You are on page 1of 2

3. INT. SALA.

BAHAY NINA ELSA


GABI.

Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Saaltar ay may
nakasinding kandila sa imahen ng Birhen.

ALING SALING
Munting kumibot ang lupa'y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman
naniniwala pa rin silang ang lugar na (to'y isinumpa. Sabagay naniwala din ako n'ong una
pero "gayon, ewan ko. Baka me mga lugar talagang bihirang datnan ng ulan. Hoy, EIsa,
nakikinig ka

ELSA
Opo.

AUNG SALING
Lagi kang wafa sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo. Lagi
kang nasa burol. Hang taon ka na ba?

ELSA
Beinte-kuwatro po.

ALING SALING
Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na.

ELSA
Wala naman pong nanliligaw sa'kin e.

ALING SALING
Me anak 'yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa.

ELSA
Inay, me ipagtatapat po ako sa Inyo.

ALING SAUNG
Baka sabihin nila'y mag-ina tayong matandang dalaga. Di Rita inampon para gumaya lang
sa'kin.

ELSA
Nakita ko po ang Mahal na Birhen.

Mapapatingin si Aling Saling.

ELSA
Sa burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May
sugat sa dibdib. Umiiyak po siya at saka nawala.

Mapupuno ng ligalig at pag-aalala ang mukha ni Aling Saling.

ELSA
(manlulumo). Ayaw po kayong maniwala sa akin?

Bubuntunghininga si Aling Saling


62. EXT. BUROL. HAPON.

Marahang bumubulong ang hangin. Pinagmamasdan ni Elsa ang lugar na pinagpakitaan sa


kanya ng Birhen at pinagsamantalahan sa kanila ni Chayong. Naroroon pa rin ang tuyot na
punongkahoy. At ang buroi. Pero wala na ang hEmala.

Tataiikod siya at lalakad na sanang paalis. Mapapahinto. Sa di kalayuan ay


pinagmamasdan siya ni Orly. Lalapit tto. Magsisimula silang lumakad nang magkasabay.

ELSA
Lagi mo akong sinusundan.

ORLY
Matapang ka rin, Eisa. Siguro kung iba !ang e di na makakabalik dito sa burol.

Nagtatakang mapapatingin si Elsa.

ORLY
(mapapayuko). Nakunan ko ang nangyari sa inyo ni Chayong dito noon.

May kung anong sakit na dadaan sa mukha ni Elsa.

ORLY
Noong una, talagang desidido akong gamitin ang pelikula. Dahil kung tutuusin, minsan
lang mangyarf ito sa isang direktor. Pero nang maglaon, naisip ko, ano ba. ako ba'y gaya
na rin ng iba riyan na gagamit ng kahit na ano, kahit na sino nang walang pakundangan
para lamang sa sarili kong trabaho? Ano, **** na rin ba ako? Di ko man lamang iniisip
'yung mangyayari sa inyo, ang tanging iniisip ko lang ay 'yung makukunan ko. Kaya
parang pinagsamantalahan na rin kita.

Matagal bago makakapagsalita si Elsa.

ELSA
Tama ka nga siguro. Sa mga sinab^mo n'on sa'kin sa interbyu. Kung wala na ang tahat,
kung kalansay na lang tayo, ang matitira na lang ay ang sinasabi mong sining.

ORLY
Oo. Kahapon, sa libing, nang makita kita, doon nagbago ang isip ko. Babalik na lang ako
ng Maynila. Di ko gagamitin ang pelikula. Malas lang talaga siguro ako sa break. Naaawa
ako, pero hindi sa'yo, Elsa, sapagkat matapang ka, kundi kay Chayong, at sa sasabihin ng
mga tao tungkd sa kanya.

ELSA
(mapapatingin muna kay Oriy, saka makakapagsalita). Salamat, Oriy.

You might also like