You are on page 1of 11

May dalawang uri ng panitikan.

Ang dalawang sangay o dalawang anyo ng panitikan ay ang mga sumusunod

♥ Mga Tula (poetry) - may mga naratibo't lirikal at maingat ang pagsukat at tugma
sa mga ito. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong
salita o mga mga retorika sa mga taludtod na may mga sukat o bilang ng mga
pantig at pagtutugma sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga tulang liriko,
tulang pasalaysay, at tulang pangtanghalan.

♥ Mga Tuluyan o Prosa (prose) - mga lipon ng mga salita't pangungusap na may
mga kwento at aral. Ito ay nabubuo sa pamamagitan naman ng malayang
pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap at pagtatalata. Hindi limitado
o kaya ay p i g i l ang mga paggamit ng mga pangungusap. Kabilang ang mga
maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at
editorial sa mga tuluyan o prosa. Sa madaling sabi, ang mga prosa ay mga lipon ng
mga salita't pangungusap na may mga kwento at aral. Kung tutuusin, ang mga
akdang pampanitikan ay kalimitang mga prosa.

Narito ang mga halimbawa ng panitikan:

A. halimbawa ng tuluyan o prosa / halimbawa ng tuluyan na panitikan


-Noli Me Tangere – Jose Rizal
-El Filibusterismo – Jose Rizal

B. halimbawa ng patula
-Ibong Adarna
-Florante at Laura
Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong
unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at
pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa
sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga
pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man
dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit
karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng
mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng
punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa
panahong ito. Alibata ang kadalasang ginagamit Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan ,
talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay
naman bilang panulat.
Ang mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noong sinaunang panahon ay ang alamat,
kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong.

 Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay; halimbawa na ang Ang Alamat ng
Pinya
 Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa
isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
 Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala.
Ang mga halimbawa ng mga ito:
a. Bidasari - Moro
b. Biag ni Lam- ang Iloko
c. Maragtas - Bisaya
d. Haraya - Bisaya
e. Lagda - Bisaya
f. Kumintang - Tagalog
g. Hari sa Bukid - Bisaya

Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin.
hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing.

Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.


Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.

Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Halimbawa: Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.

Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.


Halimbawa: Isang tabo, laman ay pako. Ang sagot ay "langka".
Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at
panitikan ang mga
sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong
patula; mga
kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw
at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat
sa mga piraso
ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang
mga
natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan,
pinasunog at pinasira
ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay
gawa ng
demonyo.

Pananakop ng Kastila

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at
GLORY. Dumating
sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto
at upang lalong
mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati
ang panitikan sa
dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at
ang ikalawa
ay ang panitikang panrebolusyon.

(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal

Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa


mga unang
akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa
mga ito ay
ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga
pasyong inaawit. Sila
rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na
mababatid sa
mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at
prinsesa –
isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at
karagatan.

Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila


lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa
pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag
ang
pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na
isang
panrelihiyong aklat.

Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula
sa nama’y
ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay
pumapaksa sa
tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga
sundalong
Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang
Kastila at
talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o
mga dulang
puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.

Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni


Padre Modesto
de Castro.

Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 –
ang Successos
Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong
Agosto 8, 1811
lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior
Govierno na umabot
hanggang labinlimang tomo.

(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso


Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop
ng Kastila,
karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas
sa kamalayang
Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na
kalabanin ang
pamahalaan.

Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng


mga Kastila sa
mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-
ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.

Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon.


Nalathala ang
mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero
19, 1889 na
naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa
kalagayang
panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa
ilalim ng
pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”

Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t
ibang
sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang
Kastila at
upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong
Laan ay naging
bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me
Tangere at El
Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal
ng mga
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang
Dalaga sa
Malolos.

Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na
PLARIDEL), Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio
Jacinto, Apolinario
Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging


tagapagsagip ang
mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa
pamahalaang
Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon
naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang
ang mga
ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga
Pilipino sa Kastila,
Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa
Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.

Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng


mga oda para
kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga
talumpati; si Lope K.
Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang
sosyalista; si
Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag
na ‘Huseng
Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw
ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes
na sumulat ng
imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo
Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-
marami pang iba.

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit
ng mga
gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre)
ng panitikan
gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano,
naimpluwensiyahan din
ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito.
Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista
na nagbunga
sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa
bansa, ngunit nag-
umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig
(silent films); unti-
unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan
na ng mga
Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng
mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng
pagka-
ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.

Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal
at ng
kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa
bansa ay ang
pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may
underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno
ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes
Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga
Amerikano. Ngunit
hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. Ang dula ay sadyang
kinasangkapan ng mga
manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at
makabayang pananaw.
Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa
ipinalasap ng
mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa
mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng
1903 – ang
Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang
itinatanghal ang dulang
ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang
mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni
Aurelio Tolentino ay
tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang
“Hindi Ako
Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng
kanyang may-bahay.
Pananakop ng Hapon
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito
sa Pearl Harbor
noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos
kaya’t sinakop ng
Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang
biyaya sa
larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang
panitikan ng bansa
sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng
wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa
bansa. Sinunog
din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning
ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa
Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa
mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan
nina Liwayway
A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang
maikling-kwento. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at
may bilang na pantig na 5-7-5
sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na
taludtod at ang
bilang ng pantig ay 7-7-7-7

You might also like