You are on page 1of 13

Prologue

“Mag-iingat ka ‘don, please. Kagagaling mo lang sa ospital.”


Kausap ko ang magulang ko sa video call. Both of my parents live in Rome, Italy and kami ng
dalawa kong kapatid na babae ay dito sa Pilipinas with our grandparents. Pwede naman kaming
tumira ng magkakasama but I don’t really know why they chose to live there.
Kakalabas ko lang galing Hospital, 2 weeks ago. Nakabalik na ako sa bahay at kakauwi lang din
nina Mama sa Italy. Sa 2 weeks na ‘yon ay hindi nila ako pinalabas at buong araw lang na
nakakulong sa bahay. Palagi din naman akong binibisita ng mga kaibigan ko so hindi ako nabo-
bored.

But the person I wanted to see never visited me.

I have so many questions in my head. Bakit hindi niya ako pinupuntahan? Bakit hindi niya ako
kinakausap and why is he ignoring me? Hindi ko maintindihan. Alam ko na binibisita niya ako
nung nasa ospital pa ako dahil sinabi sakin ng mga kaibigan ko pero hindi nung nakauwi na ako
dito sa bahay. Hindi rin siya nagre-reply sa mga messages ko. He never answered to any of my
calls too. Gulong-gulo ako.
“Opo, Ma.”
Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at pinatay na ang call. Pupunta ako ngayon sa school para um-
attend ng Fair. Susunduin kami ni Risch para sabay-sabay na kaming dumating ‘don.
This is the last day of Fair. Meaning, there will be a concert and my friends told me that the
school invited Cole and others to play. This is my chance to see him. My chance to talk to him.
My chance so that all the questions in my head will all be answered.

I want to see him already. Mahal ko padin siya. Well, hindi naman nagbago ‘yon e.

Nakarinig ako ng busina sa labas at alam ko sila na ‘yon. Nagpaalam na ako kina Lola at
lumabas na ng bahay. Pagkakita ko sa kotse ay lumapit na ako ‘don at pumasok. Eunice,
Angeline, Jellah and syempre, our driver, Risch, is already here.

“Asan na yung tatlo?” Tanong ko sa kanila nung hindi ko nakita na wala yung iba naming
kaibigan.
Pinakamalayo ang bahay ko sa kanilang lahat kaya ako ang huling sinundo kaya nagtataka ako
kung bakit wala yung iba.
“Bwisit na mga ‘yon. Nagsolo ang mga kupal.” Ani Jellah.
“Nasa Starbucks, doon ko nalang daw sila sunduin. Ang kakapal ng mukha akala mo sila
nagbabayad ng gas ko, mga punyeta.” Sabi ni Risch.

Sa passenger seat si Eunice at kaming mga natira ang nasa likod. So basically, pag nasundo
namin yung tatlo, siksikan kami dito sa likod dahil hindi kami kasya sa BMW ni Risch.

“Anyway, ano nang balita kay Cole, Madi? Nakausap mo na ba?” Tanong ni Angeline. Kaming
dalawa ni Angeline ang nasa tabi ng bintana at pinaggi-gitnaan namin si Jellah.
“Hindi parin ‘e. I don’t know why he’s not answering sa mga call ko.” Sagot ko sa kaniya.

Their eyebrows furrowed and I know they’re clueless about him too. They said that Cole’s
ignoring them since I got discharge. Nung napansin ko na tatlong araw na akong nakalabas at
hindi man lang ako kinakausap ni Cole, sinabi ko sa kanila ‘yon. Tinanong ko sa kanila kung
may alam sila pero pati sila walang alam.

They think that maybe he will surprise me but that thought get rid when they noticed that Cole’s
ignoring them too. Risch tried to talked to him when she saw him sa Outlets pero nilampasan
lang siya nito. Hindi rin daw alam ni Alexa kung anong nangyayari dahil pati siya ay walang
kalam-alam. Kahit si Tyler ay walang sinasabi sa kanya kaya pati ang relasyon nila ay
nadamay.

Nang nalaman ko parang may mali ay naiyak nalang ako. Hindi ako pwedeng lumabas noon
kaya hindi ko mapuntahan si Cole. Lagi akong umiiyak ‘non at nang nalaman ng kapatid ko ay
sinumbong niya ako sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi sa
magulang namin pero nagpapasalamat ako dahil ‘don.

Nalaman ko nalang na sinugod ni Alexa si Cole sa condo niya. Kasama niya sina Ate Anne na
kahit galit din dito ay pinigilan nila. Galit na galit daw si Alexa dahil kakalabas ko lang sa ospital
pero puro iyak lang ang ginawa ko. Tinanong ni Alexa si Tyler pero nung wala daw itong
nakuhang sagot ay nakipag-break ito. Galit na galit daw si Alexa kay Tyler. Pinagalitan din nila
ako dahil puro iyak nalang ang ginagawa ko. Wala daw mangyayari kung iiyak lang ako.

“Si Alexa ba? Wala bang sinasabi sa inyo?” Tanong ko sa kanilang lahat ngumit umiling sila.
“Tinanong namin siya once pero hindi niya kami sinagot. Hindi na rin naming siya matanong
dahil busy sila sa pagpa-practice ng banda.” Jellah answered.
“Tyler keeps pursuing her and we don’t know if they are okay now. Alexa doesn’t share that
much na this past few weeks and busy din dami sa trabaho namin.” Ani Eunice.
Nagusap lang kami hanggang sa makadating sa Starbucks. Bumaba din muna kami para
tumambay dahil maaga pa naman at mamaya pang pa-gabi magsisimula ang concert. Nakita
namin sina Ate Anne, Vernise, at Amaris sa isang gilid at naguusap lang. Lumapit kami sa
kanila at umupo. Si Eunice at Angeline naman ang bumili ng kape namin.

“Ang kapal naman ng mukha niyo para gawin akong driver at dito pa kayo nagpapasundo.”
Sambit ni Risch pagkaupo.
“Wag ka nang umangal dahil ikaw din naman ang nagvolunteer na sumundo samin.” Sabi ni Ate
Anne.
“Nasan si Alexa? ‘Bat hindi niyo kasama?” Tanong ni Amaris.
“Kahit kalian tanga ka. May tugtog sila mamaya kaya nasa school na, boba!” Sigaw sa kanya ni
Vernise.
“Kamalayan ko. Wala namang nagsasabi sakin!” Sigaw din ni Amaris sa kanya.

Pinagtitigninan kami ng iba kaya sinigawan sila ni Risch dahilan para lalo kaming pagtinginan.
Kahit kalian mga walang hiya e.

“Wala ba kayong trabaho? Lakas niyong um-attend sa Fair, may mga aasikasuhin pa pala
kayo.” Sabi ko sa kanila at dumating na si Eunice at Angelinw dala ang mga kape namin.
Kinuha ko ang akin at ininom ito.
“Baka Sunday ngayon?” Pilosopo sakin ni Jellah.
“Naks. Namimilosopo ka na ngayon. Para dati lang ikaw pinaka-slow samin.” Pang-aasar ko sa
kanya.
“Walang pinagbago. Still a slowpoke.” Asar din ni Angeline.
“Hoy Angge, baka gusto mong sabihin ko kay Isaiah na bawiin ang singsing na binigay sayo.”
Pananakot naman ni Jellah.

Ngumiti ako at tinignan ang singsing na suot ni Isabel sa kaniyang kaliwang kamay. Isaiah
proposed to her last year. Angge said that it was unexpected because she’s ignoring Isaiah for
months daw, to the point that she was close to breaking up with him but Isaiah’s afraid to lose
her so he proposed.

Sana all.
“Inggit ka lang dahil hanggang ngayon wala ka pading jowa.” Angeline.
“Tanda tanda mo na wala ka pading jowa. Nung Highschool nga ang active mong lumandi pero
ngayon kinakalawang ka na. Anyare sis?” Ate Anne.
“Wag kang mayabang dahil wala ka padin namang jowa.”
“Baka may nanliligaw sakin?” Sabi ni Ate Anne habang naka-taas ang kilay.
“Bored lang ‘yan. Tamo, pag sinagot mo yan, mga 3 months magsasawa din ‘yan sayo.” Singit
naman ni Vernise.
“Pakyu niyo! Walang kwenta.” Tanging sagot ni Ate Anne.
“’Tong si Amaris, di ko alam bakit napasama dito e ang busy kaya ng mga Doctor. Wala ka
bang pasyente ha?” Tanong ni Eunice sabay inom ng kape niya. Hindi siya narinig ni Amaris
dahil nakikipagkwentuhan ito kay Risch.

Patuloy lang kami sa pagke-kwentuhan at ng mag-alas 6 ay napagdesisyunan namin na


pumunta ng school. Sumakay na kaming lahat sa kotse ni Risch.

“Punyeta Eunice, tumabi ka nga! Siksik na ako dito sa may pintuan oh!” Sigaw ni Ate Anne
habang sinisiksik ang sarili niya kay Eunice.
“Wala na akong itatabi pa. Anong gusto mo umupo ako sa may gear?” Tumabi naman si Eunice
ng kaunti.
“Hoy Jellah, tumabi ka din! Hindi ka payat okay?” Reklamo ni Angge. Dito kami nakapwesto sa
backseat.
“’Bat ba kasi hindi nalang tayo nagkanya-kanya? May mga sasakyan naman tayo, punyeta!”
Angal ni Vernise.
“Pabida ‘tong si Risch ‘e. Siya na daw susundo satin.” Sabi ko naman.
“E mga tanga pala kayo ‘bat kayo pumayag?” Sagot niya at ini-start na ang kotse.

Wala masyadong traffic kaya mabilis lang kami nakadating. Pagkatapos magpark ay bumaba
na kaming lahat. Sa parking palang ay kita na ang mga rides at food stall. Kakaunti na rin ang
tao kaya sigurado akong nasa Gym na sila. Sa Gymnasium gaganapin ang concert kaya for
sure madami nang nag-aantay ‘don. Bago kami pumasok ay ipinakita muna namin ang ID
namin dati pati na rin ang ticket para sa mga Alumni.

Madilim na nang nagsimula kaming maglakad. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan
papuntang Gym. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. May nakita rin
akong mga Alumni at kinawayan ko sila. Nagulat pa sila nung makita ko pero kumaway din
naman.
“Nakakamiss pumasok. Hay.” Sabi ni Risch.
“Nakakasura ka.” Sabi ko sa kanya.
“Ikaw ang pinakatamad pumasok satin, wag kang plastic.” Sagot ni Ate Anne.

Madami nang tao pagdating namin sa Gym. Sa pinakalikudan kami pwumesto kasi puro
siksikan sa harap. Ayoko din naman maipagsiksikan at kita padin naman kahit dito kami
pwumesto. Naka-set up na ang mga gamit sa stage at ang mga gagamit nalang ang kulang.
May inimbita ang school na isang sikat na banda at sila ang unang tutugtog bago sina Cole.
Hindi ko alam kung sino ang bagong Vocalist na babae, dati ako, ngayon, I don’t have an idea.

Naalala ko tuloy nung mga panahong ako pa yung Vocalist, doon nagsimula ang lahat. Lahat
nang mga nangyari samin. Nakakamiss.
Nagsigawan ang mga tao kaya tumingin ako sa unahan at nakitang magsisimula na ang
concert.

“Naks! Yaman ng Canossa, December Avenue inimbita.” Sabi ni Amaris.


“Tuition ng mga studyante ‘yan.” Sabi ni Ate Anne at tumawa kaming lahat.
“Magandang Gabi Canossians! Ang kantang ito ay para sa mga taong hindi minamahal pabalik.
Para sa mga taong desperado at sa mga taong hindi sumusuko sa kanilang minamahal. Para
sa inyo ‘to.” Nagsigawan ang lahat sa sinabi ng Vocalist kasama na ang mga kaibigan ko. Ang
sakit sa tenga!

“Tangina, ako ba ‘yan?!”


“Teka, hindi ako nakailag!”
“Hula ko mga Grade 7 ang mga nasigaw.” Sabi ni Angge. Tumawa naman kami sa sinabi niya.

Hindi masabi ang nararamdaman


Hindi makalapit, sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo

Marami ang nagsigawan at nakisabay sa pagkanta. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakataas
ang mga cellphone at nagvi-video. Ang ibang tao naman ay nakabukas ang flashlight at
iwinawagayway sa ere.
Nakita ko sa gilid namin si Timothy na nakatingin sakin. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko
siya at kumaway sa kaniya. Dinalaw niya ako sa bahay noong nakastay lang ako sa bahay.
Hindi ko alam na pupunta sila dito. Kasama niya si Yuan, Shionne at tatlong lalake. Tumingin
din sa banda namin sina Yuan at kumaway sakin.

Hindi mapakali, hanggang tingin na lang


Bumubulong sa 'yong tabi

Lumapit ako sa kanila matapos kong sabihan ang mga kaibigan ko na lalapitan ko sila. Habang
naglalakad ako ay nakatitig lang sakin si Tim, hindi inaalis ang tingin.

“Hi Madison! How are you? Grabe. Buti pinayagan ka ng lumabas.” Salubong sakin ni Shionne
pagkalapit ko. Tumingin ko sa kanilang lahat at hindi parin inaalis ni Tim ang tingin niya sakin.

“Okay lang. Kayo ba? Hindi ko alam na pupunta kayo dito.” Sabi ko sa kanila.
“Nakakamiss din pumunta dito sa school ‘e.” Sagot ni Yuan.
“Good old days.” Sabi nung isang lalake at nginitian ko naman siya.

“Why are you here? Akala ko bawal ka pang lumabas? Does Tito know you’re here?” Tumingin
ako kay Tim at nakita kong masama ang tingin niya sakin habang nakaigting ang panga tanda
na masama ang mood niya.
“Daming tanong. Ang OA pa. Hindi na ako bata, okay?” Sagot ko at ngumiti sa kaniya.
“Yung height mo pang-bata.” Bawi niya sakin.
“The heck? Kailan ka pa natutong mag-joke?” Asar ko sa kaniya at hindi pinansin ang sinabi
niya. He glared at me but I just laugh.
“Tumawa ka nalang. Masyado niyang pinagiisipan ang mga joke niya.” Sabi ni Yuan at inirapan
naman siya nito. Binalik ko ang tingin ko kay Tim at nakitang nakatitig na namana siya sakin. I
smiled at him.
“I missed you.” Tim said.
“Psh! Kakadalaw mo lang sakin kahapon.” Sabi ko.

Well, namiss ko din naman siya.


Kinanta din ng December Avenue ang iba pa nilang kanta. Nang matapos sila ay nagpaalam na
ako sa kanila at bumalik na sa mga kaibigan ko. Sina Eunice ay may hawak ng inumin.

“Grabe yung kanta nila. Hindi na makatarungan. Masyadong sapol.” Sabi ni Risch. Lumapit ako
kay Eunice at humingi ng tubig. Medyo nauhaw ako ‘don. Halos ilang oras din ‘yon.

“Mic check, mic check.”

Bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang boses na ‘yon. Ang tagal na simula nung
hindi ko narinig ‘yon. Inangat ko ang paningin ko sa stage at ganon nalang ang pagkabigla ko
nang makita ko siya. Ang daming nagbago sakanya. Simula sa tindig, postura at mukha niya.

“Yan na, bebe mo, Madison.” Sabi ni Vernise.


“Baka tumalon ka pa papuntanag stage ha. Kalma ka lang.” Pang-aasar ni Ate Anne.
“Good Evening! The school invited us here to play some song. Some of you don’t know us and
some does. Alumni po kaming lahat ng nakikita niyo dito sa stage at itong banda namin ay
ginawa habang dito pa kami pumapasok.” Sabi ng katabi ni Cole.

So siya na pala ang bagong vocalist. She’s good. I know that. I heard her sang many times and
she’s good. Nakita ko din ang kaibigan ko sa unahan, inaayos ang keyboard niya. Lalo siyang
pumangit, charot!

Si Bryant naman ay kinukulit si Tyler na inaayos ang gitara niya. Si Kirby wala pading pake sa
mundo. Wala padin pinagbago. Natawa ako sa isip ko.

Tumingin ako kay Cole at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa mga tao. Pero hindi
mo ako maloloko, Cole. I know that smile is fake. Ilang taon din tayong nagsama at alam ko
kung peke ba ang mga ngiti mo.

“Let’s start! Our First Song for today is Balita by I Belong to The Zoo.” Sigawan ang mga tao
matapos sabihin ni Leigh ang tutugtugin nila.

Parang tangang kausap ang tala at buwan


Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Maganda padin ang boses ni Cole, kung may nagbago man, mas lalong bumaba yung boses
niya, pero hindi ito ang naging dahilan para maka-apekto sa pagkanta niya. Tinignan ko siya.
Ang pagka-moreno niya. Mga mata niyang kulay kayumanggi. Ilong niyang matangos. His jaw.
My favorite. His red lips. His messy hair na lagi niyang pinapa-ayos sakin. White Round Neck T-
Shirt na pinatungan ng Yellow Long Sleeve Plaid Shirt. Light Blue Jeans with Black Belt and
White Sneakers.

Damn, I missed him so much.

Baka pwede lang kahit pa pasaring


Sa sarili ko'y magsisinungaling
Nakisabay na ang crowd sa pagkanta. Ang ganda ng boses nilang parehas, ang sarap sa
pakiramdam. Magkahawak kamay din sila habang kumakanta kahit pang-broken yung kanta.

Hindi pa kami nakikita nina Cole kasi malayo kami, pero okay lang, masaya ako na nakita ko
siya ngayon but, I won’t let this day pass na hindi kami nag-uusap.

Iba ang napapansin ko sa kanilang dalawa tuwing tumitigil sila sa pagkanta. Tsaka yung mga
tinginan nila. Bakit parang… Aish! The last thing I want to do is doubt him. I trust him.
“Our second to the last song, Sila by SUD. Sabayan niyo kami ha.” Leigh.

Matagal tagal ding nawalan ng gana


Pinagmamasdan ang dumadaan

“Nabi-bwisit ako sa babaeng ‘yan. Pigilan niyo ‘ko.” Sabi ni Risch habang nakatingin sa unahan.
“Easy ka lang, sis. Wala pa tayong alam.” Ani Ate Anne pero ang mga mata niya ay may bahid
ng pag-aalala at pagtataka.

Mukhang napapansin din nila ang napapansin ko. Walang akong mapapansin kung walang
kapansin-pansin.

Walang sagot sa tanong


Kung bakit ka mahalaga
Talagang makikita mo sa mukha ni Cole na dinadama talaga niya yung kanta. His eyes are
close while singing the lyrics.

Kung may darating man na umaga


Gusto kita sana muling marinig, marinig

Cole opened his eyes as he sang the last line.

Walang papantay sa'yo


Maging sino man sila

“Remember that I will always love you.” Cole said.

Nagsigawan ulit ang mga tao at tinanong kung sino ‘yon. Hindi naman sila sinagot at ngumiti
lang ito.

“Hindi naman pwede na puro pang-broken lang yung kakantahin namin, may mga inlove din
naman siguro dito, for sure ano.” Nagwala ang crowd at may narinig pa ako na wala daw silang
ganon. “Let our response be.”
“Nawa’y lahat!” Sigaw ng mga tao.
“This is our last song. Hope you enjoy this night, people.” Many people get disappointed when
she said that.

At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling

Si Leigh ang unang kumanta habang nakapikit. Nagsimulang itaas ng mga tao ang flashlight
nila at iwinagayway ito habang nakikisabay sa pagkanta.

Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata


The way they look at each other while they’re singing, why am I hurting? Hindi normal yung
tingin nila sa isa’t-isa. Hindi ‘yon tingin ng isang normal na magkakilala lang. Hindi ‘yon tingin ng
magkaibigan lang. Hindi ‘yon tingin ng magkabanda lang. I know there’s something in it.
Minsan na din tumingin ng ganan sakin si Cole pero ang hindi ko maintidhan ay bakit may bahid
ng kalungkutan ang mata niya.

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama

They both sang the chorus while looking at each other’s eyes.

Handa ako sa walang hanggan


'Di paaasahin
'Di ka sasaktan

Cole, I don’t want to doubt you but I can’t. I’m sorry but what’s happening? What’s wrong?

At sa wakas ay nahanap ko na rin


Ang aking tanging hinihiling

Si Cole naman ang kumanta nito at inalis ang mic sa stand at isinayaw si Leigh ng dahan-
dahan. Nagwala ang mga tao sa kanilang nakita.

Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal


Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal

Cole held Leigh’s face as he sang the song. I started crying. Nakatingin na ngayon sakin ang
mga kaibigan ko ng may awa sa mga mata nila. Ayokong sabihin pero nararamdaman ko na ‘e.
Alam kong tama ‘tong nararamdaman ko.

“Tangina talaga ni Cole! Sabi na e. Ramdam ko ng may mali.” Galit na sabi ni Risch.
“Wag muna tayo mag-conclude. Wala pa tayong alam.” Sabi ni Angge pero nakakunot ang noo
niya.
“Ayan na nga o! Nasa harap mo na!” Sagot naman niya.

“Tinginan palang nila. Tsaka the way they hold each other hands? At puta may pa bewang pa?
Ano sa tingin mo iisipin namin?” Nagsalita na din si Vernise.

Mula noon (Mula noon)


Hanggang ngayon

Tinanggal ni Cole ang mic niya sa mic stand at pumunta siya sa likod ni Leigh. Nakapikit si
Leigh habang kumakanta kaya hindi niya alam kung anong ginagawa ni Cole. Nagsimulang
magsigawan ang mga tao at hinawakan ako sa balikat ng mga kaibigan ko.

Ikaw at Ako

“Leigh…“ Lumingon si Leigh kay Cole at napahawak siya sa mga bibig niya nang makita niya na
nakaluhod ito.

Dito na ako nagsimulang humaguhol. Tumigil sila sa pagkanta at tanging ang piano lang ang
tumutugtog bilang background music nila.

“Leigh, I know na masyadong maaga para dito but I don’t wanna lose you. I’m already sure
about this. We can make this a long engagement. Maghihintay ako hanggang sa maging handa
ka. I already asked your parents about this at masaya ako na pumayag sila. Ikaw nalang ang
hinihintay ko. Leigh, payag ka ba? Will you marry me?”

Alam mong siya yung babaeng lagi kong pinagseselosan. Alam mong siya yung lagi kong
sinasabi sayo. Anong nangyari?

Cole, bakit? Akala ko ako na? Akala ko sakin niya gagawin ‘yon. Akala ko ako yung tatanungin
niya ng tanong na ‘yon. Nawala lang ako naghanap ka na ng iba? Talaga ngang nakakamatay
ang akala. Para akong pinapatay sa sakit. Sobrang sakit.
Baby, it hurts so damn much.

“Yes! Yes, Cole, I’ll marry you!” Sigaw ni Leigh.

Nilagay ni Cole ang singsing kay Leigh. Tumayo siya at binuhat ang babae. Nagsigawan ang
crowd sa sagot niya habang ako, umiiyak. Pinagtitinginan na din ako ng iba pero hindi ko
mapigilan yung sarili ko. Tinuloy nila ang pagkanta ng magkadikit ang noo at nakatingin sa isa’t-
isa.

Tangina.

At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay

Patuloy parin ako sa pag-iyak habang nakatingin sa kanila. Ang saya nila.

Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka

“Bakit ganito? Tangina, ang sakit.” Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Mula noon
Hanggang ngayon

“Madi, I’m sorry. Wala din kaming alam.” Sabi nila and they started crying too.

Nag-promise kami sa isa’t-isa. Sa lahat ng mga pinuntahan namin, nag-promise kami na


pupuntahan ulit namin ito pag kasal na kami para alalahanin ang mga alaala na ginawa namin.
Wala lang ba sa kaniya yung 3 years namin?
Tumawa ako sa naisip ko. Bakit nga ba namin pinagusapan ‘yon noon? Wala kaming alam sa
mga mangyayari sa future. Hindi namin hawak ang mga mangyayari samin. Hindi lahat ng
pinagpa-planuhan, natutupad. Laging may isang bagay na mangyayari para humadlang.

Mula noon
Hanggang ngayon

Tumingin ulit ako kina Cole at ganon nalang ang pagkabigla ko nang makita ko siya na gulat
nakatingin sakin. Eto pala ang inabot ko sa 2 taon na hindi ako gising. Grabe namang sakit nito.
Hindi ko inaasahan. Hindi ko napaghandaan.
Humiwalay ako sa mga yakap ng kaibigan ko. I smiled at him for the last time and mouthed to
him,
Ikaw at Ako
“I love you.” At umalis na ako.

You might also like