You are on page 1of 23

Creza’s Point of View

Kanina pa ako hikab nang hikab at buti na nga lang at hindi ako nakakatulog habang naglalakad kami ni
Von dito sa kakahuyan ‘di kalayuan sa pinagpahingahan namin.

Wala naman kaming pinag-uusapan at talagang sinasamahan lang nya akong maglibot-libot dito. Kahit
papano naman ay hindi ako natatakot na maligaw dahil kasama ‘ko naman si Von. Kung sakaling
maligaw ako, edi may kasama ako hehe.

“Kanina ka pa hikab nang hikab” Napansin pala nya ‘yon, akala ‘ko hindi na

“Napuyat lang kagabi” Simpleng sagot ‘ko sa kanya dahil wala ako sa mood makipagdaldalan ngayon
dahil puyat nga ako gawa ni Ethan

Sa kabilang banda, may point din naman si Ethan eh. Kasalanan ‘ko rin naman na nakipag-tsismisan pa
ako sa kanya kagabi kaya ayan, ‘di na ako nakatulog. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa
isip ‘ko ‘yung kinuwento nya sa akin kagabi tungkol sa kanya, sa family nya.

Ilang taon na rin syang walang tumatayong mga magulang mula nang mamatay ang mga ito noong bata
pa sya. Wala rin naman daw syang parte sa pamilya ng nag-aalaga sa kanya ngayon dahil mukhang labag
naman sa kalooban nila na ampunin si Ethan.

Naikwento rin pala ni Ethan sa akin kagabi nung nag-iiyakan kami na hindi naman daw sya pumayag na
ampunin nila. Kaso, wala syang nagawa dahil bata pa nga sya at natatakot sya na kunin ng mga taga-
ampunan para kunin sya ganun tapos dalhin sa mga batang wala na ring mga magulang o pamilya.

Miski ako rin naman siguro kung nasa sitwasyon nya, ayoko rin na mapunta sa bahay-ampunan, mas
gugustuhin ‘ko nalang na sumama sa mga taong kaibigan ng mga magulang ‘ko kesa naman maiwan na
naman akong mag-isa. If ever lang naman na ako ‘yung nasa sitwasyon nya na ayoko rin namang
maranasan.
“Creza to earth!” Napapitlag ako nang bigla nalang sumigaw si Von sa harapan ‘ko at pumitik

“Ano ba ‘yan? Bakit?” Inis na tanong ‘ko sa kanya dahil bigla-bigla nalang syang sumusulpot sa harapan
‘ko at nanggugulat

Wala na nga ako sa mood ‘ko dahil ‘di ako nakatulog tapos gugulatin pa ako? Pwes ‘wag na kayong
magtaka kung sakaling kayo ang mapagbuntungan ‘ko ng inis ‘ko.

“Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi ka naman nagre-response” Paliwanag ni Von kaya medyo
kumalma ako

Kasalanan ‘ko rin naman pala.

“Sorry, may iniisip lang ako” Paliwanag ‘ko saka muling humikab

Hayst, kainis talaga.

“Ano naman ‘yon?” Umiling lang ako kay Von

Hindi ‘ko kasi alam kung pwede ‘ko bang sabihin sa kanya ‘yung tungkol kay Ethan. Ayoko naman kasing
sabihin sa iba kung walang permiso nya tutal kwento naman nya ‘yon tapos sabi pa nya na hindi naman
daw sya nag-oopen sa iba. Siguro nagkataon lang na ‘di na nya kayang itago kaya naman naglakas-loob
na syang magkwento sa’kin.

Sabagay, mas mabuti naman nang magkwento sa estranghero para iwas sa mga panghuhusga o ano pa
man. Siguro naisip rin nya ‘yon, pero dapat ‘ko nga bang sabihin kay Von ang alam ‘ko? O ‘wag nalang
kaya?

“Creza?” Napabalik ako sa wisyo ‘ko nang marinig ‘kong tinawag ulit ako ni Von

“Huh?” Lutang ‘kong tanong sa kanya na ikinatawa naman nya


Luh, anong problema nya? Bakit sya tumatawa? May nasabi ba akong nakakatawa? Wala naman akong
sinabi na nakakatawa ah? Nasisiraan na ba sya?

“Ayan ka na naman, Creza” Natatawang sambit nya at napahawak pa sa tyan nya kakatawa

Ano bang problema? Anong meron? Ba’t sya tawa ng tawa? Anong akala nya, ikinagwapo ba nya ‘yan?
Sabagay, natural na ata sa kanya ‘yon, sa kanilang dalawa ni Ethan. Si Riley rin maganda, ako lang ata
naiiba, naligaw lang ata ako dito eh -__-

“Hey!—Shit!” Nagulat ako nang may kumulbit sa akin kaya wala sa sariling lumipad ang palad ‘ko sa
taong ‘yon

“Hala! Sorry, sorry talaga, masakit ba?” Tanong ‘ko sa kanya nang makita ‘kong si Von pala ‘yung
nasampal ‘ko

Shez, napalakas ata ‘yung sampal ‘ko sa kanya. Namumula ‘yung parte ng pisngi nya na nasampal ‘ko!
Hala ka self.

“Sorry, okay ka lang?” Hinawakan naman nya ‘yung kamay ‘ko na ilalapat ‘ko sana sa kamay nya para
tignan ‘yung pisngi nya

“It’s okay...masakit lang talaga” Tumawa pa sya ng mahina saka hinimas-himas ‘yung pisngi nya na
ngayon ay namumula na

Ibinaba nya ‘yung kamay ‘ko na hawak nya saka sya ngumiti ng maliit sa akin kaso naging ngiwi lang dahil
siguro masakit talaga.

Tinanggal ‘ko ‘yung kamay nya na nakaharang sa pisngi nya. Nakonsensya naman ako ng malala nang
makita ‘kong namumula talaga.

“Sorry...” Mahinang sambit ‘ko saka yumuko


Shete ka kasi self eh. Bakit ba kasi ambilis mong magulat? Bakit ba kasi lulutang-lutang ka? Bakit ba kasi
napaka-careless mo naman? Tignan mo tuloy!

Hayst, nababaliw na yata ako, pinapagalitan ‘ko na naman ‘yung sarili ‘ko.

“Okay nga lang ‘yon, ‘wag mo nang isipin pa” Rinig ‘kong sambit nya pero nanatili pa rin akong nakayuko

Teka, parang gumagalaw ‘yung lupa? Gumagalaw nga? Hala!

“Creza?”

Shems! ‘Yung lupa naghahalo-halo ‘yung mga kulay!

“Creza?”

Namamalikmata na ata ako, nakikita ‘kong umiikot ‘yung lupa—

“Creza!”

Agad akong natauhan at napaangat ng tingin. Nakita ‘ko pa na umatras agad si Von nang itaas ‘ko na ang
ulo ‘ko.

“Ha? Bakit?” Takang tanong ‘ko sa kanya saka tinignan ‘yung paligid namin

Teka, bakit nga ba kami nandito? Asan ‘yung iba?

“Ayos ka lang ba?” Binalingan ‘ko ng tingin si Von at alanganing tinanguan

“Tingin ‘ko naman?” Natawa sya saglit sa sagot ‘ko


“Bakit parang ‘di ka naman sure?” Napakurap-kurap naman ako sa sinabi nyang ‘yon

“Malay ‘ko” Simpleng sagot ‘ko pero heto na naman sya at tatawa-tawa na naman sa sinabi ‘ko

Ano bang meron sa mga sinasabi ‘ko? Nakakatawa ba?

Hindi naman na masyadong namumula ‘yung pisngi nya eh. Medyo nawawala-wala na ‘yung pagkapula
dahil sa sampal ‘ko. Sana lang talaga hindi na masyadong masakit ‘yung pisngi nya.

“Balik na tayo?” Nakangiting tanong nya sa’kin

Bakit ba ang hilig nya ngumiti? Miya’t miya ata syang nakangiti eh.

“Hm-mm” Tinanguan ‘ko lang sya

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa pinagpahingahan ng grupo namin. Tahimik lang kaami at
walang nagtatangkang magsalita sa pagitan namin.

Pero, habang naglalakad kami ay may kakaiba na naman akong naramdaman. Nararamdaman ‘ko ulit
‘yung naramdaman ‘ko kahapon nung nagpapahinga kami sa isang lugar dito sa gubat na ‘to. ‘Yung may
nakita akong kakaiba sa likod nv puno.

Hindi naman sa nagugutom ako o dala ‘to ng hindi ‘ko pagkakatulog kanina kaya ‘ko ‘to nararamdaman.
Alam mo ‘yung feeling na parang may nakamasid at pinapanood ka mula sa malayo pero wala naman?
‘Yung feeling na parang may nakatingin sa’yo pero wala namang ibang tao?

“Ayos ka lang?” Napalingon ako kay Von nang tanungin nya ako habang naglalakad kami

“Yep, ayos lang naman. Bakit mo naitanong?” Pagsagot at pagbabalik ‘ko ng tanong sa kanya
“Wala naman, para ka kasing balisa dyan” Sagot nya sa’kin kaya’t medyo nag-alangan pa ako kung
sasabihin ‘ko ba sa kanya ‘yung nararamdaman ‘ko

“Hindi naman, siguro kinakabahan lang kasi maglalakbay na ulit tayo papunta dun sa lugar na sinasabi ni
Fairy Jess kaso mukhang nakalimutan naman nya ‘yung daan” Napangiwi ako dun sa sinabi ‘ko

Hindi ‘ko na sinabi sa kanya ‘yung nararamdaman ‘ko dahil baka guni-guni ‘ko lang ‘yon o dahil nga sa
kaba ng pagpapatuloy namin ng paglalakbay.

Pero, totoo naman ‘yung sinabi ‘ko na mukhang hindi naman alam ni Fairy Jess ang daan papunta do’n.
May pasabi-sabi pa sya na mukhang may problema dahil nawala na daw ‘yung alam nya na daan
papunta do’n, pero baka ang totoo ay nalimutan lang nya ‘yung daan, ‘di ba?

“Naisip ’ko na rin ‘yan” Natatawang pagsang-ayon ni Von sa sinabi ‘ko

“’Di ba? Baka naman nalimutan na nya, kasi sabi nya matanda na daw sya” Gatong ‘ko pa pero itong si
Von ay tinawanan lang ako sabay iling

“Daldal mo ha, samantalang kanina tahimik ka pa dyan” Napanguso naman ako sa sinabi nya

Pansin ‘ko rin na andaldal ‘ko na kapagka kasama ‘ko sila. Hindi naman ako ganito miski sa mga kaklase
‘ko, nagsasalita lang ako kapagka need nila ng sagot eh. Pero, heto at dumadaldal na ako kina Riley,
Ethan, at Von na kahapon ‘ko lang naman nakilala.

Alam mo ‘yung feeling na ang gaan ng pakiramdam mo sa kanila? ‘Yung kahit na kamakailan lang kami
nagkakila-kilalang lahat ay mabilis naming nakagaanan ng loob ang isa’t isa? Ganon ang pakiramdam ‘ko
sa kanila, siguro kasi friendly sila.

“May iniisip lang naman ako kanina eh” Sambit ‘ko saka bahagyang nilingon si Von na ngingiti-ngiti lang
habang naglalakad kami

Isa pa ‘yon, may iniisip kasi ako kanina kaya hindi rin ako masyadong umuusap. Inisiip ‘ko kasi ‘yung
tungkol kay Ethan, dun sa kinuwento nya sa’kin kagabi. Inisiip ‘ko if pwede ko bang sabihin ‘yon sa iba or
hindi. Inisiip ‘ko rin if okay lang kaya sya? Ano kayang nararamdaman nya ngayon na nasabi na nya sa’kin
‘yon?

Inisiip ‘ko rin na siguro dapat kausapin ‘ko si Ethan if ever na may bigat pa sa dibdib nya, para naman
gumaan ‘yung dinadala nya. Kaso, may problema, hindi ‘ko kasi alam kung paano ‘ko sya lalapitan at
bibigyan ng advice ganun.

Hindi naman sa nakikialam ako sa buhay nya, pero since may pinagdadaanan sya ay gusto ‘ko lang
naman na mapagaan ‘yung nararamdaman nya. Gusto ‘ko lang naman makatulong, pero kung ayaw
naman nya ay okay lang din, at least naiparating ‘ko sa kanya na may taong handang makinig sa mga
sasabihin nya.

“Creza? Nakikinig ka ba?” Bumalik ako sa katinuan ‘ko nang marinig ‘ko ang boses ni Von na tinatawag
ang pangalan ‘ko

“H-huh? A-ano bang sinasabi mo?” Takang tanong ‘ko kay Von pero tinawanan lang nya ako saglit bago
nagsalita

“Hindi ka naman nakikinig sa’kin eh, mukhang may sarili ka atang mundo dyan” Natatawang sagot nya sa
akin

“Hala, nakikinig kaya ako, kaso nalutang lang ako saglit kaya hindi na kita narinig” Depensa ‘ko naman
pero tumango lang sya kaso halata namang hindi sya naniniwala sa sinabi ‘ko

“Ang sabi ‘ko kanina, ano namang iniisip mo?” Pag-uulit nya sa kung ano mang sinabi nya kanina nung
lutang pa ang isip ‘ko

“Wala naman, bawal sabihin, secret” Natatawang sagot ‘ko sa kanya saka tumakbo na papunta sa mga
kasamahan namin nang matanaw ‘ko na sila

“Hoy! Hala maduga ‘to ay, ayaw magkwento eh!” Rinig ‘kong sigaw ni Von na naiwan ‘ko na

Tatawa-tawa naman akong tumatakbo papunta sa kinatatayuan ni Riley.


“Bulaga!” Panggugulat ‘ko na umepekto naman kasi muntik na nyang maihulog ‘yung hawak nyang
mansanas

“Creza!” Paninita nya sa’kin pero natawa lang ako ng saglit sa kanya

“Sorry hehe” Inirapan lang nya ako saka natawa rin ng bahagya

“Nakalibot kayo dito?” Tanong nya sa’kin sabay kagat sa mansanas na hawak nya

Saan naman kaya galing ang—nevermind, may powers nga pala ang mga kasama namin dito.

“Siguro? Pero dito lang naman kami sa malapit naglibot-libot eh” Sagot ‘ko kay Riley

Hindi ‘ko alam kung bakit parang ang energetic ‘ko ngayon. Alam nyo ‘yung parang sobrang dami mong
energy pero hindi mo alam kung paano ilalabas kaya sobrang energetic mo? Ayst, ano ba namang feeling
‘to. Kulang na talaga ako sa tulog, kanina kasi inaantok ako ngayon naman naman may energy na ako
haha.

“Oh, asan si Von?” Tanong naman ng kararating lang na si Ethan na may dala pang dalawang gatas

“Bakit?” Biglang singit naman ni Von na kararating lang, hinihingal pa nga eh

“Oh, anyare sa’yo? Para kang tumakbo ng marathon dyan ah?” Natatawang puna ni Ethan kay Von na
sumulyap lang ng tingin sa’kin

“Malay ‘ko bang mabilis pala tumakbo ‘yang batang ‘yan” Sisi pa nya sa’kin

Napasimangot nalang ako sa sinabi nya. Oo na bata na ako, pero ‘wag naman nya ako sisihin kasi
mabagal sya.
“Matanda ka na kasi, Von, kaya ayan uugod-ugod ka na” Natatawang gatong naman ni Riley kaya medyo
natawa na rin ako

Mukhang nagkakasundo sina Ethan at Riley ngayon ah? Pero, teka, nasaan naman kaya si Fairy Jess?
Kanina ‘ko pa sya hindi nakikita ah.

Mula nang umalis kami ni Von ay hindi ‘ko pa sya nakikita man lang. Lumabas ba sya ng tent nya kanina?

“Nakita nyo si Fairy Jess?” Pagtatanong ‘ko sa kanila kaya naman natigil sila sa pagtatawanan

“Huh? Hindi ‘ko pa nakikita si Fairy Jess kanina mula nang magising ako” Si Riley ang unang sumagot sa
tanong ‘ko

“Miski ako, mula nang umalis tayo ay hindi ‘ko pa sya nakikita” Segunda naman ni Von na katabi ng
umiinom ng gatas na si Ethan

Maduga, ayaw mamigay nung gatas eh dalawa naman ‘yung hawak nya.

“Ikaw ba, Ethan? Tutal maaga naman kayong nagising ni Creza, nauna pa nga kayo sa’min eh” Baling ni
Riley sa nananahimik na si Ethan

“Oh? Ba’t ako tinatanong nyo? Magkasama kaya kami magdamag nyan ni Creza, ‘di na nga nakatulog eh.
Tsaka wala kaming nakitang Fairy Jess na lumabas dyan sa tent nya ‘no” Depensa naman ni Ethan kaya’t
napa-face palm nalang ako sa sinagot nya

“Ha?! Hindi pa kayo nakakatulog dalawa?!” Gulat na tanong ni Riley na bumaling pa sa akin, muntik pang
mahulog mula sa bibig nya ‘yung kinakain nyang mansanas

“Magdamag kayong magkasama?” Tanong naman ni Von na nagpapalit-palit pa ng tingin sa akin at kay
Ethan

Ano namang problema nila?


“Eto ay, ‘yung magkasama kaming magdamag lang ang napansin” Baling ni Ethan kay Von sabay abot
sa’kin nung isang basong gatas na hawak nya

Yey! Akin pala ‘to eh

Tinanggap ‘ko naman ‘yung baso ng gatas at ininom na habang sila ay nag-uusap-usap pa rin.

“So, bakit naman hindi kayo nakatulog aber?” Parang nanay na tanong ni Riley kay Ethan

“Ano namang ginawa nyo magdamag at hindi na kayo nakatulog? Naggala ba kayo dito? Or
nagkwentuhan na umabot na ng umaga?” Tanong naman ni Von na akala mo ay tatay na nanenermon sa
anak nya

“Wala na kayo do’n, sa pagitan nalang naming dalawa ‘yon ni Creza” Kumindat pa sya sa may gawi ‘ko
kaya naman muntik ‘ko nang maibuga ‘yung gatas na iniinom ‘ko

Shems, ‘to si Ethan! Sayang ‘yung gatas eh.

“Ikaw naman, bunso. Ikaw ang sumagot sa tanong namin” Napaturo pa ako sa sarili ‘ko nang ako naman
ang balingan ni Riley

“Teka, tinatanong ‘ko lang naman kanina kung nakita nyo si Fairy Jess eh, bakit napunta na dito ‘yung
usapan natin?” Paglilihis ‘ko ng topic namin

Nagtatanong lang naman talaga ako kanina tungkol kay Fairy Jess tapos biglang heto na ang
kinahinatnan namin, napunta na kami sa hot seat ni Ethan.

“Eh ano nga ba kasing ginawa nyo kagabi at hindi na kayo nakatulog?” Naka-cross arms na tanong
naman ni Von

Teka, ngayon ‘ko lang nakita si Von na naka-cross arms ah? Bagay naman sa kanya mukhang masungit.
“Nagpaantok lang, nagkwentuhan sa buhay sa naiwan nating mundo, ganun” Simpleng paliwanag ‘ko na
mukhang pinaniwalaan naman nung dalawang umaastang magulang namin ni Ethan

Humigop nalang ulit ako nung gatas ‘ko at saka pasimpleng nilingon si Von. Nahuli ‘ko pa sya na
nakatingin sa akin pero umiwas din ng tingin nang makita nyang nakatingin na ako sa kanya.

Ano kayang problema no’n? May dumi ba sa mukha ‘ko?

“Kukuha lang din akong gatas dun, nagugutom na rin ako eh” Paalam ni Von saka kami tinalikuran at
dumiretso na dun sa lamesa

“Thank you nga pala dito sa gatas” Baling ‘ko kay Ethan na tinanguan naman nya saka uminom na rin sa
gatas nya

“Nga pala, balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina...” Pag-agaw ni Riley sa atensyon namin

“Oh, may pinag-uusapan na naman kayo?” Biglang singit naman ng kararating lang na si Von, may dala
pa syang baso ng gatas at tinapay

Teka, gusto ‘ko rin nung tinapay.

“Hindi, ‘yung kanina kasi nating pinag-uusapan bago—Creza, saan ka pupunta?” Biglang baling sa’kin ni
Riley nang mapansin nyang naglalakad na ako palayo sa kanila

Maging sina Von at Ethan tuloy ay napatingin sa akin.

“Kukuha lang akong tinapay” Paliwanag ‘ko sa kanya

“Eto na oh, kinuha na kita” Biglang pakita ni Von sa dala nyang dalawang tinapay
Oo nga ‘no? Bakit ‘di ‘ko napansin na dalawa pala ‘yung dala nya?

Agad naman akong bumalik sa pwesto ‘ko sa tabi ni Riley saka kinuha ‘yung tinapay na inaabot sa akin ni
Von.

“Teka, bago tayo magtsismisan dito, maupo muna tayo, nakakangalay din kaya tumayo” Biglang
suhestyon ni Ethan saka umupo dun sa may puno na pinagpwestuhan namin kagabi

Sumunod na rin kaagad kami sa kanya do’n at nagkanya-kanya na ng upo. Katabi ‘ko sa kanan ‘ko ay si
Riley, sa kaliwa si Von, at katapat ‘ko naman si Ethan.

“Grabe ka naman sa term na magtsismisan, ano tayo mga marites?” Mataray na depensa naman ni Riley
sa sinabi ni Ethan kanina

Sabagay, pag-uusapan lang naman namin si Fairy Jess ‘di ba? Tsismisan na ba ang tawag dun?

“Pero, ano nga bang tungkol kay Fairy Jess?” Tanong ni Von kaya naman natigil na sina Riley at Ethan sa
umuusbong na pag-aasaran nila

“Mula kasi kaninang umaga, hindi ‘ko pa sya nakikitang lumabas sa tent nya. Miski sina Ethan at Creza ay
hindi pa din daw sya nakikita eh kanina pa ‘yan sila este kagabi pa ‘yan sila gising” Pag-uumpisa ni Riley

“Oh, tapos? Ano namang ibig sabihin no’n?” Parang walang ganang tanong ni Ethan

“Hala, baka iniwan na nya tayo rito ah?” Takot ‘kong sambit matapos ‘kong maisip na hindi nga
malabong mangyari ‘yon

“Hoy beh! Grabe naman, ‘wag naman sana” Biglang sita sa’kin ni Riley na mukhang ayaw din mangyari
‘yon

“Baka naman nasa loob pa ng tent? Tinignan nyo na ba?” Tanong ni Von na inilingan ‘ko lang pero
nagulat ako nang tumango sina Ethan at Riley
“Ibig sabihin nakita nyong wala do’n si Fairy Jess?” Tanong ‘ko sa kanilang dalawa na tinanguan lang din
nila

“Wala sya do’n, akala pa nga namin magagalit sya sa amin kung papasok kami sa tent nya para gisingin
sya” Paliwanag ni Ethan

“Kaso, wala naman pala sya do’n, akalapa nga namin na baka sumunod sa inyo para pabalikin na kayo
dito” Dugtong naman ni Riley sa paliwanag ni Ethan

Kung ganon, nasaan si Fairy Jess? Nasa na ba ‘yung batang ‘yon na matanda pa daw sa amin?

“Baka naman naglalabas lang ng kinain dyan sa tabi-tabi?”

*cough*

“Ayos lang ba kayo?” Tanong ni Ethan na akala mo ay walang sinabi kanina

Grabe sya, kitang nakain kaming lahat dito tapos bigla syang magsasalita ng...errr, ‘wag nang banggitin
pa. Feeling ‘ko masusuka ako kapagka naiimagine ‘ko ‘yon—

“Creza, ayos ka lang?” Tanong ni Von na unang nakapansin sa ginawa ‘ko

Waah! Agad akong napatakip sa bibig ‘ko kanina nang akma sana akong masusuka dahil sa sinabi ni
Ethan. Mahirap kaya kapagka reader ka, kasi naiimagine mo ‘yung mga bagay-bagay!

“Bwiset ka talaga, Ethan!” Gigil na sigaw ni Riley kay Ethan sabay batok dito ng malakas
Ouch, masakit ‘yon panigurado.

“Aray naman! Ano bang ginawa ‘ko?!” Inis na tanong ni Ethan habang nakahawak sa may batok nya,
“Feeling ‘ko matatanggal ‘yung ulo ‘ko dun ah?” Mahinang bulong nya pero rinig naman

“Okay ka na ba?” Napabaling ako kay Von nang magtanong sya

“Okay naman na” Napabuntong-hininga nalang ako

Geez, bakit ba kasi kailangan pa nyang sabihin ‘yon habang kumakain kami dito? Pwede naman nyang
sarilinin nalang ‘yung ganong opinyon eh.

“Bakit kasi kailangan mo pang sabihin ‘yon?” Mahinahong tanong ni Von habang hinihimas-himas ‘yung
likod ‘ko, pampakalma daw ba

“Pinapagaan ‘ko lang naman ‘yung awra sa paligid natin eh, kesa naman isipin nyo ‘yung mga negative
thoughts nyo na iniwan na nya tayo dito” Paliwanag ni Ethan na hinahaplos pa rin ang batok nya

“Sana naman, ibang opinyon nalang ang sinabi mo. Kesa naman dyan sa—err, ‘wag nang ipaalala kasi
naiimagine ‘ko talaga” Nandidiring sambit ni Riley kaya miski ako napangiwi

“Mahirap sa side namin ‘yon, readers kami eh” Nakangiwing paliwanag ‘ko kung bakit kami ganito mag-
react ni Riley

“Kesa naman pairalin nyo ‘yang mga negative thoughts nyo ‘di ba? Babae pamandin kayo” Napakunot-
noo ako sa sinabi ni Ethan

Ano naman kung babae kami ‘di ba?

“Ano naman? May problema ka ba na babae kami?” Balik na sa mataray mode si Riley
“Wala naman, mga tamang-hinala kasi kayo eh” Pasimpleng pagsagot ni Ethan pero nakaiwas naman ng
tingin sa amin

“Aba, makatamang-hinala ka dyan ah? Bakit, totoo naman ah? Palagi naman kaming tama sa mga hinala
namin ah?” Ganti naman ni Riley

Huh? Minsan naman kaya hindi laging tama ang mga babae ah? Nagkakamali rin naman kami ah?

“Oh, chill ka lang dyan. Sinabi ‘ko na ngang mga tamang-hinala kayo eh” Pang-aasar pa ulit ni Ethan kay
Riley na parang sasabog na bulkan na

Ano bang meron dyan sa tamang-hinala na ‘yan?

“Hindi ‘ko sila gets” Mahinang bulong ‘ko kay Von na katabi ‘ko na nanonood lang din dun sa dalawang
nagtatalo na naman

“Tara, subukan nalang nating hanapin si Fairy Jess” Tumango naman ako sa sinabi ni Von saka kami
tumayo at hinayaan nalang sina Ethan at Riley na magsagutan do’n

“Ano ba kasing paki mo?”

“Eh ano ba kasing pinaglalaban mo dyan?”

“May gusto ka yatang iparating sa sinabi mo kanina eh!”

“Wala kaya, depende nalang sa’yo kung may nakarating sa’yo”

Saglit pa akong lumingon sa kanila at ‘yan ang mga naririnig ‘kong sinasabi nila. Hindi nga yata nila alam
na wala na kami do’n ni Von sa pwesto namin kanina.
“’Wag mo na silang intindihin, mapapagod din ‘yan sila kakabangayan dyan” Tumango lang ako sa sinabi
ni Von

Oo nga, mapapagod din ‘yan sila maya-maya, tapos saka lang nila mapapansin na wala na pala kami sa
tabi nila.

“Sabagay. Nga pala, saan naman natin hahanapin si Fairy Jess?” Takang tanong ‘ko kay Von habang
naglalakad na kami papalayo sa camp namin

“Hindi ‘ko rin alam, siguro umpisahan nalang muna natin dito sa malapit” Tanging sagot naman nya sa
akin saka dumiretso na ng tingin sa dinadaanan namin

Naibalik na nga pala namin ‘yung mga baso na ginamit namin kanina. Ni hindi nga kami napansin nung
dalawang nag-aaway sa may ilalim ng puno eh. Ano ba kasing meron dun sa tamang-hinala topic nila?

“Creza”

“Bakit?” Sagot na tanong ‘ko ng hindi nililingon si Von

Walang sumagot kaya naman nilingon ‘ko si Von na diretso lang ang tingin sa nilalakaran namin.

“Von, sabi ‘ko bakit mo ako tinawag?” Pagkuhit ‘ko sa kanya kaya naman napalingon sya sa’kin nang
nakakunot-noo

“Huh? Anong tinawag? ‘Di naman kita tinawag ah?” Napatagilid naman ako ng ulo sa sinabi nya

“Narinig kaya kita, tinawag mo ang pangalan ‘ko” Paliwanag ‘ko sa kanya saka lumingon-lingon sa paligid
namin, “Wala namang ibang tao dito kaya ikaw lang ang tatawag sa’kin” Dagdag ‘ko pa

Nagkibit-balikat lang naman sya bago sumagot, “Baka guni-guni mo lang ‘yon”
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at hindi ‘ko na inisip pa ‘yon. Baka nga guni-guni ‘ko lang ‘yon
dahil nga rin sa hindi naman ako nagkapagpahinga ng maayos kagabi kasi ‘di naman ako nakatulog.
Pakapuyat pa kasi ayan tuloy kung anu-ano ng naririnig.

Habang naglalakad kami ay tinitignan namin ang paligid namin dahil baka makita namin si Fairy Jess.
Pero habang tumatagal, napapagod na kami kakalakad at wala ni anino ni Fairy Jess ang nakita namin.

Napagdesisyunan naming dalawa ni Von na maupo muna saglit dito sa may gilid nitong parang sapa o
ilog yata. Nakakapagod din naman kasi maglakad nang maglakad sa lugar na ‘to. Parang naubos na ata
lahat ng energy ‘ko kanina eh.

“Hayst, nasaan na ba kasi ‘yung fairy na ‘yon? Iniwan na nga ata tayo dito” Pagbuntong-hininga ni Von

Miski ako ay ‘yun na din ang naiisip na dahilan kung bakit hindi pa rin namin sya nakikita. Ano pa nga
bang ibang pwedeng maging dahilan ng hindi pagpapakita ni Fairy Jess sa amin bukod do’n?

“Pero, baka may iba pang dahilan?” Wala sa sariling naisambit ‘ko habang nakatingin lang sa umaagos na
tubig sa ilog

“Ano naman kaya?” Tanong nya habang nakaupo rin na pinapanood ang nasa paligid namin

“’Yan ang hindi natin alam” Sagot ‘ko kay Von

Ano nga bang pwedeng maging dahilan ng pagkawala ni Fairy Jess? Baka naman may nangyari ng
masama sa kanya, hindi kaya?

“Creza..” Napalingon ako kay Von nang tawagin nya ako

“Hmm?” Pero hindi sya sumagot

Sinundan ‘ko ang tinitignan nya at nakatingin sya sa kabilang dako ng ilog, sa katapat namin. Wala
naman akong ibang nakikita doon bukod sa mga puno at...sa isang batang babaeng nakatayo.
Agad akong napakapit sa braso ni Von sa takot nang maaninagan ‘ko na batang babae nga ‘yon na
nakatayo sa kabilang bahagi ng ilog na ‘to. Waaah! Ang creepy!

“Na-nakatingin ba sya sa’tin?” Nauutal ‘kong tanong dahil natatakot talaga ako dahil baka multo ‘yon

“Tingin ‘ko hindi, mukha syang nakatalikod sa gawi natin” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Von,
pero hindi nawawala ‘yung takot na nararamdaman ‘ko

“Tara na, alis na tayo dito!” Mahinang sigaw ‘ko kay Von saka sya hinila patayo

Pero, shems talaga ‘to si Von! Hindi man lang natinag at nanatili lang syang nakaupo at nakatingin dun sa
batang babae na nakatalikod sa’min sa may kabilang bahagi ng ilog.

“Von, tara—”

“Tignan natin”

“Huh? Ayoko nga!” Umiiling pa ako sa kanya ng sunod-sunod habang sinasabi ‘yan

Sino namang gustong lapitan at tignan ‘yung nakakatakot na batang babae sa may kabilang ilog? Sino pa
edi si Von.

“Tara na, ano sasama ka ba o gusto mong maiwan dito mag-isa?” Napaisip ako sa tanong nya

Kung sasama ako sa kanya, malaki ang posibilidad na makikita ‘ko nga ‘yung bata! Pero, kung hindi
naman ako sasama sa kanya, may posibilidad din na may makita akong kung ano dito sa gubat. Parang
wala naman akong choice eh.

“Kung sasama ka, tara ikutan natin ‘tong ilog baka sakaling may tulay o bangka tayong makita”
Magpoprotesta pa sana ako sa kanya kaso nagsimula na syang maglakad paalis
Sasama ba ako o hindi?

Nilingon ‘ko ulit ‘yung bata sa kabilang bahagi ng ilog. Nanlaki ang mga mata ‘ko nang makita ‘kong unti-
unti itong gumagalaw paharap sa pwesto ‘ko. Potek...

“Von! Teka lang, please, teka lang!” Naiiyak ‘kong sigaw kay Von saka sinubukang humabol sa kanya

Karipas na agad ako ng takbo mahabol ‘ko lang sya at ‘wag makita ‘yung paglingon nung bata. Shems,
ayokong maiwan do’n dahil lumingon ‘yung bata, pero heto naman ako at sasamahan si Von na lapitan
at tignan ‘yung bata. Waaah, nababaliw ka na yata, Creza.

“Oh, akala ‘ko ba hindi ka sasama?” Parang nang-aasar pa na tanong ni Von sa’kin nang mapansin nyang
nakakapit pala ako sa laylayan ng damit nya

“H-hindi nga!”

“Eh bakit ka nandito? Nakakapit ka pa sa laylayan ng damit ‘ko?” Tanong nya pero parang inaasar talaga
ako

Kanina inaantok pa ako, pero ngayon mukhang hindi na kasi baka kapagka nakatulog ako ay
mapanaginipan ‘ko na ‘yung babaeng ‘yon. Waaah, gusto ‘ko nang umuwi sa amin!

“A-ano...ano kasi..” Hindi ‘ko naman masabi sa kanya na nakita ‘kong gumalaw ‘yung bata paharap sa
gawi ‘ko dahil baka nga guni-guni ‘ko lang ‘yon

Aish, paano ba ‘to?

“Halika na nga, para naman mabilis tayong makabalik” Nagulat nalang ako nang tanggalin ni Von ang
kamay ‘ko mula sa pagkakahawak ‘ko sa laylayan ng damit nya
Akala ‘ko nga ay iiwan na nya ako dito pero hinawakan nya ang kamay ‘ko saka ako hinila para
makasabay sa paglalakad nya.

Hindi ‘ko alam kung anong nangyari pero wala sa sarili akong napasulyap kay Von dahil sa ginawa nya.
Ano bang meron at ganito ang mood nito? Minsan palangiti, minsan palatawa, minsan seryoso din, pero
madalas sa lahat ay unexplainable. Hindi ‘ko maipaliwanag kung bakit sya ganoon at ganito.

“Nagbabangayan pa kaya ‘yung dalawa do’n?” Napabalik lang ako sa wisyo ‘ko nang magtanong si Von

“Huh? Hindi ‘ko alam. Tara tignan natin” Sana pumayag sya para iwas na dun sa nakakatakot na bata

“Mamaya na, titignan pa natin ‘yung nasa kabilang bahagi ng ilog” Napasimangot naman ako sa sinabi
nya

Sayang, akala ‘ko ligtas na ako eh. Kung pwede lang hindi sumama eh, kaso baka dito naman ako
makakita ng nakakakilabot.

“Von—”

*swoosh!*

Agad akong napakapit ng mahigpit sa kamay ni Von nang bigla nalang humangin ng sobrang lakas.
Napapikit na rin ako dahil sa takot na baka may nakakatakot na nilalang ang lumabas bigla.

“Ano ‘yun?” Tanong ni Von pero nanatili lang akong nakapikit

“Anong a-ano ‘yun?” Kinakabahan ‘kong tanong sa kanya pero bigla nalang syang gumalaw kaya
napahigpit ang kapit ‘ko sa kamay nya
“Bakit?”

“’Wag kang umalis” Mahinang sambit ‘ko sa kanya

“Ano? Hindi kita marinig”

“Natatakot ako...” Dugtong ‘ko sa sinasabi ‘ko

Ayoko talaga ng ganito, mabilis kasi akong matakot. Duwag na kung duwag pero natatakot talaga ako ng
manilis lalo na kapagka about sa mga multo at elemento. Kaya nga iniiwasan ‘ko rin magbasa ng mga
horror genre eh.

“Fine, babalik na tayo dun sa camp. Kesa naman matakot ka pa dyan” Nakahinga ako ng maluwag sa
sinabi ni Von pero hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata ‘ko

Parang may mali, parang may hindi ako magugustuhan na makita pagmulat ‘ko ng mga mata ‘ko.
Natatakot ako sa kung ano mang makikita ‘ko pagmulat ‘ko ng mga mata ‘ko.

“Creza?” Rinig ‘kong tanong ni Von

“Bakit?” Sagot ‘ko pero nananatiling nakapikit ang mga mata

“Bakit ayaw mo imulat ang mga mata mo? Wala namang multo” Natatawang sambit nya pero ayoko
talaga

Natatakot nga kasi ako. Baka mamaya pagmulat ‘ko may multo na pala sa harap ‘ko. Shems, ‘wag naman
sanang multo ‘tong kausap ‘ko at baka bigla nalang akong tumakbo dito ng malayo. Bahala na kung saan
akong makarating aba.

“Tara na nga” Sabi ni Von matapos ‘kong hindi magsalita


Siguro na-feel din nya ‘yung takot ‘ko base sa pagkakahawak ‘ko sa kamay nya. Natatakot lang kasi
talaga ako sa nararamdaman ‘ko ngayon. Alam mo ‘yung feeling na parang may nakatingin sa’yo?
Nararamdaman ‘ko na naman ‘yung naramdaman ‘ko noong nakaraan.

Habang naglalakad kami ay nakapikit pa rin ang mga mata ‘ko, ni hindi nga ako nagmumulat at
naglalakad lang ng diretso. Ang nagsisilbi ‘kong mga mata ay si Von na nakaalalay sa paglalakad ‘ko.

Nakahawak ako sa kaliwang kamay nya ngayon habang ang kanan naman nyang kamay ay nakahawak sa
may baywang ‘ko para alalayan akong maglakad ng nakapikit.

Sabihin na akong maarte pero anong magagawa ‘ko kung natatakot ako? Anong magagawa ‘ko kung
tumatayo talaga ang balahibo ‘ko ngayon? Kung kayo rin naman siguro ang nasa kalagayan ‘ko ay ganun
din ang mararamdaman nyo.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Von pero tumango lang ako, “Kanina ka pa nakapikit, napuwing ba ang
mga mata mo?” Dagdag pa nyang tanong

“Hindi naman, sadyang natatakot lang ako...” Mahinang bulong ‘ko pero narinig naman nya dahila
magkalapit lang kaming dalawa

“Don’t worry, malapit naman na tayo sa camp. Doon pwede ka na magmulat ng mga mata” Tumango
lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti

“Thank you” Sambit ‘ko dahil lagi syang nandyan para tulungan at intindihin ako kahit na ikalawang araw
pa lang namin ‘tong magkasama

“You’re always welcome...” Huling sambit nya bago kami natahimik habang naglalakad

Hanggang ngayon ay iniisip ‘ko pa rin ang biglaang pagkawala ni Fairy Jess. Iniwan na kaya nya kami, o
may nangyaring masama? Dumagdag pa sa isipin ‘ko ay ‘yung—shems, ayoko ng maalala huhu. Bakit ba
bigla nalang pumasok sa isip ‘ko ‘yung bata sa may kabilang ilog na ‘yun?
Hala, teka, nasabi ‘ko na naman ba sa isip ‘ko? Sabi ‘ko ayoko ng maalala eh! Baka mamaya bangungutin
na ako dahil sa kanya. Baka rin mamaya ay hindi na ako makatulog or maging praning na ako dahil sa
naaalala ‘ko sya.

Pero, sino ba sya? Bakit ba sya nandun sa may kabilang ilog? Tsaka, bakit ang creepy nya? Brr,
nakakatakot maalala. Tumatayo ang mga balahibo ‘ko kapagka naiimagine ‘ko na naman kung paano sya
lumingon sa’kin kanina.

“Imulat mo na ang mga mata mo...”

Teka, sinong nagsalita?

“Creza...”

Huh? Sino ‘yung nagsasalita?

“Creza!”

You might also like