You are on page 1of 51

1. EXT. KALSADA. HAPON.

Tuluyan nang tatakpan ng buwan ang araw at magdidilim sa kalsada. Tarantang magtatakbuhan ang
mga tao habang nakatingala sa langit. Isang matandang babae ang takot na takot na mapapaupo sa
tabi ng kalsada at magdarasal. Kakahot ang mga aso.

MATANDANG BABAE
Diyos ko po, gunaw na yata!

Mula sa pagbabantay sa tindaha'y sisigawan ni Lucio ang babae.

LUCIO
Hindi ho, eclipse lang ho 'yan!

Walang damdamin sa mukhang pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang naglalakad. Mahigit beinte
si Elsa, mallit lang, katulong sa malaking bahay. Ang lugar ay Cupang, isang baryo sa Pillpinas na
mataga! na panahon ding hindi dinaratnan ng ulan, nagbibitak ang mga kalsada't natutuyo ang mga
pananim.

Sa dilim ay makikita ni Elsa sina Lolo Hugo, Bella, at Pilo. Bulag si Lolo Hugo, akay akay ng
pamangking si Bella.

LOLO HUGO
Bakit, anong nangyayari?

BELLA
Naku, Tiyong, umuwi na tayo, natatakot ako!

PILO
(kay Bella). Ikaw kasi e, ayaw mo pa akong sagutin. Ikaw rin, baka matapos na
ang mundo.

Maglalakad si Elsa at makakasalubong si Sepa, asawa ng magsasaka.

SEPA
Elsa, nakita mo ba sina Nestoy at Intong? Nasa eskuwelahan ba?

ELSA.
Hindi ko nakita.

Maglalakad palayo si Elsa. Magpapatuloy ng paghahanap si Sepa.

2. EXT. BUROL. HAPON.


Sa dilim ay mangangapa si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Madadapa siya.
Babangon sana pero may maririnig na bulong.

BOSES NG BABAE
Elsa.

Mapapalingon si Elsa. Parang tumahimik ang lahat, nakikinig din. Nagtatakang tatayo si Elsa. Sa loob
ng ilang sandali'y wala siyang makikita. Hahakbang siya palapit sa tuyung-tuyo't walang dahong
Punong kahoy sa tuktok ng burol.

Noon niya makikita ang kung anuman 'yun. Parang nauupos na kandilang mapapaluhod siya at
maninigas ang katawan, tatapon ang ulo papunta sa likod habang nakatingalang parang mababakli
ang leeg, hindi kumukurap ang mga mata, sa dilim ay nagniningning ang mukhang akala mo'y
sinisikatan ng araw.

3. INT. SALA. BAHAY


NINA ELSA
GABI.

Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Sa altar ay may
nakasinding kandila sa imahen ng Birhen.

ALING SALING
Munting kumibot ang lupa'y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman
naniniwala pa rin silang ang lugar na (to'y isinumpa. Sabagay naniwala din ako n'ong
una pero "gayon, ewan ko. Baka me mga lugar talagang bihirang datnan ng ulan. Hoy,
EIsa, nakikinig ka

ELSA
Opo.

AUNG SALING
Lagi kang wafa sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo. Lagi
kang nasa burol. Hang taon ka na ba?

ELSA
Beinte-kuwatro po.

ALING SALING
Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na.

ELSA
Wala naman pong nanliligaw sa'kin e.

ALING SALING
Me anak 'yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa.

ELSA
Inay, me ipagtatapat po ako sa Inyo.

ALING SAliNG
Baka sabihin nila'y mag-ina tayong matandang dalaga. Di Rita inampon para gumaya lang
sa'kin.

ELSA
Nakita ko po ang Mahal na

Birhen.

Mapapatingin si Aling Saling.


ELSA
Sa burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul.
May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya at saka
nawala.

Mapupuno ng ligalig at pag-aalala ang mukha ni Aling Saling.

ELSA
(manlulumo). Ayaw po kayong maniwala sa akin?
Bubuntung hininga si Aling Saling.

4. INT. BAHAY NINA


ELSA. HAPON.

Muling babagsak ang pamalong hawak-hawak ng arbularyo. Tatama sa nakahubad na likod ni Elsang
nakadapa sa katre. Sa halip mapangfwi sa sakit ay titigas ang mukha niya.Nag-aalalang nakatingin
sa tabi) si Aling Saling, akala mo'y siya ang pinapalo. Hindi makatingin si Chayong, kaibigan ni Elsa.
Nakatayo iang si Mrs. Alba, amo ni Elsa.

Muling hahataw ang pamalo. Lalong titigas ang mukha ni Elsa. Humihingal na titigil ang arbularyo.

ARBULARYO
(kay Aling Saling). Talagang matigas ang espiritu. Kailangan pa nating maghintay nang ilang
araw.
Tsaka n'yo na Iang siya ibalik sa'kin.

Lalapit ang kamera sa mukha ng nakadapang si Elsa. Naroroon pa rin ang tigas.

5. EXT. BUROL UMAGA.

Kakanta-kantang papunta si Baldo sa bukid. Mapapatigil. Makikita si Elsa sa burol, nakaluhod sa harap
ng tuyong punongkahoy, naninigas ang nakatapong ulo sa likod, walang kagalaw-galaw.

Humuhugong ang hangin.

Nagtatakang lalapit si Baldo at mabibigia.

May sugat sa magkabilang bisig si Elsa pero parang walang nararamdamang sakit.

BALDO
Elsa? Elsa?

Di gagalaw si Elsa. Yuyugyugin ni Baldo sa mga balikat.

BALDO
Elsa!

Matagal bago magmumulat ng mga mata si Elsa. Pero parang wala pa ring nakikita. Bubukas ang mga
kamay niya. May sugat siya sa mga palad.

6. EXT/INT. KUMBENTO. GABI

Sa labas ng kumbento'y palakad-lakad na naghihintay sina Baldo, Aling Saling, Mrs- Alba at Chayong.
Pabulong na nagrorosaryo si Chayong.
Sa loob ng silid ay nakaupong magkaharap sina Elsa at ang pari. Parang inquisition ang nangyayari.
Walang simpatiya ang pari kay Elsa.

Matatag at walang damdamin si Elsa. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ng nakatayong imahen


ng Birhen.Hindi tumitingin dito si Elsa.

PARI
Kung minsa'y nagpapanggap ang demonyo. Nakikilala siya tatlong

persona.

Di kikibo si Elsa.

PARI
(ituturo ang imahen). Ganito ba ang nakita mo?

ELSA
Opo. Pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.

PARI
Me baril na ba noong unang panahon?

ELSA
Ewan ko po

PARI
E papaano mo nakita e may eclipse?

ELSA
May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Para po siyang nabibihisan ng araw.

PAR1
Nakausap mo siya?

ELSA
Noong una po'y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero n'rtong huli'y
nagsasalita na siya.

PAR1
Bakit daw siya umiiyak?

ELSA
maraming kasalanan ang tao.

PAR1
Sa kanya mo ba nakuha ang mga sugat mo?

ELSA
Ewan ko po pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito,
isang araw ay mawawala ang sumpa.
PAR1
Naniniwala ka na isinumpa ang baryong ito?

ELSA
lyan po ang kuwento ng matatanda. (titigil, mapapatingala sa imahen). At ang sabi din po
niya, darating daw po ang araw at lalapit daw po sa akin lahat ng may sakit at
manggagamot daw po ako. Hindi lang daw po sugat ng katawan kundi pati 'yung sagot ng
mga kaluluwa.

PARI
Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. Di sasagot si Elsa.

PARI
At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba.

ELSA
Lagi naman po niyang ginagawa 'yun e.

PAR1
May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa? Ang Panginoong Diyos ay hindi gagawa
ng milagro para lang mapagtakpan ang pagkukulang sa pananampalataya ng mga tao.

ELSA
Totoo po ang nakita ko.

7. INT. KUWARTO. BAHAY


NINA ELSA. GABI.

Sa sahig ay nakahiga na para matulog si Elsa. Nakaupo sa tabi ang nag-aalalang si Aling Saling.

ALING SALING
Baka pagtawanan ka ng mga tao. Kung anu-ano kasing iniisip mo. Baka matanggal tayo sa
trabaho
kay Mrs. Alba. Mahlrap lang tayp, Elsa. Baka madagdagan pa ang problema natin.

ELSA
Totoo po ang sinasabi ko, Inay.

ALING SALING
Nagsisisi ako. Pinabayaan kita n'ong maliit ka pa. Kung anu-anong mga kuwento ang
iniimbento mo noon, na pinaniniwalaan ko. Minsa'y sinabi mong me kalaro kang anghel.
Gusto kitang pigilan noon pero lungkot nalungkot ka. Lagi kang kinakantiyawang putok
sa buho ng mga kalaro mo. Napulot iang daw kita sa burol. Inampon lang daw kita dahil
tumatandang dalaga ako't kailangan ko ng libangan. Lagi kang nag-iisa. Kaya pinayagan
kita sa mga laro mo. Sabi ko'y bata ka pa, lilipas din. At lumipas nga. Hanggang kahapon.
Akala ko'y lumipas na.

8. INT. KUWARTO. BAHAY


NINA ELSA. MADALING ARAW.
Magigising si Aling Saling. Mapapansing wala si Elsa sa higaan. Mapapabalikwas ng bangon.

9. EXT. KALSADA. UMAGA.

Sagsag sa kalsada sina Aling Saling, Chayong, at Baldo.

CHAYONG
Baka ho nasa burol.

10. EXT. BUROL. UMAGA.

Mapapatigil sina Aling Saling, Chayong at Baldo. Nakaluhod si Elsa sa harap ng punongkahoy na
pinagpakitaan sa kanya ng Birhen. Mapapatingin ito sa kanila, walang damdamin sa mukha. Susugurin
nila ito at mapapatigil sila sa pagtataka. Wala na ang rnga sugat sa katawan ni Elsa.

CHAYONG
Susmaryosep!

TAGABARYO
(off-camera). Baldo! Baido!

Tumatakbong lalapit ang isang tagabaryo.

TAGABARYO
Baldo, 'yung bisita mong taga-Maynila, 'yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang
sakit niya! Gumaling na daw siya!

Magkakatinginan sina Chayong, Baldo, at Aling Saling. Parang hinigop na mapapaluhod si Chayong sa
harap ni Elsa. Mapapatingin lang sa kanya si Elsa. Di malaman ni Baldo kung aalis para tingnan ang
kaibigan niya, o luiuhod kay Elsa. Mapapaluhod siya sabay kabig paluhod din sa tagabaryo.

Maiiwang mag-isang nakatayo sl Aling Saling. Naglalaban sa mukha ang iniisip at nararamdaman.
Mapapatingin sa kanya si Elsa. Bubukas ang bibig ni Aling Saling at may lalabas na tunog na di
maintindihan. Habang nagtatalo pa rin sa mukha ang halu-halong damdamin ng pagtataka,
pagkapahiya't pagmamahal sa anak ay mapapaluhod na rin siya. Walang damdaming nakatutok lang
ang mga mata ni Elsa sa mga nakaluhod sa kanyang harapan.

11. INT. SAUL BAHAY


NINA ELSA. UMAGA.

Itataas nl Elsa ang mga kamay at marahang hahagurin ang mga mata ni Lolo Hugo. Umaasang
nakatlngin sina Bella, Chayong, Aling Sating, Sepa at Baldo. Ginagaya nl Chayong bawat galaw ng
kamay ni Elsa.

12. INT. SALA. BAHAY


NINA ELSA. UMAGA.

Katatapos lang nllang blhisan nang puting-puti si Elsa.

CHAYONG
Kasya pala sa'yo. Damit 'yan ng pinsan kong nagmadre.

Lalakad sila para umalis. Sa altar, ang imahen ng Birhen ay may nakasabit nang mga bulaklak at
nakaslnding kandila.

13. EXT. KALSADA. UMAGA.

Para silang munting pruslsyon sa kalsada. Si Elsa kasunod sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa.
Daraan sa tapat ng tindahan ni Lucio. Papaswitan slla nito.

LUCIO
Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa'yo ang Mahal na Birhen at pagkalooban ka

ng asawa!

Hindi siya papansinin nina Baldo.


14. EXT. BAHAY NINA ELSA.

Nakatlngin lahat sina Mrs. Alba, Aling Saling, Sepa. Chayong, Baldo, Hang deboto at pasyente mula sa
Cupangatkalaptt-baryo. Isang pasyente ang ihaharap ni Baldo kay Elsa.

ELSA
Anong nararamdaman n'yo?

PASYENTE
Naipitan ako ng ugat sa leeg.

Mamasahiin ni elsa ang leeg ng pasyente. Patuloy na pinag-aaralan at ginagaya ni Chayong bawat
gawin ni Elsa. May naglalaro sa isipan ni Mrs. Alba habang nag-oobserba Dudungaw siya sa labas
at makikita ang nagdaratingang marami pang pasyente.

Hihilahin ni Mrs. Alba sl Aling Saling sa kabilang kuwarto at bubulungan

. MRS.ALBA
Saling, dl mo na mabayaran ang utang mo sa’kin.

Hindi mo na rin kailangang manllbihan sa'kln.


Magtataka si Aiing Saling.

MRS.ALBA
(aabutan ng pera sl Aling Saling). Eto. Tanggapin mo. Sige, kunin mo,

kunin mo.

Babaling sa sala sl Mrs. Alba at tatawag.

MRS.ALBA
Chayong... Ikaw...

Baldo...Sepa!

Lalapit ang mga tinawag.

MRS.ALBA
Kailangang mag-organisa tayo. Ang magiging trabaho natin ay tulungan at bantayan si
Elsa. Maraming magpapanggap diyan pero mga alagad ng demonyo. Kagaya nlyang sl
Igmeng Bugaw.

15. INT. KAPILYA.


UMAGA. Nagsesermon ang
pari.

PARI
Saan ba nanggagalhg ang mga himala? Nahuhugot ba Ito sa hangln. Iblnibigay ba Ito
sa atln ng Dlyos, o produkto lamang ng ating mga guni-guni?

Kokonti ang nagsisimba-mga hikahos at nakatangang mukha.

PARI
Ang Dlyos ba ay mapagparusang laging naghihiganti sa atin tuwing tayo'y nagkakamali? siya
ba'y
isang multo lamang, aparisyon o Busyon? Maraming katanungan sa'ting dibdib.

Patatahimikin ng ina ang pinapasusong anak.

PARI
Ano ang mangyayari kung maglging napakadall ng mga himala? Magugulo ang kaayusan.
Masi! sino ay maaaring magsabing sugo siya ng ating Panginoong Diyos. Sa halip na
magbukas ng ating mga mata, ang relihiyon ay magsisllbing tagabulag.
16. EXT. KALSADA. UMAGA.

Naglalakad si Nimia papasok ng baryo. May bitbit na maleta at make-up kit. Sa ayos at kilos ay alam
mo agad na nagtrabaho si Nimia sa mga bars sa Maynila. Iba na ang Cupang sa baryong iniwan niya
noon. Maraming mga tao sa kalsada ngayon, karamiha'y pasyente at mga turista. May ilang
nagbebenta ng mga religious articles.

Pagdaan sa harapan ng bahay nina Elsa ay mapapatigil siya at titingnan ang nangyayari. Maraming
mga naghihintay sa labas, mga pasyente, reporter. usyoso, turista. Lalakad paalis si Nimia.

17. INT. BAHAY


NINA IGMENG
BUGAW. UMAGA.

Papasok si Nimia, pagmamasdan ang kabahayang iniwan niya noon. Sa dingding ay may nakapaskel
na mga retrato nila nina Elsa at Chayong noong magkakaibigan pa sila. Nakatirintas pa si Nimia noon.

Bubukas ang pinto at mapapalingon siya. Si Igmeng Bugaw.

NIMIA
(lalapit). Mano po, Itay.

Di ibibigay ni Igmeng Bugaw ang kamay. Lalabas uli. Susunod si Nimia.

NIMIA
Di ako nakasulat dahil nang palayasin nila ako dito noo'y isinumpa ko na ang lugar na 'to.
Ayoko na nga sanang bumalik e. Kaya lang nailsip ko kayo. Nag-iisa na kayo. Pareho
tayong tumatanda. Sino pa ang magtutulungan?

Di pa rin kikibo si Igmeng Bugaw. Lalapit si Nimia at madyik na huhugot ng sigarilyo sa kili-kili ni
Igmeng Bugaw. Matatawa si Igmeng Bugaw.

IGMENG BUGAW
Saan ka natuto?

NIMIA
Sa bar. Sa Mabini. Dadamputin ni Nimia ang diyaryong may headline na

IGMENG BUGAW
Sikat na si Elsa ngayon.

NIMIA
Nagtatanong ba siya tungkol sa'kin?

IGMENG BUGAW
Puwede bang hindi e kayo nina Chayong ang magkakaibigan noon?

NIMIA
(titiklupin ang diyaryo). Noon.

18. EXT. DAMPA. UMAGA.

Mula sa kalsada ay pinagmamasdan ni Orty ang bahay ni Elsa. Marami nang taong naghihintay sa
bakuran. Inaayos ng ilang babae ang lugar na pagagamutan.

May 33 na si Oriy, may hawak na tape recorder, maleta, at kamera. Lalakad siya papunta sa bahay ni
Lucio. Sa bakuran ay may karatula: Hotel. Can Be For One Night Or More. Cheap Only. Cash.

Kakausapin ni Oriy si Lucio.

ORLY
Boss, puwede pa ba d'yan?

LUCIO
Hindi ako tumatanggap ng mga Pilipino e.

ORLY
Magbabayad naman ako e.

LUCIO
Maseselan 'yang mga Puti e. ayaw nang nahahaluan sila! Tsaka walang bakante,

sa iba na lang ha? Aalis si Oriy.

19. INT. KUWARTO N1


ORLY. BAHAY N1 IGMENG
BUGAW. UMAGA.

Ipinakikita ni Igmeng Bugaw kay Orly ang lugar.

IGMENG BUGAW
Dito tayo, boss.

Lalapit sl Nimia may dala-dalang blangket. Aayusin ni Igmeng Bugaw ang papag na
hihigan. Ibababa ni Oriy ang mga gamit.

ORLY
Buti na lang bakante pa rito. Lahat yata ng bahay dito sa Cupang okupado na!

IGMENG BUGAW
Magtatagal ka ba?

ORLY
Hindi ko alam.

NIMIA
(tinitingnan ang kamera ni Oriy). Photographer ka ba?
ORLY
Hindi. Gumagawa ako ng pelikula.

IGMENG BUGAW
Dati me sinehan dito sa Cupang e, pero walang nanonood kaya ipinasara na.

NIMIA
Marami ka na bang pelikulang nagawa?

ORLY
H'wag na nating pag-usapan, baka magkahiyaan lang tayo.

NIMIA
Pasilip ha? (kukunin ang kamera at sisilip). 'Yun bang nakikita dito, 'yun ding nakikita sa
sinehan?

ORLY
Oo. Hindi nagsisinungaling ang kamera.

NIMIA
(itututok ang kamera sa ama). Naku, Itay, di pala puwedeng dayain ang itsura modito sa
kamera! Di ka pala puwedeng artista!

Ibabalik ang kamera kay

Oriy. NIMIA
Ba't mo ba kinukunan si Elsa, me manonood ba d'on?

ORLY
Ayaw nga ng producers ko ang project na 'to e. Kaya sarili ko nang savings ang ginagastos
ko.

20. EXT. BAHAY NINA


ELSA. HAPON.

Kinukunan ni Orly ang mga


nangyayari sa bakuran ni Elsa.
Marami nang tao-mga pasyente,
mga nanonood, mga nagdadasal.
May malaking donation box sa tabi
ng hagdan.
Ginagamot ni Elsa sl Mrs.
Gonzales, isang matrona. Sa
mukha ni Elsa'y pawang sanay
na siya sa ginagawa.

ELSA
Ano pong nararamdaman n'yo?

MRS. GONZALES
Lagi pong masakit ang ulo ko.

Hahagurin ni Elsa ang mga pilipisan ni Mrs. Gonzales Nakapikit itong wari’y nagdarasal. lalapit si Orly
at kukunan sila Tataas ang kamay ni Chayong bilang pagsaway sa kanya Titgil si orly, titingin kay
Elsa. mapapatingin sa kanya si Elsa.

Bahagyang ngingiti si Elsa bilang pagsang-ayon saka babalik sa ginagawa. Magpapatuloy ng pagkuha
si Orly.

matatapos sa pagmasahe si Elsa. Aabutan siya ni Aling Saling ng baso ng tubig. Hihipan ito ni Elsa at
iaabot kay mrs. Gonzales Agad-agad iton iinumin ni Mrs Gonzales. Makakaramdam siya ng ginhawa.

21. EXT. BUROL HAPON.

Iniinterbyu ni Orly si Elsa. May hawak-hawak na malaking panambong si Chayong para


huwag mainitan si Elsa. Nababakuran na ang lugar, may malaking sign na nagsasabing No
Trespassing.

ELSA
Hindi ako ang nanggagamot. Kamay lang ako ng Birhen.

ORLY
Bakit ang Birhen? Bakit hindi ang Diyos, o si Hesukristo kaya?

ELSA
Lumlpas na ang sa ama, ngayon nama'y ang sa Ina.

ORLY
Pero bakit sa'yo nagpapakita ang Birhen at hindi sa iba?

ELSA
Ewan ko.

ORLY
Ngayong lagi kang nasa mga diyaryo, radyo, enjoy ka ba sa atensyon ng iba?

ELSA
(mapapangiti). Sinusunod ko lang ang bilin ng Mahal na Birhen.

ORLY
Marami-rami na ring mga doktor at mga arbularyong nagagalit sa'yo.

ELSA
Hindi lang naman sugat ng katawan ang ginagamot ko. Pati sa kaluluwa.

ORLY
Hindi naniniwala sa'yo ang pari.

ELSA
Kanya-kanya tayong paraan ng

pagsamba.
ORLY

Totoo ba na ampon ka lang daw?

ELSA
Napulot ako ng Inay ko dito sa lugar na' to mismo, dito sa burol, n'ong mga 19... anong 19
na nga ba "yun, mga 1958 yata. Me nakaimperdibieng papel na may sulat na Elsa sa damit
ko. Saka istampita ng Mahal na Birhen.

ORLY
'Yung istampita, nasaan na?

ELSA
Naiwala ng Inay.

ORLY
Pero noon pa man alam mo na'ng mangyayari ito?

ELSA
Hindi. N'ong bata pa 'ko'y pagdudoktor ang talagang gusto ko. Tapes, n'ong diyes anyos
ako, gusto kong ako ang maging kauna-unahang babaing presidente dito. Tapes, dose
anyos, abugada. Kinse anyos, titser. Nang magdalaga ako'y tinanggap kong wala naman
kaming pera, di ko kayang maging maski ano.

ORLY
Kaya inisip mong gawin ito?

ELSA
(kita sa mata na nasaktan). Di ka naniniwala.

ORLY
Hindi ako naniniwala sa Diyos.

ELSA
Saan ka naniniwala?

Itataas ni Oriy ang kanyang kamera.

ELSA
Ang kamera gawa lang 'yan ng Diyos. Gawa ng tao. Pag ayaw na ng Diyos maski
'yan titigil sa paggalaw.

Di kikibo si Oriy.

22. EXT.ITINATAYON
G KABARET.
DAPITHAPON.

Panay ang pukpukan sa ginagawang kabaret habang nagmamando si Nimia. Tumutulong sa mga
karpintero si Igmeng Bugaw. Darating si Narding.

NARDING
Nimia!
NIMIA
(mapapatingin). Oy, Narding!

NARDING
Ka Igme, magandang hapon po.

Pupunta sa tabi sina Narding at Nimia.

NARDING
Big shot ka na ha.

NIMIA
Hindi naman. Itong baranggay hall, ginagawa naming kabaret.

NARDING
Pag umunlad "to, magtayo ka na rin ng sinehan o

hotel.

Mapapangiti si Nimia.

NIMIA
Ikaw?

NARDiNG
(magkikibit-balikat). Nakaalis nga ako ng Cupang, konduktor naman. Pabalik-balik din ako
dito. (mapapatingin sa harapan niya sa lumalatag nang dilim). Ang mga tao sa lugar na
'to, puro gutom at ignorante, kaya kung anu-anong nakikita. Pag nagtagal pa 'ko dito'y
baka makakita na rin ako ng Birhen.
NIMIA
Talagang makakakita sila ng Birhen dito lalo na pag nayari na ang aking kabaret.

NARDING
(babaling kay Nimia). E Nimia, baka kako makaambos ako ng suwerte sa'yo. Mag-a-
apply ako sa Saudi e. Naghahanap ako ng dalawang libo.

NIMIA
Naku naman, Narding, hanggang ngayon ba'y nangungutang ka pa rin? Sabi ko na nga ba
e, kaya mo lang ako ginawang girlfriend noong araw, para me nauutangan ka. Siguro
noong sinundan ko'yung traveling salesman sa Maynila'y ni hindi mo 'ko hinanap.

Mapapangiti si Narding.

NIMIA
'Yung totoo.

NARDING
Hindi.

NIMIA
Nakita mo na.

NARDING
E ikaw, n'ong nasa Maynila ka, naalala mo ba 'ko?

NIMIA
Hindi rin.

NARDING
Kaya pautangin mo na ako.

NIMIA
Naubos na ang pera ko, Narding. Ba't di ka na lang magnegosyo d'rto sa Cupang, ang
dami-daming turistang dumarating. Maghanap ka ng maibebental

23. EXT. BUROL. HAPON.

Iniinterbyu ni Orly si Nimia. Malakas ang hangin.

ORLY
Magkakaibigan daw kayo nina Elsa?

NIMIA
Dati. Interbyu na ba ‘to?

ORLY
Anong nangyari?

NIMIA
Boyfriend ko ang kapatid ni Chayong, pero nabuntis ako ng salesman. Itinaboy ng mga
tagarito. Lumapit ako kina Elsa pero Nagpunta akong Maynila. 'Yan ang
istorya ng buhay ko.
ORLY
Naniniwala ka ba sa himala?

NIMIA
Oo. Hindi. Siguro. Ewan ko.

ORLY
Itong si Elsa, dati na ba siyang relihiyosa?

NIMIA
Hindi. Si Chayong ang pinakarelihiyosa sa'min. Ako, (hahagikhik) pinakamalandi. SI Elsa,
pinakamadunong. Kabisado niya lahat 'yung mga presidente sa Piliplnas at sa Amerika.
Pakita mo lang ang libro diyan memoryado na niya.

ORLY
Mahusay na artista si Elsa.

NIMIA
Pag ginustong makita ni Elsa, makikita niya. Ganyan siyang mag-isip. Pag ginusto
niyang gawin, gagawin niya. Walang makakapigil sa.kanya. Ikaw, ba't mo ginagawan
ng pelikula sl Elsa? Siguro naniniwala ka sa kanya ano?

ORLY
Hindi. Kaya lang nararamdaman ko na pag sinundan ko siya nang sinundan ay dadalhin
niya ako sa mga lugar na hindi ko pa nararating. Para bang may exciting na mangyayari.
'Yun nga lang, hindi ko pa alam kung ano.
24. EXT. BAHAY NINA
ELSA. HAPON.

isang TV Reporter ang nasa harap g bahay nina Elsa. Parang arnabal ang lahat sa gulo ng entahan,
gamutan at sigawan ng nga magpapagarnot, magbebenta, nag-uusyoso at sasamba. Parang mpiyerno
ang lahat. Sumisingaw ing kalsada habang pinapalo ng iraw ang tuyung-tuyong lupa.

TV REPORTER
Of course the church does not recognize the apparition of the Virgin nor the healing powers
of this giri, Elsa. But we have received reports...

Tatabunan ang sinasabi ng TV Reporter ng ingay sa paligid. Pawisang pinipilit kontrolin ni Baldo ang
dagsa ng tao. May taong sadyang itinayo para sa mga may sakit. Nakahilata o nakatayo o nakaupo
doon lahat ng klaseng maysakit sa buong mundo: bulag. pilay, may TB, hikain, ketongin, at iba pa.
Mga taong walang pag-asa, mga taong walang mapuntahan. Sa tabi nila ay may malaking donation
box, may nakasulat na Maglimos sa Birheng May Sugat.

BALDO
H'wag magkakagulo! Tahimik lang kayo! Mamaya pa po lalabas sl Elsa! Dala-dalawa lang
po ang pila! Atras!

Kukunan ni Oriy ng pelikula ang silyang paggagamutan ni Elsa. Sa tabi nito'y may pantay taong
imahen ng Mahal na Birhen.

CUT TO:

Magagalit sl Mrs. Alba dahil humaharang sa kubo niya ang maraming tao.

MRS.ALBA
TumabI kayo d'yan!

CUSTOMER
Ale, ale, magkano ho ba ito?

MRS.ALBA
Bale siyete singkwenta isang bote. Wala nang tawad!

Di pa rin magkandaugaga si Baldo sa pagkontrd sa mga tao.

MRS ALBA
Baldo! Baldo, ilipat mo ‘tong mga tao d'yan sa kabila, natatakpan Itong mga paninda ko!
Baldo. ano ka ba!

BALDO
H'wag ho kayong maiinip, lalabas na si Elsa! Sandali na lang! 'Yun hong gustong mag-
abuloy, andito ang donation box!
Lalabas sa itaas ng hagdan si Chayong. Kagaya nina Mrs. Alba at Aling Saling na mga miyembro ng
Siyete Apostoles ay nakaputing- puti siya. May malaking rosaryo sa dibdib. Sandali niyang
pagmamasdan ang pagkakagulo ng mga tao. Mapapangiti na parang siya si Elsa.

CHAYONG
Maaantala lang ho sandali si Elsa. Pasensiya na kayo.

Mag-uungulan ang mga naghlhintay at muling magkakaingay. Muling gagalaw ang mga pamaypay at
magmumura ang mga bibig. May batang iiyak sa kung saan. Babalik ang isang matandang babae sa
pagdadasal sa tabi, tuwi-tuwina'y hinahagkan ang krus ng rosaryong tangan.

Mapapansin ni Chayong si Pilo na naghihintay sa tagiliran ng bahay. Magdadalawang-loob siya, saka


pupuntahan ito.

CHAYONG
Pilo...

PILO
Ang laki yata ng krus mo ngayon Mas epektibo ba pag malaki?

CHAYONG
(mapapahawak sa rosaryo niya). Parati mo naman akong niloloko, Pilo e.

PILO
Chayong, pakasal na tayo.

CHAYONG
Ano?

PILO
Sa munisipyo. Me konti akong pera.

CHAYONG
Ano bang pinagsasasabi mo, Pilo!

PILO
Akala ko ba gusto mo ako?

CHAYONG
Mahal kita, Pilo.

PILO
Gan'on pala'y ba't ayaw mong pakasal? Gusto mo bang tumandang dalagang gaya ni Elsa?

CHAYONG
Di ko maiiwan si Elsa, Pilo.

PILO
Maski ngayon lang, Chayong, ako naman ang sundin mo, h'wag si Elsa.
Mapapatingin si Chayong sa mga tao sa bakuran. Naroon na uli ang konsentrasyon niya. Wala na kay
Pilo. Babalik ang tingin niya kay Pilo.

CHAYONG
(kukurusan sa noo si Pilo). Mahal ka ni Elsa,

Pilo.

Saka iiwan ni Chayong si Pilo.

CUT TO:

Isang pulubing may karga-kargang


batang may polyo, si Aling Pising,
ang maglalahad ng kamay kay Orly.
iiling si Orly.

ALING PISING
Pupunta ka sa impiyerno, kuripot!

Lalayo ang pulubi. Kukunan ni Orly. Magkakagulo sa harap ng bahay at mapapatingin si Oriy. May
titigil na Mercedes Benz. Bababa si Chua, payat na may tungkod, kasunod ang driver- alalay.
Marami siyang suot na alahas. Magbubulungan ang mga tao.

ORLY
(kay Baldo). Baldo, sino 'yun?

BALDO
Si Chua, milyonaryong Taga-Maynila. Me rayuma. Malakas mag-donate "yan.
(pupuntahan ang pila). Paraanin n'yo si Chua!

Lalapit si Aling Pising, ang pulubi, kay Chua.

ALING PISING
Chua naman, pahinging pera para sa anak ko, sige na!

BALDO
Aling Pising, h'wag kayong mang-iistorbo! D'on na kayo!

AUNG PISING
(galit na haharapin sl Baldo). Maitim ang kaluluwa! Pupunta ka sa impiyerno! (kay Chua).
Sige na... sige na...

BALDO
(itataboy si Aling Pising).Sabi nang doon na kayo e!

ALING RISING
(kay Chua). Maramot! isusumbong kita sa Birhen! (inilalayo na ni Baldo). Maramot!
Isusumbong kita sa Birhen!
Sisigaw ang isang babae.
BABAE
(off-camera). Ayan na si Elsa!

Mapapatingin ang lahat sa hagdan. Doon ay lalabas si Elsa kasama sina Aling Sating at Chayong.
Magkakaingay ang mga tao. Kakalampagin anumang mahawakan.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Pagmamasdan ni Elsa ang mga nasa ibaba. Nakaputing bestida siya, gaya ng dati, at asul na tali sa
baywang. Sa loob ng maikling panahon ng paghihimala'y malaki na ang ipinagbago ng itsura niya.
Dati'y maliit at maitim, mahiyain at matigas, ngayo'y parang lumaki siya, may bagong kapanatagan at
pagtitiwala sa sarili. Maski naroon pa rin ang madalas na kawalang-damdamin sa mukha'y nabawasan
na ang hinanakit doon.

Magsusuguran ang mga tao. Akala mo'y artista o Diyos si Elsa na hahawakan nila sa kamay o sa
bestida, papahiran ng panyo o rosaryo. Hindi matitinag si Elsa, nakaturnghay sa mga taong
sumasamba nang parang walang anuman.

Uusog palapit sa Mayor si Chief de la Cruz, hepe ng pulisya.

CHIEF DE LA CRUZ
Mayor, masama ho ‘tong ganitong nag-uumpuk-umpok ang mga tao. Baka magkarebolusyon.

MAYOR
E anong gusto mong gawin natin? Hulihin ang

Birhen?

Patuloy sa pagkakagulo ang mga tao.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Mauupo si Elsa at matatahimik ang lahat. Mapupuno ng kalungkutan ang mga mata niya.
Magsisimulang umugoy ang katawan niya, dahan-dahang wari'y sumasabay sa isang napakalamyos
na awiting di naririnig.

CHAYONG
Magsiluhod po tayo at magdasal.

TINEDYER
Wow, pare, mas heavy pa 'to sa drugs a.

Magsisiluhuran lahat. Lulutang sa hangin ang sabay-sabay na pagdarasaing Aba Ginoong Maria,
Napupuno ka ng grasya. Pipikit ang mga mata ni Elsa't bibilis nang bibilis ang pag-ugoy, parang
sinusiang laruang wala nang kontrol, naninigas ang katawan, bumibilis ang paghingal, inaalon ng
damdaming ayaw humupa. Saka siya titigil, mapapatingala sa kalangitan, uunat papunta sa likuran
ang ulo at sa pagkakatingala'y halos mabakli ang leeg pero walang nararamdamang hirap,
nagniningning ang mukhang nakanarap sa di nakikitang liwanag.

Gagalaw ang mga labi ni Elsa. Tataas ang kamay, pupunta sa dibdib. saka bababa; Nagmamasid lang
si Orly. Tatayo si Elsa at haharap sa lahat. Magtatayuan din ang lahat. Tatahimik.

BALDO
Mr. Chua, kayo na ho ang mauna.

CHUA
Salamat ho.

llalapit ni Baldo si Mr. Chua kay Elsa.

ELSA
Ano ho ang nararamdaman n'yo?

CHUA
Ito aking dibdib, masakit e. Hirap ako hinga e. Masakit e.

Aabutan ni Elsa ng baso ng benitadong tubig si Chua. Iinumin nito Mamasahehin ni Elsa ang dibdib ni
Chua.

25. EXT INT KABARET. GABI.

Kung sa araw ay ang bahay nina Elsa ang buhay na buhay, sa gabi’y ang kabaret naman.

Heaven ang pangalan ng kabaret. Karamihan ng mga taong nakikita sa bahay nina Elsa pag araw ay
nandito pag gabl. Sa dancefloor ay mamasid-masid si Bella sa mga nagsasayaw at customer. Ka-
table ni Orly ang isang babae.

babae
Oy, kunin mo naman akong artista. Marunong akong kumain ng apoy, tumulay sa alambre,
ngumata ng bubog at mahiga sa baga! Sige na o!

Sa isang sulok ay hihilahin si Nimia ng isang customer.

CUSTOMER
Puwede ba kitang maisayaw?

NIMIA
(magkukumawalang parang nandidiri). Ay naku, puwede ba! Iba

na lang!

Mapapatingin si Narding habang kausap sa isang mesa sl Pilo.

CUSTOMER
Babayaran naman kita e!
NIMIA
Hindi ako nagpapaupa! (makakawala). Manager ako

dito! NARDING (lalapitan) Sandali. pare. (kay Nimia).

Inaabuso ka?

NIMIA
Hindi, okey lang. (lalapit sa mesa nina Narding, iinom, saka ngingiti). 0 di ba mas okey
dito? Ang di napapagaling ni Elsa'y napapagaling namin dito! Sandali, hahanapin ko ang
Itay.

Aalis. Babalingan ni Narding si Pilo.

NARDING
Ang kailangan lang natin puhunan.

PILO
Pinupugutan daw ng ulo ang mga workers d'on.

NARDING
Hindi. Ang dami-daming Pilipinong nagpupuntang Saudi e. Naaalala mo ba n'ong mga
sakristan pa tayo? Sa simboryo e nangangarap tayong balang araw e sasakay tayo ng
barko at pupunta sa ibang bayan. Ito na 'yun, Pilo.

PILO
Saan tayo kukuha ng pambayad sa recruiter?

NARDING
Me naisip ako.

CUT TO:
Lalabas si Pilo, lasing na. Makikita ni Chayong.
CHAYONG
Pilo! Pilo!

Mapapatingin si Pilo, saka lalapit.

CHAYONG
Hindi mo na ako
pinuntahan. Pupunta sila sa
madilim na tabi.

CHAYONG
Naging abala rin ako kina Elsa. Pero lagi kitang naaalala. (titingnan si Pilo). Lasing ka ba?
(susuriin si Pilo). Lasing ka yata. (bubuntunghininga). Lasing ka nga.

PILO
(yayakapin si Chayong na magkukumawala). Ano bang kailangan mo?

CHAYONG
Piio, baka me

makakita! Lalayong

konti si Chayong

PILO
Ba't ka ba naparito?

CHAYONG
Napanaginipan ko kagabi, Pilo. Kinausap daw ako ng Birhen. Totoo, Pilo. Sabi niya, ikaw
daw, Pilo... ang ibig kong sablhin, payag na siya... ikaw daw ang magiging asawa ko.

Matatawa si Pilo.

CHAYONG
Hindi ka naniniwala. Patuloy na matatawa si Pilo.

CHAYONG
Ayaw mo kasing ipasok sa puso mo ang paniniwala.

PILO
Naaalala mo ba n'ong mga bata pa tayo, Chayong? Kayo ni Elsa ang pinakamahusay mag-
imbento ng mga istorya. Kami naman ni Narding paniwalang-paniwala. Pero hindi na tayo
mga bata ngayon, Chayong.

Tatayo si Pilo para umalis. Yayakapin siya para pigilan ni Chayong.

CHAYONG
H'wag mo'kong iiwan, Pilo!

PILO
Bakit, sinong me sabing aalis

ako?
Chayong
Sasama ka daw ke Narding. Mahal kita, Pilo! Kung pareho lang tayong maniniwala.
Maraming bagay na di natin maipaliliwanag pero kung pareho tayong may
pananampalataya'y liligaya tayo nang walang hanggan.

Mapapatingin lang si Pilo. Walang naiintindihan. manlulumong mapapatigil si Chayong, saka tatalikod
at aalis. Maiiwan si Pilo sa dilim.

26. EXT. KABARET. HAPON.

Kinaumagaha'y pauwi si Oriy dala-dala ang kamera. Makikitang nagkakagulo sa harapan ng kabaret.
Nakikipagtalo si Igmeng Bugaw kina Chief de la Cruz at sa dalawang pulis. Nakatayo sa isang tabi ang
mga nagtatrabahong babae sa kabaret.

Aalis sina Chief de la Cruz. Lalapitan ni Orly si Nimia.

ORLY
Anong nangyari?

NIMIA
Pinasasara ng Siyete Apostoles itong kabaret.

Sesenyasan ni Igmeng Bugaw na pumasok na ang mga babae niya. Isa sa mga ito ang lillngon
at sisigawan ang mga pulis.

babae
Hoy, mamang pulis, bumalik kayo rito mamayang gabi! Patitikman ko sa inyo ang
pinakamasarap talaga!

27. INT. SALA. BAHAY


NINA ELSA. GABI.

Magkanarap, parehong nakatayo, sina Elsa at Nimia. Para nang kapilya ang kabahayan dahil sa
nakapalibot na mga imahen at nakasinding kandila.

NIMIA
H'wag mong ipasara ang kabaret, Elsa. Malaking bagay 'yun para kay Itay.

ELSA
Hindi ako ang nagpasara ng kabaret, Nimia. Sina Mrs. Alba at Chayong.

NIMIA
Maski anong sabihin mo'y susundin nila.
ELSA
Ba't ka nagtayo ng kabaret, Nimia? Mula nang mangyari 'yu'y dumami na dito ang mga...
ano...

NIMIA
****, ba't di mo sabihin. Bakit, ang ginagawa ba ninyo nina Mrs. Alba'y hindi pagpuputa
sa mga tao dito? Pinagbibilhan n'yo sila ng himala.

ELSA
Tinutulungan namin sila.

NIMIA
Pareho lang tayong ****.

Pagmamasdan ni Elsa si Nimia, saka magsasalita.

ELSA
Umalis ka na.

NIMIA
Binubulag ka ng mga nasa paligid mo, Elsa, kaya wala kang nakikita. Marami kang
tagasunod pero wala kang kaibigan. Ikaw ang may sakit, hindi ang mga tao.

Aalis si Nimia. Maiiwan si Elsang di makakibo.

28. EXT. KABARET. GABI.

29. INT. KABARET. GABI.

Nakaupo sa bangkito sina Nimia at Igmeng Bugaw sa loob ng kabaret na ngayo'y wala nang buhay.

IGMENG BUGAW

Anong gagawin

natin? NIMIA
(matagal bago makakasagot). Bumalik na lang kaya ako ng Maynila. Sumama ka.

IGMENG BUGAW
Hindi ko iiwan ang Cupang.

NIMIA
E hindi naman natin kayang magbenta ng himala kagaya nina Elsa.

IGMENG BUGAW
Malas nga yata talaga ako. Nang magkartero ako noo'y walang bumagsakna sulat dito sa
Cupang. Nang magbugaw naman ako'y wala hang birhen dito. E ang mga turista, puro
birhen ang hinahanap. Wala na yata akong nagawang mahusay sa sarili ko.

NIMIA
Lagi mo kasing iniisip e.

IGMENG BUGAW
Matigas talaga si Elsa. Naaalala ko tuloy si Saling. Pag nagtatrabaho sa bukid noon e
lagi niyang karga-karga sa likod si Elsa.

NIMIA
E ako, ano ang ginagawa n'yo sa'kin n'ong bata pa 'ko?

IGMENG BUGAW
Itinatago kita sa banyo kapag dumarating ang Inay mo. Kinukuha ka kasi

sa'kin e.

Lulungkot ang mukha ni Nimia.

30 Ext 30. HAPON.

Pagod at malungkot na titingnan ni Elsa ang mga HUM nakaharap sa kanya. Parang wala nang
katapusan ang agos ng mga nagpapagamot. Parang wala nang paggaling ang mga sakrt. Bubuntung-
hininga siya. May kung anong bumabagabag sa kanya. Papahiran siya ng pawis ni Chayong at may
ibubulong siya dito. Mapapatingin si Chayong kay Aling Saling, saka haharap sa lahat.

CHAYONG
Magpapahinga ho muna si Elsa. Bukas

naman ho.

Di papayag, magslsigawan ang mga tao.

MGA TAO
Kanina pa kami dito nakapila! Malayo pa ang pinanggalingan namin! Sayang ang
pamasahe namin! Elsa! Elsa! Elsa!

Ikakalampag ng mga maysakit ang mga kutsara’t kung ano pang mahawakang gamit. Aakyat ng
hagdan si Elsa, inaalalayan nina Sepa at Chayong. hahabol ang mga tao. may hahawak na ketonging
bisig sa balikat ni Elsa a mapapalingon siya Halos hilahin siya paakyat nina Chayong

ALING SALING
Tama na! Tama na! Galit na hahampasin ni Aling Saling ang hilera ng mga boteng
benditado at mababasag ang mga ito. Matatahimlk ang lahat. Matatakot.

ALING SALING:
Bukas na uli manggagamot si

Elsa!

Walang magagawa ang mga tao.

30. EXT. ILANG NA


POOK. HAPON.

Sa dulo ng daan ay dumarating ang kotse ni Chua. Susuray-suray na haharang sa gitna ng kalsada si
Narding. Titigil ang kotse.

NARDING
Para! Para! Tulungan n'yo ako!
Babalandra si Narding sa harapan ng kotse at matutumba. Mapapatingin ang driver kay Chua.
Tatango (to. Bababa ang driver at lalapit kay Narding.

DRIVER
Pare, anong nangyari sa'yo?
NARDING (hirap). Dalhin mo ako sa ospital.

CHUA
0 bak'rt? Anong nangyari d'yan ha? Bakit?

Uumangan ni Narding ng balisong sa leeg si Chua. Di ito makakagalaw sa takot. Sesenyasan ni


Narding si Pilo na lumapit.Tatakas ang driver. Matataranta si Narding. Pipllitin ni Chua na maagaw ang
balisong. Di sinasadya'y masasaksak siya ni Narding. Mabibigia si Narding sa nagawa. Saka kukunin
ang pera ni Chua.

Hahabulin nila ang driver. Madadupa ito’t maaabutan. Itataas ni Narding ang balisong. Mapapatigil
May nakasabit na scapular ng Birhen sa dibdib ng driver. Pikit-matang sasaksakin ni Narding ito

31. EXT. BAHAY NINA


BINO. GABI.

Nag-uusap sa likuran ng bahay sina Narding, Pilo, at Bino.

BINO
Masyado kayong padalus-dalos e. Di n'yo siya dapat pinatay.

NARDING
Nabigia lang kami e. 0, ano, sasama ka ba?

BINO
Me mga anak ako e.

PILO
Dollars ang kikitain natin sa Saudi, Bino.

BINO
Kayo na
lang.

32. EXT. BAHAY NINA


ELSA. GABI.

Tapos na sa panggagamot si Elsa. Nag-uusap sila ni Chayong sa hagdan habang nagliligpit sina Aling
Saling at Sepa. Kita sa mukha ni Elsa ang pagod.

CHAYONG
Tatlong gabi na, Elsa. Nananaghip ako na parang may isang harding di ko maabut-abot.

ELSA
Baka marami ka lang iniisip.

CHAYONG
(masaya). Nagpasabi na akong gusto ko siyang makausap bukas. Pag hiningi niya'y ibibigay
ko na ang sarili ko kay Pilo. Elsa. Malaki rin ang naging pagkukulang ko sa kanya.
Malungkot na nglngiti si Elsa. Lalapit si Sepa.
SEPA
Elsa, mauna na ako. Ayokong abutin ng dilim sa daan. Nakakatakot ang nangyari ke Chua.
Delikado na ang panahon ngayon.

ELSA
Sepa, mula bukas di na tayo magbebenta ng mga gamot.

SEPA
Ano?

Mabibigia rin st Chayong.

ELSA
Nakausap ko na si Mrs. Alba. Hindi na tayo maniningil mula bukas.

SEPA
Paano tayo mabubuhay ngayon?

DI sasagot si Elsa. Walang magagawa si Sepa.

SEPA
Sige, aalis na ako. Chayong...

Aalis sl Sepa. Babaling si Chayong kay Elsa.

CHAYONG
Pag nakasal kami ni Pilo'y susundin ko siya

parati.

Di kikibo si Elsa. Nasa malayo ang iniisip.

33. INT. BAHAY NINA


CHAYONG. GABI.

Naghihintay si Chayong. Kanina pa siya. Hindi siya nakaputi ngayon. Magandang-maganda siya.

BINO
(off-screen). Chayong?

Mapapatingin si Chayong. Nasa pintuan si Bino. Papasok. May iaabot na sobre. Magtataka si Chayong.

BINO
Pinabibigay nl Pilo. Ingatan mo daw ang sarili mo. Pa'no. lalakad na ako ha?

Natatakot na bubuksan ni Chayong ang sobre. May makikita siyang pera at sulat sa loob. Nanglnginig
ang kamay na babasahin ang sulat.

PILO
(voice-over). Nagpasya na ako. Hindi tayo

magkabagay...

Parang namatayang mapapasandal si Chayong.


34. INT. KUWARTO BAHAY NINA ELSA. MADALING ARAW.

Binibihisan nina Aling Saling at Chayong si Elsa ng mahabang puting-puting bestida habang
hinuhugasan ni Sepa ang mga paa at kamay nito. Matamlay si Chayong. Wala sa ginagawa ang isip.
Nakaputi rin siya. Lalagyan ni Mrs Alba ng malaking rosaryo sa leeg si Elsa.
|

35. INT.
KUMPISALAN.
SIMBAHAN. HAPON.

Nangungumpisal si Orly sa pari. Hirap ang kalooban.

PARI
Akala ko ba'y di ka Katoliko? ba't sa akin ka nangungumpisal?

ORLY
Kasi, Father, kayo lang po ang puwede kong pagsabihan nito para maging sekreto.

PARI
Bakit. ano bang nangyari?

ORLY
Di po ako matahimik, Father. Sabi ko sa sarili ko noon, wala akong pakialam kundo ang aking
trabaho Basta’t kung anong naire-record ng kamera ko Pero ngayon po’y hindi ko na alam.

PARI
Ba’t ka naguguluhan?

ORLY
Nakunan ko po ng pelikula sins Elsa at Chayong sa burol.

CUT TO:

FT. BUROL. MADAUNG ARAW.

Ang susunod ay 16mm black and white documentary footage na kuha ni orly Papatong ang voice-over
ng pangungumpisal niya. Pagdating sa lugar na pinagpapakitaan ng Birhen ay iaalay nina Elsa at
Chayong ang mga
dalang bulaklak. Luluhod at magsisimulang magdasal.

Magta-trance na sana sina Elsa at Chayong pero may mararamdamang daklot sa balikat si Elsa
Papasok ang luwalhati ng pag-asam sa mukha niyadahil akala niya'y lumabas na ang Birhen. Pero
pagbaling ng tingin ay makikita niya ang mukha ngisang tinedyer na taga-Maynila nakangisi, durog.
Uurong si Elsa pero mayayakap siya ng tinedyer. Manlalaban siya. Makikita niyang si Chayong man ay
pigil-plgil din ng isa pang tinedyer. Nagpipilit itong makawala at makalapit kay Elsa, panay ang sigaw,
humihingi ng tulong kayElsa, pero wala ring magawa si Elsa. Manlulumo si Chayong at naghihinanakit
kay Elsang magpapaubaya sa nanggagahasa sa kanya Manghihina na rin sa paglaban si Elsa at
tuluyana mapapapikit sa silaw ng araw.

48. INT. KUMPISALAN. HAPON.


tuloy sa pagkakaluhod si Oriy sa harap ng pari. Wala silang imikan.

49. EXT.KALSADA. UMAGA.

Naglalakad pabalik sa bayan sina Elsa at Chayong, punit ang mga damit at umiiyak Makikita sila nina
Mrs. Alba. Aling Sating, Sepa at Baldo na matagal nang naghihintay sa tapat ng bahay nina Elsa.
Sasalubungin sila May sasabihin si Elsa. Lalabas ang pagtataka sa mga mukha nila.Mapapayuko si
Chayong. Titigas ang mukha nl Elsa

ORLY
Tuwing Miyerkoles ng madaling araw ay nagpupunta sina Elsa at Chayong sa burol Bawal
sa iba ang sumama sa kanila.

May dalawang tinedyere na durog, taga-Maynila. Nagkatuwaan siguro sila at gusto nilang
subukan kung talagang pinuprotektahan ng Birhen sina Elsa at Chayong.

Humihingi si Chayong ng tulong kay Elsa. Buong-buo ang akala niyang matutulungan

siya ni Elsa. Nagdadalawa po ang loob ko Di ko malaman kung tutulungan ko sila, o

kukunan ko ng pelikula. Hindi ko sila tinulungan.

ORLY
(voice-over)
Sinabi ni Elsa na inatake sila ng demonyong nagpapanggap na baboy damo; Mabuti na
lang daw at tinulungan sila ng Mahal na Birhen.

HERE
Patuloy sa pangungumpisal si

Orly.

ORLY
Talagang kailangan ko ng break,

Father. Ang tagal ko ring naghintay ng ganitong pagkakataon. Pero lagi kong naaalala ang
nangyari kina Elsa at Chayong. Pinabayaan ko na nga sila, kinunan ko pa. Ako ba, Father, ay
gaya na rin ng iba riyan na nagbebenta ng himala? Tulungan n'yo ako, Father. Ipapalabas
ko ba ang pelikula sa publiko o hindi?

50. INT. BAHAY NINA CHAYONG.


GABI.

Nakaratay si Chayong. Madilim sa kabahayan. Pinupunasan siya ni Elsa. Nakatingin lang sina Aling
Saling at Sepa. Lalagyan ni Sepa ng scapular sa dibdib si Chayong pero nakadiin at ayaw bumukas
ang bibig na itatagilid nito ang ulo paharap sa dingding. Magtataka si Sepa.

51. EXT. BAHAY NINA ELSA.


HAPON.

Tataas uli, gaya noon, ang mga kamay ni Elsa para hagurin ang mga mata ni Loio Hugo. Pero
mapapatigil, sa hangin ang mga kamay niya. Hihintayin ng lahat, ng mga pasyente at nina Aling
Saling,

Sepa, Baldo at Mrs. Alba, ang gagawin ni Elsa. Nakatingin din si Oriy. Wala si Chayong.

Biglang malalaglag ang mga kamay ni Elsa’t tuluyan siyang mapapayuko habang humahagulgol. Di
malintindihan ng mga tao ang nangyayari. Nakatingin lang si Orly Lalapit si Aling Saling at hahagurin
ang buhok ni Elsa. Sasawayin ni Mrs. Gonzales ang dalawang babaing nagbubulungan.

MRS.GONZALES
H'wag kayong maingay. Igalang natin ang kanyang pag-iyak
.
Haharap si Sepa sa mga tao.

SEPA
Iniiyakan niya ang paghihirap ng mundo. magsiluhod tayo

Sabay-sabay, luluhod ang lahat sa harap ni Elsa. Buong paggalang. Buong pagsamba. Patuloy na
umiiyak si Elsa, ang mga hikbi ay nanggagaling sa pinakaloob ng kaluluwa. Lulutang sa hangin ang
sabay-sabay na Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, at hahalo sa mga hikbi ni Elsa.

Lalakad paalis si Orly.

52. INT. KAPILYA. UMAGA.

Nasa harap ng pari si Chayong, nangungumpisal. Pero maski anong buka ng bibig niya’y di
maintindihan ang mga salita, humahalo sa ungol at hagulgol.

PARI
Iha, magsalita ka

CHAYONG
Makinig

ka…

PARI
Oo, nakikinig ako...

CHAYONG
Ang dumi-dumi-dumi.may nangyari sa.may nangyari sa...

PARI
Sige, iha, nakikinig ako.

CHAYONG
Hindi ko na kaya...ang sakit-sakit..di ko na

kaya..

Tuluyang mapapadukmo sa lupa si Chayong.

53. EXT. BAHAY NINA ELSA. HAPON

Sa likuran ng tolda ng mga pasyente ay kumakain sina Nestoy at Intong ng mga tira ng maysakit.

INTONG
Me dugo ‘yung karne!

NESTOY
loko, talagang ganyan ang pagkain ng mayaman,

hilaw!

Ipagpapatuloy ng dalawa ang pagkain.

54. INT. BAHAY NINA CHAYONG.


GABI.

Pasugod na papasok sina Elsa, Aling Saling, Mrs. Alba, at Baldo.

Makikita niia sa kusina si Chayong, nakabitin sa kisame, nagbigti.

Mapapaatras si Elsa at babangga sa dingding.

55. INT. BAHAY NINA SEPA.


GABI.

Magkatabi sa sahig sina Nestoy at Intong, panay ang daing at duwal sa eronola, palit-palit na
hinahagod ni Sepa sa likod habang naghahanda ng pamunas na tuwalya si Bino.

Dali-daling lalapitan ni Elsa ang mga bata at mamasahehin.

SEPA
Para mo nang awa, Elsa, h'wag mo silang pababayaan!

Mapapatingin si Elsa kay Sepa. laabot ni Sepa ang bote ng benditadong tubig. Sandaling mapapatingin
dito si Elsa, parang nakalimutan kung par saan ito. Saka bubuksan ito, hihipan, at ipaiinom kina
Nestoy.

BALDO
May epidemic daw ng kolera.
BINO
Tatawag ako ng doktor sa bayan.

SEPA
Hindi. Kaya ‘to ni Elsa.

Pinagpapawisan na si Elsa. Palipat-lipat sa dalawang bata Manghihina si Nestoy Matataranta lalo si


Elsa. Bibilisan ang paghagod sa tiyan nito. Saka yayakapin ito. llalapitang mukha nito sa mukha niya.
Halos nagmamakaawa ditong huwag, huwag itong mamamatay. Saka mararamdaman niyang di na
niya kaya. llalapag ang ulo ni Nestoy sa banig. Halos wala na itong malay. 3abaling siya kina Sepa at
Bino. alos di marinig ang boses.

ELSA
Tumawag na kayo ng doktor.

SEPA
Elsa...

Patakbong lalabas si Bino. Di malalaman ni Sepa ang gagawin. Umiiyak na hahabol sana kay Bino,
saka babalik at babaling kay Elsa, saka-mapapatingin sa mga anak. Di na gumagalaw sina Nestoy at
Intong. Halos patumbang yayakapin niya ang mga anak at doon lalabas ang kanyang mga hagulgd.

Parang naubusan ng lakas at damdaming uurong sa dingding si Elsa, nanliliit.

56. EXT. BAHAY NINA ELSA.


HAPON.

Sa dilim ng kalsada'y humahagulgol si Aling Pising, karga-karga ang bangkay ng anak.


Mapapadungaw sa bintana si Elsa.

ALING PISING
Elsa! Elsa, nasa'n ang 'yung himala! Gamitin mo ang 'yung himala! Buhayin moang

aking anak!

Hindi makakikibo si Elsa.

57. EXT. KALSADA PAPUNTANG LIBINGAN. HAPON

Apat na lalaki ang bababa ng bahay, may buhat-buhat na kabaong. Paiikutin nila ito mula sa kaliwa,
tapos ay mula sa kanan. Gigilitan ng isang matandang lalaki ang isang manok. Isang matandang
babaing nakaitim ang magtatapon ng banga sa lupa. Di mababasag ang banga.

LOLO HUGO
Hindi nabasag. Ibig sabihi'y marami pang

susunod. CUT TO:

Parang buong Cupang ang humahagulgol. Tatlong prusisyon ng mga taong nakaluksa ang papunta sa
libingan. Ang isa'y ang kay Chayong, kasama ang Siyete Apostoles, sina Elsa at Aling Saling. Ang isa'y
sa mga anak ni Sepa, kasama sina Lucio at iba pang tagabaryo. Ang isa pa'y ang kay Aling Pising,
tatatio ang nakipaglibing. Naroon lahat ng tagabaryo, pati ang Mayor, si Chief de la Cruz at ang pan.
Naroon din si Oriy.

Yakap-yakap si Elsa ni Aling Saling habang naglalakad. Lalapit si Nimia at maski walang salitang
lalabas sa
bibig ay makiki- pagbati kay Elsa. Mapapaha- gulgo si Elsa. Aalalayan siya ni nima

Umiiyak na susugurin ni Aling Pising si Elsa.

ALING PISING
Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang anak ko! Masusunog ka sa Masusunog ka sa
impiyerno!

Parang sinaksak ang mukhang mapapatigil si Elsa, saka mapapabulalas uli ng hagulgol. Yayakapin
siya nina Nimia at Aling Saling.

58. EXT. BAHAY NINA ELSA.


UMAGA.

Nilalagyan nina Chief de la Cruz at isa pang tauhan ang bahay nina Elsa ng karatulang nagsasabing
Off Limits, Under Quarantine. Itataboy ng Mayor ang mga pasyenteng ayaw pang umalis.

MAYOR
Mga lola, lolo, sige, magsiuwi na ho kayo at hindi na manggagamot si Elsa. (babaling sa
Chief). Hepe, ayusin mo nga "to.

HEPE
(lalapit sa rnga pasyente). Sige na, lolo, Ida, makakaalis na kayo. Hindi na manggagamot si
Elsa. Sige na.

Bantulot na aalis ang mga tao. Pero pupunta lang sa may harapan ng bahay, doon magbabantay uli.

Lalapit si Igmeng Bugaw.

IGMENG BUGAW
Hindi na raw nagpapakita ang Birhen kay Elsa.

LUCIO
Slyempre maski Birhen nagta-time out din. Ikaw naman, Igme, oo. Ang sabihin mo, galit
ka pa rin kay Elsa dahil ipinasara ang kabaret mo.

Di kikibo si Igmeng Bugaw.

59. EXT. TINDAHAN NI LUCIO.


HAPON.

Nag-uusap-usap sina Igmeng Bugaw, Baldo, Lolo Hugo, Bella at Lucio. Sa kalsada'y parang
malungkot na prusisyon ang paalis rang mga turista, pasyente at iba pang mga tao. Kung ano sila
noon nang dumating, nakakotse at tricycle at wheelchair at naglalakad, ganoon din sila ngayon.
Kabilang sa kanila sina Orly at Aling Pising.

IGMENG BUGAW
(sisigaw). Orly, pag me kailangan ka uli balik
ka dito!

Ngingiti at kakaway si Oriy saka magpapatuloy.

LOLO HUGO
Pagsubok lang ang lahat sa atin. Tinltingnan ng Diyos kung dapat nang alisin ang sumpa
o hindi pa. Babaiik din ang himala, h'wag kayong mag-alala. Hindi tayo pababayaan ng
Diyos.

60. EXT. SEMENTERYO. HAPON.

Maglalagay ng buiaklak si Elsa sa puntod ni Cnayong. May papatong na anino sa lupa. Mapapatigil
siya. aka lilingon. Si Nimia. Ngingiti si Saka magsisimulang gnaglinis-linis ng puntod, ginagbubunot ng
damo, mag-aalis
Mapapansing may na uling sa tagiliran ng CHAYONG SIRA.

Punasan niya ito. Tutulong si Nimia.

NIMIA
anong palagay mo, nasa ilangit na kaya si Chayong? Nakita na kaya niya ang Birhen?

Di kikibo si Elsa. Pagmamasdan ni Nimia.

NIMIA
Elsa, ano ba talaga ang nakita mo noon? Totoo ba talaga?

ELSA
Ewan ko. Dl na ako sigurado ngayon kung anong nangyari noon.
NIMIA
Guni-guni mo lang 'yun. Ako rin nga, pag bangag ako, kung anu-ano'ng

nakikita ko.

Di magsasalita si Elsa.

NIMIA
Dito tayo madalas maglaro noon a. Naaalala mo ba 'yung madalas nating kantahin?
(kakanta). When I grow to be a lady, I'll be a queen, a lovely queen...

Mapapatigil si Nimia dahil nakatanga lang si Elsa, malungkot na parang nawala sa sarili.

NIMIA
Elsa?

Mapapatingin si Elsa.

NIMIA
Me nagdaang anghel.

ELSA
Nimia, anong palagay mo, kung umalis ako dito sa Cupang, kagaya mo e sa
Maynila ako magbakasakali?

NIMIA
(matatawa). Hindi mo kaya ang trabaho ko!

ELSA
Ang ibig kong sabihin e puwede akong maging katulong, o labandera.

NIMIA
Sige, sabaytayong umalis. Maski sa'kin ka muna tumira. (lilinga, dumidilim na).

Mukhang uulan a. Tatayo sila.

NIMIA
Noong mga bata pa tayo, pag naglalaro tayo dito at inaabutan tayo ng dilim, takot na takot
tayo, sabi ni Chayong noon, basta't sabihin mo lang daw nang paulirt-ulit 'yung Hesus
Maria Joseph, walang mangyayari sa'yo.

ELSA
Maski noon, sa'ting tatlo'y si Chayong lagi ang

pinakamatatag.

61. INT. KUBO SA BUKID.


UMAGA.

Mula sa bintana ay makikita sa bakuran sina Lolo Hugo, Bella, at Mrs. Gonzales, matiyaga pa ring
nagbabantay sa pagbabalik ng himala ni Elsa.

Mapapabuntung-hininga si Elsa. Sa - kalsada'y wala nang natira kundi mga kalat at papel na sinisiklut-
siklot ng hangin sa lupa.

PILO
(off-camera). Elsa...?

Mag-uusap sila sa may likod- pintuan.

ELSA
Di ba delikado ang pagpunta mo dito, Pilo?

PILO
Hindi na ako pinaghahanap ng batas, Elsa. Nahuli nila si Narding. Pinagtakpan

niya ako.

May kung anong mga pantal na lumalabas sa mukha at mga bisig ni Pilo.

ELSA
Anong nangyari sa mukha mo?

PILO
Di ko alam. Nagising na lang ako sa umaga na ganito na. Hindi malaman ng doktor kung
ano. Ba't nagpakamatay si Chayong, Elsa?

DI makakasagot si Elsa.

PiLO
Bumalik ako dito dahil di ako matahimik. Anong nangyari kay Chayong, Elsa?

Mapapatingin si Elsa kay Pilo, saka mapapayuko. Halos di siya marinig.

ELSA
Kasalanan ko, Pilo. Wala akong nagawa. Pinagsamantalahan kami.

Mapapamaang munang di makapaniwala sl Pilo, saka di mapipigilan ay mapapayuko. Para siyang


tahimik na humihikbi pero walang tunog. Di malalaman ni Elsa kung hahawakan siya sa balikat o
hindi.

PILO
(nakayuko pa rin). Naniwala siya sa'yo, Elsa.

Lilipas ang ilang sandali. Aangat ang mukha ni Pilo.

ELSA
Anong balak mo ngayon, Pilo?

PILO
Luluwas din ako ng Maynila bukas. Gumaling lang ako'y tutuloy ako ng Saudi. Pangako
ko 'yun kay Narding.

62. EXT. KALSADA. HAPON.

Patay na uli ang Cupang. Wala na ang mga gulo at ingay. Bakante ang kahabaan ng tuyung-tuyong
kalsada.

Pauwi si Elsa. Madaraanan ang dalawang tinedyer na lalaking nagtatawanan at nagkakantiyawan.


Mapapansin nila si Elsa at isa sa kanila ang luluhod, nakangising titingala sa langit at magkukun-
waring nagta-trance.

TINEDYER 1
Nakita ko ang Birhen! Ayun ang Birhen! Nakita ko ang Birhen! Tatawa ang kasamang
tinedyer. Magigitla at mapapatigil si Elsa. Daraan sa mukha niya ang sakit, pagkapahiya, at
sakalungkot. Tatalikod at halos patakbong aalis.

63. INT. SIMBAHAN. UMAGA.

Nagsesennon ang pari. Bumalik na sa simbahan ang mga tagabaryo.

PARI
Nitong mga huling araw, ang Cupang ay nakaranas ng maraming bagay. Ekiipse,
panggagamot nl Elsa, epidemya at iba pa. Tayong lahat, kabilang na ako, ay maraming
natutunan. Noon ay lagi kong sinasabing importante lagi ang pagharap sa katotohanan.
Ngayon ay alam ko na - kung minsan ay hindi tayo dapat napasisilaw sa katotohanan.
Sapagkat kung minsan ito ay hindi rin makatao. Kung minsan ang kasinungalingan ay mas
importante kaysa katotohanan. Kung minsan ang kasinungalingan ay mas may
nagagawang kabutihan sa tao. Katotohanan man o kasinungalingan, reyalidad man o
ilusyon, ang importante ay kung saan ito ginagamit.

Kita sa mukha ng mga nakikinig na wala silang naiintindihan,

64. EXT. BAHAY NINA ELSA.


DAPITHAPON.

Pinapagapagaspas ng hangin ang mga sirang tolda sa_bakanteng kalsada. Lumiiipad sa lupa ang mga
lamukos na papel. May natirang piraso ng sirang rosaryo. ELSA LOVES YOU, sabi pa rin ng karatula
maski halos tanggal na. Isang aso ang inaamuy-amoy ang tolda sa paghahanap ng makakain.

Mula sa bintana'y malungkot na pinagmamasdan ni Elsa ang lahat. Lalapit si Aling Saling at mauupo a
tabi niya.

ALING SALING
Sinisisi mo pa rin ang sarili mo. Mapapatingin si Elsa.

ELSA
Wala ba akong nagawang mabuti, I nay?

ALiNG SALING
Hindi mo kasalanan, anak.

ELSA
Lagi kong iniisip, ano ba talaga ang nangyari? Saan ba ako nagkulang? Meron ba akong
di nakita? Bakit naging kriminal si Narding? Bakit nagpakamatay si Chayong? Bakit
namatay ang mga bata? Anong ibig sabihin ng lahat?

ALING SALING
Maski hindi totoo ang himala'y wata kang ginagawang masama. Gusto mo lang
makatulong. (mapapatingin sa katsada). Kaya lang ay pinaglaruan tayo ng Diyos.

Sandaling matatahimik sila. Sa lamlam ng papalubog na araw ay halos magkamukha sila.

ELSA
Pag gabi, hindi ako makatulog. Naririnig ko pa rin ang mga daing nila, ang paghingi nila ng
tulong.
Maski saan ako bumaiing ay naaamoy ko sila. Ang mga sakit nila.

ALING SALING
Hinahanap-hanap mo pa rin ang himala.

65. INT. BAHAY N1 ELSA.


MADALING ARAW.

Duduwal sa batalan si Elsa. Nag-aalalang mapapatingin siya kay Aling Saling. Matatakot sila. Aabot ng
tabo si Elsa para uminom. Mapapansin sa kabila ng bakuran si Baldo, nakatingin sa kanila.

66. EXT. TINDAHAN N1 LUCIO.


HAPON
Magtataka sina Lucio, Mrs. Qonzales, Igmeng Bugaw, Lolo Hugo at Bella sa balita ni Baldo.

MRS. GONZALES
Pa'nong mangyayari 'yun e waia namang gumagalaw d'on?

LUCIO
Pa'no mo nasiguro?

BALDO
Kitang-kita ko nga e, buntis si Elsa! Palagay ko'y dinala na 'yun ni Aling Saling sa hilot.

Buntis si Elsa! Magkakatinginan sila. Mapapahesusmaryosep si Mrs. Gonzales.

MRS. GONZALES
Imaculada Conception! Pinasok siya ng Imaculada

Concepcion! Mapapatingin sa kanya ang mga kausap.

MRS. GONZALES
Bumalik na ang himala! Totoo ang sinabi ni Lolo Hugo, sinusubukan lamang tayo!

BALDO
Baka darating na ang gunaw! Di ba sabi'y maraming katakatakang magaganap bago ang
gunaw?

MRS. GONZALES
Isa nang tunay na Birhen si Elsa!

Biglang kukulog. Magkakatinginan sila lahat. Sa loob ng napakahabang kasaysayan ng pagkatuyo at


tagsalat sa Baryo Cupang ay ngayon lang kumulog. Susulyap sila lahat, halos sabay-sabay, sa lang'rt.
Nagdidilim. Nakangiting magkakatinginan sila.

Biglang bubuhos ang ulan.

67. EXT. KALSADA. HAPON.

Buhat sa langit ay walang tigil na bumubuhos ang ulan. Ulang matagal nilang pinanabikan sa Cupang.
Ulang hulog ng Diyos. Magtatakbuhan sa tuwa sina Mrs. Gonzales, Bella, Lolo Hugo, Igmeng Bugaw at
Baldo, Isinasahod ang mga mukha sa ulan, ikinakampay sa hangin ang mga bisig.

HERE

BALO
Bumalik na ang himala!

LOLO HUGO
Natapos na ang sumpa sa Cupang!

MRS. GONZALES
Puntahan natin si Elsal
Lalakad sila sa ulan, isang munting prusisyong nagkakatuwaan. Masasalubong sl Nimia, may dalang
maleta, babalik na ng Maynila. Lalapftan ni Igmeng Bugaw ang anak.

Makikita rin nila si Pilo, may dalang traveling bag. Naglalakad papunta sa kabilang direksyon. Di
makalapit dahil sa sakit nito.

Magpapatuloy ang nagkakatuwaang mga taong naglalakad sa ulan papunta kina Elsa.

68. INT. BAHAY NINA ELSA.


HAPON.

Nakadungaw sa bintana sina Elsa at Aling Sating dahil sa di inaasahang ulan. Sa dulo ng daan ay
dumarating na ang mga tao, nagsisigawan.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Mapapatalikod si Elsa. Mapapatingin kay Aling Saling. Unti-unting lalapit nang lalapit ang pagsisigawan
ng mga tao, parang musika, parang utos. Hanggang sa nasa tapat na sila uli ng bahay.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Papasok ang pag-aalala sa mukha ni Aling Saling. Parang sinasabi niya, huwag na, anak, tama na.
Pero nagdadalawang-loob si Elsa. Hmihila siya ng mga sigaw. Ng ulan. Ng panibagong himala.

Haharap si Elsa sa bintana at makikita niya sa bakuran sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo, Bella, Nimia,
Igmeng Bugaw, Baldo at Lucio. Ang mga taong kinalakaladkad niya sa himala noon. Mga taong ang
basang mga mukha'y puno uli ng pag-asam at pagsamba.

Kakapa-kapang pupunta sa unahan si Lolo Hugo.

LOLO HUGO
Elsa, bumalik na ang himala! Salamat at bumalik na ang himala!

MRS. GON2ALES
Elsa, Elsa, we love you!

Babaliksa sa mukha ni Elsa ang dating tigas, ang dating determinasyon

ELSA
Tawagin silang lahat!

Magsisigawan at magtatalunan sa tuwa ang mga tao. Bahagyang-bahagya, halos di mapansin, ngingiti
si Elsa. Lalapit si Aling Saling na nag-aalala pa rin.

Sa inuulang kalsada, hihiwalay si Nimia sa mga taong nagkakagulo. Lalapitan siya ni Igmeng Bugaw at
magmamadyik uli si Nimia, maglalabas ng sigarilyo mula sa mga hita. Magtatawanan ang mag-ama.
Saka lalakad paalis si Nimia.

Sa di kalayua'y paalis na rin si Pilo, dala ang traveling bag.

Patuloy sa pagkakatuwaan sa ulan ang mga tao.


69. EXT. BAHAY NINA BINO.
HAPON.

Nagmamadaling lalabas si Sepa, kasunod si Bino.

BINO
Sepa, saan ka pupunta?

SEPA
Kina Elsa.

BINO
Sepa, bakit? Namatay ang dalawa nating anak nang dahil sa kanya.

Hindi kikibo si Sepa. Manlulumo lang na parang natalo, walang mapuntahan, nalilito na. Maaawa si
Bino. Hahawakan sa balikat si Sepa.

BINO
Sige.

Ngingiti ng pasasalamat si Sepa. Saka aalis.

70. EXT. BUROL. GABI.

Sa isang tabi mula sa itaas ng burol ay pinagmamasdan ni Elsa sa ibaba ang libu-libong mga
nakasinding kandilang hawak ng mga taong nagpuprusisyon at nagkakantahan. Lalapit si Aling Saling.
Sandaling wala muna silang imikan.

ALING SALING
(hahawakan si Elsa). Natatakot ako, Elsa.

Susulyapan siya ni Elsa, saka babaling uli ito sa mga taong nagkakantahan

ALING SALING
Baka lumalabis na ang lahat. Tinototoo mo na.

ELSA
Hindi ko siya niloloko, Inay.

ALING SALING
Magmula nang mapulot kita dito sa burol e di na kita naintindihan. (bubuntung-hininga).
Pero anuman ang gawin mo'y may tiwala ako sa'yo. Sige. Maghahanda pa kami nina Sepa
para bukas.

Aaiis si Aling Saling at maiiwang mag-isa si Elsa.

71. EXT. KALSADA. UMAGA.


Naroroon uli ang sangkatauhan, nagdadagsaan sa kalsada papuntang burol, may sakay ng kariton.
merong nasa wheel chair, merong nakakotse't merong naglaiakad. Bumalik na uli sila, dala-dalaang
mga dating sakit at problema, hiia-hila ang dating mga ibinibenta.

CUT TO:

Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakit, ang
mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan. o ang mga nakikipaghilahan ng
customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak.
Nagbebenta uli ng benditadong tubig sl Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa
pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis.
Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal.

Lalapit ang Mayor sa Chief of Police.

MAYOR
Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin.

Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang isang
lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa katawan.

TAGABARYO
Nabuhay si Chua!

CHIEF DE LA CRUZ
Sino ba 'yun?

LUCIO
(lalapit at titingin din). Kapatid ho 'yun ni Chua. Baka isa pa ho 'yang me sakit din.

Bababa ng tricycle si Oriy. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni Baldo
ang mga pasyenteng nakapila.

BALDO
0, 'yung mga may sakit, dito lang. 0 paraanin 'yan, paraanin! 0 kayo d'yan, dito kayo! Lapit!

Sa isang tabi'y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales.

LOLO HUGO
Nasaan si Bella? Nakita n'yo ba si Bella?

Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang
tinedyer.

TINEDYER 1
Napa'no 'yan?

TINEDYER 2
Kinakausap ng Birhen!
Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales.

LALAKI 1
Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa

MGA TAO
(palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa!

ALING RISING
(makikisigaw na rin). Elsa! Elsa' Elsa!

Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling. Pinupunasan ni
Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at walang mga damdamin sa
mukhang lalakad papuntang entablado.

MGA TAO
(patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa!

Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na ngayon
mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at panyo at
istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga kaluluwa nilang
desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga kamera.

Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga
mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at tatahimik
ang lahat. Sa tagiliran niya'y nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen. Humuhugong na uli
ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa't magsisimula siyang magsaiita.
ELSA
Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong

ikumpisal.

Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat.

ELSA
Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikling panahon, parang naranasan
natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga Ho.
Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino.

ELSA
Maraming sakit ang gumaiing, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng
pananampalataya.Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng
krimen at panloloko.

Mapapalapit si Mrs. Alba.

ELSA
Kapag may masamang nangyayari'y sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang.
Itinaboy kasi
natin ang maysakit noon. Kaya ganoon.

Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang malaking
imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling.

ELSA
Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito'y gawa ng langit. Gawa ng
Birhen. Gawa ng himala.

Nakatingin si Sepa.

ELSA
May ipagtatapat ako sa inyo.

Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao.

ELSA
Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat' Tayo ang
gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga DIyos!

Walang makakakibo. Walang makakapagsalita.

ELSA
Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na
Birhen!
Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang
gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala!

Sa umpukan ng mga tao'y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang
sasabihi'y papailanlang ang Isang putok. Pagtama ng baia sa puso ni Elsa'y awtomatikong
mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba'y magagaya niya ang anyo ng
Birheng may
sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa.
Kakandungin ni Aling Baling ang anak.

Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo. Magtatakbuhan
lahat
papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari. Magkakatapakan, rnagtutulakan.
Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga magnanakaw.

Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-iiiyak siya.
Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot. liwan ng
turistang Puti si Bella.

Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police.

MAYOR
Hepe, dakpin mo ang bumaril!

Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin.

CHIEF OF POLICE.
Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano?

Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o kaya'y
bangag at wala sa sarili.

Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair at
bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit ang abito ng
madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan ang batang napilay.
May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo.

Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling Saiing. Ang
lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang nagtatakbuha't naghahalu-
halo sa isang walang katapusang larawan ng kapahamakan. Papatak ang luha niya. Ito ang mga
kaguluhan at kabaiiwang kanyang pinasimulan Lalapit si Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na
bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang
kamera ni Oriy. Mag-iiyakan ang Siyete Apostoles.

BALDO
(sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa!

Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang
entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa.

Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng mga
tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng damit
niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo'y nawala nang tuluyan lahat nang pag-asa
at iayunin sa buhay.

Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsa'y humahagulgol
na susunod sa mga tao si Aling Saling.
Pipigilan ni Bino si Sepa.

BINO
Sepa, h'wag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano

ka ba?

Pero makakawala si Sepa.

Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya.

Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga nakaluhod.
Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.

SEPA
Si Elsa'y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay makasalanan!
Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa! Kailangang
ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa Mahal na
BIrhen!

Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa gitna ng
mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na dugo'y nakaluhod
na aakyat uli siia sa burol, sabay-sabay na nagdarasal.

Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan. Gayundin ang
bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng isang babae si Mrs.
Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang ulo habang umiiyak.
Nakatingin lang si Ony sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa, sa kanyang mukha.

Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting dumidilim.

MGA TAO
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ... Bukod kang pinagpala sa babaing lahat...

You might also like