You are on page 1of 3

Isang apartment. Pumayag agad ang babae.

Sa pag-uusap nila, biglang may pumasok

Na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na kasamahan siya ni

Kongresista Carpio. Pagkatapos umalis ng mga lalaki, napag-alaman ni Benigno na

Mga “black-mailer” lamang ang mga ito.

Ibinahay nga niBenigno si Diana. Naging malayo siya sa kanyang pamilya at

Napalapit na lalo kay Diana. Ang kabit na ito ng ating kongresista ang siyang naging

Tagapag-ayos ng mga “deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya,

Umalis ang kanyang mag-anak patungong probinsiya. Sa kasamaang-palad,

Naaksidente sila. Malubha ang naging sugat ng anak nilang si Marichu. Hindi

Nagtagal at namatay ito. Galit na galitsi Benigno. Isinumpa niyang magbabayad ang

May kagagawan nito. Sa kasamaang-palad ulit, namatay ang tsuper ng trak na

Nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio ang may-ari

Ng trak. Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na isa

Sa mga tumulong sa kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng

Asawa niya. Naisip nitong mas mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhayng
Anak nila.

Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno

kayVirgienamagbakasyon sila saRoma.Alam niBenigno na wala silang gagastusin

sapagkat si Mr. Lim ang bahala. Pumayag ang babae. Sa may airport, iniabot ni Mr.

Lim kayBenigno ang isang maleta upang ibigay sa kapatid nito saHongkong. Sinilip

Ni Benigno ang laman ng maleta at nabigla siya nang makita na dolyar ang laman

Nito. Dahil sa pusisyon niya sa pamahalaan, madaling nakalusot ang maleta sa

Custom.

Sinalubong ng kapatid ni Mr. Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong.

Inasikaso silang mabuti. Ipinasyal, pinakain at pinatira sa pinakamahal na hotel.

Kinabukasan, lumipad na sila patungong Roma na may sama ng loob sa kapatid ni

Mr.Lim. Nagtampo siBenigno dahil hindisiya nabigyan ng babae.

Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng Pilipinas. Pinadalhan

Siya ng isang kawani ng embahada upang tulungan siya. Nagbigay ng isang salu-salo
Ang embahador para sa karangalan ng kongresista. Sa piging na ito,sinabi niBenigno

Sa embahador na gusto niyangmagkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa.

Sa “audience” nina Benigno at Virgie sa Papa, nagdala siya ng isang libong

Rosaryo upang pabendisyunan. Binalak niBenigno na magkaroon siya ng larawan na

Kasama ang Papa. Nasunod ito ngunit nagtampo naman si Virgie dahil hindi siya

Nakasama. Dahil sa pagnanais ni Benigno na magkaroon ng larawan, nakalimutan

Niyang pabendisyunan angmga rosaryo.

You might also like