You are on page 1of 44

REPORT

NG
GROUP 1

EL
FELIBUSTIRISMO
UNANG TAON NI BASILIO SA KOLEHIYO :

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo
sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng
kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.

Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng
kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang
isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang inA.

Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais
nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom.

Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara.
Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang
nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po.

Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng
leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may
40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon
niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado.

Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.

Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio
na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase.

Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na
tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa
klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya
ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at
nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable
laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor.
Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.

Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal.

Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer.
Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng
medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio.
Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na
ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.
KABANATA 6 : BASILIO
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Basilio kaya’y siya’y
nagtungo sa kagubatang dati’y pagmamay-ari ng mga Ibarra, at
patuloy siya sa paglalakad sa loob nito hanggang sa marating
niya ang isang bunton ng bato kung saan nakalibing ang
kanyang ina. Siya’y nag-isip at naalala ang kanyang nakaraan.
Marami siyang mga paghihirap na dinaanan: pagtakas sa Maynila,
paghihiling na sana ay masagasaan na siya ng mga kabayo,
hangggang sa siya’y kupkupin nila Kapitan Tiyago. Siya’y nagsimulang
magsikap sa pag-aaral, kahit na siya’y hindi pinapansin ng mga guro
kaya naman siya’y laging nakapapasa.

Unti-unting bumubuti ang kanyang kapalaran sa pag-aaral at siya’y


inilipat sa Ateneo mula sa San Juan de Letran hanggang sa siya’y
magtapos at kumuha ng kurso sa Medisina. Sa kanyang pag-unlad ay
sinikap niyang kalimutan ang paghihirap ng nakaraan at ipagpatuloy na
lamang ang pagsisikap
MGA TANONG :
1.Sinoang dating nagmamay-ari ng
kagubatang pinuntahan ni Basilio?
2.Ibigayang dalawang nabasang
paghihirap na naranasan ni Basilio.
3.Saan unang nag-aral si Basilio bago
siya inilipat sa paaralan kung saan sya
nagtapos?
MGA SAGOT :
1.Ang mga Ibarra

.2.Pagtakassa maynila at paghiling na


sana ay masagasaan na lamang sya ng
mga kabayo.

3.Sa San juan de letran.


KABANATA 7 : SI
SIMOUN
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni
Basilio may nakita siyang di kakilalang
lalaki sa malayo at yun ay si Simoun.
 Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul
kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio
dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay
ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang
nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti
na ang buhok, may bigote at balbas ngunit iyon parin ang
mga mata nito at ang mapanglaw na mukha.
Kasunod.
Naisipniya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na
tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong
si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si
Crisostomo Ibarra.Nilapitan niya ito at tinanong kung may
matutulong siya.
Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba
niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga
taong itinuturing niyang banal sapagkat noong nakaraang labing
tatlong (13) taon tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng
kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim
na maaaring makasira sa kanyang mga balak.
MGA TANONG:
1.Sinoang dating nagmamay-ari ng
kagubatang pinuntahan ni Basilio?
2.Ibigayang dalawang nabasang
paghihirap na naranasan ni Basilio?
.3.Saan unang nag-aral si Basilio bago
siya inilipat sa paaralan kung saan sya
nagtapos?
MGA SAGOT :
1.Si Simoun

2.Labing tatlong taon (13 years)

3.Na si Simoun ay si Crisostomo Ibarra


KABANATA 23: ISANG
BANGKAY
SiSimoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay
abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang
nahuhumaling sa opyo.

 Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o


hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag
kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung
patuloy niyang bibigyan. Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga
aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya
ay hindi man lamang nabanggit dito na
siSimoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na
pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito
ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang
paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan
Kasunod:
Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si
Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si
Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang
kumuha kay Maria Clara sa kumbento.
 Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay
lamang ni Maria Clara kaninang umaga.
Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si
Simoun at walang imik na umalis
Kasunod:
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si
Simoun at bilang isang binatang
mayaman, bihasa, matalino at may pinag-
aralan, nakaranas ng dahop at
pagpapasakit ng bayan.
Sa kabilang banda, si Maria Clara naman
daw ay babaeng sing-ganda ng isang
pangarap, malinis, lipos ng pananalig at
walang kamalayan sa lakad ng mundo.
MGA TANONG :
1.

2.

3.
MGA SAGOT :
1.Si Kapitan Tyago

2.Na
sya ang kukuha kay Maria clara sa
kumbento

3.Bilang isang binatang mayaman,


bihasa, matalino at may pinag-aralan,
nakaranas ng dahop at pagpapasakit ng
bayan
KABANATA 26: ANG
PASKIN
Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang
kanyang mga pasyente, ayusin ang kanyang
lisensyatura sa Unibersidad at puntahan si Makaraig.
Pagsapitniya sa San Juan de Dios, nalaman niya
ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa
Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may
kagagawan nito.
Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay
kasangkot rin.
Kasunod :
.Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito
ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman nang
kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang
klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at
walang pakialam, tila naghugas kamay.
Narinig rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang
mga kaklase hinggil sa pangyayari. Pinupuri niya ang
sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot
ni Basilio para sa kanyang kaibigan.
Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya
sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si
Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa
kanya.
MGA TANONG :
1.Sinoang tinawag ni Basilio ngunit
parang walang naririnig?

2.Sino
ang tila naghugas kamay ng
makausap sya ni Basilio?

3.Kaninong bahay ang pinuntahan ni


Basilio na kung saan may nakabantay na
gwardya sibil?
MGA SAGOT :
1. si tadeo

2. si isagani

3.si macaraig
KABANATA 31: ANG
MATAAS NA KAWANI
Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas
ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador
ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi
lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga
nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa
grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni
Matanglawin(kabesang tales). Hindi napansin ang
nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang
ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga
ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang
tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni
Padre Camorra sa kumbento at panandaliang
pagtuloy sa Maynila.
Kasunod :
Napalaya na ang mga estudyanteng
nakulong. Ang tanging naiwan sa piitan ay
si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral
na dapat ay may maiwan sa isa sa mga
nakulong upang maisalba ang prestige at
authority ng gobyerno, at hindi masabi ng
iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at
ginawang ingaysa walang kuwentang
bagay. Nagmungkahi si Padre Irene, na si
Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at
ulilang lubos na, at tiyak na walang
maghahabol.
Kasunod :
Binigyan ng katwiran ng Mataas na
Kawani na si Sarayguday ay isang
estudyante sa medisina, pinupuri ng mga
guro, at mawawalan ng isang taon sa
kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa
piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.
Kasunod :
Matagal na pa lang may samaan ng loob
ang Mataas na Kawani at Kapitan Heneral,
kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral
na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito
ay ipinilit ng mataas na Kawani. Dahil dito
nagsisi ang Mataas na Kawani sa
pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata
dahil mas lalo itong didiinan ng Kapitan
Heneral.
Kasunod :
Sinabi ng Mataas na Kawani na si Basilio
daw ang pinakainosente sa lahat, hindi
nga ito kasali sa mga estudyante na
nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang
nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin
na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga
bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy
ay tungkol sa medisina at ilang mga
polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit
pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw
itong magandang ehemplo at mas
nakakatakot.
MGA TANONG :
1.Sino ang namuno sa Grupo ng mga
tulisan?

2.Anoang ibinigay na katwiran ng mataas


na kawani tungkol kay Sarayguday?

3.Sino ang may matagal na samaan ng


loob?
MGA SAGOT :
1.Si Matanglawin (Kabesang tales)

2.Isang estudyante sa medisina at


pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng
isang taon sa kanyang pag-aaral pag
nagtagal pa sa piitan

3. AngMataas na Kawani at Kapitan


Heneral
KABANATA 33 : ANG
HULING MATUWID
Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga
alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan
Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil
natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano
magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin
niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang
binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating.
Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha,
lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang
nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita
niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa,
humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang
buhok
Kasunod:
Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak. Nagsalita
si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid,
kailangan niyang gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay
krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano
kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng
makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan. Si Simoun
pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa
na ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni
Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi
pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang
dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas
samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni
Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa
mesa, namangha si Basilio sa ganda nito.
Kasunod :
Sunod na binuksan ni Simoun ang
aparador at kinuha ang isang bote. Nang
mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas
ng bote bigla itong napaurong at sinabing
ang laman ng bote ay nitro glycerine.
Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano
niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana
ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob
naman ng lampara nakalagay ang nitro
glycerine.
Kasunod :
Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng
bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng
bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang
tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa
gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob
naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang
bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na
ng maraming pulbura para walang maisasalba sa
naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na
di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi
buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun
na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio.
Kasunod :
Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa
bodega ni Quiroga at kunin ang mga
nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang
inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng
mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na
isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang
tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling
lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya
din na sa pagputok ng lampara ay sabay
na susugod pababa ng bundok ang grupo
ni Tales
Kasunod :
Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang
balak ng himagsikan sapagkat kulang daw
ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero
ngayon na may tiyak na silang signus sa
pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay
magtatagumpay.
MGA TANONG :
1.Anoang pinagkaabalahang ayusin ni
Simoun?

2.Ano ang laman ng lampara?

3.Ano ang inatas ni Simoun kay Basilio?


MGA SAGOT :
1.Alahas at armas

2.Nitro glycerine

3.
Mamuno sa pamimigay ng mga baril sa
mga tao
KABANATA 34 : ANG
KASAL
Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio si Isagani.
Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi niya
talaga ito Makita. Bigla niyang inimahinasyon ang
sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman
niya pagkatapos ng himagsikan.
 Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang
pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit
lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya
sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung
anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta
ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang
na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anloage.
Kasunod :
Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan
Tiago upang kumuha ng mga ilang gamit.
Marami siyang karwahe na nakita na
nakaprada sa kalye, at napansin niya ang
bahay na puno ito ng mga palamuti at mga
nakabitin na mga kung anu-ano at doon
niya napagtanto na ang pagdiriwang na
tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa
dating bahay ni Kapitan Tiago.
Kasunod :
Biglang may dumaan na karwahe na
sakay si Juanito Pelaez at isang babae na
nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa
pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita
Gomez? Biglang nalito si Basilio dahil sa
kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang
kasintahan ng dalaga, naawa siya kay
Isagani.
Kasunod :
Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi
siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay
nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na
siya at malamang ay nag-asawa na din. Naalala niya
si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang
kanyang bagang at napuno ng poot ang kanyang
damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari
sa kanyang kasintahan.
Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng
karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang
bahay.Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay
ang pagkagalak ni Don Timoteo, galak na galak di
umano sa mga kaswertehan at karangyaan na
nararanasan nito ngayon.
Kasunod :
.Lahat ng gamit sa bahay ni Kapitan
Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw
ni Simoun ang mga litograpiya ng mga
santo pero pilit itong pinapalitan ni Don
Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng
kromo. Nilalait ni Don Timoteo ang gawa
ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang
mga bagay na yari sa Europa.
Kasunod :

Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay


wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea
at dito nakalaang uupo ang mga
pinakamamalaking Diyoses ng bayan.
NGA TANONG :
1.Sino ang hinahanap ni Basilio?

2.Sino
ang sakay ng dumaan na
karwahe?

3.Sinoang pinakamapapansin sa loob ng


bahay kung saan ay galak na galak sa
mga nararanasan niya sa kayang buhay?
MGA SAGOT :
1.Si Isagani

2.Si
Juanito Pilaez at isang babaeng
nakabelo.

3.Si Don Timoteo


GROUP MEMBER :
Leader : EMALYN SALIP
Members : LLOYD V. CAMUA
Jay ar javier
Ysabelle rivera
Ashley soriano
Rosel seguis
Romar de guzman
ANG PAGTATAPOS
NG AMING REPORT
MARAMING SALAMAT PO

By: GROUP 1 

Bbye PO 

You might also like