You are on page 1of 4

Mga Elemento ng Pelikula

a. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula.


Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya
ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood.

Iba pang mga Elemento


a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo
dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa
telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga
eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi
na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang
oras/panahon ang isang pelikula.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera


1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa
malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood
sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang
taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng
mukha; sulat-kamay sa isang papel.
4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus
ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa
mata lamang sa halip na sa buong mukha.
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang
senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong
lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang
tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito
ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak
nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang
salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga
tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon,
naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento laban sa
politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at
nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite”
ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal
na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film
subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan
ang isang dokumentaryo.
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga
“Independent o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi ng kulturang
popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA
Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa
komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang
malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya sa terminal ng
kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib
matapos makababa ng bus.

BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat.”
TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa Maynila? Halika’t
ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang
pangkat ng mga kabataan.
BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”
BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na lang, may karga
si Tuklaw na tobats, naka-jam ako kahit konti.”
BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh.”
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang naglalakad na estudyante.
Maya-maya’y biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya
ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit
pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin.
TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila.”
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo.
TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.”Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa
kanilang mga babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito.
BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.”
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang pamangkin ko.”
BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang pananamit?”
TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa ganoong buhay.
Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa
kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip.
Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila
bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang
tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya,
narinig niya ang sirena ng pulis.tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad
agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay.
Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.
BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik sa
probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko?
TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, wala akong magawa Boyet, wala.

HAHAMAKIN ANG LAHAT (Ni : Abdon Balde Jr.)


Ni: Eros Atalia

Alas dose na . Nagsilabasan na ang mga kasamahan


"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi ni niya sa opisina. Lunch break. Niyaya siya ng mga
Cherry. May halong biro. Para na rin niyang ito na mananghalian. "Sunod na ako, tapusin ko
sinabing, "Pagputi ng uwak". lang itong pinipagawa ni Sir, kailangan daw ng 2
Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo. pm, e." , wika niya.
Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang. Naiwan siya sa opisina. Pinaspasan niya ang
Inilihim niya sa mga kaibigan ang balak. trabaho. Unti-unti nang umiinit. Hinubad niya ang
Nagpalakas siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si blazer. Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila
Dindo. Hindi alintana ang sakit at hirap. kapag lunch break. 12:40 tapos na ang trabaho.
"Puwede ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang Tinext siya ng kanyang mga kaopisina kung nasaan
buwan. na siya. Nag-reply siya " D p tpos. Nxt time n lng.
Nwy , I'll just eat my baon here."
Isang linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo Kinakailangang niyang ma-promote. Kailangan
si Cherry na nagmemeryenda sa canteen. niya lang siguro ng magandang break. Sa
"Para sa'yo , handa na ako", sabi ni Dindo. pinapatrabaho ng kaniyang boss, baka ito nga ang
"Oh shocks ! " sagot ni Cherry , nakangisi, kaniyang break.
"Serious ka? Kami na ni Joko, noh ! " Mula sa kaniyang kinauupuan, kitang-kita niya ang
Malungkot na tumalilis si Dindo, iika-ika, hila ang nagdidilim na langit. Dinukot ang pitaka. Binuksan.
paa na may polio. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang
Malupit ang pag-ibig. barya sa pitaka. Muli tiningnan ang langit. "Wag
kang uulan. Wag".
Kumakalam na ang kaniyang tiyan. Binuksan niya
ang drawer. May isa pang pakete ng biskwit.
Binuksan niya ito. Kumain. Tumungo sa water
dispenser. Kumuha ng disposable cup. Uminom ng
tatlong basong malamig na tubig. Napadighay siya.
Bumalik sa pwesto. Muling tumingin sa langit.
Hindi niya tiyak kung makulimlim o maaraw.
Napailing siya." Makisama ka naman. Wag kang
SKYFAKES umulan. Wag." Muling binilang ang barya sa pitaka.

You might also like