You are on page 1of 9

Crashed by crush

“Hoy Krisha ‘yang mata mo mahuhulog na. Walandede ‘to!” sigaw sa akin ni Fresleigh.
Buang talagang babaita! Nakakainis siya! Kita nan gang nakafocus ako kay bebelabs ko eh.

“Shut up bijj,” cold kong sagot sabay sinamaan ng tingin. Masyado na siyang paepal sa buhay
pag-ibig ko. Ngayon ko na nga lang kasi matititigan si crush ng halos sampung oras… de joke.
10 minutes lang naman. Ganito lang naman lagi ang eksena eh, kakain kami sa canteen, mag-
aabang sa kanya para masulyapan ko. Hanggang tingin lang naman kasi ako. Hindi naman kasi
ako kasing kapal ng plywood para kausapin siya nang harap-harapan.

“Hi Zinc,” malambing kong saad nang makita ko siyang lumigon sa akin. Ackkk! Taena ang
puso ko hulog na WAHHHHH!!!. Oo na nga aaminin ko na, makapal talaga mukha ko. So what?
Watawat?

“Hello,” simpleng sagot niya. Ang cold grabe, may nagbukas ata ng refrigerator. Hindi ko rin
alam sa sarili ko kung bakit crush na crush ko siya, basta ang alam ko lang….. He’s the one for
me.

“Hoy tigilan mo na ‘yan, nakakahiya ka na.” Sinamaan ko lang ng tingin si Fresleigh dahil
bubulong na nga lang sa tenga ko, mas malakas pa sa earphones ko. Pasimple ko namang kinurot
ang tagiliran niya para magising sa katotohanang may pag-asa pang maging Krisha Stella
Fortoquilio ang pangalan ko..oh diba it sounds good?

“Nevermind her okay, ahm Zinc…Busy ka ba?” I asked. Baka kasi ayaw niya ng tagalog,
baka mas prefer niya ang English. Ganun daw kasi kapag tahimik na lalaki tapos hindi palasalita.
Malay mo hindi pala gets ang wikang Filipino, hindi naman siguro siya bad breath…testing ko
kaya? Tiyarr.
“Not,” he replied. Ay talagang nakakaubos ng pasensya ‘yung ganitong eksena, feeling ko
pupunta na sa pwetan ko yung mattress ko kakabuhat ng convo naming eh. Pero okay lang, para
sa ika-uunlad ng lovelife ko.

“Yay… I mean yey,” excited kong sambit. Nakita ko namang kumunot ang noo niya kaya
tumahimik ako saglit. “Yiy na dapat? Oh baka Yoy? Ayyy alam ko na… Yuy.”

“Ha?” tanong niya naman. Nako naman itong si crush walang sense of humour, masyadong
seryoso sa buhay. Baka nga seryosohin na ako mamaya nian.

“Yuy so sweet. Can we be a couple?” Ilang segundo rin ang lumipas nang mapagtanto ko kung
anong sinabi ko. Grabe nakakaproud ‘tung bibig ko ah, may sariling buhay. Tinignan ko naman
si crush para makita kung kinilig siya pero halos gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Kung
makikita niyo lang itsura niya, parang gugustuhin niyo na lang mamatay eh. Kulang na lang ata
tumalon ‘yung isang kilay niya sa kabila eh.

Grabe galit na galit, akala mo ako’y maliit.

“Ahh sorry pasmado bibig, inulit ko lang ‘yung nabasa kong convo nila Fresleigh at nung
crush niya. Ang sweet nga eh, hope everything.” Lumingon ako sa likod ko upang ngitian si
Fresleigh pero ang bruhang babaita, iniwan na ako kasama si crush. Mabuti naman. I mean, luhh
bhie bakit iniwan ako?

“So what ddo you need?” he asked.


“Ikaw,” mabilis kong sagot na siyang dahilan para humakbang siya palikod. “Ikaw ang
nagwagiiiiii. K-kanta ‘yun hehe, gusto ko lang….magkantahan tayo. Oh ano, gusto mo rin
ba? Kaya ko ‘yung “When I look at you” kahit pa naka-bending.”

“You’re weird,” he said and smiled a bit. Hala ghorls parang gusto ko ng sumigaw sa kilig.
Wait okay pa baa ko? Baka kanina pa ako hinimatay rito ha. SIguro kaluluwa ko na lang ‘tung
kumakausap sa kanya. Hindi ito pwede! Baka agawan ako ni Criselda ng katawan.

“You’re cute,” I said and smiled ear to ear. Kiligin ka na please, utang na loob. Hirap na hirap
na akong isulong itong relasyon naming dalawa.

“Thanks. You too,” he simply replied and gestured me to sit at the bench. Mabuti naman at
naalala pa niyang umupo, akala ko kasi mag-standing ovation na lang kami rito hanggang sa
mangalay na kaming dalawa.

Wait ano raw dai? Cute din ako? Oh my gosh, ngayon niya lang alam?

“So musta buhay?” tanong ko. Syempre mahirap namang biglain ko agad. Ano ‘yan iiyaka ko
agad tapos mag-a-I do? Lah parang ang assuming ko na ata nun. Hahalikan ko lang naman siya
no.

“My life is a mess but it’s okay,” he answered. I saw some traces of sadness in his face, who
would have thought that his life is messy? Well it’s okay, I can fix his life.

“Ayusin ko gusto mo?” pabiro kong tanong, pero syempre pwede namang totohanin kapag
sumang-ayon.
“You cannot fix someone’s life if you couldn’t even fix yours.” Lah awit, foul! Na-hurt ako
bhie, sapul ata sa aking heart. It really hurtzz.

“Lah pasmado bibig. Ayaw mo edi huwag, akala mo pipilitin kita?” Mas pipilitin lang talaga
kita no, wait and wait. I rolled my eyes to show him I was pissed but he just laughed. Hala!
Parang gusto ko na tuloy pisilin ‘yung cheeks niya. Pakurot bhie!

“Okay fine. I just don’t want someone to help me or maybe I’m afraid,” he stopped a bit and
pursed his lips before looking away. “Afraid that maybe I will become a burden.”

“Lah ang pessimistic mo naman nian, halika nga hug kita. Para naman mapawi ‘yang
lungkot mo,” pagbibiro ko ulit. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
Halos manigas na ang buong Sistema ko nang dahil dun. Amo’y na amoy ko ang pabango niya,
tila ba’y kumapit na sa nostrils ko at dumikit sa lalamunan ko. Nalalasahan ko bhie!

Heto na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko bilang Senior High School student. Syempre
sa college iba pa, kasi baka alam niyo na. lagi na kaming nagde-date ni Zinc tapos magpapakasal
kami after graduation or may trabaho na. Oh diba? Napaka-advance ko mag-isip pero sa advance
reading, talong-talo ako men.

“Sorry,” bulong niya at humiwalay na sa akin. Nag-sorry pa eh gustong-gusto ko naman ‘yun.


Tsaka bakit kumalas na? Wala bang kiss sa cheeks? Parang wattpad ba.

“Lah okay lang, kahit tagalan mo pa. Okay na okay lang,” I said and suppressed a smile.
Alam kong kinikilig ako pero dapat huwag ko munang ipahalata, keshe nemen eh. “Ayoko
namang hindi ka okay eh, friend kita eh.” Awitit pinagsasabi ko?
“Yeah friends,” sagot niya naman. He stared at the soccer field, silence invaded our atmosphere.
Okay lang ba siya?

“Ano palang kukunin mong course sa College?” I should know more about him, paano na
lang kung birthday na niya bukas? Anong ireregalo ko? Sarili ko ganun?

“Geodetic Engineering,” he replied and looked at my eyes. Hala bakit parang may kumikiliti sa
loob ng tiyan ko? May uod ba ‘yung dragon fruit na kinain ko kanina? “How about you?”

“Accountancy kung di papalarin magkokonduktor na lang, total makakahawak din ng


pera.” I saw him laughed so I laughed to, pangit kasi kung siya lang tumatawa. Samahan ko na
lang para hindi alone. “Mahirap ba specialized subjects niyo?” Hindi pwedeng matapos itong
araw na ‘to na hindi ko nasasabing gusto ko siya.

“They say it is hard but for me and for those people who study hard, it wasn’t.” Ay sana all.
Ako kasi bobo sa Math at Science. Joke lang… actually sa lahat ng subjects whahahaha.
Magaling lang ako sa PE, dancerist kasi ako….sa tiktok nga lang.

“Sarap mo siguro maging jowa no? May bebe na may tutor pa kung nagkataon,” I said and
heaved a sigh. Kinakabahan naman ako umamin, pwedeng umatras na lang? pero sayang din kasi
‘yung moment eh, amlay mo sign na ‘to.

“You think?” he asked so I nod. Kahit pa nga hindi siya matalino, masarap pa rin siyang
maging jowa. Swerte niya kapag napunta siya sa akin, malas niya kapag hindi. Naghintay ako ng
ilang segundo dahil baka siya naman ang magbuhat ng convo namin, grabe nangawit likod ko
run ha. Akala ko tuloy gumagawa ako ng group project tapos binubuhat ko lang mga tamad kong
groupmates.
“Black and white ba color ng TV niyo?” tanong ko. Kahit siguro amagin ako rito buong
dekada, hindi pa rin siya magtatanong eh. Nakakainis naman, pero love ko pa rin siya.

“What the fuck! May ganun pa bang TV ngayon?” I bakit ang angas niya magmura, ako kasi
nagtutunog demonyo eh. Tsaka nagtatagalog pala siya, mabuti na lang hindi ako trying hard
mag-English. Why would me? Tiyaarr syempre “I” yun.

“Eh sa iyon lumabas sa bibig ko eh. Kung ikaw rin kaya unang magtanong no?” inis kong
sambit. Grabe lang wala nan gang suyo tapos ganito pa! Ang hirap ng ganitong relasyon…. Ay
hindi pala kami in a relationship. Buang dai.

“Demanding huh? Okay, how’s your day?” he asked. Hala shemays, kinikilig ako bhie. Penge
naman ng katawan, hahampasin ko lang.

“Not okay before, but I’m okay now. Ikaw how’s your day?” Ganun dapat, starts with a
question then ends with a question parang Cyclical lang sa characteristic of a research, problem
nga lang ‘yung term na ginamit.

“I’m okay now. How’s your lovelife then?” tanong niya. Feeling ko may biglang pumukpok sa
ulo ko tapos analog utak ko. I want to say something but my mouth didn’t want me to speak!
“How about it?”

“H-ha! L-lovelife? Love is life, therefore it si lovelife.” Napasapo agada ko ng noo ko, gg dai!
“Yun na sana eh, pinalagpas ko pa. Ang tanga mo Krisha!
“Seriously? I think you lose your mind,” he said and shook his head. I pouted when I saw him
smile, masyado na siyang bully ha. Kanina pa niya ako tinatawanan, akala niya ata nagjo-joke
ako.

“Hahaha funny ka doy,” I said and glared at him, making him laughed more. Sige galingan mo
pa sa pagtawa hanggang sa hindi ka na mahinga tapos i-CPR kita hehe. “Palibhasa wala kang
alam sa nararamdaman ko eh.”

“Then tell me what is it,” he looked at me intently. Sign na ba ‘to? Heto na ba talaga? Aamin na
ba ako? I stopped thinking when he whispered at my ear. “Kindly tell it to me, Miss.”

“Gusto kong malaman mon a gu-----” natigilan ako sa pagsasalita nang may umeksena sa
aming dalawa. Bwisit na Faeldonio to! Kung kailan aamin na eh.

“Babe ang tagal mo naman bumalik, kanina ka pa namin hinihintay ni Fresleigh. Ano
matagal pa ba ‘yan?” I rolled my eyes when I heard the word “Babe” kahit talaga kailan ‘to,
lagi akong pinagtritripan. Muli kong hinarap si Zinc upang ituloy ang sinasabi ko kanina ngunit
natigilan ako nang makita kong sumeryoso ang mukha niya at ni wala man lang bahid ng
emosyon ang nasa mga mata niya. What happened to him?

“Wait kita sa gilid ha,” sabi sakin ni Faeldonio. Tumango naman ako agad.

I took all my courage and sighed. It’s now or never!


“Zinc, I like you. I am so inlove with you. Matagal na,” I said while my eyes were closed. I
waited for him to speak but I got nothing so I slowly opened my eyes to see his reaction, only to
see him smirking.

“I already know, even before that you like me but I’m sorry, I don’t like you. I will never
like you. Excuse me,” he said and left me alone. What the hell was that? Dati pa niyang alam na
gusto ko siya? Eh bakit hinayaan niya pa akong kausapin ko siya? Ano ‘yun, magbibigay ng
motibo tapos wala rin palang balak makipagseryoso? Happiness was with me for almost 30
minutes but I think sadness will be with me for a long period. Akala ko pa naman perfect timing
na, akala lang pala.

Ang pangit namang pumana ni kupido, panay sablay. Antagal ko pang naghintay para lang
umamin tapos gan’to lang pala mangyayari. Alam ko naman na kasalanan ko rin kasi ginusto ko
siya eh, pinili siya ng puso ko at sinakop siya ng isipan ko. Pero bakit kasi in-entertain pa niya
ako, gayong alam niya namang may pagtingin ako sa kanya? Ano ‘yun testing lang kung
marupok ako? Ang sakit naman na.

Right at that day, at that time and at that place. My heart was crashed by my crush.

You might also like