You are on page 1of 10

PROYEKTO

SA
FILIPINO
(ULAT AKLAT)

Ipinasa ni:

Shaira R. Buenavente

Ipinasa kay:

Gng. Nerein Dimaano

October 23, 2017


I. Pamagat
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan

May Akda
Bob Ong

II. Tauhan:

Gilberto P. Manansala (Galo)

Si Galo ang nagmamay-ari ng journal. Siya ay isang kolehiyong estudyante


sa unibersidad sa Maynila. Siya ay naninirahan sa puder ng kanyang tiyahin,
sapagkat wala na ang kanyang mga magulang. Marami siyang hirap at pasakit
na dinanas sa kanyang buhay sa kabila ng kanyang edad.

Tiya Auring

Si Tiya Auring ay ang kapatid ng ina ni Galo.Kinupkop niya si Galo nang


mapunto ito sa siyudad upang mag-aral. Ngunit hindi maganda ang naging
pakikitungo at trato nito sa bata.

Tiyo Dindo

Si Tiyo Dindo ang asawa ni Tiya Auring. Sa kabila ng kasamaang ipinapakita


ni Auring kay Galo, siya ay pahilim na tumutulong sa kanyang pamangkin. Sa
katunayan, tinulungan niya si Galo sa pagbabayad ng tuition sa kanyang eskwela.

Niko at Jezel

Sina Niko at Jezel ang dating anak ng katulong nina Mama Susan na
naninirahan na din sa tahanan ni Mama Susan.

Mama Susan (Josefina Cleopas Padua)

Siya ang kinikilalang lola ni Galo. Siya ang namumuno sa isang grupong
panrelihiyon sa kanilang probinsiya. Siya ang kumupkop kay Galo nang mawala ang
mga magulang nito.
III. Buod
Si Gilberto P. Manansala na mas kilala sa tawag na Galo ay isang labing-anim na
taong gulang na estudyante. Nagsimula siyang magsulat ng kanyang diary sapagkat
ito'y isang proyekto sa eskwelahan na kinakailangan niyang gawin para makapasa sa
kurso kay Gng. Lao. Tulad ng ibang kabataan, hindi siya mahilig sa pagsusulat kaya't
sapilitan ang kanyang paggawa nito. Nagsimula ang sulating ito sa araw ng Linggo, ika-
27 ng Setyembre, 1998. Nagsimula ang kwento sa isang panaginip na siya rin ang
naging daan patungo sa hulihan ng kwento.
Napakasimple ng mga unang tala ni Galo. Ika nga, isang tipikal at normal na buhay-
estudyante ngayon. Aral, barkada, tambay at mga usaping pag-ibig. Maging ang
tungkol sa biglang pag-iwas sa kanya ni Andrea matapos ang isang taon at pitong
buwan na nilang pagsasama, ay binanggit niya rin. Tila paulit-ulit lamang ang mga
kaganapan sa kanyang buhay na tulad ng nararanasan ng mga kabataang namumuhay
nang payak.
Ang maaaring iba nga lang kay Galo sa iba, ay hindi niya kasama ang kanyang
mga magulang. Magmula nang mawala ang kanyang ama't ina ay nanirahan na siya sa
kanyang mga kamag-anak. Nang kailanganin na niyang mag-aral sa siyudad, nanatili
siya sa puder ng kanyang Tiya Auring. Si Auring ay kapatid ng kanyang ina ngunit imbis
na pangalagaan at suportahan si Galo, puro pagmamalupit ang dinanas ni Galo sa
kanya. Mabuti na lamang ay nariyan si Dindo, ang asawa ni Auring, upang siya'y
tulungan, at harapin ang mga hamon sa buhay. Sa katunayan ay palihim niya pang
tinulungan si Galo sa pagbabayad ng tuition sa paaralan, na lingid sa kaalaman ng
kanyang asawa. Dahil dito, bilang kapalit, tumutulong si Galo sa mga gawaing-bahay at
kahit sa paglilinis ng bahay ni Clinton , alagang aso nina Tiyo Dindo.
Nang matapos ang araw ng kaniyang pagsusulat ng diary para sa proyekto,
himalang pinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat. Ikinukuwento niya ang kanyang mga
karanasan at mga kaganapan sa kanyang pang-araw-araw araw na buhay sa
eskwelahan at bahay.
Hanggang isang araw, huling araw ng Disyembre, 1998, may tumawag tungkol sa
pagpapauwi kay Galo sa probinsya. Mga bandang Nobyembre pa lang kasi, ibinalita ni
ng kanyang Tiya Auring na may sakit daw ang kanyang lola na si Josefina Cleopas
Padua. Ito ang nag-alaga sa kanya noon kaya’t malapit ang loob niya sa kanyang lola.
Sa pagpatak ng taong 1999, Year of the Rabbit, nagsimula rin ang bagong yugto ng
kanyang buhay. Ika-12 ng Enero, umalis siya sa bahay ng kanyang Tiya Auring ng
walang paalam. Ngunit alam naman ng pamilya ng kanyang Tiya Auring na aalis siya
upang magtungo sa probinsya.
Dumating siya sa Tarmanes pasado alas-kwatro ng hapon, ika-14 ng Enero. Lubos
niyang ikinagulat ang pagbabago sa pisikal na anyo ng kanyang lola dala ng katandaan.
Kinamanghaan niya din ang itsura ng bahay sapagkat kahit matanda na, halatang
alagang-alaga ito. Ngunit kinalungkot niya, na ang mga dating binabasa niyang
Reader’s digest ay wala na at ang mga pumalit ay mga rebulto at imahe ng mga santo
na halos ka-tao ang sukat. Nandiyan ang Nazarenong nakahiga, Holy Trinity, Justicia,
Florencia, Inocencia at mayroon pang krus na babae ang nakapako. Ang kakaiba pa
dito, ay pinalalagyan ang altar ng masasarap na kakanin sa platito araw-araw bilang
alay daw sa mga poon.
Nagdaan ang mga araw ng pananatili niya, tila marami na siyang mga kakaibang
bagay na nararamdaman, nakikita at nalalaman. Sa paninirahan niya sa tahanang iyon,
halos naging normal na sa kanya ang makarinig ng mga yabag ng paa,
ngumunguyngoy at mga hikbi na parang umiiyak. Hanggang sa madiskubre niya na
gawa lang pala iyon nina Niko at Jezel, mga anak ni Tinay na dati namang katu-
katulong ng kanyang lola. Sila din ang taga-ubos ng kakanin sa altar. Sinasabing si
Jezel ay may espesyal na kakayahan, ang pagkakaroon ng third eye. Nakakakita siya
ng mga nilalang o bagay na hindi nakikita ng iba.
Nagpatuloy pa ang mga araw ni Galo sa bahay ng kanyang lola. Nasaksihan niya na
rin ang tuwinang pagtitipon ng grupo ni lola. “Marami sila, puno ang bahay, siguro abot
sila ng singkwenta. Karamihan ay mga matatandang babae na nakasuot ng lila na baro
na abot hanggang tuhod, may sinturon na parang tinirintas na lubid na kulay dilaw."
Napansin niyang kakaiba ang mga rosaryo nila at tila may iba silang idinadagdag na
hindi mo maiintindihan. Lubos niyang ikinagulat nang makitang may sampung taong
bumubuhat sa kanyang lola habang kumakanta: tig-iisa sa magkabilang braso, tagiliran,
hita, binti; tapos isa sa ulo, isa sa paa. Idinuduyan nila si Lola na parang ihahagis sa
altar. Sobrang panatiko ni Lola, para na talaga silang kulto. Tapos napakarami pang
nag-iiyakan, sigaw ng sigaw ng “Mama! Mama!”.
Ika-30 ng Enero, naisipang basahin ni Galo ang Librito ni Lola. “Kataas-taasang
Iglecia Santisima ng Kapatirang Banal na Sansinukob, pala ang tawag sa samahan
nila", ika niya. Sa Librito na ito nakasulat ang mga dasal, ang oras at lugar ng mga
pagtitipon at maging ang paraan ng pagsasalu-salo. “Nag-uumpisa sila ng 3:00
hanggang 4:30 ng madaling araw. Sa Biyernes ang big day, dito sila nagkikita-kita.
Meron din pag Tuesday pero sa bahay naman ni ‘Delia Gerella’ ito gaganapin. Sa
Librito ko lang din nalaman na tuba pala ang pinagpapasa-pasahan nilang inumin sa
kalis pagkatapos nila sumubo ng maliit na piraso ng palawan.
Iba-iba ang ginagawa nila linggo-linggo. Sa unang Biyernes ng buwan, meron silang
‘Pagsisisi’, sa ikalawa, ‘Paglilinis’, sa ikatlo, ‘Paghahanda’; at sa huling Biyernes,
‘Pagpupuri’.”
Pagsapit ng ika-8 ng Pebrero, ipinakita nina Jezel at Niko kay Galo ang isang
garapon na may lamang tubig-dagat at nangingitim na medalyon na nakababad, at
doon ay nakita niya rin ang pangalan niyang nakalagay. Hindi niya batid kung anuman
ang dahilan kung bakit may pangalan niya ang medalyong iyon. Subalit mas
pinagtakhan niya ang mga nasabi ng iba tungkol sa kanyang lola at sa mga kaibigan
nito. “Hindi siya lola.” ang banggit sa kanya ni Jezel. Dahil sa maraming nakikita si
Jezel na hindi nakikita ng sinuman, nais niya itong paniwalaan ngunit hindi niya
malaman kung ano ang tunay na kahulugan ng katagang iyon at ano ang mensaheng
nais nitong iparating. Marami ring mgaa kuro-kuro patungkol sa mga kakaibang nilalang
na kasama nila na sinasabing mga Kaibigan ni Mama Susan.
“Hindi sa akin nanggaling si Melissa. Hindi mo na ‘ko tatawaging Lola. Ang nasa
harap mo ay si Mama Susan.”. Ito ang mga katagang sinambit ng kanyang lola na nais
sabihin na hindi siya ang ina ni Melissa, na siya namang ina ni Galo, at hindi niya apo
ang batang ito.
Ang bahay ni Mama Susan na ang naging kapelya ng San Ildeponso, na naging
bahay burulan lalo pa ng dapuan ang bayan ng isang epidemya at marami ang
namatay. Tinalikuran na ng Simbahang Katoliko ang simbahang ito dahil sa paglabag
nito sa aral ng Kristiyanismo. Tinalikdan na rin nila at teknolohiya at pagbabago. Kaya’t
malayo at di nila tinataglay at nararamdaman ang mga makabagong pagbabago at pag-
unlad dulot ng teknolohiya. Hindi na nila kinikilala ang kapangyarihan ng gobyerno.
Kaya ang “Kapatiran” na ang naging kaagapay ng mga tao, at ang bahay ni Mama
Susan ang naging sentro nito na tinuturing na nilang templo.
Sumapit ang ika-15 ng Marso, pinuntahan ni Galo ang isang kwarto sa itaas katapat
ng kapelya sa ibaba. Dito niya nakita ang labindalawang estatwang nakapalibot sa
mahabang mesa. Halos kinilabutan siya habang naroroon. Doon niya rin natagpuan ang
garapon na kinalalagyan ng kanyang pangalan na may sindi pang kandila. At higit sa
lahat, naroon din ang mga laso na ginamit sa burol ni Josefina Cleopas Padua – si
Mama Susan.
Kinagabihan, tumulak siya paalis ng bahay. Ngunit, nakatunog na rin pala si Niko
kaya sumama ito at ginising si Jezel. Subalit, hindi nila nagawang makaalis sapagkat
takot na takot si Jezel sa kidlat at wala naman silang ibang mapuntahan kaya bumalik
na lang sila sa bahay ni Mama Susan.
Ika-20 ng Marso, magtatatlong araw ng hindi gumagalaw si Mama Susan. Nakahiga
siya sa kama, suot ang lila na baro ng kapatiran. May tatlong Kapatid na nakaluhod sa
gilid nya na nagdarasal. Sumasanib daw sa kanya ang Señora ng Santinakpan.
Tinanong niya si Galo kung naririnig ang mga tinig ng kanyang mga kaibigan. At sinabi
lahat ni Mama Susan ang lahat ng masasamang bagay ng nilalaman ng nakaraan ni
Galo, mula sa pagnanakaw niya sa kanyang mga kamag-aral at kamag-anak hanggang
sa batang ipinalaglag ng dalagang binuntis niya.
Biyernes Santo, ika-26 ng Marso, sinasabi nilang patay na si Mama Susan.
“Nagpapahinga na si Mama Susan. Wag mo siyang iiwan.”
Madaling araw ng Sabado Santo, nagising siya at narinig ang pagtawag sa kanya ni
Mama Susan. Nakaupo sa kama at nakakapanindig-balahibo ang hitsura. Bumubulong
na lang si Galo ng dasal sa labis na takot. Subalit pinipigilan lamang siya ni Mama
Susan. Naroon din si Jezel na labis na ring natatakot sa kanyang nakikita. “Kuya, may
maitim na lolo.” Bumaba sila ng hagdan sa sobrang takot hanggang sa makarating sila
sa kwarto ni Galo. Doon niya na lang naramdaman na tuluyan ng naputol ang kanyang
hinliliit sa paa na nasugat noong magbalak silang tumakas.
Kinahapunan, nagising na lamang siya na wala si Jezel. Bukas ang kanyang kwarto
at nakatingin ang tatlong miyembro ng kapatiran. Sa labas ng kwarto, nakita niya na
punung-puno ang kapelya at nasa gitna ang katawan ni Mama Susan na napapalibutan
ng bulaklak at garapong may lamang tubig at papel. Nagkakantahan at nagrorosaryo
ang lahat. Habang kinakatok ng ilan ang pinto ni Galo. Patuloy niyang isinusulat ang
kanyang diary habang nagaganap ang nakakakilabot na mga katok at tawag sa kanya.
Patuloy rin ang kanyang dasal habang napapansin niyang may mga titik na
nadadagdag sa kanyang diary na hindi na siya ang nagsusulat.
“Isusulat ko sa harapan bibigkasin hindi mo dumarating mabubuhay na magmuling
kordero Isusulat... Me luminibus nocte exstinctis omnino videbis. Tibi soli semper adero.
Nos una in aeternum coniuncti erimusaAngs umulat nitoay sa akin. Ang nagbabasa
nito ay sa akin. Ikaw ay pinili. Nararamdaman mo ba ang mahigpit na yakap sa iyo
ngayon ng isang kaibigan?”.

IV. Banghay

Simula:
Sinumulan ni Galo ang pagsusulat sa diary nang gawin itong proyekto ng
kanyang guro. Nang una ay hindi niya ito magustuhan at tila sapilitan pa ang paggawa.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw, tila nakagiliwan niya na ito sapagkat ito ang naging
paraan upang mailahad niya ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nakapaglabas siya ng emosyon at kanyang saloobin sa kanyang diary.

Saglit na Kasiglahan:

Namuhay siya nang normal kasama ang pamilya ng kanyang Tiya Auring, simula
nang nagtungo siya sa siyudad upang mag-aral. Kahit na labis ang pagmamalupit nito
sa kanya, nariyan naman ang kanyang Tiyo Dindo upang siya’y tulungan.

Nasanay na siya sa ganitong klase ng pamumuhay, tila paulit-ulit at umiikot


lamang ang mga kaganapan sa kanyang buhay. Kung ano ang nangyari ngayon, ay
siya ring inaasahan niyang mangyari bukas. Pagbabago ang tangi niyang inaasam na
mangyari.

Hanggang sa isang araw, nakatanggap sila ng isang tawag mula sa probinsiya


na nais pauwiin si Galo roon. Sinasabing ang lola nitong si Josefina, na nag-alaga sa
kanya nang mawala ang kanyang mga magulang, ay nagkaroon ng malubhang sakit.
Dahil sa pagmamahal nito, ninais niyang pumunta at alagaan muna ang kanyang lola
sa probinsiya.
Tunggalian:

Magmula nang siya ay manirahan sa bahay ng kanyang lola, sari-sari at mga


kakaibang pangyayari ang nangyayari sa kanya. Naging pangkaraniwan na sa kanya
ang mga di karaniwang tunog ng mga yabag ng paa, humihkbing mga bata at iba pa.

Sari-saring mga kuro-kuro rin ang narinig niya patungkol sa iba pang uri ng
nilalang na naninirahan sa bahay. Lalo pang tumindi ang mga katakot-takot na
pangyayari nang sabihin ng kanyang lola na hindi nagmula sa kanya ang ina ni Galo, at
marapat siya nitong tawaging si Mama Susan.

Nagsulputan ang kababalaghan at nagdulot na rin ng karahasan. Nasaksihan


niya rin ang muling pagkabuhay ng kanyang lola na may ibinubulong pa sa kanya. Sa
takot niya, ninais niyang umalis at takasan na ang mga misteryo at kababalaghang
nagaganap sa bahay ni Mama Susan.

Kasukdulan:

Nagdaan ang araw ng kanyang pananatili sa tahanan ni Mama Susan.


Nasaksihan niya ang kakaibang pagpupulong/pagtitipong isinasagawa ng grupong
panrelihiyon na pinamumunuan ni Mama Susan, na ginanap sa tahanan nito.

Iba’t ibang mga kuwento rin ang kaniyang narinig patungkol sa kakaibang
nilalang na kasapi ng grupong ito na kilala bilang mga kaibigan ni Mama Susan.

Hanggang sa unti-unti niyang natuklasan ang mga misteryong nagaganap sa


tahanang ito. Kasama niya sina Jezel at Niko na tumulong sa kanya upang maimulat
ang kanyang mata at masaksihan ang kababalaghang nangyayari dito.

Hanggang sa sumapit ang pagkamatay ni Mama Susan. Labis na nagdusa at


nagluksa ang mga kagrupo nito. Labis ang kilabot at takot na kanyang naramdaman,
ninais niyang tumakas at magpakalayo-layo sa lugar na iyon. Agad itong nalaman ng
magkapatid na Jezel at Niko, sa parehong naisin nila, magkakasamang tumakas ang
tatlo ngunit, sa huli’y di rin ito natuloy dahil sa takot ni Jezel sa kidlat.

Nasaksihan niya rin sa kaniyang pamamalagi rito ang muling pagkabuhay ni


Mama Susan. Hindi siya nito tinigilan, sa pagtakas niya nga’y naputol rin ang maliit na
daliri sa kanyang paa.
Kakalasan:

Napagpasiyahan niyang manatili sa isang silid, at doon ay patuloy pa rin siyang


ginugulo ng iba’t ibang klase ng nilalang. Doon niya lang din napag-alaman na wala na
pala roon si Jezel kaya’t nanatili na lamang siya doon at nagkulong sa takot na may
mas malaking panganib sa labas.

Wakas:

Patuloy niyang isinusulat ang kanyang diary habang nagaganap ang nakakakilabot
na mga katok at tawag sa kanya. Patuloy rin ang kanyang dasal habang napapansin
niyang may mga titik na nadadagdag sa kanyang diary na hindi na siya ang nagsusulat.

V. Reaksiyon/ Repleksiyon
Ipinakita sa nobelang ito ang pakikipagsapalaran ni Galo sa pagbalik niya muli sa
tahanan ni Mama Susan. Sa kabila ng mga kababalaghan at katakot-takot na mga
pangyayari, nasiyahan pa rin ako sa pagbabasa sapagkat hindi inaasahan ang mga
sumusunod na pangyayari.

Maganda rin ang mga bahaging ginampanan ng bawat karakter sa kuwento. Bilang
indibiduwal na iba sa kapwa at natatangi, naipakita ng bawat karakter sa kuwento ang
sari-sarili nilang paraan sa pagtugon sa mga suliranin at mga misteryo man o
kababalaghang nangyayari sa paligid.

Ikinalungkot ko lang na tila bitin o di kumpleto ang pagtatapos ng kuwento. Inaamin


kong sa huli, ay aking inaasahan na makakaalis si Galo sa lugar na iyon upang
makapagsimula muli at kalimutan ang kakaibang nangyari. Isa pa, wala akong
nakuhang aral sa pagbabasa ngunit tiyak naman kikilabutan at lubos mong madarama
ang kaba habang binabasa ang istoryang ito. Inilahad ang kuwento na parang ikaw
mismo, na nagbabasa, ang nasa kinalalagyan ng bawat karakter.
VI. Mga Tanong

Mga Tanong Oo/Hindi Paliwanag


Napanatili ba ng aklat ang Oo Dahil sa dami ng mga problema at
aking interes? mga kababalaghang nangyayari sa
tauhan, ninais ko pang ipagpatuloy
ang pagbabasa at alamin kung ano
ang kanilang kahahantungan.
Nakatulong din ang kakaibang tema
nito upang mapanatili ang aking
interes sa aklat.
Kapani-paniwala ba ang Hindi Dahil umikot ang nobela sa mga
banghay? kakaibang pangyayari o
kababalaghang naganap sa
tahanan ni Mama Susan sa
pananatili roon ni Galo. Bihira rin
akong maniwala sa mga kuwentong
kababalaghan kaya’t mahirap
saking paniwalaan ang banghay.
Makatotohanan ba ang mga Hindi Dahil ang mga tauhan ay binubuo
tauhan? ng iba’t ibang uri ng nilalang.
Nariyan si Jezel na nagtataglay ng
third eye at narin rin ang mga
kaibigan ni Mama Susan. Maging si
Mama Susan ay hindi
makatotohanan sapagkat muli itong
nabuhay matapos nitong mamatay.
Angkop ba ang lenggwaheng Hindi Dahil may napansin lamang akong
ginamit ng may-akda? mga ibang salita na hindi na
ginagamit sa kasulukuyan at ang
iba’y di angkop para sa mga batang
mambabasa.
May natutuhan ba ako sa aklat Hindi Dahil sa kakaibang tema nito, hindi
na ito? ako nakahanap ng aral para sa
aklat na ito. Isa pa’y hindi kumpleto
o bitin ang naging wakas ng
kuwento at hindi ipinakita kung
nalagpasan ba o nanatili na lamang
doon ang pangunahing tauhan.
Maganda sana kung naipakita na
hindi nawalan ng pag-asa ang
pangunahing tauhan at nakatakas
sa marahas at katakot-takot na
lugar na iyon. Marahil ay
makakapagturo pa ito ng aral sa
atin.

You might also like