You are on page 1of 8

Intro: Magandang hapon sa ating lahat nandirito ho tayo ngayon live sa Raffa Tulfa in action upang

ipagpatuloy ang El Filibusterismo series na dito niyo lang mapapanood. Ano paba ang hinihintay natin?
Tawagin na natin ang unang magbabahagi sa kanilang mga kwento. Palakpakan natin sina prince and
vargas!

PRINCE

TULFA: So tayo’y magsimula na. Anong ginagawa ni Basilio sa gubat na pag mamay ari sa mga Ibarra?

Prince: Bumisita siya sa burol sa kanyang minamahal na ina kasama ni Kapitan Tiago dahil anibersaryo ng
pagkamatay ng ina ni Basilio. Pagkatapos umalis siya at bumalik sa Maynila.

TULFA: Para kanino nag papaalipin si Basilio?

Prince: Nag aalipin siya kay Kapitan Tiago, dahil wala namn mga tao mang aalaga kay Basilio. Kinupkop
siya sa pinag aral nila Tiya Isabel at Kapitan Tiago.

TULFA: Saan ba nag aaral si Basilio?

Prince: Nag aaral siya sa San Juan De Letran. Walang nakapigil niya sa eskwela kahit nag hihirap siya sa
pag aaral. Dahil ito ang na gawa kay Basilio hinikayat siya sa ni Kapitan Tiago na mag aaral sa Ateneo
Municipal.

TULFA: Salamat sa oras mo ginoong prince at nabahagi mo sa amin ang tungkol sa kabanata anim at
ating ilagay sa isipan na wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag
husgahan ang aklat ayon lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa
tamang pagkakataon.

JOHN RYAN AND MELLIANE

TULFA: Magpatuloy tayo sa kabanata pito na ibabahagi naman nia Basilio at Ibarra. So, basilio magsimula
kanang magsalaysay sa iyong bahagi.

Basilio: pauwi na ako nun nang makita ko ung imahe na parang si simoun na lumalakad patungo sa
direksiyon ko at tama nga nmn, sya un.

TULFA: okay, so fast forward tau. Dun tau sa arteng nagka alaman na na si Simoun nga ay si Crisostomo
Ibarra.

Ibarra: syempre nung nlaman nya ang aking sekretong magdadala sa kapalpakan ng aking plano ay
papatayin ko na sana sya.

TULFA: eh ba't di mo tinuloy? Eh masisira lahat ng plano mo pag may nakakaalam...

Ibarra: imbis na patayin ko sya ay napag isipan kong isama sya sa aking paghiganti spagkat pareho nmn
kaming may hindi gstu ung sistema. Sana nga lang, hindi ko pagsisisihan ang desisyong un.
TULFA: maya-mayan, ano bang nangyari?

Basilio: nauwi kami sa usapan tungkol sa pagturo nila sa wikang kastila.

Ibarra: mas mabuting mas kabisado ng mamamayan ang sariling wika. Ito ay pagiging tapat sa sariling
bayan ang hindi paglimut sa sariling wika. Sa pag aral o pagmahal ng ibang wika o kultura, pagnanais sa
mga bagay2 na hindi nmn sa sariling bayan ay para na ring pagsasanay sa ating bayang yumuko sa ibang
bayan. Ibangon nmn natin ang sariling bayan.

TULFA: salamat sa inyong dalawa at gaya sa narinig natin galing sakanila, huwag talaga tayong
magmadaling magtiwala sa mga taong nagbigay ng tulong dahil ang iba ay may sariling pagnanasa.
Tandaan niyo iyon. So hindi na tayo magpalipas pa ng oras at lumipat na tayo sa susunod na kabanata na
ang kabanata dalawampu’t tatlo.

PRINCE ANG HANNAH (LOUIE)

TULFA: Isang panibagong mga reklamoo nanaman po ang magaganap ngayon at simulan na natin para
masolusyonan agad.

TULFA: oh magandang hapon sa inyo mga iho, ano nga ba ang mga reklamo niyo

Basilio: eh kasi po yung matandang si kapitan tiyago kung makapagsalita ang sakit2 kung wala lang
talaga sana akong utang na loob sa kanya nakuu. Para bang bipolar, minsan mabait, minsan naman ang
sama ng ugali.

Simoun: yung sakin naman po kasalanan ko din po ito(biglang umiyak) nirereklamo ko po sarili ko. Ang
tagal ko pong naligtas si Ma-maria clara. Wala na siya. Hindi ko na siya makakapiling pa(umiiyak)

TULFA: alam mo iho ganun talaga yung mga matatanda. Mahirap man alagaan dapat kayanin mo kaya
niya ngang pinagaral ka ikaw pa kaya na alagaan lang siya. Matuto kang tumanaw ng utang na loob sa
kanya iho kasi hindi ka makakarating sa posisyon mo ngayon kung hindi dahil sa kanya.

TULFA: ikaw naman iho, may pagkakataon talaga na hanggang alaala na lamang ang pagmamahalan ang
dapat mo lang gawin ay magpatuloy sa buhay. Ganun naman kasi talaga ang buhay iho, may umaalis
pero may dadting din nman. Kaya wag kang mawalan ng pag asabat ipagpatuloy mo lang ang iyong
nasimulan.

TULFA: okey na ba tayo mga iho?

Basilio: salamat po sa mga payo niyo maam tulfo

Simoun: maraming salamat po nawa'y pagpalain at gabayan kayo ng Diyos

TULFA: Maraming salamat din sainyo mga iho at sana natutunan ninyo na ang hindi lumingon sa
pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan at may mga pag-ibig na talaga hanggang alaala na
lamang, ngunit huwag mong hayaan mawalan ng gana na ipagpatuloy ang buhay.
SHAYNE (JAZIAH)

TULFA: Ngayon, magpatuloy tayo sa kabanata dalawampu’t anim kung saan ibabahagi ng ating bisita na
si Shayne kung ano ba talaga ang nangyari kay Basilio at kung bakuts siya nadamay sa pagdakip ni
Makaraig?

Shayne: ganito po kasi iyan maam, maagang gumising si Basilio upang bisitahin sa pagamutan ang
kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigan na si Makaraig upang
manghiram ng pera para sa kanyang pag-aaral.

TULFA: so itong binatang si Basilio ay isa palang doctor?

Shayne: opo, ngunit patuloy parin sya sa pag-aaral.

TULFA: bakit manghihiram ng pera si Basilio kay Makraig? Wala naba itong pera?

Shayne: naubos po lahat ng ipon nya dahil sa pagtustos sa kinabukasan nilang dalawa sa minamahal
niyang si Juli.

TULFA: Ganoon ba, o sige ano ang sumunod na nangyari at bakit sabi dito siya ay mukhang takot na
takot sa mga naririnig niya papuntang skwelahan galing pagamutan?

Shayne: Bago po nangyari lahat yan ay nakasalubong niya po ang kaibigan niyang propesor na nag-payo
sakanya na sunugin lahat ng papeles nna magpapahamak kay Basilio.

TULFA: Sinunod ba iyon ni Basilio?

Shayne: Hindi po dahil wala naman po siyang papeles kundi mga talang pangklinaka at wala ng iba pa.

TULFA: Bakit naman iyon na ipayo ng kaibigan niyang propesor?

Shayne: Dahil nagbabayad po si Basilio ng butaw kapisanan ng mga mag-aaral.

TULFA: Nabasa ko dito, na nagtanong si Basilio tungkol kay Simoun. Ano ang nalaman niya?

Shayne: Nalaman po ni Basilio na walang kinalaman si Simoun sa pangyayari at iba po ang may
kapakanan sa nangyayari. Pagkarining ni Basilio non ay nakahinga siya ng maluwag dahil nasa isip po
niya, si Simoun lang ang maaring makapagsangkot sa kaniya.

TULFA: Ano pa ang nalaman ni Basilio sa pamamagitan ng pag tanong2 sa mga iba pang bagay?

Shayne: Nalaman niya na mayroong mga pasking masasama na natuklasan sa mga pinto ng unibersidad
at ang kung sino ang mapagbibintangan na siyang may kagagawan noon ay kasapi sa samahan. Ang
paskin raw ay puno ng pagbabanta ng maraming pagpatay, pagsalakay, at iba pang pagyayabang.

TULFA: Sino sa palagay mo ang may pakana?


Shayne: Hinuhulaan nila na marami ang matitiwalag sa paaralan, huhulihin, at mabiilanggo. Sabi din nila
ang mapapahamak ay pawing kasapi ng kapisnan.

TULFA: Kung gayon, ano ang nangyari kay Basilio?

Shayne: Nanumbalik po ang kaniyang hinahon at nagpasya syang bumalik ng unibersidad ngunit sa
pagbalik nya ay nakasalubong niya ang natatakot na si Juanito. Maraming sinabi si Juanito sakanya
ngunit bilang pagbibigay-loob sa kanya ay sumagot si Basilio ng “oo” sa mga sinabi niya.

TULFA: Ano naman ang sinasabi ni Juanito Pelaez?

Shayne: Kagaya po ng pagsasabi na wala siyang kinalaman sa pangyayari at tanging kaululan lang iyon.
Sinabi pa ni Juanito kay Basilio na siya ang magiging saksi nito. Nagtanong pa ulit si Basilio kung ano ang
nangyari ngunit lumayo na si Juanito.

TULFA: Pagkatapos ano ang ginawa ni Basilio? Hinabol ba niya si Juanito?

Shayne: hindi na po, pagkatapos noon ay nakasalubong niya naman si Isagani at nagusap sila tungkol sa
mga paskin. Si Isagani din ang nagsabi sa mga estudyante nahuwag na magsisiyasat tungkol doon.

TULFA: Wala bang reaksyon si Basilio tungkol doon?

Shayne: Tumalikod siya at umalis at nagtungo na sa bahay ni Makaraig. Pagdating niya doon ay
mayroong pumigil sakanyang dalawang bantay at itinanong kung ano ang kanyang ibig. Sinagot naman
iyon ni Basilio at sila ay masayang nagkukwentuhan ngunit sa paglabas ni Makaraig ay nalaman ng
dalawang kabo na siya ay mag-aaral ng medisina at nakatira sa kalye Analoague kaya pati siya ay dinakip
kasama si Makaraig.

TULFA: Ano ang nangyari pagkatapos?

Shayne: Sila ay dinala sa tanggapan ng Pamahalaang Sibil. Yun lang po salamat sa pakikinig.

TULFA: Hindi natin alam ang anumang mangyayari sa atin kinabukasan. Dapat talaga natin kilalanin kung
sino ang ating kinakaibigan dahil baka siya pa pala ang maghahatid sa iyo sa kapahamakan. Salamat sa
iyong pagbahagi Shayne.

COMMERCIAL BREAK

Sa pagbabalik ng Raffa Tulfa in action an gating pagkukuwentohan naman ay ang Kabanata tatlumpu’t
isa kasama ang dalawang bigatin na tao kaya huwag ilipat ang iynong channel dahil magbabalik pa ang
Raffa Tulfa in action.

PATRICK AND CHRISTINE

TULFA: Nagbabalik ngayon ang Raffy Tulfa in action at nakikita niyo live ang dalawang tauhan mula sa
Kabanata 31 ng El Filibusterismo. Naririto po ngayon ang Mataas na Kawani at ang inireklamo nitong si
Kapitan-Heneral.
Kawani: Ako si Mataas na Kawani, tawagin niyo nalang akong Kawani. Nandito ako upang ireklamo si
Heneral.

Kapitan-Heneral: Ako po si Kapitan-Heneral. Heneral nalang.

TULFA: So Mataas na Kawani, bakit nyo ba inireklamo itong si Heneral?

Kawani: Kasi, Madam Tulfa. Itong si Heneral pinalaya nya sina Macaraig at si Isagani. Pero hindi niya
pinalaya si Basilio. Eh, hindi naman yun tama, Madam Tulfa.

Tulfa: Oo nga naman. Pero sa ngayon, pakinggan muna natin ang pahayag ni Kapitan-Heneral kung ano
ang masasabi niya tungkol dito at para malaman naman natin ang rason niya kung bakit niya ito nagawa.

Heneral : Ako kasi, naabisuhan ako na dapat merong kahit isa na manatili sa kulongan dahil kung hindi,
wala ng rerespeto sa awtoridad at upang mapanatili narin ang karangalan ng mga namumuno.

Kawani: Hindi totoo yan. Ang sabihin mo ayaw mo lang talaga siyang paalisin. Sinasabi mo lang yan dahil
gusto mo lang purihin ka ng mga tao. Diba pinuri ka ng mga tao dahil sa "kabaitan" mo dahil pinalaya mo
ang mga estudyate. Bakit ayaw mo palayain si Basilio?

Kapitan-Heneral: Wala na tayong magagawa diyan kung gusto akong purihin ng mga tao. Pero bakit nga
bah gustong gusto mo makalaya ang Basilio'ng iyan, ha?

TULFA: Bakit nga ba, Kawani?

Kawani: Kasi, Madam. Mataas ang pangarap ng batang ito. Kapag pinakulong po si Basilio ng mas
matagal, hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral ng Medisina at uulit na naman siya ng isa pang taong
pag-aaral.

Heneral: Kaya nga dapat ikulong nalang natin siya dahil mas makakabuti sa kaniya ang mag-aral pa ng isa
pang taon.

TULFA: Ano pa ba ang mga rason niyo, Heneral kung bakit ayaw niyong palayain si Basilio maliban sa
kaniyang pag-aaral?

Heneral: Dahil pinaratangan siya na nag-iingat ng ipinagbabawal na aklat.

TULFA: Bakit? Anong aklat ba ito?

Heneral: Hindi pa namin matiyak kong ito ay ang Medicina Legal y Toxicologia ni Dr. Mata o ano, Mam
Tulfa.

Kawani: Ngunit inosinte si Basilio!

Heneral: Kung talagang inosinte si Basilio, edi mas nakakabuti. Kapag inosinte ang criminal, mas mabuti
dahil mas matatakot ang mga tao. Mas mabuti nang isakripisyo ang kabutihan ng isa para sa kabutihan
ng lahat. Ganyan ang paraan ng pamamahala, Kawani.
TULFA: Hindi ka ba natatakot na mapagbintangan o sa mga responsibilidad, Heneral?

Kawani: Oo nga. Dapat hindi mo kalimutan ang bansa mo. Ang mga responsibilidad mo sa bansa mo.

Heneral: Ba't ako matatakot? Diba ako'y may kapangyarihang magpasya? Ba't naman ako mangingialam,
hindi ko naman trabaho ang pakialaman ang bansa at hindi ako naging elektado upang alalahanin ang
bansa.

TULFA: Hindi naman tama iyan, Heneral.

Kawani: Dapat matakot at mahiya ka sa bayan!

Heneral: Sa Espanya ako may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan sakin at hindi ang
mga Pilipino.

TULFA: Teka muna, Heneral!

Kawani: Teka muna, Madam Tulfa! Matutulungan niyo ba ako o hindi? Hindi ko nais na mawala sa
Espanya ang Pilipinas ngunit ayaw ko rin maabuso ang mga Pilipino. Upang maging malakas, ang
Espanya ay hindi kailangang maging malupit, at sa katunayan ay mas malaki ito kapag mayroon lamang
itong sariling teritoryo.

Sa tingin ko hindi niyo na ako matutulungan, Madam Tulfa. Kaya aalis nalang ako!

TULFA: salamat sa iyong pagparito, Heneral. Ang palagi lang nating tandaan ay may mga taong kahit na
alam na mali sila ay paninindigan na lamang ito upang hindi maibaba ang sarili at mapahiya. Ipipilit nila
ang gusto kahit mayroong masamang epekto sa kanilang kapwa. Pero huwag natin to gayahin dahil
masama ang maging ganito.

COMMERCIAL BREAK

Sa pagbabalik ng Raffa Tulfa ang makakasama naman natin ay isang dalaga na magsasabi sa atin tungkol
sa Kabanata tatlumpu’t tatlo.

RK

TULFA: Nagbabalik tayo ngayon sa Raffa Tulfa in action kasama si binibining rk upang ipahayag sa atin
ang nangyari sa kabanata tatlumu’t tatlo. So, magandang hapon kayla,ano tungkol ang iyong kabanta?

RK: Ako ay magtatalakay sa Kabanata 33 na pinamagatang Ang Huling Matwid.

TULFA: Ano ang nangyari sa araw ng pag-alis ni Simoun?

RK: Nagkulong siya sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang
papapasukin at ilang sandal lang au dumating ito.

TULFA: Kamusta na si Basilio?


RK: Laking gulat nga ni Simoun sa hitsura ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila
isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.

TULFA: Talagang hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura.

RK: Kaya nga. Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan niyang makigsanib kay Simoun at sumama sa
mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang
magulang at kapatid na namatay.

TULFA: Batid kong natuwa si Simoun dahil diyan.

RK: Oo nga at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog na tinawag na
nitroglisirina. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan.

TULFA: Gusto na nga talagang maghiganti ni Simoun. (nodding)

RK: (tumango) Tila isang lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na
magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano at pumunta si
Basilio sa bodega ni Quirido para doon kumuha ng mga baril na gagamitin nila para patayin ang mga tao.
IYON LANG NAMAN.

TULFA: Maraming salamat, Kayla. Talagang kahit ang mga matuwid na tao ay may pagkakataong kakapit
din siya sa patalim dahil nabubulagan sa mga pinagdaraanan sa buhay. Ngayon pumunta na tayo sa
susunod at huling kabanata para sa ngayon at ito ang kabanata tatlumpu’t apat kasama si Shayne.

SHAYNE

TULFA: ang susunod naman nating nagreklamo ay si Shayne. Isa ho siyang testigo sa nangyari sa
kabanata 34.

(mo sulod dayon dayon lingcod)

TULFA: Maari po ba naming malaman ang iyong erereklamo?

Shayne: magrereklamo lang ho ako tungkol sa ginawa ni Simoun sa kasal ni Paulita Gomez. Una ho non,
ang araw na iyon ay araw na kung saan ikakasal ang pinakamamahal na babae ni Simoun na si, Paulita
Gomez, si Paulita Gomez ay ikakasal na kay Juanito Pelaez.

TULFA: Saan ba ipinagdiriwang ang kasal?

Shayne: Ipinagdiriwang na ang kasal sa bahay ni Kapitan Tiyago.

TULFA: Ano ba ang balak ni Simoun sa Kasal ni Paulita at bakit nya iyon gagawin?

Shayne: balak sana nya ag ang patayin ang mga Gobernador.

TULFA: Pero maam, bakit hindi ito natuloy o bakit wala namang nasagutan sa kasal na iyon?
Shayne: Kasi ho sa mga nakalipas na oras, hindi namalayan ni Simoun na itinapon na pala ang lampara
na sasabog sa kasal, tinapon ito ni Isagani at sa huli, walang nasaktan o nasugatan.

TULFA: Ok, dahil nasagot na lahat ng katanungan ipapadala nalang natin ito sa korte at magsasampa
tayo ng kaso laban kay Simoun. Kaya mga kapipol lagi nating tandaan na Dapat hindi tayo maging isang
hadlang sa kasiyahan ng ibang tao kahit masakit sa ating kalooban.

Outro: At diyan nagtatapos ang segment na ito. For more exclusive El Filibusterismo series pumunuta
kayo sa Youtube at click the Subscribe button. At huwag kalimutan na mag tweet gamit ng hastag na
#officialtulfa. Maraming salamatt sa pakikinig mga kapipol sa susunod ulit.

You might also like