Parang may kumurot sa puso ni Winnie sa sinabi ng babae. Mukhang napansin iyon ni
Ailyn dahil napangiwi ito. "Joke lang. Hindi naman siguro. Kaso nandiyan na iyan
eh."

"Ailyn! Hello," masiglang bati ni Megan na naglakad palapit sa kanilang dalawa.


Napatingin sina Winnie at Ailyn sa babae. Nakipag beso si Megan kay Ailyn at
nakipagbatian. Ganoon din ang apat na bagong dating.

Si Winnie naman nakatingin kay Jeremy na lumapit rin kasama ng grupo. Tila napansin
ng binata ang tingin niya dahil sumulyap ito sa kaniya. Umangat ang mga kilay ni
Jeremy. "Bakit ganiyan ka makatingin?"

Naningkit ang mga mata ni Winnie at magsasalita pa lamang nang sikuhin siya ni
Ailyn. "This is Winnie, bestfriend ko. Winnie, ipapakilala ko sila sa iyo," sabi pa
ng kaibigan niya. Napunta tuloy sa grupo ang tingin ni Winnie. Napansin niya ang
matamang tingin ni Megan kahit may ngiti sa mga labi ng babae.

"It's nice to meet you Winnie," sabi pa ni Megan. Pagkatapos bumaling na ang babae
kay Jeremy. "Ibababa ko lang ang gamit ko. How about we play a game afterwards?
Matagal na tayong hindi nakakapag-tennis. Ang sabi ni Gio nang tawagan ko siya
kahapon may tennis court daw dito."

"Sure," mabilis na sagot ni Jeremy.

Marahas na napalingon si Winnie sa binata. Kumikislap pa ang mga mata ni Jeremy na


tila nasabik. Pagkatapos ay hindi na tumingin sa kaniya ang binata na umalis na
kasama sina Megan. Nanlalaki ang mga matang napasunod na lang ng tingin sina Winnie
at Ailyn sa grupo.

"Magaling siya. Alam niya na kapag binanggit mo ang tennis kay Jeremy papayag agad
siya. At mukhang si Gio ang umaya kay Megan," puna ni Ailyn.

Napasimangot si Winnie. "Ang daya. Dapat noon pa ako nag-aral mag tennis," maktol
niya. Sigurado si Winnie may gusto ang Megan na iyon kay Jeremy. Sa ngayon lamang
sa kaniya ang babae dahil marunong ito mag tennis. Paano makakatanggi sa isang
tennis game si Jeremy? "Mukhang kailangan ko na talaga gawin ang orihinal kong
plano," mahinang usal ni Winnie.

Natigilan si Ailyn. "Sigurado ka? Kapag hindi umayon sa plano mo ang lahat
malalaman ni Jeremy at baka magalit siya sa iyo," alanganing sabi ng kaibigan niya.

Humalukipkip si Winnie. "Alam ko iyon. Kaya nga kaninang umaga, naisip ko na huwag
na lang ituloy. Kasi maganda naman ang naging pag-uusap namin ni Jeremy. Tinuruan
pa niya ako kung paano maglaro ng tennis. Tapos nginitian niya pa ako. Naisip ko na
puwede kaming maging malapit na hindi na kailangan ang plano ko. Pero ngayon..."
Napatingin si Winnie sa daang tinahak nina Jeremy at Megan. "Ayokong mapunta siya
sa iba."

"Paano kung kahit matapos na ang plano mo hindi pa rin siya mahulog sa iyo?"
malumanay na tanong ni Ailyn.

Napalingon si Winnie sa kaibigan niya. Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Ailyn.


Kumabog ang dibdib ni Winnie sa kaba. "Sa tingin mo hindi siya magkakagusto sa
akin?" May bumakas na simpatya sa mukha ni Ailyn at lalo lamang kinabahan si
Winnie. "May alam ka ba na hindi mo sinasabi sa akin Ai?"

Napabuntong hininga si Ailyn at kumapit sa braso ni Winnie. "Nasabi sa akin ni Riki


dati na constant date ni Jeremy ang Megan na iyon noon pa. Hindi daw napunta sa
seryosong relasyon pero madalas daw lumabas ang dalawang iyon noon. Ang sabi ni
Riki bukod daw sa Megan na iyon wala nang tumagal na babae sa buhay ni Jeremy,"
malumanay na paliwanag ng kaibigan niya.

Hindi nakahuma si Winnie at napakagat labi dahil parang may lumamutak sa puso niya
sa nalaman niyang iyon. Isa iyong bahagi ng buhay ni Jeremy na hindi niya na-
research dahil masyadong pribado. At ngayon parang nagsisisi si Winnie na nalaman
niya iyon. Naalog kasi ng kaunti ang kompiyansa niya sa sarili.

"Winnie?" nag-aalalang untag ni Ailyn.

Hinamig ni Winnie ang sarili at pilit na ngumiti. "Okay lang ako. May pag-asa pa
ako kasi hindi pa seryoso ang relasyon nilang dalawa. At kapag nalaman ko na wala
talagang pag-asa na magustuhan ako ni Jeremy... I will give up on him," sabi niya.
Sumikip ang puso niya sa huli niyang sinabi subalit pilit niya iyong binalewala.

Ilang sandaling mataman siyang pinagmasdan ni Ailyn bago bahagyang ngumiti ang
babae. "May tiwala ako sa mga desisyon mo sa buhay. Tara na bumalik na tayo sa
mansiyon." Tumango si Winnie at umagapay sa paglalakad ni Ailyn.
Part 12

HABANG lumilipas ang oras ay pasama ng pasama ang mood ni Winnie. Hindi kasi
humihiwalay si Megan kay Jeremy. Hindi siya makahanap ng tiyempo na makalapit sa
binata. Lalo na at nang matapos mananghalian ay nag-aya na naman ang babae na mag
tennis. Lahat tuloy ng mga kaibigan nina Riki at Jeremy nagtungo sa tennis court
kasama sina Raiven at Choi. Hindi maka-relate si Winnie pero nagtungo pa rin siya
sa tennis court at pinanood ang mga naglalaro kasama sina Ailyn, Lorie at Lauradia.

"Nasa isla pero himbis na i-enjoy ang dagat nandito sila sa court," mahinang maktol
ni Winnie.

"Winnie, mahahalata na ng lahat ang talim ng tingin mo kay Megan," bulong ni Lorie.

Napakurap si Winnie mula sa pagtingin kay Jeremy at Megan na kasalukuyang nag-uusap


sa malayo habang hinihintay matapos ang game nina Riki at Gio. "Binakuran na kasi
niya si Jeremy kahit hindi naman dapat. Nakakainis," maktol pa rin ni Winnie.

"Tita Winnie!" matinis na tili ng dalawang bata mula sa labas ng tennis court.
Napalingon si Winnie. Nakita niya sina Lance at Maja kasama ang mga yaya ng dalawa.
Naka swimming outfit ang dalawang bata.    "Let's place sa beach, tita Winnie,"
sabi pa ni Maja.

Sandaling sumulyap si Winnie sa direksiyon ni Jeremy at Megan. Medyo nakahinga siya


ng maluwag nang makitang kasama na ng dalawa si Choi. Ang kaso, alam ni Winnie na
talagang hindi siya makakalapit kay Jeremy habang nasa tennis court ang binata.
Napahinga siya ng malalim at tumayo. Bumaling siya sa mga bata at ngumiti. "Sige.
We will play."

                        "Aalis ka na?" manghang tanong ni Ailyn. "Akala ko ba


babantayan mo si Jeremy?"

                        "Ayokong nasa isang tabi lang habang nasa tabi niya ang
babaeng iyon. Pupunta ako sa beach. Kapag hinanap niya ako mamaya o kahit hindi,
sabihin niyo sa kaniya kung nasaan ako, okay?" sabi ni Winnie.

                        Noon bumakas ang reyalisasyon sa mukha ng tatlong babae.


"Ah. Sige," nakakaunawang sabi ni Ailyn.

                        "Alam mo kung nasaan ang mga pagkain at kung anu-ano pa ha?


May inilagay din akong walkie-talkie doon para kung may mangyaring hindi kasama sa
plano mo ma-contact mo kami," sabi naman ni Lauradia.

                        Si Lorie naman ay ngumiti. "Good luck, Winnie."

                        Gumanti siya ng ngiti at tumango. Pagkatapos ay lumabas na


si Winnie ng tennis court upang lumapit kina Lance at Maja. Masayang hinatak siya
ng dalawang bata sa magkabilang kamay palayo roon. Lumingon sa huling pagkakataon
si Winnie sa direksiyon nina Jeremy. Sumikdo ang puso niya nang makitang nakatingin
sa kaniya ang binata. Subalit bago pa magkaroon ng pagkakataong magtama ang mga
mata nila may kung anong sinabi si Megan sa tabi ni Jeremy kaya naalis na ang
tingin nito sa kaniya. Mariing itinikom ni Winnie ang mga labi at binawi ang
tingin.

KUNOT ang noong nagpalinga-linga si Jeremy. Nasa loob na sila ng mansiyon. Inabot
sila ng hapon sa tennis court at tumigil lang silang maglaro nang kumulimlim at
magsimulang humangin ng malakas. Ano mang oras ay siguradong bubuhos ang malakas na
ulan. Subalit hindi makita ni Jeremy si Winnie kahit pa nasa living room na rin ang
dalawang batang kasama ng dalaga na umalis kanina. Ayaw na lang niyang bigyan ng
mas malalim na kahulugan kung bakit naramdaman niya nang sandaling umalis ng tennis
court si Winnie.

"Anong problema Jeremy? Kanina ka pa palinga-linga. May hinahanap ka ba?" takang


tanong ni Megan na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kaniya. Nakapagpalit
na rin ng damit ang babae.

Tumikhim si Jeremy. "Not really," sabi na lamang niya.

"Nasaan si Winnie?" biglang tanong ni Gio na nakapagpalit na rin ng damit at


katulad ni Jeremy ay nagpapalinga-linga sa paligid. May nabuhay na pagrerebelde sa
loob niya. Katulad kaninang umaga nang bulungan siya ni Gio na mauna na raw siya
para masolo nito si Winnie sa tennis court.

"Nagpaiwan ho siya sa dalampasigan. Gusto raw niya mamangka," sabi ng yaya ni


Lance.

"What? Uulan ano mang oras at lalaki ang mga alon. Delikado mamangka. What was that
woman thinking?" manghang bulalas ni Jeremy bago pa niya napigilan ang sarili. Saka
lamang niya napagtanto na napalakas ang boses niya nang mapansin niyang nakatingin
na sa kaniya ang lahat. Naramdaman ni Jeremy ang pagkalat ng init sa mukha niya.
Shit. Why am I even panicking?

"Actually plano talaga ni Winnie mamangka ngayong araw. Hindi lang niya inaasahan
na uulan. Babalik naman siguro siya rito kapag nakita niyang masama ang panahon,"
nag-aalalang sabi ni Lorie na sa kung anong dahilan ay pasulyap-sulyap kina
Lauradia at Ailyn.

"You don't know her," sabay pang sabi ni Jeremy at Ailyn. Nagkatinginan sila ng
babae. Halata ang pag-aalala sa mukha ni Ailyn. "Kapag may naisip gawin si Winnie,
gagawin niya iyon kahit pa bumagyo o lumindol o kung ano pa man," sabi pa ng babae.

"Yes, she is very stubborn like that," sang-ayon ni Jeremy.

"Pupuntahan ko siya," sabi ni Gio.

"No. Ako na," mabilis na pigil ni Jeremy sa kaibigan. Bago pa makapagprotesta si


Gio mabilis na siyang lumabas ng mansiyon. Kahit nang tawagin siya ni Megan hindi
lumingon si Jeremy.

Mas malakas na ang hangin nang naglalakad na si Jeremy sa buhanginan. Pagdating


niya sa dalampasigan nakita niya na mas malaki na ang mga alon kaysa kahapon na
maganda ang panahon. Parang may sumuntok sa sikmura ni Jeremy nang matanaw niya sa
bandang kanan, malayo sa kinatatayuan niya ang isang bangka na may isang sakay.
Kahit malayo alam niya na si Winnie iyon. Tila ba binubuhay ng dalaga ang motor ng
bangka at hindi alintana ang masamang panahon.

"Shit. Baliw talaga ang babaeng iyon," marahas na nausal ni Jeremy sabay takbo
patungo sa dalaga. "Winnie!" sigaw niya.

Tumingala si Winnie at agad na napatingin sa direksiyon niya. Ang magaling na babae


bigla pang ngumisi kasabay ng pagkabuhay ng motor ng bangkang sinasakyan nito.
"Jeremy. Gusto mo sumama mamangka?"

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy at lumusong na sa tubig. "Are you crazy?! Hindi mo
ba napapansin na lumalaki ang mga alon? Uulan. Bumaba ka diyan Winnie," utos niya
sa dalaga.

Hindi natinag si Winnie. "Gusto kong mamangka ngayon. Kung ayaw mo sumama okay
lang." Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan ng dalaga ang sagwan at ginamit iyon
upang iharap ang bangka sa direksiyong gusto nito.

Napabuga ng hangin si Jeremy kahit may pakiramdam siya umpisa pa lang na hindi niya
basta mapapasunod si Winnie. "Winnie, you can do that tomorrow," frustrated na
argumento niya.

Lumabi si Winnie at sandaling may nakita si Jeremy na kakaibang kislap sa mga mata
ng dalaga. Was that desperation or sadness? O pareho? "Tomorrow might be too late,"
tila bulong lamang sa hangin na usal ni Winnie. Hindi agad nakahuma si Jeremy dahil
may kung ano sa tono ng dalaga na parang sumuntok sa dibdib niya. Subalit si Winnie
bumalik sa normal ang ekspresyon sa mukha. "Oo nga pala, Jeremy. Hindi ako marunong
lumangoy," sabi pa nito at tumalikod na sa kaniya.

Napamura si Jeremy. Pagkatapos ay mabilis siyang lumapit sa bangka at kumapit doon


bago pa iyon tuluyang makalayo. Napaigtad si Winnie nang walang kahirap-hirap na
sumampa si Jeremy sa bangka. Saglit na gumewang ang bangka at kumapit silang dalawa
sa magkabilang gilid upang ibalanse iyon. Nang tingnan ni Jeremy ang mukha ni
Winnie ngiting ngiti na ang dalaga habang nakatingin sa kaniya.

"Five minutes lang. At hindi tayo lalayo sa isla. Pagkatapos babalik na tayo,
maliwanag ba?" sumusukong sermon ni Jeremy sa dalaga.

"Salamat!" bulalas ni Winnie. Naging matamis ang ngiti ng dalaga at panandaliang


nawala ang frustration ni Jeremy. Katunayan napatitig lang siya sa mukha nito at
muli pakiramdam niya may nagbago na naman kay Winnie. She looks... beautiful.

Hindi yata talaga tao si Winnie. How can she evolve like that every time I see her?

Namamangha pa rin si Jeremy habang nakatitig sa nakangiting si Winnie kaya hindi


niya namalayan kung saan nang bahagi ng dagat napunta ang bangkang sinasakyan nila.
Natauhan lang siya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sabay silang
napatingala ni Winnie sa madilim na kalangitan.

At doon nagsimula ang kanilang kamalasan.


Part 13
HUMAMPAS ang malalaking alon sa bangka at lalong nabasa sina Jeremy at Winnie.
Bukod pa sa katotohanang basang basa na sila ng ulan. Napakadilim sa paligid at
napamura si Jeremy sa isip dahil nang igala niya ang tingin ay hindi niya matanaw
kung nasaan ang isla ni Raiven dahil pinapalabo ng malakas na ulan, hangin at
hampas ng alon ang paligid. Hindi niya alam kung saan direksiyon sila nanggaling.
Katunayan nag-aalala si Jeremy na baka palayo pa sila ng palayo sa isla.

Bumaling siya kay Winnie na hindi na nakangiti. Katunayan mukhang natataranta na


rin ang dalaga. "Imainobra natin ang bangka pabalik sa kung saan tayo nanggaling,"
sigaw ni Jeremy upang marinig siya ng dalaga.

"Okay," mabilis na sagot ni Winnie at kinuha ang sagwan. Sa kabila ng pagkataranta


sa nangyayari hindi naiwasan ni Jeremy ang mamangha na marunong magsagwan si
Winnie. Katunayan sa kabila ng malalakas na hampas ng alon ay naikot ng dalaga
pabalik sa direksiyong pinanggalingan nila ang bangka.

Subalit ilang minuto pa lang yata ang lumilipas ay biglang namatay ang motor ng
bangka. "Anong nangyari?" manghang bulalas ni Jeremy.

Lumapit si Winnie sa motor at muli iyong sinubukang buhayin subalit umubo lamang
ang makina at muling namatay. Nakangiwing tumingin kay Jeremy ang dalaga. "Patay.
Ubos na yata ang gasolina."

Namilog ang mga mata ni Jeremy. "Ano? Paano mo nagawang sumakay sa bangka na hindi
sinisigurong hindi mamamatay ang motor?"

May bumakas na guilt sa mukha ni Winnie at napayuko. "Hindi ko naman alam na uulan
ng ganito," bulong ng dalaga.

Napakapit sila sa bangka nang biglang may dumaang malaking alon at anurin ang
bangka pakaliwa. Napamura si Jeremy dahil hindi niya alam kung saan sila madadala
ng mga alon. Tiningnan niya si Winnie na mukhang takot na takot na at nanginginig
ang mga labi. "Sorry," garalgal na usal nito.

Parang may lumamutak sa puso ni Jeremy. Umiiyak ba si Winnie? Ibubuka pa lamang ni


Jeremy ang mga labi upang aluin ang dalaga nang muling humampas ang malaking alon
sa kanila. Mas malaki iyon kaysa nauna at tumahip ang dibdib niya nang biglang
tumagilid ang bangka. Pagkatapos nakita ni Jeremy na napabitaw si Winnie sa
pagkakakapit at nahulog sa dagat.

"Hindi ako marunong lumangoy."

"Winnie!" tarantang sigaw niya. Jeremy felt as if someone is ripping his heart out
of his chest. Walang pagdadalawang isip ang sumunod niyang ginawa. Tumalon siya sa
dagat upang iligtas ang dalaga.

Hindi alintana ni Jeremy ang masakit na hampas ng alon at ang pananakit ng mga mata
niya dahil sa maalat na tubig.    Tumatahip ang dibdib niya habang hinahanap si
Winnie. Agad naman niyang nakita ang dalaga na lumutang ang ulo ilang metro mula sa
kaniya.

"Jeremy?" sigaw ni Winnie na nagpapalinga-linga, tila ba hinahanap rin siya.


Lumulutang ang dalaga patunay na marunong ito lumangoy. Iyon ang unang beses na
natuwa siyang may nagsinungaling sa kaniya.

Mabilis na lumangoy si Jeremy palapit sa dalaga hanggang makita na siya nito. She
stretched out her hand to him. Walang pagdadalawang isip na hinawakan niya ang
kamay ni Winnie. Mula hinampas sila ng malalaking alon at nadala na naman sila.
Subalit hindi binitiwan ni Jeremy ang kamay ng dalaga.

Hanggang may matanaw si Jeremy mula sa kaliwa. Nabuhayan siya ng pag-asa. Isang
isla. "Lumangoy tayo hanggang doon," sigaw niya kay Winnie. Saglit pa lumalangoy na
sila palapit sa isla. Medyo nahirapan sila dahil madalas ay inaagos sila ng alon sa
kabilang direksiyon subalit sa kalaunan narating din nila ang dalampasigan. Kapwa
sila hinihingal nang mapahiga sila sa buhangin. Hindi nila alintana pareho ang
malakas pa ring ulan at alon na tumatama sa ibabang bahagi ng katawan nila.

Nilingon ni Jeremy si Winnie na nakadapa sa tabi niya at mariing nakapikit. "Are


you alright?" tanong niya.

Iminulat ni Winnie ang mga mata at sinalubong ang tingin ni Jeremy. Sa pagkagulat
niya biglang tumawa ng histerikal ang dalaga. "That was crazy! Akala ko sa pelikula
lang nangyayari ang nangyari sa atin," bulalas ni Winnie.

Napahugot ng malalim na paghinga si Jeremy at bumangon. "Kailan ka ba magkakaroon


ng normal na reaksiyon, Winnie?" tanong niya.

Ngumisi si Winnie at bumangon na rin. "Hindi ko rin alam."

Sa kabila ng tensiyon nang mga nangyari hindi napigilan ni Jeremy ang pag-angat ng
gilid ng kaniyang mga labi sa sagot ni Winnie. Napagtanto niya na kung mapapadpad
siya sa kung saang isla na hindi niya alam kung kailan siya maililigtas, mas
magiging positibo siya kung si Winnie ang kasama niya.

Tuluyan nang tumayo si Jeremy at inilahad ang mga kamay upang alalayan ang dalaga
na makatayo rin. Ilang sandaling napatitig lamang si Winnie sa mga kamay niya bago
inabot ang mga iyon. Mahigpit na ginagap ni Jeremy ang mga kamay ng dalaga at kahit
maayos na silang nakatayo pareho hindi niya magawang bitawan ang mga kamay nito.

"Kailangan natin humanap ng masisilungan Jeremy," sabi ni Winnie na nagpabalik sa


katinuan niya. Binitiwan niya ang mga kamay nito at mabilis na naglakad palayo sa
dalampasigan. Naramdaman niya ang pagsunod ni Winnie sa kaniya.

Malakas pa rin ang ulan at hangin. Nang lingunin ni Jeremy ang dalaga ay yakap nito
ang sarili at tila ano mang oras ay tatangayin ng hangin. Mabilis siyang pumihit at
naglakad palapit kay Winnie. Pagkatapos inakbayan ni Jeremy ang babae at hinigit
padikit sa katawan niya upang protektahan ito laban sa malakas na hangin.
Nagpalinga-linga si Jeremy sa isla at ang tanging nakikita niya ay puro puno at ga-
bundok sa laki na mga bato. May nakita siyang uka sa isang malaking bato na maaari
nilang silungan.

"Doon tayo," sabi ni Jeremy at inakay ang dalaga. Kumapit si Winnie sa baywang niya
at umagapay sa paglalakad niya hanggang makarating sila sa loob ng malaking bato.
Hindi nga sila nababasa roon kaya nakahinga na ng maluwag si Jeremy. Niluwagan na
rin niya ang pagkakaakbay niya kay Winnie subalit natigilan siya nang himbis na
ganoon rin ang gawin ng dalaga ay lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa
katawan niya. Isinubsob pa ni Winnie ang mukha sa dibdib niya.

"Bakit?" tanong ni Jeremy at niyuko ang dalaga.

Subalit himbis na sumagot ay lalo pang hinigpitan ni Winnie ang yakap sa kaniya
bago kumawala at parang walang nangyaring tumingin sa direksiyon ng dagat. "Nawala
ang bangka natin. Paano na iyan?"

Napatingin din si Jeremy sa tinitingnan nito at napabuga ng hangin. "Hindi ko pa


alam. At least, kailangan natin hintayin tumila ang ulan."
"Hmm," tanging usal ni Winnie. Pagkatapos iginala ng dalaga ang tingin sa loob ng
tila kuwebang kinaroroonan nila. Nagpalakad-lakad pa ito na tila may hinahanap na
hindi mawari ni Jeremy.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya nang makitang kinakapa-kapa na ni Winnie
ang bato.

Napaigtad si Winnie at mabilis na pumihit paharap sa kaniya. "Wala lang."

Kumunot ang noo ni Jeremy. "Winnie, kilala kita para maniwala sa 'wala lang' mo."

Napatitig ang dalaga sa mukha niya at may sumilay na nanunudyong ngiti sa mga labi.
"Ang sarap pakinggan kapag ganiyan ka magsalita. Parang ang close natin."

Natigilan si Jeremy at napagtantong tama nga ang dalaga. Ganoon din siya kanina
habang sina Gio ang kausap niya. Bakit nga ba siya umaakto na parang close sila ni
Winnie kung sa tagal ng pagkakakilala nila palagi niyang iniiwasan ang babae?

Ngumiti si Winnie at biglang sumalampak ng upo sa buhanginan. Pagkatapos tinapik ng


dalaga ang espasyo sa tabi nito. "Upo ka rin muna. Hihintayin nating tumila ang
ulan hindi ba?"

Saglit lamang nag-alangan si Jeremy bago bumuntong hininga at lumapit kay Winnie.
Umupo siya sa tabi ng dalaga. Subalit muntik nang mapatayo uli si Jeremy nang
kumilos si Winnie at aktong huhubarin ang t-shirt na suot nito. "Anong ginagawa
mo?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Doble ang lamig dahil basa ang suot ko. Huwag ka mag-alala, naka-swimsuit ako sa
loob. Ikaw din, dapat hubarin mo iyang t-shirt mo," balewalang sagot ni Winnie at
tuluyang hinubad ang t-shirt.

Napalunok si Jeremy at ipinako sa pagkakaupo nang lumantad sa kaniya ang katawan ni


Winnie na tanging bikini top lamang ang suot. Kahit basang basa ang damit niya at
umuulan pa rin ay pakiramdam ni Jeremy umalinsangan sa paligid. Napalunok siya at
iniwas ang tingin kay Winnie dahil kapag hindi niya iyon ginawa baka tuluyan nang
hindi gumana ang lohikal na bahagi ng utak niya.

Muli lang napatingin si Jeremy sa dalaga nang mapansing pinipiga na nito ang t-
shirt. Walang kaalam-alam si Winnie sa nagiging epekto sa kaniya ng kahubdan nito.
Somehow, he finds her indifference unfair.

Inanod na yata ng dagat ang katinuan ni Jeremy. Dahil natagpuan niya ang sariling
hinuhubad na rin ang basang t-shirt. Dahil bigla ay gusto niyang makita ang
magiging reaskiyon ni Winnie kapag ginawa niya iyon. At nang makita ni Jeremy na
namilog ang mga mata ng dalaga at napatitig sa katawan niya ay bumilis ang kabog ng
dibdib niya. Hindi niya nagawang ialis ang tingin sa mukha ni Winnie. Nang
sandaling iyon ay tila may sumisigaw sa loob niya, inuudyukan siyang tawirin ang
pagitan ng mga mukha nila ng dalaga at halikan ito sa mga labi. Katunayan ay
nararamdaman ni Jeremy na tila may sariling buhay ang katawan niya na lumalapit na
kay Winnie. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa nang
tumingala ang dalaga. Nagtama ang kanilang mga mata.
Part 14

HAHALIKAN niya ako! Tili ni Winnie sa isip niya habang nakatitig sa mga mata ni
Jeremy. Ni hindi niya namalayan na ga hibla na lamang pala ang layo ng mukha nila
sa isa't isa. Abala kasi sa pag-iisip si Winnie dahil sa hindi niya inaasahang
pagbuhos ng malakas na ulan.

Ito na ba ang pinakahihintay niyang sandali? Akala niya kanina, ubod na siya ng
suwerte na nagawa niyang yakapin ng mahigpit si Jeremy. Akala ni Winnie, maaari na
siyang himatayin na nakita niya nang malapitan ang hubad na katawan ng binata.
Subalit ngayon, na nakikita niya ang kislap na iyon sa mga mata ni Jeremy,
pakiramdam ni Winnie kakapusin na siya ng paghinga. Bigla ring nanuyo ang mga labi
niya. She wet her lips with her tongue in anticipation. Nakita ni Winnie na bumaba
sa mga labi niya ang tingin ni Jeremy at lalong nagwala ang puso niya.

Hahalikan niya talaga ako. At dahil siyempre gusto rin naman ni Winnie na mangyari
iyon siya na ang kusang kumilos upang lalong magkalapit ang mga mukha nila ni
Jeremy. Subalit ilang hibla na lamang ang layo ng mga labi nito sa kaniya biglang
kumidlat at kumulog ng malakas. Pareho silang napaigtad. Si Jeremy tila natauhang
mabilis na lumayo. Si Winnie naman ay frustrated na napapikit at napayuko.

Nawala ang mahika ng sandali. Hindi natuloy ang pinakahihintay niyang unang halik
mula sa lalaking mahal niya.

Istorbo talaga ang masamang panahon na ito, gigil na naisip ni Winnie.

Tumikhim si Jeremy. "Kapag tumila ang ulan, mag-iikot ako sa isla na ito para
malaman ko kung gaano tayo kalayo sa isla ni Raiven. Kapag hindi tayo nakabalik
kaagad sigurado ako na gagawa sila ng paraan para hanapin tayo."

Noon napadilat si Winnie at bumalik sa huwisyo. Oo nga pala. Muntik na niyang


makalimutan ang plano niya na nagkagulo-gulo dahil sa biglang pagsama ng panahon.
Subalit kahit ganoon napadpad pa rin sila sa isang isla. Iyon naman talaga kasi ang
plano ni Winnie; ang mapagpad sila ni Jeremy sa isang isla at magkaroon ng
pagkakataong makapagsolo na hindi alam ng binata kung may tiyansang mailigtas sila.
Suspension Bridge Effect ang tawag doon. Marami nang nabasa at napanood si Winnie
na nahulog ang loob ng isang tao sa opposite sex kapag nasa bingit ng panganib.

Nakita na nga niya ang ebidensiya, muntik na siya halikan ni Jeremy. Mas mahaba
pang oras ma-i-inlove na talaga sa kaniya ang binata. Dahil kung tama ang sinabi ni
Lauradia kay Winnie tungkol sa lokasyon ng isla nito at ni Raiven, malaki ang
posibilidad na wala silang dapat ipag-alala ni Jeremy. Pero siyempre hindi niya
muna iyon sasabihin sa binata. Gusto niya pang mapag-solo sila kahit isang gabi
lang. Baka sa susunod matuloy na ang first kiss nilang dalawa. At ang katotohanang
tinangka siyang halikan ni Jeremy ay patunay na kahit papaano nahuhulog na rin ang
loob nito sa kaniya. Lihim na napangiti si Winnie.

"Ako na lang ang mag-iikot mamaya sa isla," sabi niya.

Kunot noong bumaling sa kaniya si Jeremy. "No. Dito ka lang. Hindi natin alam kung
ano ang mayroon sa isla na ito. Ayokong mapahamak ka."

Marahas na umiling si Winnie. "Ako ang may kasalanan kaya tayo napagpad dito. Ako
ang mag-iikot."

"Winnie – "

"Please, Jeremy. Hayaan mong gawin ko ito. Ikaw na lang ang maghintay sa
dalampasigan para kung sakaling may mapadaang bangka makikita nila na may tao.
Magiging okay ako. Sanay ako sa mga isla," pakiusap ni Winnie. Sinalubong niya ang
mga mata ni Jeremy at nagpaawa para pagbigyan siya nito. After all, hindi puwedeng
malaman ni Jeremy ang katotohanan sa likod ng isla kung nasaan sila ngayon.

"Anong ibig mong sabihin na sanay ka sa isla?" takang tanong ni Jeremy.


Napakurap si Winnie dahil hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ni Jeremy. Kahit
kailan kasi hindi nagkainteres ang lalaki na magtanong tungkol sa kaniya. Ngayon
lang. "Lumaki ako sa tabing dagat. Ang laro sa aming mga bata noon ay magbangka
patungo sa iba't ibang mga isla. Pero noong nag college ako sa maynila na ako
tumira. Hanggang ngayon na matanda na ako," sagot ni Winnie.

Halatang nagulat si Jeremy sa inamin niya. "Kaya alam mo kung paano magpatakbo ng
bangka. At sinabi mo na hindi ka marunong lumangoy kahit marunong ka naman pala."

Ngumisi si Winnie. "Kasi hindi ka sasakay kapag hindi ko iyon sinabi sa iyo. Kahit
mukha kang masungit, alam ko na hindi mo matitiis ang kahit na sinong nasa bingit
ng alanganin Jeremy. Kasi mabait ka."

Natigilan si Jeremy at napatitig lamang kay Winnie. May kumislap sa mga mata nito
na bago pa niya mabasa ay nawala na. Bumuntong hininga si Jeremy at sumandal sa
batong nasa likuran nila. "Fine. Ako ang maghihintay sa rescue natin kapag tumila
na ang ulan. Basta mag-iingat ka at sumigaw ka lang kapag may nangyari. Kahit saan
pang panig ka naroon, tatakbo ako para tulungan ka."

Si Winnie naman ang napatitig kay Jeremy. Naramdaman niya ang pagliliparan ng mga
paru-paro sa sikmura niya. Ngumiti siya at humilig sa balikat nito. Napaigtad si
Jeremy subalit hindi kumilos palayo. Lalong lumawak ang ngiti ni Winnie at ipinikit
ang mga mata. Malamig sa paligid, subalit sa puso niya ay parang may mainit na
kamay na humahaplos. Because this is the first time that Winnie has been this close
to Jeremy. Hindi lamang sa pisikal na paraan kundi maging ang emotional at mental
closeness nila sa mga sandaling iyon. Kung maaari siyang maging ganoon kalapit sa
binata habambuhay, mas magiging masaya siya.
Part 15

"TAMA ako ng hinala," nausal ni Winnie sa sarili nang marating niya ang tuktok ng
tila bundok na daang tinahak niya mula sa malaking bato na pinagsilungan nila ni
Jeremy kanina. Tumila na ang ulan kani-kanina lang at kahit malakas pa rin ang
hangin at papadilim na nagpumilit pa rin si Winnie na maglakad-lakad. Kailangan nga
kasi niyang kumpirmahin ang lokasyon nila.

At ngayon nasiguro na ni Winnie na wala talaga silang dapat ipag-alala. Dahil mula
sa kinatatayuan niya nakikita niya ang mansiyon nina Raiven. Mukha iyong maliit
dahil masyadong malayo ang kinatatayuan niya sa bahagi ng isla kung saan nakatayo
ang mansiyon. Pero at least, nasa iisang isla pa rin sila.

"Sabagay, ang sabi ni Lauradia ang islang ito lang daw ang isla sa bahaging ito ng
dagat. Nagkagulo-gulo pero natupad pa rin ang plano kong dalhin dito si Jeremy kaya
okay na rin," ngisi ni Winnie sa sarili. Pagkatapos nagpalinga-linga siya upang
hanapin kung saan itinago ng tauhan ni Lauradia ang mga prutas at walkie-talkie na
ibinilin niya. Sa batuhan niya unang hinanap ang mga iyon pero hindi niya nakita.
Baka sakaling naroon ang mga iyon.

Sandali lang nakita ni Winnie ang hinahanap sa ilalim ng malaking puno na may
malalaking ugat. Nakabalot ang mga iyon ng plastic kaya hindi nabasa. Hindi
pinansin ni Winnie ang walkie-talkie at kumuha lang ng dalawang buko at hinog na
mga mangga para may makain sila ni Jeremy. Pagkatapos ay mabilis na siyang bumalik
sa dalampasigan kung saan niya iniwan ang binata.

Naabutan ni Winnie si Jeremy na nakapamaywang at nakatitig sa dagat. Hindi pa rin


nito suot ang t-shirt nito. "Jeremy!" tawag niya at tumakbo palapit sa lalaki.
Lumingon si Jeremy at naglakad pasalubong sa kaniya. Bumaba ang tingin nito sa mga
prutas na dala niya. "Saan mo nakita ang mga iyan?" tanong nito nang magkaharap na
sila.

"Ah, may puno sa dulong bahagi ng isla. Kumuha ako para may makain at mainom tayo
habang hinihintay natin ang rescue natin," mabilis na palusot ni Winnie.

Kumunot ang noo ni Jeremy. "Umakyat ka ng puno?"

Muntik na mapangiwi si Winnie. "Hindi, nahulog ang mga ito. Basta ang mahalaga may
pagkain tayo, hindi ba?"

Marahang tumango si Jeremy at bumuga ng hangin. Muling tumingin sa dagat ang


binata. "Wala pang napapadpad na bangka. Siguro naman hinahanap nila tayo."

Baka hindi. Kasi napag-usapan namin nina Ailyn na kinabukasan na tayo hanapin.
Naisip ni Winnie. Pero baka hanapin din sila agad dahil umulan ng malakas. Hindi
kasi iyon kasama sa plano ni Winnie. Dapat pala ginamit niya ang walkie-talkie para
sabihing ligtas sila.

Napakurap si Winnie nang biglang sumalampak ng upo sa buhanginan si Jeremy.


"Maghintay tayo dito. Hindi naman na umuulan," sabi ng binata. Inabot pa ni Jeremy
ang isa niyang braso at marahan siyang hinigit paupo sa tabi nito.

Nabitawan ni Winnie ang mga bitbit niya sa harapan nila at ninamnam ang pakiramdam
ng init na nagmumula sa balat ni Jeremy. Napatitig siya sa mukha ng lalaki at
pakiramdam na naman ni Winnie lumolobo ang puso niya sa labis na pagmamahal. Sana
nararamdaman ni Jeremy kahit kalahati lang ng nararamdaman niya para dito. Biglang
naalala ni Winnie si Megan at kung gaano kasaya si Jeremy habang kausap ang babae
kanina.

"Jeremy," usal niya.

Napatingin din sa kaniya si Jeremy. "Bakit?"

"Gusto mo ba ang Megan na iyon?" prangkang tanong ni Winnie.

Halatang nagulat si Jeremy at ilang sandaling napatitig lang sa mukha niya. Kung
dati malamang sinungitan na siya ni Jeremy o kaya ay iiwas. Subalit ngayon hindi
binawi ng binata ang tingin kahit bahagyang sumeryoso ang mukha nito. "Magkaibigan
lang kami ni Megan."

"But you dated her before, right?" tanong pa ni Winnie.

Napabuga ng hangin si Jeremy. "Sinabi iyan sa iyo ni Ailyn, ano? Noon iyon. Akala
namin mag wo-work kami as a couple. Pero kahit ilang date pa ang gawin namin
hanggang pagkakaibigan lang ang nararamdaman namin para sa isa't isa."

"Nagsasabi ka ng totoo?" duda pa ring tanong ni Winnie.

"Oo nga. Akala mo may gusto kami sa isa't isa? Kaya pala maghapong masama ang
tingin mo sa amin ni Megan."

Namilog ang mga mata ni Winnie. "Napapansin mo ako?"

                        Umangat ang mga kilay ni Jeremy subalit nahuli niya ang


pagsilay ng amused na ngiti sa mga labi nito. "Imposibleng hindi kita mapansin.
Masyadong matalim ang tingin mo. Even Megan noticed your deathly stares. Maghapon
niya akong kinakantiyawan tungkol sa iyo."
                        Hindi maalis ni Winnie ang tingin kay Jeremy dahil lumawak
na ang ngiti nito. And he is smiling because of her. Para na namang puputok sa saya
ang puso niya. "Jeremy, gustong gustong gusto talaga kita, alam mo ba iyon?"

                        Hindi nakahuma si Jeremy. Subalit wala na ang pagkailang na


palaging nakikita ni Winnie dati sa mukha nito. Ngayon mas mukhang mangha ang
binata kaysa ilang. Tumingkad ang kulay ng mukha ni Jeremy at iniwas ang mukha sa
kaniya. "I know," tanging sagot ng binata.

                        May nabuhay na pag-asa sa puso ni Winnie sa naging


reaksiyon ni Jeremy. "Kahit kaunti ba, gusto mo rin ako?" lakas loob na tanong
niya.

                        Hindi bumaling sa kaniya si Jeremy subalit nakita niyang


lalong tumindi ang pamumula ng tainga at leeg ng binata. "Winnie, how can you be so
straightforward?" usal nito. His tone is full of wonder rather than frustration.

                        Hindi na napigilan ni Winnie ang sarili. Lumiyad siya upang


mapaharap siya sa mukha ni Jeremy. Mukhang nagulat si Jeremy dahil napaigtad ito at
muntik nang matumba kung hindi lamang nito nailapat ang dalawang kamay sa
buhanginan. Si Winnie naman nakaluhod sa harapan ng binata. Sinalubong niya ng
tingin ang mga mata ni Jeremy.

"Anong masamang maging deretsa pagdating sa nararamdaman ko? Gusto ko lang maging
tapat sa sarili ko at sa taong gusto ko. Kapag itinago mo ang nararamdaman mo,
kapag pinigilan mo ang sarili mong maramdaman ang mga emosyong nasa puso mo dahil
sa kung anu-anong dahilan, hindi ba aksaya lamang iyon ng oras? I love you and I
want you to know that," seryosong litanya ni Winnie.

                        Muli napatitig lang sa kaniya si Jeremy. Napakagat labi si


Winnie at pinutol ang eye contact nila. Bahagya siyang yumuko. "Pero siyempre gusto
kong masuklian mo ang nararamdaman ko kahit kaunti. Hindi ako selfless na tao.
Kapag in love ka, hindi mo maiiwasan maging selfish. Gusto ko sa akin ka lang
nakatingin. Gusto ko sa akin ka lang ngumingiti. Kaya nang makita kitang masaya sa
tabi ni Megan, sumama ang loob ko. Hirap na hirap ako pangitiin ka tapos siya
walang kahirap hirap na nakakausap ka," nakalabing usal ni Winnie.

                        Noon kumilos si Jeremy. Subalit hindi inaasahan ni Winnie


ang ginawa nito. Hinawakan siya ni Jeremy sa batok at hinigit palapit. Nang mag-
angat siya ng tingin ilang sentimetro na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't
isa. Hanggang mangyari ang matagal nang pinaka-aasam ni Winnie. Hinalikan siya ni
Jeremy sa mga labi.

                        Napapikit siya at tila kakapusin ng hininga sa sensasyong


dulot ng halik na iyon. Magaan lamang ang pagkakalapat ng mga labi ni Jeremy sa mga
labi ni Winnie. Subalit sapat na ang init ng mga labi ng binata at ang hampas ng
mainit rin nitong hininga sa mukha niya upang dumaloy ang nakakakiliting kuryente
sa buong katawan niya.

                        Hindi pa nananamnam ni Winnie ang halik na iyon ay marahan


nang inilayo ni Jeremy ang mga labi nito sa kaniya. Dumilat si Winnie at nasalubong
niya ang titig ni Jeremy. May masuyong emosyong kumikislap sa mga mata ng binata na
nagpahigit sa hininga niya. "I get it, already," usal nito. Pagkatapos may sumilay
na masuyo ring ngiti sa mga labi ni Jeremy bago nito inilapat ang noo sa noo niya.
"I lost. I cannot continue resisting you."
Part 16
Bumilis ang tibok ng puso ni Winnie. "Ano ang ibig mong sabihin?" Patindi ng
patindi ang pag-asa sa dibdib niya sa ikinikilos at sinasabi ni Jeremy.

                        Huminga ng malalim ang binata at muling sinalubong ng


tingin ang mga mata niya. "Hindi ko alam kung paano nangyari o kung paano mo
nagawa. But lately, everytime I see you, you are becoming less irritating and
more... charming. Kahit anong pagtanggi ang gawin ko, palagi pa rin sa iyo
napupunta ang atensiyon ko. Nang makita kitang nakikipagtawanan kina Gio,
nakaramdam ako ng pagrerebelde. Dahil naisip ko dapat sa akin ka lang nakikipag-
usap ng ganoon. Kahit alam ko wala akong karapatang mag-isip ng ganoon. Really,
what are you doing to me, Winnie?" litanya ni Jeremy.

                        Napahugot ng malalim na paghinga si Winnie at ikinulong sa


mga palad niya ang mukha ni Jeremy. Ngumiti siya kahit ang totoo gusto na niyang
magtatalon at humalakhak sa labis na tuwa. "Anong ginagawa ko? Simple lang. I'm
making you fall in love with me," puno ng pagmamahal na sagot ni Winnie.

                        Ilang sandaling tumitig lang sa kaniya si Jeremy bago


napabuntong hininga. "But you are not my type," ungol nito.

                        Himbis na mainis natawa pa si Winnie. Wala naman kasing


bahid ng negatibong emosyon ang pagkakasabi ni Jeremy niyon. "Huwag ka mag-alala,
hindi rin talaga kita type. Originally, gusto ko ng lalaking may sense of humor at
very charming."

                        Sumimangot si Jeremy. "Si Gio ang inilalarawan mo, alam mo


ba iyon?"

                        Napangisi si Winnie. Kung ganoon tama si Gio nang sinabi sa


kaniya noon sa beach nang sabihin niya sa lalaki na in love siya kay Jeremy. Ang
sabi ni Gio kay Winnie kahapon may pag-asa daw siya kay Jeremy kasi daw nainis ang
binata nang magpakita si Gio ng interes sa kaniya. Totoo pala.

                        "Oo nga. Pero hindi ako sa kaniya in love. Sa iyo. Pero


ganoon naman yata talaga, minsan kung sino pa ang akala mo hindi mo magugustuhan sa
kaniya pa nahuhulog ang loob mo. Mas gusto ko na ang ganoong klase ng pagmamahal
kaysa iyong love na ibinase sa lohika. Mas exciting," sabi pa ni Winnie.

                        "You are a know-it-all, alam mo ba iyon?" bahagyang amused


na sabi ni Jeremy.

                        Ngumisi si Winnie. "Alam ko."

                        Bahagyang natawa si Jeremy. Pagkatapos ay dumausdos ang mga


kamay ng binata patungo sa mga kamay niyang nasa mukha nito. "Can I kiss you
again?"

                        Matamis na ngumiti si Winnie at kusa nang inilapit ang


mukha kay Jeremy. "Kahit ilang beses mo pa gusto," pabulong na sagot niya.

                        May gumuhit na ngiti sa mga labi ni Jeremy bago nito


tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Pumikit si Winnie at sinalubong ang halik
ng binata. Mas malalim at mas mainit ang halik na iyon kaysa kanina na pakiramdam
ni Winnie malulunod siya sa labis na sensasyon. Ang katawan ni Jeremy parang may
magnet. Kusang humilig ang katawan niya sa katawan nito. Walang pag-aalinlangan na
gumanti ng halik si Winnie. At nang pumaikot sa baywang niya ang mga braso ni
Jeremy upang lalo pang paglapitin ang mga katawan niya ipinulupot naman ni Winnie
ang mga braso sa batok ng binata. They kissed for a long time. Walang pakielam sa
oras, walang pakielam sa lugar.

                        Kapwa nila habol ang paghinga nang sa wakas putulin nila


ang halik. Nang tingnan ni Winnie ang mukha ni Jeremy at hindi na iyon masyadong
maaninag dahil sa dilim saka lang niya napagtanto na gabi na pala. Mukhang kahit
ang binata napansin na ang oras dahil sabay pa silang napalinga-linga sa paligid.

                        "Inabot na tayo ng gabi. Dapat yata bumalik tayo sa batuhan


dahil hindi masyadong mahangin doon. Magkakasakit tayo kung magpapalipas tayo ng
gabi dito," sabi ni Jeremy.

                        "Sige," sagot ni Winnie. Subalit wala sa kanila ang kumilos


upang maghiwalay. Nagkatinginan silang dalawa at parehong napangiti. Si Jeremy ang
naunang kumilos. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at bantulot na inilayo.
Pagkatapos tumayo ni Jeremy ay inilahad nito ang mga kamay upang alalayan naman
siyang makatayo. Ginagap ni Winnie ang mga kamay ng binata at nagpahatak patayo.
Pagkatapos hawak pa rin ang kamay niya na nagsimulang maglakad si Jeremy patungo sa
direksiyon ng batuhan.

                        Magkayakap na pinalipas nina Jeremy at Winnie ang gabi sa


bahaging iyon ng isla. Nakasandig si Winnie sa dibdib ng binata at pinakinggan niya
ang tibok ng puso nito. Napapangiti rin si Winnie kapag paminsan-minsan ay
hinahalikan ni Jeremy ang tuktok ng ulo niya. Dahil hindi pa sila inaantok pareho
nagsimulang magtanong si Winnie nang tungkol sa buhay ni Jeremy at natuwa siya nang
walang pagdadalawang isip na sinagot ng binata ang lahat ng tanong niya. Sa labis
na tuwa ni Winnie ay nagtanong din si Jeremy tungkol sa kaniya.

Pakiramdam ni Winnie, nasa mga sandaling iyon ang lahat ng pinangarap niyang
mamagitan sa kanila ni Jeremy mula pa noong unang beses na magkita sila. Ganoon ba
ka-effective ang Suspension Bridge Effect? Pero ngayon nahihiling ni Winnie na sana
hindi lang dahil doon kaya hinalikan siya ni Jeremy. Na sana kahit hindi sila
napadpad sa isla at akala ng binata ay nasa bingit sila ng panganib ay mahulog ang
loob nito sa kaniya.

Marahas na umiling si Winnie habang nakasubsob sa dibdib ni Jeremy upang palisin


ang mga alinlangan na iyon. Ngayon pa ba siya magpapadala sa negatibong isipin?
Hindi puwede. Isa pa, kung panghahawakan niya ang sinabi ni Gio sa kaniya, ibig
sabihin kahit papaano gusto na siya ni Jeremy bago pa man sila mapadpad sa bahaging
iyon ng isla. Tama, iyon lang ang dapat niyang isipin.

"Winnie? Anong problema?" biglang tanong ni Jeremy na marahil naramdaman ang


pagkabalisa niya. Mabuti na lang madilim na kaya hindi nito makikita ang mukha
niya.

"Walang problema. Medyo weird lang pala matulog sa buhanginan," pabirong sagot na
lang ni Winnie.

Napasinghap si Winnie nang bigla ay walang kahirap-hirap siyang nabuhat ni Jeremy


pakubabaw sa katawan nito. "Then sleep like this," bulong ni Jeremy.

Nakagat ni Winnie ang ibabang labi sa labis na emosyon. Isinubsob niya ang mukha sa
dibdib nito. "Jeremy, I love you."

Humigpit ang yakap ni Jeremy sa kaniya. "Yeah, I know."

Mariing pumikit si Winnie. Hindi pa rin niya naririnig mula sa binata ang mga
salitang nais niyang marinig. Subalit sapat na ang mahigpit na yakap nito, sapat na
ang mga sinabi ni Jeremy sa kaniya, maging ang mainit na halik nito kanina. At
least, ngayong gabi.
Part 17

MALIWANAG na ang paligid nang magising si Winnie. Nakahiga pa rin siya sa katawan
ni Jeremy na payapang natutulog. Napangiti siya at ilang sandaling pinagmasdan ang
natutulog na mukha ni Jeremy bago maingat na umalis sa pagkakahiga sa katawan nito.
Ayaw pa niyang magising ang binata dahil balak ni Winnie na bumalik sa puno kung
saan nakatago ang walkie-talkie. Napagtanto kasi niya na kailangan talaga niyang
kontakin sina Ailyn para malaman din niya kung anong oras darating kunwari ang
kanilang rescue.

Muling napatingin si Winnie kay Jeremy nang nakatayo na siya. Bigla na naman siyang
kinutkot ng guilt. Kapag nalaman ni Jeremy na pinlano niya talagang mapadpad sila
sa isang isla at magkunwaring sila lang dalawa ang tao roon, ano kaya ang magiging
reaksiyon nito?

Hindi niya dapat malaman. Marahas na umiling si Winnie at tinapunan ng huling


tingin si Jeremy bago siya lumabas mula sa batuhan. Nag-inat siya at nilanghap ang
hangin nang makalabas siya. Maaliwalas na ang langit na para bang hindi lang umulan
ng malakas kahapon.

"Gusto ko pa sanang tumagal rito kaso hindi puwede," usal niya sa sarili.
Pagkatapos naglakad si Winnie patungo sa magubat na bahagi ilang metro ang layo sa
batuhan kung nasaan si Jeremy. Ilang minuto lang nakita na uli niya ang pataas na
daan patungo sa malaking puno kung nasaan ang mga prutas at ang walkie-talkie.

Agad na kinuha ni Winnie ang walkie-talkie nang makalapit siya sa puno at binuksan
iyon. Napaigtad pa siya nang tumunog iyon at marinig niya ang distorted na boses ng
kung sino sa kabilang linya.

"Hello? Hello? Winnie, naririnig mo ba ako?" ani tinig sa walkie-talkie.

"Ailyn? Ikaw ba iyan?" sagot ni Winnie nang sa kabila ng choppy na linya ay


makilala niya ang boses ng kaibigan.

"Oo," bakas ang relief sa tinig ni Ailyn.

"Oh, my God. Sa wakas sumagot ka na rin Winnie. Kasama mo ba si Jeremy?" tanong


naman nang isa pang tinig. Hindi lang niya malaman kung si Lorie ba iyon o si
Lauradia.

Lalo tuloy nakonsiyensiya si Winnie dahil pinag-alala niya ng husto ang mga
kaibigan niya. "Kasama ko siya pero nasa dalampasigan siya. Ako lang ang nagpunta
rito. Sorry pinag-alala ko kayo. Pero okay kami. Mabuti na lang kahit umulan ng
malakas kahapon napagpad pa rin kami sa isla gaya ng plano ko. Anong oras niyo kami
ililigtas?" sagot ni Winnie.

"Papunta na kami diyan. We are travelling by land dahil hindi kami sigurado kung
nandiyan ba kayo o wala. In fact, malapit na kami sa lokasyon mo, Winnie. You
really have a lot of explaining to do," tinig iyon ng lalaki na sigurado siyang si
Raiven.

Napangiwi si Winnie. Na napalitan ng pagkataranta nang mag-angat siya ng tingin at


mula sa posisyon niya ay matanaw niya ang sasakyan na bumibiyahe patungo sa
direksiyon niya. Ni hindi nasabi ni Lauradia na may deretsong daan pala mula sa
mansiyon patungo sa bahaging iyon ng isla! Akala niya sa magubat na bahagi lamang
sa likod ng mansiyon ang daan papunta sa kung nasaan siya ngayon.
Mabilis na napatayo si Winnie. "Saka na tayo mag-usap. Babalik na ako kay Jeremy.
Please, Raiven, huwag mo akong pagagalitan sa harap niya ha? Ayokong malaman niya
na plano ko talagang mapadpad kami sa walang katao-taong isla para makapagsolo
kaming dalawa. Hindi niya kailangan malaman ang –"

    Napahinto sa pagsasalita si Winnie nang may marinig siyang kaluskos mula sa


likuran niya. Mabilis na bumaling siya roon. Namilog ang mga mata ni Winnie at
nabitawan niya ang walkie-talkie nang makita si Jeremy. Bakas ang magkapamangha sa
mukha ng binata at nanlamig ang buong katawan ni Winnie. Dahil nakikita niya sa
nanunumbat na kislap sa mga mata ni Jeremy na narinig nito ang mga sinabi niya.
Sumikip ang dibdib ni Winnie at sa unang pagkakataon ay nablangko ang utak niya at
hindi kaagad nakaisip ng kahit anong maaari niyang sabihin.

ISANG beses lang naramdaman ni Jeremy noon na para siyang pinagtulungan ng buong
mundo. It was only once that he felt betrayed before. Noong bigla siyang nagka-
injury at sinabi sa kaniya ng doktor niya na hindi na siya maaaring maglaro ng
competitive tennis. Sinabi niya sa sarili niya noon na ayaw na niyang maramdaman pa
iyon kahit kailan.

Subalit ngayon iyon mismo ang nararamdaman ni Jeremy. Pakiramdam niya para siyang
pinaglaruan at pinagmukhang tanga. No, hindi lang parang. Talagang pinaglaruan siya
ni Winnie. Ang babaeng kagabi lang ay tinanggap na niya sa sariling nagugustuhan na
niya. Ang babaeng akala niya ay higit pa sa una niyang impresyon. That maybe, she
is more sane than crazy. Ang babaeng ipinangako niya sa sarili niya kagabi na
poprotektahan at ibabalik sa isla kung nasaan ang mga kaibigan nila. Dahil akala ni
Jeremy napadpad sila sa isang walang katao-taong isla at hindi niya alam kung
kailan sila maililigtas. Halos hindi pa nga siya makatulog buong gabi sa kakaisip
kung paano sila makakaalis doon.

Iyon pala, planado ni Winnie ang lahat? How crazy can this woman get?

Sandaling lumampas ang tingin niya kay Winnie at tumiim ang mga bagang niya nang
matanaw ang mansiyon nina Raiven sa di kalayuan. All along, nasa iisang isla pa rin
sila at alam iyon ni Winnie pero hindi sinabi sa kaniya ng dalaga. Nagmukha lang
siyang tanga sa kakaisip magdamag kung ano ang gagawin nila kapag walang dumating
na rescue.

Unti-unting tumitindi ang pagrerebelde sa dibdib ni Jeremy. Kinailangan niyang


ikuyom ng mariin ang mga kamao upang huwag umalpas ang kaniyang galit.

"Anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo, Winnie?" halos ayaw lumabas ng mga
salita sa lalamunan ni Jeremy.

Namutla si Winnie at nakagat ang ibabang labi. Sa unang pagkakataon mula nang
makilala ni Jeremy ang dalaga ay mukhang hindi nito maapuhap kung ano ang
sasabihin. Subalit sapat na ang kislap ng guilt sa mga mata ni Winnie para masiguro
ni Jeremy na hindi siya nagkamali ng dinig kanina.

"Planado mo ang lahat? Kaya ba nagpumilit kang mamangka kahit masama ang panahon?
We almost died back there! At lahat iyon plano mo? Para ano? Para paglaruan ako?
May limitasyon ang biro Winnie. And this? This is not funny!" sigaw na ni Jeremy.

Nanginig ang mga labi ni Winnie at tuluyang humarap sa kaniya. "G-gusto ko lang
naman na magkaroon tayo ng oras dalawa. Para... para mahulog ang loob mo sa akin.
Kasi mahal kita eh."

Napahugot ng malalim na paghinga si Jeremy subalit hindi parin niyon napawi ang
galit niya. Kung kagabi ay para siyang lumulutang nang sabihin ni Winnie sa kaniya
na mahal siya nito, ngayon ay lalo lamang iyong nagpapatindi sa pagrerebelde sa
dibdib niya.

"Hindi mo puwedeng idahilan palagi iyan para sa lahat ng mga kalokohang naiisipan
mo gawin, Winnie! Kung lahat ng tao puwedeng makalusot sa mga hindi nila magandang
ginagawa dahil lang mahal nila ang taong ginawan nila niyon, magkakagulo ang mundo.
Ang ilagay sa bingit ng panganib ang buhay ko at pati narin ang buhay mo ay hindi
pagmamahal. If doing crazy things just to get your way is a sign of love, then I
don't need that love. For God's sake, grow up!"

Napaatras si Winnie na parang pisikal niya itong sinaktan. Bigla naman nagsisi si
Jeremy sa mga nasabi niya. Lalo na nang makita niyang kumislap ang sakit sa mga
mata ni Winnie. Sa kabila ng galit niya para ring may lumamutak sa puso niya sa
isiping nasaktan niya ang dalaga. Ibubuka na sana ni Jeremy ang bibig upang bawiin
ang sinabi niya nang maunahan siya ni Winnie.

"Fine! Kung hindi mo kailangan ang pagmamahal ko, okay," puno ng hinanakit na sagot
ni Winnie. "Sorry, kung niloko kita. Alam ko mali ang ginawa ko. Wala na lang ako
ibang maisip pa para masuklian mo ang nararamdaman ko para sa iyo. But if you think
I will risk our life for my selfishness then you are wrong. Hindi ko alam na uulan
okay? Hindi ko alam na mahuhulog ako sa bangka at mauubos ang gasolina ng motor
niyon.

"Ang plano ko lang ay ayain ka mamangka at kapag nakarating tayo sa isla ipapaanod
ko ang bangka para isipin mo na wala tayong ibang paraan para makaalis dito. Ang
plano ko lang huwag ipaalam sa iyo na ang totoo nasa kabilang panig lang tayo ng
isla nila Raiven. I thought gagana ang suspension bridge effect sa iyo, na kapag
bumilis ang tibok ng puso mo dahil nasa bingit tayo ng alanganin, it will turn into
love. At kagabi, akala ko gumana na. Akala ko nahulog na ang loob mo sa akin. Pero
ngayon alam ko na mali ang ginawa ko. I'm sorry okay?" garalgal na litanya ni
Winnie.

Lalong hindi nakahuma si Jeremy nang may tumulong luha mula sa mga mata ni Winnie.
Iyon ang unang beses na nakita niyang umiyak ng ganoon ang dalaga. Parang may asido
sa sikmura niya at napahakbang siya palapit subalit agad din siyang napahinto.
Dahil ano ba ang balak niyang gawin? Yakapin at aluin si Winnie? Pagkatapos ano?

Marahas na pinahid ni Winnie ang mga luha at sinalubong ng tingin ang mga mata ni
Jeremy bago pa siya makapagdesisyon. "But don't take my feelings for you lightly.
Dahil seryoso ako sa nararamdaman ko para sa iyo Jeremy. Kahit ganito ako, hindi
naman ako ang tipo ng babaeng maghahabol ng matagal na panahon sa lalaking hindi ko
talaga mahal. Pero may hiya naman ako kahit kaunti. Nagdesisyon ako na kapag nagawa
ko ang plano ko at hindi ka pa rin na-in love sa akin, susuko na ako. I no longer
want to cause you trouble."

"Wi –"   

Bumikig sa lalamunan ni Jeremy ang pagtawag niya sana sa dalaga nang may gumuhit na
malungkot na ngiti sa mga labi ni Winnie. "That's why I'm giving up on you now,
Jeremy. Sorry uli sa ginawa ko. Pero huli na ito, pangako." Pagkatapos ay bigla
nang tumalikod si Winnie. "Hayun na ang sasakyan na magsusundo sa atin!"

Napatingin si Jeremy sa direksiyong itinuro ng dalaga. Mula nga sa kinatatayuan


nila ay nakita niya ang isang sasakyan na papalapit sa kanila. Nakababa ang mga
bintana niyon at nakita ni Jeremy na nakasungaw sa isang bintana si Ailyn. Tumakbo
si Winnie pasalubong sa sasakyan. Muling dumiin ang pagkakakuyom ng mga kamao ni
Jeremy. Kahit anong paghinga ang gawin niya hindi pa rin nawawala ang pagsisikip ng
dibdib niya. Hanggang sumuko na siyang pagaangin ang pakiramdam niya. Naglakad si
Jeremy pasunod kay Winnie upang salubungin ang "rescue" nila.
Part 18
HINDI na nagawa pang tingnan muli ni Winnie si Jeremy matapos ang naging sagutan
nilang dalawa. Katunayan wala siyang matingnan na kahit na sino mula nang makasakay
sila ni Jeremy sa sasakyan hanggang makabalik sila sa mansiyon nina Raiven. Mukhang
nakaramdam din sina Ailyn na may nangyari sa pagitan nila ni Jeremy dahil hindi rin
nagtanong ang mga ito. Kahit si Raiven hindi siya sinermunan.

Pagdating sa mansiyon sinalubong sila ng mga kabarkada nina Riki na mukhang hindi
alam ang tungkol sa plano ni Winnie. Halata kasing tunay ang relief sa mukha ng mga
ito nang makitang ligtas sila ni Jeremy. Si Megan ay tila maiiyak pa ngang niyakap
si Jeremy sa tuwa. Sa gilid ng mga mata ni Winnie nakita niyang gumanti ng yakap
ang binata. Kumirot ang puso niya kahit pa sinabi ni Jeremy kagabi na magkaibigan
lang ito at si Megan. Marahil dahil ngayon alam ni Winnie na maging siya ay hindi
mamahalin ng binata.

Kung ganoon para saan ang mga sinabi ni Jeremy kagabi? Ano ang kahulugan ng mga
halik nito? Marahil nadala lang ito ng sitwasyon. At ngayon, mas matindi ang galit
ni Jeremy kaysa sa naramdaman nito kagabi. He even told her he doesn't need her
love. May dahilan namang magalit ang binata. After all, niloko naman talaga niya
ito. Pero ang sakit pa rin na marinig mula sa taong mahal niya na hindi nito
kailangan ang magpapamahal niya.

Nag-init ang mga mata ni Winnie. Hindi siya iyakin pero hayun siya, nais pumalahaw
ng iyak. Iniwas ni Winnie ang tingin kina Jeremy at mahinang nagpaalam kina Ailyn
na pupunta na siya sa silid na gamit niya.

"Sasamahan na kita," mabilis na sagot ni Ailyn.

Walang lakas magprotesta si Winnie kaya tumango na lang siya. Nakita niyang nag-
aalalang nagkatinginan sina Lorie at Lauradia kaya pilit na lamang niyang nginitian
ang dalawa upang ipaalam na okay lang siya. Kahit ang totoo ay hindi.

Pagkapasok nila sa silid ay napaupo na kaagad sa sahig si Winnie. Niyakap niya ang
mga tuhod sa dibdib at isinubsob doon ang mukha. Pagkatapos ay pinakawalan niya ang
mga luha na kanina pa niya pinipigilan. "I messed up, Ai. This time, I really
messed up," hikbi ni Winnie.

Lumuhod sa tabi niya si Ailyn at niyakap siya. "Narinig namin ang pinag-uusapan
ninyo ni Jeremy dahil hindi mo naman napatay ang walkie-talkie. Kaya hindi kami
nagtanong nang makalapit kami sa inyo. May punto si Jeremy pero sa tingin ko hindi
rin tama ang paraan niya ng pagkakasabi niyon. Nag-alala lang siya masyado para sa
kaligtasan ninyong dalawa. Lilipas din ang galit niya, sigurado ako," malumanay na
alo ni Ailyn sa kaniya.

Marahas na umiling si Winnie at nagpatuloy sa pag-iyak. "Kahit mawala ang galit


niya wala namang maiiba. Hindi pa rin niya ako mamahalin. That's why I decided to
give up already. Nagamit ko na lahat ng lakas ng loob at creativity ko para mahulog
siya sa akin. Wala na akong energy." Marahas na pinunasan ni Winnie ang mga luha at
huminga ng malalim. "Gosh, hindi ko naisip na iiyak ako ng ganito. Wala sa karakter
ko," paungol na bulalas ni Winnie.

Malungkot na ngumiti si Ailyn. "Ganiyan talaga kapag na-i-in love at nasasaktan.


Normal lang iyan Winnie."

Muling napaiyak si Winnie. "This is why I don't want to be normal." Muli siyang
niyakap ni Ailyn. "Gusto ko na bumalik ng maynila. Please, Ai."
"Sige, sasabihin natin kina Raiven na babalik na tayo ng maynila. Ipapahiram niya
uli ang chopper sigurado ako," alo ni Ailyn.

Gumanti ng yakap si Winnie at isinubsob ang mukha sa balikat ng kaibigan niya. Alam
naman niya umpisa pa lang na hindi magiging madali ang pag-ibig na iyon. Pero buo
ang kompiyansa niya noon na madadaan niya sa perseverance si Jeremy. Ngayon
napagtanto ni Winnie, na hindi rin pala maganda kung ipinipilit mo ang nararamdaman
mo sa isang tao. Na may limitasyon ang maaari mong gawin para sa pag-ibig.

Ngayon alam na niya ang mga iyon. Alam na rin niya na kapag nagawa mo na ang lahat
at hindi ka pa rin minahal ng taong mahal mo dapat sumuko ka na lang. Kaya iyon ang
gagawin ni Winnie. Kahit masakit. Kahit pakiramdam niya imposible. She will give up
on her feelings for Jeremy.

"ANONG problema mo?" pasigaw na tanong ni Riki kay Jeremy nang hindi naabot ng
raketa niya ang tennis ball na tinira nito patungo sa kaniya. Hinihingal na
napahawak si Jeremy sa mga tuhod niya. Kanina pa sila naglalaro ng tennis ni Riki
at kahit siya alam niyang hindi maganda ang kondisyon niya sa araw na iyon.

Katunayan, isang linggo nang wala sa huwisyo si Jeremy. Mula noong araw na iyon sa
isla ni Raiven. Aminado siya na magulo ang utak niya nang araw na iyon matapos ang
nalaman niyang ginawa ni Winnie. Subalit pagdating din nila sa mansiyon, nang
magpaalam ang dalaga na magtutungo na sa silid nito kasama si Ailyn at makita
niyang tila iiyak na naman ito ano mang oras ay parang binuhusan ng malamig na
tubig si Jeremy. Napagtanto niya na may mali rin siya. Masakit nga ang mga
binitawan niyang salita. Because Winnie has been in love with her for such a long
time. At lumabas na parang binalewala lamang niya ang damdamin ng dalaga. Kahit pa
hinalikan na niya ito nang nagdaang gabi.

Habang nasa sarili niyang silid noon si Jeremy upang mag shower at magbihis iniisip
na niya kung paano uli kakausapin ang dalaga. At nang makapagdesisyon siyang
lumabas at hanapin si Winnie nalaman ni Jeremy na umalis na raw ito kasama si Ailyn
sakay ng chopper. Mula noon wala na siyang balita pa tungkol sa dalaga. Ang tanging
naging laman na lang ng isip ni Jeremy ay ang huling mga salitang binitiwan ni
Winnie.

"I'm giving up on you now, Jeremy. Sorry uli sa ginawa ko. Pero huli na ito,
pangako."

Sumikip ang dibdib niya at wala sa loob na nakuyom niya ang kamao doon. Para siyang
kakapusin ng hininga at alam ni Jeremy na hindi iyon dahil sa pagod. Damnit.

"Let's stop this game, Jeremy," malakas na sabi ni Riki.

Dumeretso ng tayo si Jeremy at tumingin sa kaibigan niya na nakalapit na pala sa


kaniya. "Hindi ka naman makapag-concentrate sa laro natin. Si Winnie ang iniisip mo
hindi ba?" tanong ni Riki.
Part 19

Huminga ng malalim si Jeremy at naglakad patungo sa shaded bench sa gilid ng tennis


court. Umupo siya roon at tumabi sa kaniya si Riki. Ilang sandaling tumitig lamang
sa court si Jeremy bago siya nagsalita. "Hindi ko alam kung paano nangyari. Noong
nasa amerika pa tayo, sigurado ako na hindi ako interesado sa kaniya kahit dalawang
taon ko ng alam na may gusto siya sa akin. Pero nang bumalik tayo sa pilipinas, sa
tuwing nakikita ko si Winnie parang palaging may nag-iiba sa kaniya. Kung dati
naiilang ako sa kakulitan niya, unti-unti hindi ko na iyon nararamdaman. I find
myself tolerating her antics. In fact, I find them amusing. At si Winnie... she's
getting more beautiful and charming everytime I see her."

Gumitaw sa isip ni Jeremy ang mukha ni Winnie, ang matamis na ngiti sa mga labi ng
dalaga, ang tawa nito, hanggang mapalitan iyon ng lumuluhang mukha ni Winnie.
Mariing pumikit si Jeremy at muling humugot ng malalim na paghinga.

"Hindi sa may nag-iba kay Winnie. Ang pagtingin mo sa kaniya ang nagbabago sa
tuwing nakikita mo siya kaya pakiramdam mo nag-e-evolve siya. It's just that you
are seeing her in a different light, because you are starting to like her. Kaya
paganda siya ng paganda sa paningin mo. Ganoon lang iyon," malumanay na sabi ni
Riki.

Oo, alam na iyon ni Jeremy. Nalaman niya iyon noong gabing iyon sa isla, nang
hayaan niya ang sariling maramdaman ang mga emosyong binuhay ni Winnie sa puso
niya. Dumilat siya nang maramdaman ang matamang pagtitig ni Riki sa kaniya.

"Hindi ka kumokontra. Ibig sabihin, naging aware ka na sa nararamdaman mo para sa


kaniya. You like her. Actually sa tingin ko higit pa roon ang nararamdaman mo. Kaya
anong ginagawa mo rito at nagmumukmok ng ganiyan? Puntahan mo siya at sabihin mo
kung ano ang nararamdaman mo," sabi ni Riki.

Kumuyom ang mga kamao ni Jeremy. "But she said she will give up on me already,"
helpless na usal niya.

Kumunot ang noo ni Riki. Pagkatapos malakas siya nitong hinampas sa balikat. Gulat
na napatingin si Jeremy sa kaibigan niya. "For once, kalimutan mo muna ang pride
mo, Jeremy.    Dalawang taon ka na niyang hinahabol. Baka gusto mo namang ikaw ang
kumilos ngayon? Kung hindi ka kikilos talagang makakawala siya at sigurado ako na
pagsisisihan mo iyon. Because the only time I see your guard lowered was when you
were with her. Kapag kasama mo si Winnie, saka ko lang nakikita na relaxed ka
Jeremy. That means a lot right?"

Napuno ng kakaibang init ang dibdib ni Jeremy at determinadong tumango. "Tama ka."
Mabilis siyang tumayo. Ano nga ba ang ginagawa niya sa loob ng isang linggo? He
should be proactive. Minsan nang may importanteng bagay sa kaniya ang hindi niya
nakuha. Pero iyon ay dahil wala siyang magagawa nang magkaroon siya ng injury noon.
Subalit ngayon, walang dahilan para hindi niya makamtam ang kaligayahan niya.
Walang dahilan para pakawalan niya ang babaeng mahal niya. So what if she said she
will give up on him? He will not give up on her.

"Mauna na ako sa iyo Riki," sabi ni Jeremy.

Ngumisi si Riki. "Good luck."

"GIVE up on him? Paano mo gagawin iyon Winnie? Anong ginagawa mo ngayon ha?" kausap
ni Winnie sa sarili habang nakatitig sa flat screen television niya. Naka pause ang
video sa parteng naka-close up si Jeremy. Pagkatapos ng isang linggong pagpipigil
niya ay pinanood din niya ang video clips ni Jeremy. Kinagat ni Winnie ang ibabang
labi upang pigilan ang sariling maiyak.

Bumuga siya ng hangin at humiga sa sahig. Tumitig siya sa kisame. "Ano nang gagawin
ko?" Pakiramdam ni Winnie bigla siyang na-lost. Wala siyang gana magtrabaho. Walang
gana kumain. Walang gana sa kahit na ano. Halos isang linggo na nga siya hindi
naliligo kung hindi lang siya dinalaw ni Ailyn kagabi at pinilit hatakin sa banyo.
Pagkatapos inaya siya ng kaibigan niyang lumabas upang malibang naman daw siya.
Pumayag si Winnie pero para naman siyang robot nang nasa labas na sila ng apartment
niya, sumusunod lang kay Ailyn, tumatango sa bawat sinasabi ng kaibigan niya. Sa
huli ibinalik rin siya ni Ailyn sa apartment niya bitbit ang malaking take-out na
pizza at doon nila kinain. Hayun nga at nasa center table pa ni Winnie ang natira,
katabi ng laptop niya. Naroon na iyon mula pa nang umalis si Ailyn kagabi.

Ganito na lang ba ako? Marahas na umiling si Winnie. "Ayoko. Hindi ako puwedeng
maging ganito ka miserable ng mas mahaba pang panahon. This is not me!" Bumangon si
Winnie at tumayo. Iginala niya ang tingin sa loob ng apartment niya na kasalukuyang
magulo. "I need to get a hold of myself. Kailangan ko na tumigil magmukmok."

Determinadong nagsimulang maglinis si Winnie. Pagkatapos ay naligo pa siya ng


pagkatagal-tagal, nagpaganda at nagpabango kahit hindi naman siya lalabas ng bahay.
Fresh na uli ang pakiramdam niya nang magdesisyon siyang magbukas na sa wakas ng
emails na sigurado siyang puro trabaho. Pinapasadahan ni Winnie ng tingin ang mga
emails niya nang mapahinto ang mga mata niya sa email address ni Riki. Sa subject
ay nakasulat ang "something interesting". Hindi alam ni Winnie kung bakit pero
biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa simbolo ng attached
files. Huminga siya ng malalim at binuksan ang email.

Isang linya lamang ang nakasulat sa email. "You don't really need that Suspension
Bridge Effect, Winnie."

Pagkatapos mga larawan na ang laman ng email. Nanginig ang mga kamay ni Winnie at
nag-init ang mga mata. Mga larawan nila ni Jeremy ang mga iyon noong welcome home
party ni Riki. Noong magkausap sila ni Jeremy, hanggang noong nagsasayaw sila sa
dance floor. May kuha rin na nasa lamesa silang lahat at magkalayo sila ni Jeremy.
Mayroon ding mga larawan na nasa iisang frame sila pero abala sa pakikipag-usap sa
iba. May ilan pang larawan sa isla nina Raiven, sa tennis court, na tila kuha gamit
ang CCTC camera. Kuha iyon nang umagang turuan siya ni Jeremy mag tennis.

May tumakas na hikbi sa lalamunan ni Winnie at napatitig sa mga kuha ni Jeremy.


Parang lumobo ang puso niya dahil sa lahat ng larawan ni Jeremy, magkasama man sila
o hindi, sa kaniya nakatingin ang binata. At ang ekspresyong iyon sa mukha ni
Jeremy habang nakatingin sa kaniya ay lalong nagpapainit sa gilid ng mga mata niya.
It's as if... he likes her.

"Ano ba talaga, Jeremy?" maktol ni Winnie.

Noon siya may narinig na humintong sasakyan sa labas ng apartment complex nila.
Kasunod niyon ay lagabog ng tila tumatakbo. Babalewalain na sana iyon ni Winnie
nang mapaigtad siya sa malakas na katok sa pinto niya. Nanlalaki ang mga matang
napatitig siya sa pinto.
Part 20
"Winnie. Alam ko nasa loob ka. Buksan mo ang pinto," malakas na sabi ni Jeremy
kasabay ng pagkatok.

Sumikdo ang puso ni Winnie at mabilis na napatayo. Walang pagdadalawang isip na


tumakbo siya palapit sa pinto at binuksan iyon. Napahinto si Jeremy sa akmang
pagkatok at napatingin sa kaniya. Napatitig lang din si Winnie sa mukha ng binata.
Basa ang buhok ni Jeremy at amoy bagong paligo pa na para bang kalalabas lamang ng
shower. Nakita ni Winnie nang bumakas ang relief sa mukha ng binata at kumislap ang
mga mata sa emosyong nakita niya sa mga larawang pinadala ni Riki.

May bumikig sa lalamunan ni Winnie. God, namiss niya ang lalaking ito. Namiss niya
ang mukhang iyon, ang presensiya nito, maging ang pakiramdam na maging ganito
kalapit kay Jeremy. Paano niya naisip na magagawa niyang kalimutan ang lalaking
ito?

Napasinghap si Winnie nang hawakan ni Jeremy ang magkabilang balikat niya at


isinama siya papasok sa apartment niya. Pagkapinid ng pinto ay umangat ang mga
kamay ng binata pakulong sa magkabilang pisngi niya. Pinagtama ni Jeremy ang
kanilang mga paningin. "I'm sorry," sinserong usal nito. "I'm sorry for the harsh
words I said that day. Masyado lang akong nagalit dahil talagang natakot ako para
sa kaligtasan mo noong umuulan ng malakas. Kung alam mo lang na parang may pumunit
sa puso ko nang makita kitang mahulog sa dagat at akala ko hindi ka marunong
lumangoy. Kung alam mo lang kung gaano ako ka handang ibigay ang buhay ko para lang
masiguro ko na ligtas ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nakahinga ng maluwag
nang mapadpad tayo sa isla at pareho tayong buhay. I was really worried you know.
Pagkatapos nalaman ko na dahil sa plano mo kaya nabingit tayo sa panganib. Siyempre
magagalit ako," litanya ni Jeremy.

Napahikbi si Winnie. "Sorry din. Alam ko naman mali talaga ako. Hindi ko na uulitin
iyon. Pero sana naman, huwag mong sabihin na hindi mo kailangan ang pagmamahal ko.
Dahil ano pang gagawin ko sa nararamdaman ko kung ayaw mo iyon?"

Kumislap ang mga mata ni Jeremy sa guilt. Pagkatapos bigla siya nitong niyakap ng
mahigpit. Nasubsob si Winnie sa dibdib nito. "I'm sorry, I didn't mean that.
Kalimutan mo na iyon. Hindi ko na ulit iyon sasabihin. Sorry. Kaya please, don't
give up on me like what you said. Hindi ko kakayanin iyon. Ngayon pa, na mahal na
mahal kita, saka mo pa ako susukuan? Hindi ako papayag."

Natigilan si Winnie. Pakiramdam niya biglang huminto ang takbo ng oras at nag-echo
lang sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Jeremy. Ang mga salitang matagal na
niyang nais marinig mula sa binata, sinabi na rin nito sa wakas. Sinabi ni Jeremy
na mahal siya nito. Parang sasabog ang puso ni Winnie sa saya.

Pinakawalan siya ni Jeremy at muling sinalubong ang kaniyang mga mata. Tuluyan nang
naluha si Winnie nang makita ang pagmamahal sa mga mata ni Jeremy. "Pero kung
talagang nagdesisyon ka nang kalimutan ako, ako naman ang kikilos para siguruhing
hindi mo iyon magagawa. This time, I will make you fall in love with me to the
point that you will not be able to give up on me. Kukulitin kita na katulad ng
ginawa mo sa akin sa nakaraang dalawang taon. At kapag hindi pa rin sapat iyon, I
will just have to do this."

Namilog ang mga mata ni Winnie nang biglang siyang siilin ng halik sa mga labi ni
Jeremy. Napapikit siya at napakapit sa mga balikat ng binata nang palalimin nito
ang halik. Nanlambot ang mga tuhod ni Winnie at napasandig sa katawan ni Jeremy.
Saglit na pinakawalan nito ang mga labi niya upang muling magsalita. "I love you,
Winnie."

Mahigpit na niyakap ni Winnie si Jeremy. "Mas mahal kita. Palagi mong tatandaan
iyan. How can I give up on you? Subukan mo ngang tumingin sa paligid," naiiyak na
sabi niya.

Noon lang nagawang alisin ni Jeremy ang atensiyon sa kaniya at tumingin sa paligid.
Huminto ang tingin ng binata sa flat screen TV ni Winnie, pagkatapos ay sa
nakabukas pa ring screen ng laptop niya na may larawan nila noong party. "Saan
galing iyon?" takang tanong ni Jeremy.

"Pinadala sa akin ni Riki. Ang sabi niya, hindi ko naman daw kailangan ng
Suspension Bridge Effect. At ngayon tingin ko tama siya. Sapat ng ebidensiya ang
mga tingin mo sa akin sa mga larawang iyon para malaman ko na nagustuhan mo ako
hindi dahil sa planong ginawa ko. Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin na mahal mo
pala ako? Pinaiyak mo pa ako," reklamo ni Winnie.

Saglit na ngumiwi si Jeremy subalit lumambot uli ang ekspresyon at masuyong


hinaplos ng daliri ang pisngi niya. "Dahil pinipigilan ko pa ang nararamdaman ko
para sa iyo. Dahil hindi ko naisip na magkakagusto ako sa iyo. Pero noong gabing
iyon sa isla, hindi ba sinabi ko na sa iyo, pinapakawalan ko na ang nararamdaman
ko. Huwag mong iisipin na kasinungalingan ang mga sinabi at ipinakita ko sa iyo
nang gabing iyon okay? Dahil totoo kong nararamdaman ang mga iyon. Isa pa hindi mo
na kailangan magplano ng kung anu-ano para mahulog ang loob ko sa iyo. Ngiti mo pa
lang sapat na para bumilis ang tibok ng puso ko."

Napangiti si Winnie at malutong na hinalikan sa mga labi ang binata. "I really love
you, Jeremy," bulalas ni Winnie dahil hindi na naman niya mapigilan ang pagalpas ng
nararamdaman niya.

Ngumiti si Jeremy. "And I love you, crazy girl."

Natawa si Winnie at niyakap ng mahigpit si Jeremy. Sa wakas nakuha rin niya ang
pagmamahal ng taong pinakamamahal niya. Matagal na proseso pero ayos lang iyon.
Dahil alam ni Winnie na mula sa araw na iyon, marami man siyang gawing kung anu-
anong hindi normal sa tingin ng iba, basta nasa tabi niya si Jeremy na handa siyang
mahalin sa kabila ng lahat, masaya na siya.

~WAKAS~

a/n: hello! nakakapagod pala ang isang bagsakan na upload haha. hindi ko na 'to
uulitin. lol. anyway, this story is a gift kasi anniversary ngayon ng the prince's
scandal trilogy. kung matatandaan ninyo, si Winnie ay kaibigan ni Ailyn at si
Jeremy ay abogado ni Riki (Riki and the bodyguard) Holiday ngayon kaya enjoy
reading! :)
zzzzzzzzzzzzzzzzzz==================zzzzzzzzzzzzzzz

You might also like