You are on page 1of 4

(ONE SHOT STORY)

"PLEASE KIEROS!" I pouted when a bark of laughter came out from him. My lips twitched,
annoyed by his reaction.

Tumalikod ako at padabog na lumabas ng science room. Humihingi lang naman ako ng tulong
dahil hindi ako marunong gumamit ng telescope. Nakakahiya dahil napapatingin ang ibang
estudyante sa amin. Ang lakas niyang makatawa dahil walang professor na nakabantay.

"hey.. wait!" hmp! bahala ka diyang lalaki ka. Pinagtatawanan mo ako tapos ngayon humahabol
ka. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko ngunit sadyang nabibiyayaan siya sa pagiging
mabilis at naabutan ako malapit sa may library.

I avoided his gaze. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Porket matalino siya at ako ito kabobohan ang
alam, pagtatawanan na niya ako.

"I'm not laughing at you, love." Mas nairita lang ako lalo sa sinabi niya.

"Anong tawag mo do'n? Pinagtawanan mo ako!" Hinarap ko siya at pinanlisikan ng mata.


Napaatras siya sa gulat ngunit may nakatagong ngiti pa rin sa kaniyang labi na animo ay
bubulanghit na ng tawa kung hindi lang nanlilisik ang mata ko ngayon.

"Nakakahiya kaya. Akalain pa nila na niloloko mo lang ako." ngumuso siya, nagpipigil na
namang tumawa ng malakas. He sighed and hold my hand gently.

"I'm not fooling you love hmm..." pumungay ang mata ko lambing ng boses niya. Sa tuwing
ganito ang ginagamit niyang boses ay nanlalambot ako. Minsanan lang siya manlambing kaya
agad natutunaw ang inis ko kapag nanlalambing siya.

"What if agawin ka nila kasi pinagtawan mo ang girlfriend mo?" nakanguso ko pa ring tanong
ngunit wala ng bakas ng inis.

"uh-huh... really? Papayag ba ako? Papayag ka ba?" Pinanggigilan niya ang tungki ang ilong
ko. He leaned closer to me and when our nose touched. I can feel my heart beating so fast. I
can feel his hot breath on my lips. Napalunok ako sa kakaibang sensasyong nararamdaman.
We never kiss. He said, we should do it in our wedding day. Hahalikan niya lang ang ulo ko, ang
noo o 'di kaya ang kamay...

"KIEROS!" I whined nang inagaw niya ang ice cream na kinakain ko. Binato ko siya ng remote
ng tv nang lumayo siya sa akin. Tumawa siya ng mapang-asar lalo pa at akmang didilaan na
niya ang ice cream na dinilaan ko na.

"IBALIK MO NGA 'YAN! KADIRI KA! MAY LAWAY NA 'YAN!" pagsisigaw ko. Binato ko siya ng
unan pero nakailag siya habang todo asar pa rin sa akin.

"HINDI KA NA MAKAKABALIK SA BAHAY NAMIN KIEROS ISAIAH SALDIVAR!" paniguradong


pulang-pula na ang mukha ko sa hiya nang kainin niya ng tuluyan ang ice cream.

"Oppss..." ngumisi siya ng nakakaloko. Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo. Napalunok
ako dahil ang sexy niyang tingnan pagkakain ng ice cream.
I became a pervert all of a sudden. This is his fault. My mind is clouded with worldly thoughts.

"I'm sorry..." Hindi ako madadala sa panlalambing niya ngayon. Naaasar ako sa sarili ko dahil sa
reaksyon ng katawan ko sa simpleng pagkain niya ng ice cream.

Hinagkan niya ang tuktok ng ulo at niyakap ng mahigpit galing sa likod.

"We will marry after our graduation. I can't wait to call you mrs. Saldivar, love." Napakagat labi
ako bago tuluyang kumawala ang ngiting may kasamang kilig.

I thought our story would never end. Kung gaano siya kasweet mula noong high school pa kami.
Naging magkaibigan kami noong elementary. We are best buddies. He courted me when we're
in grade 10. We became official when we're first year of college and now we plan to get married
after graduation.

One month na lang naman sana ang hihintayin namin but he suddenly give me a cold shoulder.
Once in a week lang siya nangungumusta dahil busy siya sa mga requirements ngayong
graduating na kami. Kahit gaano pa ako kabusy, tinatadtad ko pa rin siya ng text.
"Love, what's our problem?" Naiiyak kong tanong. Kinagat ko ng mariin ng labi ko upang hindi
kumawala ang hikbing pinipigilan ko.

I heard him inhaled sharply. What's our problem? Bakit ngayong malapit na kaming
makagraduate at ikasal ay naging malamig ang pakikitungo niya?

"Do you want to move our wedding day, hmm?" I asked, trying to sound happy but deep inside
his silence is killing me. What if he doesn't love me anymore?

"Hindi na muna kukulitin love ha...." I gritted my teeth. Ayokong mabasag ang boses ko habang
nagsasalita. Pumikit ako ng mariin... humihiling na sana magsalita man lang siya. Miss na miss
ko na siya. Miss ko na ang pang-aasar niya sa akin. Ang panlalambing niya sa tuwing naiinis na
ako ng husto.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. What happened to us Kieros?

"Promise..." halos pumiyok ang boses ko... " lalambingin na kita. Hindi na kita aawayin. Basta
huwag mo namang gawin sa akin 'to." I sound desperate.

Pinahid ko ang aking luha na parang walang planong tumigil sa pag-agos.

"Let's end this." My Kieros is gone. His voice is cold and there's no trace or hint of joke in his
voice. Nanginginig ang kamay pati ang mga labi ko sa narinig. Hindi ko na mapigilang
mapahagulgol.

"I-I-I t-thought...." ni hindi ko maidiretso ang pagsasalita ko dahil sa pagkakabasag ng boses ko.
Hinampas ko ang aking dibdib dahil sa sakit na nanunuot sa aking sistema.

"L-love…" nabasag ang boses ko pagkabanggit ko sa call sign namin. He used to call me love.

"What happened to us, Kieros?" I said almost like a whisper.


"I said let's end this relationship Khierra." Nabitawan ko ang aking cellphone nang mamatay ang
tawag. Nakatulala lang ako habang patuloy sa pag-agos ang aking masaganang luha. Pumikit
ako at halos hindi makahinga dahil naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ngayon.

You might also like