You are on page 1of 2

Pamagat: 100 tula para kay stella

Prodyuser: Vicente G. Del Rosario III

Direktor: Jason Paul Laxamana

Manunulat: Jason Paul Laxamana

Maylikha ng ibat ibang aspekto: jason Paul Laxamana, Vicente del rosario, Vic del rosario Jr.,
Veroique del rosario-Corpus, Ianne Oandasan, June Torrejon-Rufino, Paulo Protacio, Aian Caro,
Albert Michael Idioma, Fatima Nerikka P. Salim.

BUOD

Si Fidel Lansangan (JC Santos) ay ipinanganak na may “speech defect” at kinakailangan


niyang limitahan sa tatlong salita ang kanyang pangungusap upang hindi mautal. Taong 2004 ang
kanyang unang taon sa kolehiyo bilang estudyante ng kursong sikolohiya sa “Pampanga
Agricultural College”. Doon nakilala niya ang rakista na si Stella Puno (Bela Padilla) na napaibig sa
kanya. Sa kanyang apat na taon sa kolehiyo, siya ay nagsulat ng 100 tula para sa taong mahal
niya, sa pag-asang mamahalin din siya.

Si Fidel at Stella ay ang kabaliktaran na isa’t isa. Si Fidel ay isang mahiyaing estudyante,
napakatalino at “grade-conscious na honor student” habang si Stella naman ay isang matapang
na rakista na mas kinahihiligan ang kumanta sa kanyang banda kaysa sa pag-aaral.

Ang mahiyain na si Fidel ay nagsimulang magsulat ng mga tula para kay Stella, ngunit hindi siya
nagkaroon ng lakas ng loob upang maipabasa man lamang ang kanyang mga tula. Si Stella
naman ay marami nang naging kasintahan para lamang makakuha siya ng kontrata sa kanyang
pagkanta. Habang sa pagsulat naman ni Fidel ng kanyang pang-isang daang tula, kakayanin ba
niyang ibigay kay Stella ito at sabihin sa kanya ang kanyang nararamdaman sa loob ng apat na
taon na lihim niyang pagtingin?

“100 Tula Para Kay Stella” ay mag-iiwan ng impresyon na gugustuhin mong ipagsapalaran ang
lahat para sa iyong iniibig; at kahit pa nasasaktan ka, kung nakikita mong masaya ang iyong
minamahal, matututunan mong magpaparaya.

Ang Pelikulang ito’y nag dulot samin ng mabigat na pakiramdam, Dahil naramdaman namin ang
ang Pagkabigo at sakit na naramdaman ng parehong karakter na si Fidel at Stella, at
Pinapahiwatig sa pelikulang ito na kung may gusto kang maasam o mithiin ay gawin mona at
Huwag ng patagalin pa bago mahuli ang lahat, Ang pelikulang ito ay magpapaalala sa atin
Natalagang walang tiyempo sa pag mamahal dahil kapag sa wakas ay nakatagpo mo ang tamang
Tao, hindi mahalaga ang oras. Dapat mong isaalang-alang na kung ano ang tila tamang panahon
Para sa iyo ay hindi tamang oras para sa iba pa.

You might also like