Professional Documents
Culture Documents
Satanas Sa Lupa
Satanas Sa Lupa
Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago
siya mahalal na Kongresista saating Batasang-Bayan. Ang kanyang pagiging gerilya ang siyang
naghatid sa kanya sa tagumpaybilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel. Tulad ng
karamihan sa mga Kongresista, si Benigno ay mabuti at matuwid. Ginawaniya ang mga dapat niyang
gawin para sa ikabubuti ng kanyang lalawigan. Sa pananamit atpamumuhay ng pamilya niya,
makikita na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan. Nagbago ang prinsipyo ni Benigno sa
hindi niya kagustuhan. Minsan, nagkasakitang isa niyang anak at kailangang ipasok sa ospital. Nang
magaling na ito, wala siyang perangipambayad sa ospital nakiusap siya at pumayag naman ang
may-ari na si Dr. del Rey. Makikita sakatauhan ni Benigno na ayaw niyang maging masama ngunit sa
pagpupumilit ni Dr. del Rey,nagbago siya. Kinasangkapan ng doctor ang pagiging kongresista niya
upang ipalakad ang “loanapplication” nito sa PNB. Nalakad ni Benigno ang loan ng doctor kaya
nagpasalamat ang huli.Binigyan nito ang kongresista ng iasang sobre na kinalalagyan ng maraming
pera. Nagpumilit saBenigno na isauli ito ngunit umalis ang doctor, kaya’t ipinagpalagay na lamang
niya itong bayadsa kanyang nagawang paglilingkod.Simula sa pangyayaring ito, sunod-sunod na ang
mga tuksong dumating kayBenigno. Sumunod si Mr. Lim. Ang intsik na ito ay isang “smuggler” at si
Benigno angtagapaglusot nito sa adwana. Si Balkbin Marcial, isang kawani ng adwana, ang siyang
tagalakadpara mailabas ang mga kontrabando. Gaya ng kay Dr. del Rey, ipinalagay ni Benigno “para
sapaglilingkod”niya ang mga salaping ibinibigay ni Mr. Lim.Ang pagpapalipas ng oras sa mga
“niteclub” ay isang karaniwang gawain ng mgakongresista. Sa isang paghahapi-hapi ni Benigno sa
may Roxas Boulevard, nakatagpo niya siKongresista Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom
at pagkatapos ay dinala sa isangbahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing
labing-anim na taong gulang atsariwa pa.Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng
ito.Pagkatapos ng inaasahangmaganap, ikinuwento ni Diana ang buhay niya. Lalong naawa siya
kaya sinabi niya na ititira nalang niya si Diana sa apartment.Pumayag agad ang babae. Sa pag-
uusap nila, biglang maypumasok na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na
kasamahan siya niKongresista Carpio.Pagkatapos umalis ang mga lalaki, napag-alaman ni Benigno
na mga “blackmailer” lamang ang mga ito.Ibinahay nga ni Benigno si Diana. Naging malayo siya sa
kanyang pamilya atnapalapit na lalo kay Diana. Ang kabit na ito ng ating Kongresista ang siyang
naging tagapag-
2/5
ayos ng mga “deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya, umalis ang kanyangmag-
anak patungong probinsya.Sa kasamaang-palad, naaksidente sila Malubha ang
nagingsugatb ng anak nilang si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito.Galit nag alit si
Benigno.Isinumpa niyang magbabayad ang may kagagawan nito.Sa kasamaang-palad ulit, namatay
angtsuper ng trak na nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio
angmay-ari ng trak. Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na isa
samga tumulong sa kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng asawa niya.
Naisipnitong mas mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng anak nila.Upang
makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno kayVirgie na magbakasyon sila sa
Roma. Alam ni Benigno na wala silang gagastusin sapagkat si Mr.Lim ang bahala. Pumayag ang
babae. Sa may airport, iniabot ni Mr. Lim kay Benigno ang isangmaleta upang ibigay sa kapatid nang
Makita na dolyar ang laman nito. Dahil sa pusisyon niya sapamahalaan medaling nakalusot ang
maleta sa Custom.Sinalubong ng kapatid ni Mr.Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong .Inasikaso
silangmabuti. Ipinasyal, pinakain at pinatira sa pinakamahal na hotel. Kinabukasan,lumipad na
silapatungong Roma na may sama ng loob sa kapatid ni Mr. Lim. Nagtampo si Benigno dahil
hindisiya nabigyan ng babae.Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng
Pilipinas.Pinadalhan siya ngisang kawani ng embahador upang tulungan siya. Nagbigay ng isang
salu-salo ang embahadorpara sa karangalan ng kongresista. Sa piging na ito, sinabi ni Benigno sa
embahador na gustoniyang magkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa.Sa “audience” nina
Benigno at Virgie sa Papa, nagdala siya ng isang libongrosaryo upang pabendisyunan. Binalak ni
Benigno na na magkaroon siya ng larawan na kasamaang Papa. Nasunod ito ngunit nagtampo
naman si Virgie dahil hindi siya kasama. Dahil sa pagnanais ni Benigno na magkaroon ng larawan,
nakalimutan niyang pabendisyunan ang mgarosaryo.Namasyal sila sa iba’t ibang pook ng Roma.
Inutusan ng kongresista ang kawaning embahada na isama nito ang asawa upang ipasyal si Virgie.
Nang silang dalawa pa lamangang magkasama, nagpadala siya sa mga babaing nagbibili ng aliw.
Kinabukasan,nakaramdam siBenigno ng kakaiba.Nahihirapan siyang umihi. Nag-alala siya dahil
maaaring magkaroon siya ngsakit sa babae at maaaring nahawa si Virgie dahil nahilig siya noong
nakaraang gabi. Pumasoksiya sa ospital. Dito, nalaman na hindi ioto sakit sa babae.Bumalik siya sa
Pilipinas. Sinalubong sila ng maraming tao na puro namanbinayaran. Nagkaroon ng salu-salo sa
Manila Hotel para sa kanilang pagdating.Ang Pangulo atang Unang Ginang ay dumalo rin.Pagdating
nila sa bahay, nalaman nilang nagtanan ang anak nilang si Ester.Kasama ang anak ni
Kongresista David na si Rosendo.Hindi nagtagal at bumalik angdalawa.Humingi sila ng
tawad at bendisyon. Noong una’y ayaw ni Benigno na maging balae siKongresista David. Ipinatawag
niya ang mag-ama upang pag-usapan ang kasal.Sinabi niya nakailangang malaki ang kasalan pero
tumanggi ang ama ni Rosendo sa kadahilanang wala silangpera. Umuwi na si Rosendo at ang ama
niya. Kinagalitan ni Benigno si Ester hanggangsa maitulak nito ang anak. Namilipit si Ester kaya
dinala siya sa ospital. Napag-alaman nila nanalaglag ang sanggol sa dinadala nito.
3/5