You are on page 1of 49

Maling Pag-ibig

Minsan, ang pag-ibig ay mapaglaro. Hindi mo alam kung kailan ka mapapasok sa kanyang mga laro. Pero paano kung mapasubo ka sa kanyang laro sa MALING PANAHON, MALING LUGAR at sa MALING NILALANG? Itutuloy mo pa rin ba ang laro o ititigil mo na?

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng tahimik na buhay, makatapos sa pagaaral at makakilala ng matinong lalaking magmamahal sa akin bilang ako. Pero paano na ang mga pangarap ko kung sa maling tao tumibok ang puso ko?

Ang gusto ko lang naman ay makilala ng madaming babae. Yung tipong hindi ako mawawalan ng mapaglalaruan.Pero paano kung may dumating na babaeng magpapabago sa gusto ko?

Paalala: Kahit na anong parte ng istoryang ito ay bawal ipakalat o gamitin sa kahit na anong paraan ng walang pahintulot ng may akda. Kung may mga pagkakapareho man sa mga pangalan o pangyayari, ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.Salamat sa mga sumuporta nito hanggang sa huli. Suportahan niyo rin sana yung iba ko pang mga kwento [Updated Version of Me, Breathe at The 12th Proposal]. Salamat. ~Rachelle

Panimula Bago pa man magsimula ang kwentong ito, magpapakilala na nga ako. Ako nga pala si Missy, isang normal na estudyante sa isang normal na paaralan. Akala ng madaming tao tahimik lang ako pero naku wag mo kong susubukan kasi pag ako napuno di kita uurungan! Kung tutuusin, wala naman akong maipagmamalaki sa

buhay e. Di naman ako mayaman, di rin naman ako ganun katalino at di rin ako ganun kasikat pero kadalasan, ako ang takbuhan ng mga problemado kong kaibigan. Magaling daw kasi akong magbigay ng payo. Ewan ko nga kung totoo yun o binobola lang nila ako e. Kasi naman kung totoo yun, bakit di ko mabigyan ng payo yung sarili ko? Tama na nga muna yan. Ay, bago ko makalimutan, may isa nga palang grupo dito sa paaralan namin na kung umasta sila ang mga hari dito. Aaminin ko, ayaw ko sa kanila lalo na dun sa bosing nila. Alam niyo ba kung bakit? Siyempre hindi kasi nga kakasimula pa lang ng kwento e. Pero sige, sasabihin ko na yung dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. Una, ang hilig niyang mambabae. Linggo linggo na lang kung magpalit siya ng syota niya e. Anong akala niya sa mga babae, laruan? Pangalawa, ang hangin niya! Akala mo kung sinong gwapo e hindi naman masyado. Mayaman lang siya kaya ganun yun e. Pero kung di yun nabibihisan ng mamahaling damit, pupusta ako walang magkakagusto dun! Teka, masyado ng natutuon sa kanya yung kinukwento ko e. Basta AYAW KO SA KANYA! Tapos. Nasa parke ako sa paaralan ng makita ko yung panget na si Josh. At katulad ng dati, may kasama na naman siyang babae. Ang malupit pa dun dalawa yung kasama niya. Saan ka pa? Tinitignan ko lang sila nung mga oras na yun tapos napansin niya na nakatingin ako sa kanila kaya bigla na lang siyang naglakad papunta sa direksyon ko. "Utang na loob! Pag minamalas ka nga naman o!" "Ahem." Hindi ko siya pinansin. Nagpanggap ako na nakatingin na lang sa kawalan at di siya naririnig. "Ahem." Hindi ko pa rin siya pinansin. "Ahem." "May ubo ka ba? Kung meron, bumili ka ng gamot mo para naman di ka makahawa." "Napansin ko lang naman kasi na nakatingin ka sa amin kanina e. May gusto ka ba sa akin ha?" "Ha! Asa!" "Alam mo, ayos lang naman na umamin ka e. Sanay naman na ako dun." "Alam mo kung wala kang sasabihing matino, mauna na ako sa'yo ah. Para kasing biglang humangin ng malakas dito e." Tapos nilayasan ko na siya. Grabe talaga siya. Di ko na talaga maintindihan kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa dun! Ang sama ng ugali niya! "Asa pala ah. Tignan lang natin!"

Kabanata 1 "Hoy pare! Ano ba yang binubulong mo diyan?" "Oo nga Josh." - babae # 1 "Wala na kayong pakialam dun!" "Hmp! Makaalis na nga!" - babae # 2 "Sige lang. Wag ka na rin palang lalapit sa akin pagkatapos ah. Alam mo naman, mayamaya lang makakahanap na ako ng kapalit mo at ibang babae na ang kasama ko bukas." "Josh naman e! Hindi mabiro. Hehe." - babae # 2 "Bibigay ka rin pala e. Tara na nga!"

Sa isang mamahaling kainan... "Missy! Tulong naman o!" "O! Anong problema na naman ba 'yan?" "Missy naman e." "Ay sus! May paganyan-ganyan ka pa. Alam ko namang hihingi ka na naman ng payo e." "Ay nako. Kilala mo na talaga ako." "Naman! Haha. O ano nga yung problema?" "E kasi ano." "Ano nga?" "Yung kaibigan ni Josh nililigawan ako." "ANO?!" "Sabi ko yung kaibigan ni Josh - "

"Oo. Narinig ko. Di naman ako bingi." "Narinig mo naman pala e. Bakit ka pa nagtanong ulit?" "Ganyan ka na ah! Dapat di ka na lang pumunta sa akin." "Missy naman e! Kailangan ko talaga ng tulong mo! Parang awa mo na! Di ko talaga alam kung anong gagawin ko e." "Oo na. Wag ka na ngang mageskandalo dito. Nakakahiya sa mga tao e. Pinagtitinginan na tayo." "Salamat Missy. E ano na nga?" "Alam mo naman kung anong isasagot ko diyan di ba?" "Oo. Pero - " "Pero ano?" "Pero gusto ko na yata siya e." "Ay sus! Ganito na lang yan ah. Kapag ikaw niloko at pinaiyak ng mokong na yun, wag kang aangal sa akin kasi ngayon pa lang sinabihan na kita." "Sige." "Basta tandaan mo, nandito lang ako na handang tumulong sa paglutas ng problema mo maliban na lang kung may koneksyon sa grupo ng mga mokong na yun." "Sino yung mga mokong?" "Ay anak ng tipaklong naman o! Humagin na naman dito." "May sinasabi ka?" "Ay naku, wala. Baka guniguni mo lang yung naririnig mo." "Ah. Akala ko may sinasabi ka e." "Akala mo lang yun." "Teka lang ah. Magkakilala na ba kayo?" "Oo."

"Hindi." "Ano ba talaga?" "Hindi nga e. Ang kulit niyo naman e. Sige Pia, alis na ako ah. Di ko na gusto ang ihip ng hangin dito e." "Sige. Salamat talaga Missy. Ingat ka." "Sige." "Hmm. Missy pala ah." Kabanata 2 Aaminin ko, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakilala ng babaeng katulad niya. Lahat ng babaeng nakikilala ko kindatan ko lang bibigay na pero siya walang epekto e. Dahil sa mga inaasal niya, lalo akong nagiging interesado sa kanya. Para naman pag bumigay siya sa akin maipagmamalaki ko sa buong mundo na may naloko akong babae na ayaw sa akin nung una. Alam ko ang sama ng plano ko at magiging problema pag nahulog talaga ako sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hinding hindi yun mangyayari kasi ako si Josh, ang hari ng eskwelahan namin at ni minsan di pa ako nagmamahal ng totoo kasi nga ang babae laruan ko lang. "Pia, ganun ba talaga kasungit yang kaibigan mo ha?" "Hindi naman. Tahimik nga lang talaga yan sa harap ng maraming tao e. Kasi umiingay lang yan pag kasama niya ang pamilya at mga kaibigan niya. Pero sa inasta niya kanina, halatang inis siya sa'yo kaya nagkaganun." "Ah. Ganun ba? Bakit naman pala siya inis sa akin?" "Pasensya na pero di ko na masasabi sa'yo yung dahilan. Nangako kaming magkakaibigan na hindi lalabas sa grupo namin yung mga sikreto namin e. Sige, una na rin ako." "Hatid na kita." "Ha? Hindi na." "Hindi. Hatid na kita." "Sige na nga." "Sige Josh, una na kaming dalawa." "Sige."

"Josh, saan na tayo pupunta?" "Aba malay ko sa inyong dalawa! Basta ako uuwi na. Diyan na nga kayo!" "Pagpasensyahan niyo yun ah. Tinopak na naman e." "Ok lang. Pinili naman naming malagay sa posisyon na ito e kaya kailangan naming magtiis." "Hay. Ewan ko nga ba kung bakit gustung gusto niyong mapaglaruan ni Josh. Sige, alis na rin ako." "Sige."

Hay. Kainis talaga yung mokong na yun! Sinira na niya yung buong araw ko! Kung bakit ba kasi napatingin pa ako sa direksyon nila kanina e. Parang ayaw ko tuloy pumasok bukas. Kinabukasan "Missy! Gumising ka na nga diyan! Aba'y ala-sais na! Mahuhuli ka na sa pasok mo!" "Ayaw ko pong pumasok e." "Alam mo naman na hindi ka pwedeng lumiban sa klase mo di ba? Paano ka magtatapos na may mga medalya niyan kung liliban ka ng walang matinong dahilan?" "Hay. Sige na nga po papasok na." Pagpasok ko, dumiretso na ako sa may languyan kasi paglangoy ang una kong asignatura. Nagbihis na rin ako at naghanda. Ay! Nasabi ko na ba sa inyo na isa ako sa mga panlaban ng paaralan sa paglangoy? Ayan ah, alam niyo na. Basta ayun, katulad ng dati pinuri-puri na naman ako ng guro namin. Pero lahat naman ng mga estudyante niya pinupuri niya e. Pagkatapos nun maglalakad na sana ako papunta sa susunod kong klase ng biglang sumulpot sa paligid ang taong pinakaayaw kong makita: si Josh. "O! Ano namng tinitingin-tingin mo diyan?" "Sa tingin mo ba ikaw yung tintignan ko?" "Oo. Kasi ako lang naman yung nandito. Diyan ka na nga lang!" "Hep! At sa tingin mo saan ka pupunta ha?" "Sa susunod kong klase bakit may angal ka ha?"

"Wala naman." "Wala naman pala e! Tumabi ka na diyan!" Ay sus! Nabara na naman niya ako! Bakit ba di ako makasagot pag siya yung kausap ko? Di ko magamit yung angas ko e. Pero maghintay lang siya, babawi ako. Kabanata 3 "Hoy!" "Missy wag kang lilingon." "Hoy!" "Wala kang naririnig." "Hoy!" "Ako ba tinatawag mo?" "Sino pa nga ba sa tingin mo ha?" "E kasi naman hindi hoy ang pangalan ko." "Ano bang pakialam mo kung hoy ang itawag ko sa'yo ha? Wala ka naman ng magagawa kung yun ang gusto kong itawag sa'yo e. Baka nakakalimutan mo ako ang hari ng eskwelahan na 'to. Kaya kahit anong gusto kong mangyari o sabihin pwede kong gawin o sabihin. Naiintindihan mo ba ha?" "E paano kung ayaw kong sumunod sa gusto mong mangyari?" "Dalawa lang naman ang pwedeng manyari sa'yo e. Una pagkakaisahan ka ng mga tao dito hanggang sa magkusa ka ng umalis o kaya naman-" "O kaya naman ano?" "O kaya naman, papatalsikin ka na lang agad dito. Kaya nasa sa'yo naman kung gusto mo pang magtagal dito e. Basta tandaan mo lang na kahit alin dun ang piliin mong mangyari sa'yo di ko na babawiin yun kahit na magmakaawa ka pa. Naiintindihan mo ba hoy? Sige, una na ako ha. Sabihin mo na lang kapag nakapagdesisyon ka na kung yung una o pangalawa ang gusto mong mangyari." E di nakabawi din ako sa kanya. Akala niya maiisahan niya ako. Di niya pa alam kung ano ang mga kaya kong gawin. Tignan lang natin kung hindi ka bumait sa akin.

"Teka lang." "Ang bilis naman yatang magbago ng isip nung babaeng yun ah. Pero di ko muna papansin." "Teka lang sabi e!" "Ano ba yun ha?" "Nakapagdesisyon na ako." "Sige lang. Sabihin mo na yung desisyon mo. Nakikinig ako." "Patalsikin mo na lang ako dito." "Sigurado ka ba diyan?" "'Kung sabihin kong oo, wala ka namang magagawa di ba? Saka ayaw ko na rin naman kayong makita kaya ayos na sa akin yun." "Sabi mo yan ah. Wala ng bawian. Tatawagan ko na yung sekretarya sa opisina dito." "Opisina ng punong-guro. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" "Si Josh po ito." "O Josh, napatawag ka? May ipapalakad ka na naman bang papeles?" "Meron nga po." "Anong papeles naman yan ha?" "May papatalsikin po ako dito na estudyante." "Ah. Ganun ba? Sige anong pangalan?" "Teka lang po ah." "Hoy! Anong buong pangalan mo?" "Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" "Bilisan mo na nga! Kausap ko na yung sekretarya sa opisina e. Inaasikaso na yung pagpapatalsik sa'yo para naman bukas di ka na papasok."

"

"

"Sasabihin mo ba o kakaladkarin kita hanggang dun sa opisina?" "Oo na! Sige na! Ikaw na ang panalo! Payag na akong tawagin mong hoy." "Ay sus! Papayag ka din naman pala e. Pakipot ka pa." "Kung hindi lang importante sa akin ang pag-aaral ko ako pa mismo ang pupunta sa opisina kahit di mo na ako kaladkarin." "Sabi mo e." "Ay di ko na po pala ipapatuloy yung pagpapatalsik. Pasenya na po sa abala." "Ah. Sige. Pag may kailangan ka tawag ka lang dito." "Sige po. Salamat." Humanda siya sa akin ngayon. Ako na ang maghahari-harian sa buhay niya. Wala pang gumaganito sa akin kaya ang swerte niya kasi buena mano siya sa pangiinis at pambwibwisit na gagawin ko. Kabanata 4 Kung bakit ba kasi napasok pa ako sa problemang ito e. Una sa lahat, ayaw ko siyang makita. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw ko siyang makasama. Ibig sabihin, ayaw sa kanya e! Pero ano, ito ako magiging sunudsunuran sa gusto niya? Hindi pwede yun! Basta, papayag lang ako na tawagin niyang "hoy" pero hanggang dun na lang yun! Ako pa rin ang masusunod sa buhay ko. Pagdating ng uwian nakita ko na si panget este si Josh na naghihitay sa may pintuan ng silid-aralan namin. Yung mga kaklase kong babae parang mga uod na binuhusan ng asin kung kiligin. Akala mo naman sila yung pinuntahan nung mokong na si Josh. Hindi naman sa sinasabi kong ako yung ipinunta niya. Pero utang na loob naman, hindi naman si Josh ang pinakamatipunong tao sa mundo at sa buong kalawakan. Ako lang ba ang nakakakita nun? Hay, buhay. "Hoy! Matagal ka pa ba diyan?" "Sino kaya yung tinatawag ni Josh?" "Ang swerte naman niya." "Oo nga e. Sinusundo pa siya dito." "Hindi rin talaga kayo chismosa e?"

"Hoy! Bilisan mo nga diyan! Ang tagal ko ng naghihintay dito ah!" "Sino ba talaga kasi yung hinihintay ni Josh?" "Oo nga." "Kayo ba hindi titigil sa kakachismisan niyo ha? Isa! Dalawa!" "Alis na nga tayo!" "Tama 'yan!" "Hindi ka ba talaga titigil diyan sa kalokohan mo ha?" "Paano kung sabihin kong hindi? May magagawa ka ba ha? Wala naman di ba? Tara na nga! Ang kupad kupad mong kumilos!" "Teka nga lang! Sino bang may sabing sasama ako sa'yo ha?" "Wala naman. Pero nung pumayag ka sa usapan natin kanina kasama na rin dun yung pagsama mo sa akin." "Alam mo, sa pagkakaalala ko, pumayag lang akong tawagin mong "hoy" at hanggang dun lang 'yun." "Ah. Ganun ba? Puwes, mali ang akala mo!" "Kung sa tingin mo, mapapasunod mo ako sa lahat ng gusto, nagkakamali ka! Uuwi na ako. May gagawin pa ako." "Oo na. Sige na. Panalo ka na ngayon. Pero ito na lang. Ihahatid na lang kita sa inyo. Ano, payag ka na?" "Ha? Hindi!" "Wala ka ng magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid kita!" Alam ko na kung anong iniisip niyo e. Iniisip niyo na gusto ko talaga siyang ihatid noh? Mali kayo diyan! Gusto ko lang malaman kung saan siya nakatira para naman maaasar ko na siya araw araw. Ano naman kayang pinaplano nitong mokong na 'to? Di ko gusto ah. Magturo na lang kaya ako ng ibang bahay? Sige. Ganun na lang. Akala niya ah. Kabanata 5

"O. Nasaan na yung bahay niyo?" "Itabi mo na lang diyan." "Bakit ko itatabi diyan? Bahay niyo ba 'yan?" "Oo. Bakit may angal?" "Wala naman. Parang di ka kasi nakatira diyan e." "Hay nako. Kung ayaw mong maniwala e di wag. Sige, baba na ako." "Hoy! Di ka naman mabiro o." "Oo na. Sige, alis ka na." "Hindi, pumasok ka muna." "Hindi, umalis ka muna." "Pumasok ka muna." "Teritoryo ko ito kaya ako ang masusunod! Umalis ka na muna bago ako papasok." "Oo na." Nakaalis na kaya 'yun? Kailangan nakalayo na siya ng bonggang bongga para naman di na delikado. Baka mamaya mabuko pa ako agad e. "Hoy! Sino ka ba ha? Anong tinatayu-tayo mo diyan sa labas?" "Ho? Wala naman akong ginagawang masama ah!" "May masama kang balak noh? Siguro nagmamanman ka dito sa amin!" "Naku! Hindi po! Wala po akong balak." "Ay sus! Di na uubra yung mga palusot mo! Wag kang aalis diyan at tatawag na ako ng pulis!" "Manang ano po ba yung nangyayari diyan sa labas?" "Ay nako Paul. May nagmamanman kasing babae sa labas kaya tatawag na ako ng pulis."

"Ho? Nasaan?" "Ay 'wag ka ng lumabas. Ako na ang bahala dun." "Manang ayos lang. Titignan ko lang naman e." "Pero-" "Ah. Mawalang galang lang ha. Pero sino ka ba at anong ginagawa mo dito?" Nagtaka ako. Pamilyar sa akin yung boses na iyon e. Di ko lang maalala kung sino pero ang alam ko kilalang kilala ko kung sino 'yun. Paglingon ko sa nagsalitang lalaki. "Paul?!" "Teka lang. Missy, ikaw ba 'yan?" "Ako nga! Ang tagal din nating di nagkita ah." "Oo nga e. Ay teka, pasok ka." "Salamat." Hay. Buti na lang kakilala ko ang may ari ng bahay na tinuro ko. Kung hindi, lagot na. Buking agad ako. Mukhang dun nga nakatira ang babaeng 'yun ah. Sige. Babalik na lang ulit ako dun. Kabanata 6 "Missy, maitanong ko lang, ano palang ginagawa mo sa labas ng bahay kanina?" "Ha? Ah, e. Wag kang tatawa ha." "Ano nga yung dahilan?" "Basta wag kang tatawa." "Oo na. Hindi ako tatawa." "E kasi, may isa akong kinaiinisang lalaki sa pinapasukan ko. Tapos sa tingin ko di niya titigilan yung pang-iinis niya sa akin hanggang sa umabot na sa punto na gusto niya akong ihatid sa bahay namin. E ayaw kong malaman niya kung saan ako nakatira kaya nagturo lang ako ng kung anong bahay. At-" "Teka. Hulaan ko. Ito yung tinuro mong bahay. Tama?"

"Oo." "Haha." "Nakakainis ka naman e! Sabi mo di ka tatawa!" "Pagpasensyahan mo na ako ha. Kasi naman kung umasta yung kinaiinisan mo parang may gusto sa'yo e." "Hindi nakakatawa 'yon! At lalong hindi pwedeng mangyari na magkagusto siya sa akin. Kasi isa siyang salot na ayaw kong mapasok sa buhay ko." "Oo na. Titigil na nga ako. Teka nga. Bakit ba inis na inis ka dun sa lalaking 'yun?" "E kasi naman kung umasta siya, parang siya na ang hari ng mundo. Yung tipong siya dapat ang masusunod. Tapos kung ituring niya yung mga babae, parang laruan lang. Sino ba naman ang hindi maiinis dun di ba?" "Ah, nakuha ko na. Parang gusto ko tuloy makilala yung lalaking 'yun. Dun ka pa rin ba nag-aaral?" "Oo. Bakit?" "Sama naman ako sa'yo minsan. Ay, bukas na lang kaya? Daanan na lang kita bukas sa inyo." "Ha? Wag na Paul. Parang awa mo na!" "Ayaw ko nga." Hay. Naligtas nga ako sa kahihiyan ngayon pero problema naman yata ang mga mangyayari bukas. Bakit ba kasi gusto pang makilala ni Paul si Josh e? Kinabukasan. "Tao po!" "O, Paul! Ang aga mo naman. Malapit na akong mahuli sa klase ko o." "Ay. Pasensya naman. Hindi mo kasi sinabi kung anong oras pasok mo e." "Ay. Ganun ba? E. Basta! Tara na!" Pagdating namin sa paaralan.

"Whew! Maaga pa ako. Salamat na lang at ang bilis mong magmaneho." "O. Nasaan na ba yung lalaking sinasabi mo?" "Hoy! Sino 'yang kasama mo ha?" "Naku po!" Kabanata 7 "Ano bang pakialam mo ha?" "Hoy! Baka nakakalimutan mo, ako ang masusunod sa ating dalawa!" "Hay. Kung hindi ka ba naman tanga at kalahati, matatandaan mo na hanggang sa pagtawag lang ng HOY ang pwede mong gawin e!" "Yun naman pala Josh e. Ano pa yung pinagmamayabang mo sa amin na napasunod mo na 'tong si Missy?" "Ano ba? Ilaglag daw ba ako?" "Hay. Wala ka na talagang pag-asa. Tara na nga Paul."

"Yun ba yung lalaking sinasabi mo ha?" "Oo. Ang kapal ng mukha noh?" "Haha. "Ano bang tinatawa-tawa mo diyan ha?" "E kasi naman, parang may gusto talaga siya sa'yo e." "Ay nako. Ayaw ko ng ganyang biro ah. Di nakakatawa. Ni minsan di sumagi sa utak ko na magkakagusto ako sa taong katulad niya." "Teka nga ha. Ang sinabi ko lang naman may gusto siya sa'yo. Hindi naman ibig sabihin nun may gusto ka sa kanya. Ay teka nga, umamin ka, may gusto ka sa kanya noh?" "Ha? Wala ah!"

"Wala daw. E bakit namumula ka diyan?" "Ay nako. Kung mang-iinis ka lang, umalis ka na nga!" "Ay sus! Ang bilis mo namang magtampo o. Di na ulit ako mang-aasar. Patawad na." "Kaya tayo naghiwalay dati e! Ganyan ka kasi ng ganyan! Siguraduhin mo lang na titigil ka na ah!" "Patawad na talaga. Hindi ko naman sinasadya yung mga nagawa kong kasalanan sa'yo dati e. Alam mo naman na minahal talaga kita kaso kailangan ko lang talagang umalis." "Wag na nga nating halungkatin ang nakaraan." "Missy, tanong lang. Kung sabihin ko sa'yo na mahal pa rin kita, anong gagawin mo?" "Ha? Seyoso ka ba diyan?" "Kung sabihin kong oo, anong gagawin mo?" "Sa totoo lang, hindi ko alam."

Naging sila pala nung mokong na yun. Pero teka nga! Ano bang pakialam ko? Wala naman kaming relasyon nung babaeng yun e. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Ayaw kong napapahiya ako sa harap niya. Tapos nagalit pa ako nung nakita ko silang dalawa nung lalaking yun. Hindi kaya may gusto na ako sa kanya? Pero hindi pwede e. Ang gusto ko lang namang mangyari mapaglaruan din siya. Kaso paano na yung mga plano ko kung magiging totoo na yung relasyon na mangyayari sa aming dalawa? Josh ano ba? Mag-isip kang mabuti! Huwag mong sundin yung puso mo! Utak dapat ang pinapagana mo e! Utak Josh, utak! "May utak ka ba ha?" "Anak ng tinapa naman o! Nababasa mo ba kung anong nasa isip ko ha?" "Hindi noh! Ang laki kaya nung pagkakasulat mo ng 'Utak Josh, utak!' kaya nalaman ko yun. Hay nako." "Tss. Nasaan na pala yung lalaki mo ha?" "Hindi ko lalaki si Paul ah! Saka may binili lang siya. Babalik din yun mayamaya." "Oo na. Hindi mo na lalaki. Kasintahan mo nga pala kasi siya." "Kasintahan ko dati. Hindi na ngayon. Saka paano mo nalaman yun ha?"

"Narinig ko yung usapan niyo kanina e. At mukha namang magkakabalikan kayong dalawa e." "Ano yung mga narinig mo ha?" "Yung tungkol lang dun sa relasyon niyong dalawa. Hindi ko naman sinasadyang marinig yun e. Kaya patawad kung mas ninais kong makinig pa sa usapan niyo imbis na umalis na lang." "Teka lang ah. Ikaw ba talaga yan Josh? Kasi humihingi ka ng tawad sa akin e." "Ako ito. At nakakahiya mang aminin, sa iyo pa lang ako humihingi ng tawad sa buong paaralan na ito. Kaya maswerte ka kasi ikaw yung kauna-unahan." "Salamat ah. At patawad na rin kung masyado akong masungit sa'yo. Ano, magkaibigan na tayo?" "Ha? Seryoso ka ba diyan?" "Kung ayaw mo, di wag." "Nagtatanong lang naman e! Sige, magkaibigan na tayo. Salamat din." Nagkamay kaming dalawa. Ang lambot ng mga kamay niya! Parang ayaw ko ng bitawan! Pero gusto ko yung pakiramdam na ito e. Kasi nagsisimula na kaming magkamabutihan. Ay, Josh! Tumigil ka nga! Bakit parang ayaw niyang bitawan yung kamay ko? Pero parang gusto ko rin naman na hawak niya yung kamay ko e. Ay, Missy umayos ka nga! Di kayo pwede! Kabanata 8 "Huy! Awat na. Maawa ka naman sa kamay ko." "Ay. Pasensya ka na ha. Nadala lang. Hehe. " "Hay nako. Nadala mo mukha mo." "Missy, tanong lang. Bakit ka nakipagkaibigan sa akin? Hindi ka ba natatakot na baka mapaglaruan din kita katulad ng ibang babae. Alam mo naman na lahat ng mga nagiging malapit sa akin na babae, nagiging pampalipas oras ko lang." "Sa totoo lang, hindi ko rin alam e. Pero siguro dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako papayag na mangyari sa akin yung mga nangyari sa mga naging babae mo." Yun nga ba talaga ang dahilan ko o iba na talaga ito? Magagawa ko nga ba sa kanya yung mga nagawa ko sa mga naging babae ko o ibang klase ng relasyon na talaga ito?

Ayun, umalis na rin si Missy. May gagawin pa daw kasi siya. Ako naman nagpunta muna sa kung saan para mag-isip. Mag-isip para malaman kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Naguguluhan kasi ako. Ngayon lang ako nagkaganito e. Wala naman kasi akong sineryoso sa lahat ng mga nakarelasyon ko - lahat pangkatuwaan lang. Kaya hindi ko alam kung anong mangyayari kapag tuluyan akong nahulog para sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit talaga ako nakipagkaibigan dun sa mokong na yun e. Ang alam ko lang, baka sakaling di na niya ako guguluhin kagaya ng dati kapag magkaibigan na kami. Pero ewan ko ba, parang may iba pang dahilan at ang masama dun, hindi ko alam kung ano yung dahilan na yun. Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako kasi may kotse sa labas ng bahay. Alam ko kung kanino yung kotse na yun kaya mas nagulat ako. Alam kong kay Paul yun. Pero bakit siya nandito? "O Missy, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay nitong si Paul. Hindi ka na daw niya mahanap kanina kaya pumunta na lang siya dito. Saan ka ba kasi nagsusuot? Sinama-sama mo si Paul sa paaralan mo pero iniwan mo naman." "Ayos lang po yun. Kasalanan ko naman po e. Umalis po kasi ako kanina. May binili ako tapos hindi ko na alam kung paano babalik sa lugar na pinag-iwanan ko kay Missy. Kaya wag niyo na pong pagalitan si Missy." "Ah. Ganun ba? Sige. Mag-usap na nga kayong dalawa." "Pasensya ka na ha. Nakalimutan kong puntahan ka dun sa bilihan. May kumausap pa kasi sa akin e." "Ayos lang. Ano. Missy, pwede ba tayong mag-usap?" "Nag-uusap na nga tayo o! Ikaw naman o, patawa ka naman e." "Missy, seryoso 'to. Tara, wag tayong mag-usap dito." Sumunod naman ako kay Paul. Sumakay kami sa sasakyan niya. Hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho. Mukhang seryoso nga talaga ito. Ano naman kayang pag-uusapan namin? Kinakabahan tuloy ako. Huminto na sa pagmamaneho si Paul. Nasa isang parke kami. Teka lang. Alam ko 'tong lugar na ito e. Hindi ko lang maalala kung paano ko nalaman ito. Ay! Alam ko na! "Paul, bakit dito mo gustong mag-usap?" "Buti naman at naaalala mo pa yung lugar na 'to. Di ba dito tayo unang nagkita? Dito kita tinanong kung pwede kitang ligawan. Dito mo ako sinagot at sa kasamaang palad, dito rin kita iniwan." Tama si Paul. Dito naganap lahat ng pinakamahalagang pangyayari sa pagsasama naming dalawa. Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta rito. Ayaw ko na kasing maalala yung sakit nung iniwan niya ako. Kahit na mas madami yung masasayang pangyayari na naganap dito, masyadong masakit yung pag-iwan niya sa akin kaya ayaw kong pumunta dito. Ikalawang taon ko pa lang sa hayskul nung nagkakilala kami ni Paul dito. May hinihintay akong kaibigan pero ilang oras na akong naghihintay wala pa rin. Hanggang sa umulan na at lahat. Ang masama nun, wala akong dalang payong kaya alam kong mababasa ako ng bonggang bongga. Pero nagtaka ako kasi hindi ako

nababasa ng ulan. Inakala ko pa na may pumoprotekta sa akin na kung ano na hindi makikita ng normal na tao kaya hindi ako nababasa. Pero pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko siya, may hawak na payong at pinapayungan ako. Nagulat ako nung mga panahong yun. Kasi hindi ko naman siya kakilala pero pinapayungan niya ako. Pagkatapos nun, madalas na kaming magkita sa parkeng yun. Matapos ang 3 buwan, tinanong niya ako kung pwede niya akong ligawan. Wala naman akong nakitang masama dun, kaya pumayag ako. Pagkatapos ng 2 buwan ng panliligaw niya, sinagot ko na siya. Kung iisipin, medyo mabilis pero wala e. Mahal ko na siya. Tumagal din kami ng lagpas 1 taon. Naghiwalay kami dahil sa isang bagay na hindi ko akalaing magigilang dahilan ng paghihiwalay namin - IIWAN NA NIYA AKO. Pinapapunta na raw kasi siya ng mga magulang niya sa kung saan. Ay mali. Sa Singapore pala. Doon na daw muna siya mag-aaral. Kailangan din daw kasi siya dun. Kaya ayun, iniwan niya ako. Hindi man lang niya inisip na pwede naman sigurong subukan ang LDR. Nakipaghiwalay na lang talaga siya. Kaya nung mga panahong yun, parang binagsakan ako ng langit. Parang nasa balikat ko ang problema ng buong mundo. Ganun kasakit e. Tapos ngayon, nandito na naman kami. Ano na naman bang pakulo ito? "Missy, ayos ka lang ba?" "Ha? Oo naman. Ano ba yung sasabihin mo?" Nagulat ako kasi bigla siyang lumuhod. Nakatingin siya sa akin tapos hinawakan niya yung mga kamay ko. Sabay sabi ng... Kabanata 9 "Missy, alam ko nasaktan kita ng todo dahil sa pag-alis ko noon. Hindi ako umaasa na mapapatawad mo ako ng lubos pero ang hiling ko lang ay bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Missy, pwede bang maging tayo ulit?" Sabi ko na nga ba e. May pakulo na naman 'tong si Paul. Pero hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon. Kasi kapag binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon, parang binigyan ko na rin siya ng pagkakataon para masaktan niya ulit ako. Aaminin ko, hindi pa talaga ako nakalimot. Hindi pa rin tuluyang nawala yung pagmamahal ko para kay Paul pero iba na kasi ngayon e. Dati, sigurado akong si Paul lang ang gusto ko. Ngayon, hindi na ako sigurado kung siya nga lang ang gusto ko. Nakatingin pa rin sa akin si Paul. Nakaluhod pa rin at naghihintay sa sagot ko. Ayaw ko sana siyang saktan pero sa tingin ko masa masasaktan lang siya kung magsisinungaling ako. "Paul, bago ko sabihin yung sagot ko sa tanong mo, tumayo ka muna diyan o." Tumayo na siya pero hawak pa rin niya yung mga kamay ko. Medyo naluluha na ako nung mga oras na yun pero kailangan kong magpakatatag kasi para naman ito sa ikabubuti naming dalawa (kahit na sa opinyon ko lang). "Missy wag ka namang umiyak o." "Paul, ayaw ko namang masaktan ka e, Kaya lang, mas masasaktan ka kapag hindi ako magsasabi ng totoo. Paul, sa tingin ko, hindi ko pa maibibigay yung hinihingi mong pagkakataon sa akin. Hindi na rin

kasi ako sigurado sa nararamdaman ko e. Sana maintindihan mo." Pagkatapos kong sabihin yun, bigla siyang bumitaw mula sa pagkakahawak ng aming mga kamay. Parang naguluhan siya sa sinabi ko o sadyang hindi pa niya kayang tanggapin yun. "Missy, sabihin mo, dahil ba 'to kay Josh? Gusto mo na ba talaga siya? Hindi mo na ba ako mahal?" "Paul, hindi ko alam e. Sige, aaminin ko may nararamdaman pa ako para sa'yo pero hindi na yun katulad ng dati e. Paul, may lamat na yung relasyon natin at kahit kailan hindi mo na mababago yun." "Missy, parang awa mo naman. Bigyan mo pa ako ng isang pang pagkakataon. Sinuway ko yung utos ng mga magulang ko para lang makasama ka ulit. Missy, hindi biro yung ginawa ko para lang ipaglaban yung pagmamahal ko sa'yo." "Paul, hindi rin biro ang pinagdaanan ko nung iniwan mo ako. Hindi lumipas ang isang araw na hindi ako makatulog ng maayos. Tinatanong ko sa sarili ko kung ano bang nagawa ko sa'yo at iniwan mo na lang ako ng wala man lang aasahan mula sa'yo. Ngayon, kung wala ka ng sasabihin, uuwi na ako." Nung mga panahong yun, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Masyado ng masakit e. Naglakad na ako papalayo kay Paul. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin ulit pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hanggang sa pag-uwi ko, iyak pa rin ako ng iyak. Hindi na ako nakakain ng hapunan. Nakatulog na lang ako dahil na rin siguro sa pagod sa pag-iyak. Kinabukasan, pagpasok ko, nagulat ako kasi nakatingin ang lahat ng mga kaklase ko sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Nung pumasok na ako sa silid-aralan namin para ibaba yung gamit ko sa upuan ko, dun ko nalaman ang dahilan kung bakit nakatingin sa akin. May mga bulaklak sa lamesa ko. Binasa kung ano ang nandun sa maliit na papel na nakasingit sa mga bulaklak. Ang nakasulat lang ay: Sana palagi kang maging masaya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Pero sana naman, bigyan mo ako ng pag-asa. Tinignan ko ulit yung mga kaklase ko pero bigla silang umiwas ng tingin sa akin. Kanino naman kaya galing ito? Hay. Kabanata 10 Aaminin ko, kahit papaano ay napangiti naman ako dun sa nagbigay nung mga bulaklak kung sino man siya. Pero hindi pa rin maalis yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa at sinabi ni Paul. Pwede naman kasing maging magkaibigan na lang muna kami e. Dumating na ang oras para kumain kami. Kahit na wala akong ganang kumain, napilit pa rin ako ni Pia na sumama sa kanya. Nung palabas na ako ng pinto, nagulat ako kasi nandun si Josh. Pero ang mas ikinagulat ko, may nilalandi na namang babae ang loko. Tinignan ko lang siya saglit tapos umiwas na ako ng tingin sa kanya at patuloy na naglakad. Kaso nga lang... "Uy! Teka lang! Hintayin mo naman ako!" "Bakit ba Josh? Wala akong balak makipagbarahan at makipagkulitan sa'yo ngayon."

"Teka lang. Umiyak ka ba?" "Hindi." "Umiyak ka e." "Ano naman sa'yo kung umiyak ako ha?" "Bakit ka umiyak ha? Anong ginawa sa'yo ng lalake mo?" "Pwede ba Josh, tigilan mo muna ako. Kahit ngayon lang. Bumalik ka na dun sa babae mo." "Pero-" "Pia, tara na nga." "Ha? Sige." "Missy! Ano bang problema ha? Akala ko ba magkaibigan na tayo." "Oo, pumayag ako na maging kaibigan mo. Pero hindi ibig sabihin nun, manghihimasok ka na sa buhay ko. Hindi rin ibig sabihin nun, may karapatan ka ng malaman ang bawat bagay na nangyayari sa buhay ko at kasama na dun ang mga problema ko." "Gusto ko lang namang makatulong e." "Kung gusto mo talagang makatulong, wag mo muna akong kausapin. Ayaw ko munang mag-isip." "Ha? Ganun ba? Sige, naintindihan ko." Pagdating namin dun sa kainan, bigla akong tinanong ni Pia. "Missy, sabihin mo nga. Si Josh ba talaga yung kanina? Bakit parang sumusunod na siya sa sinasabi mo? Tapos parang nalungkot pa dun sa huli mong sinabi e." "Ewan ko dun. Katulad ng sinabi ko kanina, ayaw ko munang mag-isip." "E bakit ka ba kasi umiyak? Si Paul nga ang dahilan niyan noh?" "Oo e. Pero ayaw ko ng pag-usapan yun. Gusto ko ng ibaon yun sa limot. Masyado ng masakit ang mga nangyari. Gusto ko na ng bagong buhay at sana, di na siya sumama dun sa bagong buhay na yun." Bakit ba ganun? Parang ang daling sabihin, pero ang hirap gawin. Lagpas isang taon na din naman nung nagkahiwalay kami pero hindi ko pa rin magawang makapagsimula ulit. Lagi na lang may puwang sa buhay ko para sa kanya. Sana lang may taong dumating sa buhay ko na tuluyan akong mapapasaya at magbibigay ng dahilan para makalimutan ko na si Paul. Sana kung sino man yung nagbigay ng bulaklak sa akin, siya na yun. Pagdating ng uwian, nagaabang na naman si Josh sa may pintuan. Ayaw ko na sana siyang kausapin muna pero ewan ko ba, kinausap ko rin. Pero kahit na di ko inaakalang mangyayari, napagaan niya yung loob ko. Kahit papaano, nabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Napatawa niya ulit ako kahit na sandali lang kami nag-usap. Kung pwede lang na maging siya yung lalaking magpapasaya sa akin e. Kaso hindi pwede. Kasi

baka mangyari lang din sa akin ang mga nangyari sa ibang babae dito sa eskwelahan namin - ang mapaglaruan. Kinabukasan, pagpasok ko sa eskwelahan, pinagtitinginan na naman ako ng mga kaklase ko. Hindi kaya may bulaklak na naman sa lamesa ko? Ay nako, malabo yun. Masyado lang akong nangangarap. Pagpasok ko ng silid-aralan, nagulat ako kasi walang bulaklak sa lamesa ko. Pero may mga tsokolate. May sulat na naman. Binasa ko. Ang nakasulat lang ay: Hindi ko man maaaring sabihin ngayon kung sino ako. Sana naman maramdaman mo pa rin ang nararamdaman ko para sa'yo. Nandito lang ako, binabantayan ka. Para naman tuluyan ka ng maging masaya. Teka lang. Hindi kaya galing sa kanya 'to? Kabanata 11 Hindi naman sa makapal ang mukha ko pero sa tingin ko, sa kanya talaga galing yun e. Pero bakit niya ba ginagawa yun? Ayaw ko na at ayaw ko pa e. Kahit na nakatutuwang isipin na may nanunuyo sa akin, hindi pa rin tama yun kasi hindi dapat siya ang gumagawa nun. Maling-mali talaga e. Pa-epal ng may akda: Sigurado ka bang siya nga ang gumagawa nun? Paano kung hindi? Maraming tao sa mundo. Mag-isip-isp ka nga! Hay. Tama nga yun. Maraming tao at maraming lalaki sa mundo. Kaya hindi ko dapat iniisip na sa kanya nga talaga galing yung bulaklak at tsokolate. Binubura ko pa lang sa utak ko na siya yung nagbigay ng... "Josh? Anong ginagawa mo dito?" "Ah e. Ibibigay ko lang sana 'to." "Huh?!" "Bakit? Di mo ba nagustuhan? Naisip ko lang kasi na baka gumaan ang loob mo kapag binigyan kita ng tsokolate saka iba pang matamis na pagkain." "Ha? Hindi naman sa hindi ko nagustuhan. Kaso nga lang akala ko kasi-" "Anong akala mo?" "Hay. Kalimutan mo na nga lang yun. Salamat ah at pasensya ka na kung sinungitan na naman kita kahapon."

"Ano ba? Humingi ka na ng tawad sa akin kahapon ah. Baka naman malunod na ako sa pasensya mo." "Ay nako. Sira ka talaga! Haha." "Ayan. Tumatawa ka na ulit! Kalimutan mo muna kasi yung problema mo sa pag-ibig. Mas marami namang dahilan para mamuhay ka ng masaya e." "Hay. Kung magsalita ka, parang ang dami mong alam sa pag-ibig ah. E sa pagkakaalam ko, wala ka pa namang sineseryosong babae." "Wala pa sa ngayon, pero malay mo, isang araw, meron na." "Che! Ewan ko sa'yo. Makauwi na nga." "Hatid na kita. Alam ko naman na bahay niyo e." "Ha? Sige, payag ako pero ituturo ko na kung saan talaga yung bahay ko." "Ibig mong sabihin-" "Oo na lang." Ayun. Hinatid na nga ako ni Josh sa totoo kong bahay. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero parang may parte sa katauhan ko na nagsasabing bigyan ko siya ng pagkakataon para mas magkalapit kaming dalawa. Kung gaano kalapit, yun ang hindi ko alam. Hay. Ang hirap naman ng sitwasyon ko o. Hanggang kailan ba ako maghihintay para magkaroon ako ng mas malaking puwang sa puso niya? Ay mali 'tong iniisip ko e. Wala naman sa bokabularyo ang salitang seryoso ah. Lalo na kung pag-ibig ang pinag-uusapan. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko di ba? Ayun. Nandito ako sa loob ng bahay nina Missy. Di hamak na mas malaki talaga yung bahay namin pero ewan ko ba, parang ang gaang ng loob ko dito. Kahit na parang gigilitan na ako ng leeg ng nanay ni Missy dahil sa tingin niya, masaya pa rin ako e. Aaminin ko. Nakakatakot talaga yung tingin niya sa akin e. Nakaupo lang naman ako ah. Wala naman akong ginagawang masama. Bakit ganun siya makatingin? Waa. "Ma, ano ba yan? Parang kakainin mo ng buhay si Josh ah. Nagbihis lang ako, nag-ibang anyo ka na naman." "Nag-ibang anyo?" "Tawag ko lang yun. Eto naman o. Ang bagal makaintindi."

"Sensya naman. Di lang sanay." "Oo na. Ma?" "Sige, iwan ko muna kayo." "Sige po." "Missy, pwedeng magtanong?" "Ano yun?" "Ganun ba talaga nanay mo?" "Hindi. Pero nung unang beses na nagpunta si Paul dito, ganyan din siya." "Ah. Pwedeng magtanong ulit?" "Sige lang." "Uhm. Missy, pwede ka bang ligawan?" "Ha?" Kabanata 12 "Ang sabi ko, PWEDE BA KITANG LIGAWAN?" "Narinig ko naman e. Hindi ako bingi!" "Narinig mo naman pala e. May pa-Ha-Ha ka pang nalalaman. Tss." Aba, talaga naman o. Sira ulo talaga 'tong taong 'to e. Siya na nga 'tong nagtatanong kung pwede siyang manligaw siya pa 'tong may ganang mag-inarte. At saka ano bang nakain nitong mokong na 'to at naisipan niyang tanungin ako ng ganung bagay? Ah. Alam ko na! Pinagdidiskitahan lang siguro ako nito. Wala na naman siguro siyang magawa sa buhay niyang walang kakulay-kulay. E kung pumayag kaya ako tapos siya ang pagdiskitahan ko? Para naman matauhan siya sa mga kalokohang pinaggagagawa niya noon. Tama! Ganun na nga lang. "Huy! Missy! Ano na nga? Pwede ba o pwede ba?" Ay sus! Parang sira talaga 'to. Wala man lang akong ibang pagpipilian e. Ayaw niya ring ipagsiksikan yung sarili niya sa akin e? "Oo na. Pwede na. Wala naman akong magagawa e. Ang lupit nung mga pagpipilian ko e."

"Yun naman o! Sige. Umasa ka na bukas na bukas din magsisimula na ako." "Hindi ka rin atat e?" "Hindi ah!" "Oo na lang. Sabi mo e." "Hindi naman talaga e! Sige. Una na ako. Para naman mapaghandaan kong maigi yung unang araw ng panliligaw ko sa'yo." At ayun. Umalis na nga siya. Hay. Alam ko medyo may nararamdaman na ako para kay Josh pero hangga't alam ko na may posibilidad pa rin na lokohin niya ako, hindi ako maaaring mahulog sa kanya ng tuluyan. Pagpasok ko kinabukusan, nakapagtataka kasi walang tao sa paligid maliban dun sa gwardiya. "May pasok naman ngayon ah! Nasaan kaya yung mga tao dito?" Naglakad-lakad muna ako tapos biglang... "Ay! Anak ng tinapang baboy! Ano ba yan? Bakit mo tinakpan yung mga mata ko? Saan mo ako dadalhin? Sino ka?" "Wag ka na lang maingay. Pwede?" "E kasi naman-" "Sinabi ng wag kang maingay e!" "Oo na. Hmp!" Ayun. Naglalakad kami ng taong hindi ko kilala papunta sa lugar na hindi ko alam. At hindi ko rin mawari kung bakit niya yun ginagawa. Tapos bigla kaming huminto. "Pag sinabi ko sa'yo, dun mo lang tatanggalin yung piring sa mga mata mo ah." "Oo na lang." "Isa. Dalawa. Tatlo. Tanggalin mo na!" Dahan-dahan kong tinggal yung piring sa mga mata ko. Nung natanggal ko na, nagulat ako. "Potek! Anong nangyayari dito?" "Missy! Di ba sabi ko sa'yo paghahandaan ko yung araw na 'to. Ano? Nagutuhan mo ba?" "Ha? Ah. e." Sa totoo lang, di ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko. Masyadong bongga yung paghahanda ni Josh e. Kinuntsaba niya yung mga estudyante at guro sa paaralan namin. Tapos ang daming bulaklak at lobo sa loob ng auditoryum. Si Josh nasa gitna ng entablado, may hawak na mikropono tapos mukhang kakanta pa.

Samantalang ako, di na makaalis o makagalaw sa kinatatayuan ko. "Missy, para sa'yo ito." Kunag Akin Ang Mundo (pindot!) Kung ako ang may-ari ng mundo Ibibigay lahat ng gusto mo Araw-araw pasisikatin ang araw Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan Para sayo, para sayo Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sanay maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang Kung akin ang mundo, ang lahat ng itoy iaalay ko sayo Kung ako ang hari ng puso Lagi kitang pababantay kay kupido Hindi na luluha ang yong mga mata Mananatiling may ngiti sa yong labi Para sayo, para sayo Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sanay maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang Kung akin ang mundo, ang lahat ng itoy iaalay ko sayo Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sanay maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang Kung akin ang mundo, ang lahat ng itoy gagawin para sa'yo Tapos bumaba na siya sa entablado. Nilapitan ako at naghiyawan ang mga tao. "Ano? Nagustuhan mo ba?" "Ha? Oo naman. " "Para pala sa'yo itong mga bulaklak." "Maraming salamat. " "Tara na. Hatid na kita sa silid ninyo." Ayun. Pagkahatid niya sa akin, pumunta na rin siya sa silid-aralan nila. Pagpasok ko sa silid, nagulat ako kasi may sulat sa lamesa ko. Mukhang galing na naman dun sa ayaw magpakilala na lalaking nagbigay ng kung anu-ano sa akin. Sana naman kahit na may ibang manligaw sa'yo Tatandaan mo na nandito pa rin ako

Naghihintay ng pagkakataon para masabi sa'yo Ang mga nilalaman ng puso kong ito Hindi man kita magawang lapitan o kausapin man lang Nasa paligid lang ako at nag-aabang Na balang araw, mabigyan mo rin ako ng pag-asa Para naman pareho tayong lumigaya Ay potek! Kanino ba talaga galing yung mga yun? Kabanata 13 Hanggang sa pag-uwi, di maalis sa isipan ko kung kanino ba talaga galing yung mga regalo at sulat na natatanggap ko. Buong akala ko kay Josh galing yun pero mukha namang hindi kasi ayun na nga siya at nanligaw na sa harap ng madla. Nakakatuwa mang isipin na may nagkakagusto sa akin ng palihim, nakakatakot din pala yun kasi di ko alam kung anong balak niya, kung sino siya at kung anong kaya niyang gawin sa akin. Kaya ang misyon ko ngayon ay alamin kung sino ba yung lalaking yun. Pero, bago ko gawin yun, kailangan ko pa ring gawin ang misyon ko kay Josh. Ang turuan siya ng leksyon at di hayaan na mapagdiskitahan niya ako. Kahit na sobrang kilig ako sa ginawa niya kanina, hindi pa rin ako maaaring magpadala dun. Kailangan kong tandaan na kasama lang yun sa mga palabas niya. Kaya dapat itatak ko sa utak ko na wala lang yun kahit na gusto ko totoo na lang yun. Kinabukasan, dumating si Kokey. Ay mali. Si Josh pala. Kung bakit, dahil lang sa 1 dahilan, susunduin daw niya ako. "E? Sinong may sabi na sunduin mo ako ha?" "Wala. Pero ang gusto ko, simula ngayon, ako na ang susundo at maghahatid sa'yo." "Aba! Iba ka rin e. Nanliligaw ka pa lang ganyan ka na kung makaasta. Ano pa kaya pag naging tayo? Kaloka naman 'to o." "E di may posibildad nga na maging tayo? Ikaw na mismo may sabi e." "Oo. Pero wag mong kalimutan na may posibilidad din na aasa ka sa wala." Masakit mang aminin, pero yun nga ang lagay niya ngayon. Umaasa siya sa wala. Nagpunta na kami sa eskwelahan. Tahimik lang ako sa sasakyan niya, nagmumuni-muni. Iniisip kung hanggang dito na nga lang ba talaga kami. Kung wala na ba talagang pag-asa na magbago siya at mahalin talaga niya ako ng totoo. Dahil sa katahimikan ko, nagtanong tuloy si Josh. "Bakit ang tahimik mo? May sakit ka ba?" Pagkasabi niya nun, nilagay niya yung kamay niya sa noo ko at tinignan kung may sakit ba ako. "Wala ka namang sakit. Pero bakit ganyan ka? Nakakapanibago ah. Di ako sanay."

"May iniisip lang ako." "Ah. Kaya naman pala. Siguro iniisip mo ako noh? Wag ka namang ganyan. Magkasama na nga tayo, ako pa rin iniisip mo. Haha." "Sira ka talaga." Pagbaba namin ng sasakyan, nakatingin yung mga chismosa naming kaklase. Pinagbuksan pa kasi ako ng pinto ni Josh. Hay. Kung ganito siya ng ganito baka mahulog na talaga ako sa kanya. Nagapatuloy ang mga araw. Lumipas ang mga linggo at buwan at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Josh. Medyo tumigil na rin yung nagpapadala sa akin nung sulat kaya parang lumalaki na yung posibilidad na maging kami nga ni Josh. Isang araw, napagdesisyunan ko na subukan kung anong mangyayari kapag kami na talaga ni Josh. Ang ibig kong sabihin, sasagutin ko na siya. Pinuntahan ko siya sa lugar kung saan siya madalas tumatambay. Balak ko kasi siyang sorpresahin. Ang hindi ko alam, ako pala yung masosorpresa. Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung mga libro ko. Narinig niya yung tunog kaya napatingin siya sa akin. Nagulat din siya kasi nandun ako. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya. Lalapitan niya sana ako pero kinuha ko lang yung gamit ko at tumakbo na papalayo. Grabe naman talaga 'to o. Bakit ngayon pa nagkaganito? "Missy, teka lang!" "Bakit?!" "Missy, hayaan mo naman akong magpaliwanag o." "Di pa ba sapat yung mga nakita ko ha? Sige, ano pang idadagdag mo dun?" Di na makapagsalita si Josh. Parang naubos na yung mga salita sa bibig niyang walang ibang laman kung hindi kasinungalingan. Pagkatapos nun, umalis na talaga ako. Kabanata 14 Naglakad lang ako pauwi kahit na malayu-layo yung bahay namin mula sa pinapasukan kong paaralan. Habang naglalakad ako, paulit-ulit kong naaalala at para bang nakikita yung mga nangyari kanina. /*Pagbabalik-tanaw*/ Pinuntahan ko siya sa lugar kung saan siya madalas tumatambay. Balak ko kasi siyang sorpresahin. Ang hindi ko alam, ako pala yung masosorpresa. Nakita ko siya na may kahalikang iba at para bang ang saya pa niya.

Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung mga libro ko. Narinig niya yung tunog kaya napatingin siya sa akin. Nagulat din siya kasi nandun ako. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya. Lalapitan niya sana ako pero kinuha ko lang yung gamit ko at tumakbo na papalayo. Grabe naman talaga 'to o. Bakit ngayon pa nagkaganito? "Missy, teka lang!" "Bakit?!" "Missy, hayaan mo naman akong magpaliwanag o." "Di pa ba sapat yung mga nakita ko ha? Sige, ano pang idadagdag mo dun?" Di na makapagsalita si Josh. Parang naubos na yung mga salita sa bibig niyang walang ibang laman kung hindi kasinungalingan. Pagkatapos nun, umalis na talaga ako. Kung tuusin, hindi dapat ako nasasaktan e. Hindi naman kami at wala naman siyang obligasyon sa akin. Pero ewan ko nga ba, masyado akong nagpakat@nga. Ako pa nga yata ang naturuan ng leksyon dito e. Dapat sa simula pa lang, hindi na ako pumayag sa kagustuhan niya. Alam ko naman na mali ang umibig sa isang katulad niya. /*Tapos na ang pagbabalik-tanaw*/ Lakad lang ako ng lakad at makikita sa itsura ko na wala talaga ako sa katinuan. Lutang ang isip ko. Nasaktan at nasasaktan ang puso ko. Higit sa lahat, tumutulo na ang luha mula sa mga mata ko. Gabi na nung makarating ako malapit sa bahay namin. Hinang-hina na ako at medyo nahihirapan na ako sa paghinga. Para bang bibigay na yung katawan ko kahit na anong oras. Kahit na ganun, iniisip ko pa rin na malapit na ako sa bahay kaya itutuloy ko lang ang paglalakad. Kaso kahit na gustuhin ko pang magpatuloy, bumulagta na lang ako bigla sa daan. Hindi ko na alam kung anong nagyari pagkatapos. Ang alam ko lang nasa ospital ako ngayon. Ni hindi ko nga rin alam kung sino ang nagdala sa akin dito e. Kinabukasan, lumiban ako sa klase. Tinawagan ko na lang si Pia para sabihin yun sa kanya. Napag-alaman ko rin na si Paul pala yung nagdala sa aking sa ospital. Nagkataong papunta siya sa bahay namin para magpaalam dahil hahanapin daw muna niya yung sarili niya. Naisip ko tuloy bigla na 2 beses na niya akong nililigtas o tinutulungan sa matitinding pangyayari. Nung hapon na, dumating si Pia. Pero may kasama siyang mga asungot. "Missy! Ano bang nagyari sa'yo ha? Pinag-alala mo naman ako e!" "Baka sobrang pagod lang 'to. Kailangan ko lang siguro ng pahinga."

"Teka. Sino palang nagdala sa'yo dito?" "Ha? Si-" "Ako." "Ikaw?!" "Oo. Bakit ayaw niyong maniwala?" "Akala ko kasi. Hay, kalimutan mo na nga lang. Salamat sa pagligtas sa kaibigan ko ah." "Wala yun." "Labas lang muna ako. Tawagin niyo na lang ako pag aalis na kayo." "Problema nun?" "Baka di na kinakaya ng konsensya niya yung mga pinaggagagawa niya." "Ha?" "Wala." "Ehem." "Kayo po pala dok." "Missy, kamusta ka naman na ngayon?" "Ayos naman na po. Bakit po?" "Hmm. Mukhang di pa naman pala kailangan ng operasyon. Kaya pa pala ng puso mo e." "Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?" "Missy, pangalawang beses mo nang inatake. May sakit ka sa puso at kapag lumalala pa yun, kakailanganin mo nang operahan at papalitan yung puso mo." Sa sinabi niyang yun, parang tumigil ang mundo. Gulat na gulat kaming lahat na nasa loob ng kwarto maliban kay Pia. Kasi si Pia, iyak na ng iyak. Sigaw na ng sigaw dahil sa nalaman niya. Kung umasta siya, akala mo siya pa yung may sakit e. Pero dahil sa ginawa niyang yun, dun lang pumasok sa isip ko na kahit anong oras,

maaring mawala na ako sa mundong ibabaw. Paano na ako mamumuhay ng maayos niyan? Paano na ang mga mahal ko? Paano na ako? Paano na si Josh? Kabanata 15 Nung pumasok na talaga sa sistema ko kung ano na ang kalagayan ko, tumulo na rin ang luha mula sa mga mata ko. Pero kahit na ganun, pinilit kong hindi makagawa ng kahit na anong eksena na makakukuha ng atensyon ni Kokey. Ayaw ko kasing malaman niya yung sitwasyon ko e. Kaya naman kinausap ko yung mga tao sa kwarto ko. "Isang bagay lang ang ipapakiusap ko sa inyo. Wag na wag niyong sasabihin kay Josh ang kalagayan ko. Utang na loob." "Pero may karapatan din naman siyang malaman yun di ba?" "Pia, wala siyang karapatang malaman yun. Wala na siya sa buhay ko kaya hindi na niya kailangang malaman." Sa totoo lang, ang rason kung bakit ayaw kong malaman ni Kokey ang kalagayan ko kasi ayaw kong maawa siya sa akin. Ayaw kong yun ang maging dahilan kung bakit makakabalik siyang muli sa buhay ko. Gusto ko na ng tahimik na buhay at mangyayari lang yun pag wala siya sa buhay ko. "Sige. Naiintindihan ko. Umasa ka na hinding-hindi makakarating kay Josh ito." "Hindi makakarating ang alin?" "Ha? Wala yun." "Ano nga kasi yun e?" "Wala lang talaga yun pare. Wag mo na lang isipin." "Tss. Oo na. Hindi ko na iisipin. Aalis na ba kayo? May pupuntahan pa ako e." "Ha? Oo. Paalis na kami. Missy, pagaling ka ah. Sana makapasok ka na bukas." "Hindi pa daw pwede e. Sa isang araw pa raw ako makakapasok ulit." "Sige. Aasahan kita sa isang araw ah. Ingat ka palagi." "Sige. Ingat din kayo." At umalis na nga sila. Buti na lang at nakalusot talaga kami kay Kokey. Umalis na rin sa Paul kasi daw mamaya na yung alis niya papaunta sa lugar na hindi naman niya sinabi sa akin. Hay. Sana nga mahanap niya yung sarili niya kung saan man siya pupunta. Matutulog muna sana ako kaya lang may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman kaya ang bisita o bwisita ko? Malamang lamang hindi ko kamag-anak yun. Kasi kung kamag-anak ko yun, didiretso naman yung

dito sa loob e. Sino kaya ang nilalang na nasa labas ng mahiwagang pinto? "Pasok." "Kamusta ka na?" "Ikaw? Paano mo nalaman na nandito ako? Saka bakit ka nandito? Hindi naman tayo magkakilala ng lubos e." "Di ba sabi ko sa'yo babantayan kita palagi? Kaya eto, binibisita kita." "Teka lang. Ibig sabihin, ikaw yung nagpapadala nung mga sulat at regalo sa akin dati?" "Oo. Ako nga. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ng harapan ah." "E? Ikaw na isa sa pinakasikat sa paaralan, ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ang isang katulad ko? Bakit naman?" Oo. Isa siya sa pinakasikat sa pinapasukan ko. Kapitan ba naman sa isa sa mga larong pampalakasan e. Kaya nakakapagtaka talaga kung bakit siya nagkagusto sa akin. Kung bakit hindi agad siya nagpakilala sa akin. At kung bakit gusto niya pumasok sa buhay ko na ubod ng gulo. "E kasi naman, nakakahiya mang aminin, natakot ako noon. Alam naman natin kung anong kayang gawin ni Josh at nung mga panahong nagpapadala ako ng mga sulat sa'yo, nanliligaw siya sa'yo." "Ah. Kaya pala. Salamat pala sa pagdalaw ah. Salamat na rin dun sa mga sulat at regalo." At nag-usap lang kaming dalawa. Masaya siyang kausap. Hindi ako nababagot pag kausap ko siya. Iniisip niya rin kung ano ang nararamdaman ko. Malaking malaki ang pagkakaiba nila ni Josh. Ay! Teka nga lang. Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Wala naman na sa buhay ko si Kokey ah. Sa wakas, nakaalis na rin ako ng ospital. Nakapasok na rin ako ng eswelahan. Hindi ko pa rin pinapansin si Josh kahit na madalas, nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Oo alam kong hindi ko siya makikitang nakatingin sa akin kung hindi ko rin siya tinitingnan pero. Hay ewan. Hindi ko talaga mapigilan e. Lumipas ang mga araw at ganun lang ang nangyayari. Pero bawat araw, gumaganda ang mga nangyayari kasi madalas na kaming magkasama ni Ralph. Kahit na ang samang makatingin ni Josh sa amin, hindi ko pa rin yung pinapatulan. Hanggang sa isang araw, hinarang ako ni Josh. "Missy, mag-usap nga tayo." "Aba! Talaga naman o! Ayos ka rin e. Ikaw na nga 'tong may kailangan sa akin, ikaw pa 'tong may ganang umasta ng ganyan." "Kayo na ba nung Ralph na yun ha?"

"Ano bang pakialam mo ha? Wala ka namang pakialam sa akin di ba? Wala ka naman na sa buhay ko e! Baka nakakalimutan mo, pinaglaruan mo lang ako at tapos na yung laro mong yun!" "T@ng!na naman o! Pwede ko naman kasing ipaliwanag sa'yo yung nangyari dati e. Ikaw lang 'tong sinasara yung utak at tenga mo!" "Hindi mo naman na pwedeng ibalik yung mga pangyayari e. Nakita ko ang nakita ko! Kaya pwede ba tigilan mo na a-" Sumikip yung dibdib ko. Mukhang inaatake na naman ako. Bakit ngayon pa? Hindi niya pwedeng malaman e! Kaso di ko na kaya.... "Missy! Missy! Anong nangyayari sa'yo?! Missy! Gumising ka!" Kabanata 16 Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi pa rin gumigising si Missy. Pinipilit ko siyang gumising pero wala e. Inaalog alog ko pa siya pero wala pa rin. Ano bang nangyayari sa kanya? Ang gulo na ng takbo ng utak ko! Tinawagan ko na lang si Jed baka alam niya yung gagawin. "Si Jed 'to. Kung gusto mo pang mabuhay, magsalita ka na." "Jed! Tulong!" "O. Josh! Ikaw pala yan! Tulong? Saan?" "Nawalan ng malay si Missy e. Di ko alam ang gagawin ko." "Asan kayo? Punta na ako diyan." "Sa may tambayan lang. Jed bilis!" Hawak hawak ko pa rin yung isang kamay ni Missy habang yung isa tinatapik yung mukha niya. Baka sakaling umepekto e. Pero wala talaga. Buti na lang at dumating na sina Jed at Pia. Kaso, bakit parang sobrang pagaalala ang nakikita ko sa mga mukha nila? Nawalan lang naman ng malay si Missy di ba? "Ano na naman bang ginawa mo Josh?" "Gaano katagal na siyang nawalan ng malay?" "Mga 5 minuto na yata. Di ko alam! Ang gulo na ng utak ko!" "Pia, dalin mo yung gamit ni Missy. Tara, bilis. Isugod na natin siya sa ospital." "Ha? Oo. Sige."

"Teka lang! Ano bang nangyayari? Ospital? Hindi ba pwedeng sa klinika na lang?" "Josh, walang magagawa ang mga tao sa klinika dito. Hindi nila kakayanin yung kalagayan ni Missy!" Gulung-gulo pa rin ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Pia. Hindi kakayanin yung kalagayan ni Missy? Bakit? Ano bang kalagayan niya? Di ba nung nasa ospital siya dati, sabi niya sobrang pagod lang yun? Ibig sabihin ba mas malala pa dun yung kondisyon niya? Ano naman ba ang ginawa ko? Ako na lang palagi ang nagbibigay pahamak sa buhay niya! Ako yung puro kalokohan dito e. Hindi dapat siya ang nagkakaganito! Ako dapat! Sumakay na kami sa sasakyan ko pero si Jed na ang nagmaneho. Hindi ko kaya e. Parang wala na ako sa sarili ko. Mali e. Wala na pala talaga ako sa sarili ko. Ano na ba talaga kasi ang nangyari kay Missy? Pagdating namin sa osptial, inilagay agad ni Jed si Missy dun sa kama na may gulong. Inasikaso agad ng mga doktor si Missy. Pero nagulat ako sa naging usapan nila. "Anong nangyari sa pasyente?" "Mukhang inatake na naman po siya e." "Ganun ba? Sino yung doktor niya?" "Si Doktor Serrano po." "Sige. Tatawagan na namin siya. Sa ngayon, maghintay na lang muna kayo dito at kami na ang bahala sa pasyente." "Dok, gawin niyo po ang lahat para maligtas yung kaibigan ko!" "Oo. Sige." Teka lang. Tama ba yung narinig ko? Inatake na naman? Ibig sabihin, malala yung sakit ni Missy? Bakit hindi ko 'to alam? Bakit inilihim niya ito sa akin? Bakit si Jed alam yun at ako hindi? "Sabihin niyo nga sa akin kung anong nangyayari!" "Pare, wag kang magugulat ah. Pero-" "Jed! Nangako tayo kay Missy di ba?" "Pia, malalaman at malalaman din naman ni Josh 'to e. Mas mabuti ng malaman niya ngayon kaysa malaman niya kapag nasa ilalim na ng lupa si Missy." "Teka nga! Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ang sakit ni Missy?"

"Josh, may sakit sa puso si Missy." Tama ba yung narinig ko? May sakit sa puso si Missy? Ganun na ba kalala ang kalagayan niya? Ano ba 'to? Bakit parang tumigil na ang mundo ko? Hindi ko matatanggap 'to. Hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko! Hindi ko pa natatama yung mga mali ko e. Siya lang ang tanging bagay na naging tama sa buhay ko. Hindi ko siya pwedeng pakawalan. Hindi to pwedeng mangyari. Hindi. Hindi. Kabanata 17 Naghihintay kami nina Pia sa labas ng ER. Hindi ako mapakali. Ako ang dapat na pinaparusahan dito e. Wala naman siyang ginawang masama. Nung lumabas yung doktor, nilapitan ko agad siya. "Dok, kamusta na po si Missy?" "Ayos naman na siya. Kaya nga lang-" "Kaya nga lang po, ano?" "Kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Pahina na ng pahina yung puso niya. Kapag hindi agad siya maoperahan, baka tuluyan na siyang mawala sa atin. Nasaan ba yung mga magulang ng pasyente?" "Nagpunta po sa probinsya e. Sa isang buwan pa po ang balik. Pwede po bang operahan si Missy kahit wala yung mga magulang niya?" "Hindi pwede e. Kailangan ng pahintulot nila o kaya ng taong maituturing na tagapagbantay niya." "Pia, di ba yung nanay mo naman yung tagapagbantay ni Missy? Di ba sa kanya ipinagkakatiwala ng mga magulang ni Missy si Missy kapag wala sila?" "Ay! Oo nga. Dok, yung nanay ko po! Pwede pong siya yung pumirma para maoperahan agad si Missy. Itatawag na lang din po namin sa mga magulang niya yung mga nangyari." "Sige. Aasikasuhin ko na yung mga papeles para makahanap na rin tayo ng pwedeng magbigay ng bagong puso kay Missy." "Sige. Salamat po dok." Inilipat ni si Missy sa pangkaraniwang kwarto. Hindi pa rin siya gumigising. Sabi nung doktor, epekto daw nung gamot na ibinigay sa kanya. Umuwi na muna sina Pia at Jed. Inaaya na nila akong umuwi pero nagpaiwan pa rin ako. Ayaw kong iwan si Missy kasi baka iwanan na talaga niya ako. Gusto ko paggising niya, ako ang una niyang makikita. Pagkatapos nun, aayusin ko ang lahat para kahit papaano, mapagaan ko ang pakiramdam niya.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa tabi ng kama ni Missy. Nagising lang ako kasi ginising niya ako. Kahit na gusto kong magsaya dahil kinakausap niya ulit ako, hindi ko magawa kasi alam kong mas malala yung sakit na nararamdaman niya ngayon. "O. Gising ka na pala." "Anong nangyari?" "Inatake ka na naman e. Pasensya ka na ah. Puro pahamak na lang ang naidudulot ko sa'yo. Muntik ka pang mamatay ng dahil sa akin. Pangalawang beses na 'to. Pasensya ka na talaga." "Alam mo na?" "Oo. Sinabi na sa akin nina Jed. Wag kang magalit sa kanila. Malalaman at malalaman ko rin naman yun e. Sabi nga pala nung doktor, kailangan mo ng maoperahan." "Ha? Ganun na ba talaga kalala?" "Siguro. Inaayos na nila yung mga papeles para maoperahan ka. Pero habang hindi ka pa inooperahan, hayaan mong alagaan muna kita." "Hindi. Ayaw ko." "Anong ayaw mo?" "Ayaw kong alagaan mo ako. Josh, wag mo na akong pahirapan. Hindi ko na kaya e. Masyado ng masakit." "Pero ito na lang ang magagawa ko e. Missy, mahal na mahal kita. Kapag naoperahan ka, hindi ko na alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung may posibilidad pa ba na mahalin mo pa rin ako. Kaya hangga't hindi pa nangyayari yun, gusto kong maipakita sa'yo kung gaano kita kamahal." "Yun na nga e. Kaya nga ayaw ko ng sumugal pa. Kasi hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos. Ayaw ko ng pahirapan yung mga taong mahalaga sa akin. At kahit masakit mang aminin, kasama ka dun. Ayaw na kitang mahirapan Josh." Hindi ko namalayan, umiiyak na rin pala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa mahalaga ako sa kanya o malulungkot ako dahil ayaw na niyang sumugal pa. Gusto ko pa siyang makasama e. Pero paano ko gagawin yun kung ipinagtutulakan na niya ako palayo? Gusto ko pa man ding siya ang makasama ko sa parating na sayawan. Hay. Bakit ba kasi ang gulo ng laro ng pag-ibig e? Pwede namang puro masayang pangyayari na lang di ba? Paano na kaya ako ngayon? Pagkatapos ng tatlong linggo, may nahanap na raw na puso na pwedeng ipalit sa puso ni Missy. Sa makalawa

na rin daw yung operasyon niya kaya bawal na muna siyang lumabas ng opital. Kung hinahanap niyo naman yung mokong na si Ralph, ayun, araw-araw dumadalaw dito sa ospital. Ang sarap na ngang baliin nung leeg para di na muna makapunta dito e. Oo. Nagseselos ako pag nakikita ko silang dalawa. Peste naman kasi e! Ayun nga. Malapit ng operahan si Missy. Bukas na rin yung sayawan at ako, eto, naglulungkut-lungkutan dahil di ko siya makikita o maisasayaw man lang. Pero kailangan ko pa ring pumunta dun kahit na pakitang-tao man lang. Nung gabi na ng sayawan, malungkot pa rin ako. Pero pinipilit kong ngumiti para di naman masabi na KJ ako. Nung oras na para sa pagtugtog ng banda, nag-init ang ulo ko. Kung bakit, banda lang naman nung pesteng si Ralph yung tutugtog. Di ba nakakaasar? "Ngayong gabi, 2 kanta lang yung tutugtugin namin. Yung isa may kasama akong kakanta. Yung isa naman yung kasama ko lang yung kakanta. Sana magustuhan niyo yung mga tutugtugin ng banda namin. Salamat." "Tss. Makalayas na nga muna dito." "Ito na yung una naming kakantahin. Yung pamagat ay Tabi. Sana magustuhan niyo." Naranasan mo na ba Mawalan ng makakasama? Sa gitna ng daan Hindi malaman ang pupuntahan Huwag mag-alala Hindi kita pababayaan Sa iyong tabi Ako ay iyong mahahawakan Naranasan mo na ba Madapa at masugatan? Hawakan mo ako Hinding-hindi iiwan Huwag mag-alala Hindi kita pababayaan Sa iyong tabi Ako ay iyong mahahawakan Huwag mag-alala Hindi kita pababayaan Sa iyong tabi Ako ay iyong mahahawakan

Huwag mag-alala Hindi kita pababayaan Sa iyong tabi Ako ay iyong mahahawakan Huwag mag-alala Hindi kita pababayaan Sa iyong tabi Ako ay iyong mahahawakan

Bakit kaya naghihiyawan yung mga tao? Ordinaryo lang naman yung boses nung mga kumantang e. Parang timang lang talaga. Tss. Pero bakit may biglang tumatakbo papunta sa akin? Kabanata 18 "Josh! Hindi ka man lang ba papasok sa loob?" "Bakit naman ako pupunta dun? Di ko gustong mapanood yung banda ni Ralph. Kaya kung pwede lang, lumayas ka na sa harapan ko!" "Pero-" "Walang pero pero. Layas!" Kainis talaga 'tong mga taong 'to o. Nakitang gusto kong mapag-isa, lapit pa ng lapit sa akin para lang papasukin ako. Bakit ba? Sino ba yung yung kumakanta dun ha? Hindi naman artista yun e! Tss.

"Yung kantang 'to sa tingin ko akmang akma para sa sitwasyon ko ngayon. Para sa sitwasyon NAMIN ngayon. Kung nandito ka, sana maintindihan mo kung ano man ang gustong sabihin ng puso ko." Sandali na lang Maari bang pagbigyan Aalis na nga Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti Sana ay masilip Wag kang mag-alala Di ko ipipilit sa yo Kahit na lilipad ang isip koy torete sa yo

Ilang gabi pa nga lang Nang tayoy pinagtagpo Na parang may tumulak Nanlalamig, nanginginig na ako Akala ko nung una May bukas ang ganito Mabuti pang umiwas Pero salamat na rin at nagtagpo Torete, torete, torete ako Torete, torete, torete sa yo Wag kang mag-alala Di ko ipipilit sa yo Kahit na lilipad ang isip koy torete sa yo Torete, torete, torete ako Torete, torete, torete ako Torete, torete, torete ako Torete, torete, torete ako Torete, torete, torete sayo "Salamat po." "Pwede bang isa pa?" "Oo nga! Isa pang kanta!" "Ay sus. Sino ba talaga kasi yung kumakanta at humihirit pa 'tong mga kumag na 'to ha?" "Sige. Ito na talaga ang huling kanta na kakantahin ko sa ngayon." Kung ito man ang huling awiting aawitin Nais kong malaman mo Ika'y bahagi na ng buhay ko At kung may huling sasabihin Nais kong sambitin Nilagyan mo ng kulay ang mundo Kasama kitang lumuha Dahil sa'yo ako'y may pag-asa

Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig Di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Sana'y iyong marinig tibok ng damdamin Ikaw ay mahalaga sa akin Ang awitin ko'y iyong dinggin At kung marinig ang panalangin Lagi kang nandoroon Humihiling ng pagkakataon Masabi ko sa'yo ng harapan Kung gaano kita kailangan Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig Di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Ito na ang pagkakataon Walang masasayang na panahon Mananatili ka sa puso kailanman Dahil sa'yo ako'y lalaban Ako'y lalaban Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig Di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Bumaba na ako sa entablado. Marami ang nakapansin na umiiyak na ako nung kinakanta ko yung Salamat. Ayaw ko man sanang kantahin yun, pero yun talaga ang gusto kong sabihin sa kanya e. Pero ang tanong, NARINIG KAYA NIYA AKO? Hindi ko man lang siya nakita bago ako operahan. Paano kung wala na talagang bukas para sa amin? Paano kung yun na nga talaga ang huling awitin na makakanta ko? Paano na?

Ano ba 'to? Kanina kung sinu-sino lang ang pumipilit na pumasok ako sa loob. Ngayon, pati ba naman si Jed pinipilit ako? Bakit ba kasi gusto nila akong pumasok e? "Hulaan ko. Pipilitin mo rin akong pumasok sa loob noh? Hindi ako papasok. Wag ka ng makulit!"

"E kung sabihin kong si Missy yung kumakanta kanina at umiiyak siya ngayon dahil galing talaga sa puso niya yung mga kinanta niya kanina? At paano kung sabihin kong para sa'yo yung mga kinanta niya kanina, ano? Di ka pa rin ba papasok ha?" "Ha? Si Missy nandito? E di ba bawal siyang lumabas ng ospital ngayon?" "Ay. Ewan ko sa'yo. Kung ayaw mo siyang makausap habang nasa kanya pa yung puso niya, e di wag. Tutal paalis naman na siya ngayon e. Gumising ka na lang bukas ng tanghali kapag wala ka na talagang puwang sa bagong puso niya ha? Sige. Una na ako." Teka lang. Hahayaan ko na nga lang bang magbago ang puso niya ng hindi ko man lang siya nakakausap? Hahayaan ko nga lang bang magbago ang puso niya ng hindi ko man lang nasasabi at nauulit sa kanya na mahal na mahal ko siya? Hindi pwedeng mangyari yun! Kailangan ko siyang makausap! "Missy, mag-iingat ka ah. Maghihintay kami bukas sa ospital para sa resulta ng operasyon." "Wag kang mag-alala. Ipagdadasal ko na maging matagumpay yung operasyon." "Salamat ah. Sige. Mauna na ako. Mapapagalitan na ako ni dok e." "Teka lang!" "Josh?" "Pwede bang mag-usap muna tayo?" "Sige. Tungkol ba saan?" "Missy, gusto kong ipangako mo sa akin na paggising mo pagkatapos ng operasyon, bibigyan mo ng pag-asa yung pagmamahal ko sa'yo. Missy, di ko kayang mawala ka sa buhay ko e. Kaya utang na loob, ipangako mo sa akin yun!" "Ewan ko Josh. Hindi ko masasabi e. Basta nasa puso kita ngayon at mahal kita." Umalis na siya. Hindi siya nangako sa akin. Mahirap bang gawin yung hinihiling ko? Mahirap bang mangako na kahit na papalitan na ang puso niya, mananatili pa rin ako dun sa bago niyang puso? Mahirap bang pangatawanan na mahal niya ako? Mahirap ba akong mahalin o sadyang ayaw na niyang subukan? Bakit ba ganito? Pero ang alam ko na lang ngayon, kailangan kong magpatuloy. Magpatuloy at umasa na bukas, pagkatapos ng operasyon, ako pa rin ang laman ng puso niya. Sana nga ako pa rin. Kabanata 19 Maaga pa lang pumunta na ako sa ospital dahil ngayon na ooperahan si Missy. Gusto ko siyang makita bago

man lang mapalitan yung puso niya. Aaminin ko, kinakabahan ako ngayon. Hindi ko kasi alam ang mangyayari pagkatapos e. Pero umaasa pa rin ako na mahal pa rin niya ako pagkatapos ng operasyon. Nagsimula yung operasyon ng 8 ng umaga. 12:30 na ngayon. Grabe. Bakit ba ang tagal tagal nung operasyon? Lalo lang akong kinakabahan e. Nandito pala sa labas ng OR sina Jed, Pia, yung nanay ni Pia, ako at si Ralph. Ayaw ko mang makita si Ralph, wala naman akong magagawa. Ayaw kong makipagtalo ngayon e. Baka pag gumawa ako ng kalokohan dito mapano pa si Missy. 1 na ng hapon. Sa wakas, namatay na yung ilaw sa ibabaw ng pinto ng OR. Lumabas ng pinto si Doktor Serrano. Sabi niya tapos na raw yung operasyon at ililipat na si Missy na pangkaraniwan na silid. Pero hindi pa raw magigising si Missy ngayong araw. Epekto raw ng gamot e. Pagkalipat na pagkalipat sa kwarto ni Missy, pumasok na agad ako. Hiniling ko kina Pia kung pwedeng ako na lang muna yung maiwan sa loob ng kwarto. Gusto ko kasing makausap si Missy e. Yung kaming dalawa lang. Kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya ako, kailangan ko siyang kausapin. "Missy, naaalala mo pa ba nung una tayong nagkita? Di ba asar na asar ka agad sa akin. Pagkatapos nun, lagi na kitang inaasar. Sa totoo lang, dapat pagdidiskitahan lang talaga kita e. Kaya lang, di ko namamalayan, unti-unti na pala akong nahuhulog sa'yo. Nung araw na dinala mo si Paul sa eskwelahan, aaminin ko, nagselos na ako nun. Di ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang e. Pakiramdam ko tuloy nung mga panahong yun, ang tanga tanga ko. Kasi naman nagseselos ako e wala naman akong karapatang magselos. Tapos nung araw na tinanong kita kung pwede ba akong manligaw, hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko e. Hindi naman talaga dapat yun ang sasabihin ko. Pero nung ginawa ko yung unang hakbang ko para ligawan ka, napag-isip isip ko na tama pala yung desisyon ko na ligawan ka. Kasi nakumpirma ko na mahal na talaga kita. Alam mo ba, nung nililigawan kita, lalo akong nahuhulog sa'yo at lalong lumalalim yung pagmamahal ko sa'yo. Hindi ko alam kung maniniwala ka dun pero yun talaga ang sinasabi ng puso ko. Tapos nung araw na nakita mo ako na may kahalikang iba. Maniwala ka man o hindi, pero hindi ko ginusto yun. Ginawa ko lang yun para mailigtas ka. Binalaan kasi ako nung lokaret na babaeng yun na sasaktan ka niya at ilalabas niya yung mga baho ko kapag di ko siya hinalikan. Ayaw ko namang masaktan ka at ayaw ko ring masira yung reputasyon ko kahit alam kong sira na talaga yun. Kung inaakala mong masaya ako nung mga panahon na yun dahil sa kahalikan ko siya, nagkakamali ka. Masaya ako nun kasi alam kong maililigtas kita. Ganun kita kamahal Missy. Handa akong gawin ang lahat para sa'yo. Kaya sana paggising mo, ako pa rin yung nasa puso mo. Gusto kong itama lahat ng nagawa kong mali sa'yo. Pangako, magbabagong buhay na ako mahalin mo lang ako ulit. Sige, ang haba na pala ng mga pinagsasasabi ko rito. Pahinga ka na ah. Mahal na mahal kita." Pagkatapos nun, hinalikan ko siya sa noo tapos lumabas na ako ng kwarto niya. Pagkalabas ko ng kwarto ni Missy, nagtataka ako kasi umiiyak si Pia. Hindi kaya? Ay nako naman o!

"Josh, pasensya ka na ah. Di ko napigilan e. Narinig ko ang lahat ng sinabi mo. Di bale, pag nagising si Missy, sasabihin ko lahat ng narinig ko. Para naman maging kayo na talaga." "Salamat ah. Sige, uwi na muna ako." "Sige. Ingat ka." Paguwi ko ng bahay, lungkut lungkutan pa ako. Ang tagal pa kasi bago magigising si Missy. Kahit na gustuhin kong ako yung una niyang makikita pagkagising niya, hindi ko yata kakayanin e. Masyado na akong pagod. Ilang araw na akong walang tulog. Hindi naman sa sinisisi ko si Missy pero dahil na rin kasi 'to sa pagbabantay ko sa kanya. Teka lang. Bakit parang dumidilim yung paligid? "Manang!" "Naku po! Kuya! Ano pong nangyari sa inyo? Kuya!" Kabanata 20 Gising na ako. Oo. May malay tao na ulit ako. Matagumpay yung operasyon. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Tinignan ko kung sino yung mga tao sa kwarto ko. Nandun si Pia, si Jed, yung nanay ni Pia, si Ralph at si. Teka lang. Bakit wala siya rito? Akala ko nandito lang siya palagi. Bakit ngayon wala siya? Ah! Baka naman masyado pang maaga kaya wala pa siya. Tinignan ko yung orasan sa loob ng kwarto. Ang nakalagay dun, alas-tres na. Alas-tres ng umaga? Malabong mangyari yun e. Nag-uusap sina Pia dun sa upuan malapit sa pinto e. Ibig sabihin, alas-tres na ng hapon?! E, bakit wala pa siya? Hindi kaya, sumuko na talaga siya? Hindi ba muna niya hihintayin yung sasabihin ko? Nung pakiramdam ko, nagsasawa na ako sa paghiga, sinubukan kong umupo. Napansin ni Jed na gising na ako kaya lumapit na sila sa akin at inalalayan ako para makaupo nga ako. Imbis na ako sana yung unang magtatanong, tinadtad na nila ako ng tanong e. "Missy! Kamusta ka na? Kamusta na yung pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" "May masakit pa ba sa'yo ha? Gusto mo tawagin namin sa Doktor Serrano?" "May gusto ka bang kainin? O baka may gusto kang inumin? Sabihin mo lang at bibili ako." "Ay nako. Kayo talaga o. Hinay-hinay lang kayo sa pagtatanong kay Missy. Pag yan nabigla baka magkaloko-loko pa." "Ah. Hehe. Salamat sa inyong lahat ah? Hindi niyo ako iniwan. Ayos naman na yung pakiramdam ko. Wala ng masakit. Wala rin akong gustong kainin o inumin ngayon. Gusto ko lang sanang malaman kung nasaan si Josh? Kailangan ko pa kasi siyang kausapin e." Bigla silang tumahimik. Ano ba talagang

nangyari sa kanya ha? Iniwan na ba niya ako? Isang araw lang akong natulog wala na agad siya. Sira pala siya e. Akala ko ba mahal niya ako. E bakit niya ako nilayasan? "Huy! Bakit tumahimik kayo diyan? Nasaan na ba kasi si Josh?" Di pa rin sila sumasagot. Masama na ang kutob ko ah. "Ah. Missy, wag kang mabibigla ah." "Bakit naman ako mabibigla? Asan ba talaga kasi siya?" "Ah. Kasi. Nasa ano siya e." "Ay nako Pia. Umayos ka nga! Sabihin mo na kasi!" "Jed, ikaw na lang magsabi." "Ha? Sige na nga! Missy, nasa ospital si Josh." "E? Nasa ospital naman tayo ah. Bakit di pa siya pumapasok dito?" "Missy, mali yung nasa isip mo. Ang ibig kong sabihin, nasa ospital siya. Nawalan siya ng malay kahapon e. Hanggang ngayon di pa rin siya gumigising e." Di na ako nakapagsalita. Masyado akong nabigla na e. Masyado akong nalungkot. Mayamaya umiiyak na pala ako. Kasi naman e! Di niya inaalagaan yung sarili niya! Puro na lang ako yung inaasikaso niya. Ni hindi nga kami pero ayaw niya akong pabayaan. Josh naman kasi e! "Missy, wag ka naman umiyak o. Makakasama yan sa'yo e." "Oo nga. Tumahan ka na. Nawalan lang naman ng malay si Josh e. Wala naman siyang sakit. Gusto mo puntahan natin siya?" "Dalhin niyo na lang ako dun. Tapos iwan niyo muna ako sa loob." "Sige. Tara na." Hay. Josh, bakit ngayon ka pa sumuko? Bakit ngayon pa? Kabanata 21 Dinala na ako nina Jed sa kwarto ni Josh. Ayun. Tulog pa rin siya. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang awayin. Gusto ko siya batukan. Gusto ko siyang paluin. Pero kahit isa sa mga yun, hindi ko magawa. Masyado akong nalungkot sa mga nangyari e. Kung kailan ayos na sana ang lahat saka naman siya bumigay. Hay. Bakit ba hindi na lang pwedeng masaya na lang agad ang lahat? Tinitignan ko lang siya. Kitang kita sa mukha niya yung pagod, lungkot at pagaalala. Dahil ba sa akin kaya siya

nagkaganito? Malamang lamang oo. Ako lang naman yata ang nakapagpabago sa ugali niya e. Ako lang din naman yata yung minahal niya ng totoo. Hindi sa makapal yung pagmumukha ko ah. Pero nung mga panahong naiwan si Josh sa kwarto ko, narinig ko ang lahat ng sinabi niya. Oo. Nakabalik na ako sa matinong pag-iisip nung mga panahong yun. Sadyang ayaw ko lang munang gumising ng todo kasi baka biglain nila yung katawan ko. Baka kung ano pang mangyari sa akin e. Pinigilan ko lang din yung pagtulo ng luha ko kasi baka mahalata nila. Aaminin ko, gusto ko na sana siyang kausapin nun e. Kaya lang, inisip ko na may tamang panahon para dun. Kaso dahil sa mga nangyari sa kanya, parang mas mabuti pa yata kung kinausap ko na siya agad. Hindi pa rin ako nagsasalita. Nagmumuni-muni lang muna ako. Nag-iisip ng kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Kung ano ba ang dapat kong gawin. Ang dami kong gustong sabihin pero di ko alam kung saan magsisimula. Dapat bang humingi muna ako ng patawad sa kanya o dapat bang sabihin ko agad kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Naguguluhan ako. Nung nakapagpasya na ako kung ano ang dapat kong sabihin, hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan ko yung mukha niya. Huminga ako ng malalim at nagsimula na ako sa aking "litanya". "Josh, salamat ah. Salamat kasi di mo ako iniwan kahit na wala kang pinanghahawakan sa kung ano man ang meron tayo. Salamat din kasi minahal mo ako. Hindi ko man naipakita, pero may lugar ka talaga sa puso ko. Pasensya ka na pala kung nung una tayong nagkita, inaway na agad kita. Sadyang ayaw ko kasi sa mga katulad mong maangas at akala mo kung sinong umasta e. Pero hindi ko alam kung bakit pa ako nahulog sa isang katulad mo. Alam ko naman na mali yun e. Kaya lang, yun talaga yung sinisigaw ng puso ko. Ayaw ko man sanang sundin yun, kaso sa bawat araw na magkasama tayo, lalo lang ako nahuhulog sa'yo. Pasensya ka na rin pala kung di man lang kita hinayaang magpaliwanag nung nakita kitang may kaanuhang iba. Masyado lang akong naguluhan. Hindi ko alam kung anong dapat gawin e. Ganun yata talaga pag nasasaktan ang isang taong nagmamahal. Oo. Tama yung narinig mo. Taong nagmamahal. Hindi ko alam kung bakit pero napamahal ka na talaga sa akin e. Ang tanga tanga naman kasi ng puso ko e. Sa isang katulad mo pa nahulog. Pero kahit pala mali yun, masarap pa rin sa pakiramdam. Hay. Napakatanga ko talaga. Sana naman magising ka na. Gusto na ulit kitang makausap e. Ang dami ko pang gustong sabihin sa'yo. Ang dami kong gusto itanong. Ang dami kong gustong gawin. Josh, sige na naman o. Gumising ka na. Kakantahan na lang muna kita. Sana pagkatapos ng kantang 'to, gising ka na. Hehe. Ang sama ko ba? Sensya ka na ah. Gusto na talaga kasi kitang makausap e. O siya. Eto na yung kanta. pindutin para mapakinggan Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso Parang ayoko ng umibig pang muli May takot na nadarama

Na muli ay maranasan Ayoko ng masaktan muli ang puso ko Ngunit nang ikaw ay makilala Biglang nagbago ang nadarama Para sayo ako'y iibig pang muli Dahil sayo ako'y iibig nang muli Ang aking puso'y Pag-ingatan mo Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo Para lang sayo Muli ay aking nadama Kung paano ang umibig Masakit man ang nakaraa'y nalimot na Ang tulad mo'y naiiba At sayo lamang nakita Ang tunay na pag-ibig na'king hinahanap Buti na lang ikaw ay nakilala Binago mo ang nadarama Para sayo ako'y iibig pang muli Dahil sayo ako'y iibig nang muli Ang aking puso'y Pag-ingatan mo Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo Para lang sayo Di na ako muling mag-iisa Ngayon ikaw ay nandito na Para sayo ako'y iibig pang muli Dahil sayo ako'y iibig nang muli Ang aking puso'y Pag-ingatan mo Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo Para lang sayo Ako'y iibig pang muli Para lang sayo Gumising ka na Josh. Gusto ko pag sinabi ko kasi sa'yo yun, gising ka na e. Hangga't di ka gumising, di ko sasabihin yun. Sige, balik na alang ako dito mamaya ah. Sana pagbalik ko gising ka na."

Paalis na sana ako ng kwarto nung biglang naramdaman ko na may humawak sa braso ko. Paglingon ko kay Josh, gising na siya! Narinig kaya niya lahat ng sinabi ko? "Bakit aalis ka na agad? Di ba may sasabihin ka pa sa akin?" "Ha?" "Narinig ko e. Sabi mo may sasabihin ka pa sa akin pero kailangan gising na ako. Ayan. Gising na ako. Pwede mo ng sabihin. Makikinig ako. Ay teka lang. Ang ganda pala ng boses mo. Sana lagi mo na lang akong kinakantahan. Hehe." Potek. Narinig nga niya yung mga pinagsasasabi ko. Nakakahiya naman 'to o. Akala ko pa naman ako lang yung nandaya. Siya rin pala mandaraya. "Ah, e." "O. Bakit wala ka ng masabi ngayon? Ang haba haba na ng sinabi mo kanina e. Ano na nga kasi yung sasabihin mo?" Waa. Sige na nga. Sasabihin ko na sa kanya. Kahit na nakakahiya talaga kasi. Ah. Ewan. "Sige. Sasabihin ko na. Gustokolangsabihinnaminahalkitanoonathanggangngayonmahalparinkita." "Teka lang! Di ko naintindihan e. Dahan dahan naman." "Sabi ko, minahalkitanoonathanggangngayonmahalparinkita." "Isa pa nga." "Ako ba pinaglololoko mo ha? Ilang beses ko ng inuulit e." "Gusto kong makasiguro kung tama yung pagkakarinig ko e." "Oo na. Di ko na uulitin pagkatapos nito ah. Ang sabi ko, minahal kita noon at hanggang ngayon mahal pa rin kita." "Ay sus. Halika nga rito!" Hinatak ako ni Josh kaya napahiga ako sa kama niya. Niyakap niya ako tapos ewan ko ba, niyakap ko rin siya. Ayaw ko sana siyang tignan kaya lang inangat niya yung ulo ko tapos tinignan niya ako. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin ako nagsasalita. Nagtititigan lang talaga kaming dalawa. Pero may napapansin ako. Parang papalapit ng papalapit yung mukha ni Josh sa mukha ko e. Teka lang. Ano bang plano niyang gawin? Sobrang lapit na talaga ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako pumipikit baka kasi sabihin niya kung anu-anong iniisip ko e. Nung nararamdaman ko na na malapit na talagang magkadikit yung mga labi namin, bigla niya akong hinatak lalo sa kanya. Eto na talaga. Hinalikan na niya ako. Nararamdaman ko na umaakyat na yung dugo sa pagmumukha ko. Waa. Josh naman kasi e!

Mayamaya tumigil na siya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Tapos nung nagsalita siya."Mahal na mahal kita. Lagi mo yang tatandaan. Masaya ako kasi hindi ako nawala sa puso mo. Dahil sa mga sinabi mo, ibig sabihin ba nun tayo na ha?" "Oo na lang. Hehe." Pangwakas Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung naging kami ni Josh. Aaminin ko, hindi pa rin ako masyadong sanay. Parang ewan lang kasi e. Minsan 'pag magkasama kaming dalawa sa parke, may bigla-biglang lalapit sa kanya tapos lalandiin siya sa harap ko mismo. O di ba, kawindang-windang yun? Tapos minsang may lalapit sa kanya, magpapakilala at tatanungin yung pangalan niya. Buti na lang at marunong sumagot ang loko. Nakakaloko rin siyang kasama e. Kasi yung tipong seryosong-seryoso kaming dalawa sa ginagawa namin tapos bigla bigla siyang humihirit. At dahil sa napakababaw kong nilalang, ayun humahagalpak ako sa tawa. Minsan nga naiiyak na ako kakatawa e. Hindi na rin siya gaanong pasaway. Naging malambing lalo siya. Hindi lumilipas ang isang araw na wala akong natatanggap na bulaklak mula sa kanya. Nakakainis na nga e. Kasi baka masyado akong masanay sa mga pinaggagagawa niya. Ayaw ko mang isipin na mangyayari yun, pero paano kung hindi pala ami yung para sa isa't isa? E di mangungulila lang ako lalo sa kanya? Pero sabi naman ng puso ko, siya na talaga e. Kaya di na ako masyadong nag-aalala. Ay! Nasabi ko na ba sa inyo na ngayon ang araw ng pangangampanya ng mga tatakbong opisyales ng SC sa aming kolehiyo? Kung hindi, ayan ah. Alam niyo na. Hehe. Nasabi ko lang naman yun dahil sa maniwala kayo't sa hindi, tumatakbo bilang bise-presidente? Ang taas agad ng pangarap ng loko e. Pero tiwala naman akong mananalo yun e. Ang lakas ng hatak sa mga babae e. Haha. O siya. Magtatalumpati na siya. "Magandang umaga mga repapips! Sino ako?!" "Jooooosh!" "Paanong nangyari na kilala niyo ako? Wahaha. Biro lang. Bago ako magsimula sa talumpati ko, gusto ko munang kausapin yung pinakamamahal ko. Missy, utot ka ba?" "Hindi kaya!" "Ang lakas kasi ng dating mo e! E, tae ka ba?" "Ano ba naman yan Josh? Kababuyan mo ah!" "E kasi naman, hindi kita matiis e."

"Ay sus! Mga hirit mo ah!" "Eto. Huli na. Alam mo ba yung teroya tungkol sa paghihiwalay ng pulo?" "Oo naman. Bakit?" "Pabayaan mo na yung mga pulong maghiwa-hiwalay. Basta tayong dalawa, hindi maghihiwalay. Mahal na mahal kita." "Ayiee!" "Sana ako na lang ang mahal mo Josh!" "Waa! Mahal na mahal ka namin Josh!" Hay. Umatake na naman yung mga haliparot na yun. Pero bahala sila sa buhay nila. Mahal na mahal namin ni Josh ang isa't isa e. Nung natapos na yung talumpati ng lahat ng mga kasali, nagbotohan naman na yung mga estudyante. Kinabukasan, inanunsyo kung sino yung nanalo. At katulad ng sinasabi ng mga tao sa paligid namin, nanalo nga si Josh. Ewan ko ba kung bakit binoto pa nila yun e. Haha. Alam niyo ba, simula ng nakilala ko si Josh, ang dami kong natutunan at nalaman. Nalaman ko na kahit gaano kalaki yung galit mo sa isang tao, mananaig pa rin talaga yung pag-ibig. Kung ano pa yung inaakala mong mali at hindi nararapat, yun pala yung tunay na magpapaligaya sa'yo. Marami mang problema ang dumating sa buhay natin, pagkatapos ng lahat ng unos, may bagong buhay pa rin na darating para sa atin. Hindi man natin napapansin, pero lahat ng bagay ay may dahilan. Maaring ito ay magpapatibay para sa ating katauhan o magbibigay saya sa atin. Ang tunay na pag-ibig ay hindi madaling mahanap. Mas mabuti kung hihintayin na lang natin na kusang kumatok ito sa ating puso. Huwag nating husgahan basta basta ang isang tao. Baka hindi lang natin namamalayan na sila pala yung para sa atin. Katulad ng nangyari sa amin ni Josh. Akala ko, imposibleng mahulog ang puso ko sa kanya dahil sa simula naman ay puro galit lang ang laman nun para sa kanya. Pero tignan niyo, kami pala talaga ang sa isa't isa. "Hoy! Ano ba yang iniisip mo ha?" "Ha? Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng nangyari, tayo pa pala yung magkakatuluyan. Sana hanggang sa dulo, tayo pa rin noh?" "Ay sus. Madali lang naman yung gusto mong mangyari e." "Ha? Paano?" "Tara, pakasal na tayo."

"Ha?" "Sabi ko, pakasal na tayo." Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, pero hinalikan ko na lang siya at sa tingin ko, ayun na ang nagtatakda ng buhay namin na magkasama.

You might also like