You are on page 1of 3

“Tayo na!

” sabi niya na parang napipilitan habang naglalakad

“Anong ‘tayo na’ pinagsasabi mo?” sagot naman ng isa na nagtataka “baliw na ata to” sabi sa sarili

“Tayo na, sinasagot na kita. Wag ka na sumimangot dyan” sagot ni Jose habang nakatigil at inaayos
ang sapatos.

“Hala! Baliw ka na ba? Nililigawan ba kita? Alam ko nagpapakabading ako pero parang never
naman ata akong umamin sayo” natatawang may pang aasar na sinabi ni Angela.

“Ayaw mo ba? Edi sige. Binabawi ko na. Tara na” biglang lakad ng mabilis ni Jose palayo

“Galit ka pa, parang kasalanan ko pa” habol naman niya.

“Ayaw mo ba o gusto?” biglang tigil at harap sa kanya.

“Syempreee.....” “Gusto, shuta ka mamaya pinaprank mo lang ako ha” nagdadalawang isip niyang
sagot

“Wag mo pilitin kung ayaw mo maniwala” at medyo bumagal na ang kanilang paglalakad

“Hindi lang ako makapaniwala, lasing ka ba? Nakadrugs ka ba?” pero di siya sumagot at hinawakan
lang ang kamay niya na nagpatahimik sa kanya.

FLASHBACK

Panahon ng Kuwaresma at maraming gawain sa simbahan ang choir. Habang naglalakad si Jose dahil
malapit na magsimula ang rehearsal nahulog pa ang kanyang sumbrero dahilan para tumigil ito at
mapansin ni Angela.

“Hala! Ang cute” sabi sa sarili ni Angela “Ay! Hindi pwede paawat ka te. Andito ka para magsimba,
hindi magsight seeing”

Tuluyan nga niyang kinalimutan si Jose. Hanggang sa matapos ang Kuwaresma at Pasko ng
Pagkabuhay naisipan ni Angela na sumali sa choir na matagal na niyang pinapangarap.

Hindi naging madali sa kanya ang pagsali at pakikisama dahil sa mahiyain at mababang confidence
niya sa sarili pero hindi rin naman siya nahirapan magkaroon ng mga kaibigan.

Si Jose ay member din pala sa choir na iyon at nakikita ni Angela ang kanyang crush na si Rebb sa
kanya. Hanggang isang araw nalaman ni Angela na nasa parehong departamento ng kolehiyo sila ni
Jose na siya namang ikinatuwa nito dahil may bago siyang kakilala sa university.
Pakiramdam niya ay nagugustuhan na niya si Jose pero mas matimbang pa rin para sa kanya si Rebb
kaya hindi niya pinansin ang nararamdaman. Kung kaya nang dumating ang kanyang 18 th birthday ay
wala sa roses si Jose at nasa songs lamang.

Sabay na naging regular member si Jose at Angela. Hindi tulad ni Angela na laging present, madalas
wala o pasulpot sulpot lang si Jose. Siyang dahilan para mas hindi pansinin ni Angela ang
nararamdaman. Masaya siya kung nariyan at okay lang kung wala, upang hindi masaktan at
maghanap kay Jose.

Alam ng grupo na may pagtingin si Angela kay Jose, sabihin nating ‘Happy Crush’. Asaran kapag
andyan, na tinatawanan lang nilang dalawa. Hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral, mas lalong
nawalan ng oras si Jose sa grupo.

“Andito ka nga pero alam ko matagal ka na namam di magpaparamdam” wika sa sarili ni Angela

41ST ANNIVERSARY ng choir ay may ball na tema kung saan sasayaw sila ng cotillion. Syempre sila
Angela at Jose ang magkapares. Madalas wala si Jose at kung dadating minsan amoy alak pa. Unti
unting nadidismaya si Angela na ayaw na niyang tumuloy pa o kung sakali ay magpapagupit na lang
siya ng panlalaki at papartner sa babae.

Hindi naman siya binigo ni Jose, upang di maging kawawa si Angela ay dumating pa rin ito. Inalok pa
siyang sumayaw bago matapos ang gabi, dahil na tin sa pang aasar ng mga kaibigan.

“Isasayaw ko na nga, sayang naman. Bakit kasi wala ako sa 18 roses noon?” natatawang naiinis na
iniisip ni Jose “Hala siya, kinikilig hindi makatingin”

“ayoko na, upo na tayo” natatawang sabi ni Angela na nag aalala dahil napunit ang gown niya nang
siya ay tumayo para sumayaw

“Okay” at hinatid niya siya sa kanyang upuan

Nagkaroon ng pandemic, 2 taon silang di nagkita o nagkausap. Parang hindi sila nag exist sa buhay ng
isa’t isa. Masaya si Jose sa kanyang boyfriend habang si Angela ay nagkakagusto sa magpapari, na
siya rin nagtutulak sa kanyang pumasok na lamang sa kumbento upang maiwasan na ang mga
ganung sakit.
Nang unti unti nang bumabalik ang lahat sa normal, si Angela naman ay mukhang handa na
magmahal.

“Pano kung bumalik si Jose?” ito ang lagi niyang naiisip habang unti unting naaattach sa mas bata sa
kanya

FAST FORWARD

“Ayan ha! Mamaya bigla ka na naman mawala o di magpakita” casual na pang aasar ni Angela kay
Jose

“Hindi na, for good na to. Nakahanap na ako ng work na pasok sa schedule”

“Di ka sure. Perfect. Promise yan ha” natatawang asar niya

Napadalas nga ang pag attend ni Jose. Naging maingay rin siya sa social media at mas naging close pa
ang dalawa. Close na kaya na ni Angela magbiro kay Jose sa harap ng kanilang mga kaibigan.

You might also like