You are on page 1of 9

KAPATID, KAIBIGAN, KAKAMPI

Theme: Celebrating diversity through the performance of talents and skills for sustainable
inclusive education

Kilalang matalino, mabait, at guwapng binata si Alvin Madrigal. Kilala siya sa kanilang
unibersidad dahil sa angking talino nito. Ngunit isa lang ang hindi nila alam. Ang pagkakaroon
niya ng nakababatang kapatid na may diperensya sa utak.

Alvin: (pasok sa loob ng bahay) Ma? Pa? Andito na po ako.

Elle: (sinalubong si Alvin) Kuya! Kuya! Kuya! *pumalakpak* Yehey andito na si kuya! Ang
pasalubong ko po?

Alvin: Anong pasalubong? Sa school ako galing. Hindi sa mall. (nilampasan ang kaniyang
kapatid.)

Elle: (hinabol si Alvin.) *malungkot* Pero sabi po ni mommy may dala ka daw na laruan para sa
akin.

Alvin: (humarap kay Elle at sinamaan ito ng tingin.) Puwede ba, Elle? Huwag ako ang pag-trip-
an mo ngayon? 16 years old ka na at isip bata ka parin. Kung hindi ko lang naiintindihan ‘yang
sakit mo sa utak, matagal na akong nagsawa sa’yo. Diyan ka na nga! Bad trip!
Nagdadabog na iniwan ni Alvin si Elle na tahimik lang na umiiyak.

Elle: Bakit galit si kuya sa akin? B-bad ba akong girl? *suminghot sabay pahid ng luha* ‘wala
naman akong ginagawang masama. D-dapat ako ang magalit kay kuya. Bad siya. ‘di niya ako
binilhan ng toys. *umiyak ng malakas*

Alvin: (sumigaw ng malakas) Ang ingay mo! Nagpapahinga ako dito! Kainis talaga!

Natahimik si Elle at napayuko.

000

Nang gabing iyon, umakyat si Elle para sana magpabasa ng story books sa kaniyang kuya bago
siya matulog.

Elle: (kumatok sa pinto) Kuya? Kuya? Kuya? Ku-

Alvin: *pasigaw* Ano nanaman ba!? Natutulog na ako!

Elle: *ngumuso* Basahan mo po ako ng story book. Hindi kasi natapos ni yaya ‘yung story ni
Rapunzel kagabi. (Kumatok ulit sa pinto ng tuloy-tuloy.)
Alvin: (padabog na binuksan ang pinto) Bobo ka talaga kahit kalian, noh? Sinabi na ngang
matutulog na ako. Why can’t you just read it all by yourself?

Elle: I-I can’t. *naiiyak* Hindi po ako marunong magbasa-

Alvin: Kasi nga wala kang alam. Mahina ang utak mo. O baka nga wala kang utak?

Elle: (nagtatakang tumingin kay Alvin) Po? ‘Edi patay na sana ako kuya kung wala akong utak?

Alvin: (napahilamos sa kaniyang mukha) Ewan ko sayo! Kahit kailan ka talaga.

Elle: (kinuha ang kamay ni Alvin saka hinawakan ito ng mahigpit.) Kuya please po? Basahan
mo na ako ng story. Para sleep na ako. *baby talk*

Alvin: Ilang taon ka na nga ulit?

Elle: (pinakita ang anim na daliri) Ganito po.


Alvin: You’re sixteen. Not six. So read it. Diyan kana nga. Nakakawalang gana ka. (iniwang
mag-isa si Elle sa labas ng kwarto.)

000

Kinaumagahan ay mag-isang naglalaro si Elle sa harap ng kanilang bahay. Natapos na niya ang
ginawa niyang letter para sa kaniyang kuya na gusto niya sanang ibigay dito. Hindi masyadong
marunong magsulat Elle pero pinilit niya paring pagandahin ang sulat niya para naman matuwa
ang kaniyang kuya. Saktong uwian naman ng mga estudyante. Pinagtitinginan siya ng mga
dumaraan doon kasama na rin ang mga barkada at nagkaka-crush sa kaniyang kuya.

Elle: (masayang kumakaway sa mga dumaraan. Tumalon-talon nang makita ang kaniyang kuya.)
Kuya Alvin!!!

Alvin: (pagalit na lumapit kay Elle at mahigpit na hinawakan siya sa braso.) Anong ginagawa
mo!?

Elle: *ngumiwi sa sakit* A-aray ko po k-kuya. Masakit. (pilit na tinatanggal ang kamay ni Alvin
sa kaniyang braso.)

Alvin: Bakit dito ka sa labas naglalaro? Sinabi ko na sayo, di’ba? Sa loob ka lang dahil
madaming makakakita sayo!
Elle: Kuya, g-gusto ko lang naman pong makakita ng students na gaya mo.

Alvin: Hindi ka nga pwedeng magpakita sa kanila! Ano bang mahirap intindihin doon? Ano
nalang ang sasabihin ng mga barkada ko nung nakita ka nila kanina dito? Ano nalang ang
sasabihin nila sa akin? Tignan mo nga ’yang itsura mo! (pinasadahan ng tingin si Elle mula ulo
hanggang paa.) Ang dami mo pang bitbit na Barbie dolls! Mahiya ka naman. Ang tanda-tanda
mo ng tao naglalaro ka pa ng ganiyan. Buti sana kung nasa loob ka ng bahay!

Elle: *umiyak sa sakit* Kuya bad ka! Ang sakit. Tama na po. Bad ka. Tama na po…

Alvin: Sa susunod, kung ayaw mong masaktan, sumunod ka sa binibilin ko sayo. Kung sinabi
kong sa loob ka lang maglaro at huwag kang magpapakita sa mga kaibigan ko, sumunod ka.
Maliwanag? (pinanlakihan ng tingin si Elle.)

Elle: O-opo. Sorry na po kuya. ‘Di na po ako uulit. Goodgirl na po ako. *suminghot*

Alvin: (binitawan na ang braso ng kaniyang kapatid.) Pumasok ka na sa loob. At huwag kang
makikipaglaro sa akin. Pagod ako. Sa yaya mo ikaw makipaglaro.

Dumeretso sa loob ng bahay si Alvin habang pinupulot naman ni Elle ang kaniyang mga laruan
bago sumunod sa loob ng bahay.
Elle: (tahimik na inaayos ang kaniyang mga laruan habang naka-upo sa sahig. Nakita niya ang
kaniyang kuya na nagmemeryenda habang masama ang mukha na nakatingin sa kaniyang
cellphone.)

Alvin: Nakakainis naman!

Elle: *tingin kay Alvin* Kuya okay ka po?

Alvin: Hindi ako okay! Pinagtatawanan ako nila Isaac at Julius dahil sa’yo! Bakit daw ako may
alagang baliw! Argh! Ikaw kasi! Napakakulit mo! Bakit ba kasi ako may kapatid na baliw? Ang
malas-malas ko! (pabagsak na ibinaba ang plato sa mesa at iniwan si Elle.)

Elle: *umiyak* Ang bad, bad mo talaga Elle. Ginalit mo nanaman si kuya. Ang bad mo.
(tumakbo palabas ng bahay at nadapa. Mas lumakas ang iyak niya.) Waaah! Aray ko! Aray!

Naupo si Elle sa damuhan habang umiiyak ng malakas. Wala namang pakialam ang kanilang
kapitbahay. Saktong bumuhos ang ulan. Mas lumakas ang iyak niya dahil mas naging mahapdi
ang kaniyang sugat.

Alvin: (lumabas ng bahay habang nakapayong. Mabilis na pumunta kay Elle para payungan ito.)
Ano nanamang kabobohan ‘to, Elle?
Elle: *umiyak lang* Masakit… aray!

Alvin: Tsk! Halikana nga! Magkakasakit ka na! (inalalayang tumayo si Elle at dahan-dahang
pumunta sa loob ng bahay.)

000

Totoo nga at nilagnat si Elle dahil sa ulan. Mahina rin kasi ang resistensya nito kaya madaling
makapitan ng sakit.

Alvin: (may bitbit na plangganita at face towel. Umupo sa tabi ni Elle na nakahiga.) Ang kulit
kasi. Ayan tuloy, nilagnat ka. Wala pa naman si mama at papa.

Elle: *nanginginig sa lamig*

Alvin: (patong ng basang face towel sa ulo ni Elle.) Alam mo ba? Noong pinagtatawanan ako
nila Isaac sa group chat kanina? Nainis ako. Nahiya kasi ako. Akala ko iiwanna nila ako dahil
may kapatid akong gaya mo. Pero nagulat ako, nagalit doon si Althea. Kilala mo naman ‘yon
di’ba? Siya ‘yung sinasabi ko sayong crush ko. Pinagtanggol niya ako kanina, Elle. Sabi niya,
dapat nga daw magpasalamat ako kasi may kapatid akong mabait, maganda, at sweet. Sabi niya
hindi daw dapat kita ikakahiya. Dahil blessing ka sa buhay namin.

Elle: Hmmm… *nanginginig parin*

Alvin: At totoo nga ‘yung sinabi niya. (kinuha ang letter na sinulat ni Elle para sa kaniya.
Pinakita ito kay Elle habang nakangiti.) Noong umakyat ako, nakitako ‘tong letter na ‘to ditto sa
kama ko. Noong binasa ko, gusto kong maiyak. Naisip ko naang sama-sama ko pala talagang
kapatid sa’yo. Wala ka naming masamang ginagawa sa akin. Eto nga oh, may sweet letter ka pa
na alam kong pinaghirapan mo. Kaya sorry sa lahat ha? Pangako magiging mabait na si kuya.

Elle: *bumulong* kuya s-sorry…

Alvin: Shhh… Ako ang dapat mag-sorry sa’yo, Elle. Hindi dapat kita tinatrato ng ganun. Dapat
bilang kuya mo, ako ang magiging kakampi mo. Ako ang dapat maging kaibigan mo. Kaya
sorry sa lahat. Dahil sa akin, lagi kang nasasaktan. *tahimik na umiyak* Sorry, ha? Pangako
hindi ka na aawayin ni kuya. Pangako tuturuan na kitang magsulat at magbasa. Basta
magpagaling ka agad, ha?

Elle: *naiyak sa tuwa* thank you po kuya. Thank you po ng marami. Good girl na po ako.
Salamat po. Hindi na po ako magiging pasaway para di ka na magalit sa akin.

Alvin: *ngumiti* *tuloy sa pagpunas kay Elle* Magpagaling ka na. Idadala ka ni kuya sa school
bukas para makapunta ka rin sa school. I love you bunso.

Elle: Yehey! I love you too, kuya. Yey!

Nagyakapan ang magkapatid bago itinuloy ni Alvin ang pag-aalaga kay Elle.

-End of script-

You might also like