You are on page 1of 41

NANG IWANAN MO’KO

Elise, para sa iyo." iniabot sa kanya ni alvin ang hawak nitong three red roses.

Para sa akin 'to?" tila hindi makapaniwala ang dalaga. Alanganin kung tatanggapin o hindi ang bulaklak. Sa buong buhay niya'y
ngayon lang kasi siya nabigyan ng bulaklak at nagmula pa sa lalaking ito na napakaguwapo at macho.

"para s iyo talaga 'yan Elise, nagmula sa puso ko." itinuro pa ni alvin ang kaliwang bahagi ng dibdib.

Napatanga naman si elise habang hawak ang bulaklak. Hindi talaga siya makapaniwalang totoo ang eksenang ito. Siya n ubod ng
pangit ay bibigyan ni Alvin ng bulaklak? Hindi kaya panaginip lang?

Kinurot ng dalaga ang sarili. Nasaktan siya, gising nga siyang tLag at totoo ang eksenang ito.

"B-bakit mo ako binigyan nito?" nagkandabulol na tanong ni elise. Naramdaman ny ang malakas na tibok ng kanyang puso. At
pata siyang minamagneto sa mga titig na ipinukol sa kanya ni Alvin.

"kailangan p bang itanong 'yan?" nakangiting tanong ng binata.

"kapag ang isang lalaki ay nagbibigay ng bulaklak sa isang babae ay isa lng ang ibig sabhin." makahulugan itong kumindat. "A-
ano?" naniniyak na tanong ni Elise.

Nagulat p ang dalaga nang bglang hawakan ni Alvin ang nanginginig nyang palad. "mahalaga sa akin, Elise. At aaminin kong gust
kitang ligawan kung hindi ka magagalit," ang sabi nito sa malumanay na tinig.

Pakiramdam ni Elise ay sumasayaw ang kanyang puso sa narinig. Ibig nyang tumalon sa katuwaan n nang mga sandaling iyon. "B-
bakit naman ako magagalit?" tanong Ni Elise n nagyuko ng ulo. Ayaw nyang makita sa lalaking kaharap ang ngiting napunit sa
mga labi nya. Kahit ganitong pangit sya ay ayaw naman nyang isipan ng khit sino n easy girl siya.

"kung malinis ang layunin mo sa akin ay willing akong tanggapin ang panliligaw mo. "binawi nya ang kamay, paiwas-iwas.

Nanatiling nakayuko si elise kaya hindi nya nakita ang biglang pag-iba ng ekspresyon ni Alvin.

Kung kanina'y nakangiti Ito, ngayon ay nalukot ang mukha nito at halatang nagugulihan. Dahil ang totoo ay hindi ito seryoso sa
kanya. Napagkatuwaan lamang sya nito dahil sa udyok ng mga kapwa nito artista.

"LIGAWAN mo kaya 'yang si Elise pare", sabi ni Mark n sidekick nya sa pelikulang sinusyuting nila ngayon. "titingnan natin kung
ano ang magiging reaksyon. Siguro ay hihimatayin sa tuwa." dugtong pa nito.

"kalokohan! Bakit ko liligawan 'yan e hindi ko naman gusto?" sabi ni Alvin na sumulyap kay Elise na nakatayo sa tabi ng flatform
at nagbabasa ng script.

"hindi mo naman siseryosohin. Paglaruan lang natin," sabat naman ni larry, kontrabida nya sa pelikula.

"oo nga naman Alvin, ligawan mo't ng mag-enjoy k nman. Isipin mo, sa ating apat ay ikaw lang ang walang nobya. Nagmumukha
kng kawawa, kay guwapo-guwapo mong tao pro zero ang lovelife mo," kantiyaw nman sa kanya ni Ferdie.

Totoong wLang girlfriend si Alvib sa kasalukuyan, hindi dahil sa wala syang makitang liligawan kundi'y ayaw n muna nyang
haluan ng pag-ibig ang career nya sa panahong ito dahil baguhan p lamang sya sa showbiz at gusto muna nyang makapag-
concentrate ng husto.

"isipin mo pare, walang masyadong babae sa lugar n ito. Kundi mo liligawan 'yang si elise ay wala ka talagang ibang
mapagbabalingan ng pansin. Baka mamaya nyan ay magtiyaga k n lng sa kapwa mo lalaki," biro ni Larry.

"ulol!" binatukan ito ni Alvin.

"sige na pare, ligawan mo n si elise." pangungulit ni Mark. "kundi mo sya liligawan ay ako ang manliligaw sa kanya. Tulat ay
maganda naman ang katawan niya." sinulyapan nito si elise na ngayon ay nkatalikod n sa kanila. Kundi kaharap ang dalaga ay
mapagkakamalang isang kaibig-ibig na babae dahil perpekto ang kurbada ng katawan nito. Ang deperensya lng talaga ky elise ay
ang mukha nitong halos mapuno ng nunal.
Kilala ni Alvin si Mark, wala itong patawad pagdating sa tsiks. Balit niya'y ultimong katulong nito'y pinapatulan. Minsan pa nga ay
nakasuhan ito ng rape. Malakas lang ang impluwensya kaya hindi nakulong. Sa makatuwid na salita, si Mark ay my pagka
manyakis. Tiyak na hindi nito palalampasin ang kaseksihan ni Elise kapag nagkataon.

"o, ano Alvin, liligawan mo ba si Elise o hindi? Sabhin mo lang at ako ang didiskarte," pagkasabi'y tumayo na si Mark at akmang
lalapitan na ang tinutukoy na dalaga.

Naisip ni Alvin na sya na lamang ang manliligaw ky Elise keysa mapariwara ito sa kamay ni Mark.

"teka lang pare, maupo ka muna. Pag-usapan muna nating mabuti to." pinaupong muli ni Alvin si Mark.

"O, ano, ikaw na lang ang didiskarte?" paniniyak na tanong nito.

Tumango si Alvin.

"walanghiya ka pare, paayaw-ayaw ka pa iyon naman pala'y interesado ka rin kay Elise." kantiyaw ni Larry.

Hindi na lamang pinansib ni Alvib ang sinasabi nito. Iniwan na nya sa kubo ang mga ito.

At ngayon nga'y Sinimulan na nya ang panliligaw ky Elise. Ngunit sa puso nya ay naroon ang pag-aalinlangan.
Nakakakonsensiyang paglaruan ang isang katulad ni Elise na sa tingin nya'y inosente pa talaga sa larangan ng pag-ibig.

Ngayon p lamang ay parang ibig ng umurong ni Alvin sa kalokohang ito. Pakiramdam niya'y hindi niya kaysng paikutin sa palad
nya ang dalagang wala namang naging kasalanan sa kanya. "Elise, halika muna sandali." tawag ng director sa dalaga.

"excuse me muna, Alvin, tinatawag na ako ng director natin." paalam ni elise bago iniwan ang binata.

Sinundan ni Alvin ng tingin ang dalaga.

"she've got a perfect body, sayang at hindi maganda ang mukha nya," sabi ng binata sa isip.

"may ipapagawa ho ba kayo sa akin, direct?" magalang na tanong ni Elise kay direct Alan.

"i need the list of victor's hut, can you give it to me after the next scene?"

"Yes direct," kaagad n sagot ni Elise. At saka binuklat ang script, mabilis na hinagilap ng mga mata ang mga eksenang gagawin sa
kubo ni victor. Matapos matingnan ang bawat pahina ay dumukot ng bolpen sa bulsa ng suot na pantalon. Pumunit ng isang
pahina mula sa notebook at saka dali-daling nagsulat.

Natutuwang pinagmasdan lamang sya ni direct Alan. Bilib sa kanya ang director na ito dahil sa lahat ng P.A ay sya ang pinaka-
masipag.

"heto na ho, direct." Iniabot ni elise ang listahang hiningi nito.

"thank you, iha," anito bago tinanggap ang listahan.

"wala hong anuman, direct," akmang tatalikod na sya nang mapansing Nahulog pala sa lupa ang bulaklak na bigay ni Alvin sa
kanya kanina. Yumukod sya at dinampot ang three red roses.

"para kanino nga pala 'yang bulaklak na 'yan, iha?" tanong ni direct Alan na sa flowers nakatingin.

Sasabhin sana ni Elise n galing kay Alvin ngunit nahihiya sya. Nag-isip na lamang sya ng ibang isasagot.

"ipinabigay ho ni alvib sa leading lady nya, kay Marie."

"ah." ngumiti lamang ang director at saka tumango-tango.

"KUMUSTA na ang diskarte mo kay Elise, pare?

Naka-first base ka na ba?" tanong kaagad ni Mark Kay Alvin nang lapitan nito ang huli.

"hindi pa," sagot ni Alvin na nakailing.


"ang bagal mo naman." katiyaw ni Mark. "para si Elise lang ay natatagalan ka pa? Kulang ka yata sa diskarte."

"hindi naman sa ganon pare. Nakukonsensya lng ako sa ipinapagawa ninyo sa akin. Isipin mo, inosenteng babae 'yang
paglalaruan mo."

"kung hindi kaya ng loob mo'y tumigil ka na. Ako na lang ang magpapasagot kay Elise," kaagad na sabi ni Mark. "kapag ako ang
kikilos ay bibillib ka sa akin pare. Makikita mo, wala pang isang araw ay mapapasagot ko na si Elise." nagmamalaking dugtong
nito. Nagtaas pa ito ng thumb mark.

"you can see kung gaano ako katinik sa tsiks. Bago matapos ang siyuting natin dito sa nueva ecija ay mabubuntis na ang Elise na
'yan.''

Biglang kinabahan si Alvin sa narinig. Kawaw naman si Elise kapag nagkataon. Mabuting siya na lang ang manligaw dito dahil
wLa syang balak na angkinin ang pagkababae nito. hindi katulad ni Mark na talagang manyakis.

"Sarado na ang usapan natin, pare," sabi ni alvin na tinapik sa balikat si mark. "sa akin lang si Elise, walang ibang gagalaw sa
kanya kundi ako, okey?"

"basta ikaw, pare." gumanti ng tapik sa balikat niya si mark. "pero sa isang kondisyon."

"anong kondisyon?" maang na tanong niya.

"ikukuwento mo sa amin kung ano ang itsura ng legs ni Elise. Sa lahat kasi ng babaing kasama sa siyuting na ito ay ang legs lang
nya ang hindi pa natin nakikita. Ayaw kasing magswimming . Tsaka lahat ng damit niya, kundi pantalon ay paldang abot
hanggang bukong-bukong. Curious tuloy akong makita ang legs nya."

"talagang manyakis ang taong ito," nasabi ni Alvin sa isip.

"pare,ha? Ikukuwento mo sa Amin kung ano ang itsura ng legs ni Elise."

Tumango na lamang si Alvin khit naiinis.

Tuwing makikita ni alvin si Elise ay nakakaramdam sya ng hindi maipaliwanag na damdamin. Hindi nya maintindihan ang sarilu
kung bakit ganon na lamang ang pagmamalasakit nya dito. Hindi naman sya dating nakikialamsa buhay ng ibang tao. Kung
tutuusin ay wLa talaga syang pakialam maloko man ni Mark si Elise o ng kahit sinong hudas. Bakit nga ba sya makikialam at
mababahala gayong hindi naman nya kaanu-ano si Elise. Ngayon lamang nya ito nakita. Ang pagkakaalam niya'y baguhan lng ito
sa showbiz.

"Alvin, dinalhan kita ng pagkaen," sabi ni Elise matapos mailapag sa mesang nasa ilalim ng kubo ang dalang tray. Kasalukuyang
nagpapahinga ang binatA nang lapitan nito.

Bumangon si Alvin mula sa pagkakahiga sa mahabang upuang kawayan at saka nginitian si Elise.

"nag-abala ka pa," sabi nyang hindi pa rin mapalis ang ngiti sa labi. "sana ay hinayaan mo na lng ang mga utility na silang
maghatid sa akin ng meals. Hindi mo nman obligasyong alagaan ako sa pagkain."

"hayaan mo na," nakangiti ring sabi ni Elise.

"tinutulungan ko lng naman ang mga utility dahil busy silang masyado. Andami kasing extra ngayon, hirap silang mag-distribute
ng pagkain." inilapit nito sa kanya ang tray. "sige, kumain ka na't pasado alas dose na. Baka magkasakit ka pa ng ulcer kapag late
kang kumain."

Napakamaalalahanin talaga ni Elise, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naaawa si Alvin dito.

"hindi sya deserve na masaktan," wika ng binata sa isip.

"maiwan na muna kita, alvin. Pupuntahan ko pa ang ibang mga artista." paalam sa kany ni Elise.

Bumaba ang tingib ni Alvin sa tray. Maraming ulam ang nakalagay. Alam nyang ang iba rito'y galing ky Elise. Kaunti lng kasi ang
ulam ng production. Si Elise ay lging bumibili s restaurant ng hotel n tinutuluyan nla dhil mpili ito s pagkain. At ngayon, pati sya'y
bnilhan nito ng pagkain.
"nakakahiya nman s knya. Ako ang lalaki at mayaman s aming dalawa tapos Ay sya p ang magbibigay s akin,"wika ni Alvin sa isip.

Habang kumakain ay madalas n tinitngnan ni Alvin si Elise, busy ito sa pagbibigay ng pagkain sa mga kapwa nya artista. Sa tingin
nya'y nagmukha ng alila ang dalaga dhil panay ang utos ng mga mapagsamantalang artista dto. At ayaw nyang mkitang
ginaganoon si Elise. Sumasakit ang kaloobab nya.

Gustong lapitan ni alvin si Elise para sabihang kumain n ito ngunit nahihiya sya s sasabhin ng makakakita at makakarinig. Tiyak na
bibigyan ng malisya ang pag-aalala nya at bka mging sentro sya ng tuksuhan.

Hinintay na lamang ng binatang mapag-isa si Elise. Nang makita nyang pumunta ito sa ilalim ng punong kahoy ay nilapitan nya.
Dala-dala nya ang tray ng Hindi pa nauubos na pagkain.

"hi, Elise!" masiglang bati nya s dalaga.

"hello!" ganting bati nito na nangislap ang mga mata sa katuwaan.

Umupo si alvin s tabi ni Elise. Inilapag nya s harapan ang tray ng pagkain.

"ayaw mo na?" tanong ni elise.

"busog na ako," sagot ni alvin n tumingin din sa tray n hawak ni elise. Wala pang bawas ang pagkain nito.

Isang paslit ang lumapit sa knila at humingi ng pagkain.

Ibnigay ni Elise ang pagkain nito.

"paano ka ngayon, ano ang kakainin mo?" nag aalalang tnong ni alvin.

"hindi problema 'yan," sagot ni elise sabay dampot sa tray nya. "ito n lng tira mo ang kakainin ko. Tutal ay wLa k nmng sakit n
nakakahawa di b?" biro nito.

Tuwang pinagmasdan ni alvin si elise habang Kumakain. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo sya at ngpaalam n kukuha ng
tubig pra dito.

"huwag n alvin," tutol ni elise. "nakakahiyasa iyo, artista k tapos ay ikukuha mo ako ng maiinom, huwag na, ako n lng."

Ngunit hndi nkinig ang binata. Maano kung magmukha syang tsimoy ni Elise, ok lng dhil mabait nmn ito s knya at pinagsilbihan
sya. Isa pa'y magaan ang loob nya dto.

Magaan ang loob nya?

Natigilan si alvin s kaisipang iyon. Kapag magaan kasi ang loob nya s isang babae ay iisa lng ang kahulugan nyon, in-love sya.

"but not at this time." tutol ni alvin sa kaisipang iyon. Imposibleng iibig sya sa isang katulad ni Elise. "naaawa lng ako s kanya."
kumbinsi nya s sariling damdamin.

"hmm.... Tingin ko'y my unawaan n kayo ni Elise,"sabi s knya ni larry. Nkita pala sya nitong lumapit ky Elise kanina. Nilapitan sya
nito sa utility truck.

"shh....iyang bungangs mo, bka my mkarinig s iyo." saway nya dto.

Ngumisi si larry at saka inilapit ang bibig nito s kanyang tenga. Tsaka halos pabulong n nagsasalita."sinagot k na ba, pare?"

Umiling sya. "saka n tayo mag-usap tungkol jan pagdting ntin s hotel. Puntahan nyo n lng ako sa kwarto ko, ok?"

"sige, sasabhin ko n lng kina Mark at Ferdie n pumunta kami sa room mo." nkabgising iniwan sya ni larry.

"ano ho ang gusto ninyo, sir? Tubig o softdrinks?" tanong ng utility boy sa kanya.

"dalawang mineral water lng," sagot nya.

Ibinigay nito ang hinihingi nya.


Palinga-linga si alvib habang naglalakad pabalik ky Elise.

Ayaw nyang my iba pang makakita sa paglapit nya s dalaga.

Nakakahiya s side nya,nakakababa ng pride.

Isipin n lamang n sa dinami-dami ng pwede nyang kausapin at lapitan ay dto p sya ky Elise dumikit?

Pero bkit nmn sya mahihiya kung wala syang malisyang itinatago sa sarili?

Ang sabi ng iba, kapag my pag-ibig k s isang babae ay bibigyan mo ng Malisya ang mga pag-aalalang ipinapakita mo sa kanya.
Hindi kaya ganito ang nangyari s kanya.

Umiling si alvin sa kaisipang iyon. Kahit mag-abot p siguro ang langit at lupa ay imposibleng titibok ang puso nya ky Elise.

"Elise, my boyfriend k n ba?" hindi malaman ni alvin kung bkit sya nkapagtanong ng ganon matapos nyang maiabot dto ang
mineral water.

"wala pa," nakailing n sagot ng dalaga. May lungkot n sumungaw sa mga mata nito. "ni hindi pa nga ako naligawan,e,"
nahihiyang dugtong nito.

"anong hindi, nanliligaw ako sa iyo, di ba?"

Nasabi ni alvin dala ng awa nya ky Elise.

"talaga bang seryoso ka sa sinasabi mo?

Paniniyak n tanong nito.

"Oo naman," nkatangong sagot ni Alvin.

TumitiG si elise sa kanya, matagal.

"baka nmn lolokohin mo lng ako,"bakas ang pangambasa tinig nito.

"hindi ko gagawin sa iyo yan," mahinang sabi ni alvin. Lihim syang nkadama ng sundot ng konsensya.

Umaliwalas ang nukha ni Elise s nrinig.

"Elise, ipinabibigay ni Alvin sa iyo," nkangiting sabi n ferdie sabay abot ng hawak nitong love letter s knya.

"talaga? Galing ky alvin 'to?" nangislap ang mga mata nya s katuwaan.

"meron p syang ipinabibigay sa iyo," inilabas ni larry ang chocolate n nkatago s likuran nito.

Hindi npigilan ni elise ang sriling huwag mpangiti. Ky ligaya nya. Wlang kcng srap ang pkiramdam nya ng mga sndaling ito.

"hindi lng love letter at chocolate ang ipinabibigay nya sa iyo elise, meron pa." iniabot s knya n mark ang 3 red roses n knina'y
nkatago dn s likuran nto.

"naku, pkisabi ky alvin n maraming2x salamat," wika ni elise n niyakap ang mga bgay ng tatlo.

"mkakarating, elise," sabi ni mark.

Kaagad n isinara n elise ang pintuan ng inuokupa nyang silid ng hotel at ska prang loka-lokang ngtatalon s ibabaw ng knyang
kama habang yakap-yakap ang mga bgay n inaakalang bgay ni alvin.

Hndi alam ni elise n ngtatawanan sina larry, ferdie at mark s pasilyo ng hotel hbang tnutungo ang kwarto n alvin. Ang mga ito
ang my pakana ng lahat. Wlang kmalay-malay si alvin s ibnibigay ng mga ito ky elise.

Ptuloy s kakatawa ang tatlo hnggAng sa Mkarating s silid ni Alvin.

"mukhang ang saya-saya nyo yata ngayon. Bakit ba?" tnong ni alvin nang mpagbuksan ng pintuan ang mga ito.
"Sinabayan lng nmin ang ksiyahan ng love mo." si Mark ang sumagot.

"sinong love?" kunot noong tanong ni alvin.

"kunwari pa ito. May iba p bang love mliban ky Elise?" nanunuksong sabi ni larry.

Nkaamoy ng hndi mganda si alvin n nakitang ekspresyon ng mukha ng tatlo.

"siguro ay my ginawa kyong hndi mganda ano?"

"baligtad ang tanong mo,pare. Ang sbhin mo'y my ngawa kming mganda" nkatawang sgot n mark.

Pinapasok ni alvin ang tatlo. Nagsipag-higaan ang mga ito sa kama nya.

"ngayon, sabhin ninyo sa akin kung anong magandang bagay ang nagawa ninyo?"pumwesto si alvin sa single chair na katabi ng
tv. Nkaharap sa tatlo.

Nakaramdam ng tensyon kya bumuntonghininga at saka humalukipkip. "ano ang ginawa ninyo ky elise.

"uy sobra ang concerned nya ky horror queen!"

Katyaw ni larry n tumawa nang mlakas. Pati tuloy sina ferdie at mark ay nahawa nito.

"tingin ko'y na-develop n taoaga tong si alvin ky horror queen.

Sobrang makapag-react o," sabi nmn ni ferdie ng makita ang pamumula nya.

Tawanan n nmn.

"ang saya-saya talaga ni halloween queen knina ng bigyan nmin ng chocolate, love letter at flowers.

Napaniwala nming galing sa iyo ang mga iyon."

Pagmamagling ni ferdie.

"ginawa ninyo yon?"

Tanong n alvin n ibig ng magalit sa tatlo. Napag-isip-isip p nmn nyang hindi n itutuloy ang panliligaw ky elise dhil nakukonsya sya.
Iyon pala'y pinapaasang lali ng tatlong bohemyo ang kawawang dalaga.

"oo," halos sabay n sagot ng mga ito.

Nagtatanguan p ng mga kilay. "bkit masama ba?"

"hindi ninyo dapat ginawa yon," sabi n alvin n napapailing n lamang sa inis.

"ibang klase k rin nmn, pare. Dapat p nga ay magpasalamat k s amin dhil tinutulungan k nming mapadali ang panliligaw mo. Iyob
pala'y magagalit ka pa." himutok ni mark. "ano ba talaga?"

Desidido k b talagang ligawan si elise o hindi?

Sabhin mo lng at ng madiskartihan ko n sya.

Nakaramdam n nmn ng pag-aalala si alvin para ky elise. Sa tingin p nmn nya'y interesado tlaga ang mark na ito n mkaisa sa
dalaga.

Kawawang kawawa si elise kapag nagkataon. Alam pa naman nyang inoseNteng babae ay madaling mabola lalo na't sanay n
sanay sa pamboboladas itong si mark.

"huwag na huwag mong madiskartehan si elise, Mark. Hayaan mo na akong dumiskarte sa kanya." nanulas sa bibig ni alvin.

"ang bagal mo kasi, nakakainip ka," wika ni mark na umiling iling.


"hindi naman ganon kadali ang ipinapagawa ninyo sa akin. Mahirap dumiskarte ky Elise, hindi sya easy girl kung iyon ang akala
ninyo."

"nagpapa-hard to get pa pla si horror queen, ha?"

Tumaas ang kilay ni ferdie.

"syempre, baka kasi feeling nya ay magandang-maganda sya dahil nililigawan sya ni alvin," sabi ni larry ngumiwi.

"nakakainis ang ganyan 'no?

Pangit na nga'y magpapakipot pa."

"kayo naman kung magsalita kayo'y para namang kasalanan ni Elise n naging pangit sya. Pasalamat nga tayo't hindi tayo katulad
nyang..." naputol ang iba p sanang nais sabhin ni Alvin nang my kumatok sa pintuan.

Tumindig sya at binuksan ang pinto.

"good evening, alvin!" nkangiting bati ni elise nang lumantad sa paningin nya. Kamuntik ng mapasigaw si Alvin sa pagkagulat.
Lalo kasing lumaki ang mga nunal nito sa mukha. Hindi n nya halos nkikita ang bibig,ilong at mga mata nito.

"naistorbo ba kita?" nhihiyang tanong ni Elise na pnagmasdan syang mbuti. Naramdaman.yatang natakot sya s pagmumukha
nito.

"H-hindi nman," maingat na sagot bi alvin.

"may pinag-uusapan lng kmi," nilinga nya ang tatlo n kapwa napatanga habang nkatitig ky Elise.

Itsura ng mga ito ay parang nakakita ng multo. "ano nga pala ang maipaglilingkod ko sa iyo?" pormal na tanong nya.

"gusto lng kitang pasalamatan ng personal doon sa mga ipinabigay mo," sabi ni Elise na bagama't nkangiti ay mababakasan ng
kalungkutan ang mukha.

Hindi ito manhid upang hindi maramdamang kinakatakutan nila ang pagmumkha nito.

"A, iyon ba? Wala yon," pilit na ngumiti si Alvin.

Kung magagawa lng nyang pagbaguhin ng ekspresyon ng mukha ang tatlong bohemyo ay ginawa na nya hwag lamang sumakit
ang loob ni Elise.

"M-may itatanong sana ako sa iyo pero saka na lng," sabi ni elise na pumihit patalikod. "sige, salamat uli."

Sinundan ni Alvin ng tingin si Elise, nkita nya ang pagyugyog ng magkabilang balikat nito. Natitiyak nyang umiiyak ito. Sumakit
ang loob nya. Ayaw nyang mkitang nasasaktan ang dalaga dhil nsasaktan din sya. Apektado sya kapag sumasakit ang loob ni
Elise.

"god!" Bulalas ni mark. "bkit ba ganon ang mukha ni Elise? Lalo syang pumapangit." dugtong nitong tila nandidiri.

"Oo nga, lalo syang nagmukhang katakot-takot, wika nmn ni larry.

"horror n horror talaga ang dating ng mukha pero ang katawan pare. Nkita ninyo ba? Ang sexy ano? Umiling-iling si ferdie.
"sayang lng ang ganda ng katawan ni Elise kundi mapakinabangan."

"huwag kang mag-alala, ferdie, mapapakinabangan ni Alvin ang kaseksihan ni Elise."

Sabi ni larry n tumawa. " ngayon ko lng nadiskubre n katulad k rin pla ni mark. Mga manyakol talaga kayo. Ultimong si Elise ay
pinagpapantasyahan ninyo."

"nagsalita ang magaling," sabat ni mark na binatukan si larry. "akala mo siguro ay hindi ko napapansing sobra kng makatitig ky
Elise kapag nakatalikod sya."

Namula si larry.
"huwag na tayong maglokohan pa mga pare.

Aminin na nating pare-pareho lang tayong my desire ky Elise, sabi ni ferdie. "pero hanggang s katawan lng tayo ha? Hindi tayo
titingin sa mukha nya't baka himatayin pa tayo."

Nagtawanan ang tatlo.

Tanging si Alvin lamang ang tahimik, walang kakibo kibo.

"tsk!tsk! Nadevelop na talaga ang taong ito ky Elise," nanunuksong wika ni larry.

"tigilan nyo na nga ako." sumama ang pakiramdam ni Alvin s kakatukso sa knya ng tatlo.

"ang mabuti pa'y magpahinga na tayo't maaga ang pull-out ntin bukas."

Sa halip na tumigil ay lalo p syang tinukso ng mga ito.

"uy, excited n syang matulog dhil si Elise ang naka-schedule na manggigising bukad. Gusto n nyang mkita uli si horror queen,"
wika ni fernand.

Tawanan n nmn.

Napikon n si alvin sa pang aalaska ng tatlo.

Masama n ang timplada ng mukha nya. EwAn b nya, hindi nmn sya napikon para sa sarili nya. Mahaba ang pasensya nya. Ang
ikinagalit nya'y ang patuloy n panlalait ng mga ito ky Elise.

"Alvin, ha? Bka totoong nainlove k n ky halloween queen," sabi ni mark n pinaseryoso ang mukha.

"bakit nmn ako maiinlove do'n?" asar n tanong ni Alvin. Gusto n nyang singhalan si mark ngunit nagpipigil sya.

"masyado ka kcng seryoso, tingin ko'y asar n asar ka sa amin dhil ginagawa naming laughing stock si Elise. Kundi k inlove sa
kanya'y bkit k maaasar sa amin aber?" pinataas pa ni mark ang magkabilang kilay.

"naawa lng ako don sa tao. Wala nmn syang ginagawang masama sa atin. Bakit pinag iinitan ninyo?" pabagsak na umupo si Alvin
sa single chair matapos na maisara ang pinto.

"kita mo na? Concerned na concerned ka talaga ky horror queen. Obvious na obvious n my gusto k nga sa knya," si Ferdie.

"tigilan na nga natin ang katutukso ky Alvin.

Baka mamaya nito'y totoong ma-in-love 'to ky halloween queen. Kawawang binata," bagamat seryoso ang mukha'y binuntutan
nmn ni larry ng malakas na tawa ang sinabing iyon.

"ang swerte nmn ni Elise kapag nagkataon.

Daig pa nya ang tumama ng jackpot sa lotto," sabi nmn ni ferdie sa pagtanong putol-putol n pagtawa.

"seriously speaking pare, huwag kng mapagppadala sa tukso nmin. Nagbibiro lng kmi.

Kabisado nmn namin ang type mo, iyong beauty queen at hindi horror queen," sabi ni mark na tinapik sya sa balkat. "pero hwag
kng magback out pare.

Sayang din ang katawan ni halloween queen kapag hindi mo napakinabangan.

Hindi n lamang pinansin ni Alvin ang sinbi ni mark. Pansamantala ay susunod na muna sya sa ihip ng mga ito. Papaniwalain lng
nyang patuloy p rin syang nanliligaw ky Elise para hindi madiskartehan ng manyakis n mark n ito ang kawawang dalaga.

Ngunit sa isip ni Alvin ay naroon ang planong pagtatapat ky Elise sa katotohanan. Bahala n kung magalit ito sa kanya, ang
mahalaga'y hindi ito patuloy n umasa.

"elise, my sasabhin sana ako sa iyo," maingat na wika ni Alvin nang mapagbuksan ng pintuan ang dalaga. Sya ang pinakaunang
ginising nito.
"mukhang alam ko n yata kung ano yan,"

Nahihiyang sabi ni Elise n nagyuko ng ulo.

"sinabi na sa akin nina Mark kagabi pagkagaling nila dito."

Namilog ang mga mata ni Alvin. Anong kalokohan n nmn kya ang ginawa ng tatlong bohemyo?

"sinabi nila, ang alin?' kinakabahang tanong ng binata.

"N-na mahal mo raw ako," sagot ni Elise n nkayuko pa rin. "nalaman ko rin sa kanila na ako ang una mong pag-ibig. Natutuwa
nga ako't pareho pala tayong hindi pa nagkaroon ng ksintahan."

Napatanga si Alvin. Hindi malaman kung ano ang sasabhin.

Kung ipagtatapat nya ngayon n pinapasAkay lng nya ito'y tiyak n masasaktan ito ng labis. Ngayon pa namang umaasa na ito ng
husto na seryoso sya sa panliligaw dto.

"hanggang ngayon ay hindi p rin ako makapaniwalang my mga tao pala na hindi s panlabas na anyo tumitingin, Alvin. Maraming
maraming salamat sa iyo."

Nag-angat ng mukha si Elise at nkita ng binatang napapakuha ito. Marahil ay dala ng labis na kaligayahan.

"Alvin, talaga bang mahal mo ako?" paniniyak n tanong ng dalaga, matamang tumitig sa kanya.

At ewan ni alvin kung bkit tumango sya at niyakap ito ng mahigpit.

"huwag mo akong paiiyakin ha, alvin?" parang batang takot n matalo sa laro si Elise.

Nakukonsensyang niyakap n lamang ni Alvin nang mahigpit si Elise.

Sa loob-loob nyay naroon ang matinding pangamba sa maaaring kahihinatnan ng pangyayaring ito. Ngayon sya nagsisi kung bkit
nya sinkyan ang kalokohan ng tatlong bohemyo.

"Jane, my sasabhin ako sa iyo pero magpromise kang hindi mo sasabhin sa iba, ha?" sabi ni Elise ng lapitan ang script girl nila sa
ilalim bg tent na nagsusulat.

"ano'yon?" kunot-noong tanong nito.

"mangako ka munang hindi mo sasabhin sa iba," pangungundisyon ni Eluse.

"Oo na," makukulitang sagot ni jane. "sabhin mo na't excited na akong marinig.

"alam mo, my boyfriend na ako," nkangiting sabi ni Elise.

"talaga?'' tila hindi mkapaniwala si jane. "sino ang... I mean sino ang boyfriend mo?"

"secret," sagot ni Elise. Hindi n muna nya ipapaalam dtong si Alvib ang nobyo nya't bka hindi ito maniwala.

"sino nga?" pangungulit ni jane. "sabhin mo na please."

"nahihiya ako e," parang batang sabi ni elise.

"bkit k nmn mhihiya? Sino ba sya?"

Naiintrigang tanong nito.

"a,basta saka ko nlng sasabhin sa iyo," wika ni Elise n akmang aalis na.

"teka sandali," pinigil sya ni jane at hinawakan sa braso.

"hindi ako makakatulog kapag hindi mo sinabi sa akin kung sino ang boyfriend mo.
Ibang klase pa nmn ako. Hindi ako sanay n nabibitin.

Lumapit sa kanya ang utility na si boyet, may dala itong softdrinks para sa kanilang dalawa.

"ang bait mo naman, boyet. Dinalhan mo kami ng drinks kht hndi k namin inuutusan." Pambobola ni jane s lalaki.

"ganito talaga ako kapag nakikita ko si Elise, ang sipag-sipag ko. Ganado kasi akong magtrabaho kapag nkikita ko ang love ko," sbi
nitong ky Elise nakatingin.

"uy, ngay0n ko lang nalaman me gusto k pala ky Elise. Siguro ay mag-on na kayo?" panghuhuli ni jane.

"hndi ha!" mabilis na tanggi ni Elise.

"kuh! Nahihiya pa 'to. Aminin mo na ang toto0."

nanunuksong ngumiti si jane.

"sge na love, aminin m0 ng type m0 rin ak0," sbi ni boyet n tuwang-tuwa.

"bumalik ka na s trabah0 mo't bka makalim0t ako't mabuntal pa kta."

Pananakot ni Elise. Masama ang tingin nya sa lalaki. Hndi nya alam kung ano ang nakain nito't bigla na lamang itong
nagkaganito.

"ay mainit Ang ulo ng love ko,"

Sabi ni boyet bago umalis. Patawa-tawa pa ito.

"ano kayang nakain ng damuhong iyon at bigla n lamang akong inaska?" himutok ni Elise.

Tawa nang tawa si jane habang nakatitig sa kanya.

Parang my nakikita itong nakakatawa sa kanyang mukha.

"bakit ba tawa k ng tawa dyan?" sita ni Elise dito.

"wala naisip ko lang na bagay na bagay kayong pagpartnerin ni boyet," sagot nitong patuloy p rin sa pagtawa.

"dahil ba pareho kming pangit?" tanong ni Elise na pilit itinatago ang pagkainsulto.

"no," nakukonsensyang sagot ni jane.

"kung hindi'y bakit mo sinabing bagay kming dalawa? Saang anggulo kmi magkabagay?"

"S-sa ano...sa ugali, pareho kayong masipag," nagkandabulol na sagot ni jane.

Alam ni elise na nagsisinungaling ito ngunit hindi na lamang sya kumibo. Totoi nmng pareho silang pangit ni boyet. At kung
matuturuan lng sana ang puso'y si boyet na ang namahalin nya. Sa piling nito'y tiyak na wala syang kaagaw. Ngunit ky Alvin,
ewan lng nya kung magtatagal ang relasyon nila.

Hindi malaman ni alvin kung paano ipagtatapat ky Elise ang totoo n hindi nya ito mahal. Habang tumatagal ay lalo syang
nawawalan ng lakas n magtapat sa dalaga dhil natatakot sya at nag-aalala para sa mging damdamin nito. Hindi biro iyong
paglaruan ang damdamin mo. Kababae p namab ni elise. Kahit nga sa lalaki ay masakit ang mapaglaruan.

Sa babae pa kaya?

Hindi alam ni Alvin na habang sya ay naguguluhan kung paano babawiin ang pag-ibig na inialay ky Elise ay sya namabg
pagsisikap nina Mark, Ferdie at Larry na mabaon ng husto ang kalooban ni Elise sa pag-asang mahal na mahal nya ito.

Halos gabi-gabi ay nagbibigay ng bulaklak at chocolate ang tatlong bohemyo kay Elise at sinasabing galing ky Alvin.Tuwang-tuwa
naman si Elise, pakiramdam nya ayg sya na ang pinakamaligayang nilikha sa buong mundo. At hindi nya mapigilan ang sariling
hwag umasang mahal na mahal nga sya ni Alvin. Sino ba naman kasi ang lalaking mag-aaksaya ng panahon sa isang babae kapag
hindi ito mahalaga sa kanya?
Maari sigurong merong gano'ng lalaki pero hindi si Alvin. Kilala nya ang pagatao nito kahit bago pa lamang silang magkakilala.
Alam nyang hindi nito magagawa ang manloko sa kapwa. Mabait si Alvin, iyan ang buong akala nya.

"Alvin, salamat ng marami do'n sa mga ibinibigay mo, ha?" sabi nya sa binata ng matiyempuhan nya itong nag-iisa sa ilalim ng
tent. Nitong mga huling araw ay hindi na sila nagkakausap at nagkakalapit dhil pareho silang busy.

"Ibinigay?" kunot-noong gagad. "wala nmn akong binibigay sa iyo, a."

Naalala ni Elise na sinabo nga pala sa knya nina Mark, Larry at Ferdie n hwag ng banggitin ky Alvin ang tungkol sa mga ibinigay
nito dahil baka raw makarating sa kaalaman ng iba at matsismis pa ito.

Ayaw na ayaw pa nmn daw nito ng publicity.

Luminga-linga ang dalaga at ng matiyak na walang isa mang tao na malapit sa knila ay umupo sya sa tabi ni Alvin.

"Don't worry, hindi ko nmn sasabhin sa iba ang tungkol sa ating dalawa lalo na iyong pagbibigay mo sa akin ng roses and
chocolates every night."

Itatanggi sana ni Alvin ang tungkol sa bulaklak at chocolate ngunit ewan nya kung bkit hindi nya nagawa. Nag-aalala kasi sya sa
magiging damdamin ni elise kapag nalamang niloloko lng pla ito ng tatlong bohemyo.

"salamat talaga ng marami, alvin, ha? Pasensya k na't ngayon lng ako nkapagpasalamat sa iyo ng personal, busy kasi ako."

"Wala yon, maliit na bagay lang 'yon." nginitian nya ang dalaga at saka inakbayan.

Inalis ng dalaga ang kamay nya. "baka my makakita sa atin, maintriga ka pa," malumanay nitong sabi.Na-touch si Alvin sa sinabi
ni Elise, ibig sabhin ay matitiis nitong ilihim ang kanilang relasyon huwag lamang maapektuhan ang career nya. Napaka-
understanding pala nito. Perfect na mging nobya, kundi lamang naging ganito ang mukha ni Elise ay hindi malayong iibigin nya
ito ng totohanan. Hindi naman sya naghahanap ng magandang-maganda. Ayos na sa kanya kahit simple beauty, huwag lamang
nyang ikakahiya sa mga tao.

"Alvin, bkit ba sa dinami-dami ng mga nagkakagusto sa iyo ay ako ang napili mo?" biglang naitanong ni Elise na tumitig sa kanya.

"kasi mabait ka at maunawain," sagot ni Alvin, wLa syang ibang mapagpilian kundi ang sumakay na lamang sa agos. Nandito na
it0, napasubo na sya. Saka na lamang sya gagawa ng paraan kung paano malulusutan ang sitwasyong ito ng hindi masyadong
masaktan ang damdamin ni Elise.

"mabuti ka pa, hindi sa panlabas na anyo tumitingin. Samantalang ang mga magulang ko ay nandidiri sa akin. Mula nang
magkaisip ako ay hindi ko natatandaang hinagkan nila ako at niyakap. Ikinahihiya nila ako, ni hindi nila ako isinasamang
mamasyal. Noong mag-aral naman ako ay wala akong naging kaibigan. Palagi kasi nila akong nilalait dahil sa itsura kong ito.
Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako tao. Napakaraming bagay ang ipinagkait ng tao sa akin dahil sa angkin kong mukha."
malungkot na malungkot ang mukha ni Elise habang nagsasalita.

Hinaplos naman ng labis n pagkaawa sa dalaga ang puso ni Alvin. Nararamdaman nya kung gaano kasakit sa side nito ang
pagkakaroon ng hindi normal na itsura. Hindi mo nmn kasalanan kung bkiy nagkaganyan ang mukha mo. Isa pa'y hindi nmn
mhalaga ang panlabas na anyo. Ang importante'y mabuti ang kalooban mo."

Nangislap ang mga mata ni Elise sa tinuran ng binata.

"ibig mong sabihin ay hindi mo ako ikakahiya, Alvin?" seryosong-seryoso ang mukhang tanong nito.

"hinding-hindi, Elise," sagot ni Alvin kahit pa hindi iyon ang totoo nyang nararamdaman.

"paano kung pagtawanan k ng mga nakakakilala sa iyo? Anong gagawon mo? Makikipag-break ka ba sa akin?" sunod -sunod na
tanong ng dalaga.

Hindi malaman ni Alvin kung tatango o iiling.

Matagal syang nag-isip ng isasagot. At natagpuan na lamang nya ang sariling nagsasalita na ng nakasalungat sa tunay nyang
nararamdaman.
"wala akong pkialam anuman ang sabhin ng mga tao. Ang importante para sa akin ay ikaw, ang pagmamahalan nting dalawa."

"talaga, Alvin?" nangislap ang mga matang tanong ni Elise, may luhang sumungaw.

"O, bakit ka umiiyak?" pinahid ni Alvin ang luhang pumatak mula sa mata ng dalaga.

"luha ito ng kaligayahan, Alvin. Ang saya-saya ko. Hindi ko akalaingmakatagpo ng lalaking katulad mo." umingos ito. "alam mo, sa
buong buhay ko'y ngayon lng ako lumigaya ng ganito. Sa iyo ko lng naramdaman kung paano ang mahalin, alvin."

Hinaplos ng binata ang likod ni Elise, marahan at buong pagsuyo. Ewan nya kung bahagi p b iyon ng pagsunod nya sa agos ng
pangyayari o dikta n ng sarili nyang damdamin.

Unti-unting inalis ni Alvin ang kamay nya papalayo ky Elise ng mkita mula sa sulok ng kanyang mga mata ang papalapit n si
Boyet. May dala itong dalawang basong softdrinks.

"excuse me muna sa inyo, ma'am, sir," sabi ni boyet na tumingin ky Elise bago inabot sa knila ang inumin. Nkita nitong papahid-
pahid ng luha ang dalaga, nagtataka ito.

"pinapraktis ni Alvin ang susunod nilang eksena ni Marie," sabi ni Elise nang mapansin ang reaksyon ni boyet.

"Ay, gano'n ba? Akala ko ay napaano na ang halloween queen kong mahal," mahinang sabi nito ngunit malinaw na nakarating sa
pandinig ni elise.

Nag-init ang ulo nya. Mapagpapasensyahan nya siguro kung gwapong lalaki ang namintas sa itsura nya. Pero kung ang boyet lng
ding ito n pangit ding katulad nya ay di nya mapapalagpas ang panlalait nito.

"ano'ng sabi mo, boyet?" galit na tanong ni Alvin, nag-init din pala ang ulo nito sa narinig.

"W-wala ho, sir," kinakabahang sagot nito.

Namutla ito nang mkita ang pagsiklab ng galit sa mga mata ni alvin.

"sa susunod ay matuto kang gumalang ng babae lalo n sa isang katulad ni Elise na nakakataas sa iyo. Igalang mo sya,
naiintindihan mo?" hinawakan ni alvin ang kuwelyo ng damit nito. "sa susunod kapag narinig ko png binastos mo si elise ay
mananagot ka sa akin. Ma'am ang itawag mo sa kanya, huwag na huwag mo ng uulitin ang pagtawag sa kanya ng halloween
queen." patulak nitong binitawan ang takot na takot na lalaki.

Walang sabi-sabing iniwan sila ni boyet.

"alvin, salamat ha?" niyakap nya ang binata.

"kapag merong nanakit ng damdamin sa iyo ay sabhin mo kaagad sa akin. Hindi ako makakapayag na basta k n lng nilang
sasaktan. Malilintikan sila sa akin."

Ang sarap ng pkiramdam ni Elise. Para syang nakatagpo ng anghel sa katauhan ni alvin. Ni sa hinagap ay hindi nya naisip na
darating ang sandaling saktan sya nito.

"mga unggoy kayo, bkit b nyo binigyan ng flowers at chocolates si elise ng hindi ko alam?" sumbat ni Alvin sa tatlong bohemyo
nang gabing iyon pagdating sa hotel. Sadya nyang pinapunta sa silid nya ang mga ito upang makausap ng masinsinan.

"hayan kna nmn , napipkon k n nmn sa ginawa naming pagtulong sa iyo," my pagdaramdam pang sabi ni mark.

"don't you understand us, pare ginawa lng nmin yon para mapadali ang pagpasagot mo ky Elise." si larry na tinapik sya sa
balikat.

"mga ulol!" bulalas ni alvin. "nasagot n ako ni elise ng dahil sa kagagawan nyo no?"

"tLaga, pare?'' halos sabay n tanong ng tatlong bohemyo.

(fastforward)......
Patuloy syang kinukulit ni jane kung sino ang kanyang boyfriend.

Napagdesisyonan nyang ilihim nlng ito dahil mapapahiya ang binata. Kahit pa sinabi ni alvin na hindi sya ikinahihiya nito'y dapat
pa rin syang mag-ingat na panatalihing lihim ang kanilang relasyon.

"sige na naman Elise," umandar n nmn ang kakulitan nito.

"huwag mo nang alamin at hindi makakabuti. KLimutan mo n lng ang tungkol do'n."

"hmmm... Siguro ay si boyet ang boyfriend mo no?" tama ang hinala ko noon p mam."

"hindi," nakailing na tanggi nya.

Talagang hindi dahil hindi ako pumapatol sa isang horror queen," wika ni boyet na kanina pa pala nakatayo sa my pintuan. Dinig
nito ang pag-uusap nila.

Nagtawanan ang ibang costumer na nakarinig sa sinabi ni boyet. Namula sa kahihiyan si elise. Pakiramdam nya ay namamanhid
ang buong kalamnan nya dhil naging sentro sya ng katatawanan.

Marahas na tumintig si Elise, pinagdaop ang magkabilang palad at saka itinakip sa mukha. Patakbong lumabas.

"elise, wait!" tawag sa kanya ni jane.

Ngunit ni hindi ito nilingon ng dalaga.

"elise, bkit ka umiiyak?" tanong sa kanya ni alvin, nakasalubong nya ito sa my pasilyo patungo sa silid nya.

Hindi sumagot ang dalaga, patuloy lng sya sa pag-iyak.

"elise, speak up, ano ba ang nangyari sa iyo?" hinawakan sya ni alvin sa magkabilang balikat at saka tinitigan sa mukha.

"ayoko na, alvin! Ayoko na!" sabi nyang pumigsi. "simula sa mga araw na ito ay layuan mo na ako dhil hindi tayo bagay. Pangit
ako! Pangit!"

Naisip ni alvin sa sinabi ni elise n my taong nanlait sa itsura nito. Sumakit ang loob nya sa kaisipang iyon. Ewan nya kung bkit
pakiramdam nya'y sya ang nasasaktan sa tuwing my mananakit sa damdamin nito.

"elise," niyakap nya ito nang mahigpit at saka dinala sa kwarto nito.

"now, tell me elise, sino ang nanakit sa iyo?"

Tanong nya matapos itong mapaupo sa gilid ng kama.

"huwag mo ng alamin," sabi ng dalagang patuloy s pag-iyak. "totoo namang pangit ako."

Dugtong nitong bakas ang labis na sama ng loob.

Pinahid ng palad ni alvin ang mukha ng dalagang basa sa luha. Pagkuwan ay kinabig nya ito pasubsob sa dibdib nya.

"huwag mong intindhin ang mga taong nagsasBi sa iyong pangit ka. Sinabi ko nmn sa iyo noon p man n hindi mahalaga ang
panlabas na anyo ng isang tao. Ang importante ay ang kalooban nya," malumanay na wika ni alvin.

"pero mukha pa rin ang laging napapansin ng tao, alvin. Kahit gaano pa kaganda ang loob ay hindi nilA iyon tinitingnan. Palagi na
lng ganito, sa tuwian ay pinagtatawanan ako. Pagod n ako, alvin, pagod na ako sa pagtanggap ng mga panlalait nila. Sawang-
sawa na rin ako sa pagkukunwaring everything is allright. Dhil ang totoo ay dinadaya ko lng ang aking sarili. And i think it's about
time para tanggapin ko na ang katotohanan n hindi talaga ako puwedeng mamuhay ng normal na katulad ninyo."
"ano ba 'yang mga pinagsasabi mo, Elise?" awang-awa si alvin sa dalaga. "tao ka, katulad ko'y my karapatan kang mamuhay ng
normal. God Elise, you just dont know how much i care for you. I love you. I really mean it." nanulas sa bibig nya ng hindi
sinSadya. Ewan nya kung utos p rin iyon ng isip nya o ng pusong nalilito.

"alvin," nag-aangat nang tingin si elise at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Sa paningin ni alvin ay pangit pa rin ang dalaga
ngunit mahalaga ito sa kanya. Ayaw nya itong masaktan. Hurting her is like tearing him apart.

"please be honest with me, alvin. Mahal mo ba talaga ako? Hindi mo kaya pinasasakay lamang ako?" nakasungaw sa mga mata
ni elise ang pait nang itanong iyon.

"mahal kitang talaga, elise no doubt," kaagad na sagot ni alvin.

Kung ito man ay isang panaginip, ayaw n ni elise na. Mgising pa. Muli, sumubsob sya sa maskuladong dibdib ni alvin.

At nabigo na naman si alvin na ipagtapat ky elise ang totoo. Sa halip ay talo p nya itong pinaasa. Paano p nya babawiin ang
nabitawang salita ky elise?

Nakatulog si Elise sa dibdib ni alvin. Marahan itong pinahiga ng binata sa kama at sa kinumutan. Hinagkan nya ito sa noo bago
iniwan.

"nakita ka raw ni larry na nagpunta sa kuwarto ni elise. Ano ang ginagawa ninyo?" malisyosong tanong ni mark sa kanya nang
magkasalubong sila sa my hagdanan. Paakyat sya sa kwarto ny samantalang pababa naman ito. At tiyak nyang sa kwarto nya ito
nanggaling.

"kung ano man 'yang naglalaro sa malisyoso mong utak ay burahin mo't wala kaming masamang ginawa ni elise," sabi nya sa
tinig na may halong inis.

"wala naman akong sinasabing my ginawa kayong masama," nakangising sabi ni mark. "kilala mo naman ako, liberal minded 'to,
pare, makahulugan nitong dugtong.

"kahit kailan talaga ay baluktot 'yang utak mo. Masyado kng advance, pare. Tigilan mo na 'yang kaiisip ng hindi maganda. Green
minded ka, eh."

"sobra k nmang magsalita, napadikit k lng ky halloween queen ay nakakasakit k n ng damdamin," nagdaramdam na wika ni
mark.

"ikaw kasi, nakakapikon ka na."

"huwag k nmang mapikon, pare. Isipin mong katuwaan lng ntin ito. Huwag mong siseryosohin," tinapik sya ni mark sa balikat.

Ewan ni alvin, hindi n nya alam kung ano ang gagawin. Tuluyan ng nahulog ang loob nya ky elise. Hindi n nya kyang bawiib iyon.

"elise, nkita ko kagabing nanggaling sa kwarto mo si alvin. Anong ginagawa nyo don?" tanong sa kanya ni jane. Sakay sila sa
knilang service patungong shooting location.

Hindi kaagad nakasagot ang dalaga. Bigla syang kinabahan. Baka natunugan na ni jane ang relasyon nila ni alvin. Delikado, baka
ipagkalat nito.

"itinanong lng nya kung seq. Ang isu-shoot ngayon." naipasalamat nya't nakaisip sya ng kasinungalingan. Hindi nya ugaling
magsinungaling ngunit kailangan dhil pagkatao ni alvin ang nakasalalay. Ayaw nyang magmukha itong katawa-tawa ng dhil sa
kanya.

Kung hanggang kailan nya ililihim ang relasyon nila ni alvin ay hindi nya alam.

Panahon na lamang ang makapAgsasabi.

Parang kinurot ang puso ni elise nang mkitang halos kumandong na si marie ky alvin habang nakaupo ang dalawa sa ilalim ng
tent. Naunang dumating sa knila ang ibang cast ng pelikula.

"sino ba 'yang tinitingnan mo elise?" usisa ni jane nang mapunang halos mabato sya sa katitingin sa direksyong kinapakuan ng
kanyang mga mata.
Nakalimutan na tuloy nyang hindi pa pala sya nakaibis ng sasakyan. Selos na selos kasi sya, ni hindi nya napansing nanginginig na
pala sya.

"hmmm...inis ka rin pala sa marie na 'yAn?" sabi ni jane ng makita ang nkita nya. "pareho pla tayo, ako man ay inis na inis din sa
marie na 'yan. Ubod ng landi, tingnan mo nga, o kulang nlng ay pakandobg ky alvin.

"bumaba na nga kayong dalawa," sabi sa kanila ng driver na si mang emong. "kung anu-ano ang sinasabi mo ky marie, jane, pero
kapag magkaharap kayo ay ang bait-bait mo nmn sa kanya."

Napahiya si jane ngunit hindi nagpahalata.

"siyempre, nasa showbiz tayo kaya kailangang makipagplastikan," sabi lamang nito.

" sabagay," sang-ayon na lamang ni mang emong.

"O, ano ba, elise? Bumaba ka na dyan at tayo na lng ang nahuhuli. Tingnan mo o, lahat ng mga artista'y nandto na. Hindi tayo
dapat mahuli, nakakahiya, tayo pa naman ang may hawak ng script."

Marahas na bumaba ng sasakyan si elise. Parang sasabog ang dibdib nya ng marinig ang malakas na tawanan nila alvin at marie.
Nginatngat sya ng maginding insecurities dhil hindi sya bulag upang hindi mkita ang malaking lamang nito sa kanya ni marie.
Maganda ito, mayaman at sikat n artista. Samantalang sya'y pangit at walang yamang ipapantay dito.

Naalala tuloy ni elise ang isang tagpong nagpapabago sa kanyang buhay.

"nang dahil sa iyo ay pinagtatawanan ako ng mga amiga ko. Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo. Sinabi ng huwag kang lumabas sa
iyong kuwarto pero hindi ka nakinig. Nakita tuloy nila kung gaano ka kapangit ang anak ko!" galit na galit ang mama claudia nya
habang nagsasalita. Halos lumuwa na ang mga mata nito sa sobrang poot.

"i'm sorry talaga, mama. Akala ko kasi'y umalis na ang mga bisita ninyo," umiiyak n nangangatwiran si elise.

"hindi na maibabalik ng sorry mo ang nangyari. Napahiya na ako. Kinantyawan ako ng mga amigo ko. Ginawang laughing stock.
Ang its all because of you. Kahit kailan talaga ay malas ka sa buhay naming mag-asawa." kung magsalita ang ina nya'y para syang
ibang tao

Sa isang tabi ay tahimik na nakikinig lamang ang kanyang ama. Wala itong kibo. Mabait s kanya ang papa nya pero wala itong
laban sa ina nya. Palaging ang mama nya ang nasusunod sa lahat ng bagay. Sayang lang ang pagiging padre de pamilya ng papa
nya dahil wala nmn itong tinig sa bhay nila. Her mother is acting like a head of the family. Whie her father is acting like a stupid
one.

"ang mabuti pa ay lumayas ka sa pamamahay na ito, elise!" pagtataboy sa kanya ng ina. "dahil habang naririto ka ay naalala ko
lamang ang kataksilan ng iyong ama," tiningna nito ang papa nya.

"a-ano ang ibig ninyong sabhin, mama?" maang n tanong ni elise. Papahid-pahid ng luhang tumitig sa ina.

"anak ka sa pagkakasala ng iyong ama. Hindi kita kadugo!" malinaw na bigkas ng mama niya.

Natulig si elise sa katotohanang natuklasan. Kaya pala hindi sya makuhang mahalin ng inaakala nyang ina'y dhil hindi pala sya
dugo at laman nito. Anak sya sa pagkakasals. Kay sakit pakinggan.

"paoa, totoo ba?" tanong nya sa amang hindi tumitingin sa kanyA. Nagyuko ito ng ulo.

Huwag mo ng kausapin ang papa mo't malinaw na sa iyo ang katotohanan. Lumayas k na ngayon dib!" hinila sya ng mama
claudia nya at halos patulak n pinalabas ng bahay. !sige, lumayas ka na't huwag n huwag k ng bumalik dto.

"sandali, mama. Kailangan ko munang malaman kung sino ang tunay kong ina." akmang babalik sya sa loob ngunit humarang sa
pintuan ang mama claudia niya.

"hindi n kailangan dahil patay n ang iyong ina.Namatay sya nang ipanganak k. Nkita mo ba kung gaano k kamalas na tao? Sa
simula p lang ay puro kamalasan n ang hatid mo."

"elise, ano ka ba? Bakit ka pa nakatanga rya?


Tayo na, lapitan n ntin si direct alan."

naputol ang paggunita ni elise nang tapikin sya ni jane sa balikat.

"bakit ba sambakol yang mukha mo, elise?"

Tanong sa kanya ni alvin nang lapitan sya nitong nag-aayos ng damit sa loob ng wardrobe truck.

Hindi ito sinagot ng dalaga. Nagpatuloy sya sa ginagawang tila walang narinig.

"Elise, please, kausapin mo naman ako," nakikiusap na wika ni alvin. Pinihit nito ang katawan nya paharap dito.

"mamaya na pagkatapos nitong ginagawa ko," sabi ni elise n pilit itinatago ang pagkainis na bunga ng pagseselos nya. "bumalik k
n sa set at baka hinahanap ka na ni marie." dugtong niya. May diin ang bigkas nya sa pangalang 'marie' at my bahid na selos ang
salitang hinahanap.

"teka sandali," nagkamot ng batok na wika ni alvin. "bakit ba ganyan ang tono ng pananalita mo?"

Hindi kumibo si elise, sa halip ay sumimangot sya.

"ano ba ang nangyayari sa iyo, elise?"

Hinawakan ni alvin ang baba nya at saka itinitig ang mga mata nya sa mukha nito.

"wala,". Nagmamaktol na sagot nya.

"kung wala'y bkit ganyan ka, parang galit ka sa akin."

" ikaw kasi," sabi n lamang ni elise na lumungkot ang mukha. "nakita ko kayo ni marie kanina, ang sweet- sweet ninyo."

"iyon ba? Huwag mong intindihin 'yon, flirt ang babaeng 'yon. Wala akong panahon sa mga ganong klaseng babae."

"talaga?" nangislap ang mga mata ni elise.

"kung gano'n ay bakit mukhang enjoy na enjoy ka kaya kanina habang kausap mo sya?"

"kailangan kasi, alam mo namang nasa showbiz tayo. Leading lady ko sya, nakahiya nmn kung isnabin ko." paliwAnag ni alvin.

"wala ka talagang gusto sa kanya, ha?" paniniyak na tanong ni elise.

"wala talaga," sagot ni alvin na nagkrus p ng dibdib. At hindi nya alam kung bkit kylangan p nyang tiyaking wala ng natitirang
pagdududa sa dibdib ng dalaga.

"hindi kaya binobola mo lang ako?" tanong pa rin ni elise bagama't umaaliwalas na ang mukha.

"maganda nga sya pero hindi ko naman sya mahal. Ikaw lang ang loves ko, elise." hindi na alam ni alvin kung sa isip o sa puso
galing ang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig. Iisa ang tiyak nya, ayaw nyang masaktan ang damdamin ng dalaga.
Bukod doon ay naguguluhan n syang intindihin kung ano ang tunay nyang damdamin dito.

Bakit ba ganito na lamang ang pagpapAhalaga nya sa damdamin ni elise?

"ibig mong sabhin ay hindi mo ako ipagpapalit kay marie?" tanong na naman ni elise.

Sa totoo lang ay may crush si alvin sa leading lady nya ngunit mas pinili nyang ipagkaila ang damdaming iyon keysa saktan ang
damdamin ni elise.

Si elise na ewan kung bkit napalapit sa kanyang kalooban. No'ng una nya itong makita ay wala naman syang ibang
nararamdaman dito kundi ang pandirihan ang itsura nito.

Ngunit ngayon ay hindi na sya nandidiri dito. Katunayan ay my mga sandaling gusto nya itong ikulong sa kanyang bisig at sabhin
ditong she's safe in his arms.

In-love n ba sya kay elise?


Imposible, ito ang gusto nyang paniwalaan. Hindi mangyayaring iibig sya sa isang katulad ni elise.

Kinagigiliwan, maaari pa. Dahil mabait ito.

"kahit isang milyon pang marie ang makita ko'y hindi kita pagpapalit, elise," sagot ni alvin sa mukhang seryosong seryoso.

Sapat na ang mga narinig upang lubusang magtiwala si elise sa pag-ibig ni alvin.

"sana'y hindi ka magbago, alvin. Sana ay mahalin mo pa rin ako hanggang wakas." nawika ni elise tumingala sa itaas.

Sinundot ang konsensya ni alvin sa narinig.

Kung alam lang sana ni elise sa simula pa man ay hindi na nya ito totoong iniibig.

Sa tuwing naiisip ni alvin ang panlolokong ginagawa nya ky elise ay nakakaramdam sya ng hindi matatawarang galit sa sarili.
Gusto nyang saktan ang sarili dahil nakuha nyang paasahin ang isang inosente at kawawang babae. Lagi na lang ay itinatanong
nya sa sarili kung ano ang gagawin nya upang matigil na ang dramang ito.

Maraming ulit na syang nagtangkang ipagtapat ky elise ang totoo subalit sa tuwing sasabhin na sana nya ang katotohanan ay
umuurong ang kanyang dila at naninigas ang magkabila nyang panga. At napapansin nyang habang tumatagal ay dumarami ang
mga kasinungalingang lumalabas sa kanyang bibig sa layong huwag masugatan ang damdamin ng dalaga.

May mga pagkakataon pang naging suplado sya sa mga tagahanga nyang mga chicks dahil nag aalala syang baka masaktan si
elise kapag nakita nitong nakikipagharutan sya sa mga flirt nyang fans. Sa makatuwid, marami syang sinasakripisy alang-alang
kay elise. Bagay na hindi nakakatuwang isipin. Sya mismo ang naghigpit sa sarili nya, ang nagtakda ng limitasyon. Kailangang
hanggang tango, ngiti at kindat lang sya sa mga naggagandahan nyang mga fans. Hindi sya pwedeng umakbay sa mga ito katulad
ng mga ginagawa ng mga kasamahan nyang artista.

Kapansin-pansin ang pagbabago ni alvin .

Napagsabhan na tuloy sya ng kanyang mga fans na lumalaki na ang kanyang ulo dahil limitado ang pakikitungo nya sa mga
naggagandahan nyang mga tagahanga. At ginawa nya iyon alang-alanf ky elise.

Munti man, hindi nya hahayaang masaktan ang damdamin nito. Sa maktuwid, malaku ang naging epekto ng dalaga sa buhay
nya.

"mga pare, tulungan nyo naman ako," tila daing na wika ni alvin kina mark, larry at ferdie.

"bakit ba? Ano bang pinuproblema mo?" maang na tanong ni mark.

"si elise, hindi ko talaga alam kung paanong ipagtatapat sa kanya ang totoo, gusto ko n syang kalasan pero ayokong masaktan
ang damdamin nya.

"pare ha, delikado yan, baka tinablan ka na kay elise," sabi ni mark ba seryosung-seryoso ang mukha.

"god!" hirap na bulalas ni alvin. "hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa aking sarili sakaling mainlove ako ky elise.

"may advice ako sa iyo pare, para matapos na 'yang problema mo," sabi ni larry.

"ano?" interesadong tanong ni alvin.

"pakasalan mo na si elise," nakatWang sagot nito.

Binatukan ni alvin si larry.

"puro kayo kalokohan, me problema n nga ako'y biro p rin kayo ng biro dyan," napapailing na lamang si alvin sa
kunsomisyon."alam mo pare, hindi naman problema yang pinoproblema mo. Kung gusto mo talagang makipagkalas ky elise ay
gawin mo na kaagad."

"ayaw kong masaktan yong tao." bumuntong hininga si alvin.

"kung gano'n ay baka nga talagang inlove ka na kay halloween queen." pigil ni larry ang sariling huwag matawa.
"hindi ganon," madiing tanggi ni alvin. "may kunsensya lang ako, syempre, naawa ako dun sa tao." pangangatwiran nya.

"ewan nmin sa iyo pare," naiinis na sabi ni ferdie. "hindi ka namin maintindihan. Bahala ka na nga kung ano ang gagawin mo kay
horror queen."

Biglang nag-init ang ulo ni alvin sa patuloy na panlalait ng mga ito kay elise. Hinawakan nya sa kuwelyo si ferdie. "pwede bang
tigilan nyo na ang katatawag ky elise ng kung anu-ano? May pangalan naman yong tao."

Nagalit si ferdie, itinulak si alvin sa dingding.

"ano ka ba? Nang dahil lang sa bruhang babae na iyon ay sisirain mo na ang pagkakaibigan natin,"

Malakas na sabi ni ferdie. "nagayuma ka na siguro ng pangit na 'yon kaya ka nagkakaganyan."

"shut up!" singhal ni alvin.

"ikaw ang tumahimik!" sigaw ni ferdie.

Ikinuyum ang magkabilang kamao at tila handa nang makipagsuntukan.

Nahamon ang pagkalalaki ni alvin sa nakitang reaksyon ky ferdie. Sumungaw ang galit sa kanyang mga mata. He's marital art
expert. A black belter. While larry is a boxer. A ten time winner and four times knock-out.

The two men go closer. Nakikita ang galit sa kanilang mga mata. Handang-handa na sila para magtigasan ng tapang.

"ano ba kayo!" saway ni mark sa knila.

Hindi pinansin ng dalawa si mark. Nagkasalubong ang nag-aapoy nilang mga mata.

"pare, walang ganyanan, magkaibigan tayong lahat." pumagitna si ferdie, inawat sila.

"pabayaan nyo kami," sabi lamang ni larry na tinabig si ferdie. nawalan ng balansi ang lalaki at bumagsak sa sahig. Tumama sa
marmolisadong sahig ang ilong at dumugo. Sapo nito ang dumudugong ilong ng tumayo.

"iyan ang napala mo. Pakialamero ka kasi," sabi ni larry sa halip na humingi ng dispensa.

Sumiklab ang galit ni mark sa tiNuran ni larry. Sumugod ito, subalit nasangga ni larry ang magkasunod na suntok na pinakawalan
nito. Pinilipit ni larry ang braso ni mark.

"ouch!" napaimpit sa sakit si mark.

"magsama kayong dalawa!" itinulak ni larry si mark pabunggo kay ferdie. Parehong natumba ang dalawa.

"sobra ka na!" singhal ni alvin na kanina pa nagtitimpi sa galit. Isang sidekick ang pinakawalan nya. Nasapol sa dibdib si larry
ngunit hindi natumba. Sa halip ay kaagad nitong ginantihan ng suntok si alvin. Tinamaan ang binata sa panga.

Sabay namang bumangon sina ferdie at mark upang awatin ang dalawa. Subalit hindi kaagad napansin ni alvin ang dalawa.
Tinamaan ang mga ito ng magkasunod na flyingkick na pinakawalan nya. Tumunog ang dibdib ng mga ito at bumalandra sa
dingding. Tumama ang mga ulo at dumugo.

"damn you!" dinuro ni larry si alvin. Pagkatapos ay nilapitan nito sina ferdie at mark.

"god! Anlakas ng dugong umaagos sa mga sugat nyo!" tarantang wika ni larry. "dadalhin ko kayo sa hospital."

Nawalan ng malay ang dalawa.Tarantang taranta si alvin. Kaagad n binuhat si mark. Si larry nama'y si ferdie ang pinangko.

Umalis sa pagamutan si alvin pagkahatid kina mark at ferdie. Hindi n nya hinintay na magkamalay ang dalawa dahil umiiwas
syang bka magkasubukan n nmn sila ni larry. Sa tingin kasi nya'y hindi pa rin mawala wala ang galit nito sa kanya. Patunay ang
pagpukol nito sa kanya nang nagbabanta at naghahamong mga titig.

Kinabahan si alvin nang magbalik sa hotel dhil kaagad syang sinalubong ni direct alan.
"ano ba talaga ang nangyari kina mark at ferdie? Bakit duguan ang mga ulo nila kaninang dalhin nyo ni larry sa hospit?" tanong
nito.

Hindi malaman ng binata kung paanong ipapaliwanag sa kausap ang buong pangyayari.

Nakakahiya kapag nalaman ng iba na si elise ang pinagmulan ng gulo. Na dahil sa pagtatanggol nya sa dalaga kaya sya napaaway.
Hiyang hiya talaga sya sa kanyang sarili. Tumanda sya ng ganito n hindi napadawit sa gulo. Ngayon lng ito nangyari at ang dahilan
ay si elise pa.

"meron lang ho kaming pinagtalunan ni larry, direct. Nagkataon n parehong mainit ang aming mga ulo kaya nagkasuntukan
kami. Sina ferdie at mark ay aksidenteng tinamaan ko ng hindi sinasadya." paliwanag niya.

"hay naku!" napahawak sa ulo ang director.

"nang dahil sa nangyari ay maaatrasado ang siyuting natin. Nadagdagan na naman ang budget." hindi nito magawang sisihin sya
ng diretsahan kaya idinaan na lamang sa ganong salita.

Ganon p man ay nakadama ng magkahalong kahihiyan at pagkakunsensya si alvin. Nang dhil sa kanya ay tatagal ang proyektong
halos matatapos na sana. Inihahabol p nmn sa manila film festival ang movie na ito. Kapag hindi ito naihabol ay kasalanan nya.

"ano ba naman ang pinagtatalunan ninyo ni lArry? Kunot noong tanong ni direct alan. Alam nitong hindi nya ugaling
makipagdiskusyon lalo n sa mga bagay n walang kabuluhan.

"masyado hong personal, direct. Hindi ko ho pwedeng sabhin da inyo," sagot ni alvin na bumuntong hininga.

Napailing si direct alan nang iwan sya. Tingib nya'y inis n inis ito sa kanya. Kundi nga lang marahil nito iniisip na kapatid sya ng
producer n syang nagpuproduce sa pelikulang ito ay malamang na nakatikim na sya ng mga di kanais nais na salita.

"Alvin, ano ang nangyari ? Bakit my pasa ka sa panga?" Sunod-sunod na tanong no Elise hang magkasalubong sila sa pasilyo.
Papunta sya sa kanyang silid samantalang papunta naman any dalaga sa kuwarto ni direct Alan.

"Wala ito," nakailing na sagot ng binata.

Pagkuwan at iniwan na si Elise. Gusto nyng kainisan ang dalaga dahil magmula nang dumating ito sa buhay nya at nagkagulogulo
na and isip nya.

"Gagamutin ko yng panga mo mamaya ha?" Pahabol n wika ni Elise .

Hindi sumagot so Alvin.

Ano kaya any nngyari sa taong iyon?

Napapailing na tanong ni Elise sa sarili.

"Wala tayong syuting dahil hindi available ang ating mga artista. Sina Ferdie at Mark at NASA hospital." pagbibigay alam ni direct
alan nang magkaipon ipon ang lahat ng production staff sa loobng kwarto nito.

"bakit ho direct?" takang tanong ni jane.

"nag away ang mga gago, balita ko'y si alvin ang pinagmulan ng gulo,'' sagot ng director na biglang nanginig sa inis. "punyemas
na buhay to. Kung kailan malapit nang matapos ang pelikula ay saka naman nagkaluko-luko. Ito kasing si alvin. Hindi pa man
gaanong nakilala sa showbiz ay lumaki na ang ulo."Naalarma si elise sa natuklasan. Hindi ganon ang pagkakakilala nya kay alvin.
Kung nakipag away man ito ay tiyak na may dahilan.Kaya dali-dali nyang pinuntahan si alvin sa kuwarto nito, upang tanungin ang
dahilan kung bakit sya nakipag away sa mga kaibigan nito.

Ngunit pagpasok nya ay di nya nagawang kumprontahin ang binata, lasing na lasing ito. naawa sya sa matinding emosyon nito.
Na tila tulala at malalim ang iniisip. Nilapitan nya ito at niyakap.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari nadala si alvin dala ng kalasingan at nagawa nyang angkinin si elise, di nya alam kung bakit
pero nawala sya sarili.
I love you, elise! Ito lamang ang nabigkas nya sa dalaga.

"i love you too, alvin. Sagot ni elise na puno ng kasiyahan.

At yun na nga nangyari na nakuha nya ang pagkabirhen ng dalaga. Nadungisan n sya ng lalaking pinakamamahal nya. Kaya
binigay nya ito.

Umiiyak si elise sa sobrang ligaya dahil minahal sya ng isang artista kahit sa ganitong itsura nya.

Hanggang sa nakatulog na sila.

Kinaumagahan pagdilat ng mga mata ni alvin.

"God, ano itong nagawa ko?"

Kinamuhian ni alvin ang sarili dahil nagawa nyang angkinin si elise ng walng pag ibig. Walang pag ibig, iyon ang gusto nyang
paniwalaan. Ngunit ang hindi nya maintindihan ay kung bakit tila ayaw n nyang mawala ang dalagang ito sa kanyang paningin.

No, hindi ko sya mahal, naaawa lang ako sa kanya. Iyon ang pilit na kinukumbinsi ni alvin sa sarili sa tuwing pukulan ng tingin ang
nahihimbing na babae.

Napabuntonghininga si alvin ng masulyapan ang puting kumot n may bahid ng dugo. Ang kalinisan ni elise ay sinira nya. Sya ang
unang lalaki sa buhay nito. Paano nya patatawarin ang sarili sa kapangahasang kanyang nagawa?

Matinong lalaki si alvin, may paggalang sa sarili at naniniwalang ang pagtatalik ay para lamang sa mag asawa. In fact maraming
naggagandahang babae ang tumukso sa kanya ngunit hindi nya pinatulan. Pero sa isang iglap lang, nagkasala sya, sa babae pang
ito na ayaw nyang mahalin kahit sa panaginip lamang.

Bumangon si alvin at nagsuot ng damit. Pati si elise ay binihisan din nya, buong ingat n hindi ito magising. Pagkatapos ay
kinumutan nya ito at saka sya lumabas ng silid. Pumunta sya s canteen at bumili ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Gising na si elise nang magbalik ng silid si alvin.

Sinalakay na naman ng matinding pagkakunsensya ang huli dahil lumuluha na naman si elise.

"im sorry, elise," sabi ni alvin matapos mailapag sa ibabaw ng side table ang dalang tray ng pagkain.

"you dont need to say that," wika ni elise na patuloy sa pagluha. "mahal natin ang isa't isa kaya nangyari yon."

Parang hiniwa ang puso ni alvin sa huling tinuran ni elise. Paniwalang paniwala ang dalagang mahal nya ito. Paano nya sasabihin
ditong ang nangyari ay utos lamang ng alak at hindi nya gusto?

"ano ang gagawin natin ngayon, alvin? Papakasalan mo ba ako?"

Hindi malaman ng binata kung ano ang sasabihin.

Gusto nyang sabhin kay elise na hindi sya seryoso dito, na hindi nya ito iniibig, subalit parang may kung anong bagay na
humarang sa kanyang lalamunan.

Hindi nya kayang tapatin ang dalaga.

"Alvin, tinatanong kita?" gumuhit sa mukha ni elise ang magkahalong takot at pangamba.

"oo, elise. Papakasalan kita." hindi alam ni alvin kung paanong lumabas iyon sa kanyang bibig gayong hindi naman nya inisip
sabihin.

"talaga?" tuwang yumakap sa kanya ang dalaga.

Hinalikan sya nito sa noo. "maraming salamat, alvin." napaluha n nmn ito dala ng labis na kaligayahan.

God, ano itong nagawa ko sa buhay ko? Sa loob-loob ni alvin.


Hindi na alam ni alvin kung ano talaga ang nararamdaman nya para kay elise. Naguguluhan na sya ng husto. Galit na galit sya sa
sarili nya. Nang dahil kay elise ay madalas n syang magsinungaling.

Maraming salitang lumalabas sa bibig nya kahit ayaw sabihin ng isip niya.

Nakalimutan na ni elise na alamin ang tunay na dahilan ng pakikipag away ni alvin dala ng labis na kaligayahan sa nangyari sa
kanila. Ang paniniwala nyay lalo syang napamahal kay alvin matapos ang nangyari sa kanila.

"saan ka nagpunta kagabi, elise" bakit wala sa kwarto mo? Nagdududang tanong ni jane nang makasalubong nya ito sa pasilyo. "
pinuntahan kita kagabi dahil isasama ka sana namin ni direct alan sa disco. Nag-a-unwind kasi kami dahil mainit ang ulo niya."

Hindi alam ni elise ang sasabhin, naramdaman nya ang unti-unting pagtakas ng kulay sa kanyang mukha.

"elise, bakit bigla kang namutla?" tanong na naman ni jane. Hinagod sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Naasiwa si elise, nag-iwas sya ng tingin dito. Hindi pa rin sya makapagsalita.

"nagdududa na talaga ako sa iyo, elise. Saan ka ba talaga nagpunta kagabi?"

"N-nagpunta ako sa kwarto ni alvin, ginamot ko ang sugat nya sa panga."

"gano'n ba?" hindi nito napansin ang pagkautal nya. "kamusta naman sya? May nakapagsabi sa akin na bumili daw ng maraming
alak sa canteen kagabi, naglasing yata."

Saka lamang naalala ni elise ang talagang pakay nya sa pagpunta sa kwarto ni alvin kagabi.

"naglasing talaga sya at...." hindi naituloy ni elise ang iba pa sanang nais sabhin. Kamuntik nang madulas ang kanyang dila.

"K-kuwan...kamuntik na syang magwala," naipasalamat nya't nakaisip sya ng ganong kasinugalingan.

"ganon ba? Mabuti at hindi ka napagkamalang multo. Kung nagkataon ay baka ikaw pa ang napgbuntunan nya ng init ng ulo."
sabi ni jane na pigil ang sariling huwag matawa.

Sumakit ang loob ni elise pero dagli rin iyong napalis sa kaisipang mahal sya ni alvin.

Okey lang na kahit lait-laitin ninyo ako. Tutal ay meron namang alvin na tapat na nagmamahal sa akin, sabi nya sa isip.

Hahakbang na sana si elise papunta sa kanyang silid nang pigilan sya ni jane sa braso.

"may itatanong ka pa?" bigla syang kinabahan.

"bakit may dugo ang pajama mo?" pabulong nitong tanong.

"K-kuwan... May menstruation kasi ako," pagsisinungaling nya.

"ganito ka ba kapag may menstruation, nagkakaroon ng pasa sa braso?" ang pasa na tinutukoy nito ay dulot ng mahigpit na
paghawak sa kanya ni alvin kagabi nang angkinin sya nito.

"baka may sakit ka, elise. Ang mabuti pa'y magpatingin ka sa nurse natin," suhestiyon ni jane.

"sige, salamat sa paalala mo." pagkasabi'y tinalikuran n nya ito.

Hindi alam ni elise na nakasunod pa rin ang tingin sa kanya ni jane. Napapansin nito ang paika-ika nyang paglakad.

Humiga kaagad si elise sa kama pagkapasok sa kanyang silid. Masakit ang buo nyang katawan at gusto nyang matulog nang
matagal.

Hindi sya gumising ng tanghali, hindi kumain. Gabi na nang gumising sya sa katok ni jane.

"Elise, hinahanap ka ni direct alan kaninang tanghali, nagtataka kung bakit hindi ka kumain." matamang tumitig sa kanya si jane.

"nakatulog kasi ako."


"kailan ka pa ba naging antukin? Dati-rati'y hindi ka naman ganyan, di ba?" hindi nito inaalis ang mga mata sa mukha niya.
"kanina ay napapansin kong hapung-hapo ka. Napaka-haggard ng itsura mo. Ano ba ang nangyayari sa iyo?"

"W-wala," nakailing niyang sagot. "G-ganito lang talaga ako kapag my menstruation."

"nagpatingin ka na ba sa nurse natin?" usisa nito.

"hindi pa."

"magpatingin ka na, halika't sasamahan kita."

Hinawakan sya nito sa kamay at hinila palabas ng kanyang silid. Nagpaubaya na lamang sya.

"Glen, paki-check mo nga kung may dugo pa itong si elise," sabi ni jane nang makapasok sila sa kuwarto ng male nurse ng
kanilang production.

"bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?'' nakataas ang kilay ni glen at tila nang-uuyaw na tumingin kay elise.

"hindi mo ba nakita? Namumutla o, tsaka may pasa sya sa braso. Kung lumakas ay para bang may pigsa sa singit, hirap na hirap.
Nag-aalala ako, baka may sakit na ang babaeng ito," sagot ni jane.

"walang sakit yan," sabi ni glen na hinagod ng tingin si elise

"anong wala? Hindi mo pa natitingna'y sasabhin mo ng wala syang sakit?"

"talagA namang wala, eh." giit ni glen.

"E, bakit ganyan ang itsura niya?" itinuro ni jane ang mukha ni elise, daig pa ang ibinabad sa suka, o."

"ganyan lang talaga kapag unang..." hindi itinuloy ni glen ang gustong sabihin.

"anong una?" maang na tanonh ni elise.

"nagmaang-maangan pa ito," naririnig nyang bulong ni glen.

"ano kamo?" nangunot ang noo ni elise.

Hindi sumagot si glen. Palihim nitong tinanguan ng kilay si jane. Nag-uusap sa mga mata ang dalawa. Pagkuwan ay pinalabas sya
ng mga ito.

"mga pare, sorry at nasaktan ko kayo, ha?"

Dispensa ni larry kina ferdie at mark habang binabantayan ang dalawa sa loob ng hospital.

"wala yon, naintindihan ka namin," sagot ni ferdie.

"si alvin kasi ang may kasalanan. Nang dahil lang kay halloween queen ay galit na galit na. Tarantadong tao yon, pare. Ni hindi
man lamang kayo binantayan dito sa hospital. Ang sama-sama pala ng ugali non.

Kunwari lang na mabait, iyon pala,y wAlang kwenta, hindi marunong makisama." layunin ni larry na magalit ang dalawa kay
alvin. "dapat sana'y sya ang nagbantay sa inyo dito dahil sya ang dahilan ng pagkakahospital ninyo. Pero tingnan nyo kung ano
ang ginawa ? Nagpapakasarap lang sa buhay nya, palagay ko'y binobola na niyon ng husto si elise. Umiskor na.siguro."

"ganon?" tumaas ang kilay ni mark. "kunwari lang pala na ayaw nya kay elise. Iyon pala,y may interes sya sa pagkababae nito," si
mark na nagkasalubong ang kilay.

"alam ninyo pare,

Matagal na talaga akong may lihim na galit sa alvin na yon.

Masyadong mapapel at suwapang.

Tingnan mo naman Mark, no'ng sabhin mong ikaw ang didiskarte kay elise ay ayaw niya.
Ang gusto nya'y sya lang.

Lahat na lang ng babae ay kanya, pati si marie na type na type ko'y diniskartehan.

"ang lakas kasi ng sex appeal ng gagong yon.

Biruin mo,

Lahat ng tsiks ay sya ang gusto," si ferdie.

"gusto kong makaganti sa kanya.

Tulungan ninyo ako," sabi ni larry na kumuyom ang magkabilang kamao.

"ano'ng gusto mong gawin para makaganti sa kanya?" tanong ni mark na paupong bumangon.

"ipagkakalat natin ang tungkol sa kanilang dalawa ni elise," kaagad na sagot ni Larry.

"kapag nalaman ni Marie na pumatol sya kay horror queen ay tiyak na matu-turn off sa kanya."

Sumang-ayon ang dalawa sa plano ni larry.

"kung kaya na ng katawan ninyo'y mas mabuti sigurong lumabas na tayo dito sa hospital.

Nakakainip dito." reklamo ni larry.

"mabuti pa nga, kami ma'y inip na inip na rin, eh." sang-ayon ng dalawa.

Kumalat ang balitang magnobyo sina elise at alvin nang hindi matiyak kung kanino nagsimula.

Walang makapagsabi kung sina glen at jane o ang grupo nina larry ang unang nagkalat.

Basta't nagising na lamang si alvin isang araw na pnagtatawanan na ng mga tao.

Katakut-takot na panlalait ang naririnig niya.

"God, Alvin, ano ang nakain mo't pinatulan mo si Elise?" Galit na galit na tanong ni jorina, ang nakakatanda nyang kapatid. Sadya
nitong iniwan ang opisina nila sa Manila NANG makarating dito ang balita tungkol sa kanila ni Elise. "Nasira na ba yang ulo mo
ha?" Kulang n lamang ay saktan sya nito dala ng matinding poot. Malaking kasiraan sa ating pamilya." Umiiyak ito.

At natagpuan ni alvin ang sariling ipinagtatanggol na si elise.

"sobra naman kayong magsalita, ate. Kung ituring ninyo si elise ay parang kriminal."

"aba't kinampihan mo pa sya, ha?"

Nagkasalubong ang kilay ni jorina sa galit. " siguro ay ginayuma ka ng babaeng iyon kaya't baliw na baliw ka sa kanya. Kakausapin
ko ang babaeng 'yan. Paaalisin ko sa trabaho.""huwag, ate." pigil ni alvin dito.

"huwag mo akong pakikialaman sa gusto kong gawin. Ako ang may-ari ng production na ito kaya't karapatan kong gawin ang
lahat ng gusto ko." pagmamatigas nito.

"pero ate, wla namang kasalanan si elise. Ang totoo nyan ay katuwaan lang ang lahat, udyok nina Larry, Mark at Ferdie na
ligawan ko siya. Kung tutuusin ay kasalanan ko ang lahat. Ako na lang ang parusahan ninyo. Huwag ninyong idamay si elise."

"kumalat ang balitang may nangyari na daw sa inyong dalawa. Nakita ng nurse nong papasukin mo si elise dito sa iyong silid. Pati
sa mga press people ay nakarating ang kahiya-hiya mong ginawa, alvin."

Humagulgol si jorina. " gumawa ka ng paraan upang mabangon ang nasira nating pangalan."

"ano ang gagawin ko?" maang na tanong ni alvin.


"tinira tayo ng mga kakumpetensya nating production. Lumabas na nanloloko ka ng inosenteng babae. At para mabura ang
tsismis na yan ay kailangang magsalita ka. Pabulaan mo ang kumalat na balita. Sabihin mong ikaw ang inakit ni Elise, palabasin
mong pinasok ka niya nang malasing ka."

"pero hindi yan ang totoo ate " tanggi ni alvin sa gustong mangyari ng kapatid.

"kapag hindi mo ginawa yan ay itatakwil kita.

Susulatan ko ang mga magulang natin sa states, ipapaalam ko sa kanila ang mga kalokohang pinaggagawa mo dito. At kapag
inatake sa sa sakit sa puso ang mama ay kargo de kunsensya mo. Hindi ka matatahimik!" pananakot nito.

"ate, huwag mo naman akong ipitin," pkiusap ni alvin sa kapatid

Humawak si jorina sa ulo. "hay naku, andami-dami kong inaasikaso, huwag mo ng pahabain pa ang usapang ito. Gawin mo ang
gusto ko kung ayaw mong makarating ang lahat sa mga magulang natin. Kung mahal mo si mama ay susundin mo ako."

May sakit sa puso ang mama ni alvin, at mahal na mahal nya ang ina. Hindi nya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring
masama sa kanyang ina. Labag man sa kalooba'y kailangang sundin nya ang ate nya.

Tutal naman ay hanggang sa salita lang nya ito susundin. Kapag tahimik na ang isyu tungkol sa kanila ni elise ay pakakasalan nya
ang dalaga kahit sa huwes lang.

Ang mahalaga'y mapanagutan nya ang ginawa nya dito. Bahala na kung pagtawanan sya ng lahat ng tao. Tatanggapin nya dahil
ginusto nya ito, ginawa nya kaya dapat lamang panindigan.

"Magtapat ka sa akin, Elise," sabi.ni direct alan sa kanya sa galit na tinig. "totoo ba ang kumakalat na balitang pinasok mo si Alvin
sa kanyang kwarto at inakit?"

"no!" kaagad na sagot ng dalaga. Napaluha sa sobrang sama ng loob.

"may nakakita sa iyo nang pumasok ka sa silid ni alvin, si glen." bumuntonghininga ang director. "sinayang mo ang pagtitiwala ko
sa iyo, elise. Sa lahat pa naman ay ikaw ang pinakagusto ko. Ipinagmalaki kita sa lahat ng tao. Tapos sa isang iglap lang ay nasira
ang lahat." nanghihina ang tinig nito.

"direct, maniwala po kayo sa akin. Alam ng dyos na hindi totoong inakit ko si alvin. Oo nga't may nangyari sa aming dalawa pero
gusto naming pareho, mahal niya ako, direct. In fact ay boyfriend ko sya."

"elise, huwag kang mag-ilusyon. Ibahin mo ang ilusyon sa realidad," makahulugang wika ni direct alan na halatang hindi
naniniwala sa kanyang sinasabi.

"hindi ho ako nag-iilusyon, direct. Nagsasabi po ako ng totoo. God knows that..."

"stop dreaming, elise." putol nito sa iba pa sana nyang nais sabhin. "face reality. Si alvin na mismo ang nagsabing inakit mo sya.
Lasing sya nang pasukin mo sa kanyang silid at..." hindi nito itinuloy ang iba pa sanang gustong sabhin. Napapailing na lamang at
saka bumuntonghininga nang malalim.

"sinabi yan ni alvin?" gulat na gulat si elise.

Hindi makapaniwalang ipapahiya sya na lalaking inakala nyang nagmamahal sa kanya ng tapat. Bakit ito nagawa ni alvin sa
kanya? Ano ang kasalanan nya sa binata? Kababae pa naman nya, bakit sya ginanon? Kahit nga sa lalaki ay masakit ang ganoong
ibinintang sa kanya. Siya pa?

"nang dahil sa kaimoralang ginawa mo'y tatanggalin ka na ni jorina sa trabaho. At wala akong magagawa sa bagay na'yan."

Gumuhit ang pait sa mukha ni elise. Kay sakit naman nitong nangyari sa kanya. Sya na nga itong naargabyado't nalagay sa
malaking kahihiya'y mawawalan pa sya ng trabaho.

Bakit mo nagawa sa akin ito, alvin? Bakit? Tanong ni elise sa sarili.

"uuwi ka na ba, elise?" tanong sa kanya ni Mark nang makita sya nitong papalabas ng hotel, bitbit ang malaki nyang bag.
"oo," sagot nyang hindi tumingin sa lalaki.

Hiyang-hiya sya sa lahat ng tao at wala na syang mukhang ipapakita sa mga ito. Kung maari nga lamang ay gusto n nyang
matunaw sa paningin ng sino man.

"kawawa ka naman elise," sabi ni mark na umaarteng concerned sa kanya. "sa kabila ng kabaitan mo'y nagawa pa ni alvin na
paibigin ka't paglaruan."

Hindi na nagsalita ang dalaga. Pakiramdam niya'y hiniwa ang kanyang puso sa pagkarinig ng pangalan ni alvin.

"sorry at hindi kita naprotektahan. Ang akala ko kasi ay nagbibiro lang si alvin nong sabihin nyang gusto ka nyang pasakayin. Iyon
pala'y tinotoo niya."

Pumatak ang mga luha ni elise. Masakit na masakit ang kalooban niya.

"hayup ka, Alvin! Hayup ka!"

"tell me, elise, ano ba ang gusto mong gawin ko para matulungan ka?" hinawakan sya ni mark sa balikat. Pumigsi siya.

"huwag kang matakot sa akin, elise. Hindi ako katulad ni alvin na manloloko. Ituring mo akong kaibigan dahil nakahanda akong
tumulong sa iyo."

Puno ng assurance ang tinig ni mark sa pandinig ni elise.

Wala siyang makitang ibang kakampi ng mga sandaling iyon kaya hindi nya napapansing binobola lang sya nito.

"kung talagang gusto mo akong tulungan ay linisin mo na lang ang pangalan ko, mark. Alam mo naman palang pinlano ni alvin
ang lahat kaya't sana'y malaman ng publiko na hindi totoo ang mga balitang ipinagkalat ni alvin." pakiusap niya.

"maaasahan mo, elise. Gagawin ko ang lahat matulungan lamang kita." kinuha nito ang bag sa kamay niya. "halika na, ihahatid
na kita sa terminal ng bus patungong Maynila."

Pagdating nila sa parking area ay naroon sina Larry at ferdie. Nakatayo sa harap ng L-300 van na pag-aari ni mark. Nang makita
sila'y nagsilulan na ang mga ito sa sasakyang iyon.

"kaming tatlo ang maghahatid sa ito sa terminal ng bus, elise," sabi sa kanya ni mark nang makitang nagtatanong ang kanyang
mga mata.

"naku, nakakahiya naman sa inyo. Huwag na lang." tanggi ni elise.

"huwag ka nang mahiya sa amin, elise. Naaawa kami sa iyo at gusto ka naming maging kaibigan," wika ni mark na pinaseryoso
ang tinig.

Tiningnan ni elise ang mga mukha nina ferdie at larry. Mga mababait naman ang mga ito. Hindi nya naisip na may gagawin itong
masama sa kanya.

Habang daan ay panay ang pakikipag usap nina ferdie at larry kay elise. Pakikipag usap na may halong pambobolas.

"alam mo elise, kung ako lang nasa katayuan ni alvin ay hindi ko ikakailang girlfriend kita," sabi ni larry na palihim na kumindat
kay ferdie. Pinagitnaan nila ang dalaga. "dapat pa nga ay ipagmalaki ka niya dahil bukod sa ang bait bait mo ay ang sexy mo pa."

Napaluha si Elise, hindi niya talaga mapigilang huwag maiyak sa tuwing marinig ang pangalan ni alvin.

"huwag kang umiyak,'' sabi ni ferdie na inabutan sya ng panyi. "mahal ka namin, nasasaktan kami kapag nakikita ka naming
lumuluha." pambubola pa nito.

"salamat sa inyo, ha!" si elise na paniwalang paniwala sa kabaitang ipinapakita ng mga ito. Hindi nya napansing palihim na
nagtatanguan ng kilay ang dalawa.

"Teka, ito ba ang daan patungong terminal?" tanong ni elise nang mapunang ibang daan ang nilalakbay nila.

"oo," si mark ang kaagad na sumagot. nakatutok ang mga mata sa pagmamaneho.
"sigurado ka?" nagdududang tanong ni Elise.

"mukhang hindi ito, a."

"bakit ba ang kulit mo? wala ka bang tiwala sa amin? short cut ang daan na'to, elise," sabi ni larry na nag iba na ang tono ng
pananalita. parang galit.

Biglang kinabahan si elise. Lumakas ang pintig ng puso niya nang makita sa side mirror ang pilyong ngiti ni mark.

"nanlalamig ang palad mo, elise," sabi ni larry na hinawakan ang kamay niya. Bakit? Natatakot ka ba sa amin? Ngumisi ito.

Namutla ang dalaga. Naramdaman niya ang mainit na palad ni larry na may halong malisya.

"hindi ka dapat matakot sa amin, elise. Mga guwapo naman kami, hindi ba?" si mark na pinahinto ang sasakyan.

"bakit tayo huminto?" takot na tanong ni elise. Nanginig ang buong kalamnan nya. Ilang ang lugar na hinintuan nila at tiyak na
walang makakatulong sa kanya sakali mang may gagawing masama sa kanya ang mga ito.

Hindi sumagot si mark. Ngumisi lamang ito at saka umibis ng sasakyan.

Bumaba na rin si ferdie at pagkatapos ay hinaltak si elise palabas ng sasakyan. Halos mapilayan ang dalaga sa lakas ng puwersa
nito.

"ano ang gagawin nyo sa akin?" tanong ni elise na nanginginig na tinig nang makitang may dinukot na patalim si mark mula sa
tagiliran nito. Kahit ganitong nasa gitna sya ng malaking problema ay ayaw pa nyang mamatay.

"relax," sabi ni larry na bumaba na rin ng sasakyan. "hindi ka namin papatayin. Paliligayahin ka pa nga namin, eh."

Hinawakan ni ferdie ang kanang braso ni elise.

Samantalang hawak naman ni larry ang kaliwa. Si mark naman ay tumitig nang matagal sa katawan niya at saka ngumisi.

"hanep!" bulalas nito. "ang ganda talaga ng katawan mo, elise. Hindi nmin masisisisi alvin kung pinatulan ka man niya," sabi nito
sabay hiwa sa suot niyang blusa. Lumantad sa paningin nito ang maigtad niyang dibdib. Sumungaw sa mga mata nito ang nag
uumalpas na pagnanasa.

"wow, pare, ang sexy!" halos sabay na sabi ni nina larry at ferdie. Halos lumuha ang mga mata sa pagkakatitig sa
nakabuyangyang na dibdib ng dalaga.

"mga hayup kayo!" sigaw ni elise na nagpupuniglas na makawala. Nag aapoy sa galit ang mga mata niya.

"pasensiya ka na, elise. Katulad ni alvin ay may desire din kami katawan mo. Ikaw kasi, masyado kang tanga. Alam mo namang
magbabarkada kaming apat ni alvin. At may usapan kami, one for all and all for one." sinundan iyon ni larry ng halakhak.

Si alvin na naman!

Hayup palang talaga ang lalaking iyon! Sigaw ng isip ni elise.

Parang sumabog ang puso at utak ni elise nang mga sandaling iyon. Wala syang magawa nang hiwain ni mark pati ang suot
nyang pantalon.

"ako ang mauuna sa kanya, pare," sabi ni larry na sinibasib siya ng halik sa leeg.

"bakit ikaw?" angal ni mark. "samantalang ako itong matagal ng may gusto sa kanya. Naunahan nga lang ako ni alvin kaya hindi
kaagad ako nakadiskarte."

"huwag na kayong magtalo." saway ni ferdie sa dalawa. "umpisahan na natin at ng maligpit na natin ang babaeng ito.
Nangangati na itong kamay ko. Gusto ko nang makuha ang perang ibabayad sa atin ni alvin."

Ipinikit ni elise ang mga mata habang lumuluha.


Sa mga narinig ay naisip niyang si alvin ang may pakana sa lahat ng ito. ipinapatay pala siya nito.

nang maramdaman ni elise ang kamay ng tatlo na naglilikot sa katawan niya'y nagwala siya.

pinagsisipa niya ang mga ito. natamaan ang harapan ni mark at napikon ito. Sinampal siya sa magkabilang pisngi at saka sinuntok
sa sikmura. Halos mawalan sya ng malay sa sakit na nararamdaman. Napasigaw siya sa sakit. At noon niya natuklasan na sadista
pala si mark. Natutuwa itong makitang nasasaktan siya. Hiniwa pa nito ang pisngi niya.

"pare, tama na 'yan," awat ni ferdie nang makita ang pagpuslit ng masaganang dugo sa sugat ni elise.

Panay naman ang ungol ni elise dahil sa sakit na nararamdaman.

Gusto na ni elise na malagutan ng hininga nang makitang naghubad na ng damit si mark. Panay ang pigsi niya, hindi alintana ang
sariling dugong nanulay hanggang sa dibdib niya.

"pare, bilisan mo't may nakita akong sasakyang papunta rito," sabi ni ferdie sa tinig na halatang kinabahan.

"oo nga, pare, may sasakyang papunta rito," nanginig ang tinig ni larry.

"baka makita tayo," takot na sabi ni mark.

"magtago tayo." suhestiyon nito.

"wala tayong mapagtataguan. Pampang itong nakapaligid sa atin" wika ni larry na iginala ang mga mata sa paligid.

"sumakay na lang tayo sa sasakyan," suhestiyon naman ni ferdie.

"pero baka makita ang babaeng ito. Ang mabuti Pa'y ihulog na lang natin siya dyan sa pampang," pagkasabi'y kaagad na
pinangko ni mark si elise.

"huwag!" tutol ng dalaga.

Subalit hindi nakinig si mark. Ubod lakas na inihagis ang babae sa pampang.

.......

"ano ba ang gusto mong gawin sa buhay, alvin?" galit na tanong ni jorina. "buong araw na lang ay nagkukulong ka dito sa
kuwarto mo. Ni hindi na naaarawan yang balat mo. Namumutla ka na tuloy." sermon nito. "manalamin ka nga ng makita mong
namumutla ka na."

Hindi sumagot ang binata. Bumuntonghininga lamang ito. Mahigit isang taon nang nawala sa kanyang paningin si elise ngunit
hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ito makalimutan. Sa tuwinay naaalala nya ito. Kahit saan sya tumingin ay wala syang ibang
nakikita kundi ang mukha nito. Pati sa panaginip ay larawan ni elise ang nakikita niya.

Kay tagal nyang hinanap si elise ngunit kahit anino nito ay hindi nya matagpuan. Hanggang sa sumuko na lamang sya sa
paghahanap sa dalaga at minabuti na lamang na magkulong sa silid na ito keysa lumantad sa paningin ng iba sa nakangiting anyo
kahit na ang puso ay nagdudurugo.hindi alam ni alvin kung hanggang kailan sya patatahimikin ng kanyang kunsensya dahil sa
pananakit n ginawa niya kay elise noon.

"iniisip mo na naman ba si elise?" tanong ng ate nya sa inis n tinig.

"hindi ko sya makakalimutan, ate," sagit ni alvin na mapait na umiling. "hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring sinisisi ang aking
sarili kung bakit ko sya nagawang saktan. Nakukonsensya ako."

"alvin, kalimutan mo na ang babaeng iyon. Huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil lamang sa kanya. Malay mo, baka
maligaya na siya ngayon, baka nakapag-asawa. Ni hindi mo nga alam kung naaalala ka pa niya."

Hindi sumagot si alvin. Alam niyang ang hindi niya pagkakaroon ng katahimikan sa isip ay parusa na sa kanya ng langit dahil sa
panlilinlang na ginawa niya kay elise.
Tanggap niya ang kaparusahang ito. Ngunit ang hindi niya kayang tanggapin ay ang katotohanang mahal niya pala si elise sa
tunay na kahulugan ng salitang iyon.

"matagal ka nang nawala sa limelight, alvin. Nami-miss ka na ng mga fans mo. Kailan ka ba babalik sa showbiz?" tanong ng ate
niya.

"hindi na ako babalik sa showbiz," kaagad na sagot ng binata. "and please, dont mention it to me anymore. Dahil kahit mag-abot
man ang langit at lupa ay hindi ko na babalikan ang daigdig na punung-puno ng pagkukunwari." may paninidigan nyang dugtong.
Kundi siya natuksong pumasok sa showbiz ay hindi sana niya makikilala si elise, hindi sana siya makapanlilinlang ng kapwa, hindi
sana siya nasaktan at higit sa lahat ay hindi sana magdurusa ang puso niya.

"alam mo alvin, minsan ay naiisip kong sira ang ulo mo," inis na sabi ng ate niya. "isipin mo, ng dahil lamang sa isang pangit na
babae ay nagkakaganyan ka na. Oh, god!" humawak ito sa sariling ulo. "daig mo pa ang namatayan ng asawa sa ginawa mong
yan sa buhay mo."

"pabayaan nyo na ako, ate," sabi niya matapos bumuntonghininga. "hayaan ninyo akong magdusa, tutal naman ay deserve
akong masaktan ng ganito."

"bahala ka na nga sa buhay mo!" pagkasabi'y padabog na lumabas ng silid ang ate niya.

"elise, nasaan ka na? Sana'y magpakita ka sa akin." sumungaw ang luha sa mga mata niya nang maalala ang pagsasama nila
noon ni elise.

Determinado si jorina na himuking magbalik sa showbiz si alvin. Lahat ng paraan ay gagawin nito mapapayag lamang ang
kapatid. Kung sinu-sinong mga magagandang artista ang ipinakikilala nito kay alvin. Kabilang na sa kanila si Lilian Valderama, ang
pinakamaganda at baguhang bituin.

"alvin, meet Lilian Valderama, siya ang leading lady sa pelikulang gagawin ko," pakilala ng ate niya sa babaeng kasama nitong
dumating.

Napatitig ang binata kay lilian. Napakaganda nito at sexy. Sariwang sariwa kung pagmasdan.

Nasaan na nga ba si elise?

Sino nga ba si Lilian valderama?

"ibang klase palang makatingin itong kapatid ninyo, ma'am," sabi ni Lilian kay jorina. "mukhang kakainin ako ng buhay." tumawa
ito.

Napapahiyang nag-iwas ng tingin si alvin. Ibang klase ang babaeng kaharap niya ngayon. Malakas ang loob at masyadong
prangka.

"pasensiya ka na, lilian. Ang ganda-ganda mo kasi, hindi mo masisisi ang kapatid ko kung magkacrush man sya kaagad sa iyo,"
sabi ni jorina na nakikitawa na rin dito.

Biglang sumeryoso ang mukha ni lilian sa tinuran ni jorina. Lalo itong gumanda sa paningin ni alvin.

"By the way, sya ba ang magiging leading man ko, ma'am?" Tanong nitong sa binata nakatingin.

head to foot kung tumitig ito, tila nangingilatis.

"Ano ang ibig sabihin nito, ate?" Nagkasalubong ang kilay na tanong ni alvin. "Sino ang me sabi sa inyo na babalik ako sa
showbiz?"

"Ayaw mo pa ring bumalik sa limelight?" Hindi makapaniwala si jorina. "Sa ganda nitong magiging leading lady mo ay tatanggi
ka? Ano ka ba, hilo?"

"Wala akong pakialam anuman ang sabihin ninyo, ate. Basta sinabi ko noon pa man na hindi ako babalik sa showbiz. Pasensya ka
na at meron akong isang salita. Ang nasabi ko ay hindi ko na pwedeng bawiin."
"Are you sure, alvin?" Pauyam na tanong ni lilian na ikinagulat ng binata. "Talaga bang hindi ka marunong sumira ng salita?"

Hindi nakapagsalita ang binata. May nakikita syang kakaiba sa mga mata ni lilian. Tila nang uusig ang mga titig na ipinukol nito sa
kanya.

"Talaga bang hindi ka na babalik sa showbiz, alvin?" Paniniyak na tanong ni jorina sa kapatid.

"Siguraduhin mong hindi na magbabago ang desisyon mo dahil minamadali ko ang project na ito. Wala akong panahong kulitin
ka ng kulitin. Tutal ay marami namang pupuwede diyan." Sumimangot ang ate niya. "Talo ka pa nina larry, ferdie at mark, halos
kasabay mo lang ang mga iyon pero sikat na sikat na ngayon."

Hindi pinansin ni alvin ang sinabi ng kapatid.

alam niyang iniinggit siya nito para magbalik siya sa showbiz. Pero sorry na lang dahil hinding hindi na magbabago ang desisyon
niya.

"Iyon naman pala ay bakit ako ang kinukulit mo, ate. Ibigay mo na lang kina larry ang offer mo."

"Pero ikaw ang gusto kong maging leading man, alvin," sabi ni lilian na ngumiti nang matamis.

Lumantad ang pantay pantay at mapuputi nitong ngipin. Dinikitan siya nito. "Pumayag ka na, alvin, please, alang alang sa akin."

Hindi nakapagsalita si alvin. Biglang nanigas ang katawan niya nang haplusin ni lilian angg kanyang mukha. Pakiramdam niya ay
kamay ni elise ang humaplos sa kanya.

Si elise, naalala na naman niya ang babaeng nagpapagulo sa isip niya.

"Elise," wala sa loob na nasambit ni alvin.

Nangunot ang noo ni lilian. "Hindi ako si elise," sabi nito sabay turo sa sarili.

Natutop ni alvin ang sariling ulo. "Oh shit!" Bulalas niya sabay pihit patalikod sa dalawang babae.

"What happened to your brother?" Narinig niya ang takang tanong ni lilian.

"W-wala, naalala lang niya ang pangit na babaeng umakit sa kanya noon," narinig din ni alvin ang sagot na iyon ng ate nya.
Nagtagis ang magkabilang bagang niya.

"Bakit ganyan ang itsura mo, elise?" Tanong sa kanya ng ama nang dumating sya sa bahay. Masama kasi ang mukha nya.

"Naiinis ako dahil nakita ko ang lalaking nagpaluha sa akin noon," sagot nyang nag uulap ang mga mata. Hanggang ngayon ay
malaki pa rin ang epekto ni alvin sa buhay niya. Marinig lang niya ang pangalan nito ay nasisira na ang mood niya. Kanina nang
makaharap nya ito ay gustung gusto nyang sampalin ng kaliwa't kanan.

Yes tama po kayo nagbalik na si elise ! Sa katauhan ni lilian valderama !

Alam na ba niyang ikaw si elise?" Interesadong tanong na kanyang ama. Ito ang nae-excite sa magiging reaksyon ni alvin oras na
malaman nitong ang pangit na babae at si lilian valderama ay iisa.

"Hindi pa," nakailing na sagot ni elise. "Hindi pa ngayon ang tamang panahon para makilala niya kung sino talaga ako. Gusto ko
munang paikutin sa aking mga palad. Ipapalasap ko sa kanya kung paano ang paglaruan. Gusto kong maramdaman niya ang sakit
na ipinalasap niya sa akin noon."

"Anak, alam ko kung gaano kasakit ang Naramdaman mo. Pero sana ay huwag kang makakalimot sa diyos. Tandaan mong hindi
nya tayo binigyan ng karapatang maghiganti."

Hindi sumagot si elise. Sa isip ay naroon ang pagkamuhi sa amang lumikha.

"Para sa akin ay sapat ng ipaaLam mo Kay ALvin na IKaw si Elise," ang babaeng nOon ay PinaglarUan niYa. ISamPal mO Sa Kanya
ang KatOtOhanang iSa kang babaeng KaraPat daPat mahalin."
"HaYaan ninyo ako kung ano ang gusto kong gawin, papa" sabi ni elise na tumalikod sa ama.

"May kasalanan din kayo kung bakit ako nasaktan n0on at alam ninyong hanggang ngayon ay may sama pa rin ako ng loob sa
inyo. Kaya kung gusto ninyong tuluyan ko kayong mapatawad ay huwag nyo akong pakikialaman."

Napabuntonghininga ang ama niya. Aminado siyang malaki ang pagkukulang niya sa kanya.

"Isipin ninyo papa, kung hndi namatay si mama claudia ay hndi ninyo ako hahanapin. Mahabang panahon na hinayaan ninyo
akong mawala sa inyong paningin. Ni hndi ninyo siya pinigilan nung araw na pinalayas niya ako."

"Matagal ko ng pinagsisihan ang pagkakamaling nagawa ko sa iyo, anak. At sanay lubusan mo na akong mapatawad," malungkot
na wika ng kanyang ama.

"Hindi ganon kadaling gawin yon, papa. Maghintay kayo kung kailan maghilom ang sugat na nilikha sa puso ko ng dahil sa
pagppabayang ginawa ninyo sa akin."

"Oo, maghihintay ako, anak." Pagkasabi ay iniwan na sya ng kanyang ama.

Bumuntonghininga si elise. Pagkuwan ay umupo sa single sofa at saka naka-dekuwatro. Sa isip ay binalikan ang nakaraan.

"Tulungan ninyo ako! Tulungan ninyo ako!" Sigaw ni elise sa nagdilim na ang paningin. Nangangawit na ang mga kamay niya,
hindi magtatagal ay mabibitawan na niya ang tuod na kanyang kinakapitan. Wala syang ibang mapupuntahan kundi ang mfa
matutulis na batong naghihintay sa kanya sa ibaba ng pampang.

"Tulungan ninyo ako!" Halos maubos na ang tinig ni elise. Mahinang mahina na siya, ang isa niyang kamay ay nakabitiw na sa
tuod na sa tingin niya ay bibigay na rin. Umangat na ang mga ugat nito. Akala niya ay katapusan na ng buhay niya kayat ganon na
lamang ang pasasalamat niya nang may mga bisig na humila sa kanya pataas.

"Elise, ano ang nangyari sa iyo? Paano ka napunta dito?" Sunud sunod na tanong ni boyet matapos syang mailiglas mula sa
bingit ng kamatayan. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kanyang kahubdan.

"Huwag ka nang magtanong, boyet. Ilayo mo na lang qko sa lugar na ito. Namimiligro ang buhay ko dito," sabi niya sa tinig na
nanginginig dala ng magkahalong nerbyos at pa

nghihina. Patuloy pa rin sapag agos ang dugo mula sa sugat niya sa pisngi.1

Hindi na nga nag usisa pa si boyet nang makita ang pamumutla niya. Dali-dali nitong tinawag ang driver ng utility truck na si joey
na kanina pa pala nakatulala habang nakatitig sa kanila. Inaalalayan sya ng dalawa pasakay sa nakaparadang sasakyan."Mabuti
na lamang at naisipan naming dumaan dito. Kundi'y baka nahulog ka na sa pampang, elise," sabi no boyetvna hinubad ang suot
nitong jacket at ipinasuot sa kanya. Pati pantalon ay hinubad nito at ibibigay sa kanya. Short at sando na lamang ang maiwan sa
katawan nito.

"Ang pagkakaalam ko ay umuwi ka na, elise. Paano nangyaring magpunta k sa lugar na ito?" Tanong ni joey bago pinaandar ang
sasakyan.

"Huwag na kayong mag usisa," sabi ni elise na nagtaas ng kamay. Pagkuwan ay sinapo ang piusnging patuloy pa rin sa pagdugo.

Pumunit si joey ng kapirasong tela mula sasando nito at saka itinali sa dumudugong sugat ni elise.

"Saan nga pala kayo pupunta, boyet?" Tanong ni elise na nakapikit ang mga mata. Gusto niyang matulog upang makalimutan
sandali ang sakit na dulot ng kawalang hiyaang ginawa sa kanya ni alvin. Matapos nitong angkinin ang puri nya ay ipinasa pa sya
sa tatlo nitong barkada.

"Sa bayab lang, elise, bibili lang kami ng softdrinks," sagot ni boyet na nakatitig sa namumutla niyang mukha.

"Gano'n ba?" Nakaramdam siya ng pagkadismaya. "Hindi pwedeng ihatid ninyo ako sa terminal ng bus papauntang maynila?"

"Pwedeng-pwede, elise. Kung hindi nga lang masyadong napakalayo ang shooting location ay ihahatid ka pa naminsa maynila.
Kaya lang ay baka mapagalitan kami," sabi ni boyet na halatang awang-awa sa kanya.

"Huwag nyong sabihin kahit kanino na nakita nyo ko, ha?" Bilin ni elise kina joey at boyet bago sumakay ng bus.
"Makakaasa ka, elise," seryosong-seryoso ang mukha ng dalawa.

"Salamat ng marami sa inyo. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan." Tumulo ang luha ni elise, nabagbag ang damdamin niya.
Mabuti pa si boyet na pangit ding katulad niya, may puso pa. Hindi niya akalaing ang taong ito na madalas mang asar at
magpakita ng hindi maganda sa kanya ay sya pa palang magliligtas sa buhay niya. Samantalang si alvin na may angking
magandang panlabas na anyo ay siyang nagtulak sa kanya sa kapahamakan. Itinulak siya nito hanggang sa kamatayan.

"Papa!" Napaluha ang papa niya nang makita ang ayos niya. Niyakap siya nito nang mahigpit. "Ano ang mangyari sa iyo, iha?
Bakit ganyan ang ayos mo?" Nabagbag ang damdamin nito sa nakikitang kaputlaan ng mukha niya.

"Tulungan mo ako, papa," umiiyak na sabi niya.

"Pagandahin mo ako. Ayoko na sa mukha kong ito.

This ugly face is driving me into hell." Napahagulhol siya. Iyon lang at nagdilim na ang paningin niya.

Nang magkamalay siya ay nasa loob na siya ng isang pribadong silid ng hospital. Nakabalot na ang mukha niya. Ang ama niya ay
nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatitig sa kanya.

"Magugulat ka kaoag naalis na iyang benda sa mukha mo, iha." Sabi ng papa niya sa masiglang tinig. "Makikita mo kung gaano
ka kagandang dalaga," dugtong pa nito.

"Ano ang ibig mong sabihin, papa?" Bakas sa tinig ni ellise ang excitement.

"Ipinatanggal ko na ang mga nunal mo sa iyong mukha, iha. Matutupad na ang matagal mo nang pangarap, ang gumanda."

"Talaga, papa?" Napaluha si elise sa kaligayahan.

"don't cry, iha. Matulog ka na lang ulit. Paggising mo'y bagong elise ka na."

Sinunod ng dalaga ang sinabi ng ama.

At katulad ng sinabi ng papa niya, ibang elise na nga ang nakikita niya nang magising siya. Isang napakagandang elise na may
makinis at namumulang mukha.

"Ako ba talaga ito, papa?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin na hawak ng
kanyang ama."Ikaw yan, iha," hinaplos nito ang mukha niya.

Hindi pa rin makapaniwalang pinagmasdan ni elise ang sarili sa salamin. Inabot siya ng isang oras sa katitingin sa kanyang
mukha. Nangangawit na ang papa niya sa kahahawak ng salamin.

"Im so beautiful pala!" Hindi napigilan ni elise ang palihim ma pagpuri sa sarili.

"Kung naniwala lang ako kaagad sa mama claudia mo na paoperahan ang mukha mo ay hindi ka sana dumanas ng panlalait sa
kapwa, anak," malungkot na sabi ng papa niya. "Akala ko kasi noon ay gusto lamang ni claudia na mamatay ka kaya iginigiit
niyang ipaopera ang iyong mukha." Paliwanag ng ama niya.

Hindi pinansin ni elise ang mga sinabi ng ama.

Walang ibang laman ang isip niya kundi ang bago niyang mukha. Kay ganda-ganda niyang talaga. Kahit sino pa ang makakita sa
kanya ay hindi na sya makikilala.

"Elise, magiging kumpleto na ang kaligayahan mo dahil wala na si claudia na madalas manakit sa iyo," may luhang sumungaw sa
mga mata ng papa niya ng sabhin iyon. "Patay na sya, iha, nabunggo ang minamaneho niyang sasakyan two weeks ago matapos
ka niyang pinalayas.

"Ha?" Naagaw ang isip ni elise sa narinig. Pagkuwan ay sumungaw ang galit sa mga mata. "Matagal na pala syang patay pero
bakit hindi ninyo ako hinanap?" Nanunumbat niyang tanong. Its been three years na hinayaan ninyo akong nawala sa inyong
mga mata. Napilitan akong magtrabaho sa showbiz as a PA dahil walang ibang gustong tumanggap sa akin. Tiniis ko ang panlalait
ng.mga magagandang artista dahil kailangan kong magtrabaho.
Samantalang kayo ay nagpapasarap sa kayamanan ninyo."

"I'm so sorry, anak," niyakap siya ng papa niya. "Masyado akong na-depress nang mamatay si claudia kaya nakalimutan kita."

"Wala kang kuwentang ama!" Ibig sanang sabihin ni elise ngunit nagpigil siya. Dapat na siyang magsaya, iiwasan na niyang
magalit at malungkot simula sa araw na ito dahil bagong elise na siya.

"Mapapatawad mo ba ako, anak?" Ang papa niya na nagpapaawang tumitig sa kanya.

"Hindi pa ngayon," amin niya. "Pero kung matutulungan ninyo akong singilin ang mga taong nagpaluha at umapi sa akin ay baka
matutuhan kong magpatawad."

"Paano kita matutulungan, iha?" Tanong kaagad ng papa niya.

"Gawin ninyo akong artista," kaagad na sagot niya. "Gamitin ninyo ang pera para mapadali ang pagpasok ko sa showbiz." At
ikinuwento niya sa ama ang buong pangyayari.

"Lilian, telepono." Lumapit sa kanya ang amang hawak ang wireless telephone.

Naputol ang paggunita ni elise at kaagad na tinanggap ang awditibo.

Tumaas ang kilay niya nang mapagsino ang caller.

"Paano mong nalaman itong phone number ko, larry?" Mataray niyang tanong.

"Ibinigay sa akin ni ma'am jorina," sagot ng nasa kabilang linya."ako kasi ang magiging leading manmo sa project na gagawin
niya dahil tumanggi ang kapatid niya. She want us to know each other."

"Ganon ba?" Bumaba ang timbre ng boses niya. "By the way, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

"K-kung pwede sana ay iimbatahan kitang kumain sa labas," nagkandabulol na sagot nito.

"Bakit? Ano'ng okasyon?" Bagamat malumanay ay alam niyang nakaka-offend siyang magsalita.

"W-wala naman," nahihiyang sagot nito.

"Interesado lang akong ma-meet ka ng personal. Madalas kasi kitang napapanood sa tv at nagagandahan ako sa iyo. Ibang-iba
kasi ang dating ng beauty mo. Isa pa'y marami ang nagsabi sa akin na mas maganda ka sa personal."

"Hmmm. Magkikita din naman tayo sa shooting, di ba?"

"I know," sagot nito sa tinig na nagpapa-cute. "Kaya lang ay excited na excited talaga ako, i can't wait that time. Oh, i really want
to see your lovely face right at this time."

Stupid, si alvin ang target ko pero ang gagong ito ang kusang lumapit. Well, matitikman.niya ang aking paghihiganti.

"Matamis kang magsalita, larry. Nakakataba ng puso. Bilang premyo sa pagiging bolero mo'y pagbibigyan kita. Pick me up at six
p.m." nilambingan niya ang tiig. "Sigurado naman ay sinabi na rin ni ma'am jorina sa iyo ang address ko."

"Yes. Yes." Bakas sa tinig ni larry ang katuwaan. "I'll come at exactly six p.m."

Nakangiting ini-off ni elise ang wireless telephone.

At six p.m dumating si larry para sunduin lilia, ang hindi inaasahan ni larry ay may katawa-tawang balak sa kanya si elise.

"Hi, lilian, finally nakita na din kita in personal, your so beautiful," sabi ni larry na napahanga sa ganda ng dalaga.

"So let's go, larry! Sabi ni elise na matamis ang ngiti na sa isip isip niya humanda ka sa gagawin ko sayo matitikman mo
kahihiyang gagawin ko sayo.

"Tara, sakay ka na," sabi ni larry.


At pagpunta nila sa isang bar ay uminom sila. Si elise ay nagpaalam sandali kay larry para kumuha pa ng alak, pagkuha ng alak ay
may inilagay sya rito.

"Hey, let's drink! Cheers." Sabi ni elise na natatawa.

"Thank you, lilian." Sambit ni larry, na walang kamalay-malay sa gagawin ni elise.

Sumakit ang tyan nito. At nagpunta sa cr sinundan ito ni elise. Kinuha niya lahat ng suot ni larry at hindi niya ito binigay.
Hanggang sa makayari na si larry.

"Lilian, where's my underwear and pants? Gigil na sabi ni larry.

"Eto, kunin mo, halika lumapit ka ." Pang aasar nito.

"Lilian, please nakakahiya na to, iabot mo na iyan sa akin." Pakiusap ni larry.

"No, lumapit ka kung gusto mong kunin." Patuloy na pang-aasar.

"God!" Bulalas ni larry na mabilis na tindig. Nataranta ito at hindi malaman kung ano ang gagawin dala ng labis na kahihiyang
natanggap.

Halos lahat ng mga customer ay napatingin sa kanila. Hindi mapigilan ng ibang huwag matawa sa nakita.

At tiyak ni elise na malaking isyu ang ginawa niyang ito kapag nalaman ng media. At iyon ang gusto niya.

"Why are you doing this to me? Tanong ni larry na naggalawan ang mga muscle sa panga dala ng labis na poot.

"You should be thankful na ito lang ang ginawa ko sa iyo. Sa laki ng atraso mo sa akin, kulang pa ito kung tutuusin. Kalingkingan
lamang ito sa pang-aargabyado mo sa akin noon."

"What? What are you talking about?" Maang na tanong ni larry.

Isang misteryosong ngiti lamang ang pinakawalan ni elise. Pagkuwan ay iniwan na si larry sa gitna ng malaking kahihiyang iyon.

"Lilian, bakit mo binastos si larry?" TanonG ni jorina kay elise nang dumating sa production office ang una upang pumirma ng
kontrata.

"Ah," natatawang nulas sa bibig ni elise.

"Nagsumbong pala siya sa inyo, ma'am? Loko talaga ang taong iyon, akala mo'y hindi taga showbiz. Don't he understand that i
did it not for myself? Gimik lang 'yon para sa movie na gagawin natin. don't you think it's a sharp idea?"

Saglit na nag-isip si jorina. Pagkuwa'y tumango-tango.

"you're a bright girl, lilian." Kinurot nito ang pisngi niya. "Kaya lang nagback-out si larry, ayaw ka na raw niyang makatambal."

"Gano'n ba?" Gusto niyang matawa sa natuklasan. Mabuti nga't naapektuhan si larry sa ginawa niya. Nakaganti na siya sa
tarantadong iyon.

"Pero hindi bale na, tutal ay marami pa namang nagkakamdarapang makatambal ka.

Kabilang na sina ferdie at mark, sila ang mga hottest action star sa ngayon. Sino ba sa kanila ang gusto mong makapareha?"

"Kahit sino sa kanila," sagot ni elise na lihim na nagdiriwang ang puso.

Malapit na akong makarating sa tuktok, alvin. At kapag naroon na ako'y ikaw naman ang paiikutin ko sa aking palad.

Hating gabi na ngunit ayaw pa ring dalawin ng antok si alvin. Hindi mawala-wala sa isip niya si Lilian, ang sophisticated at
modernang babae na sa tingin niya'y sanay magpaikot ng lalaki. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakadama siya
ng disappointment sa nakita niyang ikinikilos nito.

Bumuntonghininga si alvin. Pinili na lamang tumungo sa hardin keysa humilata sa kama na dilat ang mga mata.
"Ayaw akong dalawin ng antok," sagot niya sa tinig na walang sigla.

"Hmm... bakit naiisip mo na naman ba si elise?" Malungkot na tanong ni jorina.

Tumango si alvin.

"Ano ang dapat kong gawin para makalimutan mo siya?" Tanong ni jorina sa tinig na bakas ang pagsuko. Hinayang na hinayang
ito sa buhay ng kapatid. Sayang na sayang si alvin kung habambuhay na lamang ganito, nakatali sa nakaraan.

"Wala kang magagawa, ate. Wala dahil ako ma'y hindi rin alam kung paano siyang lilimutin."

Umupo si jorina sa tabi ng kapatid at saka tinapik ang balikat ng binata.

"Kung bakit naman kasi ayaw mong tumingin sa iba? Kay dami-dami namang babae dyan na karapat-dapat mahalin at
nababagay sa iyo."

"Itinanong ko na rin iyan sa aking sarili, ate. Ngunit hindi ko masagot, sa umpisa pa lang ay tumutol na ang aking isip na mahalin
si elise. Pero anong magagawa ko? Ginawa ko na ang lahat pero tibok ng puso pa rin ang nangingibabaw."

"Hindi ako papayag na maging ganito habambuhay, alvin. Gagawa ako ng paraan para makalimutan mo si elise," wika ni jorina
bago siya iniwan.

"Lilian, may ipapagawa sana ako sa iyo at sana'y hindi mo ako bibiguin," sabi sa kanya ni jorina sa tinig na seryosong-seryoso.

"Ano ba 'yon ma'am?" Maang na tanong ni elise.

"Tungkol kay alvin."

Kumindat sa puso ni elise ang kirot ng marinig ang pangalan ng lalaking nagpaluha at nagpaasa sa kanya. Gustong mag-iba ang
reaksyon ng kanyang mukha ngunit pinigilan niya.

"What about him?" Tanong niyang pinakunot ang noo.Tinitigan muna siya ni jorina bago ito muling nagsalita. "Broken hearted
siya. Iniwan siya ng babaeng mahal na mahal niya. Kaya nagkaroon siya ng phobia. Takot na siyang muling
magmahal.""Oh!"Bulalas ni elise. "I can't believe it, ma'am. Sa guwapo ng kapatid ninyo'y iniwan siya ng babae? Napakatanga
naman ng babaeng iyon. Maari bang malaman kung sino siya?"

Matagal na pag-iisip muna ang ginawa ni jorina bago sumagot.

"Kung sasabihin ko ba sa iyo'y maipapangako mong hindi makarating sa iba?" Tinitigan siya nitong mabuti, parang binabasa ang
laman ng kanyang isip.

"I can secret, ma'am," sagot ni elisena pinaseryoso ang mukha.

"Good." Ngumiti ito. "Artista din ang babaeng minahal niya. Si marie salvador. May pagkakamali din si alvin kung bakit siya
iniwan ng babaeng iyon. Pinatulan kasi niya iyong dati naming P.A. na ubod ng pangit. Lasing ang kapatid ko nang pasukin siya ni
elise sa kanyang silid at akitin. Ang buong pangyayari ay kumalat at labis na napahiya si marie kaya siya iniwan."

"G-ganon ba?"pigil ni elise ang sariling huwag ipahalata sa kausap ang biglang pagkudlit ng magkahalong poot at kirot sa
kanyang puso.

"Ano ngayon ang maitutulong ko para maalis ang phobia ng kapatid ninyo?"

"Paibigin mo siya," kaagad na sagot ni jorina. Napupuna nitong may gusto siya kay alvin dahil may nakita itong kakaibang
reaksyon niya tuwing mababanggit ang pangalan ng binata.

Pinigil ni elise ang ngiting gustong sumungaw Sa magkabilang gilid ng kanyang labi sa narinig.

"Baka naman ako ang mapaibig sa kapatid n'yo, ma'am," sabi niya sa tinig na kunwari ay nahihiya. Aminado pa naman akong
crush ko siya."

Natawa si jorina sa sinabi niya, natutuwa.


"Sa ganda mong 'yan ay imposibleng hindi iibig sa iyo ang kapatid ko. Kapag nagkaibigan kayo e di ipapakasal ko kayo. Tutal ay
gusto naman kitang maging sister in law."

"Ow?" Gusto sanang sabihin ni elise ngunit sinarili na lamang niya.

"Nagkakasundo na ba tayo, lilian?" Tanong ni jorina na bakas ang pag-asam sa tinig.

Nakangiting tumango ang dalaga.

Nang araw na iyon ay inumpisahan na kaagad ni elise ang planong pagpapaibig kay alvin. Ang gusto ni jorina ay doon siya titira
para mapadali ang misyon niya. Hindi naman siya tumutol dahil iyon ang gusto niya. Kahit na ayaw pumayag ang papa niya'y
hindi siya nagpapigil.

"Alvin, dito na muna titira si lilian hanggat hindi pa siya nakakahanap ng apartment na matitirhan," sabi ni jorina sa kapatid nang
maabutan nila itong nakaupo sa sala.

Tiningnan ni elise ang reaksyon sa mukha ni alvin. Kahit nakasimangot ito ay naramdaman niyang lihim itong natutuwa.

"Pasensiya ka na, alvin. Nasunog kasi ang bahay ko at wala na akong ibang matirhan. Mahirap maghanap ng disenteng
mauupahan ngayon," si lilian sa tinig na tila nagpapaawa.

"Ganon ba?" Blangko ang ekspresyon ng mukha ni alvin. "Okey lang kahit dito ka pa tumira habambuhay. Tutal ay marami
namang bakanteng kuwarto dito sa bahay."

Lihim na napangiti si elise sa naging pahayag ni alvin. Ngayon pa lang ay nakikita na niyang magtatagumpay siya sa kanyang
binabalak.

Malapit ka nang mahulog sa bitag ko, alvin. Malapit na. Nagdiriwang ang loob niya sa kaisipang iyon.

Lihim na nag-swoom ang kalooban ni elise nang magbalik si alvin. Nakasuot ito ng itim na swimming trunck kaya muli na
namang lumantad sa kanyang paningin ang magandang built ng katawan nito.

"Hindi ka ba nainip sa paghintay sa akin?" Sadya siyang lumakad na parang modelo. Ni hindi na siya mag abalang magsuot ng
roba. Hangad niya ay masilayan nito nang matagal ang kaseksihan niya.

"Ang sarap-sarap magswimming, alvin. Come and join me para mag-enjoy ka naman," sabi ni elise sabay hawak sa brasobng
binata. Sadya niyang idinikit ang malulusog na dibdib sa braso nito.

Ginawa ang lahat ng paraan upang mapaibig niya si alvin.

Ngunit parang siya yata ang umiibig. Ito na ang panahon para makapaghiganti siya sa binata ngunit hindi niya iyon magawa.
Mahal pa niya ito.

"Alvin, pwede ba tayong mag-usap?" Si elise

"Bakit?" Si alvin

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan? Maganda nman ako sexy, ano pa ba gusto mo? Di ba ito naman ang gusto maganda , alvin."
Si elise na lumuluha.

"Hindi ko kaylangan ng panlabas na kagandahan. Ang mahalaga sa akin ay ang kalooban." Si alvin na sa tinig na matamlay.FC

"Ow?" Talaga ba? Parang di ako makapaniwala jan." Si elise

"Bakit ano ba alam mo sa akin, ha?" Sa tinig ni alvin ay inis na siya.

"Oo marami akong alam, alvin," sabay punas sa luha niya kanina pa pala umaagos.

"Tapusin na natin ang usapang ito." Si alvin na nagtataka sa tinuran ng dalaga.

may tumawag sa cellphone ni alvin. Sino kaya ito, number lang. Sinagot niya ito.
"Hello, ikaw ba si alvin?" Galing sa caller.

"Sino po ito?" Si alvin na nagtatanong.

"Papa ito ni elise. Natatandaan mo pa ba siya?" Papa ni elise.

"Opo, nasaan po si elise? Antagal ko na po syang hinahanap. Please po, mahal na mahal ko po si elise. Si alvin na nabuhayan ng
loob.

"Sasabihin ko sayo lahat, magkita tayo. Itetext ko sayo kung saan tayo magkikita."papa ni elise.

"Sige po," si alvin na di na makapaghintay na.makita si elise.

Excited na si alvin sa pagkikita nila ng papa ni elise. Sa wakas matatagpuan na din niya ang babaeng iniibig niya.

"Alvin, dito tayo. At ikukuwento ko sa iyo ang lahat." Papa ni elise.

"Sige po. Nasaan po si elise?" Si alvin na halata sa tinig nito ang pagkamiss sa dalaga.

"Nasa tabi mo lang siya at lagi mong na siyang nakakasama." Papa ni elise.

"A-ano ho ang ibig ninyong sabihin na lagi ko siyang nakakasama?" Si alvin na nagtataka.

"Si lilian valderama, ano pakiramdam mo sa kanya?"papa ni elise.

"Ang ibig ninyong sabihin ay iisa lang si lilian valderama at elise? Paano nangyari yon? Di ko po maintindihan!" Sa tinig ni alvin na
halatang nagulat.

"Oo iho, dahil sa mga ginawa ninyo sa kanya. Nung umuwi sya sa bahay nkiusap siyang pagandahin ko sya bago siya tuluyang
mawalan ng malay. Awang-awa ako sa anak ko nung araw na yun. Pinagsamantalahan niyo siya at gusto mo pa daw siyang
ipapatay. Bakit mo nagawa kay elise yon? Bakit hinayaan mong gawin ng mga kaibigan mo kay elise iyon, walang pinakitang
masama sa inyo ang anak ko. At ikaw minahal ka niya naniwala siya sa mga pangako mo." Papa ni elise na naluha na habang
kinukwento kay alvin ang mga nangyari sa kanyang nag iisang anak.

"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo. Mahal ko po si elise, kaya nga po nawala ako sa showbiz dahil umalis na ko simula nung
nangyari ung pagsisinungaling ko dahil sa kagustuhan ng kapatid ko. At kaya umalis ako sa showbiz dahil para tuparin ko ung
pagpapakasal namin pero nawala siya at di ko na mahanap ginawa ko ang lahat para mahanap siya. Pero baliwala hindi ko siya
mahanap." Umiiyak si alvin habang paulit-ulit na kabiguan niya sa paghahanap sa dalaga.

After na mag-usap ni alvin at papa ni elise, umuwi ng bahay si Alvin na parang walang nangyari. Hindi dapat muna malaman ni
elise ang natuklasan niya. Alam niyang galit ito sa kanya at kailangan bumawi siya. Mahal niya ang dalaga kaya gagawin niya ang
lahat mapatawad lamang siya nito. Dapat niyang maibalik ang dating elise. Na hindi na niya maramdaman sa bagong elise na lagi
niyang nakakasama.

"Hoy!" Bakit nakatulala ka dyan, alvin?" Si elise na ginulat ai alvin.

"A-ah w-wala, may iniisip lang LILIAN," pagkadiin-diin na sabi ni alvin sa pangalang lilian.

"Naalala ko kasi yung babaeng minamahal ko na sana kung di siya nawala sana mag-asawa na kami sana kasal na kami, siguro
nga baka may anak na rin kung sakali. Alam mo mahal na mahal ko yun! Ang tanga tanga ko kasi bakit ko nagawang saktan ang
damdamin niya." Sabi ni alvin na sa isip niya sana maramdaman ng kaharap niya ung pinahihiwatig niya.

"Ang swerte naman ng girl na yun. Sino ba yun? Si Marie Salvador ba ung tinutukoy mo?" Si elise na halatang nagseselos.

"No, hindi ko naman naging girlfriend si marie, leading lady ko lang siya nung nasa showbiz pa ako. Kaya paanong siya yung
tinutukoy ko?" Sa boses ni alvin ang pagtataka bakit ganon nalang ang sagot sa kanya ng babaeng iniibig niya.

"A-anong hindi si marie? Pero yun ang sabi ng kapatid mo, broken hearted ka dahil kay marie. Iniwan ka daw ni marie dahil kay
elise na pangit at inakit ka." Pagtataka ni elise bakit ito ang sinabi sa kanya ni jorina. "Ano ba talaga ang totoo?" Parang gusto ng
tumulo ng luha ni elise.
"Hindi totoo yan! Hindi ako inakit ng mahal ko, ang tagal ko na siyang hinahanap. Kaya ako nagkakaganito dahil sa kanya. Araw-
araw yun ang dinadasal ko sana bumalik na si elise ang babaeng papakasalan ko." Nakahinga ng maluwag si alvin dahil nasabi na
niya kay elise ang nararamdaman niya. Kahit di pa niya alam, na natuklasan ko ng siya si elise.

Hindi nakasagot si elise. Tumakbo ito patungo sa kwarto niya. "Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa iyo alvin?" Nais sana
niyang sabihin kay alvin kanina pero mas pinili nlng niyang tumakbo na lang kesa malaman niyang siya si elise.

Bakit ba ayaw pa niyang umamin na siya si elise, gusto ko na siyang yakapin at halikan miss na miss ko na siya. Sa isip isip ni
alvin.

Kinabukasan nagkasalubong si alvin at elise.

"Alvin, di mo ba talaga kayang suklian pagmamahal ko?" Mahuhulog ka din sa bitag ko alvin. Sa isip-isip ni elise.

"Kung gusto mong suklian ko ang pagmamahal na sinasabi mo'y ibalik mo ang dati mong pagkatao, elise."

Nagulat ang dalaga sa narinig. Naramdaman niyang tinakasan siya ng kulay sa mukha dahil nabuko siya.

"Alam ko na ang lahat, elise. Sinabi na sa akin ng iyong ama."

"No!" Tanging nanulas sa bibig ni elise. Gusto niyang magwala dahil sa kabiguang makapaghiganti sa lalaking ito. Sira ang mga
plano niya.

"Sa maniwala ka ma't sa hindi'y minahal kita noon pa man, elise. Matagal kitang hinanap pero hindi kita natagpuan. At ngayong
nagbalik ka na'y ibig kong maramdaman mong totoong mahal kita. Kaya lang nag-iba ka na. Hindi na ikaw ang dating elise na
minahal ko."

"Sinungaling!" Malakas na hiyaw ni elise. "Sinabi mo lang yan dahil maganda na ako ngayon. At hindi ako tanga para hindi
maramdamang may interes ka sa katawan ko."

"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin, elise. Bastat ang masasabi ko lang ay mahal kita.

»mamaya na lang ulit, mahigsi lang ulit nagawa ko . Mamaya medyo hahabaan ko na!

''Simula nang iwanan mo ako nawalan na kO ng gana sa lahat ng bagay. Nawalan ng kulay ang buhay ko. Mahal na Mahal kita
Elise. Totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala itanong mo lahat sa kapatid ko. Halika dun tayo sa bahay, andun sa
bahay ang ama mo sinabi na niya ang lahat, Elise. Wag ka ng magkaila pa.'' Hinila ni Alvin si Elise. Halos makaladkad si Elise sa
paghila ng binata pasakay ng sasakyan.

Pagdating sa bahay saka pa Lang nagsalita si Elise.

''alvin, pwede ba itigil mo na Yung mga kasinungalingan mo. Mahal mo ako e Bakit mo kO pinapapatay sa barkada mo na si Larry,
Ferdie at Mark? Sabihin mo nga sakin. Muntik pa nila akong gahasain buti na Lang at may dumaang sasakyan. Tapos himulog nila
ako sa pampang. At ikaw ang may pakana ng lahat ng iyon binayaran mo sila Hindi ba malaki daw ang makukuha nilang pera
kung mapapatay nila ako. Ngunit di sila nagtagumpay. At ngayon andito ako maganda na lahat ng sumalbahe sakin mananagot.
Matitikman nila anv paglaruan. Sabi ni Elise na galit na galit.

'' wala akong alam sa mga ginawa sayo nila Larry, Ferdie at Mark. Maniwala ka Elise. Sabi ni Alvin.

''noon, lahat ng sinasabi mo'y pinaniniwalaan kO, Alvin. Pero ano ang napala kO? Walang iba kundi sakit ng kalooban. Wala Kang
kuwentang Tao, Alvin. Ibinigay kO sa iyo ang lahat pati katawan. Only to find out later na Hindi ka pala karapat-dapat mahalin.''
tumulo ang luha ni Elise habang nagsasalita.

''inaamin Kong nasaktan kita, Elise. Pero wala sa Plano kO noon ang layuan ka. Sinunod kO Lang ang gusto ni atE na
pasinungalingan ang balitang kumalat. Pero ang nasa isip ko'y pakasalan Kang talaga. Pero ikaw ang lumayo, Elise. ikaw...'' sabi ni
Alvin na tumulo na rin ang luha.

''totoo ang sinasabi ni Alvin, kasalanan kO ang lahat ako ang pumilit sa kanya na magsinungaling sa nangyari sa inyo. Patawarin
mo ako, Elise. Di totoo Yung sinabi kO sayo na si Marie ang pinagmumukmok ng kapatid ko. Ikaw yun Elise. Kahit sino ang
ipakilala kO sa kanya ikaw Lang ang hinahanap niya. Mahal na Mahal ka niya. Sana paniwalaan mo mga sinasabi niya. Patawad
Elise. sana matupad na ang pangarap ng kapatid Kong maikasal Kayo. Sabi ni jorina Kay Elise. Na naluha sa mga sinabi.

''hindi kO alam kung maniniwala ako. Ang sakit-sakit ng mga ginawa ninyo sa akin. Malalim ang sugat dito sa puso ko. Di kO alam
kung kaya kO pang magpatawad.'' sabi ni Elise na pinahid ang luha. ''mabuti pa sigurong umalis na ako sa bahay na ito.''

''ikaw ang bahala, Elise. Pero gagawin kO ang lahat mapatawad mo Lang ako at bumalik ka sa akin. Gagawin kO ang lahat
mahalin mo Lang ulit ako. Pag nangyari iyon di na kita papakawalan. Mahal na Mahal kita, Elise.'' sabi ni Alvin na napaseryoso
ang tinig.

''alvin, ayoko ng masaktan pang muli. Ayoko ng mabigo. Minahal kita noon pero sinaktan mo ako.'' sabi ni Elise sabay talikod.

''bigyan mo ako ng second chance, Elise. please hayaan mo akong ligawan Kang muli.''

"hahayaan kita? Kasi di mo na ako ikakahiya kasi maganda na ako ngayon?! Yon ba, alvin? Paano mo mapapatunayan na tunay
ang sinasabi mo?" sa tinig ni elise ang poot pa din sa binata.

"Elise, please! Pakasalan mo ako, papatunayan ko sayo na tunay kitang minahal noon hanggang ngayon. Please ibalik mo na
yung dating ikaw." si alvin na nagmamakaawa sa dalaga.

"ewan ko di ko pa alam. Pero sige pumapayag na kong ligawan mong muli. Pero sa oras na niloloko mo akong muli hinding hindi
na kita bibigyan p ng pagkakataon." si elise .

"talaga?!" promise gagawin ko ang lahat. Maging akin ka lang muli. Pag nangyari yon wala ng makakapaghiwalay sa atin.
Papakasalan kita bubuo tayo ng isang pamilya. Mahal na mahal kita, elise." sa sobrang saya ni alvin nabuhat nito ang dalaga. na
ikinagulat ni elise.

"alvin ibaba mo ako. Di pa naman kita sinasagot."masaya lang ako, kasi pumayag kang ligawan kita sa pangalawang
pagkakataon." si alvin.

Simula ng pumayag si elise na ligawan siyang muli ni alvin. Walang araw na pinapalampas ang binata sa panunuyo sa dalaga. At
mukang may binubunga naman ang panliligaw ng binata. Unti-unti ng napapangiti ni alvin si elise.

"elise, para sa iyo," binigyan niya ng bulaklak ang dalaga. "pwede ba tayong kumain sa labas?" si alvin na nakangiti sa dalaga.

"sige, ano meron?" nagtataka ang dalaga.

"basta! Tara sakay ka na," si alvin.

Nagulat si elise sa nakita napaka romantic ang ganda ng ayos at mukang sila lang ang tao sa lugar na puro bulaklak at yung
lamesa nila may kandila pa.

"ano ito, alvin?" di malaman ni elise pero ang saya niya.

"elise, will you marry me? I know di mo pa ako sinasagot, pero please mahal na mahal kita. Ayoko nang mawala kang muli sa
piling ko. Alam ko mahal mo rin ako." si alvin na nagpropose kay elise.

"yes! Alvin, mahal na mahal din kita. I will marry you." napaiyak si elise.

"i love you so much, elise. Salamat kasi pumayag ka nang magpakasal sa akin." isinuot niya sa dalaga ang singsing.

Namanhikan sila alvin sa papa ni elise. Pumayag naman ang papa nito. Masaya masaya ang papa ni elise kasi nawala na ang galit
sa puso ng anak.

"masaya ako para sa inyo, kelan ang kasal ninyo?" papa ni elise.

"next month na po, tito." sagot ni alvin.

"papa na ang itawag mo sa akin tutal naman ay ikakasal na kayo ng nag iisa kong anak." papa ni elise.
"opo, papa." agad na sambit ni alvin.

Bumalik na sa bahay nila si alvin. Kasama pa rin niya si elise. Napagod ang dalawa kaya nagpahinga muna sila sa kwarto ng
binata.

Pagpasok nila hinalikan niya si elise ng pagkadiin diin.

"alvin," nasambit ni elise.

"wag kang mag alala, elise. Di kita gagalawin namiss lang kita. Pagkatapos na lang ng kasal natin." kaagad na sagot ni alvin.

Naging busy ang dalawa sa pag aayos ng kasal nila. Ilang araw na lang at ikakasal na sila.

Isang linggo bago ang kasal ni elise at alvin. Umuwi na pilipinas ang parents ni alvin upang personal na makilala si elise. Umuwi
ang parents ni alvin para sa kasal ng anak nila na si alvin.

"alvin, anak we're back in the philippines. Don't tell me iniisip mong di kami uuwi sa special na araw mo. Pwede ba naman yun.
Imbitahan mo ung fiance mo na dito na magdinner mamaya. Para makilala ko naman ng personal ang future manugang ko." sabi
ng mommy ni alvin.

"mom, you're here. I'm glad . Thank you much mom. I miss you." sabay halik ni alvin sa pisngi ng ina.

"yes po, invite ko agad siya.""okay! Anak magpapahinga lang muna ako napagod ako sa byahe." sabi ng ina ni alvin "sige po,
magpahinga po muna kayo ni dad." sabay yakap ni alvin sa ama.

Tinawagan agad ni alvin si elise upang ipaalam na iniimbitahan siya ng parents ni alvin na doon na magdinner.

"hello! Nakauwe na ng pinas ang parents ko gusto nila na dito ka magdinner, pwede ka ba my future wife? I love you." sabi ni
alvin sa kabilang linya."pwedeng-pwede my loves. Ikaw pa ba matanggihan ko, excited na kinakabahan ako baka di nila ako
magustuhan." sabi ni elise sa kabilang linya.

Sinundo ni alvin si elise sa bahay nito.

Nakarating na sila sa bahay ni alvin.

"mom, dad, andito na po kami." sabi ni alvin.

"hello! Iha, kamusta ka? Sabi ng mommy ni alvin.

"hello po tita at tito good evening po! Sabay beso sa magiging byenan niya.

"tara kumaen na tayo," sabi ng parents ni alvin.

Fast forward➡➡➡

Ito na nga ang araw ng kasal na pinagkakahintayhintay ni alvin at elise.

Andito na ang lahat sa simbahan pati ang groom kanina pa naghihintay. Kinakabahan na si alvin na baka di dumating ang bride.

Maya-maya dumating na din. Napakaganda ni elise.

"start na po ang wedding."sabi ng coordinator sa simbahan.

"kung mayroong tumututol magsalita lamang. Meron po ba?" sabi ng pari.

Fast forward➡➡➡

Walang tumutol sa kasal ng dalawa. Andito na sila sa venue. Pagkatapos nila dito ay diretso na sila sa paris doon sila
maghahoneymoon.

Flight na nila papuntang paris.

Maya-maya lang ay nakarating na sila . Diretso sila sa condo na binili ng parents ni alvin para sa honeymoon nila.
Binuhat ni alvin si elise papasok ng kwarto at mariin na hinalikan ang asawa nito at diniig naman ito ni elise.

"honey, ready ka na ba? Excited na ako kasi asawa na kita." sabi ni alvin. At pinagkadiin pa ang halik nito sa asawa. At dahan
dahan nitong hinubaran ang asawa. Wala na silang saplot dalawa.

"yes, honey ngayon pa ba ko aarte ee nakuha mo na ko noon? Ilove you alvin.

After 3months pabalik na sana sila ng pilipinas ngunit di kaya ni elise matamlay ang katawan nito. Ayaw kumain laging nahihilo
at nagsusuka. Kaya pinacheck up ni alvin.

"congrats! She's 8 weeks pregnant," sabi ng doctor kay alvin.

Daddy na ko yes." napasigaw si alvin.

"honey, nakakahiya ka. Pinagtitinginan ka na nila." sabat ni elise kay alvin.

Umuwi sila ng pilipinas upang sa pilipinas manganak si elise.

"isang bwan na lang at lalabas na ang junior ko. Gustong gusto ko ng makita ang anak natin." kitang-kita sa mata ni alvin ang
pagka-excite sa baby boy nila. Baby boy kasi ang nkita sa ultrasound."oo nga honey ang likot-likot na niya sipa ng sipa." si elise.

"honey magpahinga ka na, para maging malusog si baby. I love you." sabay halik sa asawa.

"honey, humihilab ung tiyan ko. Napakasakit lalabas na yata si baby. Pero hindi ko pa naman kabuwanan sa isang buwan pa." si
elise na namamalipit sa sakit."honey, dadalin kita sa hospital. Kapit ka lang. Lakasan mo ang loob mo. Andito lang ako para sa
inyo ni baby." binuhat ni alvin si elise.

"hindi ko na kaya, honey. Alagaan mong mabuti anak natin. Mahal na mahal kita. Nanghihina na ako." si elise na nawalan ng ng
malay.

Cesarian operation ang ginawa kay elise. Wala itong malay. Nag 50/50 ito. Kaya ginawa nila ang lahat upang mailabas ang bata
sa sinapupunan nito.

"doc, kamusta po ang asawa't anak ko? Please gawin niyo po ang lahat para mailigtas sila." si alvin na nagmamakaawa sa doctor.

"stable na siya. Nasa recovery room pa siya wala pa siyang malay. Ung baby nasa nursery room need pa siyang obserbahan dahil
kulang siya sa buwan. Magdasal lang po kayo." ung ob-gyne na nagpanganak kay elise.

Si elise ay nasa recovery room. Maya-maya ay ililipat na siya sa ob-ward.

Nag-aalala pa din si alvin para sa asawa. Dasal siya ng dasal na sana ay magising na ito.

Maya-maya ay tinawag ang pangalan ni alvin. Sinabi ng nurse na dadalin na sa ob-ward si elise.

Tuwang-tuwa si alvin kasi may malay na ang asawa niya. "elise, honey salamat at di mo kami iniwan ni baby. Ang lusog niya at
ang gwapo." sabay halik ni alvin sa noo ni elise.

"honey, nauuhaw ako." sagot ni elise.

"honey, hindi ka pa paw pwedeng uminom at kumain." sabi ni alvin.

Pumasok ng kwarto ang nurse dala-dala ang baby nila.

Maluha-luha si elise ng makita ang anak. Kamukhang-kamukha ng pinakamamahal niyang asawa. "honey kamukhang-kamukha
mo siya." sabi ni elise kay alvin.

After 3 days nakalabas n ng hospital si elise.

Nasa bahay na sila. Masayang masaya ang parents ni alvin sa apo nila. Pati ang papa ni elise. At ang ate ni alvin na si jorina.
Nagpapunta pa ito ng media upang ipaalam sa buong mundo na may anak na si alvin at elise.

Sa di inaasahan dumalaw sila larry, ferdie at mark. Na ikinagulat nila alvin at elise.
"honey, pumasok muna kayo ni baby sa kwarto isara mo ng mabuti ang pinto i-lock mo wag mong bubuksan hanggang di ko
sinasabi." sabi ni alvin.

"mag-iingat ka." sabay halik ni elise sa asawa bago tuluyan pumasok sa kwarto.

"anong ginagawa ninyo dito? Nananahimik na kami. Huwag na ninyo pa kaming guluhin." sabi ni alvin.

"hindi kami pumunta dito para manggulo. Sana ay mapatawad ninyo kami sa aming nagawa." sabi ni larry.

"umalis na lang kayo, dahil ayoko ng gulo. Kinalimutan ko na mga ginawa ninyo. Mabuti pang kalimutan ninyo na lang kami.
Umalis na kayo." sabi ni alvin.

"sige aalis na kami sana ay mapatawad n ninyo ang mga nagawa nmin. " sabi ni mark.

Pag alis ng tatlo ay sinara agad ni alvin ang gate at pinto. Kumatok siya sa asawa.

Masayang-masaya ang mag asawa simula nang dumating ang anak nila. Mas lalo nilang minahal ang isa't isa.

You might also like