You are on page 1of 2

Alamat ngBulkangMayon

Ang Mayon na isa sa pinakamagagandang bulkan sa Pilipinas ay

Ipinagmamalaki ng mga taga-Albay. Pero paano nga ba nagkaroon ng Bulkang

Mayon?

Ayon sa isang matandang alamat,saAlbay ay may isang kagalang-galang na

Raha na sinusunod ng lahat. May anak itong dalaga na hinahangaan dahil sa

Pagtataglay nito ng kagandahan at kabaitan. Daragang Magayon ang kilalang bansag

Sa anak ng raha. Daraga na nangangahulugang dalaga at magayon na ang ibig sabihin

Aymaganda.

Sapagkat ubod ng ganda, maraming binata ang dumadayo pa sa Albay

Makita lamang ang anak ng raha. Kabilang sa mga mangingibig ni Daragang

Magayon ay mga binatang anak ng mga raha rin mula sa Camarines Del Norte,

Camarines Del Sur,Catanduanes atSorsogon.

Bagama’t kalat na kalatsa kabikulan ang nababalitang kariktan ni Magayon,

Pinagtiyap lang ng pagkakataon kung bakit nalaman din ng isang binatang mula sa
Napakalayong lugar sa katagalugan ang kahali-halinang kagandahan. Ang binata ay

Si Ulap na anak ni Raha Tagalog ng Quezon. Isa siyang abenturerong manunudla ng

Mga hayop gubat kaya siya pinadpad sa kabikulan.

Minsang nakatulog siya sa kagubatan ay ginising siya ng halakhakan ng mga

Kadalagahan mula sa batis ng Rawis. Nakita niyang naglulunoy sa malinaw na tubig

Ang magagandang dilag. Pinakamaganda rito si Daragang Magayon. Hindi

Nagpakilala si Ulap sa inibig na kaagad na dilag. Sapagkat nalaman ng binatang

Buwan-buwang naglulunoy ang magkakaibigan sa batis ay pinagsasadya niya ang

Nasabing lugar upang masilayan lamang ang pinakamamahal. Sa tuwing nagsisiahon

Ang mga dalaga sa kristal na batis ay gustung-gusto na sanang makipagkilala ni Ulap

kayMagayon subalit nag-aalala siyang baka sabihing siya ay pangahas.

Minsang napansin niyang may mga binata ring nakipaligo sa bukalRawis ay

Nakiligo na rin si Ulap. Sa sobrang pagmamahal kay Magayon ay sinikap niyang

Mapansin siya ng dalaga.

You might also like