You are on page 1of 3

5. Talinghaga. Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Ito

Ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging

KaakIt–akItatmabIsaangpagpapahayag

6. Anyo o porma ng tula:

a.Malayang taludturan

b.Tradisyonal

c. May sukat nawalang tugma

d.Walang sukat namay tugma

7. Tema. Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo,

Kabayanihan, kalayaan, katarungan , pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa

Kapwa atmarami pang iba.

8. Tono/Indayo. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay

Nangungutya, naglalahad at natuturan.

9. Persona.Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

10. Simbolismo. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guni-guni ng


Mga mambabasa. Ito ay mga tunay o konkretong imahen na sumusulong sa atin

Na isipin ang kahulugang napapaloob dito.

11. Imahe o Larawang – Diwa. Tinatawag itong imagery sa Ingles. Ito ang mga

Salitang kapag binabanggitsa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan

Sa isipan ng mambabasa. Ito ang pinakapuso ng panulaan. Ito ay tumutukoy sa

Muling paglikha ng makata ng anumang karanasan dulot ng iba’t ibang pandama

Sa pamamagitan ng mga salita. Iniiwan nito sa mambabasa ang mga tiyak at

Malinaw na larawan.

Mga Uri ngTula:

Sang-ayon sa kaanyuan:

1.Tulang pansalaysay o buhay.Ito’y naglalahad ng isang kasaysayan o mga

Tagpo o pangyayari. Ang mahalaga rito’y ang pagkakaugnay-ugnay ng

Mga pangyayaring isinataludtod.

2. Tulang pandulaan. Ito’y naglalarawan ng mga madudulang pangyayari


Na halos katulad ng nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay

Upang itanghal.

You might also like