Professional Documents
Culture Documents
KAHULUGAN:
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at
hulaping -an sa ugat na titik. At ang titik ay nangangahulugang "literatura".
nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula.
“Ang Panitikan ay Bungang-isip na isinatitik.”( G. Abadilla )
“Ang Panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang
Lumikha”. (G. Azarias )
URI NG PANITIKAN:
c. NOBELA O KATHAMBUHAY– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
d. PABULA – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral
para sa mga batang mambabasa.
g. DULA – nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado.
i. TALAMBUHAY – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa
mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
a. SARSWELA
b. MORO-MORO
c. SENAKULO
a. BALAGTASAN
b. BATUTIAN
12 AKDANG PAMPANITIKAN NA NAKAIMPLUWENSYA SA DAIGDIG
1. Banal na Kasulatan (Holy Scriptures) na mula sa Palestina at Gresia at naging batayan ng
sangkakristyanuhan.
2. Koran na pinaka-Bibliya ng mga mahometano at galing sa Arabia.
3. Iliad at Odyssey ni Homer, na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o palaalamatan ng Gresya.
4. Mahabharata ng India, kasaysayan ng mga dating Indo at ang kanilang pananampalataya.
5. Divina Comedia [Divine comedy] ni Dante ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya,
moralidad, at pag-uugali ng panahong kinauukulan.
6. El Cid Compeador ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang
mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.
7. Awit ni Rolando na kinapapalooban ng Roncesvalles at Docd Pares ng Pransya, na nagsasalaysay ng
gintong panahon ng kakristyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga Pranses.
8. Aklat ng mg Araw ni Confucius, na naging batayan ng pananampalataya, kalinangan at karunungan ng
mga Intsik (na malinaw na nakarating dito sa atin).
9. Aklat ng mga Patay ng Ehipto, na kinapapalamnan ng kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang
Ehipsyo.
10. Sanlibo’t Isang Gabi ng Arabia at Persia na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, panlipunan,
pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga silanganin
11. Canterbury Tales ni Chaucer ng Inglatera, na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
Ingles noong unang panahon.
12. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nakatawag pansin sa karumal
dumal na kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng simulain ng demokrasya.