You are on page 1of 4

“Hanggang Dito Na Lang”

Akda ni: Charlene P. Caramihan

Tagapagsalaysay: Sa Bayan ng San Juan San Carlos City, may matalik na magkaibigang sina
Aliya Neves at Joseph Bartolome. Sila ay magkababata noong maliit pa lamang hanggang sa
lumaki. Naging parte ng kanilang buhay ang mangarap ng sabay-sabay na makapagtapos ng
kanilang pag-aaral. Nangako sila sa bawat isa na walang sinuman ang makasira sa kanilang
pagkakaibigan. Lumipas ang maraming taon, sabay-sabay silang nakapagtapos ng Elementarya
at Junior High School. Isang araw, masayang nag-uusap ang dalawa habang nakaupo sa ilalim ng
punong mangga.

Joseph: Aliya? (Marahan niyang hinahawakan ang kamay habang nakatitig ni Aliya.)

Aliya: Joseph, bakit ganyan ka makatingin sakin? May dumi ba ang mukha ko?

Joseph: Ha? Wala, wala naman. Ang ganda talaga ng kaibigan ko, ang bait-bait pa (sabay pisil sa
pisngi)

Tagapagsalaysay: Nais sanang sabihin ni Joseph ang lihim na nararamdaman niya para kay Aliya
ngunit natakot siya na baka mawala ang pagkakaibigan nilang dalawa. Hindi natapos ang
pagsasalita ni Joseph ng biglang nagsalita si Aliya.

Aliya: Alam mo, ang gwapo mo kaya para kang si Daniel.

Joseph: Sinong Daniel? Yung sikat na artista?

Aliya: Hindi, si Daniel Padaplin (tumawa ng malakas).

Joseph: Akala ko sino, ang lakas mo talaga mangbula. Daig mo pa lolo ko (tumawa rin ng
malakas).

Aliya: Ikaw rin naman ah (sabay turo sa kaibigan).

Tagapagsalaysay: Nagtawanan ang dalawa ngunit, biglang nagseryuso ang mukha ni Joseph.
Nagkaroon siya ng lakas loob upang sabihin ang kaniyang tunay na pagmamahal para kay Aliya.

Joseph: Aliya nais kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Hindi na kaibigan ang
nararamdaman ko para sayo. Ininibig kita Aliya (habang hinawakan ang kamay).

Aliya: Totoo ba ang narinig ko? Baka gutom ka lang?

Joseph: Totoo ang sinasabi ko sayo. Sasabihin ko sana sayo dati pa, pero natatakot lang ako baka
mawala ka sakin. Mahal kita Aliya.
Aliya: Joseph, ang totoo may nararamdaman din ako para sayo. Matagal na, pero hinihintay ko
lang na sasabihin mo sakin yan. Mahal na mahal din kita. Higit pa sa kaibigan ang pagmamahal
ko sayo.

Tagapagsalaysay: Bakas sa kanilang mukha ang saya matapos sabihin ang nararamdaman ng
bawat isa at nangakong magmahalan hanggang dulo. Pagkatapos, nagyayakapan silang dalawa.
Sa pagkakataong ito, may mahahalaga rin na sabihin si Aliya.

Aliya: Joseph may sasabihin ako sayo.

Joseph: Ano yan Aliya?

Aliya: Nais ng magulang ko na magpatuloy ako sa pag-aaral ng Senior High School. Hindi na
tayo madalas magkasama at magkausap. Gusto kasi ng magulang ko na doon ako tumira sa
bahay ng kapatid ko, dahil malapit lang sa paaralan ng Senior High School na pag-aaralan ko.

Joseph: Talaga ba? Sana hindi ka magbabago. Huwag kang maghanap ng iba ha (malungkot ang
ekspresyon ng mukha).

Aliya: Talagang hindi (sabay pisil sa pisngi). Tika, kailangan ko ng umuwi sa bahay baka
tatawagin na naman ako ni mama.

Joseph: Oh sege. Magtawag at magtext ka sakin ha o di kaya mag video call tayo. Mag-ingat
kapalagi. Mahal na mahal kita.

Aliya: Maraming salamat. Ikaw rin, mag-ingat ka. Mahal na mahal rin kita.

Tagapagsalaysay: Umuwi si Aliya sa kanilang bahay at nag-impake ng kaniyang mga gamit.


Halatang sabik itong makapunta sa ibang lugar upang magpatuloy sa kaniyang pag-aaral.
Pagkatapos, nagpaalam siya sa kaniyang magulang at bumayahe na patungo sa lugar ng Maynila
kung saan siya mag-aaral. Nang makarating na siya sa bahay ng kaniyang kapatid na si Albert,
panganay nilang kapatid. Nagtext siya kaagad kay Joseph. Sa bahay ni Albert, pinatuloy niya si
Aliya.

Aliya: Hi kuya! Magandang araw po (sabay yakap ng kapatid).

Albert: Pasok ka Aliya. Umupo ka dito (habang hinila ang upuan), tamang-tama ang dating mo,
alam kong nagugutom ka kaya kumain ka muna bago mo ilagay ang mga gamit mo sa itaas.

Aliya: Okay po kuya. Salamat po.

Tagapagsalaysay: Kumain si Aliya kasama ang pamilya ng kaniyang kapatid na si Albert.


Nagpapatuloy sila sa kanilang pag-uusap hanggang matapos ito at umakyat na siya sa kanyang
kwarto na inihanda ng kanyang kapatid para sa kaniya. Dumating ang araw ng pasukan,
mayroong nakilala si Aliya ng mga bagong kaibigan, sina Alex, Kyle, at Jerald. Sa umpisa ay
palaging nagparamdam si Aliya kay Joseph sa pamamagitan ng text o di kaya sa tawag. Ngunit
dahil sa pagkakaroon ng bagong kaibigan doon sa maynila, unti-unti niyang nakalimutang
magparamdam o magtext at magtawag kay Joseph dahil palagi silang gumagala kasama ang
kaniyang bagong kaibigan. Kung magkapagparamdam man ito ay bihira na lamang. Sa kabila
naman, nag-aalala si Joseph kay Aliya dahil hindi ito nagparamdam sa kaniya kaya napag-isipan
niyang tawagan ito ngunit hindi sumasagot at minsan hindi rin makontak ang kaniyang
Telepono.

Joseph: Kumusta na kaya si Aliya sa Maynila? Sana, okay lang siya. Miss na miss ko na talaga
siya. Bakit kaya hindi siya nagparamdam sakin? May masama kayang nangyari sa kanya.
(Bolong sa isip niya.)

Tagapagsalaysay: Labis na nag-aala si Joseph kay Aliya. Kaya napag-isipan niyang mag-ipon
upang puntahan ang kasintahan niya sa Maynila. Samantalang si Aliya ay umiinom at
nagpapakasaya kasama ang kaniyang kaibigan na sina Alex, Kyle, Jerald sa loob ng Bar Club.
Lasing na lasing si Aliya dahil hindi ito sanay uminom ng alak kaya kinuha siya ni Kyle at dinala
sa loob ng Hotel. Si Kyle ay may pagtingin sa kanya noong una pa lang kaya hindi niya
napigilan ang kaniyang sarili. Sa gabing iyon may nangyayari sa dalawa at pagdating ng umaga,
nagising si Aliya.

Aliya: Ammnnn…Aray! Ang sakit ng ulo ko. Nasaan ako? (Tumingala sa paligid habang
hinawakan ang kaniyang ulo). Hala!!! Anong nangyayari sakin? Bakit katabi ko si Kyle?
(Kinuha ang kaniyang kumot at biglang umiiyak)

Kyle: Amnn…Gising kana pala? Aliya, patawarin mo ako sa nagawa ko sayo. Hindi ko talaga
napigilan ang sarili ko. Pero huwag kang mag-aalala, panindigan kita. Panindigan ko ang
nangyayari nating dalawa. Sana mapatawad mo ako.

Tagapagsalaysay: Walang nagawa si Aliya kung hindi ang tinanggap si Kyle at umiyak. Natakot
siyang malaman ito ng kanyang magulang at lalo na ng kaniyang kasintahan kaya minabuti
niyang ilihim ito. Ngunit lumipas ang isang buwan. Nagdadalang tao si Aliya kaya nabunyag ang
kanyang lihim ngunit pinanindihan ito ni Kyle katulad ng kanyang pinangako kay Aliya.
Tinanggap ito ng mga magulang ni Aliya sapagkat wala silang magagawa kung hindi tanggapin
ang nangyayari ng kanilang anak. Subalit nanatili pa rin itong nilihim ni Aliya kay Joseph. Sa
kabila naman, hindi na natiis ni Joseph ang labis na pag-alala kay Aliya dahil hindi ito
nagparamdam sa kaniya kaya pinuntahan niya ito sa Maynila. Nagulat si Aliya ng biglang
dumating si Joseph sa bahay ng kuya niya.

Albert: Aliya may naghahanap sayo sa labas.

Aliya: Sino kuya?

Albert: Puntahan mo na lang.


Tagapagsalaysay: Pumunta si Aliya sa labas at gulat na gulat siya sa kaniyang nakita.

Aliya: Joseph? Bakit ka nandito?

Joseph: Aliya (Sabay yakap sa kaniya). Labis akong nag-aalala sayo. Hindi ko alam kung ano
ang gagawin ko kaya pinuntahan na lang kita dito. Ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi mo
ako tinawagan o kahit magtext man lang. Nalilito ako eh. (Umiyak ng marahan).

Aliya: Joseph, patawarin mo ako (sabay iyak).

Joseph: Ha? Bakit? (Nagtataka at bumitaw sa pagyakap.)

Aliya: Nabuntis ako. (Humagulgol sa pag-iyak).

Joseph: Tika ha, parang nalilito ako. Hindi naman tayo nagkasama at wala namang nangyayari
satin. Ibig sabihin ay….(Hindi tinapos ang pagsasalita).

Aliya: Nabuntis ako. Hindi ikaw ang ama. Si Kyle ang ama, siya ang naging kaibigan ko dito.
Joseph, hindi ko sinasadya. (Humagulgol sa iyak).

Joseph: Ano ba talagang nangyayari? Bakit?

Tagapagsalaysay: Isinasalaysay ni Aliya ang nangyayari sa kaniya habang umiiyak sa harap ni


Joseph. Labis ang pagkalungkot ni Joseph sa kanyang nalaman kaya parang natabunan ng mundo
ang kaniyang buhay ngunit wala na siyang mababago pa. Nagpatuloy sila sa pag-uusap.

Aliya: Joseph, sana mapatawad mo ako. Hanggang dito na lang tayo. Hindi rin kita masisisi kung
hindi mo ako mapapatawad. Malaki naman talaga ang kasalanan ko sayo. (Sabay sa pag-iyak).

Joseph: Wala akong magagawa Aliya. Labis ang pagmamahal ko sayo. Wala rin akong
pagpipilian pa kung hindi tanggapin ang nangyayari sa relasyon natin. Na, hindi talaga puweding
maging tayo. Hindi rin talaga tayo itinadhana sa isat-isa. Labag man sa aking kalooban ngunit
tanggapin ko na lang na hanggang dito na lang tayo. Hiling ko lang, sana magiging masaya ka sa
buhay na pinili mo. Paalam. (Sabay iyak at tumalikod)

Tagapagsalaysay: Labag man sa kalooban ni Joseph, ngunit pinili pa rin niyang patawarin ang
dating kasintahan. Umalis siya sa bahay ng kuya ni Aliya pagkatapos nilang mag-usap at
bumalik siya sa kanilang lugar at doon nagsisimulang bumangon mula sa pagkalugmok ng
kaniyang puso. Hindi man nagkatuluyan ang magkasintahan ngunit naging parte sa kanilang
buhay ang bawat isa, ang pagkakaibigan at pagmamahalan.

You might also like