You are on page 1of 17

Do Not Enter

Namujhe, Jessica B.

jecca.namujhe@gmail.com

MGA TAUHAN:
JIN – lalaki, 23, estudyante, matangkad

VIE - babae, 16, estudyante, matatakutin sa multo

BABAE- 25, hot looking and flirty

LALAKI: 27, decent ang mukha, lust-looking, boyfriend ni BABAE.

Tagpuan: Bubukas ang eksena sa isang madilim na sala. Mukhang


luma at abandonado. May takip ng plastic or tela ang mga gamit.
Dahan- dahang papasok ang isang lalaki at babae. Nakahawak ang
babae sa lalaki. Isiswitch ni lalaki ang isang ilaw.

Babae: You said we’re going to do something fun. Bakit dito mo


ko dinala?

Lalaki: We are going to do something fun…here. (ngiti.) Tsaka di


ka ba naeexcite na gawin dito?

Hahalikan ng lalaki ang babae sa leeg.

Babae: Babe stop it! Ang creepy dito o.

Hahalikan ng lalaki ang babae sa labi habang gumagala ang kamay


sa katawan ni girl.

Lalaki: Feeling excited yet?

Hahalikan ulit ang babae. Hahalik pabalik ang babae. Giggles.


Bubuksan ng lalaki ang pintuan ng kwarto. Papasok sila sa loob.
Sasara ang pinto. Magfiflicker ang ilaw. Maririnig ang sigaw
nila, at mga nahuhulog na gamit na tila may naghahabulan.
Bubuksan ng babae ang pinto habang gumagapang palabas. Makikita
na wala siyang mata at may mga tumutulong dugo sa kanyang
pisngi. May hihila sa kanya paloob. Sisigaw ang babae. Sasara
ang pintuan. Isang malakas na sigaw, then lights off.
Lights on. Makikita ang mahabang sofa sa gitna ng entablado. May
isang backpack sa tabi ng isang sofa. Sa harap ng sofa ay isang
table. Makikitang nakaupo si JIN sa sofa habang nakatayo si VIE
at nakaharap sa likod.

JIN: Huy VIE!!! Nung sinabi mo na kailangan mo ng kasama dito sa


bahay niyo, literal pala na sasamahan lang kita. Kumausap ka
naman!

Tatayo si JIN para lapitan ang kaibigan.

JIN: Ilang minuto ka nang tahimik. Namamanis na laway mo oy.

Haharap si VIE. Makikita na umiinom ng tubig si VIE.

VIE: Gago. Umiinom kasi ako di ba?! Try mong magsalita habang
umiinom.

Babalik sa sofa si JIN at uupo. Mapapaisip si VIE. Susubukang


uminom habang nagsasalita. Mabibilaukan siya. Tatawanan siya ni
JIN. Babatuhin ni VIE si JIN ng cushion.

JIN: Ang bayolente talaga ni Vivi! Bad Vivi!

Pupulutin ni JIN ang cushion na tinapon ni VIE. Uupo si VIE.

VIE: Tae naman to. VIE lang kasi. Hindi Vivi. Ano ako, aso?

JIN: Buti ka nga aso. Ako tae.

Uupo si JIN sa kabilang upuan.

VIE: Totoo naman. Pano naman kasi babalik ka na namang Baguio.


Tapos kanina pagdating mo, kinatok mo yung pinto namin tapos
nagtago kang gago ka.

JIN: (tawa) Ilang taon ka na VIE! Natatakot ka pa rin sa multo?


VIE: May cutoff ba sila sa dapat nilang takutin? Basta samahan
mo muna ako. Alam mo namang may nagpaparamdam sa kwarto ko di
ba?

JIN: Oo. Kaya nga naka-on lahat ng ilaw oh. Pag yang mga yan
sabay-sabay napundi, tatawanan talaga kita (tawa).

VIE: Sige tawanan mo pa ko. Hindi mo naman alam pinagdadaanan ko


dito. Ewan ko nga kina mama, bakit dito pa kami lumipat. Hindi
naman masaya yung neighborhood.

Titingnan ni VIE si JIN.

VIE: Tapos gan’to pa naging kaibigan ko.

JIN: Hoy. Hindi dahil kaibigan mo ko, lalait-laitin mo na ako.


Mas matanda ako sayo ng pitong taon, pero kung maka-mura ka
diyan, kala mo magka-edad lang tayo ah. Tawagin mo kong kuya
JIN!

VIE: Sorry PO KUYA JIN. Pakabait na PO ako. Masaya ka na PO ba


KUYA?

JIN: Bwisit naman to. Wag na nga. Tawagin mo na lang akong pwet,
tae, kabute, uod.

VIE: UOD

Matatawa si VIE.

JIN: Bakit ba kailangang samahan kita dito?

VIE: Ngayon mo lang ba ako nakilala? Hi! Ako pala si VIE, takot
ako sa multo.

JIN: I mean, bakit kailangang ako yung kasama mo dito?

VIE: Nagrereklamo ka? Tsaka di mo maaasahan mga tao ngayon. Pag


hihingi ka ng favor, kailangan may kapalit.
JIN: Materialistic din ako uy.

VIE: Eh di ba sabi mo dati kang nakatira dito? Kaya nga


hinahayaan kitang bisitahin yung dating bahay niyo. Lalo na yung
kwarto ko na dating kwarto ng kapatid mo. Kasi alam kong
namimiss mo siya. Ano ulit pangalan ng kapatid mo?

JIN: Rose.

VIE: Bango ng pangalan. Di tulad nung sayo. Parang inumin.


Marinig ko lang, nahihilo na ako agad.

JIN: Kaysa naman VIE. Tunog aso. Vivi. Whoof whoof!

Babatuhin ni VIE si JIN ng kung anumang bagay na mahablot niya.


Iiwasan ni JIN ang bato ni VIE.

JIN: Bleh. Ano ba yan, you missed!

Babatuhin muli ni VIE si JIN at masasapul siya. Susubukan ni JIN


na i-withstand yung sakit.

JIN: Bleeeh. Hindi naman masakit! I don’t feel pain.

VIE: Ah ganun ha.

Babatuhin ni VIE si JIN ng maraming gamit. Mahihirapan si JIN na


iwasan ang mga gamit. Magkukunyareng di nasasktan.

JIN: Tama na. Di naman masakit.

Uupo si JIN. Tatawanan siya ni VIE at uupo rin.

VIE: Ganito ka rin ba kay Rose? Naaawa tuloy ako sa kanya na


ikaw yung kuya niya.

JIN: Ako ang kawawa sa kanya. Nabuhay ata siya para lang
bwisitin ako. Specialty niya ang mangblackmail. Alam mo bang
every week, nagreremit ako ng isang daan sa kanya. Para lang
hindi niya sabihin kina mama na ako nakasira ng windshield ng
sasakayan ni papa.

VIE: Grabeng teamwork yan!

JIN: Minsan bigla bigla niya akong tatawagin. Kala mo kung may
sasabihin siyang importante. Pero kapag sumagot ako ng ano yon?
Or Bakit? Sasabihin niya lang, mukha kang pwet. Kahit
nagmamadali ako sa umaga, tatawagin niya ako para lang sabihin
yon.

VIE: Oh my god! Sya ba ang nawawala kong kambal?

Matatawa si JIN.

JIN: She does sounds like you. Bayolente rin siya. Kapag ininis
ko siya, mambabato siya ng kahit anong gamit na mahahablot niya.
Kaya hindi ko siya inaasar kapag nasa kusina kami. At mahilig
din siyang tawagin akong uod, tae, kabute. Naalala ko, nung bata
pa lang kami, bago kami matulog, laging sinasabi nila mama na,
“Angels will always guard you.” Tapos nakakatulog kami ng
mahimbing.

Katahimikan.

VIE: So bata ka pa lang, uto-uto ka na? Hindi naman totoo yung


angels. Sige nga, nakakita ka na ba ng angels?

JIN: Bakit ikaw? Nakita mo na ba utak mo? Bakit naniniwala ka na


meron ka non?

VIE: Sige nga, kung may angels para mag protect, bakit may mga
pinapatay? Narerape? Bakit may massacre?

JIN: Fate? Destiny?

VIE: Nonsense! (Lights will flicker faintly pero hindi


mapapansin ni VIE dahil busy siya magalit. Mapapansin ni JIN ang
pagflicker ng ilaw. ) Napakamalas naman nila at ganun ang fate
nila. Kung sinoman gumawa ng destiny nila, gago siya. Subukan
niya kayang tumayo sa katayuan nila.

JIN: Bakit ba ang lalim ng galit mo?

Lights flickering out.

VIE: Malalim ba? Hindi ko rin alam. SO! Kailan ka babalik ulit
dito?

JIN: Tingnan mo to. Di pa nga nakakaalis eh. Balik agad?

VIE: Tsaka ilang taon ka na uy. 23! Nag-aaral ka pa rin?

JIN: Quality education takes time.

VIE: (sarcasm) Wow. Proud siguro yung parents mo sayo.

JIN: Bakit ba? Eh gusto ko pa ngang mag-aral. Tsaka hindi na ako


masaya sa dating program ko. Ayoko namang gawin yung isang bagay
na ayaw ko kahit alam kong mas masaya ako sa iba.

VIE: Sus. Typical line ng mga nangangaliwa.

Tatawa si VIE.

JIN: Wag mong ikumpara yung pag-aaral ko sa lovelife mo. Syempre


ako, minsan lang naman ako mabubuhay. Kaya dapat gawin ko yung
bagay kung saan masaya ako, para kapag namatay ako, namatay
akong masaya.

VIE: Buti ka pa. Mamamatay kang masaya kasi nagagawa mo yung


bagay na gusto mo kasi suportado ka ng magulang mo. Ako kasi
wala man lang nagtanong kung ano gusto kong gawin sa buhay.
Gusto ko kasi magsulat ng mga kwento na ibabahagi ko sa iba.
Pero para sa magulang ko, wala sa options iyon.

JIN: Dapat sinabi mo na dun ka masaya. Dapat pinaglaban mo yung


gusto mo. No limit ang choices sa buhay.
VIE:. Sabi nila na hindi nila ako susustentuhan kapag
pinagpatuloy ko yung gusto ko. Pero mahal ko ang pagsusulat!

JIN: E di pinaglaban mo?

VIE: Malamang!...Sinunod ko gusto nila. Kailangan ko pa rin


namang mabuhay no. Tapos malalaman ko na lang na pinayagan
nilang magshift si kuya ng program!

JIN: Eh baka kasi-

VIE: Ganun talaga. Si kuya pwedeng sumama sa outing ng mga


kaibigan niya. Ako, sa bahay lang ako. Kapag si kuya ok lang,
pag ako, hindi pwede.

JIN: Eh kasi-

VIE: Babae ako. Kahit sa pananamit. Lagi akong sinisita. Kesyo


maikli, kesyo kita yung ganito.

JIN: Concerned lang sila na baka mabastos ka. Alam mo namang


maraming mapamantala ngayon.

VIE: Kahit naman naka pants or naka long sleeves may mga
nababastos pa rin. Kapag naman nabastos ako, kasalanan ko pa
kasi bakit ganun suot ko! Bakit parang ako pa ang may
kasalanan?! Ako ba ang nang bastos? Hindi ko na alam kung ano
bang dapat isuot.

JIN: Eh bakit parang galit ka sa mga lalaki?

VIE: Hindi ako galit sa mga lalaki. Galit ako sa mga nagsasabing
“kasalanan mo kung bakit ka nabastos.” Excuse me lang ha. Hindi
ko po ginustong mabastos! Hindi ako yung walang pagpipigil sa
sarili!(Lights will start to flicker pero hindi mapapansin ni
VIE dahil busy siya migrant. Mapapatingin si JIN sa ilaw.) Hindi
dahil nagagandahan ka, or nagwagwapuhan ka sa isang tao, eh
pwede mo nang i-catcall or hipuan! Bumabalik tayo sa pagiging
hayop natin eh!

JIN: Kalma ka lang. You’re scaring me.

VIE: Ang daming restrictions! Tapos minsan unreasonable na!

JIN: Ano ba VIE! (Lights flickering out) Para kang nang-aaway.


Isipin ng mga tao, minumurder kita dito. Mamaya mabaranggay pa
tayo.

VIE: Hindi yan. Wala namang pakialam ang mga tao dito. Kahit
siguro sumigaw ako ng tulong habang mataas ang tirik ng araw,
walang mamamansin sakin dito.

JIN: Matulog ka na lang para makaalis na ako.

Hihiga si VIE sa mahabang sofa. Naka-curl up siya sa


sofa.Yayakapin niya ang isang cushion. Lilingon si JIN sa
paligid niya. Mapapansin ito ni VIE at magsisimulang maparanoid.
Tatakbo si VIE sa tabi ni JIN.

VIE: Bakit? Ano yon? Bakit?

JIN: Shshshsh… Wag kang maingay.

Hindi makakagalaw si VIE. Katahimikan.

JIN: Wala ka bang napapansin?

VIE: (pabulong) Ha? Ano ba yon? May nakikita ka ba?

JIN: Oo. Hindi mo ba nakikita?

VIE: Ano nga yon?

Katahimikan. Magkakatinginan si VIE at JIN.

JIN: GABI NA…

Itutulak ni VIE si JIN. Tatawa si JIN.


VIE: Hindi yon nakakatawa ha!

Mapapaiyak si VIE.

JIN: Sorry. Masyado kang paranoid.

Babalik si VIE sa mahabang sofa habang nagpupunas ng luha.


Hihiga siya at naka-curl ang paa.

JIN: I-stretch mo yung paa mo. Nakaka-iritang tingnan.

VIE: Ayoko nga. Natatakot ako. Pagkatapos ng ginawa mo. Baka


mamaya biglang may humila sa paa ko.

JIN: Ano bang nangyari? Bakit takot na takot ka sa multo?

VIE: Hindi ko rin alam. Pero nalaman kong takot ako sa kanila
nung nagsimula akong makita sila.

JIN: Ngayon ba, nakikita mo ba sila?

VIE: Freak show lang ako sayo no?

Tatawa si VIE.

JIN: Hindi naman. Ay may kukuwento ako.

VIE: Ano na naman ba yan?

JIN: Basta. Makinig ka na lang. Love story to. Alam mo yung


dalawang bahay na nasa dulo ng palayan na malapit dito? Dati daw
kasi, may nakatirang lalaki dun sa isang bahay. E katapat nya
yung isang abandonadong bahay. Nung gabing bagong lipat pa lang
siya, napatingin siya sa katapat na bahay.

VIE: Ok. Tama na! Ayoko na marinig yan!

JIN: Pakinggan mo muna kasi.

Yayakapin ni VIE ng mahigpit ang cushion.


JIN: Nung gabing yon, may nakita siyang babae na nakadress at
sumasayaw. Parang nalove at first sight yung lalaki dun sa
babae. Kaya tuwing gabi, for one month, pinapanood niya siyang
sumasayaw. Hanggang sa naisip niyang tingnan siya ng malapitan.
Kaya kinuha niya yung camera niya at zinoom in sa kanya. Pero
nagulat siya sa nakita niya. Hindi pala sumasayaw yung babae.
Nakasabit siya tapos nagsesway yung katawan niya.

Katahimikan. Nakatingin lang si VIE kay JIN at hindi kumikibo.


Biglang tatalon sa kinauupuan niya si JIN at tatakbo papuntang
kusina. Mapapasigaw din si VIE at susunod kay JIN. Lalabas si
JIN na tumatawa.

VIE: Walangya ka! Pag ako namatay, mumultuhin talaga kita.

JIN: Wala namang ganyanan.

Tatawa si VIE. Mauupo sila pero sa magkabilang upuan.

VIE: Pero bakit kaya namatay yung babae?

JIN: Sino?

VIE: Yung babae sa kwento mo. Bakit kaya siya namatay?


Nagpakamatay ba siya, o pinatay?

JIN: Importante ba yun?

VIE: Oo naman no. I hope nagpakamatay siya.

JIN: Bakit?

VIE: Kasi I think that’s a less cruel way to die than getting
killed by someone else. Ang lungkot kasi iniisip nya bukas
makakasayaw pa sya tapos biglang papatayin na pala siya.

Konting katahimikan. Mapapabuntong hininga si JIN habang


nakatingin kay VIE.Tatayo si JIN.

VIE: O? San ka pupunta?


JIN: Sa C.R.

VIE: Samahan kita.

JIN: Dyusko naman VIE. Diyan lang ako sa C.R. Ano bang pwedeng
mangyari sayo dito?

Titingnan ni VIE ang kanyang kwarto. Mapapatingin din si JIN sa


kwarto. Babalik ang kanyang tingin kay VIE. Mapapabuntong
hininga.

JIN: Sige. Pero sa labas ka!

Tatayo si VIE at susunod kay JIN. Papasok si JIN sa loob ng C.R.


Nakatayo naman si VIE sa labas ng C.R.

VIE: Huy magsalita ka!

JIN: Hindi ako makaka-ihi kung kakausapin pa kita!

Katahimikan. Biglang magfliflicker ang mga ilaw. Maya-maya’y may


maririnig na yabag mula sa kanyang kwarto. Maririnig ang malakas
na pagsara ng pinto ng cabinet mula sa kanyang kwarto. Bagamat
hirap sa paggalaw, pipilitin niyang katukin ang pinto ng C.R.
Mahina ang katok niya. Biglang may maririnig na pagkatok mula sa
loob ng kanyang kwarto. Magpapanic siya at hahampasin na niya
ang pinto ng C.R. Kasabay ng kanyang hampas ay ang malakas na
sunud-sunod na pagkatok mula sa kanyang kwarto na palakas ng
palakas hanggang sa maging paghampas.

VIE: JIIIIN!!! JIIIN!!!

Kasabay ng pagsigaw ni VIE ang pagsigaw ng isang babae sa loob


ng kwarto. Maririnig ang mga pagtumba ng mga gamit, tila may
naghahabulan sa loob.

VIE: JIIIIIN!!!!

Bubuksan ni JIN ang pinto.


JIN: Ano?! Hindi ako maka-ihi ng maayos dahil sa’yo eh.

Ituturo ni VIE ang direksyon ng kanyang kwarto. Mapapabuntong


hininga si JIN.

JIN: O sya. Tara na sa sala.

Maglalakad si JIN pabalik sa sala habang nakakapit si VIE sa


kanyang damit. Titingin sa orasan si JIN. Uupo si JIN.

JIN: Matulog ka na kasi.

Uupo si VIE habang nakatingin lang kay JIN.

VIE: JIN?

Titingin si JIN sa kanya.

VIE: Kapag umalis ka ngayon at naghintay ako, babalik ka pa rin


ba? Di ba sabi mo, bumabalik ka dito dahil namimiss mo yung
dating buhay niyo dito. Lalo na yung kapatid mo.

JIN: Oo pero hindi naman natin alam kung anong pwedeng mangyari.

VIE: Hindi ka na nga babalik.

JIN: Pano mo nasabi yan?

VIE: Kasi dati kahit hindi ka naman sigurado, sinasabi mong


babalik ka pa rin.

Hindi magsasalita si JIN. Tatayo si VIE.

VIE: JIN, kung aalis ka, huwag ka nang bumalik dito… Please.

Tatayo rin si JIN.

JIN: VIE…

Bubuntong hininga si JIN. Haharap si VIE kay JIN.

JIN: VIE, 5 years ago, nung dito pa kami nakatira, my sister was
raped and killed in that room. Pagkatapos siyang patayin,
siniksik yung katawan niya sa cabinet na walang suot. Nang
makita namin yung bangkay niya, puno siya ng pasa sa buong
katawan niya, halos di na namin siya makilala dahil sobrang
binugbog yung mukha niya. Sinaksak siya ng maraming beses sa
tiyan pero namatay siya dahil tumama yung ulo niya sa kanyang
dresser. Pagkatapos-

VIE: JIN ayokong marinig yan-

JIN: Hindi. Makinig ka muna. Pagkatapos niyang mamatay, (lights


will flicker for a moment) lumipat kami ng bahay dahil gusto
nilang makalimutan ang nangyari sa kapatid ko.

Magsisimulang sasakit ang ulo ni VIE.

VIE: JIN tama na-

JIN: Kahit lumipat na kami, hindi ko pa rin siya makalimutan


(mapapaluhod si VIE dahil sa sakit). Kahit nahuli na yung
pumatay sa kanya, hindi ko parin matanggap na wala na sya. Kaya
lagi akong bumibisita dito dahil gusto ko siyang maalala. Dahil
hindi ko pa sya kayang pakawalan. (lights will flicker) Ang
hindi ko alam, habang nakakapit ako sakanya, nahihirapan din
siya…(lalapitan siya ni JIN). Her name was Rose. (lights
continue to flicker) Rose. (Looks at Vie) Rose!

Tuloy-tuloy ang pag-flicker ng ilaw. Sisigaw si VIE. Lights off.


May maririnig na naglalakad.

JIN: Rose! Never mo akong tinawag na kuya, kasi you always


thought of me as your best friend. Gusto mo maging writer dahil
sabi mo, dito may sarili kang choice. (may maririnig na
tumatakbo) You were always acting tough kasi ayaw mong isipin ng
mga tao na mahina ka just because babae ka! (maririnig ang
paghulog ng mga gamit) Rose, I’m sorry nalate kami ng dating.
I’m really sorry kasi hindi ko sinagot yung tawag mo nung gabing
yun! I’m sorry couldn’t protect you.

Maririnig ang iyak ni JIN. Lights on pero dim. Nakaluhod sa


sahig si JIN, umiiyak. Makikitang nakatayo si VIE. Nakasuot sya
ng punit punit na damit. Puno ng pasa ang katawan, halos hindi
na makilala ang mukha. Magulo ang buhok, at may mga saksak sa
tyan. Tatayo si JIN.

VIE: Naalala ko pa rin yung gabing yon! Yung hininga niya sa


pisngi ko habang hawak niya ang mga kamay ko, yung kahit anong
gawin kong pagpupumiglas, hindi ko magawang kumawala dahil
nakapatong siya sakin habang hinahawakan ang iba’t ibang parte
ng katawan ko(maririnig ang hiyaw mula sa kwarto). Siyam na
beses niya akong binalibag at inihampas sa pader (maririnig ang
mga paghampas kasabay ng pag-iyak ng isang babae). Labing-isang
beses niya akong sinuntok, pito sa mukha at apat sa tiyan, para
sa limang beses na nanlaban ako. Hindi na kinaya ng katawan kong
lumaban.Takot na takot ako non! Habang ginagalaw niya ako, wala
akong nagawa kundi ang umiyak lang (maririnig ang iyak).

Hindi titigil ang sfx. Magpapatuloy lang ito.

VIE: Alam na alam ko na kung pano nangyari ang lahat because I


had to relive that night over and over for 5 years… 5 YEARS!!!
Just because you can’t accept the fact that I’m gone!

JIN: I’m sorry! Nagkamali ako, Rose. Sarili ko lang inisip ko


non. Kaya nga nandito ako ngayon. Rose, tama na. Pumapatay ka na
ng tao!

Sfx out. Manlilisik ang tingin ni Vie.

VIE: Alam mo bang may nakakita sakin nung gabing yon?

Susubukan ni JIN magsalita pero hindi niya alam ang sasabihin.


VIE: Tumakbo ako sa bintana nang makawala ako sa hawak niya.
Sumigaw ako, humingi ako ng tulong! Pero hindi ako pinansin!
Hinila niya ako sa buhok, palayo sa bintana. Kung pinansin nila
ako, kung tinulungan nila ako, hindi sana ako namatay ng ganun.
Pero bakit kung kailan patay na ako saka lang nila ako
pinapansin? Lahat gustong makita kung san ako ginahasa at
pinatay. Nakakatawa ba na na-rape ako? Kaya oo! Pinapatay ko
yung mga sumisilip sa kwartong yon!

JIN: Still…You can’t end their lives-

VIE: Someone ended mine! Bakit ako hindi pwede?

JIN: Dahil hindi ikaw ‘to! I’m sorry. Rose… please. Tama na.

VIE: JIN, kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito! Matagal ko


nang gustong umalis pero hindi ako makaalis dahil sayo! Kung
pipigilan mo ako, sana noon pa lang pinakawalan mo na ako. Hindi
mo sana hinintay na magkaganito ako!

JIN: Alam ko. Kasalanan ko lahat to. Kuya mo ako. I was supposed
to protect you. Pero wala akong nagawa. I’m sorry I couldn’t
protect you. Pero hindi ganun kadaling tanggapin na wala ka na!

VIE: Pero pano naman ako? Pano naman ako KUYA?!

JIN: Rose, you were my little sister! Pano ko matatanggap yung


nangyari sayo? Si mama, si papa, lahat sila, sinasabi nila
kailangan ko nang tanggapin na wala ka na. Unti-unti, nagagawa
na nilang ngumiti. Pero limang taon pa lang ang lumipas! Pano
nila nagawang kalimutan ka? Kaya natatakot ako na baka darating
din ang araw na makakalimutan kita.

VIE: Gusto mo kong tumigil di ba? Alam mo kung ano ang dapat
mong gawin.

JIN: Hi-hindi ko kaya.


Iiyak si JIN. Magfi-flicker ang mga ilaw.

VIE: Fine! Then, pretend na hindi mo alam ang mga nangyayari


dito!

Mahuhulog ang mga gamit. Lalapit si JIN sa pintuan ng kwarto.


Hahawakan ang pihitan ng pinto.

VIE: JIN?

Bubuksan ni JIN ang pinto at papasok sa loob.

VIE: Noooo!

Mapipilitang sumunod ni VIE sa loob ng kwarto. Isasara ang


pintuan. Lights off.

END OF THE ROAD.

You might also like